layunin ng pag

33

Click here to load reader

Upload: arcangel13wi

Post on 12-Nov-2014

7.603 views

Category:

Documents


16 download

DESCRIPTION

resirts

TRANSCRIPT

Page 1: Layunin ng Pag

Talaan ng Nilalaman

Tsapter I

Panimula

Kapaligiran ng Pag-aaral

Layunin ng Pag-aaral

Pagpapahayag ng Suliranin

Kahalagahan ng Pag-aaral

Metodolohiya ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Depenisyon ng mga Termino

Tsapter II

Mga Morpolohikal na Datos

Tsapter III

Konklusyon

Rekomendasyon

Page 2: Layunin ng Pag

Pasasalamat

Ang rieserts na ito ay hindi magagawa at matatapos kung wala ang mga taong tumulong

sa aming tatlo para maisagawa ng maayos ang riserts na ito.

Sa aming mga matityagang guro na kahit na sa bisy nilang iskedyul ay nagawa paring

pagbigyan an gaming kahilingan na magsurbey sa kanila. Kung wala ang kanilang mga sagot,

hindi makukumpleto ang riserts na ito.

Sa mga estudyante, kapwa galling sa una at ikapat na kurso, na kahit na nahirapan sa

pagtatagalog ay sinikap paring sagutin ng maayos ang mga tanung na naibiagay sa kanila. Ang

mga datos na nakalap mula sa surbey sa kanila ay sadyang malaking tulong sa pagkakatapos ng

riserts na ito.

Sa aming mga magulang na pilit na umuunawa sa amin kapag napupuyat at umuuwi ng

gabi para lang matapos ang riserts na ito. Salamat din sa patuloy na pangungumbinsi sa amin na

kaya naming tapusin ito sa tamang oras. Salamat sa suportang binigay habang ginagawa ang

proyektong ito.

Sa aming guro, Doktor Jamito, na siyang nagturo sa amin kung ano mga tamang gagawin

para magawa ang riserts na ito sa tamang paraan. Salamat din sa pag-unawa at pagtityaga sa

aming klase. Sa lahat ng pag-uunawa at sakripisyo sa amin, maraming salamat po.

At higit sa lahat, sa Poon, dahil kung wala siya, hindi naming alam ang gagawin kung

may mga proglema na dumating habang ginagawa ang riserts na ito. Siya ang namamatnubay sa

aming grupo hanggang matapos ang riserts na ito.

Page 3: Layunin ng Pag

Panimula

Masasabi nating ang mga kursong nahahanay sa engineering ay ang mga pinaka-

indemand na kurso ngayon. Ngunit bakit nga ba sinabing ito rin ay isa sa mga pinakamahirap na

kurso. Sa kaso ng AMA Computer College- Makati, ang Electronics and Communications

Engineering (ECE) at Computer Engineering (CoE) ang mga kursong nahahanay sa engineering

ang tanging itinuturo dito. Dahil nga sa dalawa lang ang mapagpipilian dito, hindi maiiwasang

palaging maipag-kumpara ang dalawa. Alin ba sa dalawa ang mas magandang kunin, kung ano

ba ang mas nagpapangako ng mas magandang aportyunidad pakatapos mo ng pag-aaral. Ilan

lamang ito sa mga tanong na hanngang ngayon ay naglalaro paren sa mga isip ng mga

estudyante. Para mas malinawan tayo sa bawat kursong nabanggit. Kailanagn nati silang

ilarawan ng tag-iisa.

Ang Electronics and Communication Engineering (ECE) ay isa sa dalawang kursong

pang-inhinyero ang itinuturo sa AMA Makati. Sinasabing ito ang may pinakamalawak na sakop

pagdating sa teknolohiya at komunikasyon. Halos lahat ng mga bagay na may kinalaman sa

elektroniks at komunikasyon ay sakop ng ECE.

Sila rin ang dahilan kung bakit mas dumadali and pamamaraan ng pakikipag-

kuminikasyon. Sila ang mga inhinyero na bumubuo ng mga antena, mga bagay

pangkomunikasyon at minsan ay pati na rin mga bagay na may kinalamn sa elektroniks. Sa

tutuusin, kung walang mga ECE, wala tayong magandang pamamaraan ng komunikasyon sa mga

araw na ito.

Page 4: Layunin ng Pag

Sinasabing ang nakapagtapos ng kursong ECE ay kailangan munang kumuha ng bord

eksam para tuluyan silang masabeng inhinyero. Ang mga nakapagtapos ng ECE ay sinasabing

maraming opurtyunidad na naghihintay pagkatapos maipasa ang bord eksam. Sinasabing ang

ECE ay may mas maraming sakop pagdating sa teknolohiya dahil ang Computer Engineering

(CoE) ay sakop nito. Ibig sabihin ay walang kompyter pag walang mga ECE.

Sa larangan naman ng Computer Engineering (CoE), ang kanilang espesyalisasyon

naman ay nakatutuk lang talaga sa mga bagay na tungkol sa kompyuter. Marami rin itong sakop

gaya ng programming, desayn, networking at lahat ng may kinalaman sa kompyuter.

Sinasabing ang tanging lamang ng CoE sa mg ECE ay yung programming dahil ang mga

ECE ay walang kaalam alam sa programming, hindi kagaya ng mga CoE. Sinasabing ang

programming ay mas tatagal hindi gaya ng mga conductors na napapalitaan ng mga mas bago at

haytek na kagamitan.

Hindi kagaya ng ECE, ang CoE ay walang bord eksam kaya sinasabing lahat ng

nakatapos ng kursong ito ay otomatiko ng tinatawag na maga inhinyero. Ito ay sa kadahilanang

hindi pewedeng mag-eksam ang mga nakatapos ng CoE dahil sa mabilis na pagbabago ng trend

ng kompyuter.

Anu pa man ang pagkakaiba ng dalawang kurso. Ang importante ay pareho silang

nakakapagbigay ng kontribusyon sa pagpapaunlad ng teknolohiya. Ang riserts na ito ay

naglalayong linawin ang mga katanungan naglalaro sa isip ng mga estudyante at mga guro kung

ano ba talaga ang pagkakaoba ng CoE at ECE. Itong riserts na ito ay gonawa para makatulong na

rin sa mga estudyanteng magkokolehyo pa lamang.

Page 5: Layunin ng Pag

Kapaligiran ng Pag-aaral

Sinabi ni Engr. Jacqueline Reynoso, ang president ng PHISCES organization at isa sa

mga guro ng engineering klases sa engineering sa AMA Makati na ang Electronics and

Communications Engineering (ECE) ang may may pinakamalawak na sakop pagdating sa

engineering dahil halos lahat ay sakop na ito. Dinagdag pa niya na ang Computer Engineering

(CoE) ay isang halimbawa lamang ng komyunikasyon kaya sakop parin ito ng ECE.

Ayon naman kay Axel Rafael Tadoy, katataposn ng kursong CoE at nagyon ay

kasalukuyang nagtuturo sa AMA Makati, na ang CoE ay ang siyang may mas pinakamaraming

sakop pagdating sa teknolohiya dahil ayon sa kanya, maraming kayang gawen ang mga

nakatapos ng CoE gaya ng kaya nilang magprogram na hindi kayang gawin ng mga nakatapos ng

ECE. Pero nilinaw niya din na hindi makakagalaw ang mga CoE pag walang tulong galling sa

mga ECE. Kaya sinabe niya rin na pareho lang maliban sa espesyalisasyon dahil mas maraming

sakop ang CoE kaysa sa mga Ece.

Ang mga naunang pahayag naman ay parehong sinang-ayunan ni Daniel Dellosa,

nakatapos ng CoE at kasalukuyang nagtuturo sa AMA Makati na ngasabing ang dalawang kutso

ay may pantay na bilang ng kontribyusyon pagdating sa teknolohiya dahil ang mga ito ay

gumagawa ng magkasama. Dinagdag pa niya na hindi kumpleto ang isa kung wala ang tulong ng

isa. Sinabi pa niyan wala ng dapat pang pag-awayan dahil pareho naman silang nakakatulong sa

pagpapaunlad ng teknolohiya.

Layunin ng Pag-aaral

Sa pangkalahatan, ang riserts na ito ay naglalayong maipaliwanag ang mga sumusunod:

Page 6: Layunin ng Pag

1. Malaman ang pagkakaiba ng CoE at ECE na dalawang kursong pang-inhinyero na

inooper ng AMA Computer College Makati.

2. Malaman ang mga kuneksyon ng bawat kursong pang-inhinyero sa teknolohiya.

3. Mailarawan ang mga katangian ng bawat kursong nabanggit.

Itinutok ang pag-aaral sa mga paraan ng pagtuturo sa CoE at Gayon din sa ECE, sa mga

pagkakaiba ng mga asignaturang kinukuha ng dalawang kurso at mga pagkakaiba ng dalawa

pagdating sa espesylisasyon.

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na tiyak na

katanungan:

1. Sa pagitan ng CoE at ECE, pagdating sa teknolohiya, anong kurso ang may

panakamabigat na kontribyusyon?

2. Ano ang pagkakaiba ng mga asignaturang kinukuha ng dalawang kurso?

3. Anu-ano ang mga larangan ng engineering ang mas pinagtutuunan ng pansin ng bawat

kurso?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Inaasahang ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makakapagdulot ng benepisyo sa mga

sumusunod:

1. Sa mga magkokolehiyong mga estudyante

Page 7: Layunin ng Pag

- Para magbigay impormasyon tungkol sa mga kursong pang-inhinyero dito sa

AMA Makati at para mas madaling mapagdesisyunan kung alin sa dalawa ang

kukunin. At para makatulong na rin para mahanap ang nababagay na kurso para sa

kanila.

2. Sa mga estudyanteng kasalukuyang kumukuha ng isa sa mga kurso

-Para magbigay ng mas lalong maraming depinisyon ng kanilang kurso at

kung ano ang pagkakaiba nito sa isa pang kursong pang-inhinyero. At para na rin

malaman kung ang kursong kanilang kinukuha ay tugma sa kanilang mga interest at

kakahayan.

Ipinapahayag din na ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay makakapaglinaw at

makakatulong sa pagsagot ng tanong kung ano ba talaga ang pagkakaiba ng CoE at ECE.

Metodolohiya ng Pag-aaral

Ayon sa www.Wikipedia.com “Ang isang deskriptiv na pamamaraan sa riserts ay

sumasagot sa mga tanong na: sino, ano, saan, kalian at paano. Karaniwan din ginagawa ito sa

pamamagitan ng survey o obserbasyon.” Ang pamamaraan na gamit sa riserts na ito ay

deskriptiv.

Para makakuha kami ng magaganda at makabuluhang mga datos at impormasyon, nag-

interview kami ng iba’t iabang uri ng tao batay sa propesyon. Nagtanong kami ng apat na

propesor ng AMA Makati, 4 rin na mga estudyante ng engineering, kapwa mga estudyanteng

nasa una at huling taon.

Page 8: Layunin ng Pag

Ang aming mga tanong ay nahahati sa dalawa: ang una ay tungkol sa kanilang sarili o

ang kanilang pagkakakilanlan, at ang pangalawa ay ang kanilang saloobin tungkol sa aming

tanong. Sa unang set ng tanung, nakapaloob ditto ang tungkol sa kanilang background: ang

kanilang pangalan, edad, kasarian at status.

Ang mga napili naming mpartisipante ay tinanong naming isa-isa. Ang mga datos na

aming nakalap ay aming pinagsama-sama para pagkumparahin. Sinuri naming maigi ang

kanilang kasagutan.

Maliban sa survey na aming ginawa, kaming tatlo ay gumamit din ng ibang mga

reperensiya tulad ng aklat at mga artikulo sa internet para makakuha pa ng ibang impormasyon at

upang masupotahan na rin at mapatunayan namin kung pareho o ‘equal’ ang resulta ng aming

surbey sa iba.

Saklaw At Limitasyon ng Pag-aaral

Ang riserts na ito ay tungkol lamang sa pagkakaiba ng CoE at ECE na kursong pang-

inhinyero na inoofer ng AMA Computer College- Makati. Nakatuon ang pag-aaral sa pagkakaiba

ng mga asignaturang meron sa bawat kurso, mga larangan ng espesyalisasyon at ang

kontribyusyon ng bawat isa sa teknolohiya.

Ang mga pinag-aralang datos ay galing sa mga sagot sa surbey na isinagawa sa mga guro

at estudyante ng AMA Makati lamang. Ang ibang datos din ay galling sa mga nabasang libro at

artikulo sa internet. Pinag-aralan din ang lahat ng tungkol sa CoE at ECE. Ang sakop ng pag-

aaral ay mula lamang nung 2005 hanggang sa kasalukuyan kung saan ang bagong kurikulum ang

ginagamit.

Page 9: Layunin ng Pag

Depinisyon ng mga Termino

Para mas maintindihan ang riserts, ang ilan sa mga di kilalang salita ay bibigyan ng

kahulugan:

Elektroniks - tumutukoy sa daloy ng mga singil (paglipat ng mga electron) sa

pamamagitan ng nonmetal conductors (pangunahin Semiconductors), kung saan ang mga de-

koryenteng tumutukoy sa daloy ng mga bayad sa pamamagitan ng metal conductors

Kompyuter - ay isang makina na ginagamit sa paggawa ng mga kalkulasyon o mga

operasyon na maaaring gawin sa pamamagitan ng mga terminong numerikal o lohikal.

Komyunikasyon - Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng

impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-

unawaan.

Engineering - ng disiplina at propesyon ng mga nag-aaplay teknikal at pang-agham na

kaalaman at paggamit natural na mga batas at pisikal na mga mapagkukunan upang ipatupad

disenyo at materyales, structures, kagamitan, aparato, sistema, at ang mga proseso na ligtas

mapagtanto ang isang nais na layunin at matugunan ang tinukoy na pamantayan.

Teknolohiya - pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso

upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Jack of all trades - ay isang kilalang talinghaga na naglalarawan ng isang tao na may

iba't-ibang mga kasanayan, ngunit hindi expert kasanayan.

Page 10: Layunin ng Pag

Civil engineer - Isang propesyonal na engineering disiplina na ang trato sa mga

disenyo, konstruksiyon at pagpapanatili ng pisikal at natural na binuo na kapaligiran, kabilang

ang mga gumagana tulad ng Bridges, daan, canals, dams at gusali.

Mechanical engineer - Disiplina na nagsasangkot sa aplikasyon ng mga prinsipyo ng

physics para sa pagtatasa, disenyo, manufacturing, at pagpapanatili ng mga sistema ng makina.

Mechanical engineering ay isa sa pinakaluma at pinakamalawak na engineering disciplines.

Second industrial revolution - Isang ikalawang bahagi ng Industrial Revolution,

kinasasangkutan ng ilang mga developments sa loob ng mga kimiko, electrical, petrolyo, at asero

industriya. Iba pang mga susi developments sa panahon na ito kasama ang pagpapakilala ng

langis fired stimturbina at internal combustion driven asero ships, ang pag-unlad ng airplane, ang

mga praktikal na commercialization ng automobile, Misa sa produksyon ng mga kalakal, ang

kasakdalan ng canning, pagpapalamig ng makina, at iba pang pagkain pangangalaga

pamamaraan, at ang paglikha ng telepono.

Information revolution - Ay naglalarawan ng kasalukuyang pang-ekonomiya,

panlipunan at teknolohiko uso.

Robotics - Ay ang agham at teknolohiya ng mga robots, at ang kanilang mga disenyo,

paggawa, at mga aplikasyon. Robotics ay may koneksyon sa elektronika, mekanika, at software.

Page 11: Layunin ng Pag

Power Electronics - Ang mga aplikasyon ng solid-estado para sa mga elektronika ang

control at conversion ng electric power.

TSAPTER II

MGA MORPOLOHIKAL NA DATOS

INHINYERIYA

Ang inhinyeriya, mula sa kastilang ingeniera, ay ang paglalapat ng agham upang

matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng kaalaman,

matematika, at pratikal na karanasan na nilalapat sa pagdibuho ng mga may gamit na bagay o

proseso. Tinatawag na inhinyero ang mga propesyonal na nagsasanay sa inhinyeriya.

KASAYSAYAN NG INHINYERIYA

Ang kasaysayan ng inhinyeriya ay nahahati sa apat:

1. Pre-scientific revolution

- sa panahong ito nakilala ang mga Renaissance engineers tulad nina

Leonardo da Vinci.

2. Industrial revolution

Page 12: Layunin ng Pag

- noong ika-labingwalo hanggang labingsiyam na siglo, ang mga civil at

mechanical engineers ay nagbago ng propesyon mula sa pagiging practical

artists patungo sa pagiging scientific professionals.

3. Second industrial revolution

- taon bago maganap ang World War II, ang mga kemikal, electrikal, at ang

iba pang mga science-based engineering branches ay nagtuon ng pansin sa

elektrisidad, telekomunikasyon, at mass production.

4. Information revolution

- nang matapos ang World War II, ang inhinyera ay lalo pang lumawak. Ang

maykroelectroniks, kompyuters, at telekomunikasyon ay nagsama-sama

kung saan ito ay nagdagdag ng panibagong kaalaman tungkol sa

teknolohiya.

PAGTUTULAD SA DALAWANG SANGAY NG INHINYERIYA

1. Inhinyerong Pangkompyuter (Computer Engineering)

- ang kursong ito ay unang naturo sa Case Western Reserve University sa Estados

Unidos, noong taong 1971.

- ito ang kurso kung saan pinaghalo ang electrical engineering at agham

pangkompyuter (computer science). Ang mga nag-aaral ng inhinyera ay nagkakaroon

Page 13: Layunin ng Pag

ng kaalaman at nagpapakadalubhasa sa mga software design at hardware-software

integration. Pinag-aaralan din dito ang iba’t-ibang aspeto ng pagkokompyut, mula sa

disenyo ng mga microprocessors at mga kompyuters, sa mga circuit design.

- Ang kalimitang ginagawa ng mga inhinyero ng kompyuter ay ang pagdidisenyo ng

VLSI chips (Very Large Scale Integration chips), pagdidisenyo ng mga analog

sensors, at ang pagdidisenyo ng circuit boards. Ang mga inhinyero din ay naaangkop

sa robotics research kung saan sila ay gumagamit ng digital systems para makontrol

at mamonitor ang mga electrical systems tulad ng sa mga motor, at sa mga sensors.

2. Inhinyera Elektronika at Pangkomunikasyon (Electronics and Communication

Engineering)

– ito ay isa sa pinakamahirap na kurso sa larangan ng inhinyera. Ang isang estudyante

na nag-aaral ng ECE ay nangangailangan ng matalinghagang pag-iisip para

makapagdisenyo, makapagsagawa at makapagpasakatuparan ng iba’t-ibang proyekto.

– ang kursong ito ay nahahati sa tatlong larangan:

1. Elektroniks

2. Komunikasyon

3. Digital signal processing

Ang pag-aaral sa tatlong larangan na ito ay nangangailangan ng kakayahan sa

matematika, at siyensya.

Page 14: Layunin ng Pag

AMA PAGDATING SA ENGINEERING

Ang paaralan ng AMA ay ang kauna-unahang unibersidad dito sa Pilipinas na nagturo ng

kursong inhinyera, at ang unang eskwelahan na nagturo ng Mechatronics. AMA din ang kauna-

unahang eskwelahan na nakatanggap ng ISO 9001 Certification, at ang kauna-unahang naging

katuwang ng Micosoft pagdating sa edukasyon.

Bachelor of Science in Computer Engineering (BSCoE)

Ang kursong ito ay isang four-year degree program (12 trimesters). Ang

curriculum ng AMA para sa BSCoE ay base sa mga istandards ng Commission on Higher

Education (CHED).

Mga asignatura:

Mathematics – 26 credit units

Physical Science – 12 credit units

Basic Engineering Sciences – 43 credit units

Non-Technical Courses – 51 credit units (Language, Humanities, Social Sciences)

Miscellany – (16) credit units

Professional Courses – 66 credit units

Logic Circuits & Switching Theory

Advanced Logic Circuits Design

Page 15: Layunin ng Pag

Computer System Architecture

Microprocessor Systems

Data Structures & Algorithms Analysis

Computer Systems Organization, Architecture & Assembly Language

Programming

Principles of Progranning Language with Compiler

Data Communications 1

Principles of Operating System

CoE Design Project 1

CoE Design Project 2

Engineering Materials

Seminars and Field Trip

Safety Engineering

Data Communications 2

Electromagnetics

Communications Theory 1

Control System

I/O and Memory Systems

Engineering Practicum

Numerical Methods

Object-Oriented Programming

Page 16: Layunin ng Pag

Bachelor of Science in Electronics and Communication Engineering (BSECE)

Katulad ng BSCOE, ang kursong ito ay isang four-year degree program din . Ito

ay dinesenyo upang makapagbigay ng magandang edukasyon at matatag na pundasyon

sa elektroniks, sa komunikasyon, sa matematika, at sa syensiya para makapaghanda at

mahasa ang mga estudyante bilang isang magaling na ECE. Ang curriculum ng BSECE

ay base rin sa mga standards ng Commission on Higher Education (CHED).

Mga asignatura:

Mathematics – 26 credit units

Physical Science – 12 credit units

Basic Engineering Sciences – 34 credit units

Non-Technical Courses – 51 credit units (Language, Humanities, Social Sciences)

Miscellany – (16) credit units

Professional Courses – 94 credit units

Electric Circuits Theory 1

Electric Circuits Theory 2

Electronics 1

Electronics 2

Electronics 3

Energy Conversion

Electromagnetics

Page 17: Layunin ng Pag

Signals, Spectra & Signal Processing

Communications Theory 1

Communications Theory 2

Communications Theory 3

Communications Theory 4

Communications Theory 5

Broadcast Engineering and Acoustics

Logic Circuits & Switching Theory

Microprocessor Systems

Control System

Industrial Electronics

Data Communications 1

ECE Laws and Ethics

Seminars and Field Trip

Safety Engineering

ECE Design Project

Engineering Practicum

Computer Programming 1

Numerical Methods

Engineering Materials

ECE Review & Comprehensive Examination

MGA TRABAHONG NAGHIHINTAY PAGKA-GRADWEYT

Page 18: Layunin ng Pag

Computer Engineering

Project Manager/engineer

Network Administrator/Manager

Data Communications Engineer

Systems Manager/Engineer

Systems Analyst

Technical Support Engineer

Electronics and Communication Engineering

Communications: wireless products including mobile phones, pagers, etc.

Computers: peripherals, embedded systems, information appliances, etc.

Electronics: for consumers, automotive industry, defence, etc.

Internet: networked applications, Internet protocols, etc.

Semiconductors: IC design, wafer fabrication, assembly and test, etc.

Software: development for engineering design automation, commerce, etc.

PINAGKAIBA NG COE AT ECE

Titulo bilang inhinyero

Marami ang kumukuha ng kursong CoE dahil ang sa pagkakaalam nila ay kapag

nakapagtapos na sila ay matatawag na sila kaagad bilang inhinyero. Oo nga, maituturing

Page 19: Layunin ng Pag

sila bilang isang inhinyero, pero ang hindi nila alam, kahit na makapagtapos sila ng CoE

ay hindi nila magagamit ang titulo na “engineer”. Nakasaad kasi sa batas na hindi mo

siya maaaring ilagay sa unahan ng pangalan mo dahil hindi sila nakakuha ng licensure

exam.

Sa ECE naman, bago ka matawag na inhinyero ay kailangan mo munang ipasa

ang board exam. Pero kung tutuusin, mas maganda ang ECE kaysa sa COE dahil kapag

napasa mo ang licensure exam ay matatawag ka na na engineer, hindi katulad sa COE.

Board Exam

Walang board exam ang mga CoE dahil sa pabago-bago, lumalawak at patuloy

pang lumawak ang teknolohiya natin ngayon.

Pagdating naman sa ECE, kaya may board exam sila ay dahil sa hindi naman

nagbabago ang mga pinag-aaralan nila. May magbago man pero konti lang nandoon pa

rin ang basics.

Saklaw ng CoE at ECE

Ang kursong CoE ay bagay sa mga taong mahihilig sa mga kompyuter. Pinag-

aaralan dito ang lahat tungkol sa kompyuter (software at hardware). Sakop din nito ang

digital design, maykroelectroniks, mikrokontrolers, digital signal processing, computer

networking, at microprocessor-based design.

Sa ECE naman, ang pinag-aaralan dito ay tungkol sa komunikasyon:

Communication Systems, Instrumentations and Controls, Semi-conductor devices,

Page 20: Layunin ng Pag

Circuits, at Power Electronics. Sakop at pinag-aaralan din dito ang ilang mga bagay-

bagay tungkol sa kompyuter. Kaya naman mas malakas, maganda, at mas malawak ang

sakop nito kung ikukumpara mo sa CoE.

Ang CoE, kaya nag-eexist, ay dahil palaki ng palaki ang impluwensya ng

kompyuter sa buhay ng tao, at kaya may mga nag-aaral ng CoE para mapag-aralan ito.

Pagdating naman s ECE, mas malawak ang kursong ito dahil halos saklaw na rin nito ang

CoE.

Bilang ng estudyante

Kung pagbabasehan namin ang dami ng CoE at ECE na estudyante sa aming

seksyon, masasabi naming na mas marami ang kumukuha ng kursong CoE kaysa sa ECE.

Bilang ng yunits

Sa AMA Makati, ang kursong CoE ay may sumatotal na dalawang daan at

dalawampung yunits samantalang ang ECE naman ay may sumatotal na dalawandaan at

dalawampu’t siyam na yunits.

TSAPTER II

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

KONKLUSYON

Page 21: Layunin ng Pag

Batay sa mga nakalap naming impormasyon ito ang mga datos na aming nalaman tungkol

sa pagkakaiba ng kursong ECE at CoE:

1. Ang CoE ay pinagsamang EE (Electronics Engineering) at CS (Computer

Science) ito ay galing sa internet nabasa ko sa isang blog. Marami kasi sa mga

estudyante ang kinukuha ay CoE kaysa sa ECE batay sa obserbasyon tulad sa

aming klase Block EE halos karamihan ay CoE halos 75 porsyento. Ang CoE kasi

ay walang board exam dahil sa halos kada taon ay may nagpapalit sa kompyuter

nabago. Pero ang ECE ay kinakailangan nilang kumuha ng exam para maging

ganap silang engineer at may lisensya para makapaghanap sila ng trabaho.

2. Pagdating naman sa mga asignatura may pagkakaiba din ang dalawa tulad ang

ECE mas lamang sila ng units kaysa sa CoE halos 9 units. Sa AMA Computer

College dapat mong kumuha ng dalawang major kahit ECE ka man o CoE.

3. Ayon sa sweldo, nabasa ko sa isang blog ulit na hindi mo dapat kinuha ang

kursong CoE o ECE dahil sa mataas ang sweldo pagdating na nakapagtapos ka na.

Sabi nga niya magiging Jack-of-all-trades ka pero wala namang alam dahil hindi

ka naman interesado sa propesyong pinag-aralan mo. Sa totoo lang CoE ka man o

ECE walang panget at walang nakakaangat dumedepende pa rin iyon sa taong

kumukuha nito. Dahil sa panahong ito mahirap talaga kumuha ng trabaho hindi na

pwedeng ipagkaila iyon.

4. Ang ECE daw ay kahit saan may elektroniks ay naroon sila at may

komunikasyon. Sabi naman ng engineer na tinanong namin siya ay tapos ng CoE

Page 22: Layunin ng Pag

ay mas malawak daw ang sakop ng CoE dahil sa pwede niyang pasukin ang

Information Technology at sa pagdating ng panahon hindi sila mauubusan ng

trabaho lalo na kung ang major niya ay CISCO kasi ito ay tumutukoy sa

networking communication. Samantalang ang engineer naman na tinanong namin

tapos ng ECE sila daw ang mas malawak ang kontribusyon pagdating sa

teknolohiya dahil pwede silang gumawa ng desenyo ng kompyuter at dahil sa

elektroniks sila mas malawak ang kaalaman nila sa loob ng kompyuter.

Samantalang ang COE sa software naman sila magaling at konti lang sa hardware.

Iyon ang pagkakaiba bawat isa sa kanila ay may sariling kakayahan. May kaya

ang ECE na hindi kaya ng COE at COE nawala sa ECE.

5. Karagdagan pa, ang computer engineer na kurso ay walang exam o tinatawag na

board exam. Dahil sa hindi pa nga natatapos ang taon ay may panibago na

namang impormasyon tungkol sa kompyuter. Ayon sa kanila kapag nakapagtapos

ka na sa kurso mong CoE ay agad na engineer kana pero hindi mo pwedeng

ilagay sa unahan ng pangalan mo ang katagang Engineer o Engr. dahil ang may

karapatan lang nito ay iyong mga may board exam at nakapasa at may lisensya

bilang isang ganap na inhenyero.

6. Hindi basehan kung CoE o ECE kung ang tawag sa iyo ay engineer o hindi. Hindi

dahil sa CoE rin ang kursong kinukuha namin ay pabor kami dito. Para sa amin

pantay lang sila kung ang pag-uusapan ay teknolohiya dahil sa may sariling

ispesalisasyon ang bawat kurso. Ang tanging basihan dito ay kung gaano kalawak

ang nalalaman ng isang estudyante tungkol sa kursong kanyang kinuha.

Page 23: Layunin ng Pag

Ilan sa mga tinanong ko kung bakit CoE o ECE ang kursong napili nila:

1. CoE

Sinabi niya mas naihalintulad niya sa uri ng buhay na meron siya ngayon.

Dahil sa demand ang kursong ito.

Dahil sa sabi ng kamag-anak na mas maganda ang CoE

Dahil sa paborito ang asignaturang matematika kaya naisip niyang mag-

CoE.

2. ECE

Naimpluwensyahan ng iba na mas malawak ang tinatalakay sa ECE.

Dahil may board exam mas madaling makakuha ng trabaho.

Dahil may lisensya.

REKOMENDASYON

Ayon nga sa mga nakalap naming impormasyon hindi mo dapat pinili ang propesyon mo

dahil sa mataas ang sweldo o mas demand kasi ikaw lang naman ang magsisi sa huli dahil

wala ka namang alam. Dapat mong isaalang-alang ang mga bagay-bagay bago pa mahuli

ang lahat. Habang maaga pa ay itanong mo na sa iyong sarili kung “Kaya ko pa ba?” para

walang sisihan pagdating na makagraduweyt ka na. Sa tingin ko kasi kahit na mababa

ang markang nakuha mo o mataas basta galing sa paghihirap mo may mararating ka,

dahil ibig sabihin disededo kang marating ang pangarap mo pero kung ang sinasabi mo

pag exam “bahala na” kung pumasa o hindi ok lang, mukhang wala ka ngang pag-asa

nagsasayang ka lang ng oras at panahon. Huwag na nating pahirapan ang ating sarili kung

Page 24: Layunin ng Pag

hindi na talaga kaya. Sa totoo lang kasi walang madaling kurso lahat sila pinaghihirapan

at pinagtyatyagaan. Dapat mong isiping “Kaya ko ito!” o “Kung kaya nila kaya ko rin!”

Aral lang ang katapat niyan kasi wala namang bobo masipag lang mag-aral kaya

nakakaya nila.