unibersidad ng pilipinas maynila kolehiyo ng agham at

38
Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Kagawaran ng Agham Panlipunan Pati sa Libro, Si Nena ay Dehado Paano naipapakita ang pagtatangi laban sa kababaihan sa mga batayang aklat? Pagpupuno ng mga Rekisito sa Dalubbanwahan 198 Rearch Report Ipinasa ni Rachelle Anne M. Pormento 2009-60940 Ipinasa kay Propesor Clarinda Berja Marso 22, 2013

Upload: others

Post on 01-Oct-2021

18 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Kolehiyo ng Agham at Sining

Kagawaran ng Agham Panlipunan

Pati sa Libro, Si Nena ay Dehado

Paano naipapakita ang pagtatangi laban sa kababaihan sa mga batayang aklat?

Pagpupuno ng mga Rekisito sa

Dalubbanwahan 198

Rearch Report

Ipinasa ni

Rachelle Anne M. Pormento

2009-60940

Ipinasa kay

Propesor Clarinda Berja

Marso 22, 2013

Page 2: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 1

Talaan ng Nilalaman

Pahina

I. Panimula ------------------------------------------------------------------------------------------3

II. Mga Katanungan ---------------------------------------------------------------------------------4

III. Pagsusuri sa Kaugnay na Literatura --------------------------------------------------------4

IV. Balangkas ng Pag-aanalisa -------------------------------------------------------------------10

V. Pamamaraan ng Pananaliksik ---------------------------------------------------------------10

a. Disenyo ng Pananaliksik ---------------------------------------------------------10

b. Pag-aanalisa ng Datos -----------------------------------------------------------14

c. Limitasyon ---------------------------------------------------------------------------15

VI. Pang-etikang Konsiderasyon -----------------------------------------------------------------15

VII. Resulta ---------------------------------------------------------------------------------------------16

VIII. Diskusyon -----------------------------------------------------------------------------------------27

IX. Konklusyon ----------------------------------------------------------------------------------------27

X. Batis -------------------------------------------------------------------------------------------------28

XI. Apendiks -------------------------------------------------------------------------------------------31

Page 3: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 2

Buod

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy kung ang mga nilalaman ng batayang

aklat na patungkol sa gender ay nagpapakita ng gender bias, malaman at masuri ang

proseso ng pagpili ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga gagamiting batayang aklat ng

mga mag-aaral sa pampublikong paaralan lalo’t higit ang mga mekanismo patungkol sa

gender gayundin upang matukoy ang ugat ng pagkakaroon ng gender bias sa mga

batayang aklat.

Siniyasat ang gender dimension ng batayang aklat sa Ingles ng mga mag-aaral

sa ika-unang baitang sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas, English Expressways

1. Inanalisa ang mga nilalaman nito patungkol sa gender batay sa 1) invisibility, 2)

stereotyping, at 3) pagkiling sa gamit na wika. Gayundin ay inisa-isa ng mananaliksik

ang pinagdaanan ng batayang aklat bago ito maaprubahan at ipagamit sa mga mag-

aaral. Binigyang pokus ang mga mekanismo ng Kagawaran ng Edukasyon na may

kaugnayan sa gender dimension ng mga aklat.

Napag-alaman na nanananatiling dominante at may pagkiling sa mga

kalalakihan ang batayang aklat na nasa ilalim ng pag-aaral sa kabila ng mga

mekanismo ng Kagawaran ng Edukasyon upang matiyak ang pagiging gender sensitive

ng mga aklat. Sa linyang ito ay napag-alamang ang mga mekanismo ay sa mababaw

na lebel ng compliance lamang maikakategorya. Gayundin ay may butas at mababaw

lamang ang mga ito upang masigurado ng wala ng bahid ng pagkiling sa kahit anumang

gender ang mga batayang aklat. Sa pagtatapos ng pag-aaral ay nagbigay ng mga

rekomendasyon ang mananaliksik. Una ay Pagpapalaganap at pagpapalalim ng

diskurso ukol sa gender sa ahensya, linangin ang gender fairness na konsepto ng mga

kawani at umuo ng sariling hanay ng mga ekspertong magtatasa at magpatupad ng

mga polisiyang hindi lamang sumusunod sa batas ukol sa pagkakapantay-pantay ng

mga kasarian ngunit polisiyang nagtataguyod ng gender equality at equity.

Page 4: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 3

Panimula

Sa bawat araw sa paaralan ay kaaagapay ng mga estudyante ang kanilang

batayang aklat sa pag-aaral. Ang mga batayang aklat ay isang mahalagang parte ng

pag-aaral sa loob ng pormal na paaralan. Ginagamit hindi lamang ng mga mag-aaral

gayundin ng mga guro ang batayang aklat bilang sandigan at gabay sa mga aralin.

Ngunit hindi lamang teknikal na kasanayan ang nakapaloob sa mga batayang

aklat. Ang mga nilalaman nito ay maaring kakitaan din ng mga bagay na patungkol sa

gender. Samakatwid, sa proseso ng pagbabasa at pag-aaral sa mga batayang aklat ay

nakikintal sa mga mag-aaral ang mga konseptong patungkol sa gender—kung ano ang

trabahong nararapat para sa lalaki at para sa babae, sino ang mas malakas, at iba pa.

Masasabing isang kritikal na instrumento ang batayang aklat hindi lamang ng

pagkatuto ng mga mag-aaral ng akademikong kasanayan gayundin ng pananaw nila sa

kung ano ang masculine at feminine at kung ano ang antas ng kalalakihan at

kababaihan sa lipunan. Ngunit kapansin-pansin pa rin ang kakulangan sa pag-aaral ng

pagiging gendered ng mga batayang aklat sa Pilipinas. Isang pag-aaral pa lamang ang

nailathala kung saan sinuri ang pagkakaroon ng gender bias ng mga batayang aklat sa

kasaysayang Asyano (Tignan si Paigol, 1995).

Sa linyang ito ay susuriin ng mananaliksik ang pagiging gendered ng batayang

aklat sa Ingles ng mga mag-aaral sa ika-lawang baitang sa pampublikong paaralan—

ang English Expressways 1.

Page 5: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 4

Pangkalahatang katanungan:

Paano napapakita ang usaping gender sa mga batayang aklat na ginagamit sa ika-

unang baitang sa pampublikong elementarya?

Mga partikular na katanungan:

1. Ano ang nakikita sa mga batayang aklat na patungkol sa gender?

2. Mayroon bang gender bias sa mga aklat na ito? Kung mayroon, paano ito

napapakita?

3. Bakit may gender bias sa mga aklat na ito?

Pagsusuri sa mga kaugnay na literatura

Ang lipunang Pilipino

Ang mahabang kasaysayan ng kolonisasyon sa ating bansa ang nagtanim ng

patriyarkal na kultura sa ating lipunan (Anonuevo, 2004). Nakapaloob sa kultura at mga

simbolo na ginagamit sa pangaraw-araw na buhay ng mga Pilipino ang ideyolohiyang

patriyarkal na kalimitang hindi napapansin o inuusisa. Sa katunayan, marami pa rin ang

naniniwala na walang usaping gender sa lipunan natin at ang pagiging dominante ng

kalalakihan ay natural lamang at normatibo. Tinitignan ang mga kababaihan bilang mga

homemakers, second-class citizens, reserve labor force, at sex objects. Gayundin,

itinuturing na isang pribadong usapin ang pandadahas laban sa kababaihan. Sa

kadahilanang malalim na nakatanim ang patriyarkal na kaisipan sa ating kultura,

tinatanggap na lamang nang walang pagsusuri o pagtatanong ang mga kontradiksyon

nito (Dungo,1995).

Page 6: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 5

Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas

Mababatid sa kasaysayan ng edukasyon sa bansa ang pagkakaroon nito ng

diskriminasyon laban sa kababaihan. Kung ating babalikan, makikita na ang mga unang

pormal na paaralan sa bansa na naitatag sa ilalim ng pamumuno ng mga Espanyol ay

mayroong pagtatangi laban sa kababaihan. Nanaig ang limitadong oportunidad para sa

kababaihan na pumasok sa paaralan at pagkakahon sa kanila bilang mga

tagapamahala ng tahanan (Reyes, 1998).

Ang mga paaralan na pinatakbo ng simbahan sa panahon ng mga Espanyol ay

hindi tumatanggap ng kababaihan. Mga anak ng Espanyol at mayayamang lalaking

Pilipino lamang ang maaring pumasok sa paaralan samantalang ang mga kababaihan

ay pumapasok sa mga beateryo upang magsanay sa mga gawaing bahay at

panrelihiyon. Ang kaayusang ito ay pinatutupad sa bisa ng Spanish Royal Educational

Decree of 1863 at Spanish Royal Decree of 1865 (ibid.).

Sa pananakop naman ng mga Amerikano ay nakapasok na ang mga kababaihan

sa paaralan ngunit ang kanilang tradisyonal na tungkulin ay nanaig pa rin—tanging

home economics lamang ang kursong maari nilang kunin. Itinanim ng mga Amerikano

ang kanilang pyudal na sistemang edukasyon sa Pilipinas (ibid.).

Sinasalamin pa din ng sistema ng edukasyon sa panahon ng mga Hapon ang

pyudal na ideolohiya na kinakatawan ng kurikulum ng Amerika. Nang matapos ang

Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsimulang muli ang paggamit at pagpapakalat ng

kurikulum ng Amerika na mas bukas na sa kababaihan. Ang kababaihan ay pinayagan

nang kumuha ng mga asignatura gaya ng matematika, agham, Ingles, Filipino, at iba

pa. Ngunit kapansinpansin na kalakhan sa mga kababaihan ay mas pinili ang home

economics, pananahi, pagluluto, gawaing-bahay at iba pang kaugnay na kurso.

Makikita na naitanim na sa isipan ng mga kalalakihan at kababaihan ang kanilang

gender roles na sinasalamin ng mga kursong kanilang kinuha. Sa taong 1957, ang mga

Page 7: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 6

kababaihan ay patuloy pa rin sa pagkuha ng home economics gayundin ang mga

kalalakihan sa pagkuha nila ng mga bokasyunal na kurso (ibid.).

Marami na ring mga hakbang ang ginagawa upang maiwaksi ang pagtatangi at

di pagkakapantay-pantay sa sektor ng edukasyon. Isa na dito ang ikatlo sa Millenium

Development Goals na naglalayong magkaroon ng pagkakapantaypantay ng bilang ang

mga kalalakihan at kababaihan sa mababa at mataas na paaralan sa taong 2005.

Samantalang sa taong 2015 naman ay nilalayon nitong mawala nang tuluyan ang

gender disparity sa lahat ng antas (UNICEF, 2012). Isinasaad naman sa Magna Carta

of Women 2008, s 13 (a) ng ating Konstitusyon na may tungkulin ang ating pamahalaan

na masiguro na lahat ng mga imahe at teksto na nagpapahiwatig ng gender stereotype

sa lahat ng kagamitan sa pag-aaral gayundin sa curricula ay dapat mabago upang

mawala ang pagtatangi ayon sa kasarian sa mga naturang materyales.

Ang kapangyarihan ng batayang aklat

Sa pananaliksik ni Zittleman (2007), ginugugol ng mga mag-aaral ang 80

hanggang 95 bahagdan ng oras sa klase sa paggamit ng batayang aklat at halos lahat

ng desisyon sa pagtuturo ng mga guro ay binabatay nila sa sandigang aklat.

Ayon kina Yasin et. al. (n.d.) at Sydney (2004), isang mahalagang papel ang

ginagampanan ng mga batayang aklat sa pagtuturo at pag-aaral sapagkat ito’y

naglalaan ng teknikal at akademikong kaalaman na nais ituro sa kabataan. Sinasabi na

bukod sa pagpapakalat ng naturang kaalaman, ang mga batayang aklat din ay

dinuduong ang pulitikal at sosyal na gawi sa lipunan. Sinasalamin nila ang mga

tradisyon na bunga ng mahabang nakalipas at nag-aambag sa pagbuo ng

pagpapahalaga sa sarili ng isang tao.

May katangian ang mga batayang aklat na kinakailangang basahin at intindihin

ang mga teksto nang higit sa isang beses ng mga guro at mag-aaral. Sa prosesong ito,

walang malay na nakikintal sa mga mag-aaral ang mga nakikita nila sa aklat at naririnig

Page 8: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 7

mula sa mga guro bilang tamang katangian para sa kung ano ang masculine at

feminine. Ito rin ay nakakaapekto sa pagtingin ng tao sa kaniyang sarili, kasarian,

trabaho at mga oportunidad sa buhay (Sydney, 2004).

Kaugnay nito ay ayon kina Kabira at Masinjila (1997, na binangggit kay Sydney,

2004), gumagawa ang mga may-akda ng mga batayang aklat ng isang mundo kung

saan natututunan ng mga mag-aaral ang mga bagay-bagay sa mga gawi ng ibang tao

at kung pano sila makitungo sa kapwa. Isa daw itong humanizing effect ng aklat kung

saan kapag hindi maingat na napangasiwaan ay maaring maging sanhi ng pagtatangi

sa hanay ng mag-aaral.

Sinabi ni Sunderland (1994) na sa mga pag-aaral ng gender stereotyping sa

batayang aklat, napansin niyang mayroong anim na pinakamadalas na salik ang

nasasaalang-alang: (1) invisibility ng kababaihan, (2) stereotyping sa klase ng trabaho,

(3) stereotyping sa pagkakaroon ng relasyon sa lalaki at pagkakatali sa tahanan (4)

stereotyping sa personal na katangian (e.g. mahina, kimi), (5) wala o minimal na

kakayahan sa diskurso at (6) paninira o pagpapababa sa kababaihan.

Sinuri nina Ansary at Babaii (2003) ang usapin ng seksismo sa dalawang

batayang aklat ng mga mag-aaral sa Iran—Right Path to English I & II. Gumamit sila ng

kwantitatibong content analysis sa pagsususri ng (1) sex visibility sa mga teksto at

ilustrasyon, at (2) topic presentation ng babae at lalaki sa mga dayalogo at babasahin.

Gayundin ay ginamit nila ang kwalitatibong pagsusuri ng (1) mga trabahong iniuugnay

ayon sa kasarian, (2) mga gawain na ayon sa kasarian, (3) stereotyped sex role, (4)

firstness, at (5) masculine generic conception. Pinakita ng mga resulta ng kanilang

pagsusuri na ang dalawang batayang aklat ay sexist kung saan ang mga ito ay

mayroong diskriminasyon laban sa kababaihan at pagpabor sa kalalakihan. Dagdag pa

ng mga mananaliksik na ang seksismong ito ay sinasalamin ang institusyonalisadong

pagtatangi laban sa kababaihan sa Iran.

Page 9: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 8

Sinaliksik naman nina Hussain at Afsar (2010) ang batayang aklat sa Ingles,

Intermediate English Book 1 & 2, ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan sa

Pakistan. Pinili ng mga mananaliksik na ituon ang pagsusuri sa paggamit ng vocatives o

terms of address kung saan hindi naman ito hinihingi ng konteksto at hindi ginagamit ng

parehong babae at lalaking karakter sa pagtawag sa opposite sex. Ayon sa resulta ng

kanilang pananaliksik, nagpakita ng gender stereotyping sa parehong kalalakihan at

kababaihan ang lahat ng batayang aklat na sinuri. Kapansinpasin din ang pagtatangi

nito sa kababaihan na naka-asa lamang sa kalalakihan, mahina, at nasa loob lamang

ng tahanan bilang maybahay, nanay, o tagapamahala. Sinasabi ng mga mananaliksik

na kakikitaan ang mga aklat ng kawalang bahala sa pagkakapantay-pantay ng gender

mula sa pagbuo pa lamang ng balangkas ng mga ito. Kung kaya’t hinihikayat nila ang

gobyerno ng Pakistan na suriing muli ang mga aklat na ipinagagamit sa mga mag-aaral

at baguhin o palitan ang mga ito.

Sa mga batayang aklat na ginagamit ng mga mag-aaral sa Pilipinas, isa pa

lamang ang nagsuri kaugnay sa pagtatangi laban sa kababaihan. Sinuri ni Paigol (1995,

na binaggit kay Reyes, 1998) ang apat na batayang aklat sa kasaysayan ng Asya na

ginagamit sa mataas na paaralan sa Pilipinas.1

Sa kaniyang pag-aanalisa, nakitaan ang mga ito ng pagtatangi sa kababaihan at

pananaig ng kulturang machismo batay sa point of view ng may-akda. Ito ay

naipapakita sa pagiging male-biased sa pagbibigay kahulugan ng mga facts at datos,

konsepto, at imahe, gayundin sa malalimang pagsusuri ng mga may-akda sa mga

kaganapan sa kasaysayan (ibid.).

Masasabing isang kritikal na instrumento ang batayang aklat sa pagkatuto ng

mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Ngunit kapansin-pansin pa rin ang kakulangan sa

pag-aaral ng pagiging gendered ng mga batayang aklat sa Pilipinas. Susuriin ng

1Inanalisa ni Paigol ang mga sumusonod na batayang aklat: 1)Kabihasnang Asyano. (1989). Serye ng

Secondary Education Development Program (SEDP). Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports. 2) Latourette, K. S. (1967). A Short History of the Far East. Philippines: Ken Inc. 3) Leogardo, F. (1988). History of Asian Nations. Manila: Sto. Niño Catholic House.at 4)Pearn, B.R. (1970). An Introduction to the History of Southeast Asia. Hongkong: Sheck Wah Tong Printing Press.

Page 10: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 9

mananaliksik kung ang mga batayang aklat ng mga mag-aaral sa unang baitang sa

Pilipinas ay kakikitaan ng pagiging gendered. Ang pagsusuring ito ay gagamitan ng

mga gabay sa pag-aanalisa na ipaliliwanag sa susunod na seksyon.

Balangkas ng Pag-aanalisa

Sa pag-aaral na ito ay gagamiting gabay ang critical social science. Ayon kay

Samuel (2009) ang patriarka ay ang sistematikong pagdodomina ng mga kalalakihan sa

kababaihan. Ang gender bias ay ang di-pantay na pagtingin sa magkakaibang gender

kung saan pinapaboran ang isa bilang superior gender at tinatangi ang iba bilang mas

mahina at mas mababa (Brittan, 1984). Ayon kay Sadker at Sadker (1982), mayroong

pitong porma ng pagkiling na maaring matatagpuan sa mga aklat. Sa pitong ito,

gagamitin sa pag-aaral ang tatlong pinakakaraniwang tumutukoy sa pagkiling ng ayon

sa gender: 1) invisibility na tumutukoy sa pagkawala o pagkakaroon ng kaunting

pagtatampok ng isang kasarian kung saan ang particular na kasarian ay tila invisible o

di makita, 2) stereotyping o ang pagkakahon sa mga kalalakihan at kababaihan sa mga

particular na papel at gawain, at 3) pagkiling ayon sa wika o ang paggamit ng sexist na

wika.

Pinapalaganap ng sistemang patriyarkal ang gender bias kung saan patuloy na

naaapi ang mga kababaihan sa pamamagitan ng mga istruktura, institusyon, at social

arrangements na dinodomina ng kalalakihan (Santillan, 1998). Tinitignan ang patriarka

bilang istruktural. Ang patriarka ay nakapaloob sa pundasyon ng lahat ng institusyon sa

lipunan (Guarneri & Poston Jr., 2008). Samaktwid, tumatakbo ang lahat ng prosesong

panlipunan sa mas malaking patriyarkal na sistema.

Malalim na nakapaloob ang patriyarka sa sistema ng edukasyon. Itinuturing ang

sistema ng edukasyon na may kinikilingan at nirereplika lamang ang nananaig na

istruktura ng lipunan. Isa itong instrumento upang turuan ang mga mag-aaral na

tanggapin ang kanilang papel sa di-pantay na lipunan at sa gayon ay mapanatili ang di

pagkakapantay-pantay ng mga antas at hatian sa lipunan (Bowles & Gintis, 1976).

Sinasalamin ng mga pormal na paaralan ang mga istruktura at prosesong sosyal,

Page 11: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 10

pangekonomiya, at pulitikal ng isang lipunan. Sila ay nakahilig sa pagkopya ng

kasalukuyang ayos ng lipunan at panatilihin ang status quo (Cortes, 1993 na binanggit

kay Reyes, 2012). Isinusulong ng pormal na edukasyon ang pyudal na kaisipan

sapagkat sinusuportahan ng lipunang Pilipino ang naturang ideolohiya (Reyes, 1998).

Ang batayang aklat ay parte ng pyudal na sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa

linyang ito, itinuturing ang batayang aklat hindi lamang bilang mga instrumento ng

pagtuturo ng teknikal na kaalaman at kasanayan sa gramatika, pagbaybay atbp. kundi

hinuhubog din nila ang pagtingin ng mag-aaral sa kaniyang sarili gayundin ang

pananaw nito ukol sa lipunan. Samaktwid mayroong papel na ginagampanan ang mga

batayang aklat sa pagbuo ng kaniyang social identity at paraan ng pakikisalamuha sa

ibang tao (Kabira at Masinjila, 1998).

Dahil dito, hindi masasabi na obhetibo o neutral ang mga batayang aklat na

ginagamit upang magturo ng akademiko o teknikal na kasanayan. Samaktwid, nagiging

isang instrumento ang mga batayang aklat sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng

kaisipang patriyarkal sa lipunan.

Page 12: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 11

Imahe 1. Schematic Diagram

Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Gumamit ng purposive sampling ang mananaliksik upang matukoy ang batayang

aklat na susuriin gayundin ang mga taong kakapanayamin. Sa purposive sampling, ang

sample ay nakadepende ayon sa kaugnayan ng mga ito sa layunin ng pag-aaral. Sa

linyang ito, tinukoy ng mananaliksik na suriin ang English Expressways 1: Reading and

Language Textbook for Grade 1 (Makikita ang pabalat sa Apendiks 1). Ito ang batayang

aklat sa Ingles ng mga mag-aaral sa ika-unang baitang sa pampublikong mababang

paaralan. Gayundin ay kinapanayam ng mananaliksik ang dalawang eksperto sa

larangan ng pag-aaral ng usaping gender sa mga batayang aklat na sina Dr. Anthony

Page 13: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 12

GH Cordero ng UP Manila Center for gender and Women Studies at Bb. Marita

Pimentel-Castillo na Gender Fair Education Program Coordinator ng Women and

Gender Institute at si Bb. Socorro Pilar na ehekutibong director ng Instructional

Materials Council Secretariat ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ang pangunahing pamamaraan na ginamit ng mananaliksik ay content analysis.

Nahati ang pag-aanalisa sa tatlong aspeto. Una ay ang invisibility, kung saan siniyasat

kung pantay ang pagtatampok sa kababaihan at kalalakihan sa mga kuwento, teksto,

ilustrasyon at larawan. Ikalawa ay ang gender stereotyping, kung saan inalam kung ang

batayang aklat ay naglalaman ng mga pagkakahon ng lalaki o babae sa partikular na

katangian, pag-uugaling pantahanan, gawain sa loob at labas ng tahanan, at trabaho.

At huli ay ang pagkiling sa pamamagitan ng wika, kung saan ginawang sandigan ang

Gender Fair Language Primer ng The University Center for Women’s Studies na

binalangkas ng mananaliksik sa Talahanayan 1.

Gender Fair Language Primer ng The University Center for Women’s Studies

Mga salitang tinatangi

ang mga kababaihan o

itinuturing silang invisible

Paggamit ng Generic Masculine

Paggamit ng Singular Masculine Pronoun

Mga terminong nagtatapos sa “man” na tumutukoy sa

gawaing kaya ng parehong kasarian

Mga terminong animo’y tumutukoy lamang sa matandang

lalaki o tinatangi lamang para sa isang kasarian

Lenggwaheng minamaliit

ang kababaihan o

binabawasan ang

kanilang stature

Paglalagay ng di kailangang “feminine suffixes/ hulapi” gaya

ng –ess, -ette, -trix, o –enne

Paglalahgay ng sex-linked na pangturing

Mga salitang pumupula at nagmamardyinalisa sa mga

kababaihan

Mga terminong

nagtataguyod ng di-

pantay na relasyon ng

kasarian

Kawalan ng parallelism sa pagitan ng magkaibang kasarian

Paggamit ng mga terminong tumutukoy sa kasarian sa mga

katawagan sa okupasyon, posisyon, papel atbp.

Page 14: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 13

Gender polarization ng mga pakahulugan

Natatagong mga asumpsyon ukol paggamit ng mga terminong tumutukoy sa isang

kasarian

Mga talinghaga na nagpapakita ng isang male-centered na pagtingin o paglalarawan sa

kababaihan bilang mga bagay

Talahanayan 1. Balangkas ng mga Porma ng Pagkiling sa Wika ayon sa Gender Fair Language Primer ng The University Center for Women’s Studies Gayundin ay nagsagawa ang mananaliksik ng in-depth at semi-structured Key

Informant Interview sa mga eksperto sa pagkakaroon ng gender bias ng mga batayang

aklat at opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon (ang KII guide ay makikita sa Apendiks 2

at 3). Nilayon ng mananaliksik na sa pamamagitan ng KII na ito ay mapalalim ang

kaalaman at mapayaman ang pananaliksik ukol sa pagkakaroon ng gender bias ng

nasabing aklat; kung bakit mayroong ganito katangian ang aklat; ang mga mekanismo

sa pagsusulat, pagpili, at pagprodyus ng mga gender bias-free na batayang aklat.

Kaakibat nito ay nangalap din ng impormasyon at datos ang mananaliksik mula

sa mga online journals, government websites lalo’t higit ang bahay-dagitab ng

Kagawaran ng Edukasyon (http://www.deped.gov.ph) at ng Instructional Materials

Council Secretariat (http://imcs.weebly.com) ukol sa mga proseso at batas na may

kinalaman sa pagiging gendered ng mga batayang aklat. Sa pamamagitan nito ay

nasuportahan ang mga datos na nakalap mula sa content analysis ng mga batayang

aklat.

Grupo ng Datos Pamamaraan Pagmumulan

Ang manipestasyon ng usaping gender sa mga nilalaman ng mga batayang aklat:

1. Teksto 2. Larawan/ Imahe

Content Analysis

Batayang aklat sa Ingles ng mga mag-aaral sa ika-unang baitang ng pampublikong elementarya: Portes, A., Balajadia, J., Reyes, A., De Jesus, A., & Siao, C. (2008). English Expressways:

Page 15: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 14

Talahanayan 2. Pag-uuri ng mga Kakailanganing Datos, Batis na Pagmumulan ng Datos, at Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos

Pag-aanalisa ng Datos

Inilapat ng mananaliksik sa panulat ang nilalaman ng aklat na may kinalaman sa

gender gayundin ang mga ginawang panayam. Matapos ang transcription, hinimay ng

mananaliksik ang mga detalye sa mga naturang data sources. Sa transcription ay

ginamit ang open coding scheme sa dalawang antas—deskriptibo at analitiko. Inayos

ng mananaliksik ang mga nakuhang datos sa aklat ayon sa mga kategorya ng gender

bias kung saan ito nabibilang. Isinama ng mananaliksik ang mga mahahalagang

quotations at inilarawan ang mahahalagang imahe na maaring makatulong na mas

lalong maunawan ang kahulugan ng ilang datos. Inayos ang mga datos ayon sa

kahalagahan nito. Inilagay din ang pakahulugan at ang mga ideya ng mananaliksik sa

mga datos na napili. Gayundin ang ginawa sa mga panayam. Dahil verbatim ang

transcriptions ng mga ito ay mas nahimay ang mga nais ipahayag ng mga katugon.

Reading and language textbook for grade1. SD Publication: Quezon City.

Mekanismo sa pagpili, pagprodyus, at paggamit ng gender bias-free na batayang aklat

Key Informant Interview Opisyal/ Kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon

Kahalagahan ng kasanayan sa gender sensitive na pagsusulat; opinion ukol sa gender dimension ng mga aklat

Key Informant Interview

Mga eksperto sa usapin ng gender na nakapaloob sa aklat/ mga manunulat ng batayang aklat na may kasanayan sa gender-sensitive writing

Mga batas, isyu at pag-aaral na may kinalaman sa usaping gender sa mga batayang aklat

Document Analysis

Online journals, government websites (http://www.deped.gov.ph, http://imcs.weebly.com)

Page 16: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 15

Ginawan ito ng coding scheme na kinabibilangan ng mga mahahalagang punto at

quotations na pinaghalawan ng mga pagbibigay-kahulugan at ideya ng mananaliksik.

Pinagkumpara at tinahi ang mga resulta ng mga datos na nakalap mula sa

batayang aklat, panayam, at secondary sources gamit ang cross content analysis.

Sinuri ng mananaliksik ang pagtutugma at pagkakaiba ng mga datos na ito, ang

kanilang mahahalagang punto, at ang pakahulugan.

Limitasyon

Ang pangunahing limitasyon sa pananaliksik na ito ay oras. Dahil kinakailangan

ng masusi at mahabang panahon sa pag-aanalisa ng batayang aklat ay isa lamang

aklat ang napasailalim sa pag-aaral. Gayundin ay naging mahirap ang pagkuha at

paghiram ng kopya ng aklat na English Expressways 1 sapagkat ginagamit ito ng mga

mag-aaral sa kanilang araw-araw na klase. Maidadagdag pang hadlang ay ang di

pagtugon at pagtangging mapasailalim sa pag-aaral na ito ng ibang mga target

respondents.

Pang-etikang Konsiderasyon

Sa pag-aaral na ito, siniguro ng mananaliksik na ang bawat katugon ay malaya

sa panayam. Bago ang bawat panayam ay siniguro ng mananaiksik na napaalam sa

kapanayam ang gagawing interview, nabigyan siya ng sapat na impormasyon ukol sa

layunin ng pananaliksik at sa layunin ng gagawing panayam. Sinagot ng mananaliksik

ang mga karagdagang katanungan ng mga kapanayam ukol sa pag-aaral na ito. Nang

pumayag ang indibidwal na sumailalim sa panayam ay pinalagdaan muna ang consent

form upang patunay na walang pamimilit at kusa ang gagawing interbyu (ang liham

imbitasyon ay makikita sa Apendiks 4 at ang consent form ay sa Apendiks 5).

Iginalang ng mananaliksik ang naging kasunduan ukol sa panayam. Sa

pagkakataong tumanggi ang kapanayam na i-record ang gagawing interbyu ay isinulat

na lamang ng mananaliksik ang takbo ng panayam at mahahalagang detalye nito sa

Page 17: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 16

kwaderno. Gayundin ay iginalang at hindi nilabag ang karapatan ng mga partisipante na

huwag sumagot sa ibang mga katanungan kung hindi nila nais.

Ang mga datos na nakalap ay sisiguraduhing ekslusibong gagamitin para lamang

sa pananaliksik na ito at hindi sa kahit ano pa man na labas sa kasunduan ng

mananaliksik at mga katugon. Kaakibat nito ay sisiguraduhin ng mananaliksik na

pangangalagaan ang mga nakuhang datos at hindi ito mapapasakamay ng sinumang

labas sa pag-aaral na ito.

Resulta

Pagkakaroon ng Gender Dimension ng mga Batayang Aklat

Ayon sa Gender Fair Education Program Coordinator ng Women and Gender

Institute na si Bb. Marita Pimentel-Castillo, ang mga batayang aklat ay hindi lamang

obhetibong gamit sa paaralan na naglalaman ng teknikal na kasanayan. Ito ay produkto

ng lipunan na sumasalamin sa realidad o nanaig na sistema ng pagpapahalaga ng

lipunan. Pinagdadaluyan ito ng mensaheng panlipunan sa partikular na konteksto.

Bilang ang gender ay isang konstruktibong panlipunan, kasama ito sa mga mensaheng

panlipunan na matatagpuan sa mga batayang aklat.2

Pinatotohanan ito ng dating director at ngayon ay kinatawan ng UP Manila-

Kolehiyo ng Medisina sa UPM Center for Gender and Women Studies na si Dr. Anthony

GH Cordero. Dagdag niya, ang gender dimension ng mga batayang aklat na ginagamit

sa mababang paaralan sa Pilipinas ngayon ay repleksyon ng halagahin ng ating lipunan,

sistema ng ating edukasyon, at ng Kagawaran ng Edukasyon, bilang siya ang nagsasala

at pumipili ng mga ito.

Pagsala at Pagpili ng DepEd ng mga Batayang Aklat

2 “Maliban sa ang textbook ay naglalaman ng mga akademikong impormasyon at pahayag ng teknikal na kasanayan

sa isang natukoy na asignatura, bitbit rin ng textbook na ito ang halagahin (values) ng kanyang panahon. Ibig sabihin, sa bawat pagpili ng paksa para sa content, at uri ng kasanayan para sa skills, nakabalangkas ang mga ito ayun sa itinakdang halagahin o pangangailangan ng isang kalagayan (context)… teksbuk ay daluyan rin ng mensaheng panlipunan (social message), at ang gender ay isang konstruktibong panlipunan (social construct)” (Castillo-Pimentel, 2013).

Page 18: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 17

Pinag-aralan din ang prosesong pinagdadaanan ng mga batayang aklat na

ginagamit sa mga pampublikong paaralan. BakNagsisimula ang lahat sa pagbuo ng

kurikulum ng mga kawanihan ng Department of Education. Sa pag-aaral na ito ang

Bureau of Elementary Education ang punong abala sa pagbuo ng kurikulum para sa

mga asignaturang pangmababang paaralan. Ang kurikulum na ito ang batayan ng

libro—itinatakda nito ang mga kasanayan, konsepto, at performance standard na

kailangang lamanin ng batayang aklat. Pagkatapos ay nag-iisyu ang DepEd sa

pangunguna ng Instructional Materials Council ng Textbook Call, isang panawagan sa

mga tagapaglathala na nagnagsasaad kung anu-ano ang mga kinakailangang libro,

petsa ng pagsusumite, ang film chart ng proseso ng ebalwasyon, at hanay ng mga

teknikal na espesipikasyon, pamantayan, at alituntunin sa pagpili. Ang pagsasaalang-

alang sa gender dimension ng aklat ay kasama sa mga alituntunin na ito.

Isang parte ng kanilang panuntunan ay ang tinatawag na Social Content

Guidelines. Ayon sa dokumentong ito ng DepEd, ang Social Content Guidelines ay

parte ng layunin ng ahensiya na maitalima ang mga panlipunang halagahin gayundin

ang mga edukasyunal na adhikain ng ating gobyerno. (“In addition to the subject matter

content that develops the content and performance standards, DepEd would like to

ensure that text, art, and photos / illustrations of instructional materials teach social

values as well as government’s educational thrusts.”)

Sa usapin ng gender, mayroong tatlong panuntunan ang DepEd: 1) “Aviod sexist

language, bias, and stereotyping of males and females as to professions, occupations,

contributions to society, and home and family roles and behavior.” 2) “Do not

differentiate ether explicitly or implicitly between the capability of males and females to

contribute to the political, economic, or social well-being of Philippine society or the

world.” 3) “Maintain balance in treatment of gender roles, occupations, and contributions

in the text and illustrations.”

Sa ilalim ng seksyon patungkol sa gender ay nakasaad na sumangguni sa

Gender Fair Language Primer ng The University Center for Women’s Studies Diliman

(1998) para sa dagdag na kaalaman ukol sa paggamit ng gender-fair na salita.

Iaanunsyo ito ng DepEd sa mga pahayagang nasyunal ang sirkulasyon, PhilGEPS,

Page 19: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 18

bahay-dagitab ng DepEd, at kapuna-punang lugar sa loob ng DepEd. Gayundin ay

ipapaskil din ang Invitation to Apply for Eligibility and to Bid (IAEB) at isasagawa ang

procurement process.

Sa panahong naghihintay at tumatanggap ang DepEd ng mga aklat at ibang

instructional materials mula sa iba’t ibang limbagan, ang Instructional Materials Council

Secretariat ay humahanap ng mga maaring magtasa sa mga aklat. Ang mga magtatasa

ay maaring manggaling sa pribado o pampublikong institusyon. Mayroon ng hanay ng

mga magtatasa ang DepEd mula sa mga dati nang nakatrabaho nila. Nag-iiba ang

komposisyon nito oayon sa kadalubhasaan at ibang kadahilanan. kinabibilangan ng mga

dati nang naging evaluators. Napipili ang mga evaluators sa isang partikular na

Textbook Call ayon sa kanyang kadalubhasaan, rekomendasyon mula sa mga

spesyalista, guro sa masters, president ng unibersidad, dekano, at iba pa.

Nangunguna ang Evaluation and Training Division, sa ilalim ng IMCS, sa

oryentasyon, pagsasanay, at worshop para sa mga napiling magtasa sa unang

pagkakataon sa loob ng humigi’t kumulang apat na araw. Pinangungunahan ng IMCs

ang pagsasanay na ito. Ngunit sila ay nangangalap ng tulong sa labas ng institusyon

upang manguna sa mga sangay ng kadalubhasaan na hindi sakop ng kanilang

kakanyahanyahan gaya na lamang ng sa usapin ng gender. Ang mga dalubhasang ina-

outsource nila ay kadalasang mga propesyunal na mga manunulat at editor ng mga

libro. Bago magtapos ay nagkakaroon ng partikal na aplikasyon ng mga natutunang

kasanayan.

Mayroong apat na sangay ang ebalwasyon: Area 1— ang pagtatasa ng mga

eksperto sa kurikulum o mga subject area specialists ay nakapokus sa saklaw at

kahustuhan ng pagpapaunlad ng learning competencies (LCs); Area 2— ang pagtatasa

ng content experts na mula sa mga kapuri-puring pamantasan, dalubhasaan, at

propesyunal na asosasyon ay nakapokus sa mga kamaliang konseptwal, factual,

pedagogical, grammatical, at iba pa; Area 3— ang pagtatasa naman ng mga guro ng

masters mula iba’t ibang rehiyon ay nakapokus sa pagkaakma ng presentation,

lenggwahe, at ilustrasyon sa mga target na gagamit ng material, sa lipunan, at sa

kultura. Sa sangay na ito na papaloob ang usapin ng gender na napapaloob sa mga

Page 20: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 19

material. Area 4— ang pagtatasa naman ng mga eksperto sa lenggwahe ay nakapokus

sa gramatika– kung ito ba ay tama at madaling maintindihan ng mga target na mga

gagamit. Dalawa ang magtatasa bawat sangay. Indibidwal na tatasahin ang material at

saka pagsasamahain ang kanilang pagtatasa para sa isang team report at team

recommendations na ipapasa sa IMCS

Ito ay nirerebyu at pinagtitibay ng Bids and Awards Committee sa tulong ng

Technical Support Division. Inihahanay din ito ayon sa pinagsamasamang marka mula

sa mga nagtasa mula sa pinakamataas pababa at tinutuoy din ang mayroong highest

responsive bid (HRB) na dapat ay nakapasa sa minimum rating. Ipapasa ito ngayon sa

Head of the Procuring Entity (HOPE) na siyang magtatakda kung pasado o hindi ang

rekomendasyon ng BAC. Kapag ito ay naaprubahan, bibigyan ng BAC ang lahat ng mga

limbagan na napasama sa pinaikling listahan ng resulta ng ebalwasyon kasama ang

ranking at kabuuan na puntos. Iimbitahan ngayon ang limbagan na mayrong HRB para

pormal na simulan ang panukalang pinansyal at negosasyon sa kontrata. Bago ang

maramihang pag-iimprenta, rerebyuhin ng Editorial Board ang camera-ready na kopya

ng mga material para siguruhing walang mali sa mga nilalaman nito. (Ang film chart ng

proseso ay makikita sa Apendiks 6).

Ang Gender Dimension ng English Expressways 1

Ang content analysis ng aklat na English Expressways 1 na isinagawa ng

mananaliksik ay mahahati sa tatlong parte.

Unang isinaalang-alang ang invisibility na sinukat base sa kadalasan o kalimitan

ng pagtatampok sa bawat kasarian sa mga ilustrasyon, kuwento, at teksto. Makikita na

sa bawat pahina ng libro ay tila halos pantay ang pagtatampok sa kababaihan at

kalalakihan. Mababatid na sa halos lahat ng aralin ay dalawa ang pinapakitang

halimbawa, sa isa’y tinatampok ang kalalakihan at sa isa na ma’y kababaihan. Ngunit

kung itatala ang lahat ng pagtatampok sa teksto at ilustrasyon/larawan, mababatid na

mas madalas matampok ang kalalakihan. Patunay dito ang datos na nasa Talahanayan

3. Sa teksto ay mayroong 127 na kababaihan at 135 a kalalakihan. Sa mga ilustrasyon

at larawan, naitampok ang babae ng 385 na ulit samantalang ang lalaki ay 437 na ulit.

Page 21: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 20

Dito ay makikitang sa parehong aspeto ay lamang na ang lalaki. Kung kaya’t kitang-kita

sa kanilang akumuladng bilang ay masmadalas o marami pa rin ang sa kalalakihan.

Gayundin ay mababatid na sa mga kuwento ay mas madalas na lalaki ang natatampok o

kaya’y ang pangunahing tauhan. Samantalang ang kababaihan ay tagasuporta lamang.

Invisibility sa English Expressways 1

Bilang sa teksto Bilang sa mga ilustrasyon at larawan

Kababaihan 127 Kababaihan 358

Kalalakihan 135 Kalalakihan 437

Akumuladong bilang ng kababaihan 485

Akumuladong bilang ng kalalakihan 572

Talahanayan 3. Datos ukol sa invisibility ng English Expressways 1

Sinyasat din ang aklat base sa gender stereotyping. Mayroong apat na puntong

mababatid sa nakalap na datos. Una, sa pananamit ay laging naka bistida o kaya’y

palda at blusa ang mga kababaihan at nakakorto o pantalon at polo o t-shirt naman ang

mga kalalakihan, matanda man o bata. Ikalawa, ang trabahong pantahanan ay

nauugnay sa babae at lalaki. Ngunit ito ay batay pa rin sa edad. Parehong batang lalaki

at babae ang iniuugnay sa mga gawaing pantahanan ngunit ang matandang babae

lamang ang iniuugnay ditto at ang matandang lalaki ay mas amdalas na iugnay sa

gawaing bagay tulad ng pagpipinta, pagmamartilyo atpb at hindi sa mga gawaing gaya

ng pagwawalis, pagluluto, pag-aalaga ng anak at mga katulad na gawain. Lutang na

lutang ang pagiging housekeeper at taga-alaga ng mga kababaihan samantalang ang

kalalakihan ay ang siyang nagtratrabaho at kumikita para sa pamilya. Pangatlo,

mapapansing may pagsusumikap na hindi ikahon ang kasarian ayon sa trabaho—

mayroong babae at lalaking pulis, babae at lalaking nars, atbp. Ngunit kapansin pansin

pa din na kaunting trabaho lamang ang iniugnay sa kababaihan at kadalasan ang mga

ito ay may kinalaman sa mga gawaing pantahanan, pag-aalaga, pagpreprepara ng

pagkain, at pagiging katulong lamang sa mga gawaing pamproduksyon. Kaugnay nito

ang ikaapat nap unto kung saan ang babae ay laging kaagapay lamang ng lalaki. Ang

lalaki ang doer at ang babae ay helper lamang na itinuturing.

Page 22: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 21

Kababaihan Kalalakihan

Nauugnay na mga bagay

Palda at blusa / bistida

Bulaklak/halamanan (7)

Libro atbpng babasahin Lapis (3)

Payong

Pamaypay

Mga bag

Manyika (2)

Bola (2)

Rosaryo

Pagkain (2)

Ibon

Pusa, kambing atbp alagang hayop (4)

Bubuyog

Polo/Pang-itaas at korto/pantaloon

Attaché case

Libro atbpng babasahin (5)

magnifying glass

sorbetes

lapis

daliri

Bola (2)

Trumpo (2)

Saranggola (2)

Lobo

Tambol, gitara atbp musikal na instrumento

Puno

Pandilig

Atis

bahaghari

ibon

hen, chick, goat, atbpng alagang hayop (3)

Nauugnay na pandiwa/ aktibidad na labas sa tahanan

nakaupo (6)

naglalakad (3)

tumatayo

tumatakbo (2)

pumupunta sa eskwelahan

Kumakanta (2)

Sumusulat (2)

Nagllinis ng pisara

Sumasayaw (4)

Sumusulat sa pisara

Tumatalon, naglalaro ng jumping rope atbpng aktibidad ng pagtalon (7)

Nagwawalis

Namimitas ng bulaklak

Nagbabasa (2)

Nagluluto, naghahanda ng pagkain atpbng kaugnay ng pagkain (3)

Namimili /shopping

Yumayakap (2)

Nagbibisikleta

“Stand” (2)

“Jump

Recite

drink milk.

I walk.

I play.

I eat fruits.

I go to school.

Namimingwit

“Jump three times.”

“Close the door.”

“Greet your teacher.”

“Hold your pencil up.”

“Scrub the floor.”

“Bring a book.”

“Jump rope”

Nagsasara ng bintana.

Nagbubukas ng bintana.

Pumapasok sa paaralan

Tumatakbo kasama ang aso

Naglalaro ng high jump

Gumuguhit

Page 23: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 22

Nagbibilang

Naglalaro ng jackstone

Nagdasal ng rosaryo

Nagtatanim ng halaman

Gumagawa ng kastilyong buhangin

Umiiyak

Naglalaro ng bola

Nagsasara ng bintana

Nakaupo

Nagtatanim

Tumatakbo

Nakatayo

Namamaalam

Sumasayaw

Kumakain

Nagsusulat (3)

Kumakanta (2)

Nagbabasa

Naglalaro ng bola (2)

Nilinis ang pisara

Nagbisikleta (2)

Naglalaro ng trumpo (2)

Tumutugtog ng gitara, tambol atbpng instrumento (2)

Tumatalon

Naglalaro ng saranggola (3)

Namimingwit ang batang lalaki

Nagsususlat ang batang lalaki

Nagpapalipad ng saranggola

Nagababasa ang batang lalaki

“The boy walks along the beach”

Naglaro ng baseball

Pag-uugaling pantahanan

Nag-aalaga ng (mga) anak (3)

Nag-aayos ng gamit pangeskwela

Ang nanay ay naiwan kasama ang kaniyang mga anak sa panonood ng telebisyon.

Tinutulungan ng babae sa pagsusuklay ang nakababatang babae

Nanonood ng telebisyon

Nagbabasa ang nanay (2)

Nagluluto ang batang babae

Nagwawalis ang batang babae

Mother is carrying a basket

Nina is helping Adnan

pinagbuksan ng pinto ang kaniyang tiyo

Nag-uusap ang dalawang batang lalaki habang ang isa ay nagtutulak ng wheelbarrow at ang isa naman ay nagwawalis

Nagbabasa ng dyaryo

Bumabati ng magandang gabi ang tatay na akmang matutulog na sa kaniyang mga anak at asawa. (p. 8)

Ang nakatatandang lalaki ay nagsusuklay sa harap ng salamin

Ang isa pang batng babae ay nagsusuot ng uniporme

Ang batang laaki ay nagpapakintab ng sapatos

Nagisipilyo

Nagpapakain ng aso

Nagpipintura ng pader

Page 24: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 23

(p203)

Mother is feeding the chickens and ducks

Liza cleaned the yard last Monday

Mother sprinkled water on the plants

Mag-ina (babae ang anak) ay nag-aayos ng pagkain sa picnic g pamilya.

Si Annie (Babae) ay nagsusuklay ng buhok. This is the way I comb my hair…

Nagdadasal

Nagbabasa

Ang nanay ay naghahanda ng kakainin

Batang lalaking nagtatanim ng halaman.

Inaayos ng nakatatandang babae ang posisyon ng halamang naka paso sa loob ng bahay.

Nagsusulat ang dalawang batang lalaki

Nagmamartilyo ng bakod ang tatay

Nagluluto ang tatay

Father is pulling the vinta

Adnan is hanging the net.

gumawa ng Bangka ang tatay at sinakyan nila ito.

Father is fixing the fence

namangka at nanghuli ng isda

Mario waters the plants yesterday

Terry wiped the windows last week

Jonjon washed the dishes last night

Eric scrubbed the floor yesterday

Father raked the dried leaves in the backyard

Tony wiped the table

Mga kalalakihang nagbubuhat ng bahay (bayanihan)

Mga kalalakihang nag-sasaka.

Si Joey (lalaki) ay naghihilamos. This is the way I wash my face…

Si Rudy (lalaki) ay nagsisipilyo. This is the way I brush my teeth…

Take a bath

Batang lalaking nagtatanim ng halaman.

Nakatatandang lalaki ang nag wiwisik ng pestisidyo sa halaman

Page 25: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 24

Trabaho Guro (8)

Librarian

Majorette

Engkantada

Nars (3)

Housekeeper/Taga-alaga ng anak (4)

Pulis

Katulong lamang sa pagsasaka (“Father is sick. Mother is helping on the farm.”)

Garbage collector

Dentista

Panadero

Doktor

Guro (4)

Sorbetero

Tumutugtog sa mosiko

Bumbero (2)

Chef (2)

Nars

Doktor (2)

Janitor (2)

Driver (2)

Pulis (3)

Magsasaka (4)

Dentista (2)

Panadero (2)

Karpintero (2)

Mail Carrier/ Kartero

Sapatero

Mangingisda

Talahanayan 4. Nilalaman ng Aklat ukol sa bagay, pandiwa/ aktibidad na labas sa tahanan, pag-uugaling pantahanan, at trabahong iniuugnay sa kalalakihan at kababaihan

Gayundin ay inanalisa ang aklat batay sa pagkiling ayon sa wika. Ginamit na

batayan ang Gender Fair Language Primer ng The University Center for Women’s

Studies, UP Diliman (1998). Sa aspetong ito ay walang kapuna-punang pagkiling ayon

sa wika maliban sa isa. Mahalagang bigyang diin ang paggamit ng panghalip na “him or

her” upang tukuyin ang guro sa panuto (p.51) at ang paggamit “she” at “her” na

panghalip lamang upang tukuyin ang guro sa panuto (pp. 80, 84, 85, 109, at 111).

Mapapansing ito ay maikakategorya sa paggamit ng generic pronoun para tumukoy sa

propesyong para sa lalaki at babae.

Diskusyon

English Expressways 1: Ang ebidensya

Mababatid na sa English Expressways 1 ay dominante ang kalalakihan kaysa

kababaihan. Makikita sa kwantitatibong pagsusuri sa pagtampok sa kalalakihan at

kababaihan sa aklat na mas madalas matampok ang lalaki kaysa babae sa teksto at

mga larawan o ilustrasyon. Mababatid din na hindi lamang mas madalas matampok ang

Page 26: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 25

lalaki kundi kalalakihan din ang madalas na pangunahing tauhan at mas nabibigyang

pansin sa mga kuwento at iba pang nilalaman ng aklat. Samantalang ang mga babaeng

karakter ay kadalasang sekondarya lamang.

Matingkad din ang pagkakahon sa kababaihan bilang taga-alaga at housekeeper.

Ang mga pag-uugaling pantahan at gawain na matatagpuan sa aklat ay nahahati sa

dalawa—una ay kinabibilangan ng pag-aalaga, paglilinis, pagluluto, at kaugnay na

gawain at pangalawa ay ang pagpipinta, pagkukumpuni ng mga sirang gamit, atbp. Ang

nasa unang grupo ay ginagawa ng matanda at batang babae at batang lalaki. Ang nasa

ikalawang grupo naman ay ginagawa ng matandang lalaki. Maaaring sa parehong

kasarian iniuugnay ang mga gawaing bahay. Ngunit di maikakaila na ito ay totoo lamang

sa mga batang lalaki. Malimit na itampok ang matandang lalaki na gumagawa ng

gawaing bahay gaya ng pag-aalaga ng anak, paglilinis at iba pa. Ang madalas na iugnay

sa kanila ay ang pagmamartilyo ng sirang bakod, pagpipinta ng pader, at mga katulad

na gawain.

Kapansinpansin na ang paglagay ng babaeng pulis (p. 154) at iba pang trabaho

ay pawang tokenismo lamang. Mas nangingibabaw na ang mga trabahong inuugnay sa

kababaihan ay may kinalaman sa pag-aalaga. Sa katunayan ay madalas na naitatampok

ang kababaihan bilang taga-alaga ng mga bata o alagang hayop, tagaluto, tagaprepara

ng pagkain, at tagalinis o ligpit.

Gayundin, isang malinaw na paglalarawan sa kababaihan bilang katulong lamang

ng kalalakihan ang mga sumusunod: 1) Sa larawan, makikita na inaayos ng babae at

lalaki ang lambat. Ito ay may caption na “Nina is helping Adnan.” (p. 203) bagkus na

“Nina and Adnan are fixing the net.” Dagdag pa, sa isang kuwento ay nakasaad na

“Father is sick. Mother is helping on the farm.” (p. 224) Isinasalaysay na kailangang

pumunta ng nanay sa sakhan at tumulong sa pagsasaka dahil ang tatay ay may sakit at

marahil ay di magampanan ang trabaho nang dahil dito. Ipinapahiwatig nito na

hinalinhinan lamang ng babae ang lalaki sa pagsasaka dahil ang huli ay may sakit at

hindi talaga sila magkaagapay sa produksyon at hindi siya (ang babae) aktibong

kaagapay sa produksyon sa normal na araw. Pinagtibay pa ito ng apat (4) na bilang ng

mga magsasakang lalaki na naitampok sa aklat ngunit wala ni isang babaeng

Page 27: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 26

magsasaka ang naitampok. Sa mga ito mababatid na tila ba mas mataas, mas malakas

at mas may kakanyahan ang kalalakihan kung kaya’t ang kababaihan ay katulong

lamang na mas mababa at hindi patas ang kakanyahan kumpara sa kalalakihan.

Hindi naman makokonsidera na isang killing para sa kababaihan ang paulit-ulit na

paggamit ng mga panghalip na “she” at “her” sa mga panutong naisaad sa itaas upang

tukuyin ang guro. Kung sisipatin ay mas pinalalaganap nito ang stereotype na ang

pagiging guro ay maiuugnay lamang sa kababaihan. Mayroon agad asumpsyon na ang

gurong nagtuturo sa klase ay isang babae. Mapapansin na kabilang sa trabaho ng isang

guro ang pagtuturo at gayundin ay pag-aalaga sa kaniyang mga estudyante sa loob ng

paaralan.

Ang mapagpanggap na mekanismo ng DepEd

Sa linyang ito, mababatid na may pagkukulang sa mekanismo ng DepEd upang

masigurong walang pagkiling sa anumang gender ang batayang aklat sa Ingles ng mga

mag-aaral sa ika-unang baitang. Una, mapapansin na diretsahan ang mga napapaloob

sa Social Content Guidelines hindi lamang sa seksyon ukol sa gender kundi sa iba pang

seksyon. Walang sapat na paliwanag ukol sa mga gustong puntuhin ng mga ito. Maaring

ito ay mapapaliwanag pa ng mas malalim sa oryentasyon at pagsasanay sa mga

magtatasa ngunit mayroong ding problema dito. Ayon na rin sa panayam sa ehekutibong

direktor ng IMCS na si Bb. Socorro Pillar, ang nangunguna sa parte ng oryentasyon at

training ukol sa Social Content Guidelines ay mula sa labas ng institusyon (outsource) at

walang malinaw na pamantayan sa kwalipikasyon ng iimbitahang manguna sa larangan

ng gender-bias free writing o kaugnay na kasanayan. Ito rin ay totoo sa paghahanap ng

maaring magtasa sa Area 3 kung saan ang malinaw lamang ay dapat siya ay guro ng

masters at may rekomendasyon galing sa dekano, president ng unibersidad o

pamantasan, at iba pang eksperto. Nakikitang mas politikal ang pagpili sa mga

magtatasa kaysa base sa kanilang kasanayan na kaugnay sa gender sensitivity.

Ang paglalagay ng mekanismong pang sala ayon sa pagiging gender-bias free ng

batayang aklat ay masasabing batay lamang sa compliance sa batas partikular na ang

nabanggit na mga internasyunal na kasunduuan at ng ating domestikong batas na iginiit

Page 28: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 27

na rin ni Bb. Marita Pimentel-Castillo. Kapansinpansin na sa ganoong kababaw na lebel

lamang makakategorya ang mga mekanismong ukol sa gender sa maga batayang aklat

ng DepEd. Ito ay mapapatunayan ng gender-biased na aklat na napasailalim sa pag-

aaral na ito sa kabila ng mga mekanismo na pinatutupad ng DepEd sa prosesong

pinagdaanan ng parehong aklat.

Paglalapat sa mas malaking konteksto

Hindi maaring asahan at makasiguro na gender-bias free ang mga aklat na

iproprodyus ng DepEd kahit na makitang mayroong mga polisiya na”magsisiguro” dito.

Ang mga aklat ay isang knowledge product; ito ay nagsisilbing daluyan ng kamalayan at

halagahin ng ating patriyarkal na lipunan. At dahil nananaig pa rin ang patriyarkal na

kaisipan sa institusyon ng edukasyon, ang kanilang mga polisiya at proseso ay nakahilig

sa pagsisigurado na mapanaig at mapanatili ang patriyarka sa lipunan. Sa mga

kundisyong ito ay hindi natin maaring asahan ang malalim na pagtingin at pagsiyasat sa

gender dimension ng mga batayang aklat. Lagi’t lagi na mangingibabaw ang patriyarka

sa mga batayang aklat na ipapagamit at gagamitin ng mga mag-aaral sa pampublikong

paaralan.

Konklusyon

Sa paglalagom, ang batayang aklat sa Ingles ng mga mag-aaral sa ika-unang

baitang, English Expressways 1, ay nakakiling sa kalalakihan at biased laban sa

kababaihan sa kabila ng mga mekanismo ng DepEd. Masasabing butas at mababaw

lamang ang pagpapahalaga at pagsisiyasat sa gender dimension ng mga libro ng mga

polisiya sa proseso ng pagpili ng batayang aklat na ipinatutupad ng DepEd.

Ang katotohanang ito ay dapat ilagay sa mas malaki pang konteksto. Ang

lipunang Pilipino ay patriyarkal na pinalalaganap pa ng konserbatibong sistema ng

edukasyon sa Pilipinas. At ang Kagawaran ng Edukasyon ay nananatiling konserbatibo

sa kanilang polisiya at mga proseso. Ang mga progresibong polisiya o mekanismo ng

kagawaran ukol sa gender ay pawang balat kayo lamang. Ang lahat ng ito ay

nagsasanib lakas at nagiging daluyan ng patriyarkal na kaisipan at instrumento ang mga

Page 29: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 28

batayang aklat upang palaganapin pa at italima sa isipan ng mga walang malay na

bagong henerasyon ang naturang kaisipan.

Sa linyang ito ay mayroong tatlong rekomendasyon sa polisiya ukol sa gender.

Una ay ang pagpapalaganap at pagpapalalim ng diskurso ukol sa gender sa ahensya.

Ito ay hindi lamang sa mga yaong nakadestino sa opisina na umaasikaso sa mga

batayang aklat kundi sa kabuuan ng empleyo nito. Pangalawa ay linangin ang gender

fairness na konsepto ng mga partikular na kawani na siyang maaring bumuo ng sariling

hanay ng mga magtatasa ng ahensya. Ito ay upang masiguro ang kasanayan nila sa

gender sensitivity at nang sa gayon ay magkaroon ng mas malakas na direktiba

ahensya sa mga nasabing kawani. Pangatlo ay kinakailangan hindi lamang ng DepEd

kundi ng iba bang ahensya ng gobyerno ng mga polisiyang hindi lamang sumusunod sa

batas ukol sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ngunit polisiyang nagtataguyod

ng gender equality at equity. Ngunit ang lahat ng ito ay magtatagumpay lamang kung

isang gender champion o may sapat at malakas na kaalaman at pagpapahalaga ang

mismong pamunuan ng ahensya ukol sa gender sensitivity gayundin sa gender equality

at equity.

Batis:

Anonuevo, C. (2004). An overview of the gender situation in the Philippines.Kinuha

Setyembre 6, 2012 mula sa http://library.fes.de/pdf-

files/bueros/philippinen/50069.pdf

Ansary, H. & Babaii, E. Subliminal Sexism in Current ESL/EFL Textbooks in Asian EFL

Journal: English Language Teaching and Research Articles, Vol. 5, Issue 1,

Article 5, March 2003 nakuha Agosto 3, 2012 mula sa www.asian-efl-

journal.com/march03.sub1.php

Brittan, A. (1984). Sexism, racism and oppression. Blackwell.

Page 30: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 29

Bowles, S. &Gintis,G. (1976). Schooling in capitalist America: Educational reform and

the contradictions of economic life. New York: Basic Books.

Castillo, Marita Pimentel. Key Informant Interview noong Pebrero 19, 2013.

Cordero, Anthony GH. Key Informant Interview noong Pebrero 12, 1013.

Department of Education. (2009a). Social Content Guidelines. [hindi pa nalilimbag]

Department of Education. (2009b). 2009 Textbook Call Guidelines for Elementary Math

and Science and Health Call for Submission of Textbooks an Teacher’s Manuals.

Kinuha Enero 25, 2013 mula sa

Dungo, N.A conceptual framework for teaching an introductory course on gender

saPhilippine Social Sciences Review, 52, January-December 1955, pp. 157 –

186. Kinuha Agosto 20, 2012 mula sa

http://www.journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/article/viewFile/1719/1659

Guarneri, C. & Poston Jr., D. Patriarchy in International Encyclopedia of the Social

Sciences, 2008.

Hussain, M. & Afsar, A. Language and gender: Linguistic analysis of intermediate

English textbooks in Pakistan. Language in India, 10 (11). (November 2010), pp.

27-42.

Kabira, W. & Masinjila, M. (1997). The ABC of Gender Analysis. Kenya: FAWE.

Margolis, E. (ed.). (2001). The hidden curriculum in higher education. New York &

London: Routledge nakuha mula

sahttp://www.udel.edu/anthro/ackerman/hidden%20curr.pdf

Page 31: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 30

Republic Act No. 9710 The Magna Carta of Women mula

sahttp://www.lawphil.net/statutes/ repacts/ra2009/ra_9710_2009.html

Pilar, Socorro. Key Informant Interview noong Enero 24, 2013.

Ray, S. (n.d.). Understanding patriarchy in Human Rights, Gender & Environment, pp.

1-21. University of Delhi: n.p. Kinuha Agosto 20, 2012 mula sa

www.du.ac.in/fileadmin/DU/Academics/course_material/hrge_06

Reyes, Z. (1998). An agenda for gender-fair education. In Review of Women's Studies

Volume VIII, Number 2 (July-December 1998). University of the Philippines:

Diliman.

Sadker, M.P. & Sadker. D.M. (1982). Sex Equity Handbook for Schools. New York,

N.Y.: Longman, Inc.

Samuel, A. Health policy and Public health: Patriarchy,masculinities and

healthinequalities in Gac Sanit 23(2), 2009, pp. 159–160.Kinuha Agosto 20, 2012

mula sa http://www.liv.ac.uk/~alexss/patriarchy.

Santillan, J. (1998). The patriarchal system: The exclusion of women in medical case

studies.Kinuha Oktubre 6, 2012 mula

sahttp://www.public.asu.edu/~squiroga/santill.HTM

Sydney, G. (2004). Gender roles in textbooks as a function of hidden curriculum in

Tanzania primary schools. Unpublished Ph.D Thesis. University of South Africa

Kinuha Agosto 20, 2012 mula sa

http://uir.unisa.ac.za/bitstream/handle/10500/1894/thesis.pdf

Page 32: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 31

Sunderland, J. (1994). Introduction to quadrant II sa J. Sunderland. (ed.).Exploring

Gender: Questions andImplications for English Language Education.New York:

Prentice Hall, pp. 55–66.

UNICEF.(n.d.).Millenium development goalsKinuha Agosto 20, 2012 mula sa

http://www.unicef.org/mdg/gender.html

Yasin, M., Jasmani, M., Hamid, B., Chee Keong, Y., Othman, Z., & Jalundin, A. (n.d.).

Verbs and gender: The hidden agenda of a multicultural society. The Southeast

Asian Journal of English Language Studies – Vol 17(Special Issue): 61 – 73.

Kinuha Agosto 20, 2012 mula

sahttp://www.ukm.my/ppbl/3L/Special%20Issue/Vol17(SI) full%20paperspdf/8-

Mohd%20faeiz%20Ikram%20et%20al.pdf

Zittleman, K. (2007). Teachers, students and title IX: A promise for fairness. Sa Gender

in the classroom: foundations, skills, methods and strategies across the

curriculum. Mahwah, NJ: Lawrence Erlbaum Associates.

Apendiks 1: Pabalat ng English Expressways 1

Page 33: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 32

Page 34: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 33

Apendiks 2: Gabay sa KII 1

Target: Expert

Dr. Anthony Cordero, Center for Gender and Women Studies

1. Mahalaga po ba ang textbooks sa buhay ng mga mag-aaral? Ano po ang role ng

mga textbooks sa buhay ng mga mag-aaral bukod sa pagiging gabay sa pagtuturo ng

pangakademiko at teknikal na kasanayan?

2. Paano at bakit nagkakaroon ng gender dimension ang textbooks?

3. Mahalaga po ba ang pagkilala at pag-aaral ng gender dimension ng textbooks? Ano

po ang estado ng Pilipinas patungkol dito? Bakit?

4. Paano po masasabing gender sensitive ang isang batayang aklat?

5. Nagkaroon na po ba ng pag-aaral ang CGWS tungkol sa gender dimension ng

textbooks?

Kung oo, ano po yung textbooks na napasailalim sa pag-aaral? Ano po ang inyong mga

findings? Ito po ba ay na relay sa DepEd? Paano po ang naging pagtanggap ng

DepEd?

6. Nakapag-ugnayan/ tulungan na po ba ang DepEd at DepEd sa mga proyekto o

programang patungkol sa gender dimension ng textbooks? Ano po (ang mga) ito? Ano

po ang naging resulta?

9. Nasiyasat nyo nap o ba ang mga mekanismo at polisiya ng DepEd ukol sa gender

partikular na sa mga aklat? Ano po ang resulta nito? Sa kanilang pagpapatupad ng

kagawaran ng Social Content Guidelines?

10. Ano pong mga aksyon at hakabanging dapat gawin sa bansa tungo sa pagkakaroon

ng gender sensitive na textbooks?

12. Mayroon pa po ba kayong nais idadagdag na hindi nasakop ng mga katanungan sa

itaas?

Page 35: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 34

Apendiks 3: Gabay sa KII 2

Target: DepEd official – IMCS

Ms. Socorro Pilar, Executive Director

I. Personal Profile

A. Gaano na po kayo katagal sa DepEd? Sa posisyon ninyo po?

B. Ano po yung functions and responsibilities ninyo bilang Executive Director ng

IMCS?

II. Ano po yung prosesong pinagdadaan ng textbook bago po siya magamit ng mga

mag-aaral? (curriculum building-writing-evaluation-publishing-distribution-evaluation)

III. May kasama po ba ditong patungkol sa gender sensitivity (kawalan ng gender bias)?

Kung meron, paano ito pinapatupad? (Social Content Guidelines)

A. Mayroon po bang standing committee o body na sumusuri sa gender dimension

ng textbooks?

1. Sinu-sino po ang miyembro ng body na ito?

2. Saan po under ang body na ito?

3. Lahat po ba ng mga libro ay dumadaan dio?

4. Proseso

B. Kung wala, sa tingin nyo po ba ay mahalaga ito? Ano yung pangkalahatang

pagtingin ng DepEd sa pagsasama ng usaping gender sa pamantayan ng pagpili ng

mga batayang libro?

IV. Mayroon po bang ibang mga mekanismo na ipinatutupad yung DepEd sa

pagsisiguradong walang gender bias ang mga textbooks?

V. Mayroon bang mga trainings/seminars na isinasagawa ang kagawaran ukol sa

gender issues ng textbooks?

1. Kung meron, ano ang mga ito? Para kanino ang mga ito (guro, manunulat, etc.)

Gano katagal na ito at gaano kalawak ang nasakop ng programang ito sa mga

paaralan sa Pilipinas?

2. Kung wala, mayroon bang pinaplano na ganito ang DepEd?

VI. Ano pa ang mga gusto ninyong idagdag na isyu ukol sa inyong kagawaran in

relation sa gender dimension ng textbooks na hindi nasakop ng ating panayam?

Page 36: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 35

Apendiks 4: Liham Imbitasyon

University of the Philippines Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

Padre Faura Street, Ermita, Manila 1000

________________________:

Good day!

I am Rachelle Anne M. Pormento, currently a Political Science senior at the University of the

Philippines Manila. One of the requirements in our last semester is to conduct a research

regarding issues in the country and to employ the theories we have studied for almost four years

in the university.

My research is about the gender dimension of textbooks used by public elementary students in the country, specifically the English Expressways 1. It aims to study the following: 1) gender dimension of the book’s contents— how gender is represented/ shown in the textbook 2) process(es) undergone by textbooks before students use them 3) mechanisms employed by the department with regards to gender sensitivity of textbooks

The study’s chief objective is to find an explanation as to why there are gender-biased contents in

textbooks used by elementary public school students.

With this I would like to humbly ask you and your kind office for an interview on the

abovementioned matters. Your expertise on the field will surely enrich the data and information

of my research.

If you have further questions, please do not hesitate to call or text me at 0915-380-6021 or e-mail

me at [email protected]. Thank you very much for your attention! I am looking

forward to your favorable response.

Respectfully yours,

Rachelle Anne. M. Pormento

Page 37: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 36

Apendiks 5: Consent Form

Consent Form

I freely consent to be interviewed by Rachelle Anne M. Pormento.

Signature Date

Page 38: Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at

P o r m e n t o | 37

Apendiks 6: Proseso na pinagdadaanan ng mga batayang aklat na may diin sa usapin ng gender

(halaw sa aking panayam at sa film chart ng DepEd)

Publishers submit TXs and TMs and pay DepEd evaluation fees.

DepEd advertises and posts IAEB and conducts procurement process.

DepEd-IMCS processes TXs and TMs; screens, selects, and identifies evaluators / reviewers

The BAC (assisted by the TSD) reviews and validates the aggregate weighted ratings for Areas 1 to 4 based on the

Rating sheets submitted by the content evaluators.

DepEd-IMCS manages content evaluation consisting of four (4) areas which focuses on: a. Coverage of Learning Competencies (LCs); b. Subject Matter Content; and c. Presentation and Language Area 1 Content Evaluation: Teams of evaluators who are curriculum experts or subject area specialists perform individual and team evaluation of TXs and TMs. They focus on the coverage and sufficiency of the development of the LCs. Area 2 Content Evaluation: Teams of content experts from reputable colleges, universities, and professional associations review content of TXs and TMs for conceptual, factual, pedagogical, grammatical, and other types of errors. Area 3 Content Evaluation: Master teachers coming from different regions determine whether the presentation, language, and visuals of TXs and TMs are appropriate to the target users, to society, and to culture. Area 4 Content Evaluation: Language experts ensure that the content of the TXs and TMs are grammatically correct

and can be easily understood by target users.

The BAC ranks the manuscripts in descending order (based on the numerical ratings) and identifies the highest

responsive bid (HRB), which should have passed the minimum rating.

The BAC submits the evaluation results to the HOPE, who approves or disapproves the BAC recommendation

If the HOPE disapproves, s/he shall immediately

inform the BAC and give reasons for disapproval.

If the HOPE approves, the BAC furnishes all participating

short listed publishers with the result of its evaluation

(ranking and total scores)

The BAC invites the publisher with the HRB for the opening of its financial proposals and for contract negotiations.

An Editorial Board will review the camera-ready copy of the

TXs and TMs to ensure that these are error free prior to

mass printing.

Legend: TXs &TMs - Textbooks and Teacher’s Manuals IAEB – Invitation to Apply for Eligibility and to Bid LCs - Learning Competencies IMCS - Instructional Materials Council Secretariat BAC – Bids and Awards Committee TSD – Technical Support Division HRB – Highest Responsive Bid HOPE – Head of the Procuring Entity

Cuririculum Development

DepEd issues a Textbook Call