paigtingin ang mga pakikibakang masa sa gitna ng usapang ... · pdf filesa tunay na reporma sa...

18
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 38 BILANG 3 HULYO-SETYEMBRE 2016 E D I T O R Y A L Tampok sa mga tagumpay ng negosasyon ang muling pagbay sa mga kasunduang nauna nang pinagbay ng dalawang panig, ang muling pagbubuo sa bagong listahan ng mga protektado ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees at ang pagtatakda ng susunod pang round para sa mas masinsin at masaklaw na pagtalakay at pagbubuo ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms. Inaasahang magiging mas masalimuot na ang susunod na mga negosasyon na siyang pinakapuso at kaluluwa ng buong usapang pangkapayapaan. Sa paglutas sa mga ugat ng armadong tunggalian sa bansa, babanggain ang malaon nang mga kairalan sa ekonomya na nagpanali sa pagiging atrasado, agraryan, pre-industriyal at malapyudal na katangian nito. Upang makamit ang tunay na pag- unlad ng nagsasariling ekonomya, ang agrikultura ang dapat na maging batayan ng pambansang ekonomya. Upang magawa ito, kailangang ipatupad ang programa sa tunay na reporma sa lupa. Kaugnay nito, kailangang wakasan ang paghahari ng mga panginoong maylupa, malalaking Paigtingin ang mga pakikibakang masa sa gitna ng usapang pangkapayapaan M akasaysayan ang muling pagbubukas ng pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Naonal Democrac Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Pilipinas (GPH) noong Agosto 22 hanggang 27. Makasaysayan ang mga araw na ito para sa rebolusyonaryong kilusan, sa mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at katarungan at sa buong sambayanang Pilipino sapagkat matapos ang ilang taong pagkaunsyami, nagharap ang dalawang panig sa Oslo, Norway at muling binuksan ang negosasyon bilang isang larangan ng pagsusulong ng mga pambansa-demokrakong kahilingan ng mamamayan.

Upload: duongthuy

Post on 15-Feb-2018

284 views

Category:

Documents


12 download

TRANSCRIPT

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 38 BILANG 3 HULYO-SETYEMBRE 2016

E D I T O R Y A L

Tampok sa mga tagumpay ng negosasyon ang muling pagtitibay sa mga kasunduang nauna nang pinagtibay ng dalawang panig, ang muling pagbubuo sa bagong listahan ng mga protektado ng Joint Agreement on Safety and Immunity

Guarantees at ang pagtatakda ng susunod pang round para sa mas masinsin at masaklaw na pagtalakay at pagbubuo ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms.

Inaasahang magiging mas masalimuot na ang susunod na mga negosasyon na siyang

pinakapuso at kaluluwa ng buong usapang pangkapayapaan. Sa paglutas sa mga ugat ng armadong tunggalian sa bansa, babanggain

ang malaon nang mga kairalan sa ekonomya na nagpanatili sa pagiging atrasado, agraryan,

pre-industriyal at malapyudal na katangian nito.

Upang makamit ang tunay na pag-unlad ng nagsasariling ekonomya, ang agrikultura ang dapat na maging batayan ng pambansang ekonomya. Upang magawa ito, kailangang ipatupad ang programa sa tunay na reporma sa lupa. Kaugnay nito, kailangang wakasan ang paghahari

ng mga panginoong maylupa, malalaking

Paigtingin ang mga pakikibakang masa sa gitna ng usapang pangkapayapaan

Makasaysayan ang muling pagbubukas ng pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Gubyerno ng Pilipinas (GPH) noong

Agosto 22 hanggang 27. Makasaysayan ang mga araw na ito para sa rebolusyonaryong kilusan, sa mga tagapagtaguyod ng kapayapaan at katarungan at sa buong sambayanang Pilipino sapagkat matapos ang ilang taong pagkaunsyami, nagharap ang dalawang panig sa Oslo, Norway at muling binuksan ang negosasyon bilang isang larangan ng pagsusulong ng mga pambansa-demokratikong kahilingan ng mamamayan.

NILALAMAN

HULYO-SETYEMBRE 20162 KALATAS

HULYO-SETYEMBRE 2016Tomo 38 Bilang 3

1 Editoryal

4 Palakasin ang pakikibaka para sa kapayapaanlaban sa Oplan Bayanihan

5 Labanan ang imperyalistang pandarambong at dominasyon

7 Malulutas ang suliranin ng kriminalidad at iligal na droga sa paglutas sa problema

ng kahirapan at kagutuman

9 Raling iglap, isinalubong sa pagbubukasng usapang pangkapayapaan

Pagbabago, kaunlaran at kapayapaan,panawagan ng TK sa SONA 2016

10 Demolisyon sa Patungan, kinundena

11 Welga sa SIDC, nagpapatuloy

12 Ika-44 anibersaryo ng Batas Militar, ginunita

Mga magniniyog, iginiit ang pagbawi sa CLF

13 Peace Mission, inilunsad sa Oriental Mindoro

Kilos-protesta laban sa EJK, inilunsad

Protesta laban sa coal power plant, inilunsad

14 Mga estudyante ng UPLB, nagwalkout

Araw ng mga Desaparecidos, ginunita

15 Pagpupugay at pagpaparangal kay Ka Dorris

Mga aksyong-militar ng BHB sa Quezon

16 Bantay Karapatan

18 Kultura

burgesya kumprador, malalaking debeloper ng lupa at mga lokal at dayuhang negosyo na nagmomonopolyo, nangamkam at nagpalit-gamit ng malalawak na lupaing agrikultural. Kaakibat nito, nararapat na palayain ang masang magsasaka–ang pangunahing pwersa sa produksyon sa Pilipinas. Sa pagwawakas sa monopolyo sa lupain ng mga panginoong maylupa, mapapalaya ang masang magsasaka, mapapaunlad nang husto ang agrikultura na siyang batayan sa kabuuang pag-unlad ng pambansang ekonomya.

Karugtong nito, kailangang ipatupad ang pambansang industriyalisasyon bilang nangungunang salik sa ekonomya. Kailangang wakasan ang mga neoliberal na patakaran ng pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon at iba pang mga kolonyal na patakaran sa ekonomya na nagbigay daan sa monopolyo ng mga dayuhan sa mga empresa sa bansa at puminsala sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan. Kailangang isabansa ang mga estratehikong industriya tulad ng enerhiya at itayo’t paunlarin ang mga batayang industriya tulad ng bakal mula sa mga yamang-mineral para iluwal ang mabibigat na industriyang magpapagulong ng pambansang ekonomya at lilikha ng milyun-milyong trabaho para sa mamamayan.

Pinakamahalaga sa negosasyon na sa pagsusulong ng anumang programa sa larangan ng ekonomya, sentral ang laging pag-uuna ng pambansa-demokratikong interes ng sambayanan. Hindi kailanman mababaklas ang imperyalistang dominasyon sa ekonomya at hindi kailanman uunlad ang pambansang ekonomya kung laging mangingibabaw ang interes ng malalaking negosyo sa pagkamal ng kita kesa sa pagsusulong ng karapatan at kagalingan ng higit na nakararaming mamamayan.

Kasabay ng pormal na negosasyon noong Agosto, nagdeklara ng tigil-putukan ang NDFP na pinalawig pa batay na rin sa rekumendasyon ng

HULYO-SETYEMBRE 2016 3 KALATAS

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected]

panel. Ang GPH ay nagdeklara ng pansamantalang tigil-putukan nang magsimula ang usapan. Gayunman, sa mismong panahon ng negosasyon at pagkatapos pa nito ay marami nang naitalang paglabag ang mga pwersang panseguridad ng GPH sa sarili nitong idineklarang tigil-putukan. Hanggang sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang kinamumuhiang Oplan Bayanihan ng dating rehimeng US-BS Aquino.

Higit na nagiging malinaw ngayon sa mamamayan na ang paglutas sa armadong tunggalian ay hindi katumbas at tunay na nakahihigit pa sa deklarasyon ng tigil-putukan. At ang pangmatagalang kapayapaan ay hindi nakabatay sa simpleng pananahimik ng mga armas.

A n g p a g k a k a m i t n g pangmatagalang kapayapaan ay dapat na nakabatay sa katarungan at hustisyang panlipunan. At hindi ito makakamtan hangga’t may mga manggagawang binubusabos sa pagawaan, mga magsasakang patuloy na inaagawan ng lupa, mga kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon, mga kabataang

walang kaseguruhan ang kinabukasan, mga maralitang walang maayos na panirahan at mamamayang walang makain sa kanilang hapag-kainan. Walang hustisyang panlipunan hangga’t hindi napapawi ang kagutuman, kahirapan at pambubusabos sa mamamayan. Makakamtan lamang ito kung namumuhay nang marangal at

masagana ang mamamayan.

Tunay na nagbubukas ng malaking oportunidad ang kasalukuyang nagaganap

na usapang pangkapayapaan para pag-usapan ang mga isyung

kinakaharap ng mamamayan. Kasabay nito, hindi dapat magmaliw ang mga pakikibakang masa ng

mamamayan at ang kabuuang pakikibaka ng

sambayanang Pilipino para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Dapat higit pa

itong paigtingin kahit sa panahon ng usapang pangkapayapaan para patuloy na maisulong ang pambansa-demokratikong interes ng mamamayan. Sa ganito lamang makakamtan ang pangmatagalang kapayapaang malaon nang hinahangad ng sambayanan.

4 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2016

Palakasin ang pakikibaka para sa kapayapaan laban sa Oplan Bayanihan

Sunod sa Mindanao, ang TK na ang pinakamilitarisadong rehiyon sa buong bansa. Kung tutuusin, lagpas pa ang deployment ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kasama na ang mga grupong paramilitar sa kabuuang pamantayan ng OpB. Nangunguna sa deployment ang hangganan ng mga probinsya ng Rizal, Laguna at Quezon, at sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP) kung saan may katumbas ng tig-pito hanggang walong batalyong nakapakat. Tig-apat na batalyon nito ang nagagamit na epektibong pwersang pangkombat.

Sinundan ito ng isla ng Mindoro na may katumbas na anim na batalyon ng kaaway kung saan higit dalawang batalyon ang epektibong pwersang pangkombat. Pumangatlo ang Batangas na may higit tatlong batalyong kaaway ang nakapakat kung saan dalawa sa mga ito ang epektibong pwersang pangkombat. Panghuli ang Palawan na may limang batalyon, dalawa sa mga ito ang epektibong pwersang pangkombat, subalit kumpara sa lawak ng kalupaan ng buong isla ay maliit ito.

Sa balangkas ng Oplan Bayanihan, inilunsad ang mga kampanya ng pagdurog sa rebolusyonaryong baseng masa, sa pagwasak sa mga organisasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa pagsupil sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan. Pinakatampok ang ekstraordinaryong pasistang atake sa SQBP kung saan umabot sa halos bawat sityo ay may pakat at sabay-sabay na operasyon ng kaaway.

Instrumento rin ang mga tropa ng kaaway sa pagprotekta ng interes ng malalaking negosyante para supilin ang paglaban ng mamamayan tulad na lamang ng karanasan ng mamamayan sa demolisyon sa Sityo Balacbacan sa San Juan, Batangas.

Sa kabila nito, magiting na nilansag at binigo ng

rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon ang lupit ng bawat pasistang atake ng kaaway. Bagamat may mga pinsalang ininda sa nakaraan, naging pansamantala lamang ang mga ito at sa kabuuan ay lahatang panig nang nakabawi ang mga larangang gerilyang labis na hinalihaw ng OpB. At katulad ng mga nagdaang Oplan, tinuldukan na ng rebolusyonaryong mamamayan hindi lamang sa TK kundi maging sa buong bansa ang kabiguan ng OpB ng rehimeng US-BS Aquino na durugin at ganap na wasakin sa kabuuan ang rebolusyonaryong paglaban ng sambayanan.

Gayunman, bagamat nagpalit na ang mukha ng rehimen, nagpapatuloy pa rin ang mga kombat, saywar at civil military operations ng kaaway. Tampok ang paggamit ng kampanya kontra-droga para makapanalasa ang 74th at 85th IBPA sa SQBP. Ito rin ang ginagamit ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force para makapagtayo ng detatsment sa loob ng mga baryo sa Batangas.

Tampok din ang hamletting sa mga komunidad ng mga Dumagat sa Rizal at ang kahalintulad na kalagayan sa mamamayan ng Patungan sa Maragondon, Cavite.

Sa isla naman ng Mindoro, pinagkampuhan ang mismong eskwelahan at nagpapatuloy ang civil military operations ng 4th IBPA. Tampok naman sa Quezon ang pinakaunang kaso ng iligal na pag-aresto at detensyon kay Tony Pajalla sa ilalim ng gubyernong Duterte. Nagpapatuloy din ang surbeylans sa mga progresibong lider tulad ng pagbuntot at pagsunod sa mga lider-manggagawa.

Kahit nang ideklara ng Gubyerno ng Pilipinas (GPH) ang sarili nitong tigil-putukan, nilabag ito ng sarili nilang tropa. Sa probinsya ng Quezon, mahigit isang kumpanya ng pwersa ng 85th IBPA ang ipinakat sa hangganan ng mga bayan ng Lopez at Calauag. Nagkaroon naman ng operasyong militar sa Barangay

Sapul pa taong 1998, hindi na nilubayan ng mga pwersang panseguridad ng estado ang rehiyong Timog Katagalugan. Di miminsang inilagay ito sa pambansang prayoridad ng mga nagdaang rehimen. At

maging sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng nakalipas na rehimeng US-BS Aquino, pinalasap sa mamamayan ng TK ang bangis at pangil ng pasistang atake ng kaaway.

PANGUNAHING LATHALAIN

HULYO-SETYEMBRE 2016 5 KALATAS

Sumilang, General Luna. Inoperasyon din ang mga barangay ng Santo Niño Ilaya at Ibaba, gayundin ang mga barangay ng San Rafael, Mabini, Sta. Elena, San Vicente at Mal-ay sa hangganan naman ng Lopez at Gumaca.

Sa Batangas naman, sangkot ang mga tropa ng GPH sa marahas na demolisyon sa Patungan. Sa isla ng Mindoro, tampok ang iligal na pag-aresto at nagpapatuloy na detensyon kay Jeffrey delos Reyes, isang Pulang mandirigma. Labis na kataksilan ito sa tigil-putukan ng GPH at sa mabuting simulaing nakamtan sa muling pagbubukas ng pormal na usapang pangkapayapaan. Inilalantad din nito ang mga butas ng tigil-putukan ng GPH. Nalalagay sa alanganin ang kaseryosohan at sinseridad ng GPH na tupdin ang mga deklarasyon nito kaugnay ng usapang pangkapayapaan.

Sa ganitong kalagayan, nagiging malinaw sa mamamayan na ang pakikibaka para sa kapayapaan ay hindi katumbas at higit pa sa pagkakaroon ng

tigil-putukan. Hindi kailanman makakamtan ng mamamayan ang kapayapaan hangga’t nagpapatuloy ang panghahalihaw ng mga pwersang panseguridad ng estado sa mga komunidad ng mga magsasaka sa kanayunan, sa pamayanan ng mga katutubo at kahit sa loob ng pagawaan o paaralan sa lungsod.

Ang kasalukuyang mga atake ng kaaway laban sa rebolusyonaryong kilusan ay bahagi pa rin ng Oplan Bayanihan. Subalit nakatakdang patuloy na mabigo ang Oplan Bayanihan dahil sa saligang katangian nitong anti-mamamayan. Kabiguan din ang hinaharap ng susunod pang mga Oplan at anumang marahas na kampanya laban sa mamamayan hangga’t nananatili ang malakolonyal at malapyudal na kaayusan sa lipunang Pilipino. Sapagkat hangga’t nagpapatuloy ang kahirapan, kagutuman at pambubusabos, hangga’t walang

nakakamtang pambansa-demokratikong pagbabago ang sambayanan, laging makatwiran ang kanilang rebolusyonaryong pakikibaka para makamit ang matatag na kapayapaang nakabatay sa katarungan at hustisyang panlipunan.

Labanan ang imperyalistang pandarambong at dominasyon

Naging palagiang tahanan na ng imperyalistang pandarambong ang rehiyong Timog

Katagalugan. Mula sa pagpapalit-gamit ng malalawak na lupaing agrikultural na kinamkam sa mga magsasaka para pagtayuan ng iba’t ibang empresa, pook-industriyal at engklabong kinonsentrahan ng libu-libong pabrika hanggang sa murang lakas-paggawa ng mamamayang Pilipino, patuloy na dinarambong ng mga imperyalista, malalaking dayuhang korporasyon at mga lokal na kasapakat nito ang yaman ng rehiyon at ng buong bansa.

Mula nang todo-todong ipataw ang neoliberal na patakaran sa Pilipinas, bukas-palad na inihain ng mga nagdaang reaksyunaryong gubyerno ang bansa para

sa pagpasok ng dayuhang pamumuhunan. Planadong binalangkas ng mga imperyalista, malalaking dayuhan at lokal na negosyo at mga burukrata ang mga programang diumano’y “pangkaunlaran” subalit sa katotohona’y para pagkakitaan nila nang lubos. Ibinukas ang malalawak na lupain, ang mga kagubatan at kabundukan, ang mga baybaying-dagat at karagatan para dambungin ng mga dayuhan.

Bahagi nito ang pagpapalawak ng mga daungan tulad ng nasa Batangas, pagtatayo ng magkakaugnay na linya ng transportasyon na nagtatahi sa iba’t ibang mga probinsya, ang lumobong bilang ng mga engklabo’t export processing zones, ang sistema ng pabahay at telekomunikasyon, ang mga proyekto

Ang kasalukuyang mga atake ng kaaway laban sa rebolusyonaryong

kilusan ay bahagi pa rin ng Oplan Bayanihan. Subalit nakatakdang

patuloy na mabigo ang Oplan Bayanihan dahil sa saligang katangian nitong

anti-mamamayan.

HULYO-SETYEMBRE 20166 KALATAS

para sa elektrisidad at enerhiya para tiyakin ang pagtakbo ng mga makina, at maging ang paglikha ng dambuhalang hukbo ng reserbang lakas-paggawa dahil sa kawalan ng trabaho ng masang magsasaka sa kanayunan na biktima ng pangangamkam at pagpapalit-gamit ng mga lupaing agrikultural.

Tampok sa pinakamalalaking negosyo ang mga yamang-mineral na matatagpuan sa rehiyon. Nariyan ang banta ng mapaminsala at mapangwasak na pagmimina ng Mindoro Resources Ltd (MRL), CrazyHorse at Asturias Mining na mag-oopereyt sa Batangas. Nariyan pa rin ang Intex Resources-Mindoro Nickel Project sa Mindoro, ang Citinickel at Nickel Asia sa Palawan at ang Palladium Mining (off-shore mining) sa Romblon. Hinuhukay at pinapatag naman ng pagku-quarry ang mga kabundukan sa Montalban, Rizal para minahin ang mataas na uri ng mga batong ginagamit sa konstruksyon.

Patuloy ding dumarami ang mga proyektong pang-enerhiya sa TK. Bukod pa sa mga nakatayo nang coal-fired thermal power plants (CFTPP) sa Batangas at Quezon na siyang pinakamaruming pinagkukunan ng enerhiya gamit ang karbon, tampok din ang mga proyekto ng renewable energy sa Mindoro tulad ng mini-hydro powerplants ng Sta. Clara Corp. at windmills ng PHESI, at ang Russian Solar Energy sa Rizal na sangkot sa pangangamkam ng lupa. Nariyan din ang Laiban Dam na magpapalubog sa 10 mga

barangay sa Quezon at Rizal.

Syempre pa, hindi kumpleto ang iba’t ibang mga empresa ng mga imperyalista kung walang malapit na mga pasyalan, pook na pang-rekreasyon at iba pang mga proyektong pang-ekoturismo. Sa kabila ng nagpapatuloy na banta ng demolisyon sa Patungan sa Maragondon, Cavite at sa Hacienda Looc sa Batangas, patuloy na naninindigan ang mamamayan sa kanilang lupa na planong idebelop ni Henry Sy para sa kanyang negosyong pang-ekoturismo. Nakaamba pa rin ang pagpasok ng malalaking negosyo sa Laguna de Bay na magpapalayas sa mga mangingisda sa paligid ng lawa, gayundin sa Sierra Madre na magpapalayas naman sa mga katutubo at sisira sa mga kabundukan nito.

At dahil walang pakundangan ang mga negosyong ito sa kanilang masasamang epekto, pagkawasak ang dulot nito sa kalikasan. Tampok dito ang pagkawasak na idudulot ng mga dambuhala at mapaminsalang pagmimina sa Batangas sa isa sa pinakamayayamang marine biodiversity, ang Verde Island Passage.

Polusyon naman ang dulot ng maruming panggatong ng mga CFTPP. Paano pa

mare-rehabilitate ang mga kagubatan at kabundukang pinatag na ng mga minahan at quarry?

Pinsala rin ang dulot nito sa kabuhayan, panirahan at kagalingan ng mamamayan. Nawalan ng lupa ang mga magsasaka, katutubo at

setler, napalayas sila sa kanilang mga tirahan. At sa halip na ang mamamayan ang makinabang sa yamang hatid ng mga kagubatan, kabundukan at maging ng karagatan, dinarambong ito ng malalaking dayuhang korporasyon na binibigyang proteksyon pa ng mga burukrata-kapitalista.

Sa likod ng mga pangako ng kaginhawaan sa mga proyektong ito, di hamak na mas malaking pinsala ang idudulot ng mga makadayuhan at anti-mamamayang mga proyekto sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.

Sa esensya, ang mga diumano’y proyektong “pangkaunlaran” ay bahagi pa rin ng malaganap na patakarang neoliberal na ipinataw ng mga

HULYO-SETYEMBRE 2016 7 KALATAS

Malulutas ang suliranin ng kriminalidad at iligal na droga sa paglutas sa problema ng kahirapan at kagutuman

Ang malaking problema sa kriminalidad at iligal na droga ay karugtong at mauugat sa problema

ng kahirapan at kagutuman ng mamamayan at sa kabuuang kabulukan ng paghahari ng imperyalismong US, uring panginoong maylupa, malalaking burgesya kumprador at ng malalaking burukrata-kapitalista sa bansa.

Kailangang maging malinaw na ang pangunahing protektor at tagapagtaguyod sa sindikato ng iligal na droga ay walang iba kundi ang pinakamalalaking burukrata-kapitalista sa burukrasya-militar-pulisya sa loob mismo ng reaksyunaryong estado ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GPH). Sila, katuwang ang mga dayuhan at lokal na druglords ang pangunahing nakikinabang sa kamuhi-muhing sindikatong ito na sumisira sa buhay at kinabukasan ng sambayanan at kabataang Pilipino.

Pinoprotektahan at kinukunsinti ito ng imperyalismong US upang epektibong pagharian ang sambayanang Pilipino. Sa pamamagitan ng paglaganap ng droga sa Pilipinas, mawawasak ang pagkakaisa at mailalayo ang sambayanan sa pagbubuo ng rebolusyonaryong pagkakaisa upang epektibong labanan at wakasan ang paghahari ng imperyalismong US at ng kasabwat nilang malalaking kumprador-panginoong maylupa. Sa gayon, sa pagpapanatili nito, matitiyak na mapapanatili ang kanilang paghahari at mapepreserba ang pagiging malakolonyal at malapyudal ng lipunang Pilipino.

Sa kabilang banda, ang karaniwang mamamayan

ang biktima ng sindikato ng iligal na droga. Ang matinding kahirapang dinaranas ng mga magsasaka, manggagawa at malamanggagawa, maging ng nasa hanay ng petiburgesya ang nagiging kundisyon upang makaugat at lumago ang sindikato ng iligal na droga sa Pilipinas. Sila ang karamihan sa mga tinatawag na “user” o gumagamit ng droga. Sa kanilang hanay rin nagmumula ang mga runner ng mga tagabenta ng iligal na droga.

Tunay na malaking problema ang sindikato ng iligal na droga at dapat itong mapagpasyang sugpuin at wasakin. Sa layuning ito ay pwedeng magtagpo ang administrasyong Duterte at ang rebolusyonaryong kilusan. Ganonman, kailangang maglinaw ng malaking pagkakaiba sa pamamaraan ng pagsugpo at pagwasak sa iligal ng droga sa pagitan ng administrasyong Duterte at rebolusyonaryong kilusan.

Ang pamamaraan ng administrasyong Duterte ay pagpatay sa karaniwang mamamayan na siya mismong mga biktima ng sindikato ng iligal na droga habang maluwag naman ang pagtrato sa pinakamalalaking druglords at protektor ng sindikato ng iligal na droga. Ang datos kung saan karaniwang mamamayan ang biktima ng libu-libong mga napatay sa kampanya laban sa iligal na droga ang magpapatunay nito. Sa kabilang banda, hanggang sa ngayon, iilang malalaking druglords at protektor lamang ang napaparusahan o naaaresto. Malaking bahagi pa sa ilang nalantad na druglords at protektor ay binibigyan ng sobrang kaluwagan alinman sa pagbibigay pagkakataong sila’y makausap o di kaya’y pumapel bilang mga testigo.

imperyalista sa bansa. At kung gayon, ang pakikibaka laban sa imperyalistang pandarambong ay karugtong ng pakikibaka laban sa neoliberalistang patakarang isinusulong ng US at iba pang imperyalistang bayan, kasapakat ang kanilang mga lokal na alipures.

Malaon nang biktima ng kawalan ng hustisyang panlipunan ang mamamayan. Sapagkat kailanman, ang sinabing “kaunlaran” ay hindi para sa higit na nakararaming mamamayan kundi para sa pagkakamal

ng malaking kita ng iilan.

Ang patuloy na pagsahol ng pamumuhay ng mamamayan dahil sa mga patakarang anti-mamamayan at makadayuhan ay higit na nagpapaalab sa rebolusyonaryong paglaban ng sambayanan. Dapat higit na paigtingin at palakasin ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan upang wakasan na ang imperyalistang pandarambong at dominasyon sa lahat ng aspeto ng lipunang Pilipino.

8 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2016

Nagaganap ang walang pakundangang mga pagpatay sa karaniwang mamamayan ng wala ni anumang pagrespeto sa proseso ng hustisya (judicial process) at anumang paggalang sa karapatan ng mamamayan. Lansakang nilalabag ang karapatan ng mamamayan na mabuhay at ang kanilang karapatan sa makatarungang paglilitis.

Sa tuwing may puputok na balita sa telebisyon tungkol sa kampanyang “War on Drugs” ng kasalukuyang administrasyon, nagmimistulang magkakamukha ang mga istorya nito. Para sa mga pinaghihinalaang nagtutulak ng iligal na droga at mga gumagamit nito na hindi pa sumusuko, may dalawang paraan kung paano sila tutugisin at papaslangin: Una, mababaril sila ng mga pulis sa isang buy-bust operation dahil nagtangka diumano silang manlaban. Mahuhulihan sila ng baril at pakete ng paghihinalaang shabu. Pangalawa, mababaril sila ng mga hindi makikilalang riding-in-tandem habang naglalakad sila sa kalsada, tirik man ang sikat ng araw o sa dilim ng gabi.

Sa rehiyon ng Timog Katagalugan, kabi-kabila na rin ang mga kaso ng pamamaslang. Ang ilan sa mga pinakahuling kaso ng pagtugis at pagpatay sa mga pinaghihinalaang tulak ng droga ay sa Taytay at Antipolo City sa Rizal; sa Tanauan, Batangas; sa Rosario at Bacoor, Cavite; at sa Lucena, Infanta at Sariaya sa Quezon. Karamihan sa kanila, pinagbabaril dahil nanlaban daw sa mga pulis. Lahat din sila ay may dalang baril (ang isa ay granada) at iligal na droga.

Sa gitna ng ilang mga pagkakasundo at pagtatagpo sa ilang programa at layunin sa administrasyong Duterte ng rebolusyonaryong kilusan tulad ng pagkakasundo laban sa paglaban sa pangingialam ng imperyalismong US sa Pilipinas at pagwawakas sa sistema ng kontraktwalisasyon sa paggawa; mahalagang maging malinaw ang walang maliw na paninindigan ng rebolusyonaryong kilusan sa pagprotekta, pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatang pantao, laluna ng sambayanang Pilipino at ng karaniwang mamamayan. Hindi dapat gamiting rason ang kampanya sa pagsugpo sa sindikato ng iligal na droga upang lansakang labagin ang karapatang pantao ng sambayanang Pilipino.

Dapat ipatupad ang patakarang panagutin

at parusahan ang pinakamalalaking druglords at protektor ng sindikato ng iligal na droga at mga kriminal na aktibidad. Sila ang dapat at pumapasok sa pamantayan upang parusahan ng kamatayan. Sa kabilang banda, dapat na ipatupad ang patakarang isalba at protektahan ang higit na nakararaming mamamayang biktima. Kasama sa mga biktima na dapat protektahan, isalba at pagbaguhin ay ang mga biktimang user at mga runner na handang magbago, matapos ang mga pagsisikap na sila ay pagbaguhin gamit ang mga epektibo at wastong pamamaraan. Dapat na labanan ang kultura ng agarang pagpatay sa mga biktima, sibilyan man o karaniwang user at runner, laluna yaong mga nagpapahayag na magbabago. Dapat na mapapanagot ang mga sagadsaring pinuno ng mga pagpatay na ito at mga lansakang lumalabag sa karapatan ng mamamayan.

Kaakibat at higit na mas malayo at malalim, dapat na wasakin ang ugat ng kahirapan at pambubusabos sa sambayanang Pilipino. Higit pa sa pagpaslang sa mga itinuturing na kriminal, higit na kailangang tugunan ang mga problema ng kahirapan at kagutuman na siyang batayan ng patuloy na pag-iral ng iligal na droga at kriminalidad. Kahit na gaano pa man karami ang patayin ng rehimen, sa huli’y nakatakdang mabigo ang gera-kontra-droga hangga’t hindi natutugunan ang kahirapan at kagutuman sa lipunang Pilipino.

Upang magawa ito, kailangang wakasan ang dominasyon ng imperyalismong US sa ekonomya, pulitika, kultura, militar at ugnayang panlabas. Kaakibat, kailangang wakasan ang pyudal at malapyudal na paghahari ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador sa Pilipinas.

Kaugnay nito, nararapat na ipatupad ang rebolusyonaryong programa sa reporma sa lupa. Sa pamamagitan nito, maipapamahagi nang libre ang lupa sa masang magsasaka at sa gayon ay magkaroon ng malaking puwang ang masang magsasaka na umunlad ang kabuhayan. Kaakibat, ipatupad ang pambansang industriyalisasyon at Pilipinisasyon ng mga lupain sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, maitatayo at maitataguyod ang nagsasariling umuunlad na ekonomya at bansang Pilipinas at sa gayon ay mailalatag ang mga batayan upang mawalan ng batayan ang pag-iral ng sindikato ng iligal na droga at kriminalidad sa bansa.

HULYO-SETYEMBRE 2016 9 KALATAS

Pagbabago, kaunlaran at kapayapaan, panawagan ng TK sa SONA 2016

Nakiisa ang higit 1,000 mamamayan mula sa rehiyong Timog Katagalugan sa Pambansang

Lakbayan ng mamamayan mula sa Mindanao, Visayas, Bikol at Hilagang Luzon para sa pagtatambol ng adyenda ng mamamayan sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Rodrigo Duterte.

Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) ang Bigkisan para sa Pagbabago, Kaunlaran at Kapayapaan kung saan tampok ang iba’t ibang aktibidad at programang nagtatambol sa panawagan ng mamamayan.

Noong Hulyo 22, idinaos ang isang peace forum kung saan tinalakay ni NDFP Consultant Randall

Echanis ang nilalaman at kahalagahan ng CASER o Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms. Nagbahagi rin ng karanasan si Joyce Latayan, dating bilanggong pulitikal.

Ipinanawagan naman ni Diego Torres, tagapagsalita ng BAYAN-ST na palayain na lahat ng mga bilanggong pulitikal sa buong bansa at simulan ang makabuluhang usapang pangkapayapaan. Naging tampok din ang eksibit alay sa mga bilanggong pulitikal na nagpapakita ng kanilang mga larawan, akda at istorya.

Kinabukasan ay tumulak ang delegasyon sa Crossing Calamba, Laguna para sa Grand Salubong

Raling iglap, isinalubong sa pagbubukas ng usapang pangkapayapaan

Naglunsad ng isang raling iglap ang mga kasapi ng National Democratic Front-

Southern Tagalog (NDF-ST) at mga kaalyadong organisasyon nito sa Mendiola sa Maynila noong Agosto 22, kasabay ng unang araw ng muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at Gubyerno ng Pilipinas (GPH).

I p i n a n a w a ga n n i l a ang pagpapatupad ng t u n ay n a r e p o r m a n g agraryo at pambansang industriyalisasyon bilang tugon sa mga usaping sosyo-ekonomiko na isa sa mga mayor na tatalakayin sa negosasyon. Ipinanawagan din nila ang pagpapalaya sa iba pang mga konsultant at istap ng

NDFP para sa usapang pangkayapapaan at ang higit 500 mga detinidong pulitikal na nananatiling nakapiit sa iba’t ibang pasilidad ng GPH sa buong bansa.

Samantala, nakalaya na rin sina Ernesto Lorenzo at Tirso Alcantara, ang dalawang

konsultant na nagmula sa Timog Katagalugan noong Agosto 17. Mula pa Agosto 11 ay

ilang serye ng mga programa ang inilunsad ng mga progresibong

organisasyon na nananawagan ng pagpapalaya sa mga konsultant at

istap ng NDFP na protektado ng Joint Agreement on Safety

and Immunity Guarantees (JASIG) at sa higit 500

detenidong pulitikal sa buong bansa.

BALITA

sa mga delegasyon mula Bikol, Visayas at Mindanao. Tampok sa idinaos na programa ang panawagan ng iba’t ibang rehiyon, gayundin ang kanilang mga pangkulturang pagtatanghal.

Matapos ang salubungan ay tumulak na sila patungong kamaynilaan at nagpalipas ng gabi sa Department of Agrarian Reform, UP Diliman at PUP Sta. Mesa. Sa bisperas ng SONA noong Hulyo 24 pinasinayaan ang Peace Camp sa Quezon City Memorial Circle kung saan idinaos naman ang iba’t ibang aktibidad sa paghahanda sa martsa ng mga mamamayan sa araw ng unang SONA ni Duterte. Tampok dito ang pagbabahagi ng tagapagsalita ng iba’t ibang mga progresibong organisasyon, paggawa ng peace cranes, Zumba for Peace, pagbubuo ng human peace sign, at paggawa ng mural. Malinaw na ipinanawagan ng mamamayan ang pagkakamit ng kapayapaan na batay sa katarungan.

“Katumbas ng suporta ng mamamayan sa maaayos na hakbangin ni Pangulong Duterte ang pagiging kritikal natin sa kaniyang mga susunod na hakbang lalo’t higit sa kaniyang partisipasyon sa peace talks,” ani Torres.

Sa mismong araw ng SONA, Hulyo 25, nagmartsa ang delegasyon mula sa elliptical road sa Quezon City patungong Batasang Pambansa. Ayon kay Torres, “ngayong naihapag na natin ang ating mga hamon sa presidente, ang mamamayan ay narito upang abangan ang kanyang susunod na magiging hakbangin. Sa partikular, ang kagyat na kailangang tugunan ay ang pagbabalik ng peace talks sa pagitan ng GPH at NDFP at ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal.”

Demolisyon sa Patungan, kinundena

Mariing kinundena ng iba’t ibang mga progresibong grupo ang naganap na marahas na demolisyon sa Patungan,

Maragondon, Cavite noong Agosto at ang nagpapatuloy na banta nito hanggang sa kasalukuyan.

Noong Setyembre 13-14, naglunsad ng Peace Mission ang Pilgrims for Peace-Southern Tagalog, KARAPATAN-ST, Bagong Alyansang Makabayan-ST, mga taong simbahan at iba pang mga progresibong grupong makakalikasan. Ipinakita nila ang kanilang suporta sa pakikibaka ng mamamayan ng Patungan para sa kanilang kabuhayan at panirahan laban sa pangangamkam ng lupa at mga proyektong ekoturismo ng iilang gahaman.

Lumabas sa isinagawang National Fact Finding Mission na pinangunahan ng Pamalakaya-Pilipinas noong Setyembre 2-3 ang ginagawang food and economic blockade ng mga Virata at mga bayarang goons nito sa mamamayan ng Patungan na maaaring dumulo sa hamletting ng komunidad. Limitado ang kanilang kilos laluna ang paglabas-masok ng mamamayan.

Noong Agosto 22-23, mahigit sa 15 kabahayan ang winasak ng demolition team, pribadong goons ng Maria Teresa Virata (MTV), Inc., kasabwat ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Walang habas silang namaril at hinagisan ng tear gas ang mamamayan sa desperasyong mapalayas sila sa komunidad.

Bagamat naitayo na ang mga winasak na tahanan ng demolisyon, nagpapatuloy pa rin ang presensya ng mga bayarang gwardya ng MTV at Henry Sy.

Higit tatlong taon na ang nakararaan nang magsimula ang banta ng demolisyon sa Patungan. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na naninindigan ang mamamayan sa kanilang lupa na siyang kanilang tirahan at pinagkukunan ng kabuhayan.

Sa ibang bahagi ng rehiyon ay maingay rin ang isyu ng demolisyon sa kabila ng mga deklarasyon ng gubyernong Duterte na walang demolisyon kung walang maayos na relokasyon. Tampok dito ang marahas na demolisyon sa mamamayan sa Sitio Tubigan, Alupaye sa Pagbilao, Quezon. Sa Cavite naman, nakaambang mademolis ang mga komunidad sa mga tabing ilog, partikular na ang karatig ng ilog ng Zapote at Aniban dahil sa proyektong clean up drive ng lokal na pamahalaan.

HULYO-SETYEMBRE 201610 KALATAS

Welga ng mga manggagawa sa SIDC Batangas, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang welga ng mga manggagawa ng Soro-Soro Ibaba Development Cooperative

(SIDC) mula nang ikasa nila ito noong Hulyo 11 dahil sa kontraktwalisasyon, iligal na pagtatanggal sa mga manggagawa, at samu’t saring kaltas sa kanilang kakarampot na sahod. Ito ang pinakaunang welgang ipinutok sa TK sa pagpasok ng bagong rehimen ni Rodrigo Duterte.

Sa kabila ng desisyong ibinaba ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Agosto 18 na iregularisa na ang 320 manggagawa at itigil ang pagpapatupad ng labor only contracting sa lahat ng subsidyaryo ay wala pa ring tugon ang SIDC. Bago pa ito, tinangka nang buwagin ang kanilang piket ng mga bayarang goons at mga elemento ng Philippine National Police noong Agosto 15.

Ang SIDC ay isang multi-purpose cooperative na pangunahing gumagawa ng pagkain ng baboy at manok. Pagmamay-ari ito ni Rico Geron, 1st Nominee ng AGAP Partylist. Ang DMCC Manpower Agency ang kontraktor na pinagkukuhanan ng SIDC ng mga manggagawa.

Nasa 400 ang kabuuang lakas-paggawa sa SIDC. Kabilang na rito ang mga magsusunong (kargador) at production operator. Kalakhan sa mga ito ay mahigit tatlong dekada nang nagtatrabaho sa kooperatiba.

Abril ngayong taon naitayo ang kanilang unyon, ang Samahan ng mga Manggagawa sa SIDC-LIGA (SAMA-SIDC-LIGA) at noong Hulyo ay nakapaglunsad na sila ng kanilang unang welga. Tinatayang milyun-milyon na ang nawalang kita ng SIDC ilang araw pa lamang matapos ang unang araw ng welga dahil sa tigil-produksyon at paghaharang sa mga iluluwas na produkto mula sa pabrika.

May pagtatangka ring buwagin ang hanay ng mga welgista nang magbaba ng temporary restraining order (TRO) ang Batangas City Regional Trial Court noong Hulyo 14. Kasama pa ng TRO ang mga grupong pangdemolisyon, mga buldoser, trak ng bumbero at armadong pulis. Hindi natinag ang mga manggagawa at sa halip ay nanatili sila sa kanilang hanay hanggang sa mapaso ang TRO.

Matapos ang dalawang buwan ay patuloy pa ring ipinapanawagan ang regularisasyon, pagbabalik sa mga iligal na tinanggal, pagbabalik sa mga kinaltas sa suweldo, pagbayad at paghulog ng kanilang kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-ibig, at pagkilala sa kanilang unyon.

“Matagal nang nilabag ng kumpanyang SIDC ang karapatan ng mga manggagawa. Sa 31 taon nilang

paggampan sa trabaho ay nananatiling kontraktwal ang mga manggagawa,

na nagtulak sa kanila upang ilunsad ang welga. Katulad ng iba pang mga kontraktwal, ito ang nagsisilbing armas upang ipagtanggol ang karapatan nila, katulad ng mga manggagawa

ng Tanduay, Manila Cordage Company at Manco

Synthetic, Inc. na hanggang sa kasalukuyan ay nakawelga

pa,” ani Antonete Amorado, tagapagsalita ng Liga ng Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay, samahan ng mga manggagawa sa rehiyon at nangunguna sa kampanya laban sa kontraktwalisasyon.

Samantala, patuloy din ang welga sa MCC at MSI sa kabila ng panggigipit sa mga manggagawa. Kamakailan lamang ay namataan ang naka-full battle gear na mga gwardya sa gitna ng banta ng dispersal sa welga. Patuloy din ang panggigipit sa mga manggagawa at hindi pinapapasok ang magbibigay ng

11 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2016

HULYO-SETYEMBRE 2016 12 KALATAS

Ika-44 anibersaryo ng Batas Militar, ginunita

Sa pangunguna ng KARAPATAN-ST, lumahok ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa

malaking kilos-protestang inilunsad sa Mendiola noong Setyembre 21 bilang paggunita sa ika-44 taong anibersaryo ng deklarasyong Batas Militar ng diktadurang US-Marcos noong 1972.

Inalala ng mga nagkilos-protesta ang kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Hindi bababa sa 3,257 ang bilang ng naitalang kaso ng pamamaslang, 35,000 kaso ng tortyur, at 70,000 ang naging mga detinidong pulitikal. Ang iba naman ay dinukot at hindi na muling nakita pa.

Ayon kay Diane de Chavez, tagapagsalita ng KARAPATAN-ST, “Apatnapu’t apat na taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakamit ang hustisya at iniinda pa rin ng sambayanan ang kahirapang idinulot ng kanilang pagkaganid sa yaman at kapangyarihan. Kasaysayan ang makapagsasabi na malinaw ang kasalanan ng pamilya Marcos sa taumbayan ngunit hanggang sa kasalukuyan, nananatili pa rin silang nasa poder ng kapangyarihan habang pilit na itinatala sa kasaysayan ang kasinungalingan sa kabayanihan ni Marcos.”

“Hindi na dapat maulit pa ang madugong karanasan ng bayan sa ilalim ng Batas Militar na dahil sa paglaban ng mamamayan sa matinding krisis na nararanasan ay dahas ang sagot ng gubyerno. Sama-sama nating kamtin ang tunay na kapayapaang nakabatay sa katarungan. Ang hindi natin paglimot sa kasaysayan ang siyang magbibigay ng ganap na hustisya at guguhit ng kasaysayan sa hinaharap kung

saan ang sambayanan ang ituturing na bayani,” paliwanag ni de Chavez.

Samantala, isang peace forum naman ang ginanap noong Setyembre 20 sa University of the Philippines-Los Baños na may temang “Balikan ang kasaysayan ng karahasang Batas Militar, Magkaisa at kamtin ang tunay na kapayapaang nakabatay sa katarungan!” na pinangunahan ng Pilgrims for Peace-ST at Bagong Alyansang Makabayan-ST. Pagkatapos nito’y nagmartsa ang mga dumalo sa pagtitipon at ipinanawagan ang pagpu-pullout ng mga tropang militar sa mga komunidad, pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal at pagsusulong ng kapayapaan.

suporta at pagkain sa kanila. Gayunman, nananatiling matatag ang mga manggagawa at naninindigan para igiit ang kanilang mga karapatan at paglaban sa kontraktwalisasyon.

Nagtagumpay naman ang botong YES to STRIKE sa Sagara Metro Plastics sa Calamba City. Nagkaisa ang mga manggagawa na maglunsad ng welga laban sa kontraktwalisasyon, deadlock sa kanilang Collective Bargaining Agreement o CBA at hindi makatwirang mga polisiya sa loob ng pagawaan.

Noon namang Agosto 10, itinayo na ng mga manggagawa sa Minami Machineries and Electronic Technologies sa Light Industrial Science Park I sa Cabuyao ang kanilang protest camp sa loob ng planta dahil sa pagdedeklara ng kapitalista ng closure gayong 3-month temporary shutdown lamang ang deklarasyon nito sa DOLE. Nanalo ang botong YES sa kanilang strike voting noong Agosto 2. Dalawang taon nang nakabinbin ang CBA sa pagitan ng mga manggagawa at kapitalista.

Mga magniniyog, iginiit ang pagbawi sa CLF

Naglunsad ng kilos-protesta ang mga kasapi ng Coco Levy Fund Ibalik sa Amin-Quezon

(CLAIM-Quezon) noong Agosto 18 para muling igiit ang pagbawi sa coco levy funds. Una nilang tinungo ang tanggapan ng United Coconut Planters Bank (UCPB) bago tumulak sa Perez Park at sa Lucena Public Market kung saan sila naglunsad ng programa. Anila, matagal nang ipinagkakait sa libu-libong magsasaka sa niyugan ang coco levy funds na hinuthot sa kanilang ilang taong pagtatrabaho.

Ipinanawagan din ng mga magniniyog ang pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo at ang pagtalakay nito sa negosasyong pangkapayapaan bilang isang mahalagang usaping sosyo-ekonomiko.

13 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2016

Peace Mission, inilunsad sa Oriental Mindoro

Inilunsad ng iba’t ibang mga grupong nagtataguyod sa karapatang pantao at

kapayapaan ang Pilgrims for Peace: Fact Finding Mission for Peace and Human Rights sa Oriental Mindoro noong Setyembre 1-2.

Naging partikular na pokus ng peace mission ang mga bayan ng Mansalay at Bulalacao kung saan pinakananalasa ang militarisasyon. Sa ilalim ng Oplan Bantay Laya ng rehimeng US-Arroyo at ng kasunod na Oplan Bayanihan naman ng rehimeng US-Aquino, marami ang mga naging biktima ng pamamaslang, tortyur, panggigipit at iba pang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa lugar.

Panawagan ngayon ng mamamayan ng Oriental Mindoro ang pagbabasura sa Oplan Bayanihan at pag-pullout ng mga tropang militar para matamasa nila ang kapayapaan sa kanilang mga komunidad.

Kilos-protesta laban sa EJK, inilunsad

Naglunsad ng kilos-protesta ang KARAPATAN-Southern Tagalog sa harapan ng Camp Crame

noong Agosto 26 para kundenahin ang patuloy na dumaraming bilang ng extrajudicial killings (EJK) dahil sa gera-kontra-droga ng gubyernong Duterte at ipanawagan ang pagbabasura ng Oplan Bayanihan.

Naglunsad sila ng performance art na nagpapakita ng mga biktimang nakahandusay at may hawak na karatulang “Oplan Bayanihan, nakamamatay!”

Ayon kay Diane de Chavez, tagapagsalita ng KARAPATAN-ST, “Nakababahala ang patuloy na pagdami ng bilang ng pamamaslang sa mga pinaghihinalaang sangkot sa droga. Pinapatay sila nang hindi dumadaan sa tamang proseso ng paglilitis. Karamihan sa mga biktima ay mahihirap at hindi tunay na napapanagot ang malalaking negosyante, sindikato, mga pulitiko, kapulisan at militar na sangkot sa industriya ng droga. Kasabay dapat ng pagkakamit natin ng kapayapaan ay ang paggalang sa karapatang pantao.”

Noong Setyembre 8, tinungo ng mamamayan ng Calaca, Batangas ang

Department of Energy para magprotesta laban sa pagbibigay nito ng permiso sa planong expansion ng Calaca Coal-fired Power Plant na pagmamay-ari ng DMCI. Ipinanawagan din nila ang pagbasura sa pribatisasyon ng sektor ng enerhiya.

Kinaumagahan, nakipagdayalogo sila sa Department of Environment and Natural Resources para pigilin ang mapaminsalang coal power plant sa Batangas.

Tampok na kahilingan ang pagpapataw ng moratoryo sa pagtatayo at pagpapalawak o

pagdaragdag ng coal power plant sa Calaca, sa buong lalawigan ng Batangas at iba pang dako ng bansa. Ipinanawagan din nila ang paniningil sa DMCI at iba pang kumpanyang nagmamay-ari sa power plant dahil sa mga negatibong epektong dulot nito sa mamamayan.

S a m a nta l a , i s a n g E nv i ro n m e nta l Investigation Mission sa Calaca Coal-fired Power Plant ang isinagawa noong Setyembre 1-4 ng Center for Environmental Concerns, Bukluran para sa Inang Kalikasan (BUKAL), Kalikasan, AGHAM, Ibon Foundation, Health Alliance for Democracy (HEAD) at iba pang mga organisasyon at simbahan sa ika-35 taong pag-iral ng planta.

Protesta laban sa mapaminsalang coal power plant, inilunsad

HULYO-SETYEMBRE 2016 14 KALATAS

Mga estudyante ng UPLB, nag-walkout

Lumahok ang mga mag-aaral ng University of the Philippines-Los Baños sa isinagawang

walkout bilang pakikiisa sa National Day of Protest Action against Neoliberal Attacks on Education noong Setyembre 22.

Ayon kay Merwin Jacob Alinea, tagapangulo ng University Student Council ng UPLB, ang walkout ay isang panibagong oportunidad para ipakita ang pagkakaisa ng mga mag-aaral ng unibersidad laban sa kumersyalisasyon ng edukasyon. Sa pagsisimula ng unang semestre, tampok sa kinaharap ng mga mag-aaral ang kabulukan ng Student Academic Information System (SAIS).

“Ang nagpapatuloy na mga proyekto at polisiyang anti-estudyante ay malinaw na manipestasyon ng neoliberal na atake laban sa mga mag-aaral at sa kabataan sa kalahatan. Kailangang iangat ang panawagan para sa mas mabuting serbisyo para sa mga estudyante, at sa dekalidad at abot-kayang edukasyon para sa kabataang Pilipino sa kalahatan,” dagdag ni Alinea.

Noong Agosto 25, mapangahas na pinasok ng mga militanteng estudyante ng UP Diliman, Los Baños, at Manila ang silid na pinagpupulungan ng Board of Regents (BOR) upang ipahayag ang kanilang mariing pagtutol sa pagpapatupad ng bagong iskema sa registration. Ang BOR ang pinakamataas na organong nagpapasya sa mga ipatutupad na polisiya at programa ng UP.

Kalakhan ng mga estudyante ay hirap sa pagkuha ng mga subjects para sa semestre dahil sa bago ngunit palpak na registration system, ang SAIS. Sa halip na pabilisin ang proseso ng enrolment ay lalo pang nahirapan ang mga estudyante sa pagkuha ng kumpletong bilang ng mga yunit dahil sa depektibong SAIS. Sa ilalim din nito, hindi pinapayagang makakuha ng mga subjects ang mga estudyanteng may utang pa sa unibersidad.

Ang SAIS ay kabilang sa proyektong eUP ng pangulo ng UP na si Alfredo Pascual kung saan tinatangka nitong gawing online na lahat ng transaksyon sa UP

kabilang na ang pagkuha ng mga subjects ng mga mag-aaral at pagpapasa ng mga grado ng mga guro.

Dagdag pa sa kabulukan ng SAIS, pangunahing panawagan ng mga mag-aaral na papanagutin si Pascual sa isyu ng korapsyon dahil napatunayang lubhang malaki ang inilaang badyet para sa eUP, lalo para sa hindi magandang serbisyo. Tinatayang nasa 751.9 milyong piso ang limang taong badyet nito, habang nananatiling maraming estudyante ang hindi kinakaya ang taas ng matrikula sa itinuturing na pambansang unibersidad ng bansa.

Bago ito, sinalubong ng protesta ng mga mag-aaral ng UP Los Baños ang unang araw ng pasukan noong Agosto 3. Mapangahas na pinasok ng nasa 800 na mga nagngangalit na estudyante ang Main Library para manawagan sa mga administrador na ibasura ang eUP at SAIS. Sa kabila ng pagpipigil ng mga pulis, matagumpay na nakapasok ang mga estudyante at tinungo nila ang opisina ng mga administrador. Sa mismong palapag ng mga opisina ng pamunuan ng unibersidad nakapaglunsad ng kilos-protesta ang mga estudyante.

Araw ng mga Desaparecidos, ginunita

Nag-alay ng kandila ang mga mag-aaral ng University of the Philippines-Los Baños noong Agosto 30 bilang paggunita sa Araw ng mga Desaparecidos. Inalala nila ang mga naging biktima ng sapilitang pagdukot at pagkawala. Ipinanawagan din nila ang paglitaw sa mga biktima at ang pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan.

Bago ito, ginunita ng mamamayan ng TK sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) noong Agosto 27 ang ikatlong taon ng pagkawala ni Ben Villeno, isang lider-manggagawa.

15 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2016

Mga aksyong-militar ng BHB sa QuezonBago ideklara ng Partido Komunista ng Pilipinas

(PKP) at ng Pambansang Pamatnugutan sa Operasyon ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang tigil-putukan, isang labanan ang naganap sa pagitan ng yunit ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon at mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Noong Agosto 18 ganap na alas-10:40 ng gabi, nakasagupa ng BHB Quezon ang mga elemento ng 85th IB sa hangganan ng Barangay San Isidro at Jongo sa bayan ng Lopez. Di bababa sa apat ang napatay sa panig ng 85th IB habang sugatan ang iba pa. Ligtas namang nakaatras ang mga Pulang mandirigma mula sa labanang tumagal ng 20 minuto.

Noong Agosto 17, iginawad naman ng BHB ang parusang kamatayan kay Mondelyn Baradia matapos mapatunayan ng hukumang bayan na siya ay kaaway ng mamamayan. Si Baradia ay isa sa pinakaaktibong tauhan ng mersenaryong tropa ng 85th IB sa pagkuha ng mga impormasyon laban sa BHB at sa rebolusyonaryong kilusan. Kabilang sa krimen niya ang pagpapahamak sa masa na sa

iba’t ibang pagkakataon ay nakasalamuha ng BHB. Ipinahamak din niya ang mga taong naserbisyuhan ng seksyong medikal ng BHB.

Ayon sa BHB Quezon, “Ang paggawad ng parusa sa mga aktibong nagpapagamit sa berdugong AFP ay lehimitong aksyon ng BHB bilang sandata ng Demokratikong Gubyernong Bayan sa pagtatanggol

nito sa mamamayan laban sa mga kontrarebolusyonaryong pwersang nagnanais na panatilihin ang pagsasamantala at pang-aapi sa

masang anakpawis.”

Samantala, pinasinungalingan ng BHB ang pahayag ng AFP na “routine patrol” ang

kanilang isinagawa noong madaling araw ng Hulyo 25, sa mismong araw ng State of the Nation

Address ni Rodrigo Durterte, kung saan inatake ng AFP ang BHB sa Barangay Dela Paz sa bayan pa rin ng Lopez. Namartir si Ka Reymart, magiting na Pulang Mandirigma.

Nagsagawa ng aktibong depensa ang yunit ng BHB sa naturang labanan na ikinamatay naman ng

dalawang tropa ng 201st Brigade.

Pagpupugay at pagpaparangal kay Ka Dorris Cuario

Serye ng mga kilos-protesta ang isinalubong ng mga progresibong organisasyon sa ika-40

araw ng pagkamatay ni Ka Dorris Cuario, ang dating pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Southern Tagalog. Noong Agosto 4, tinungo nila ang mga ahensya ng gubyerno para kalampagin ang mga ito at isulong ang mga labang dating tinanganan ni Ka Dorris.

Naglunsad sila ng programa sa Camp Bagong Diwa noong umaga at gayundin sa tanggapan ng Department of Justice noong hapon para ipanawagan ang pagpapalaya sa lahat ng mga detinidong pulitikal. Sa pagitan nito’y nagtungo sila sa tanggapan ng Department of National Defense para singilin ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao ng mamamayan na idinulot ng mga pwersang panseguridad ng estado sa

balangkas ng Oplan Bayanihan ng nagdaang rehimeng US-BS Aquino.

Lumundo ang mga aksyong-protesta sa isang gabi ng pagpaparangal at pagpupugay para kay Ka Dorris. Ibinahagi ng kanyang mga nakasama sa Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU), Hustisya Southern Tagalog at KARAPATAN-ST ang mga inambag ni Ka Dorris mula nang maorganisa siya sa hanay ng mga manggagawa at nang maging upisyal siya ng KARAPATAN. Ipinalabas ang ilang mga bidyo ng pananalita ni Ka Dorris mula sa iba’t ibang programa at pagkilos na kanyang nilahukan. Nag-alay ng mga pangkulturang pagtatanghal ang iba’t ibang mga grupong pangkultura habang naghandog din ng isang mensahe si Kasamang Jose Maria Sison.

16 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2016

BANTAY KARAPATAN

Isang Pulang mandirigma, inaresto sa Mindoro

Sa kabila ng deklarasyong tigil-putukan ng Gubyerno ng Pilipinas, pataksil na inaresto ng mga pwersang panseguridad nito si Jeffrey delos Reyes sa Victoria, Oriental Mindoro noong Setyembre 19. Sinampahan siya ng mga gawa-gawang kasong murder at frustrated murder.

Ayon kay Ma. Patricia Andal, tagapagsalita ng NDF-Mindoro, “Ang pagdakip nila kay delos Reyes ay isang nagdudumilat na katotohanang simula’t sapul hindi naman sinsero ang mga pulis na umusad ang usapang pangkapayapaan.”

Kasalukuyang nakadetine si delos Reyes sa Oriental Mindoro Provincial Jail sa Calapan City.

Pandarahas sa mga magsasakaSa probinsya ng Quezon, tumitindi ang

panggigipit sa mga magsasaka ng Hacienda Matias. Una na rito ang pag-aresto at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga kasapi ng Pangkalahatang Samahang Magsasakang Tenante-PIGLAS-Quezon. Inaresto sa San Francisco, Quezon sina Mark Banching, tagapagsalita ng PSMT, Guillermo Catandihan, Marvin Claveria at Reynaldo Mapa noong Setyembre 7 at kinulong noong Setyembre 8 sa PNP-San Francisco.

Ang iba pang kasapi ng PSMT ay mayroon din diumanong warrant of arrest. Bago pa ito, dalawang lider-magsasaka ang tinutukan ng baril habang ang isa pa ay dinala sa kampo-militar sa loob mismo ng Hacienda Matias, tinakot at inakusahang kasapi ng Bagong Hukbong

Bayan.

Samantala sa Laguna, umiigting ang pananakot at pandarahas sa mamamayan ng Sityo Buntog sa Hacienda Yulo sa Canlubang, Calamba City. Nitong Setyembre 17 lamang, dalawang trak ng mga armadong gwardya mula sa pribadong security agency ang ipinasok sa Sityo na siyang nananakot at nandarahas sa mamamayan. Sunud-sunod na rin ang ginagawang pagsusukat ng lupa at pilit na pinapasok ang malalaking equipment tulad ng buldoser sa loob ng baryo.

Lider-magsasaka sa Quezon, iligal na inaresto

Iligal na inaresto si Antonio “Ka Tony” Pajalla noong Agosto 12, bandang alas-9 ng umaga, ng mga elemento ng Third Maneuver Platoon at idinetine sa Philippine National Police (PNP) Macalelon. Kagagaling lang ni Pajalla sa kanyang tahanan sa

Macalelon at papunta sana sa opisina ng Anakpawis sa Catanauan nang harangin ng mga pulis sa Barangay Catumbo, Catanauan ang kanyang sinasakyang dyip.

Si Pajalla ay pangalawang tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at tagapag-ugnay ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid (PIGLAS)–Quezon. Dinakip siya sa kasong rebelyon na isinampa sa kanya noong taong 1995 kahit na may ipinakita siyang sertipiko ng amnestiya na iginawad sa kanya noong 1997.

Nakalaya si Pajalla noong Agosto 15 dahil sa masigla at masigasig na kampanya ng mamamayan sa rehiyon.

17 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2016

Ayon kay Alex Pacalda, tagapagsalita ng Karapatan-Quezon, ang iligal na pagdakip kay Pajalla ay buhay na patunay ng pagpapatuloy ng pasistang kampanya sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Kabilang ito sa serye ng mga bigwas sa uring magsasaka ngayong ikatlong kwarto ng taon. Sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija, walang awang pinaghahabol habang pinauulanan ng bala ang apat na magsasakang sina Baby Mercado, Violeta Mercado, Elejo Barbado at Gaudencio Bagalay. Sa Isabela naman, pinaslang ng tatlong armadong kalalakihan si Ariel Diaz, 52 anyos, sa tapat mismo ng lupang kaniyang sinasaka sa Villa Pereda, Delfin Albano. Si Diaz ay tagapangulo ng Danggayan Dagiti Mannalon (DAGAMI), tsapter ng KMP sa Isabela.

Mga lider-manggagawa, patuloy na hinaharas

Patuloy na nakararanas ng panghaharas at sarbeylans ang mga lider-manggagawa ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU). Noong Hulyo 27 bandang alas-4 ng hapon, napansin ng mga manggagawang sinusundan sila ng isang motorsiklo. Sinubukan nilang iligaw ang motorsiklo subalit pagpasok nila sa South Luzon Expressway (SLEx), isang Toyota Revo van na kulay maroon naman ang nagpatuloy na bumuntot sa kanila. Sinubukan muli nilang iligaw ang sasakyan sa bahagi ng Muntinlupa ngunit panibagong sasakyan ang sumulpot at bumuntot sa kanila. Pumihit at pumasok ang mga manggagawa sa Sta. Rosa exit para makahingi ng tulong. Bumaba ang mga lider-manggagawa para magtungo sa ligtas na lugar.

Ayon kay Allan Bagas, pangkalahatang kalihim ng PAMANTIK-KMU, “Nababahala kami sa insidenteng ito dahil maaari kaming basta na lamang paslangin, ibalot sa kahon, at lagyan ng label na ‘Mga pusher kami. Huwag tularan.’ Kami ay mga lehitimong lider-manggagawa na kumikilos upang itaguyod ang karapatan at kagalingan ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan.”

Ang mga manggagawa ay papuntang Bicutan, Taguig para sana dumalo sa panrehiyong pagpupulong ng PAMANTIK-KMU.

Mga katutubong Dumagat, nagbakwit

Nagbakwit ang mga katutubong Dumagat dahil sa patuloy na pandarahas ng mga elemento ng 80th Infantry Battalion sa Barangay Calawis, Antipolo City. Maaalalang noong buwan ng Mayo ay pinasok ng militar ang kanilang komunidad. Matapos suyuin sa pagkakaroon ng pagupitan at palaro tulad ng basketbol habang kinukunan ng litrato ang mga nagpapagupit at manlalaro, binalikan ng militar ang komunidad at hinamlet ito.

Mariing tinututulan ng mga Dumagat ang itinatayong 500-megawatt na Wawa pump storage hydropower project ng Olympia Violago Water and Power, Inc.

Operasyong militar ng AFP sa Batangas

Nagpatuloy ang mga operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng idineklarang tigil-putukan ni Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo 25. Noong Hulyo 26, naglunsad ng operasyon ang mga elemento ng 16th IB at 730th Combat Group ng Philippine Air Force sa Sityo Santolan, Barangay Coral ni Lopez sa Calaca, Batangas. Ang sunud-sunod na operasyong militar sa lugar mula pa noong 2015 ay nagdulot ng takot sa mga residente kung kaya’t marami sa mga magsasaka ay umalis na sa kanilang mga bahay at sakahan.

Ayon kay Agaton Bautista ng Samahan ng mga Magbubukid sa Coral ni Lopez, matagal nang inilagay ng militar ang kanilang pangalan sa Order of Battle ng AFP.

18 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2016

Noon, humihilik pa ang umaga’ysumasalubong naang tilaok ng tandang,ang awit ng matatanda,ang palahaw ng sanggol na sabiksa gatas ng ina.

Sa pagsilip ng liwanagmababanaag ang kislapng luha ng bukang-liwaywaymatapos itong humaliksa mga halaman at bulaklak.

Sa lupain ng ninuno’y sabik ang lahatsa paggising ng araw.

Ngunit nang dumatingang traktora’t buldoser,naduwag ang tandang,tumangis ang mga matatanda,

ang palahaw ay dulot na ng hinagpisng pagkawalay ng mga anaksa kanilang mga ina.

Sa lupa’y hindi na lamang luhaang humahalik,kundi dugong nagmulasa poot at galit.

Naligaw ang himbing.

Ngunit hindi ba mas mulat sa mga banta ng dilimang mga gising.

Hindi na muling mapapapikitang mga pinukaw ng dahas.Idlip lamang ang magiging pahingaat wala nang kailangang yanig sa pagbalikwas mula sa panaginip.

Mga Mulat sa Gabini Ka Fredo

Maingay ang rumaragasang tubig sa ilogsubalit kinig ang mga yabag ng mga berdugo,dahil nagulo ang awit ng mga ibonat ang mga dahon ay bumubulong.

Bumubulong ito ng kapayapaanpinatatambol ito sa kalunsuransubalit ang lahat ng dinadaananng mga kaaway ay naguguluhan.

Hindi nila iniwan ang kamoplahedala-dala pa rin nilang tabing sa imahe;

ang mga sasakya’y wala sa garahe,at may ihip ng takot sa ere.

May ingay sa katahimikansubalit ito’y binusalan;sa likod ng tigil-putukan,karaingan sa kanayunan, tinalikuran.

Kanayuna’y di mananatiling tahimik,babangon at babangon pa rin sa putik.sa likod ng tigil-putukan,titindig pa rin sa ipinaglalaban.

“Ceasefire”ni Ka Danaya

KULTURA