pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

11
PARAAN NG PAG-AGAPAY NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON SA UST KOLEHIYO NG NARSING RIOS LIEZEL*, RAYMUNDO JUSTINE, BALTAZAR MELLE, BAGOT LIEN, ANDAYA NICOLE, DE GUZMAN ALEXIS, BISCOCHO ASHLEY MULA SA I-8 NG UNIBERSIDAD NG STO.TOMAS-KOLEHIYO NG NARSING IKA-2 SEMESTER. T.A. 2009-2010 SA PATNUBAY NI GNG. ZENDEL TARUC .M. ED. LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mailahad ang mga iba’t-ibang uri ng stress na kinahaharap ng mga estudyante sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas at matukoy ang kanilang mga paraan sa pag-agapay. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maitaas ang lebel ng awareness ng mga mambabasa lalo na ang mga estudayanteng nasa kolehiyong Narsing upang sila’y makabuo ng solusyon para sa stress o pagkahapo na kanilang nararanasan. Ang pag- aaral ding ito ay makatutulong upang mamulat sila sa mahahalagang paraan ng pag- agapay upang hindi sila makaramdam ng sobrang pagkahapo na maaring makaapekto sa kanilang kalusugan. . I. PANIMULA Ang pagpasok sa kolehiyo ay isa sa mga hakbang na pinaka-aabangan ng maraming estudyante sa hayskul. Bagama’t ang iba ay nakararanas ng masaya o matagumpay na buhay sa kolehiyo. Nariyan na ang problema sa pamilya, pera, at relasyon na maaring makaabala sa pag-aaral. Karaniwang problema naman sa eskwelahan ay ang grado,”report”, kanilang “class standing” sa klase, atbp. Dahil dito, masasabing ang mga estudyante sa kolehiyo ang nakararanas ng mataas na lebel ng pagkahapo o stress. May iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng “stress” o pagkahapo. Maaaring hindi komportable ang isang indibidwal para sa isang sitwasyon ngunit maaaring masaya naman ito para sa iba. Nararapat na tayo ay maging mapanuri at magkusang tuklasin ang mga bagay na nakakaapekto sa ating pagkahapo at maaring mga paraan ng pag-agapay dito upang maging matagumpay ang pakikitungo sa mga problemang kakaharapin sa kolehiyo. Sa pag-aaral na ito na pinamagatang "Paraan ng Pag-agapay ng mga Estudyante sa Unibersidad ng Sto. Tomas - Kolehiyo ng Narsing," tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga karaniwang sanhi ng pagkahapo at ang magiging epekto nito sa isang indibidwal. Ibabahagi din ng pag-aaral na ito ang at ang mga

Upload: jaraymundo11

Post on 18-Nov-2014

916 views

Category:

Documents


51 download

DESCRIPTION

pamanahong papel sa filipino. isang research ukol sa stress at coping mechanism ng mga estudyante sa UST kolehiyo ng Narsing

TRANSCRIPT

Page 1: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

PARAAN NG PAG-AGAPAY NG MGA MAG-AARAL

SA UNANG TAON SA UST KOLEHIYO NG NARSING

RIOS LIEZEL*, RAYMUNDO JUSTINE, BALTAZAR MELLE, BAGOT LIEN,

ANDAYA NICOLE, DE GUZMAN ALEXIS, BISCOCHO ASHLEY

MULA SA I-8 NG UNIBERSIDAD NG STO.TOMAS-KOLEHIYO NG NARSING

IKA-2 SEMESTER. T.A. 2009-2010

SA PATNUBAY NI GNG. ZENDEL TARUC .M. ED.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay mailahad ang mga iba’t-ibang uri ng stress na kinahaharap ng mga estudyante sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas at matukoy ang kanilang mga paraan sa pag-agapay.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maitaas ang lebel ng awareness ng mga mambabasa lalo na ang mga estudayanteng nasa kolehiyong Narsing upang sila’y makabuo ng solusyon para sa stress o pagkahapo na kanilang nararanasan. Ang pag-aaral ding ito ay makatutulong upang mamulat sila sa mahahalagang paraan ng pag-agapay upang hindi sila makaramdam ng sobrang pagkahapo na maaring makaapekto sa kanilang kalusugan.

I. PANIMULA

Ang pagpasok sa kolehiyo ay isa sa mga hakbang na pinaka-aabangan ng maraming estudyante sa hayskul. Bagama’t ang iba ay nakararanas ng masaya o matagumpay na buhay sa kolehiyo. Nariyan na ang problema sa pamilya, pera, at relasyon na maaring makaabala sa pag-aaral. Karaniwang problema naman sa eskwelahan ay ang grado,”report”, kanilang “class standing” sa klase, atbp. Dahil dito, masasabing ang mga estudyante sa kolehiyo ang nakararanas ng mataas na lebel ng pagkahapo o stress. May iba’t ibang dahilan sa pagkaranas ng “stress” o pagkahapo. Maaaring hindi komportable ang isang indibidwal para sa isang sitwasyon ngunit maaaring masaya naman ito para sa iba. Nararapat na tayo ay maging mapanuri at magkusang tuklasin ang mga bagay na nakakaapekto sa ating pagkahapo at maaring mga paraan ng pag-agapay dito upang maging matagumpay ang pakikitungo sa mga problemang kakaharapin sa kolehiyo.

Sa pag-aaral na ito na pinamagatang "Paraan ng Pag-agapay ng mga Estudyante sa Unibersidad ng Sto. Tomas - Kolehiyo ng Narsing," tatalakayin ng mga mananaliksik ang mga karaniwang sanhi ng pagkahapo at ang magiging epekto nito sa isang indibidwal. Ibabahagi din ng pag-aaral na ito ang at ang mga paraang ginagamit ng mga estudyante sa kolehiyo ng Narsing para sa mabisang pag-agapay nila sa pagkahapo.

II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Stress sa Kolehiyo

Ayon sa pananaliksik nina Schulenberg, Maggs, & Hurrelmann (1997), para sa mas nakararaming kabataang mga lalaki at babae, ang pagkokolehiyo ay ang magandang panahon para sa

Page 2: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

hamon at oportunidad ng pag-unlad. Ayon naman kay Balk (1995), Hurrelmann at Losel (1990), para sa karamihan, ang pagkokolehiyo ay ang unang pagkakataon ng paglayo sa tirahan, mga magulang, at sa mga nakasanayang lugar. Tulad ng ibang malalaking pagbabago sa buhay, ang pagkokolehiyo ay maaaring pagkakataon ng personal na pagbabago na maaari ring pagmulan ng stress o pagkahapo. Alinsunod sa pag-aaral ni Jaff-Gill et. al. (2007) maraming sanhi ang stress at ito ay magka-iba sa iba’t-ibang indibidwal. Ang iyong itinuturing na nakahahapo ay depende rin sa maraming mga dahilan kabilang na ang iyong personalidad, abilidad sa paglutas ng problema at ang mga taong nariyan para sumoporta. Ang isang bagay na nakahahapo sa’yo ay maaaring nakatutuwa pala para sa iba. Napatunayan rin nina Haan, Millsap, at Hartka (1986) na ang pagbabago mula sa pagiging adolescent sa pagiging young adult ay nakawawalang-tatag ng ibang ugali tulad ng pagiging pagkamaasa (dependent) at pagiging mailap sa mga nakakasama. Kahanay nito, kaugnay ng pagkokolehiyo ang karagdagang pagkabalisa at depresyon ayon kina Kuribayashi,Whitney, at McClushkey-Fawcett (1997). Batay kay Margolis (1989), ang mga nasa unang taon ng kolehiyo na nakararanas ng hirap sa pagbabago ay nagkukulang ng epektibong pagkayang kapasidad at nilulutas sa paghiwalay sa kaibigan, paninisi sa iba, pag-inom ng alak at pagdodroga, at nagiging aktibo sa sex. Halimbawa, ang pag-inom ng alak sa pagkokolehiyo ay normal lamang na gawaing pagkaya. Ang labis na pag-inom ng alak ay makakasama sa kalusugan ayon kina Maggs, 1997; Schulenberg et al.; (1997). Pinatunayan rin ni Jaff-Gill et. al. (2007) pagkahapo ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na karamdaman, ito rin ay may masamang epekto sa mental na kalusugan. Habang nagtatagal, ito ay nagdudulot ng mental na problema, tulad ng: pagkabalisa, kalungkutan problema sa pagkain, at pag-aabuso ng substansiya. Ang pagkahapo ay nakakaapekto sa utak, particular na dito ay ang memorya, ngunit ang epekto nito at nag-iiba depende kung ito ay acute o chronic.

Stress sa mga Amerikano

Ayon sa pananaliksik ni Chang (2006), ang pagkahapo rin ay maaring magdulot o magpalala sa ilang sintomas o karamdaman. Ang pagkahapo sa paaralan ay mas malala ngayon kung ikukumpara noon. Sa sobrang tindi ng pagkahapo ng kabataan, minsan ito ay umaabot sa pagpapakamatay. Ayon kay Atkins, A., (1992) ng Capable Kids Counseling Centers, isang American teenager ay nagtatangkang magpakamatay bawat 78 segundo.

Isang patunay sa pahayag na ito ay ang balita ng US News and World Report na 30% ng mga eskwelahan sa Amerika ang nagkaroon ng apat na kaso ng pagpapakamatay.

Stress sa mga Asyano

Ang mga Asyanong naninirahan sa ibang bansa ay may kanya-kanya ring dahilan ng pagka-stress. Una sa listahan ay ang “racism”. Nagkakaroon ng mataas na stress rates sa mga kolehiyo kung saan ang mga Asyano ay mag-aaral sapagkat hindi maiiwasan ang diskriminasyon. Ayon kay Mooko, ang mga kolehiyong Asyano ay nahihirapang pumasok sa mga Unibersidad sapagkat may mga kota silang dapat maabot na nakalaan lamang sa kanila.

Isa rin sa mga dahilan nila na pagkakaroon ng stress ay ang bansag sa kanila bilang “model minority”. Ang mga kolehiyong Asyano ay napapahiya kapag hindi nila nagampanan ang pagiging modelo nila sa ibang mag-aaral. Mataas ang pagtingin sa kanila kung kaya’t madali silang ma-stress dahil dito. Hindi din maiiwasan ang pagkagalit ng ibang estudyante sa mga Asyano sapagkat napapaloob nanaman dito ang diskriminasyon.

Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng stress, nagpag-alaman na sila ang may pinakamataas na “suicidal tendencies” o ang pagpapakamatay. Nagpatunay sa pahayag na ito ang National Institute of

Page 3: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

Mental Health (NIMH) na ang pagpapakamatay ang pangatlo sa dahilan ng pagkamatay sa Asya. Particular na dito ang mga kabataang edad 15-24.

Stress sa Kolehiyo ng Narsing

Mula sa pag-aaral ni Rodriguez, ang pag-aaral ng narsing ay isang exciting at punong-puno ng pagsubok na paglalakbay dahil ito ang isa sa pinakamahirap na kurso ngayon at karamihan sa mga estudyante ngayon ay ito ang kinukuha. Dahil dito, ito ang dahilan sa pagkaubos ng oras at enerhiya ng mga mag-aaral. Ang narsing ay isang propesyon na siyang nagbabawas ng karamdaman ng isang indibidwal at sila rin ang responsible sa pagpapanitli ng kalusugan.

Gayunpaman, ang isang nurse ay kumakaharap ng mga komplekadong sitwasyon at problema na maaring hindi masolusyunan o maagapan sa pamamagitan ng mga teorya, mga kaalamang pampropesyon at kakayanan ng isang nars. Isang pag-aaral ang tumalakay sa mga problema na kinahaharap ng mga estudyanteng Narsing. Ang mga problema din na ito ay napatunayang dahilan ng pagkakaroon ng stress ng mga estudyante.

Ang stress ay maaring magmula mula sa mga kaibigan, propesor, pamilya o kamag-anak, pati narin sa relasyon at kompetisyon. Araw-araw, hindi lang utak ang kailangan ng mga estudyante upang magawa ang mga gawain at maging masaya kapag ito’y nagawa ng mabilis, ngunit, kailangan din isa alang-alang ang emosyon sa pakikitungo sa mga tao hindi lang ang pagharap sa mga makakapal na libro. Ang mga estudyanteng Narsing ay nakararanas ng matinding stress na maaaring maging sanhi ng problema sa

kalusugan at sa pag-iisip ng tao, tulad ng depresyon at takot.

Dahilan din ng pagkakaroon ng stress sa mga estudyanteng Narsing ay ang kanilang “relative learning experience” at ang iba pang kurso kung saan sila ay naka-enrol. Ang learning experience ay serye ng mga planadong aktibidades sa komunidad na maghahanda sa mga estudyante para sa mga propesyunal na gawain. Isa pa sa dahilan ay ang oras na inilalaan sa mga silid-aralan ng kolehiyo ng Narsing at sa laboratoryo. Ang patuloy na mga aktibidades na nagiging dahilan ng stress ay ang hindi inaasahang pagbabago sa ugali na nakakabawas sa kanilang performance. Makararamdam sila ng pagbagsak ng

kalusugan, pisikal at emosyonal na stress. Ang pisikal at sikolohikal na sintomas ng stress na makikita sa bawat estudyante ng Narsing ay ang mabigat ng pagdurusa tulad ng pagka-irita, hindi makapokus, hindi makatulog, depresyon, madalas na nangangamba, nanunuyo ang bibig at walang ganang kumain.

Kapag ang stress na ito ay hindi na makuhang solusyunan at lumampas na sa kapasidad ng pag-agapay ng isang mag-aaral, maaari itong magdulot ng masamang epekto sa paraan ng pag-iisip ng estudyante, tulad ng pagtatangkang pagpapakamatay, pagpapatalsik ng estudyante sa paaralan maaaring hindi na maipagpatuloy ng estudyante ang kursong kinukuha, hindi pagpasok sa klase, misconduct behaviors. Ang mga ganitong problema ay nangangailangan ng ibayong suporta at pag-papayo.

Coping Mechanism sa Kolehiyo

Natural lang para sa mga estudyanteng kolehiyo ang nararanasang pagkahapo. Kung kaya’t karamihan sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay gumagawa ng paraan para sa mabisang pag kontrol o pag-agapay nila sa stress o ang tinatawag na “coping mechanism”.

Page 4: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

Ang pananaw sa stress at pag agapay dito o “coping mechanism” ay may pagkakaiba sa bawat kultura. Gayun pa man, walang standard o tiyak na coping mechanism ang itinuturing na epektibo sa lahat sapagkat ito ay nagkakaiba sa bawat kultura. Sang-ayon sa 2006 mtvU College Mental Study, na ang dalawang pangunahing paraan upang makabawas sa paghahapo ay ang pakikinig sa mga tugtugin (79%) at ang pagtulog (73%). Nakasaad din dito na ang mga lalaking estudyante ay naglalaro ng iba’t ibang isports at iba’t ibang mga video games. Ang iba naman ay nagsasabing gumawa ng mga “organizers.” Sinasabi rin dito na ang alak ay isa pang paraan sa pagharap sa iba’t ibang pagkahapo o stress. Batay naman kay Susan Williams, Ang pinakakaraniwan na istratehiya ng pag-agapay ay ang “help seeking” na kung saan ang indibidwal ay humihingi ng alalay o pag-agapay mula sa iba. Ang suporta mula sa mga kaibigan ay importante rin upang makabawas sa pagkahapo na nararanasan ng mga mag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Wong (1991,1993), ang isang indibidwal ay gumagamit ng “existential coping” na kung saan siya ay nagiging “optimistic” ang isang indibidwal sa panahon ng negatibong pangyayari. At ang isa naman sa pinaka-epektibong paraan ayon kay Lazarus at Folkman (1984) ay ang “active coping,” na kung saan ang indibidwal ay gumagawa ng agapang solusyon sa kanyang pagkahapo.

Sa pag-aaral nina Lee at Mixon etal. (1995), ang mga Asyano ay may mas mababang positibong pananaw sa “counseling services” kaysa sa mga Amerikano. Isa sa mga dahilan ng konklusyon na ito ay ang “collective cultures” ng ilang indibidwal dahil sinasabing ayaw humingi ng tulong ng mga Chinese at Japanese galling sa iba. Gayunpaman, ilan sa mga nakararanas ng pagkahapo ay gumagamit ng mahigit sa isang paraan na “help seeking strategy.” Halimbawa, ang isang indibidwal ay maaaring humingi ng tulong mula sa kaibigan kasabay ng pananalangin sa Panginoon upang humingi ng patnubay.

Ayon naman sa survey na isinagawa sa University of Michigan, isa sa bawat limang amerikanong estudyante sa kolehiyo ang gumagamit ng “prescription drugs” tulad ng pain killers at sleeping pills sa pag aakalang ang mga gamot na ito ay mas ligtas kaysa “street drugs” tulad ng marijuana, shabu at iba pa. Gayunpaman, napagalaman ng Archives of Pediatrics and Adolescent Medicine na mas nakakaadik pa ang mga “prescription drugs” na ito kumpara sa cocaine at heroine kung saan kapag naparami ang paginom nito ay maaring magdulot ng masama sa ating katawan. Ayon sa pag-aaral ng Annual Review of Public Health 2005, bukod

sa pag gamit ng mga prescription drugs ng mga estudyanteng kolehiyo sa America, ang mga estudyanteng ito ay malapit rin sa pag abuso ng alak. Ang mga estusyanteng ito ay sumasailalim sa ganitong mga bisyo sa pag-aakalang mabibigyan sila nito ng pag-asa o “relief” sa panandaliang panahon.

III. PAGLALAPAT NG SARILING PAG-AARAL

A. Metodolohiya

Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga datos sa pamamaraan ng sarbey. Nagbigay ng isang set ng talatanungan ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa unang taon ng Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas noong Marso 5, 2010. Sa 60 na talatanungan lahat ay naibalik.

Ang talatanungan ay nakapokus sa pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa pagkahapo o stress at ang kanilang paraan ng pag-agapay. Una, nagtanong ito kung ang mga mag-aaral ay nakararanas ng pagkahapo. Pangalawa ay nagtanong naman ukol sa mga palagay ng mga mag-aaral tungkol sa pagkahapo (tulad ng akademiks, personal na buhay at iba pa). May mga tanong din na tumatalakay sa posibleng dahilan ng pagkakaroon ng stress, aspeto ng pang-araw-araw na gawain na nakakaapekto sa pagkahapo. Huli, nagtanong ito kung paano niya ito pinakikitunguhan at kung gaano kadalas ginagawa ng mag-aaral ang mga gawaing ito, at kung sa kanilang palagay ay epektibo ba ang mga nasabing gawain sa

Page 5: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

pagbawas ng kanilang pagkahapo pati narin kung paano nakatutulong sa pagbawas ng pagkahapo ang kanilang napiling gawain.

B. 1. Presentasyon ng Datos

Kategorya at Tema Frequency

A.Nakaranas ng pagkahapo

A1. OO

A2.HINDI

B. kahulugan ng pagkahapo

B1. pag-aaral na walang pahinga

B2. nakasasama sa kalusugan

B3. walang pokus o maraming iniisip

B4. pagkapagod at kakulangan ngpahinga

at tulog

B5. mababang marka sa eskwelahan

B6. sobrang daming ginagawa, kulang sa orasB7. sagabal sa mga gustong gawin

C. Dahilan ng pagkahapo C1.pera C2.pamilya C3.oras C4.solusyon sa problema C5.diskriminasyon C6.grado C7.kota sa kolehiyo C8.kaibigan

D. Saan nakakaapekto ang Pagkahapo. D1. relasyon sa pamilya D2. hirap sa akademiks D3. walang sapat na tulog D4. nawawalan ng pokus

60 (100%)

-

46 (76.67%)

26 (43.33%)

40 (66.67%)

56 (93.33%)

37(61.67%)

55 (91.67%)

26 (43.33%)

9 (15%)

9 (15%)

17 (28.33%)

17 (28.33%)

-

31 (51.67%)

41 (68.33%)

7 (11.67%)

8 (13.33%)

37 (61.67%)

42 (70%)

28 (46.67%)

Kategorya at Tema Frequency

D5. relasyon sa kaibigan D6. mahinang pangangatawan D7. hindi nakakain sa tamang oras D8. hindi nakakakilos ng maayos

E.Mga paraan upang mabawasan ang pagkahapo

E1.kumainE2.matulogE3.bisyoE4.paggamit ng kompyuterE5.pagiging positiboE6.hobbiesE7.isportsE8. makipag-usap sa mga kaibiganE9. tangkang pagpapakamatayE10. maglakwatsa kasama mga barkada

F. Gaano kaladas ito ginagawaF1.madalas na madalasF2.madalasF3.minsanF4.bihira

G. Gaano ka-epektiboG1.ooG2.medyoG3.hindi

8 (13.33%)

15 (25%)32 (53.33%)13 (21.67%)

-

22 (36.67%)34 (56.67%)4 (6.67%)

2. Analisis/ Pagsusuri

Ayon sa nalikom na datos, napag-alaman na lahat ng estudyante sa kolehiyo ng Narsing ay nakararanas ng pagkahapo. Ayon sa kanilang pananaw sa stress, ito ay pagkapagod at kakulangan ng pahinga at tulog na nakakuha ng mataas na porsyentong (93.33%), pumangalawa ang sobrang daming ginagawa o kulang sa oras na may (91.67%), pangatlo ang pagtatrabaho o pag-aaral ng walang pahinga na may (74.67%), ika-apat ang kawalan

6 (10%) 8 (13.33%)

12 (20%)

26 (43.33%)34 (56.67%)2 (3.33%)20 (33.33%)29 (48.33%)20 (33.33%)10 (16.67%)30 (50%)

-16 (26.67%)

Page 6: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

ng pokus o maraming iniisip na may (66.67%), pang-lima ang mababang marka sa kolehiyo (61.67%). at pareho namang nakakuha ng (43.33%) ang depinisyong sagabal sa gustong gawin at nakasasama sa kalusugan.

Ang nangunguna sa dahilan ng estudyante sa kanilang pagkahapo ay ang kota sa kolehiyo na may (68.33%), sumunod ang marka o grado (51.67%). pareho namang nakakuha ng ikatlong rank ang oras at gawain sa problema na may (28.33%), ang ika-apat ay nagbigay ng (15%) sa pera at pamilya. Ikalima, ang kaibigan na may (11.67%), at ang panghuli ay diskriminasyon na walang porsyetong nakuha.

Ang sumunod na kategorya ay kung saan nakakaapekto ang pagkahapo ng estudyante sa kanilang buhay. Nangunguna ng kawalan ng sapat na tulog na nagbigay ng (70%), sumunod ang hirap sa akademiks na may (61.67%), ikatlo ang kawalan ng pokus na may (46.67%), ika-apat ang hindi nakakakilos ng maayos na may (20%). At pare-parehong nagbigay ng 13.33% bilang pang-limang dulot ang relasyon sa pamilya, relasyon sa kaibigan, at hindi makakain sa tamang oras. Panghuli ang mahinang pangangatawan na may (10%).

Para sa paraan ng pagkontrol ng mga estudyante sa kanilang pagkahapo, nangunguna ang pagtulog na may (56.67%), ikalawa ang pakikipagusap sa kaibigan na may (50%), ikatlo ang pagiging positibo na may (48.33%), pang-apat ang kumain na may (43.33%). Parehong nakakuha sa panglimang rank ang paggamit ng kompyuter at pinagkakaabalahan o hobbies na may parehong 33.33%. Ika-anim ang maglakwatsa kasama ang barkada na may (26.67%). Pam-pito ang isports na may (16.67%). Ika-walo ang bisyo na may (3.33%) at panghuli ang tangkang pagpapakamatay na walang porsyentong nakuha.

Napagalaman na halos (50%) ang madalas na gumagamit ng mga paraang pag-agapay. Samantalang (25%) naman ang nagsasabing madalas na madalas nila itong ginagawa. At (21.67%) ang nagsasabing minsan lang nila ito ginagawa.

Para sa panghuling kategorya, (55%) ang nagsasabing medyo epektibo ang mga paraang pag-agapay na ito. (36.67%) naman ang nagsasabing OO epektibo ito at (6.67%) ang nagsasabing hindi ito epektibo.

C. Konklusyon

Ayon sa nalikom na datos mula sa sarbey, halos kalahati ng mga respondente ang nagsabi na ang pananaw nila sa pagkahapo o stress ay pagkapagod at kakulangan ng pahinga at tulog. Lubhang nakararanas ng pagkapo o stress ang mga estudyante sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas at ang dahilan nito ay ang kota ng kolehiyo. Dahil dito, lubhang naapektuhan ang oras ng kanilang pagtulog. Hindi rin maipagkakaila na nahihirapan din sila sa akademiks at dahil dito, sila’y nawawalan ng pokus.

At ang kanilang paraan ng pag-agapay upang mabawasan ang kanilang pagkahapo o stress, ito’y idinadaan na lamang nila sa, pagtulog, kumain, makipag-usap sa kanilang mga kaibigan at maging positibo. Bagama’t, hindi masyadong epektibo para sa kanila ang mga istratehiyang ito, masasabing ito’y nakabawas padin sa pagkahapo na kanilang nararanasan.

Bilang mga mananaliksik, masasabi namin na mahirap para sa mga estudyanteng na nasa unang taon ng kolehiyo ang mag-adjust mula sa kanilang pagiging hayskul hanggang kolehiyo, dahil hindi maipagkakaila na sila’y nakararamdam ng matinding pagkahapo pagtungtong nila sa kolehiyo. Partikular na dito ang mga estudyante sa kolehiyo ng Narsing na masasabi namin na isa sa pinakamahirap na kurso. At dahil dito, sa mga paraan ng pag-agapay na aming inilahad, masasabing ito’y maaaring makatulong sa kanila. Hindi man nito tuluyang maalis ang pagkahapo ng isang indibidwal, masasabi naman na maari nitong mabawasan at makontrol ang sobrang pagkahapo. Kapag ito’y hindi kaagad naagapan o nakontrol, ito’y magdudulot pa ng malaking problema.

Page 7: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

D. Rekomendasyon

Para sa mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo ng Narsing, ang coping mechanism na maaaring makatulong upang maiwasan ang sobrang pagkahapo o stress ay ang paggawa ng time table upang maging organisado ang iskedyul. Isa pang maaaring paraan upang matanggal ang stress ay ang pagkain. Mayroon tayong mga tinatawag na “comfort foods” at karamihan sa mga tao ay kinukunsidera ito bilang “coping mechanism” sa stress. Ilan sa halimbawa nito ay ang tsokolate, dahil mayroon itong anti-oxidants flavonoids na hindi lamang nakakapag paganda sa kundisyon ng puso kundi, nakakapag tanggal din ng tensyon o stress. Isa rin sa makakatulong upang mabawasan ang

stress ay ang pagsali sa mga “recreational activities” tulad ng paglalaro ng iba’t ibang isports, pagsasayaw, atbp. Siguraduhin rin na mayroon kang panahon para magkaroon ng “social time” at oras para makapag-isa at mag-relax. Isa rin sa makakatulong upang makabawas ng pagod ay ang mga indibidwal na aktibidades gaya ng panonood ng telebisyon, pakikinig sa mga paboritong tugtugin, pamamasyal, pagbabasa, makipag-usap sa kaibigan. Higit sa lahat, tayo’y wag makakalimot manalig sa Diyos at manatiling matatag upang magawa natin ang dapat.

IV. BIBLIOGRAPIYA

Bukatko (2008). Child and Adolescent Development. USA: Houghton Mifflin Company.

Zaleski, E. H., Levey-Thors, C., Schiaffino, K.M. (1998). Coping Mechanism, Stress, Social Support, and Health Problems in College Students. Applied Developmental Science, Volume 2. Retrieved from January 10, 2010, from http://www.questia.com/googleScholar.qst?docld=80930760

Gadzella, B. M., Carvalho, C. (n.d.). Stress Difference Among Female University Students. Retrieved December 13, 2009, from http://www.mcneese.edu/ajpn/vol4/ajp03_08.pdf

Haith, M. M. (2009). Social ang Emotional Development. Elsevier, USA.

College Mental Health Study: Stress, Depression, Stigma & Students. Retrieved December 13, 2009, from http://holfofus.com/-medial-lps/mtvVcollegementalhealthstudy2006,pdf

Armstrong, D. J. (2000). Fast Facts: Freshmen feel stress. Retrieved December 13, 2009, from http://www.fldoe.org/CC/OSAS/FASTFACTS/ff36.pdf

Slaboch, K. (2000). Stress and the Colllege Student: A Debate. Retrieved December 31, 2009, from http://www.jour.urn.edu/outppost/voices/voi.slabochstress.html

Williams, S. (2001). College Students and Stress. Retrieved December 13, 2009, from http://www.indiana.edu/~ocnhp/101201/text/stress.html

Page 8: pamanahonh papel- pag agapay sa stress sa kolehiyo

Wilgoren, J. (2000). More than ever, first year students feeling the Stress of College. Retrieved December 13, 2009, from http://www.nytimes.com/2000/01/24/us/more-than-ever-first-year-students-feeling-the-stress-of-college.html

Scott, E. (2009). The Causes of stress in College. Retrieved December 13, 2009, from http://www.stress.about.com/od/studentstress/a/college/stress_college.htm

Stress and College Students. Retrieved December 13, 2009, from http://www.counsel.ufl.edu/selfhelpinformation/stress/stress_and_college_students.aspx

Stress Management College Students Guide. Retrieved December 13, 2009, from http://www.christian-couseling-online.com/stress_management_college_students.html

Top 5 Student Stressors and Stress Relievers. Retrieved December 13, 2009 from http://www. collegeandfinance.com/topfive-things-that-stress-college-students-out/

CAPS. (2003).Stress of Students. Retrieved December 13, 2009, from http://www.uark.edu/~caps/stress.html

Scott, E. (2008). Social Causes of School Anxiety. Retrieved December 13, 2009, from http://stress.about.com/od/studentstress/a/school_anxiety.htm

Scott, E. (2009). How to Reduce Stress and Excell in School. Retrieved December 13, 2009, from http://stress.about.com/od/studentstress/ht/schoolstress.htm

Scott, E. (2009). Stress in College:Commong Causes of Stress in College. Retrieved December 13, 2009, from http://stress.about.com/od/studentstress/a/stress-college.htm

Eacelyn`s blog. (2009). Stress Management. Retrieved December13, 2009, from http: //eacelyn.blog.fs.com/

Baldwin Wallace College. (2005). Coping with Stress in College. Retrieved December 13, 2009, from http: //www.bw.edu/resources/counseling/topic/stress

Beware. (2009). Stress Could Cause Serious Long-term Effects. Retrieved January 5, 2009, from http://www.stressfocus.com/stress_focus_article/stress_effects_on_body.htm

Bryne, J. (1996). Personalitty Research Book: A personality Scale of Manifest Anxiety. Englewood Cliffs, NJ: Prentice Hall.

Liebert, R. M. (n.d). Personality Strategies and Issues: The Cognitive Behavioural Approach. Belmont, C.A.: Brooks/Cole Publishing.