nathaniel isaac f. carvajal

21

Upload: nathan06

Post on 01-Jul-2015

1.012 views

Category:

Real Estate


0 download

DESCRIPTION

this is my first time to make a presentation, so sorry if its not so wonderful...

TRANSCRIPT

Page 1: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 2: Nathaniel isaac f. carvajal

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o Unang Pandaigdigang Digmaan(Ingles:World War I / "WWI" o First World War)

Ay isang malawakang digmaang pandaigdigna naganap noong mga taong 1914 hanggang 1918.Sangkot sa digmaan ang mga nangungunang bansa ng mundona noo'y nabibilang sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa at Puwersang Sentral.Mahigit sa 70 milyong sundalo ang lumahok sa digmaang itona pumatay ng tinatayang 9 milyong katao bungang mabilisang pag-unlad ng teknolohiya sa pakikibaka. Sa pangkalahatan, ang Unang Digmaang Pandaigdig angikaanim na pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.

Page 3: Nathaniel isaac f. carvajal

Ang pagpatay noong 28 Hunyo 1914 kayArtsiduke Franz Fernando, tagapagmana ng trono ngAustria-Unggarya, ng isang nasyonalistang Serbiyanang pinakamalapit ng sanhi ng pagsisimula ng digmaan. Ang naturang pangyayari'y nagtulak sa Austria-Unggarya na magbanta sa Kaharian ng Serbiya na siyanamang nagbunsod sa mga alyansang namamagitan samga bansa sa Europa na makibaka sa isa't isa. Sa mga sumunod na linggo'y nasuong na sa digmaan ang mga nangungunang bansa sa Europa, kasama ng kani-kanilang mga kolonya, at ang tunggalia'y kagyat na lumaganap sa buong mundo.

Page 4: Nathaniel isaac f. carvajal

Nagsimula ang digmaan noong 28 Hulyo nangsalakayin ng Austria-Unggarya ang Serbiya. Sinundan itong pananakop ng Alemanya sa Belhika, Luksemburgo at Pransiya at ng pananalakay ng Sandatahang Ruso saAlemanya. Matapos mapipilan ang pag-abante ng SandatahangAleman patungong Paris, halos hindi na gumalaw ang linyang mga bambang ng Bunsurang Kanluran hanggang 1917 samantalang sa Silangan ay matagumpay na nalabanan ngSandatahang Ruso ang Sandatahang Austro-Unggaryongunit napaatras bunga ng pananalakay ng SandatahangAleman. Ilan pang bunsuran ang nagbukas matapossumama sa digmaan ang Imperyong Otomano noong 1914, Kaharian ng Bulgarya't Italya noong 1915 at Rumanyapagsapit ng 1916. Bumagsak naman ang Imperyong Rusonoong 1917, at lumabas ang Rusya sa digmaan matapos angHimagsikang Oktubre noong taon ding iyon. Matapos angisang opensibang Aleman sa Bunsurang Kanluran noong1918, pumasok ang Estados Unidos sa digmaan sa panig ngAlyadong Puwersa na naglunsad ng mga matatagumpay naopensiba laban sa Sandatahang Aleman. Pagsapit ng 11 Nobyembre ng taong iyon ay sumuko ang Alemanya, gayondin ang kanyang mga kaalyado.

Page 5: Nathaniel isaac f. carvajal

Sa pagtatapos ng digmaan ay apat ngkapangyarihang imperyal ang nalusaw: ang mgaImperyong Aleman, Ruso, Austro-Unggaryo at Otomano. Ganap na nagwakas ang huling dalawang imperyongnabanggit at umusbong naman muli sa labi ng ImperyongRuso ang Unyong Sobyet, samantalang lumitaw naman saSilangang Europa ang ilang mga bagong bansa. Nabuo angLiga ng mga Bansa sa pag-asang mapipipilan nito anganumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Angkinahinatnan ng digmaan, gaya ng mga probisyongitinadhana ng Tratado ng Versailles, ang mga nakalulunosna ibinunga ng Dakilang Kapanglawan, ang nasyonalismosa Europa, at ang muling paglakas ng Alemanya angsiyang naging dahilan upang muling sumiklab ang isapang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.

Page 6: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 7: Nathaniel isaac f. carvajal

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isasa pinakamapaminsalang digmaan sakasaysayan. Humigit-kumulang sa 65 milyong katao, kapwa sundalo at sibilyan, ang nasawi bunga ng pag-unlad ngteknolohiya, na kagyat namang iniaplay sadigmaan. Nakaragdag pa sa malakingbilang ng mga nasasawi at nasusugatangsundalo ang pagpapairalng pakikidigmangpambambang sa Bunsurang Kanluran nanakapagpabagal sa pag-abante ng mgasundalo. Pagsapit ng 1917, malawakannang gumagamit ang magkalabang panig, ang Alyadong Puwersa at PuwersangSentral, ng mga armored cars, awtomatikong riple, barkongpandigma, eroplano, flamethrower, nakalalasong gas,naglalakihangkanyon, submarino at tangke. Sa kabilangbanda, naging malaki ring pakinabang angpaggamit telepono at komunikasyongwalang kable sa larangan ngpakikipagtalastasan ng mga sundalo

Page 8: Nathaniel isaac f. carvajal

Nagkaroon ng pagbabago sa pormasyonng impanterya kung saan pito hanggangsampung sundalo na lamang, sa halip na100, ang pangunahing yunit ng maneobralaban sa mga kaaway. Dala nang palagiangpambobomba sa mga pinaglalabananglugar, naimbento ng bawat nasyongkalahok ang iba't ibang uri ng helmet upang protektahan ang ulo ng bawatsundalo. Ilan sa mga helmet na ito ay ang Adrian (na ginagamit ng mgaPranses), Brodie (ng mga Briton at kolonyaat maging ng mga Amerikano) at ang Stahlhelm (ng mga Aleman). Nanatiling namang pangunahing sandatang nakararaming sundaloang pistola, riple, bayoneta at granada. Sa pagkakaimbento ngmasinggan, tuladng Vickers, at mga awtomatikong riple, gaya ng BAR, Bergman MP18 at Lewis, naging imposible na ang maramihangharapang pagbabarilan para samagkalabang panig.

Page 9: Nathaniel isaac f. carvajal

Noong 1914, ang mga kanyon ay karaniwang nang nakalagak sa mga lugarna pinaglalaban at pinapaputok ngtuwiran sa anumang puntirya. Nang sumunod na tatlong taon ay pinapaputokna ang mga ito nang hindi tuwiran ayon saiba't ibang pamamaraan ng pagmamatyag. Upang mabawasan ang pinsalangnaidudulot ng mga kanyon, nagingkaraniwan na ang paghahanap sa mga ito, ayon sa iba't ibang taktika, upang wasakin. Bawat bansang sangkot sa digmaan ay naimbento ng iba't ibang uri ng kanyongaya ng howitser, mortar at ang kanyongdaambakal. Naimbento naman ng mgaAleman ang iba't ibang uring Minenwerfer at ang Kanyong Paris naginamit upang bombahin ang Paris sa layong 100 kilometro (60 milya).

Page 10: Nathaniel isaac f. carvajal

Isa naman sa kagimbal-gimbal nasandatang ginamit noong digmaan ay ang nakalalasong gas na nagdudulot ngmasakit at mabagal na pagkamatay. Unaitong ginamit ng Sandatahang Aleman sa Ikalawang Labanan ng Ypres noong1915 at nang lumaon ay ng AlyadongPuwersa bilang paglabag sa KumbensyongHague nang 1907. Maraming uri ngnakalalasong gas ang naimbento ngmagkalabang panig tulad ngklorin, mustard at posdyin bagaman hindiito naging epektibo upang maipanalo angisang labanan.

Page 12: Nathaniel isaac f. carvajal

Sa pagsiklab ng digmaan ay kaagadnamang ipinakalat ng Kaiserliche Marino, Hukbong Pandagat ng Alemanya, angkanyang mga submarinong kung tawaginay U-boat upang lumpuhin ang ekonomiyang Gran Britanya sa pamamagitan ngpagpapalubog ng mga barkongpandigma't pangalakal nito. Bilang gantiay nagsagawa naman ng panggigipitang Maharlikang Hukbong Dagat ng Gran Britanya sa Alemanya nang sa gayo'y hindimakapasok dito ang suplay ng pagkain at amunisyon. Dala ng nasabing panggigipitay kinailangan ng mga Aleman na magingpraktikal sa pagpapanatili ng sapat nabilang ng amunisyon. Naging mailapnaman ang mga U-boat kaya't kinailanganng Gran Britanya na lumikha ng iba't ibangsandata at pamamaraan matugis lamangang mga submarinong ito. Samantalanoong 1918 ay gumamit ang Gran Britanyang isang barkong panghatid-eroplano, ang HMS Furious, laban sa mga Zeppelin saTondern.

Page 13: Nathaniel isaac f. carvajal

Nilinang din noong digmaan ang paglikha ng iba't ibang uring mga eroplanong panlaba't pambomba. Sa pagsisimula ngdigman ay ginagamit lamang ang mga eroplano sa mgamisyong pagmamatyag hanggang sa makita ang kanilangpotensyal sa estratehikong pambobomba at pagpapabagsakna rin ng kapwa eroplano. Naimbentong Pransiya ang Nieuport 15, ng Gran Britanya ang SopwithCamel, ng Alemanya ang Fokker Dr.I, ng Rusya ang Sikorsky Ilya Muromets at iba pa. Ang mga Ruso ang nagsagawa ngkauna-unahang malawakang pambobomba sa digmaangamit ang nasabi nilang eroplano. Ginamit naman ng mgaAleman ang kanilang mgaZeppelin, isang malakingsasakyang panghimpapawid, upang bombahinang London samantalang muling namang namalas angmalaking pakinabang ng mga obserbasyong lobo nanggampanan nila ang tungkulin sa mga misyongpagmamatyag. Noong mga panahong iyon ay ipinagkait samga piloto ang paggamit ng parakyada, liban na lamang samga sakay ng obserbasyong lobo, sapagkat may paniniwalanoon na magbubunsod ito ng karuwagan sa panig ng mgapiloto.

Page 14: Nathaniel isaac f. carvajal

Nagkaroon din ng pagbabago sadisenyo't kalidad ng mga

daambakal at tren sapagkat ditomabilis na naipapadala ang mga

sundalo, armas, amunisyon, pagkain at tubig sa mgapinaglalabanang lugar

Page 15: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 16: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 17: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 18: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 19: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 20: Nathaniel isaac f. carvajal
Page 21: Nathaniel isaac f. carvajal