movie review

2

Click here to load reader

Upload: harold-ramos

Post on 24-Dec-2015

7 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

nedd

TRANSCRIPT

Page 1: Movie Review

Title:SHAKE, RATTLE & ROLL 8Running Time: 95 mins

Lead Cast:Keempee de Leon, Iza Calzado, B.J. Forbes, Nash Aguas, Joseph Bitangcol, Sheryl Cruz, Roxanne Guinoo, Mico Palanca, I.C. Mendoza, Keanna Reeves, Manilyn Reynes, Bearwin Meiley

Director: Rahyan Carlos, Mike TuvierraProducer:  Roselle Monteverde-Teo

Screenwriters:Ben Cho, Edzon Mario Rapisora, Fairlane Raymundo

Music: Editor:  Genre:Horror

Cinematography: Jun Aves

Distributor:Regal Films

Location: Manila

Technical Assessment:   

Moral Assessment:   CINEMA Rating:  For viewers 14 and above

 Binubuo ng tatlong maiikling kwento ang Shake, Rattle and Roll (SRR). Una ay ang 13TH FLOOR kung saan magdaraos ng isang birthday party sina Sonny (Bearwin Meilly) at ang kanyang grupo ng party organizers para kay Alex. Ito ay dalawampung taon makalipas ang isang sunog sa isang bahay-ampunan na ngayon ay tahanan ng pamilya ni Alex.  Kaya nga lang ay ang mga batang bisitang nakapangingilabot. Malalaman ng grupo na ang mga batang ito ay mga multong hindi makatawid dahil mayroon pa silang dapat tapusin sa mundo.  Ang ikalawang bahagi ay ang YAYA. Si Benjo (Nash Aguas) ay isang batang sobrang pilyo at walang yayang makatagal sa pag-aalaga sa kanya. Naswertehan namang may pumasok na bagong yaya, si Cecile (Iza Calzado), na nakasundo ng ina (Sheryl Cruz) ni Benjo.  Kaya't nang naghihinala ang bata na aswang si Cecille ay hindi agad siya pinaniwalaan ng kanyang ina at kasamambahay. Mag-isang pipilitin ni Benjo na iligtas ang kanyang sanggol na kapatid at pamilya buhat sa aswang.  Ang ikatlo ay pinamagatang LRT-2 at tungkol sa ilang pasaherong naiwan sa huling byahe ng tren at nakulong sa dulong istasyon nito. Isa-isa silang mapapaslang sa lugar na walang telepono, nakakandado ang mga pintuan at walang labasang madaraanan upang makatakas buhat sa halimaw na kumakain ng puso ng tao.

Napakagasgas ng mga kwentong inihahain ng pelikula, maliban sana sa LRT na may interesanteng daloy subalit nalunod din ng gasgas na paraan ng pananakot. Ang disenyong produksyon ay kulang sa pagka-orihinal at malikhain. Mukha lang costumes na nabibili sa tindahan ang mga mukha at bihis ng aswang at halimaw. Hindi mo makukuhang matakot. Ang mga diyalogo at eksena ay nakakatawa.  Halimbawa, ang pagtatapatan ng itinagong pag-iibigan nina Reynes at de Leon gayun ilang metro na lamang ang halimaw. Sana ay tumakbo na lamang sila upang makadagdag sana ng tension na nakababagot nang yugto. Maging ang komedya ng unang yugto ay walang kwenta at tila nilaro lamang ng mga actor. Burara ang pagkakagawa ng pelikula. Sa 13th floor, sinabi nilang gabi ang children's party subalit ang sumunod na kuha ay establishing shot ng gusali na pagkaliwa-liwanag, saYAYA, pinaghalo-halo rin ang  aswang, manananggal at tiktik, at sa LRT,walang saysay na naglagay pa ng iba't ibang karakter.  Di hamak na mas maganda at nakatatakot pa ang mga unang serye ng SRR

Page 2: Movie Review

kaysa sa rito.

Dalawang magandang punto lamang ang naipahatid ng SRR. Sa 13th Floor,pinahalagahan ang pagpapatawad sa kapwa at sa sarili upang magkaroon ng kapayapaan. Ang ikalawa ay sa yugto ng YAYA kung saan nagbagong-loob si Benjo mula sa isang pilyo batang tungo sa isang mapagmalasakit na kuya.  Bukod rito ay wala nang naihatid na magandang halimbawa o ideya ang pelikula na sadyang nakatuon lamang sa panggulat at mga lumang taktika ng pananakot. Madugo at maraming patayan sa mga eksena at hindi kaiga-igayang mapanuod ng mga bata. Hindi rin maganda na ipinakitang napatay ang aswang sa pamamagitan ng bawang samantalang walang epekto sa kanya ang krusipiho. At parang dagok naman sa negatibo nang tingin ng tao sa awtoridad ang LRT-2 kung saan ang mga taong inaasahan mong magtatanggol sa kapakanan ng pamayanan ay masusuhulan upang pagtakpan ang karimarimarim na gawain. Kung mababaw na kakatakutan at kasiyahan lamang ang hanap, pwede nang lustayin ang pera sa pelikulang ito, kungdi ay mas mainam pang mag-renta na lamang ng mga lumang SRR at manuod sa bahay.