pananaliksik final (autosaved).docx

16
KABANATA 1 Panimula 1.1 Sanligan ng Pag-aaral Ang kaalaman ay sadya nga namang napakahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay sapagkat ito ay nagbibigay linaw sa mga bagay-bagay, para maging mulat tayo sa katotohanan at ito’y maaring mag paunlad ng ating buhay at maging sa ating minamahal na bayan. Ang kaalaman ay maaring makuha mula sa iyong karanasan o pag-aaral. Mula rito ay mas namumulat tayo sa katotohanan. Ayon pa nga kay Francis Bacon, “Knowledge itself is power” nangangahulugan lamang ito na ang kaalaman ay sadyang makapangyarihan na maaring kang makapanglinlang o magdulot ng ikakabuti sa iyong sarili o sa iyong kapwa. Ang Science Research Associates (SRA) ay isang pamamaraan upang madagdagan ang iyong kaalaman. Ang SRA ay nagsimula sa taong 1938, at ito’y isinakatuparan para sa mga magaaral at ito’y naipatupad naman sa Pilipinas sa tulong ng Abiva Publishing House. Sa pamamagitan ng SRA Reading Laboratory Kit ay mahahasa at may mapupulot na kaalaman ang mag-aaral, mas mabibigyang linaw ang mga haka- haka at matugunun ang kanilang mga katanunguan. Tulad na lamang sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Pilar College. Lahat ay inaatasan na gamitin ang SRA, ngunit sa pananaliksik na ito mas bibigyang atensyon natin ang mag-aaral sa ikatlong taon ng mataas

Upload: nurymar-abdulla

Post on 01-Nov-2014

130 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Requirement in Filipino IV

TRANSCRIPT

Page 1: pananaliksik final (Autosaved).docx

KABANATA 1

Panimula

1.1 Sanligan ng Pag-aaral

Ang kaalaman ay sadya nga namang napakahalaga sa ating pang-araw-araw

na buhay sapagkat ito ay nagbibigay linaw sa mga bagay-bagay, para maging mulat

tayo sa katotohanan at ito’y maaring mag paunlad ng ating buhay at maging sa ating

minamahal na bayan. Ang kaalaman ay maaring makuha mula sa iyong karanasan o

pag-aaral. Mula rito ay mas namumulat tayo sa katotohanan. Ayon pa nga kay Francis

Bacon, “Knowledge itself is power” nangangahulugan lamang ito na ang kaalaman ay

sadyang makapangyarihan na maaring kang makapanglinlang o magdulot ng ikakabuti

sa iyong sarili o sa iyong kapwa.

Ang Science Research Associates (SRA) ay isang pamamaraan upang

madagdagan ang iyong kaalaman. Ang SRA ay nagsimula sa taong 1938, at ito’y

isinakatuparan para sa mga magaaral at ito’y naipatupad naman sa Pilipinas sa tulong

ng Abiva Publishing House. Sa pamamagitan ng SRA Reading Laboratory Kit ay

mahahasa at may mapupulot na kaalaman ang mag-aaral, mas mabibigyang linaw ang

mga haka-haka at matugunun ang kanilang mga katanunguan. Tulad na lamang sa

mga mag-aaral ng mataas na paaralan ng Pilar College. Lahat ay inaatasan na gamitin

ang SRA, ngunit sa pananaliksik na ito mas bibigyang atensyon natin ang mag-aaral sa

ikatlong taon ng mataas na paaralan. Ngunit sa kabila nito, may mga nagsasabi paring

walang naging epekto sa kanila ang paggamit ng SRA. At ito ang nais namin bigyang

atensyon sa kung ano ba talaga naidulot ng programang ito mga nabanggit na mag-

aaral.

Hindi maikakaila ang kaalaman ay malawak ang maaring idulot, maraming

paraan upang matuto tulad na lamang naunang nabanggit, SRA. At sa panahong ito

malawakan nang ginagamit ang SRA. Sa kabila nito masakit pa rin malaman na iilan

lamang ang nagsasabing maganda ang naging epekto nito sa kanila. Sapagkat ang

Page 2: pananaliksik final (Autosaved).docx

iba’y pinipili lamang ang gusto nilang malaman. At sa seryeng ito, bibigyan diin natin

kung ano nga ba talaga ang epekto nag SRA lalo na sa piling mag-aaral sa ikatatlong

taon ng mataas na paaralan ng Pilar College.

1.2 Pagpapahayag ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na bigyang kaalaman kayo patungkol sa naging

epekto sa pag-gamit ng SRA ng mga piling mag-aaral sa ikatlong taon sa hayskul ng

Pilar College.

Upang matugunan ang nasabing layunin, narito ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Makabuluhan ba ang naging epekto ng paggamit ng SRA

2. May pagkakaiba bang naganap sa kanilang kaalaman kumpara sa mga

panahong wala pang SRA

3. Anu-ano ang pananaw ng mga estudyante tungkol sa SRA

4. Marapat ba bang ipagpatuloy ang programang ito.

1.3 Kahalagaan ng Pag-aaral

Hangarin ng pag-aaral na ito ay magbigay impormasyon sa Direktress, sa

naging estado at ang naging epekto sa mga piling mag-aaral sa ikatlong taon ng

mataas na paaralan ng Pilar College sa pag-gamit ng SRA. Maging sa punong guro na

nais naming bigyang kaalaman sa kung kapakapakinabang ba ang SRA sa mag-aaral

at maglunsad ng programa kung kinakailangan, para naman mahikayat ang mga

estudyante na mas lalong bigyang importansya ang pag-gamit ng SRA at. At gayundin

sa guro na gabayan ang kanilang minamahal na estudyante upang sa gayon ay maging

interesado sila sa gawaing ito.

Page 3: pananaliksik final (Autosaved).docx

Sa panig naman ng mga estudyante, mabigyang-linaw sila sa kung ano ang

naging epekto ng SRA sa kanilang kaalaman at kung may kinakailangan ba silang

baguhin o dagdagan sa pamamaraan ng pag-unawa at pag-gamit nila ng SRA.

Samakatuwid, ang kahalagahan nitong pag-aaral ay para sa lahat. Para mas

mulat ang lahat sa katotohanan; upang magkakaunawaan ang lahat lalo ng ang sangay

ng paaralan at ng mga mag-aaral. Kabutihan para sa lahat ang hinahangad na

pananaliksik na ito.

1.4 Saklaw at Delimitasyon

Nais naming bigyang diin ang naging epekto sa paggamit ng SRA ng mga

mag-aaral. Ito’y tulad ng sa kung ano ang naging epekto sa kanilang kaalaman, epekto

sa kanilang pag-komunikasyon o maging sa pagiging malikhain at pag-unawa nila.

Ang kalahok sa gawaing ito ay mula sa piling mag-aaral ng Pilar College sa

ikatlong taon ng hayskul. Minarapat namin silang maging kalahok sa kadahilanang sa

taong ito ay ang kanilang kauna-unahang pag-gamit nila ng SRA, dahil sa nakaraang

dalawang taon nila sa hayskul ay hindi pa naipapatupad ang pag-gamit ng SRA sa

paaralan. At marahil na rin sa ginawang pagbabago, bilang ikatlong taon sa hayskul ay

sumasailalim sila sa tinatawag na NCAE o National Achievement Test Career na dati ay

sa ikapat na taon ng hayskul lamang ito ginagawa, at dahil nga rito ay nais naming

malaman kung may naitulong ba ang SRA sa kanilang nasabing pagsusulit.

Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay aabot ng limangpu(50) na mag-

aaral. Bawat sekyon ay pipili ng sampung(10) kalahok, lima(5) mula sa “Top 10

students” at lima mula naman sa hindi kabilang sa “Top 10 students”.

Page 4: pananaliksik final (Autosaved).docx

1.5 Pagbibigay Katuturan

Upang mas mabigyang linaw ang mga ilan sa katagang nabanggit, naririto

ang kahulugan sa mga kahulugan:

Kaalaman – lahat ng maaring matutunan; natutunan mula sa esperansya o maging sa

pinag – aralan.

SRA – Science Research Associate, ito ay isinagawa para bigyang kaalaman ang mga

mag-aaral.

Mataas na paaralan – ito din ay tinatawag na hayskul; ang taon matapos ang

elementary.

Epekto – ito ay ang naging bunga o nabago sa iyong ginawa.

Hangarin – ang iyong layunin o nais ipahiwatig.

Matugunan – ito ay ang sagot o sulusyon sa isang katanungan o problema.

Pag-unawa – ito ay ang iyong interpretasyon o pagkakaintindi.

Malikhain – kakayahan ng paggamit ng imahinasyon upang magawa/makapag-isip ng

panibagong idea.

NCAE – National Career Achievement Test; ito ay pagsusulit na isinagawa upang

malaman ang nararapat na kurso sa iyo ayon sa estado ng iyong kaalaman; ito’y unang

isinasagawa ng ikapat na taon ng hayskul ngunit sa taong ito, ito’y kanilang binago at

sa ikatlong na taon ng hayskul na lamang ang maaring sumailalim. Maari pa ring

kumuha ng pagsusulit ang ikapat na taon sa hayskul ayon sa kanilang kagustuhan.

Page 5: pananaliksik final (Autosaved).docx

KABANATA II

LOKAL AT BANYAGANG PAG-AARAL

4.1 Lokal ng Pag-aaral

Ang SRA nga naman napakalaking tulong sa kaalaman ng mga mag-aaral at

ito’y pinatuyan ni Marilyn Mendoza

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay makikita ang mga disensyong isanagawa para sa

pananaliksik na ito, maging na rin ang paraan ng pagpili ng mga kalahok at ang mga

paraan o hakbang sa paglikon ng datos.

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isang Pasuring Palarawan. Inaalam sa

pananaliksik na ito ang naging epekto sa pag-gamit ng SRA ng piling mag-aaral sa

ikatlong taon ng mataas na paaralan ng Pilar College.

3.2 Pagpili ng Kalahok

Ang mag kalahok sa sinagawang pananaliksik ay ang mga piling mag-aaral

sa ikatlong taon ng mataas na paaralan ng Pilar College sa taong panunuran, 2011-

2012. Ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay limampu (50). Bawat seksyon ang pipili

ng sampung kalahok, lima(5) mula sa napabilang na Top 10 students at lima(5) mula sa

mga hindi napabilang sa Top 10 students.

Page 6: pananaliksik final (Autosaved).docx

Sa taong 2011-2012 unang sinimulan ng Pilar College ang pag-gamit ng

SRA, at dahil nga rito pinili ng mananaliksik na maging respondent ang piling mag-aaral

sa ikatlong taon ng mataas na paaralan ng Pilar College at bilang unang pagkakataon

nila na gumamit ng SRA ay nais namin sa pananaliksik na ito na malaman ang naging

pag-kakaiba ng mga taong wala pa ang SRA sa kanilang pag-aaral at ngayon na may

SRA na sa kanilang kaalaman, at bilang sila rin ang susunod na mag-aaral sa ikapat na

taon ng mataas ng paaralan ng Pilar College, ay mas matitindi ang tatahakin nila sa

antas ng pag-aaral.

3.3 Instrumento

Ang instrumento na ginamit sa pananaliksik na ito ay isang papel sa bawat

isang mag-aaral na may nakapaloob na mga katanungan hingil sa pag-gamit ng SRA.

Ang mga katanungan ay may apat(4) na bilang limang at isang parte kung saan

maaring magbigay sila ng komento o suwestyon patungkol SRA. Ang kanilang magiging

sagot ay base sa kanilang pananaw, ibig sabihin walang tama o mali sa kanilang mga

sagot.

3.4 Paglikom ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa taong 2011-2012. Humingi ng

pahintulot ang mga mananaliksik sa guro para sa paglikom ng datos. Ang mga

mananaliksik ay nagsagawa muna ng instrumento at pagkatapos ay iprinisenta sa

profesora ng Departamento ng Filipino.

Bago isinagawa o ipinasagot ang mga nakalaan na katanungan ay

ipinaliwanag muna ng mabuti sa mga kalahok ang nakapaloob sa nasabing instrumento

upang lubos na maintindihan at maunawaan ng mga kalahok ang mga katanungan sa

gayon ay masagot nila ito nang maayos.

Page 7: pananaliksik final (Autosaved).docx

KABANATA IV

Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng mga Datos

Makikita sa kabanatang ito ang Presentasyon, Analisis, at Interpretasyon ng

mga Datos na isinagawa ng mga mananaliksik. Maging ang result ang ginawang sarbey

sa mga mag-aaral ng ikatlong taos sa mataasn na paaralang Pilar College.

4.1 Talahanayan – Talaan ng mga sagot sa unang bilang sa kung naging

makabaluhan ba ang pag-gamit nila ng SRA

Page 8: pananaliksik final (Autosaved).docx

Oo Hindi0

5

10

15

20

25

30

Kabilang sa Top 10 Students

Hindi kabilang sa Top 10 Students

Bilang ng kalahok

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, 52% sa bawat

dalwamputlimang(25) mag-aaral sa ikatlong taon ng mataas na paaralan ng Pilar

College na kabilang sa Top 10 students ang nagsasabing naging makabuluhan para sa

kanila ang pag-gamit ng SRA, samantlang 48% naman ang nagsasabing hindi naging

makabuluhan sa kanila ang paggamit ng SRA.

Sa panig naman ng mga mag-aaral na hindi kabilang sa Top 10 students,

68% sa bawat 25 mag-aaral ang nagsasabing oo at naging makabuluhan ang naging

epekto sa kanila ng paggamit ng SRA. At ang 32% naman ang nagsasabing hindi

naging makabuluhan sa kanila ang paggamit ng SRA.

4.2 Talahayanan – Talaan ng mga sagot sa ikalawang bilang na nag bigay diin

kung sa bakit, nagsasabing silang hindi makabuluhan ang naging epekto sa

kanila ng SRA

Page 9: pananaliksik final (Autosaved).docx

Kabilang sa Top 10 students

Hindi kabilang sa Top 10 students

0

2

4

6

8

10

12

14

A. Sapagkat sagabal lamang ito sa iba kong gawain

B. Sapagkat mas naguluhan lamang ako

C. Ibang kadahilanan

Kabuuang bilang ng mga naging sa sagot sa ikalang numero ng sarbey

Makikita naman sa talahayanan na ito ang naging kasagutan sa bilang

dalawa(2) ng mga mag-aaral na nagsasabing hindi makabuluhan ang naging epekto sa

kanila ng paggamit ng SRA. Sa pananaw ng mga mag-aaral na kabilang sa Top 10

students, 33% ang nagsasabing sagabal lamang ito sa iba nilang gawain, 17% naman

ang nagsabing mas nagugulahan lamang sila rito at 50% o halos kalahati ng kabuuang

bilang ang nagbigay ng ibang dahilan kung bakit hindi ang naging sagot nila sa unang

bilang, tulad lamang na dagdag gastos lamang ito sa kanila.

Sa pananaw naman ng mga mag-aaral na hindi kabilang sa Top 10 students,

40% ang nagsasabing sagabal lamang ito sa iba nilang gawain, 30% naman ang

nagsabing mas nagugulahan lamang sila rito at 40% naman ang nagbigay ng ibang

kadahilanan tulad ng, hindi naman daw ito nirerekord sa kanilang grado kaya

kaasayahan lamang daw ito.

4.3 Talahayanan – Talaan ng mga sagot na nagsasabing Oo at naging

makabuluhan ang epekto sa paggamit nila ng SRA

Page 10: pananaliksik final (Autosaved).docx

Kabilang sa Top 10 students Hindi kabilang sa Top 10 students

0

5

10

15

20

25

A. Mas nadagdagan ang kanilang kaalaman

B. Nakatulong ito sa kanilang mga pagsusulit

C. Ibang kadahilanan

Kabuuang bilang ng mga sagot sa ikatlong numero ng sarbey

Ayon sa mga mag-aaral na kabilang sa Top 10 students, 69% ang sumagot

na mas nadagdagan ang kanilang kaalaman kaya Oo ang naging sagot nila sa unang

bilang, 31% ang sumagot na nakatulong ito sa kanilang mga pagsusulit tulad ng NCAE

at 0% o wala namang nagbigay pa ng ibang dahilan.

Sa pananaw naman ng mga mag-aaral ng hindi kabilang sa Top 10 students,

48% ang sumagot na mas nadadagdagan ang kanilang kaalaman, 43% naman ang

sumagot na nakatulong ito sa kanilang pagsusulit at 9% naman ang nagbigay ng ibang

dahilan tulad ng, may nalalaman sila na bagong mga salita sa paggamit ng SRA.

4.4 Talahayanan – Talaan ng mga sagot sa ikapat na bilang ng sarbey sa kung

dapat pa bang ipagpatuloy ang paggamit ng SRA

Page 11: pananaliksik final (Autosaved).docx

Kabilang sa Top 10 students Hindi kabilang sa Top 10 students

0

5

10

15

20

25

30

Oo

Hindi

Bilang ng mga mag-aaral na sumailalim sa sarbey

Sa talahayanan na ito, makikita sa naging sagot ng mga mag-aaral na

kabilang sa Top 10 students na 64% ng kabbuang bilang na mag-aaral ang sumasang-

ayon na dapat pang ipagpatuloy ang SRA sa susunod ng mga taon at 36% naman ang

hindi sumangayon sa pagpapatuloy ng paggamit ng SRA sa mga susunod na taon.

KABANATA V

Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Page 12: pananaliksik final (Autosaved).docx

Ang pag-aaral na ito nakatuon lamang sa naging Epekto ng paggamit ng SRA

sa piling mag-aaral ng ikatlong taon sa mataas na paaralan ng Pilar College. Sa

kabanatang ito lalagumin, bibigyang konklusyon at magbibigay rekomendasyon ang

mga mananaliksik mula sa naging resulta ng mga datos Kabanata IV.

5.1 Paglalagom

Ang panaliksik na ito na pinamagatang, “Epekto sa pag-gamit ng Science

Research Associates ng mga piling mag-aaral sa ikatlong taon ng mataas na paaralan

ng Pilar College”. Ito ay pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik upang bigyang

tuun sa kung ano ba talaga ng naging epekto ng paggamit ng SRA ng mga piling mag-

aaral sa ikatlong taon ng mataas na paaralan ng Pilar College, sa kanilang kaalaman at

maging sa kanilang pamumuhay. At sa resultang aming nakalapap, ayon sa kanila’y

naging maayos at makabuluhan naman ang epekto sa kanila ng pag-gamit ng SRA at

nais nilang itong ipagpatuloy.

5.2 Konklusyon

Base sa naging resulta ng sinagawang sarbey ay sa unang taon ng paggamit

ng SRA, marami ang nagsasabing maayos o makabuluhan naman daw ang naging

epekto nito sa kanila lalo na sa kanilang kaalaman at ayon pa nga sa kanila marami

silang bagong natutunan ng mga salita, at mas nabibigyang linaw ang kanilang

katanungan. Ngunit sa kabilang banda na naman, may mangilan-ngilan naman ang

hindi pabor sa SRA sapagkat pabigat lamang daw ito sa kanila, sagabal sa mga ibang

gawain nila at dagdag gastos lamang daw. Sa huli, sa kabila ng mga negatibong

pananaw ng iba tungkol sa paggamit ng SRA ay marami pa rin ang pabor o

nagsasabing dapat ipagpatuloy ang paggamit ng SRA sapagkat maganda naman ang

hangarin nito, para naman ito sa ikakabuti ng mga mag-aaral.

Page 13: pananaliksik final (Autosaved).docx

5.3 Rekomendasyon

Sa puntong ito nais namin magbigay impormasyon sa lahat tungkol sa aming

nagiging pananaw base sa naging resulta ng sarbey. Nais naming magbigay ng

rekomendasyon para na din mas malinawan ang nakakaitaas kung marapat pa bang

ipagpatuloy ang programang SRA.

Sa pangkalahatan, masasabi naming matagumpay naming nairaos ang nais

naming makuhang pulso mula sa piling mag-aaral sa ikatlong taon ng mataas na

paaralan ng Pilar College.

Bilang rekomendasyon, maari naming isaad na makatwiran ang pagpapatuloy

sa programang SRA sapagkat base sa resulta ng ginawang sarbey, lumalabas na mas

marami ang nais ipagpatuloy ito sapagkat nakakatulong ito sa kanilang kaalaman at

mas mapapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa aspetong pang-agham,

Matematika at sa Ingles.