makrong kasanayan sa pagsasalita

34
MOTIBASYON: The Dream Tower’ Ang bawat pangkat ay kinakailangan ng mga sumusunod na materyales: o Bond Paper o Gunting o Scotch tape o Kagamitang pangdekorasyon

Upload: merland-mabait

Post on 14-Jun-2015

2.528 views

Category:

Education


7 download

DESCRIPTION

Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

TRANSCRIPT

Page 1: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

MOTIBASYON:‘The Dream Tower’

Ang bawat pangkat ay kinakailangan ng mga sumusunod na materyales:

o Bond Papero Guntingo Scotch tapeo Kagamitang pangdekorasyon

Page 2: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

PANGKATANG GAWAIN:

‘The Dream Tower’Mekaniks:1. Ang bawat pangkat ay kinakailangan makabuo ng

kanilang dream tower gamit ang mga materyales na ibinigay.

2. Ang pag-uusap habang ginagawa ang gawain ay pinagbabawal. Pati ang pagsusulat bilang gamit sa komunikasyon ay pinagbabawal din. Pero ang paggamit ng Body Language ay pinahihintulutan.

3. Binibigyan lamang ng 15 minuto sa paggawa ng gawain.4. Ang pinuno ng pangkat ang kinakailangang

magpaliwanag ng kanilang ginawa.

Page 3: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

PANGKATANG GAWAIN:

‘The Dream Tower’

Pamantayan sa Pagmamarka (Rubriks):

Katatagan – 25%Taas – 25%

Disenyo – 25%Presentasyon – 25%

Kabuuan: 100%

Page 4: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

MAKRONG KASANAYAN:PAGSASALITA

Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pagsasalita

Mga Pangangailangan sa Mabisang PagsasalitaMga Kasangkapan ng Isang NagsasalitaAng Takot sa Pagsasalita sa Harap ng MadlaPropayl ng Epektibong Tagapagsalita

G. Merland Alvarez MabaitPhilippine Science High School-Main

Campus

Page 5: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

PAGSASALITA

Ito ay ang pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan at

mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na ginagamit

ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika,

upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin

at kaisipan.

Page 6: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa

Mabisang Pagsasalita

Page 7: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang

Pagsasalita

“Ang isang taong epektibo na magsalita sa harap ng pangkat ng

mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang

tao.”

Page 8: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Kilala mo ba sila?

Page 9: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

ABRAHAM LINCOLN Tanyag at nag-iwan ng hindi na mabuburang bahagi sa

kasaysayan hindi lamang sa Amerika kundi maging sa buong mundo.

Hindi mataas ang pinag-aralan sapagkat wala siyang pormal na edukasyon at siya’y mahirap na mamamayan lamang.

Ang tagumpay ni Lincoln ay maiuugnay sa kanyang determinasyon na linangin at paunlarin ang kanyang kakayahang magsalita sa harap ng publiko.

Dahil sa kakulangan ng “speech schools”, matamang inobserbahan at pinakinggan ni Lincoln ang paraan ng pagsasalita ng ibang tao kahit noong bata pa lamang siya.

Hanggang sa kasalukuyan, ipinapalagay na ang kanyang Gettysburg Address at ikalawang Inaugural Speech ay ilan sa natatanging pinakamahusay na talumpati sa buong kasaysayan ng daigdig.

Page 10: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

FRANKLIN DELANOROOSEVELTNanatali sa White House nang apat na sunud-sunod

na termino mula 1923-1945.Nilinang niya ang kanyang kakayahan sa pagsasalita

sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang atensyon sa mga malalayang simulain ng pagsasalita.

Halos lahat ng kanyang talumpati sa radyo ay praktisado ng lubusan.

Maging ang kanyang mga kalaban sa pulitika ay umaming ang kanyang sunud-sunod na tagumpay ay nakaugat sa kanyang impluwensya sa kanyang tagapakinig.

Page 11: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

JOHN F. KENNEDY

Isa sa mga susi ng kanyang tagumpay ay ang husay na ipinakita niya sa serye ng mga debateng ipinalabas ng mga programang pantelebisyon.

Dahil sa Kanyang epektib na pagsasalita, tinalo niya si Nixon sa nasabing halalalan.

Page 12: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

DEMOSTHENES

Kilalang dakilang orador.Pautal magsalita ngunit tinuruan niya ang kanyang

sarili magsalita nang tuluy-tuloy at tuwid sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa harap ng hampas ng alon sa dalampasigan.

Madalas na nagsusubo siya ng maliit na bato upang maituwid lamang ang kanyang pananalita.

Page 13: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang

Pagsasalita

“Ang pakikipag-usap sa harap ng maraming tao o sa harap

ng isa lamang ay laging isang hamon sa iyong kakayahang

masabi ang nais mong ipakahulugan at maipahatid

ang mensahe kung paano mo ito inaaasahang matatanggap.”

Page 14: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Pangangailangan sa

Mabisang Pagsasalita

Page 15: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

KAALAMAN- You cannot say what you do not

know. Kailangan alam mo ang paksa sa isang

usapan. Hindi mo malilinlang ang iyong

tagapakinig. Kailangang may sapat kang kaalaman

sa gramatika. May sapat na kaalaman sa kultura, at

maging sa kultura ng iyong kausap.

Page 16: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

KASANAYAN Kailangan may sapat na kasanayan sa

pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.

Kailangan may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita.

Kailangan may sapat na kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre.

Page 17: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

TIWALA SA SARILI

“Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi

o hindi palakibo.”

“Sino nga naman ang magtitiwala sa isang taong walang tiwala sa

kanyang sarili mismo.”

Page 18: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Kasangkapan sa

Pagsasalita

Page 19: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

TINIG Ito ang pinakamahalagang puhunan ng

isang nagsasalita. Kaakibat ng tinig ay ang himig.

Page 20: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

BIGKAS Napakahalagang maging wasto ang

bigkas ng isang nagsasalita. Ang maling pagbigkas ng mga salita ay

maaaring magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salita lalo pa’t ang wika natin ay napakaraming homonimo.

Page 21: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

TINDIG Kinakailangang may tikas. Hindi magiging kapani-paniwala ang

isang mambibigkas kung siya’y parang naghihina o kung siya’y mukhang sakitin.

Kailangang maging kalugud-lugod sa paningin.

Page 22: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

KUMPAS

Ang kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng kumpas.

TANDAAN: kailangang maging natural ang kumpas.

Page 23: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

KILOS Ang mga mata, balikat, paa at ulo –

ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.

Page 24: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Ang Takot sa Pagsasalita sa

Harap ng Madla

Page 25: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Page 26: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla

STAGE FRIGHT/ XENOPHOBIA

- Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, masagwang tindig o postyur, kakatwang ideya o anyong pisikal.

- Ito ang takot na hindi tanggapin ng madla bunga ng kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili at di-pagkaalam kung ano ang sasabihin at kung paano iyon sasabihin.

Page 27: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla

STAGE FRIGHT/ XENOPHOBIA

MANIPESTASYON: Panginginig ng kamay,

pangangatog ng tuhod, kawalan ng ganang kumain, pananakit ng tyan, di-pagkatulog, pananakit ng

ulo, pagkautal, pagkalimot ng sasabihin, paninigas sa

pagkakatayo, kawalan ng panuunan ng paningin, biglang pagbilis ng pulso at mataas na

presyon ng dugo.

Page 28: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Dahilan ng Stage Fright

a. Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig,

b. Di-kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla,

c. Kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla,

d. Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal,

e. Kakulangan o kawalan ng kahandaan, at

f. Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

Page 29: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Mungkahi kung paano mamiminimays ang

Stage Frighta. Magkaroon ng positibong atityudb. Magtiwala sa sarilic. Tanggapin mo ang iyong sarilid. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang

maging mahusay na tagapagsalita.e. Harapin mo ang takot, huwag mong

takasan.f. Magpraktis ka nang magpraktisg. Isiping ang madlang tagapakinig ay

palakaibigin at hindi mapanghusgah. Magbihis nang naaayon sa okasyoni. Mag-imbak ng maraming kaalamanj. Dumating nang maaga upang maging

pamilyar sa lugar at sa madlang tagapakinig

k. Magdasal

Page 30: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Propayl ng Epektibong Ispiker

Page 31: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Propayl ng Epektibong Ispiker

a. Responsibleb. Magiliw magsalita at kawili-wiling

pakingganc. May malawak na kaalaman hinggil sa

paksang tinatalakayd. Palabasae. Palaisipf. May mayamang koleksyon ng mga ideya at

babasahing. May interes sa paksang tinatalakayh. Obhetiboi. May sense of humorj. Gumagmit ng mga angkop na salitak. Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng

kanyang tagapakinigl. Sapat at angkop na lakas ng tinig

Page 32: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Propayl ng Epektibong Ispiker

m. Malinaw at wasto ang bigkas niya sa mga salita

n. Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at kilos

n. Hindi niya iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng kanyang tagapakinig

ng. Maingat paggawa ng mga kongklusyon, paratang at batikos

o. May panuuan ng paningin sa mga tagapakinig

p. Angkop ang kasuotan sa okasyonq. Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang

kanyang sinasabir. Walang nakadidistrak na mannerisms. Mainam ang tinig o postyurt. Maayos at lohikal ang kanyang

presentasyon mula simula, gitna, hanggang wakas

u. Iniiwasan ang labis na mapalabok na salita

Page 33: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Propayl ng Epektibong Ispiker

v. Binibigyan diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan

w. Alam kung kailan tatapusin ang pagsasalitax. Iniiwasan ang magyabang o himig-

pagyayabangy. Mayaman ang kanyang bokabularyoz. Taglay ang mga angkop at inaasahang gawi,

personalidad at karakter.

Page 34: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Ika-14 ng Hulyo, 2014