module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

50
Module 11: Pangangalaga sa Kalikasan Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Upload: sonia-pastrano

Post on 15-Apr-2017

4.984 views

Category:

Education


466 download

TRANSCRIPT

Page 1: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Module 11: Pangangalaga sa Kalikasan

Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Page 2: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

(United Nation’s Intergovernmental on Climate Change, Aug. 2013.-report)

“Lebel ng mga dagat sa mundo, tataas hanggang tatlong talampakan sa 2100, ang pagtaas ng temperatura ay bumabagal simula pa noong 1998, ang patuloy na pag-iinit ay magpapatuloy kahit binawasan na ang paggamit ng fossil fuels.”

Page 3: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Isip-isip…•Ano sa tingin mo ang mga

dahilan kung bakit ang mga ito ay nagaganap? • Sino ba ang may kagagawan

sa ganitong mga pangyayari?

Page 4: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Gen. 1:27-31• Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang wangis bilang lalaki at babae. Binasbasan at binigyan ng tagubilin na magparami. Kaakibat nito ay ang utos na punuin ang daigdig at magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na sa lahat ng kanyang nilalang.

Page 5: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Tandaan…

• Ipinagkaloob ng Diyos sa Tao ang kapangyarihan na alagaan ang kalikasan na kaniyang nilikha.• Ang PAGTITIWALANG ito ay

isang patunay ng pagmamahal ng Diyos sa tao.

Page 6: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Ano nga ba ang kalikasan at ano ang kahalagahan nito?

• KALIKASAN- tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o wala. • Bahagi nito ang lahat ng bagay

na sumusuporta sa buhay ng mga nabubuhay na nilalang sa mundo.

Page 7: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

“Tayo ay binubuhay ng kalikasan”

•Ginawang sentro ng tao ang kanyang sarili sa lahat ng nilikha ng Diyos. Sa pag-aaka -lang siya ay may karapatan sa kalikasan. Kaya inabuso niya ang kalikasan.

Page 8: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Di Maintindihang Panahon at Pangyayari

• Matinding init ng Panahon• Di ma wari kung tag-ulan o tag-init• Pagputok ng Mt. Pinatubo – 1991• Pagguho ng lupa sa St. Bernard, Leyte 2006• Mga pagbaha lalo na sa sentro ng Bansa –

Ondoy 2009• Paglamon ng karagatan sa kalupaan

(Yolanda 2013)

Page 9: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

1. Bakit nga ba nangyayari ang ganito ngayon?

2. Anong mga gawain kaya ng tao ang naging dahilan

nito?

Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan

• Maling Pagtatapon ng basura

Page 10: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

2. Iligal na pagputol ng kahoy

*Mga binepesyong dulot ng punong kahoy

Nagbibigay ng preskong hangin upang tayo ay mabuhay.

Ang mga ugat tagapagdala at tagapag-ipon ng underground water na pinagmumulan ng malinis na tubig na ating iniinom.

Page 11: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Dulot nito…Sa mga buwan ng tag-init

nagdudulot ito ng kakulangan sa supply ng

tubig. Nauuwi ito sa pagbitak ng lupa na nagiging dahilan ng

pagkatuyo ng pananim.

Page 12: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

3. Polusyon sa hangin, tubig at lupa

Page 13: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

• Ang Polusyon sa hangin, tubig at lupa ay dulot rin ng naunang nabanggit na suliranin sa paligid. Ang mga polusyong ito ay nagpapabago sa kondisyon ng hangin, tubig at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay.

Page 14: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

4. Pagkawala ng biodiversity

Mapalad ang Pilipinas sa pagkakaloob ng Diyos ng kagubatang tropikal na pinaninirahan ng iba’t ibang uri ng hapoy at halaman na ang iba ay dito lang makikita.

Sa kasalukuyan unti-unti nang nawawala ang biodiversity dulot ng pang-aabuso sa lupa, deforestation, walang habas na pagkuha ng mga likas-yaman at panghuhuli ng mga hayop upang ibinta.

Page 15: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Some endangered Species of the Philippines

Page 16: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

5. Malabis at mapanirang pangingisda

•Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng mayamang karagatan at

iba pang anyong tubig. Marami itong iba’t ibang uri ng isda na ikinabubuhay ng

ilang lugar.

*Ang yamang dagat na ito ay unti-unting nauubos dahil sa

• dynamite fishing• Cyanide fishing

•Muro-moro system

Page 17: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Cyanide fishing ay ang pag.spray ng cyanide upang

lumabas ang mga isda sa coral reef na tinataguan. Ginagawa ang pangingisdang ito para

manghuli ng mga isdang inilalagay sa mga aquariums.

Page 18: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

6. Land Conversion

• Ang SubdivisionGolf CoursesHotelsExpressways …ilan lang sa land conversion na nakakasira sa kalikasan…

Page 19: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

7. Global Warming at Climate Change

• Climate Change – ang malawakang pag-iiba iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa matagalang sistema ng klima.

• Global warming – patuloy na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng “greenhouse gases” sa atmospera.

• Dahil ito sa patuloy na pag-init ng panahon.

Page 20: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Climate change

Page 21: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

8. Komersiyalismo at Urbanisasyon

• Komersiyalismo –tumutukoy sa ugali at kilos ng tao na nagpapakita ng labis na pagpapahalaga sa pagkita ng pera. (Pagmamahal sa materyal na bagay)

•Urbanisasyon – patuloy na paglago ng mga bayan, makikita sa pagpapatayo ng mga mall at condominium units.

•Konsyumerismo – paniniwala na mabuti sa tao ang gumasta ng guma -sta para sa mga materyal na bagay at serbisyo.

Page 22: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

•Dahil sa pagdami ng ninanais ng tao nawala

sa kanyang isip ang responsibilidad na

alagaan ang kalikasan.

Sino nga ba ang dapat sisihin sa

napapanahong problema sa ating

kapaligiran?

Page 23: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Ang Tao bilang tagapangalaga ng Kalikasan

• “Sa lalong paglaki ng kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kanyang pananagutan sa kanyang pamayanan.”

-Compendium of the Social Doctrine of the Church.

Page 24: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

• Ang lahat ng naisin ng tao na gawin sa kalikasan ay nararapat naaayon sa disenyo at kagustuhan ng Diyos. • Ang paggamit at pangangalaga sa

kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi isang pananagutan na bigyang pansin ang pangangalaga ng kalikasan para sa kabutihan ng lahat.

Page 25: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

•Bakit kailangang alagaan ng maayos ng

tao ang kanyang kapaligiran, ang

kalikasan?

Page 26: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Tandaan…•Ang lahat ng bagay na nilalang

ng Diyos ay magkaugnay. Ibigsabihin anumang mangyayari sa isa ay maaaring maganap sa atin, sa iba o makakaepekto sa atin.

•Ang pangangalaga sa kalikasan ay isang pananagutang panlipunan.

•Ang kalikasan ay nauubos rin. Hindi ito isang kasangkapan na maaari nating gamitin ayon sa ating kagustuhan. • Ingatan ito para sa susunod

na henerasyon.

Page 27: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Etikang Pngkalikasan

• Ang bawat tao ay may pananagutan at tungkulin na pangalagaan ang kalikasan. Nag-ugat ito sa katotohanang nabubuhay tayo sa iisang mundo. • May tungkulin tayong ayusin ang ating

paligid hindi lang para sa ating sarili at kapwa kundi para sa susunod na henerasyon.

Page 28: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Ang Sampong Utos para sa Kalikasan

- Mula kay Bishop Giampaolo Crepaldi, Kalihim ng Pontifical Council for Justice

and Peace.

Page 29: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

1. Ang tao na nilikha ng Diyos ayon sa kanyang wangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng

kanyang nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at

pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na

gawain ng pagliligtas.

Page 30: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

• Ibigsabihin igalang ang kalikasan, makiisa sa Diyos

sa pagpreserba ng kalikasan at pagpapanatili ng kaayusan

ng lahat ng nilalang sa mundo.

Page 31: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Ilang batas na nangangalaga sa kalikasan.

•Republic Act 3571, 10593 at •Executive Order No. 23 s. 2011

Page 32: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

2. Ang kalikasan ay hindi dapat gamitin bilang

kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na

higit pa sa dignidad ng tao.

Page 33: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Dapat iwasan…

Page 34: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

• Ang tao at ang kalikasan ay hindi pangkaraniwan, ordinaryo o walang halaga. Ang lahat ay bunga ng kaisipan, nais, pagmamahal at pagpapahalaga ng Diyos. • Kaya bawat nilalang ng Diyos, tao man

o kalikasan, ay hindi maaaring tratuhin na mga kasangkapan o gamit na maaaring gamitin nimuman taliwas sa tunay nitong layunin.

•Ang tao ay itinuturing na kamanlilikha ng Diyos kaya dapat gampanan

niya na may pagkaalam at responsibilidad ang

pangangalaga sa kalikasan.

Page 35: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing

para sa lahat bilang paggalang sa kalikasan na para rin sa

lahat, kabilang na ang henerasyon ngayon at sa

hinaharap.

Ang pangangalaga sa kalikasan ay gawaing

panlahat, isang hamon sa

pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

Page 36: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan,

nararapat na isaalang-alang muna ang etika at

dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya.

Hal. *Bagong uri ng Gamot

*Bagong gamit sa transportasyon at

komunikasyon=nakakatulong na maging madali ang buhay at maging mas ligtas

Paalala: “Papa Benedicto, “ang mga

tanda o halimbawa ng pag-asenso o progreso ay hindi lahat para sa

kabutihan.”

Page 37: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na

taliwas sa paggamit ng tao.

Dapat isaalang-alang ang tunay na gamit o layunin ng kalikasan bago ito

baguhin

Nararapat na may angkop na

pagkamalikhain at responsibilidad, dahil ito mismo ang ating

tahanan

Page 38: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na

naaayon sa politika ng ekolohiya.

Ang mga gagawin sa kalikasan ay nararapat na

nakapaloob sa pangsosyal, pangkultural, at pangrelihiyong layunin

nito sa komunidad.

Kung may babaguhin isipin muna ang sumusunod:*integridad o ritmo ng

kalikasan*Ang likas na yaman ay

limitado o may hangganan

*halagang nakataya sa bawat pagbabagong

gagawin*isipin kung magdudulot

ito ng permanenteng pagkasira ng kalikasan

Page 39: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

7. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may

pagkakapantay-pantay.

Ang bawat isa ay nararapat na aktibong

gumawa para sa ikauunlad ng lahat lalo na

sa mas mahihirap na rehiyon o bahagi ng

mundo

*Gamitin ang likas na yaman na may

katalinuhan at kaalaman.*Ibahagi ito para sa ikagagaling ng lahat

Page 40: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na

kapaligiran ay kailangang protektahan sa

pamamagitan ng pang-internasyunal na

pagkakaisa at layunin.

Ang pagtutulungan o kolaborasyon ng lahat ng lahi

sa pamamagitan ng pangmundong kasunduan na itinataguyod ng internasyunal

na batas ay mahalaga para mapangalagaan ang kalikasan

Halimbawa ng mga batas:*Kyuto Protocol – ito ay

kaugnay sa United Nations Framework Convention on

Climate Change*Naglalayong pababain ang pagpalabas ng usok mula sa

pabrika at sasakyan

Page 41: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

9. Ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan

ng pagbabago sa uri ng pamumuhay (lifestyles) na

nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol

sa sarili at ng iba pa.

*Tumalikod sa kaisipang konsyumerismo.

*Maging simple, magtimpi, pag-aalay, at disiplina

*Magkaroon ng kamalayan sa pagkakaugnay-ugnay ng

mga mamamayan.

Page 42: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

10. Ang mga isyung pangkalikasan ay

nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng

paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay kaniyang kaloob kung saan mayroon

tayong responsibilidad.

Gamitin ang kalikasan upang

ipakita ang pagpapasalamat at paggalang sa Diyos.

Page 43: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Ano ang maaaring kahahantungan natin kung

ating pababayaan ng tuluyan ang ating

tungkuling alagaan ang ating kalikasan?

Page 44: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10
Page 45: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

Mga hakbang sa pangangalaga ng kalikasan

1. Itapon ang basura sa tamang lalagyan

Page 46: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

2. Pagsasabuhay ng 4R

Replace

Page 47: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

3. Pagtatanim ng mga puno

Page 48: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

4. Sundin ang batas at makinapagtulungan sa mga tagapagtupad nito

• Iwasan ang mga bagay na hindi nakakatulong sa pagpepreserba ng kalikasan.• Isumbong at ipagbigay-alam sa may

kapangyarihan ang mga gawaing hindi naaayon sa batas at nakasisira sa kalikasan.

Page 49: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10

5. Mamuhay ng Simple

*Mamuhay ayon sa pangangailangan lamang.*Iwasan ang junkfoods na

nakasisira sa kalusugan*Iwasan ang paggamit ng mga

plastik na pambalot sa mga binibili

Page 50: Module 11 pangangalaga sa kalikasan es p 10