pagsasalita

15
PAGSASALITA

Upload: university-of-perpetual-help-binan-jonelta

Post on 24-May-2015

4.150 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

my short slide for my report in filipino. the images has animation that's why there are some images in some of my slides that blocks the titles and other definitions .. :)))

TRANSCRIPT

Page 1: Pagsasalita

PAGSASALITA

Page 2: Pagsasalita

KAHALAGAHAN NG

PAGSASALITA

Page 3: Pagsasalita

Ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa

isipan ng ibang tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan.

Ang kabiguang maipahayag ang sarili nang epektibo ay kadalasan pa ngang

nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap.

Marami na ang natanyag at nagtagumpay bunga ng kanilang katangi-tanging kakayahang magsalita sa paraang kinalulugdan ng mga tagapakinig.

Page 4: Pagsasalita

MGA NATANYAG DAHIL SA HUSAY SA PAGSASALITA

Page 5: Pagsasalita

Abraham Lincoln Dating pangulo ng Estados UnidosAng kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ang pinakamahusay na talumpati sa kasaysayan ng daigdaig.

Frankling Delano RooseveltIsang Pangulo ng AmerikaIpinalagay na pinakamahusay na mambibigkas sa kanyang panahon

Page 6: Pagsasalita

John F. KennedyPangulo ng AmerikaTinalo si Nixon dahil sa kanyang husay sa serye ng mga debateng ipinalabas sa mga programang pantelebisyon.

DemosthenesIsang dakilang oradorNagwagi ng laurel ng tagumpay sa timpalak-pagtatalumpati.

Page 7: Pagsasalita

DAPAT TAGLAYIN SA PAGSASALITAKaalaman.

You cannot say what you do not know. Kailangang alam mo ang paksa sa isang usapan dahil di kapani-paniwala kung lagi kang nangangapa sa iyong pagsasalita.

Kasanayan.Kailangan ng bilis ng pag-iisip upang agad na masabi ng tao ang kailangan niyang sabihin.

Tiwala sa sarili.Ang mga walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi. Madalas silang kabado kaya mahihirapan silang mapaniwala ang iba at makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.

Page 8: Pagsasalita

KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

TinigKailangan angkop ang tinig sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalitang

BigkasAng maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon.

Page 9: Pagsasalita

TindigHindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y parang laging may sakit.

KumpasTandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan

KilosAng pagkilos ng iba’t ibang parte ng katawan ay maaaring makatulong o makasira sa isang pagsasalita

Page 10: Pagsasalita

ANG TAKOT SA PAGSASALITA SA

HARAP NG MADLA

Page 11: Pagsasalita

Xenophobia o Stage frightAy takot sa pagsasalita sa harap ng madla. Takot na mapagtawanan bunga ng maling grammar, maling bigkas, masagwang pagtindig, kakatwang ideya o anyong pisikal.

Page 12: Pagsasalita

Panginginig ng kamayPangangatog ng tuhodKawalan ng ganang kumainPananakit ng tiyanDi pag-tulogPananakit ng uloPagkautalPagkalimot sa sasabihinPaninigas ng pagkakatayoKawalan ng panuunan ng paninginBiglang pagbilis ng pulsoMataas na presyon ng dugo

Manipestasyon ng stage fright

Page 13: Pagsasalita

Paraan para maminimays ang stage fright

Magkaroon ng positibong atityudMagtiwala sa iyong sariliTanggapin ang iyong sariliMagkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalitaHarapin mo ang takotMagpraktis ka nang magpraktisIsiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusgaMagbihis nang naaayon sa okasyonMag-imbak ng maraming kaalamanMagdasal

Page 14: Pagsasalita

PROPAYL NG ISANG EPEKTIBONG ISPIKER

Dapat responsible ang isang ispikerMagiliw siyang magsalitaMay malawak siyang kaalaman hinggil sa paksang kanyang tinatalakaySiya ay palabasaSiya ay palaisipMayroon siyang mayamang koleksyon ng mga ideya at babasahinMay interes siya sa paksang kanyang tinatalakaySiya ay obhetiboMayroon siyang sense of humorGumagamit siya ng angkop na salita

Page 15: Pagsasalita

Nirerespeto niya ang pagkakaiba-iba ng kanyang mga tagapakinig

Sapat at angkop ang lakas ng kanyang tinig Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga

salita Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at

kilos Hindi siya iniinsulto o sinasaktan ang

damdamin ng kanyang mga tagapakinig Maingat siya sa paggawa ng mga konklusyon,

paratang at batikos May panauunan siya ng paningin sa kanyang

mga tagapakinig Pinaniniwalaan at isinasa buhay niya ang ang

kanyang sinasabi Wala siyang mga nadidistrak na mannerisms