labindalawang apostol

4
Labindalawang Apostol "Ang Huling Hapunan" kung saan makikita ang Labindalawang Apostol ni Hesus. Iginuhit ni Leonardo da Vinci. Ang Labindalawang Apostoles o Labindalawang Apostol ay pinili ni Hesus mula sa napakaraming alagad na sumunod Kanya mula nang gawin ang pagmiministro. Itinuturing na banal ang mga apostoles na kinabibilangan nina Apostol Pedro, Andres, Santiago, anak ni Zebedeo, Juan, Felipe, Bartolome, Tomas, Mateo, Santiago, anak ni Alfeo, Hudas Tadeo, Simon, at Hudas Iskariote. Simon Pedro Kilala sa pangalang Simon, isang mangingisda si Pedro na kapatid ni Andres. Ginawa siyang pinuno ng mga alagad ni Kristo at ng Kanyang Simbahan. Kasama nina Juan at Santiago, nasaksihan niya ang muling pagbuhay sa anak ni Jairus, ang Pagbabagong-anyo ni Kristo, ang pagdarasal ni Hesus sa Hardin ng Getsemani. Siya rin ang unang nangaral ng Ebanghelyo sa Herusalem at naging pinuno ng unang komunidad ng mga Krstiyano roon. Ipinako siya sa krus nang pabaligtad sa gulang na 64 o 65 nang ipapatay ni Emperador Nero ang mga Kristiyano. Andres Ipinanganak sa Bethsaida, kapatid ni Pedro si Andres at alagad ni Juan Bautista . Isa rin siyang mangingisda at unang tinawag ni Hesus para maging alagad. Ipinangaral niya ang Ebanghelyo sa hilagang Gresya, Epirus at Scythia. Namatay siya sa Patras sa gulang na 70. Siya ang patron ng Rusya at Scotland. Santiago, anak ni Zebedeo Kapatid ni Juan si Santiago at isa ring mangingisda. Kasama sina Pedro at Juan, nasaksihan nila kung paano muling binuhay ni Hesus ang anak ni Jairus, gayundin ang Pagpapalit-anyo ni Kristo at ang pagdarasal sa Halamanan ng Getsamane. Siya ang kauna- unahang apostol na namatay noong 44 AD sa panahon ni Herodes Agrippa.

Upload: karogelramiterre

Post on 12-Dec-2015

78 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

Labindalawang Apostol

TRANSCRIPT

Page 1: Labindalawang Apostol

Labindalawang Apostol

"Ang Huling Hapunan" kung saan makikita ang Labindalawang

Apostol ni Hesus. Iginuhit ni Leonardo da Vinci.

Ang Labindalawang Apostoles o Labindalawang

Apostol ay pinili ni Hesus mula sa napakaraming alagad na

sumunod Kanya mula nang gawin ang pagmiministro.

Itinuturing na banal ang mga apostoles na kinabibilangan

nina Apostol Pedro, Andres, Santiago, anak ni Zebedeo, Juan, Felipe, Bartolome, Tomas,  Mateo, Santiago,

anak ni Alfeo, Hudas Tadeo, Simon, at Hudas Iskariote.

Simon Pedro

Kilala sa pangalang Simon, isang mangingisda si Pedro na kapatid ni Andres. Ginawa siyang pinuno ng mga alagad ni Kristo at ng Kanyang Simbahan. Kasama nina Juan at Santiago, nasaksihan niya ang muling pagbuhay sa anak ni Jairus, ang Pagbabagong-anyo ni Kristo, ang pagdarasal ni Hesus sa Hardin ng Getsemani. Siya rin ang unang nangaral ng Ebanghelyo sa Herusalem at naging pinuno ng unang komunidad ng mga Krstiyano roon. Ipinako siya sa krus nang pabaligtad sa gulang na 64 o 65 nang ipapatay ni Emperador Nero ang mga Kristiyano.

Andres

Ipinanganak sa Bethsaida, kapatid ni Pedro si Andres at alagad ni Juan Bautista. Isa rin siyang mangingisda at unang tinawag ni Hesus para maging alagad. Ipinangaral niya ang Ebanghelyo sa hilagang Gresya, Epirus at Scythia. Namatay siya sa Patras sa gulang na 70. Siya ang patron ng Rusya at Scotland.

Santiago, anak ni ZebedeoKapatid ni Juan si Santiago at isa ring mangingisda. Kasama sina Pedro at Juan, nasaksihan nila kung paano muling binuhay ni Hesus ang anak ni Jairus, gayundin ang Pagpapalit-anyo ni Kristo at ang pagdarasal sa Halamanan ng Getsamane. Siya ang kauna-unahang apostol na namatay noong 44 AD sa panahon ni Herodes Agrippa.

Juan

Kapatid ni Santiago na anak ni Zebedeo si Juan at isa ring mangingisda. Maaaring alagad din siya ni Juan Bautista bago naging apostol ni Hesus. Tinatawag siyang “ang alagad na minamahal ni Hesus.” Kasama sina Pedro at Santiago, nasaksihan nila ang muling pagbuhay ni Hesus sa anak ni Jairus, ang Pagbabagong-anyo ni Kristo, at ang pagdarasal sa Hardin ng Getsemane. Sa kanya inihabilin ni Hesus si Maria nang ipako Siya sa krus. Sa kanya nakapangalan ang ika-apat na ebanghelyo, ang tatlong liham sa Bagong Tipan at ang libro ng Pahayag. Ayon sa mga tala, nanirahan siya sa Ephesus hanggang sa mamatay sa gulang na isang daan.

Page 2: Labindalawang Apostol

Felipe

Ipinanganak sa Bethsaida si Felipe. Gaya ng ibang alagad, matagal bago niya napagtanto kung sino nga ba si Hesus. Sa isang pagkakataon, nakita ni Hesus ang napakaraming taong sumusunod sa Kanya at nais niyang pakainin ang mga ito. Tinanong Niya si Felipe kung saan maaaring makabili ng tinapay para sa mga tao. At ito ang naging pagsubok ni Hesus sa kanya. Ayon sa alamat, nagpahayag siya ng ebanghelyo sa Phrygia kung saan siya ipinako sa krus.

Bartolome

Kaibigan ni Felipe si Bartolome. Ayon sa tradisyon, ipinahayag niya ang mabuting balita sa Ethiopia, India, Persya, at Armenya kung saan siya pinatay sa pamamagitan ng pagpupugot sa kanyang ulo. Walang ibang alagad ang nagpahayag ng paniniwala kay Hesus sa unang pagtatagpo nang gaya kay Bartolome.

TomasIpinanganak sa Pansada at isa ring mangingisda si Tomas. Nang marinig niya ang tungkol sa mabubuting bagay tungkol kay Hesus, iniwan niya ang lahat at sumunod sa Kanya. Ayon sa Ebanghelyo, hindi naniwala si Tomas sa sinabi ng ibang mga alagad na muling nabuhay si Hesus at sinabing hangga't hindi niya nakikita ang butas ng pako sa Kanyang mga kamay, at naipapasok ang kanyang daliri sa mga butas na ito, hindi siya maniniwala. Nang ikawalong araw ng Pagkabuhay, nagpakita sa kanya si Hesus at ipinakita ang Kanyang mga sugat. Namutawi sa mga labi ni Santo Tomas ang mga katagang: “Panginoon ko at Diyos ko.”

Mateo

Tinawag na Levi nina Lukas at Juan, at anak ni Alfeo si Mateo. Isa siya sa mga nagsulat ng Ebanghelyo. Ipinahayag niya ang mabuting balita sa Judea, Etihopia, Persya at Parthia. Naiiba siya sa ibang alagad na mangingisda dahil una siyang naging kolektor ng buwis at may pera at posisyon sa lipunan.

Santiago, anak ni Alfeo

Anak ni Alfeo si Santiago na tinawag ding Santiagong Mas Bata dahil mas matanda sa kanya si Santiago na anak ni Zebedeo at mas maliit ang taas. Isa sa mga liham sa Bagong Tipan ang nakapangalan sa kanya. Namatay siya sa gulang na 62 nang hinahaginang bato o inihagis sa tuktok ng templo ng Herusalem.

Page 3: Labindalawang Apostol

Hudas Tadeo

Hindi man nababanggit ang pangalan ni Hudas sa apat na Ebanghelyo, nakapangalan sa kanya ang isa sa mga liham sa Bagong Tipan. Ayon sa mga tradisyon, nangaral siya sa Mesopotamia, Persya, at kung saan pa hanggang sa namatay. Dahil sa pagkakapareho ng pangalan kay Hudas Iskariote, tinawag siyang Tadeo nina Mateo at Marcos.

Simon

Tinatawag din siyang Simon na Cananean o Simon na Masikap. Sinasabing marami ang hindi nakakakilala sa kanya pero hindi nangangahulugang hindi siya mahalaga. Ayon sa tradisyon, nangaral siya sa iba't ibang panig ng Gintang Silangan at namatay nang hatiin siya ng lagari sa dalawa.

Hudas Iskariote

Si Hudas Iskariote, o kilala sa pangalang Hudas, ay isa sa mga orihinal na labindalawang apostoles ni Hesus ayon sa Bagong Tipan. Siya ang tagapangalaga ng pera ng grupo, pero mas kilala siya sa kanyang ginawang pagkanulo kay Hesus sa kamay ng mga Romano. Siya ay pinalitan ni Matthias bilang isa sa ap ostoles nang muling nabuhay si Hesus.