liturhiya para sa pag-iisang dibbib

Upload: aaron-ricardo-veloso

Post on 07-Aug-2018

484 views

Category:

Documents


22 download

TRANSCRIPT

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    1/46

     

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng

    Sakramento ngPag-Iisang Dibdib

    27 Pebrero 2016

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    2/46

     

    Liturgy Preparation and Lay-out  

    Aaron James R. Veloso

    FOR THE GREATER GLORY OF GOD

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    3/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 3 

    Pambungad

    Bago magsimula ang misa, babasahin ngCommentator ang sumusunod:

    Magandang umaga sa lahat. Ang Sakramentong Kasal ay isa sa mga maliligaya at makabuluhangpagdiriwang sa buhay Kristiyano. Ang Pag-iisangDibdib ay sumasagisag sa pagmamahal niHesukristo sa Santa Iglesia.

    Natitipon tayo ngayong umaga bilang isangKristiyanong pamayanan upang saksihan angpagiisang - dibdib nina

    Edwin at NerissaAhrone at RaselRonelo at Ma. ReyhanRicardo at Ma. LotaHestive at Amelyn Jimmy Jr. at JoevelynNoli at Jenalyn

    Nakikiisa tayo sa kanila sa pagpapasalamat sa

    Diyos na naging tulay sa kanilang pagtatagpo.Ipinapanalangin nating patuloy silang biyayaan ngPanginoon ng kanyang pagmamahal upang magingtapat sila sa kanilang mga pangako sa isa’t isa.

    Ang ating pagdiriwang ay pangungunahan ni FrIrmo Francis A Valeza ng Kapisanan ni Hesus,kasama sina Fr Emerito Salustiano R Dela Rama SJat Fr Maximo Barbero SJ. Magsitayo ang lahat.

    Kapag natitipon na ang sambayanan, angTagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa altar, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap. Pagsapit sa dambana, angTagapagdiwang at mga tagapaglingkod aymagbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan.Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik sa ibabaw ng altar. Kungminamabuti niya, maiinsensuhan niya ito.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    4/46

    4 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay paroroon sakanyang upuan.

    Samantala, magpuprusisyon ang mga ikakasal,habang tumutugtog ang Pambungad na Awit.

    Matapos ang awiting pambungad, habangnakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao aymagkukrus. Ipahahayag ng Tagapagdiwangnakaharap sa mga tao:

    a ngalan ng Ama,at ng Anak,at ng Espiritu Santo.

    R.  Amen.

    Sumainyo ang Panginoon.R. And with your spirit.

     Ang paring tagapagdiwang ay makapagbibigay ngmaikling paliwanag tungkol sa buod ng Misangipinagdiriwang:

    Mga kapatid, tayo’y nilikha ng Diyos bilangkanyang kawangis, ginawa niya tayo upangmabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig at parasa pag-ibig. Ang pangunahing kataga saPahayag ng Diyos ay ang kanyang pag-ibig sakanyang sambayanan. Ito ay ipinahahayag sainyong pag-iibigan,

    Edwin at Nerissa

    Ahrone at RaselRonelo at Ma. ReyhanRicardo at Ma. LotaHestive at Amelyn Jimmy Jr. at JoevelynNoli at Jenalyn

    Ang buklod ng pag-ibig ng magkaisangdibdibay siyang larawan at tagapagpahiwatigng tipan na siyang nag-uugnaysa Diyos at sa kanyang sambayanan.

    S

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    5/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 5 

     Ang Tagapagdiwang:

    Manalangin tayo.

     Ang lahat, kaisa ng Tagapagdiwang, ay tahimik namananalangin nang saglit.

    ma,ginawa mo ang buklod ng kasalna isang sagisag ng pag-ibig ni Kristo

    sa Santa Iglesya.Dinggin mo ang aming mga panalangin

    para sa aming mga kapatid na ikakasal.Ipinangangako nilang magmahalanhabambuhay taglay ang pagsampalataya saiyoat pananalig sa isa’t isa.Ang kanilang matamis ng pagsasamaay lagi sanang maging tandang kanilang pag-iibigan.

    Alang-alang sa Anak mo,si Hesukristong Panginoon namin,nabubuhay at naghaharing kaisa moat ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan.R. Amen.

    A

    Pambungad

    na

    Panalangin

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    6/46

    6 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Matapos ang panalangin, iimbitahin ng Commentatorna maupo ang lahat gamit ang mga sumusunod nasalita:Maupo ang lahat para sa pagpapahayag ng Salita

    ng Diyos.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    7/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 7 

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    8/46

    8 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Pagpapahayag ng Salita ng Diyos 

    1 Corinto 12:31-13:8

    Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo samga Taga-Corinto

    Mga kapatid, buong taimtim ninyong nasain angmga kaloob na lalong dakila. At ngayo’y ituturo kosa inyo ang pinakamabuti sa lahat. Makapagsalitaman ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel,kung wala naman akong pag-ibig, para lamangakong batingaw na umaalingawngaw o pompiyang

    na tumataginting.Kung ako man ay may kakayahang magpahayagng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga,kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ngmalaking pananampalataya anupa’t napalilipat koang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man anglahat kong ari-arian, at ialay ko man ang akingkatawan upang sunugin, kung wala naman akong

    pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin!Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob,hindi nananaghili, nagmamapuri, o nagmamataas,hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili,hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.Hindi ito ikinatutuwa ang gawang masama,ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

    Ang pag-ibig ay mapagbata, magpagtiwala,puno ng pag-asa at nagtitiyaga hanggang wakas.

    Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salitang Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa iba’tibang wika, mawawala ang kaalaman, ngunit angpag-ibig ay walang katapusan.

    Ang Salita ng Diyos.

    R. Salamat sa Diyos. 

    Unang

    Pagbasa

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    9/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 9 

    Salmo 32

    R. Laganap sa sansinukob, ang Pagmamahal ng Diyos!

    Mapalad ang bansang Panginoo’y Diyos,mapalad ang bayang kanyang ibinukod.

    Ang may takot sa Diyos,at nagtitiwala sa kanyang pag-ibig

    ay kinakalinga R. 

    Ang ating pag-asa’y nasa Panginoon;siya ang sanggalang natin at katulong.Dahilan sa kanya, kami’y natutuwa,

    sa kanyang ngalan ay nagtitiwala! R. 

    Ipagkaloob mo na aming makamit,O Poon, ang iyong wagas na pag-ibig,

    yamang ang pag-asa’y sa’t nasasalig. R. 

    Salmong 

    Tugunan

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    10/46

    10 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Matapos ang Salmong Tugunan, iimbitahin ngCommentator na tumayo ang lahat gamit ang mgasumusunod na salita: Tumayo ang lahat para sa Mabuting Balita.

    Papuri Sa’Yo Fr. Allan Antonio, Diyosesis ng Malolos

    Papuri sa ‘Yo, Panginoong Hesukristo,Hari ng kadakilaang walang hanggan!

    D’yos ay pag-ibig na tunaykaya't tayo’y magmahalanat siya’y ating tularan.

    Papuri sa ‘Yo, Panginoong Hesukristo,Hari ng kadakilaang walang hanggan!

    Luke 19:1-10

    Sumainyo ang PanginoonR. At sumaiyo rin.

    Ang Mabuting Balita ng Panginoonayon kay San Juan.R. Papuri sa iyo Panginoon.

    Noong panahong iyon, may kasalan sa Cana,Galilea, at naroon ang ina ni Hesus. Si Hesus atang mga alagad ay naroon din. Kinapos ng alakkaya’t sinabi ng ina ni Hesus sa kanya,“Naubusan sila ng alak.”

    Sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo akongpangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahonko.” Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod,

    Pagpupugay

    sa

    Ebanghely o 

    Ebanghelyo

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    11/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 11 

    “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sainyo.”

    Doo’y may anim na tapayan, ang bawa’tisa’y naglalaman ng dalawampu hanggang

    tatlumpung galon. (Nakalaan ang mga ito parasa paglilinis ayon sa tuntuning panrelihiyon ngmga Judio.)

    Sinabi ni Hesus sa mga katulong, “Punuinninyo ang tubig ang mga tapayan.” At pinunonga nila hanggang sa labi. Pagkatapos, sinabiniya, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sanamamahala ng handaan.”

    Dinalhan nga nila ang namamahala nghandaan. Tinikman naman nito ang tubig ngnaging alak. Hindi niya alam kung saannanggaling iyon, bagamat alam ng mgakatulong na sumalok ng tubig, kaya’t tinawagniya ang lalaking ikinasal. Sinabi niya rito, “Anguna pong inihahain ay ang masarap ng alak.Kapag marami nang nainom ang mga tao, saka

    inihahain ang mababang uri. Ngunitipinagpahuli ninyo ang masarap ng alak.”

    Ang nangyaring ito sa Cana, Galilea, aysiyang unang kababalaghang ginawa ni Hesus.Sa pamamagitan nito’y inihayag niya angkanyang kadakilaan, at nanalig sa kanya angmga alagad.

    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

    R. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

    Iimbitahin ng Commentator na umupo ang lahat gamit ang mga sumusunod na salita: Magsiupo ang lahat para sa homilya.

    Homilya

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    12/46

    12 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

     Ang Pagiisang-Dibdib

    Pagkatapos ng homilya ay sasabihin ngCommentator: 

    Masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib nina:Edwin at NerissaAhrone at RaselRonelo at Ma. ReyhanRicardo at Ma. LotaHestive at Amelyn Jimmy Jr. at JoevelynNoli at Jenalyn

    sa harap ng altar ng Panginoon. Inaanyayahannamin ang lahat na manatili sa katahimikanhabang ito’y kanilang ginagawa. Tinatawaganang nais magpakasal na magsitayo. Gayun dinang kanilang mga magulang, mga ninong atninang.

    Matapos ay sasabihin ng Tagapagdiwang:

    Mga minamahal kong kapatid,sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayosa buhay at pananagutan ng Panginoon,at sa pagdiriwang ng Huling Hapunanmuli’t muli kayong nakisalosa hapag ng kanyang pagmamahal.Ngayon nama’y kusang loobna kayo’y dumudulog sa Sambayanang ito

    at humihiling ng panalanginupang ang inyong panghabangbuhay napagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon.

    At kayo naman,mga kapatid na natitipon ngayon,ay manalangin para sa kanilaat bukas-palad silang tanggapin

    Panimula

    Mga

    Katanungan

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    13/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 13 

    bilang magkaisang-dibdibsa ating Sambayanang Kristiyano.(Sa mga ikakasal)

    Hinihiling ko ngayonna buong katapatan ninyong ipahayagang inyong damdamin sa isa’t isa.

    (Tatanungin ang mga babaeng ikakasal)

    Mga babae: Bukal ba sa inyong loobang inyong pagparitoupang makaisang-dibdib

    ang lalaking inyong mapapangasawana inyong pakamamahalin atpaglilingkuran habambuhay?

    Mga Babae :  Opo, Padre. 

    (Tatanungin ang mga lalaking ikakasal)

    Mga lalaki: Bukal ba sa iyong loobang inyong pagparito

    upang makaisang-dibdibang babaeng inyong mapapangasawana inyong pakamamahalin atpaglilingkuran habambuhay? 

    Mga Lalaki :  Opo, Padre. 

    (Sa mga ikakasal)

    Sa lahat ng ikakasal: Nakahanda ba kayong

    gumanap sa inyong pananagutansa Simbahan at sa bayanna umaasang inyong aarugainang mga suplingna ipagkakaloob ng Poong Maykapalupang sila ay inyong palakihinbilang mabubuting mamayanangKristiyano?

    Mga Ikakasal: Opo, Padre. 

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    14/46

    14 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    (Sa mga ikakasal)

    Mga minamahal ko,sa harap ng Diyos at ng kanyangSambayanan,pagdaupin ninyo ang inyong mga paladat ipahayag ninyo ang mithiing magtipansa banal na sakramento ng kasal.

    Magdadaup-palad ang mga ikakasal.

    (Tatanungin ang mga babaeng ikakasal)

    N. sumasang- ayon ka bana maging asawa si N.na naririto ngayon alinsunodsa batas at mga alituntuninng ating banal na Simbahan?

    Mga Babae :  Opo, Padre.

    Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa

    kanya ng iyong sarili bilang kanyangmaybahay?

    Mga Babae :  Opo, Padre.

    Nakalaan ka bang balikatin sa piling niyaang pananagutan ng buhay may-asawa?

    Mga Babae :  Opo, Padre.

    (Tatanungin ang mga lalaking ikakasal)N., sumasang- ayon ka bana maging maybahay si N. na naririto ngayonalinsunodsa batas at mga alituntuninng ating banal naSimbahan?

    Mga Lalaki :  Opo, Padre. 

    1. Nerissa – Edwin2. Rasel – Ahrone3. Ma. Reyhan - Ronelo4. Ma. Lota - Ricardo5. Amelyn - Hestive6. Joevelyn – Jimmy Jr.7. Jenal n - Noli

    Pagpapalitan  ng

    Konsentimyento

    1. Edwin - Nerissa2. Ahrone - Rasel3. Ronelo - Ma. Reyhan4. Ricardo - Ma. Lota5. Hestive - Amelyn6. Jimmy Jr. - Joevelyn7. Noli - Jenal n

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    15/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 15 

    Buong puso ba ang pagkakaloob mo sakanya ng iyong sarili bilang kanyang

    asawa?Mga Lalaki :  Opo, Padre. 

    Nakalaan ka bang balikatin sa piling niyaang pananagutan ng buhay may-asawa?

    Mga Lalaki :  Opo, Padre. 

    Ngayon, kayo ay sabay-sabay na

    magdarasal; uulitin ninyo ang panalangingaking bibigkasin.

     Ama naming mapagkalinga, pagpalain Niyo kaming nag-iisang paladkami po ay Inyong loobingmagkaisa sa puso’t diwasa hirap at dusa

    sa kaginhawahan at kahirapansa karamdaman at kalusuganmula ngayon at kailanmansa lahat ng araw ng aming buhay.

    Bilang tagapagpatunay ng Simbahan,pinagtitibay ko’t binabasbasan

    ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan,sa ngalan ng Ama at ng Anak, at ngEspiritu Santo.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    16/46

    16 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Pagkatapos ay sasabihin ng Commentator: Inaanyayahan ang mga may dala ng mga aras atsingsing na lumapit sa gitna ng dambana.

    Matapos ay sasabihin ng Tagapagdiwang, habangnakalukob ang kanyang mga kamay sa mga aras:

    Ama naming maawain,basbasan mo’t kupkupinitong inyong mga lingkod.Pagkalooban mo silang sapat na kabuhayangsinasagisag ng mga aras na ito

    sa ikapagkakamit ng buhay ng walanghanggan.Iniluluhog namin itosa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.R.  Amen.

    Matapos ay babasbasan naman niya ang mgasingsing:

    Ama naming mapagmahal,basbasan mo’t lingapinitong iyong mga lingkod.Pagindapatin mo na silang magsusuotng mga singsing na ito

    ay maging kawangis mosa iyong wagas na pag-ibigat walang maliw na katapatan.Iniluluhog namin itosa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espritu Santomagpasawalang hanggan.R.  Amen.

    Pagbabasbas

    ng mga Aras

     at mga

    Singsing

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    17/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 17 

    Matapos ito ay aanyayahan niya ang mga lalaki naisuot ang singsing sa kanilang mga kabiyak: Mga lalaki, isuot ninyo ang singsing sadaliri ng mga babae, at ulitin ninyo ang

    aking sasabihin: 

    Pangalan ng inyong kabiyak.kailanma’y di kita pagtataksilan.Isuot mo at pagkaingatan ang singsing na itona siyang sangla ng aking pag-ibig atkatapatan.

    Sa ngalan ng Ama,at ng Anak,at ng Espiritu Santo. Amen.

    Isusuot ng mga lalaki ang singsing sa kanilangkabiyak. Matapos ito ay aanyayahan namanTagapagdiwang ang mga babae na isuot angsingsing sa kanilang mga kabiyak:

    Mga babae, isuot ninyo ang singsing sadaliri ng mga lalaki, at ulitin ninyo angaking sasabihin: 

    Pangalan ng inyong kabiyak.kailanma’y di kita pagtataksilan.Isuot mo at pagkaingatan ang singsing na itona siyang sangla ng aking pag-ibig at

    katapatan.Sa ngalan ng Ama,at ng Anak,at ng Espiritu Santo. Amen.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    18/46

    18 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Matapos ito ay magaganap ang paglalagak ng mgaaras: Mga lalaki, ilagak ninyo ang mga arasupang ipagkatiwala ito sa babae, at ulitin

    ninyo ang aking sasabihin: 

    Pangalan ng inyong kabiyak.kailanma’y di kita pababayaan.Inilalagak ko sa iyo itong mga arasna tanda ng aking pagpapahalagaat pagkalinga sa kapakanan mo. Sa ngalan ng Ama,

    at ng Anak,at ng Espiritu Santo. Amen.

    Tatanggapin ito ng mga babae. Sasabihin ngTagapagdiwang: Mga babae, tanggapin ninyo ang mga aras,at ulitin ninyo ang aking sasabihin: 

    Tinatanggap ko itoat nangangako akong magiging iyongkatuwangsa wastong paggamit at pangangasiwang ating kabuhayan.

    Wawakasan ng Tagapagdiwang ang seremonya sa pamamagitan ng mga salitang ito: 

    Mga kapatid,ating nasaksihan ang panunumpang mga bagong kasal sa isa’t isa,ating ipadama ang pagtanggap sa kanilasa pagsalubong sa kanilang isang masigabong palakpakan.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    19/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 19 

    Iimbitahin ng Commentator na tumayo ang lahat gamit ang mga sumusunod na salita: Tumayo ang lahat para sa Panalangin ng Bayan

     Ang Tagapagdiwang: 

    Mga minamahal kong kapatid,halinang magkaisa sa pagdalangin sa Diyospara sa ating mga bagong kasalat para sa buong Simbahan, sanlibutan,at sa ikapagkakaisa ng tanan.Ang ating itutugon:

    Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

    Para sa simbahang laganap sa buongdaigdig, lalo na para kay Francisco na atingPapa: na sa palagian ay maipadama nila salahat ng tao ang pagmamahal at pagkalingang Diyos, manalangin tayo sa Panginoon:

    Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

    Para sa mga namumuno sa ating bayan:upang sila’y mapuspos sa biyaya ngkarunungang nagmumula sa pagkilala saPanginoon, manalangin tayo sa Panginoon:Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

    Para sa mga kapatid natinna ngayo’y pinagbuklodsa pag-iisang-dibdibupang sila’y mamuhay sa kalusuganat maligtas sa panganib,manalangin tayo sa Panginoon:Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

    Panalangin

    ng Bayan

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    20/46

    20 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Para sa mga bagong kasal,nawa sila’y pagpalain sa buklod ng tipangaya ng pagpapabanal ni Kristo

    sa ikinasal sa Cana, Galileana pinangyarihan ng kayang unangkababalaghan,manalangin tayo sa Panginoon:Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

    Para sa mga bagong kasal,nawa sila’y puspusin ng pag-ibig,

    pagkakasundo at pagtutulungang matalik,manalangin tayo sa Panginoon:Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

    Para sa mga bagong kasal,nawa sila at ang lahat ng mag-asawaay bigyan ng Espiritu Santong ibayong pag-ibig at ligaya,

    manalangin tayo sa Panginoon:Isinasamo naming kami’y iyong dinggin.

     Ang Tagapagdiwang: 

    Ama naming makapangyarihan,kaawaan mo ang aming mga bagong kasalat pagbigyan sa kahilingangmagkamit ng iyong kaloobsa ikapagkakaisa, sa pagmamahalat sa ikapagkakaroon ng ligaya sa kalangitankaisa ng kanilang mga suplingat mga mahal sa buhaysa pamamagitan ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan. R.  Amen.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    21/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 21 

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    22/46

    22 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Pagdiriwang ng Huling Hapunan

    Sasabihin ng Commentator: 

    Magsiupo ang lahat habang inaanyayahanglumuhod ang mga bagong kasal.

    Tinatawagan ngayon ang mga abay na sindihanang mga kandila.

    Sisindihan ang mga kandila samantalang pinapaliwanag ng Commentator ang nagaganap:

    Ang liwanag ng kandila ay siyang simbolong ating pananampalataya at pag-ibig. Angliwanag na ito ay siyang simbolo rin ni Kristo,ang liwanag na mula sa Ama na siyangtatanglaw sa landas ng buhay na tatahakin ngmag-asawang ito patungo sa kaligtasan at buhayna walang hanggan.

    Ngayon nama’y maaari nang ikabit ng mga abay

    ang belo at ilagay ang kordon sa mag-asawa.

    Ikakabit ng mga aba yang belo at kordonsamantalang pinapaliwanag ng Commentator  angnagaganap:

    Ang belo ay simbolo ng Espiritu Santo. Angpangako ng Diyos sa Kanyang katapatan sa pag-ibig para sa atin sa kapangyarihan ng EspirituSanto. Ito rin ang nagpapakita ng pagiging isa ngmag-asawang ito at pagbibigay ng sarili sabawat isa.

    Ang kordon o tali ang siyang simbolo ngpagkakaisa ng isip, pag-iisang puso at katawanng mag-asawang hinirang ng Diyos.

    Pagsisindi

    ng Kandila,Paglalagay

    ng Belo, at

    Pagkakabit

    ng Kordon

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    23/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 23 

    Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay.Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mgatagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan niKristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang Aklat ng

    Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.Nababagay na ang pakikiisa ng mga

    nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mgadukha.

    Basbasan at KalingainFerdinand M. Bautista

    KoroPanginoon, tanggapin mo ang aming handogang tinapay at alak na ito,kasabay ng aming dalangingbasbasan at kalingainang dalawang pusong nagtipanangmagmamahalan kailanman.

    Ang kandilang sinindanay sagisag ng pagtanglaw sa buhay ng dalawani Hesukristo.Ang berbo at kurdonay sagisag ng kaisahanat pagsukob ng biyaya ng Ama. Koro 

     Awit ng

    Pag-Aalay

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    24/46

    24 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sadambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

    Kapuri-puri ka,Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.Sa iyong kagandahang-loob,narito ang aming maiaalay.Mula sa lupa at bunga ng aming paggawaang tinapay na itopara maging pagkaing nagbibigay-buhay.R. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at

    kailanman! 

    Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo. AngTagapagdiwang ay magbubuhos ng alak atkaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong:Sa paghahalong ito ng alak at tubigkami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo

    na nagpagindapat nakihati sa aming pagkatao.

    Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakanng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyangnakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong: 

    Kapuri-puri ka,Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.Sa iyong kagandahang-loob,

    narito ang aming maiaalay.Mula sa katas ng ubasat bunga ng aming paggawa ang alak na itopara maging inuming nagbibigay ng iyong

    Espiritu.R. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon atkailanman! 

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    25/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 25 

    Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habangdinarasal niya nang pabulong:

    Diyos Amang Lumikha,nakikiusap kaming mga makasalanan.

    Tanggapin mo ang aming pagsisibilang handog upang kami’ymatutong sumunod sa iyo nang buong puso.

    Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ngTagapagdiwang ang mga alay at ang dambana pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ngtagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay

    samantalang pabulong niyang dinarasal:

    O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasanat linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway. 

    Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ngdambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay samga tao at muli niyang pagdaraupin habangkanyang ipinahahayag:

    Manalangin kayo, mga kapatid,upang ang paghahain natinay kalugdan ng Diyos Amang

    makapangyarihan.

    Tatayo ang mga tao at sasagot:Tanggapin nawa ng Panginoon

    itong paghahain sa iyong mga kamaysa kapurihan niya at karangalansa ating kapakinabanganat sa buong Sambayanan niyang banal.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    26/46

    26 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

     Ang Tagapagdiwang:

    Panginoon, tanggapin mo sanaang aming mga handogpakundangan sa mga bagong kasal na ito.Dahil sa iyong pag-ibig at pamamahalapinag-isa mo sila.Pagpalain moang lahat ng araw ng kanilang pamumuhay.Alang-alang kay Kristo naming Panginoon.R. Amen.

    Panalangin

    Ukol sa

    mga Alay

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    27/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 27 

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    28/46

    28 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Sumainyo ang Panginoon.R. At sumaiyo rin.

    Itaas sa Diyos ang inyong mga puso at diwa.

    R. Itinaas na namin sa Panginoon.

    Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.R. Marapat na siya ay pasalamatan.

    unay ngang marapat at matuwid,angkop at nakagagalingna magpasalamat kaming lagi sa iyo,

    Amang banal,

    Diyos na makapangyarihan at walang hanggan,alang-alang kay Kristo naming Panginoon.Nilikha mo ang tao dahil sa pag-ibigupang mahabaginan ng inyong banal na buhay.Nababatid namin ang kanyang dakilang layuninsa pagmamahalan ng mga mag-asawa,na tanda at tatak ng iyong banal na pag-ibig.

    Pag-ibig ang pinagmulan ng tao,pag-ibig ang ikinabubuhay niya sa lupaat pag-ibig din ang naghihintay sa kanya sa langit.Ang pagmamamahalan ng lalaki at babaeay naging banal sa sakramento ng kasal,at naglalarawan ng iyong walang hanggang pag-ibig.

    Sa pamamagitan ni Kristo,ang makapal na mga anghel at banal sa kalangitanay nagpupuri at sumasamba sa iyong kamahalan.Kaya kasama nila ay ipinagbubunyi namingwalang humpay ang kaluwalhatian mo: 

    T

    Panalangin

    ng

    Pagpupuri at

    Pasasalamat

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    29/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 29 

    Santo, Santo [Misa Pastorela]Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ

    Santo, Santo, Santo,

    Panginoong Diyos ng mga hukbo.Napupuno ang langit at lupang kadakilaan Mo.

    Hosana, Hosana sa kaitaasan.Hosana, Hosana sa kaitaasan.

    Pinagpala ang naparirito,

    sa ngalan ng Panginoon.

    Hosana, Hosana sa kaitaasan.Hosana, Hosana sa kaitaasan.

    Tutunog ang kampana, sagisag na luluhod na anglahat.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    30/46

    30 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Luluhod ang lahat. Nakalahad ang kamay ngTagapagdiwang sa pagdarasal:

    Ama naming banal,

    dapat kang purihin ng tanang kinapalsapagka’t sa pamamagitan ng iyong Anakna aming Panginoong Hesukristoat sa kapangyarihan ng Banal na Espirituang lahat ay binibigyan mo ng buhay atkabanalan.Walang sawa mong tinitipon ang iyongsambayananupang mula sa pagsikat hanggang sapaglubong ng arawmaihandog ang malinis na alaypara sambahin ang iyong ngalan.

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay atlulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habangsiya’y nagdarasal:

    Ama, isinasamo naming pakabanalin mosa kapangyarihan ng Banal na Espirituang mga kaloob na itona aming inilalaan sa iyo

    He joins his hands and, making the sign of the crossonce over both bread and chalice, says:

    Ito nawa ay maging Katawan at Dugong iyong Anak at aming PanginoongHesukristo.

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

     Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipapahayag nang malinaw atnauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng

    kahulugan ng mga ito.

    Ikatlong

    Panalangin

    ng

    Pagpupuri

     atPanalangin 

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    31/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 31 

    Noong gabing ipinagkalulo siya,

    Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nangbahagyang naakangat sa ibabaw ng dambana

    habang patuloy na ipinapahayag:

    hinawakan niya ang tinapay,pinasalamatan ka niya, pinaghati!hati iyon,iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

    Bahagya siyang yuyuko.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT

    KANIN: ITO ANG AKING KATAWANNA IHAHANDOG PARA SA IYO.

    Ipapamalas niya ang ostiyang itinalagang magingKatawan ni Kristo, ipapatong sa pinggan at luluhodsiya bilang pagsamba. Magpapatuloy siya:

    Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,

    Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nangbahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang patuloy na inihahayag:

    muli ka niyang pinasalamatan,inabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad,at sinabi:

    Bahagya siyang yuyuko.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO ATINUMIN: ITO ANG KALIS NG AKINGDUGO, NG BAGO AT WALANGHANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGONA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SALAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGAKASALANAN. GAWIN NINYO ITO SAPAG!ALALA SA AKIN.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    32/46

    32 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Ipapamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito satelang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siyabilang pagsamba.

     Ang Tagapagdiwang:

    Ipagbunyi natin ang misteryo ngpananampalataya:

    Sa Krus Mo Fr. Manoling V. Francisco, SJ

    Sa krus Mo at pagkabuhay

    Kami'y natubos Mong tunayPoong Hesus naming mahalIligtas Mo kaming tananPoong Hesus naming mahalNgayon at magpakailanman

    Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamaysamantalang siya ay nagdarasal:

    Ama, ginugunita naminang pagkamatay ng iyong Anakna sa ami’y nagligtasgayun din sa kanyang muling pagkabuhayat pag!akyat sa kalangitansamantalang ang kanyang pagbabalikay pinananabikankaya bilang pasasalamatngayo’y aming iniaalay sa iyoang buhay at banal na paghahaing ito.

    Tunghayan mo ang handog na ito ng iyong Simbahan.Masdan mo ang iyong anakna nag!alay ng kanyang buhayupang kami ay ipagkasundo sa iyo.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    33/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 33 

    Loobin mong kaming magsasalu!salosa kanyang Katawan at Dugoay mapuspos ng Espiritu Santoat maging isang katawan at isang diwa kayKristo.

    Isa sa mga Concelebrants:

    Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong nakatalaga sa iyo.Tulungan nawa niya kamingmagkamit ng iyong pamanakaisa ng Ina ng Diyos,ang Mahal na Birheng Maria,ng kabiyak ng puso niyang si San Josekaisa ng mga Apostol, mga Martirnina San Ignacio de Loyola at San Francisco Javier at kaisa ng lahat ng mga Banalna aming inaasahanglaging nakikiusappara sa aming kapakanan.

    Isa sa mga Concelebrants:

    Ama, ang handog na itong aming pakikipagsundo sa iyoay magbunga nawa ng kapayapaan atkaligtasanpara sa buong daigdig.

    Patatagin mo sa pananampalataya at pag!

    ibigang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,kasama ang iyong lingkod na si Papa Francisco at aming Obispo Luis Antonio ng tanang mga Obispo at buong kaparianat ng iyong piniling sambayanan.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    34/46

    34 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Dinggin mo ang mga kahilinganng iyong angkan na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.Amang maawain, kupkupin mo at pag!isahinang lahat ng iyong mga anaksa bawa’t panig at sulok ng daigdig.

    † Kaawaan mo at patuluyin sa iyong kaharianang mga kapatid naming na yumaoat ang lahat ng lumisan na sa mundong itona nagtataglay ng pag!ibig sa iyo.Kami ay umaasangMakakarating sa iyong pilingat samasamang magtatamasang iyong kaningningang walang maliwsapagka’t aming masisilayanang iyong kagandahan 

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo

    na siyang pinagdaraananng bawa’t kaloob mo sa aming kabutihan. † 

    Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang mayostiya at ang kalis na kapwa niyang ipapahayag:

    Sa pamamagitan ni Kristo,kasama niya, at sa kanyaang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,Diyos Amang makapangyarihankasama ng Espiritu Santomagpasawalang-hanggan.

     Ang mga tao ay magbubunyi:

    Great AmenLucio D. San Pedro

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    35/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 35 

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    36/46

    36 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

     Ang Pakikinabang

     Ang Tagapagdiwang:

    Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utosat turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,ipahayag natin nang lakas!loob:

    Ama NaminFr. Manoling V. Francisco, SJ  

    Ama namin, sumasalangit Ka,sambahin ang ngalan Mo.

    Mapasaamin ang kaharian Mo,sundin ang loob Modito sa lupa para nang sa langit.Bigyan Mo po kami ngayonng aming kakanin sa araw-arawat patawarin Mo kami sa aming mga sala.Para nang pagpapatawad naminsa nagkakasala sa amin.At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso

    at iadya Mo kami sa lahat ng masama

    Nakalahad ang kamay ng Tagapagdiwang nakakanta:

    Hinihiling naming kami’y iadyasa lahat ng masama,pagkalooban ng kapayapaan araw!araw,iligtas sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan

    samantalang aming pinananabikanang dakilang araw ng pagpapahayagng Tagapagligtas nating si Hesukristo.

    Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa ganitong pagbubunyi: 

    Sapagkat sa '!Yo ang kaharian,

    kapangyarihan at kapurihanngayon at magpakailanman!

     Ama Namin

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    37/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 37 

     Ang Tagapagdiwang:

    Mga kaibigan,dumalangin tayo sa Panginoon at hingin

    upang kasihan ng kanyang biyayapara sa mga bagong kasal,na sa pamamagitan ni Kristopag-isahin niya sa pag-ibigang mga mag-asawang itona kanyang pinagsama sa banal na buklod.  

    Tatahimik ng saglit. Pagkatapos ay ilalahad ngTagapagdiwang ang kanyang kamay sa pagdarasal:

    Ama naming banal,nilikha mo ang taobilang lalaki’t babaing iyong kalarawanupang sa kaugnayan sa pag-iisang dibdibay maisakatuparanang iyong layunin sa lupaing ibabaw.

    Ama naming mapagmahalniloob mong sa pamumuhayng mag-asawas sa pagmamahalanay mabanaagan ang tipan ng iyong paghirangna iyong minarapat ipagkaloobsa iyong sambayananupang ang ipinahihiwatig mong lubusanay maglahad ng pag-iisang dibdibni Kristo at ng Sambayanankaya naman hinihiling naminna itong mga anak moay gawaran ng pagbabasbasng iyong kanang kamay.

    Panalangin

    sa

    Mag-asawa  

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    38/46

    38 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Ipagkaloob mongsa pagsasama nila habambuhaykanilang mapagsaluhan

    ang pag-ibig mong bigayat sa isa’t-isa’y kanilang maipamalasang iyong pakikipisansa pagkakaisa ng damdamin at isipanBigyan mo rin sila ng matatag na tahanan.

    Marapatin mong mapusposng pagpapala ang mga babaing ito

    upang kanilang maganapnang may pagmamalasakitang tungkulin sa tahanan.

    Gayun din naman,pangunahan mo ng iyong pagbabasbasang mga lalaking itoupang kanilang magampanang marapat

    ang tungkulin ng asawang matapat.

    Ama naming banal,pagbigyan mo silasa pagdulog sa iyong hapagbilang mga pinagbuklodsa pag-ibig na wagas

    upang kanilang mapagsaluhanang piging na di magwawakassa pamamagitan ni Hesukristokasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.R. Amen.

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    39/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 39 

    Sasabihin ng Tagapagdiwang:

    Panginoong Hesukristo,

    sinabi mo sa iyong mga apostol:"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo,Ang aking kapayapaanang ibinibigay ko sa inyo."Tunghayan mo ang aming pananampalatayaat huwag angaming mga pagkakasala.Pagkalooban mo kami ng kapayapaanat pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

    Kasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan. R.  Amen.

    Ang kapayapaan ng Panginoonay laging sumainyo.R.  At sumaiyo rin.

     Ang Diyakono:

    Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

    Pagbibigay

    ng

    Kapayapaan

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    40/46

    40 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya athahati ! hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan atisasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

    Sa pagwasak na itong Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristotanggapin nawa namin sa pakikinabangang buhay na walang hanggan.  

    Samantala, aawitin ng lahat ang Kordero ng Diyos:

    Kordero ng Diyos [Misa Antipona]

    Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ

    Kordero ng Diyos,na nag!aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,maawa ka sa amin.

    Kordero ng Diyos,na nag!aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,maawa ka sa amin.

    Kordero ng Diyos,na nag!aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

    Tutunog ang kampana, sagisag na luluhod na anglahat.

    Pagwasak

    ng Tinapay

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    41/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 41 

    Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulongna pagdarasal: 

    Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,Panginoong Hesukristo,

    ay huwag nawang magdulot ng paghuhukomat parusa sa kasalanan ko.Alang!alang sa iyong dakilang pag!ibignawa'y aking matanggapang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

    Luluhod ang pari at pagtayo niya'! y kanyanghahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ngmalakas:

    Ito ang Kordero ng Diyos.Ito ang nag!alisng mga kasalanan ng sanlibutan.Mapalad ang mga inaanyayahansa kanyang piging.

    Tutugon ang lahat:Panginoon,hindi ako karapat!dapat na magpatuloy sa iyonguni't sa isang salita mo lamangay gagaling na ako.

    Siya! y makikinabang nang magalang at nakayuko sadambana habang pabulong na nagdarasal:Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo

    para sa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan niKristo. Pagkatapos, hahawakan ng Obispo ang kalisat pabulong na magdarasal: Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristopara sa buhay na walang hanggan. 

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

    Pakikinabang

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    42/46

    42 | Kapilya ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birhen sa Philippine General Hospital  

    Samantalang nakikinabang ang mga tao, sisimulanang awit sa pakikinabang.

    Ang Pag-Ibig Ferdinand M. Bautista

    Makapagsalita man akong wika ng mga tao’t anghel,kung wala akong pag-ibiganong saysay ng aking tinig?

    Ipamigay ko man ang lahat,at ialay ko ang aking sarili

    kung wala akong pag-ibiganong kabutihan nito sa akin?

    K oroAng pag-ibig ay matiyagaat magandang-loob.Hindi nananaghili’t nagmamapuri’tnagmamataas.Ang pag-ibig ay mapagkalinga,mapagtiwala, puno ng pag-asa.

    Mananatiling tapat kalian pa man.

     Awit sa

    Pakikinabang

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    43/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 43 

     Ang Tagapagdiwang:

    Manalangin tayo.

    Manahimik saglit.

    anginoon, dahil sa iyong pag-ibig,ibinigay mo sa aminang Eukaristiyang ito

    upang pag-isahin kami sa isa’t isa at sa iyo.Yayamang pinag-isa moang aming mga bagong kasal sa sakramento

    na ito (at sa pakikinabang ng tinapay at alak),pag-isahan mo rin sila ngayon sa pag-ibigat paglilingkod sa isa’t isa.Alang-alang kay Kristo naming Panginoon.R. Amen.

     Ang Commentator:Maaari nang tanggalin ng mga abay ang mga belo

    at kordon ng mga bagong kasal.Magsiupo ang lahat para sa mga pabatid.Pagkatapos po ang ating Banal na Misa,

    magkakaroon ng  picture-taking   ang mga bagongkasal at kanilang entourage. Maari po sananglumapit kaagad sa harapan kapag tinawag na angating grupo.

    Magkakaroon din po tayo ng kaunting salu-salo sa Social Hall ng Nurses’ Home. Inaasahan ponaming dumalo ang mga ikinasal, ang kanilangsampung panauhin, ang mga Chaplains, mgamiyembro ng Legion of Mary, Choir, Servers,Readers at mga piling panauhin.

    Pagkatapos po ng picture-taking ng bawatcouple at entourage, maaari na po silang tumuloysa reception area. Ipakita po ninyo ang inyonginvitation card na magsisilbing gate pass.Sasamahan po kayo ng mga usherettes patungo sareception.

    Maraming salamat, at inaasahan po namin anginyong kooperasyon. Magsitayo na po ang lahat.

    P

    Panalangin

    Pagka-

    Pakinabang

    Pabatid

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    44/46

     

     Ang Tagapagdiwang:

    Habilin ko sa inyo, mga bagong kasal:mamuhay kayong lagisa pag-ibig at katapatan.

    Sa mga maybahay,pag-ibig ninyo’y patunayansa pagiging butihing maybahayna may pananampalataya, kabanalan,at pag-ibig sa Maykapal.

    Sa mga asawang lalaki,

    ang maybahay ninyo’y ibigingaya ng malasakit ni Kristo sa Simbahanbilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Amasa kalangitan.

    Sumainyo ang Panginoon.R. At sumaiyo rin.

    Iyuko ang inyong mga ulo

    upang tanggapin ang pagbabasbasng Panginoon.

    Ang Diyos Amang makapangyarihanay siya nawang magbigay ng kagalakandulot ng mga anak na sa inyo’y sisilangat ng kanyang kasiyahanngayon at magpasawalang hanggan.R. Amen.

    Ang Bugtong ng Anak ng Diyosay siya nawang sa inyo’y tumuwangsa kahirapan at kaginhawaanngayon at magpasawalang hanggan.R. Amen.

    Ang Espiritu Santo ay siya nawang magdulotng pagmamahal na nag-uumapaw sa inyo

    ngayon at magpasawalang hanggan.R. Amen.

    Paghayo

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    45/46

    Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at ng Sakramento ng Pag-Iisang Dibdib | 45 

    At kayong lahat na nagtipun-tipondito ay pagpalain nawang makapangyarihang Diyos:Ama, at Anak

    at Espiritu Santo.R. Amen.

    Taglayin ninyo sa inyong pag-alisang kapayapaan ni Kristo.R. Salamat sa Diyos!

    Mapalad ang Tao na May Takot sa Diyos

    Ferdinand M. Bautista

    Koro Mapalad ang tao na may takot sa Diyos,ang maalab na adhikai’ysumunod sa kanyang utos.Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan.Ang buhay niya ay maligaya’t uunlad kailanman.

    Sa tahanan ang asawa’y parang ubas na mabunga.Bagong tanim na olibo sa may dulangang anak niya. Koro 

    Ang sinumang ang Panginoo’ybuong pusong susundin,buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain. Koro 

     Awit

    Pangwakas

  • 8/20/2019 Liturhiya para sa Pag-Iisang Dibbib

    46/46

    Ang Pasunod-sunod sa Pagkuha ng Larawan1.

     

    Couples with Priests2.

     

    Mr and Mrs Edwin Bacalla3.

     

    Mr and Mrs Edwin Bacalla, Principal

    Sponsors, and Entourage4. 

    Mr and Mrs Ahrone Gamelong5.

     

    Mr and Mrs Ahrone Gamelong, PrincipalSponsors, and Entourage

    6. Mr and Mrs Ronelo Espiritu7. Mr and Mrs Ronelo Espiritu, Principal

    Sponsors, and Entourage8. Mr and Mrs Ricardo Balmores9. Mr and Mrs Ricardo Balmores, Principal

    Sponsors and Entourage10.

     

    Mr and Mrs Noli Diong11.  Mr and Mrs Noli Diong, Principal Sponsors,

    and Entourage12.  Mr and Mrs Jimmy Solano Jr.13.  Mr and Mrs Jimmy Solano Jr., Principal

    Sponsors, and Entourage14.  Mr and Mrs Hestive Hestoso15.  Mr and Mrs Hestive Hestoso, Principal

    Sponsors, and Entourage