komprehensibong buod

9
Komprehensibong buod: Naging pangunahing layunin ng Malaysia pagkatapos ng mapait na pagsakop sa kanila ang maibalik ang kanilang kahulugan ng nasyonalismo. Ninais nilang maibalik ang kulturang ipinagkait sa kanila ng mahabang panahon at naging mahirap para sa kanila ang ibalik ang nawalang pagkakakilanlan nila sa kanilang sariling kulutura at mga kaparaanan sa pamumuhay. Hindi naging madali para sa mga Malay ang makaalis sa impluwensya ng kanilang mananakop kaya naman naging mas lalo silang naging determinadong ibalik ang lahat ng mga nawala sa kanila. Marami ang naging hakbang ng gobyerno upang ibalik ang lahat. Isa sa mga ito, ipinalaganap nila ang paggamit ng sarili nilang wika, ang Bahasa Malaysia. Ginamit ang wikang ito sa pagtuturo at sa pamamahala ng gobyerno. Naging pangunahing layunin ng mga Malay ang patuloy na palaganapin ang kanilang sariling wika dahil kanilang nakikita ang posibilidad na solusyon ito sa hindi tamang balanse pagdating sa katayuan at klase ng mga tao sa kanilang lipunan. Kasama ng kanilang layunin upang ipalaganap ang salitang Bahasa Malaysia, nakita nila ang pagkakataon na gamitin ito upang patatagin ang ekonomiya ng kanilang bansa dahil bawat mamamayan, isa lamang ang salitang ginagamit. Mababawasan ang diskriminasyon at paghahati sa klase ng mga tao sa lipunan dahil sa hakbang na ito. Makalipas ang tatlumpung taon, dahil sa laganap na impluwensya ng globalisasyon, tila nag-iba ang layunin ng gobyerno ng Malaysia. Nag-iba ang takbo ng ekonomiya at nagkaroon ng malaking pagbabago sa lipunan. Nang dahil sa mga ito, ang punong ministro ng Malaysia na si Tun Mahathir Mohamed ang nagdesisyong gawing Ingles ang pangunahing salita na gagamitin sa mga paaralan. Hindi naging madali para sa mga Malay ang alamin ang tunay na dahilan kung bakit

Upload: karmaranth

Post on 25-Oct-2015

245 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

The language of Malaysia in comparison to the Filipino language.

TRANSCRIPT

Page 1: Komprehensibong buod

Komprehensibong buod:

Naging pangunahing layunin ng Malaysia pagkatapos ng mapait na pagsakop sa kanila ang maibalik ang kanilang kahulugan ng nasyonalismo. Ninais nilang maibalik ang kulturang ipinagkait sa kanila ng mahabang panahon at naging mahirap para sa kanila ang ibalik ang nawalang pagkakakilanlan nila sa kanilang sariling kulutura at mga kaparaanan sa pamumuhay. Hindi naging madali para sa mga Malay ang makaalis sa impluwensya ng kanilang mananakop kaya naman naging mas lalo silang naging determinadong ibalik ang lahat ng mga nawala sa kanila.

Marami ang naging hakbang ng gobyerno upang ibalik ang lahat. Isa sa mga ito, ipinalaganap nila ang paggamit ng sarili nilang wika, ang Bahasa Malaysia. Ginamit ang wikang ito sa pagtuturo at sa pamamahala ng gobyerno. Naging pangunahing layunin ng mga Malay ang patuloy na palaganapin ang kanilang sariling wika dahil kanilang nakikita ang posibilidad na solusyon ito sa hindi tamang balanse pagdating sa katayuan at klase ng mga tao sa kanilang lipunan. Kasama ng kanilang layunin upang ipalaganap ang salitang Bahasa Malaysia, nakita nila ang pagkakataon na gamitin ito upang patatagin ang ekonomiya ng kanilang bansa dahil bawat mamamayan, isa lamang ang salitang ginagamit. Mababawasan ang diskriminasyon at paghahati sa klase ng mga tao sa lipunan dahil sa hakbang na ito.

Makalipas ang tatlumpung taon, dahil sa laganap na impluwensya ng globalisasyon, tila nag-iba ang layunin ng gobyerno ng Malaysia. Nag-iba ang takbo ng ekonomiya at nagkaroon ng malaking pagbabago sa lipunan. Nang dahil sa mga ito, ang punong ministro ng Malaysia na si Tun Mahathir Mohamed ang nagdesisyong gawing Ingles ang pangunahing salita na gagamitin sa mga paaralan. Hindi naging madali para sa mga Malay ang alamin ang tunay na dahilan kung bakit naging iba ang takbo ng pamamahala at biglaang ginawang Ingles muli ang salitang gagamitin upang magturo sa mga paaralan. Ngunit sa pagkakataon na hingin ang panig ng punong ministro, kanyang isinambit ang kahulugan ng edukasyon at ang kapasidad ng bawat estudyante na makaintindi at matuto ng mga paksa sa kanilang paaralan. Idinagdag rin niya na dapat humiwalay ang nasyonalismo ng Malaysia sa balak nitong umasenso sa darating na panahon. Kinakailangan raw na maging matagumpay ang mga Malay at maging respetadong klase ng mga tao at ang tanging solusyon rito, matutunan nila ang wikang Ingles.

Page 2: Komprehensibong buod

Ninanais ng gobyerno ng Malaysia na makasabay ang mga tao nito sa mabilis na pagbabago sa larangan ng agham dahil nagiging mahirap para sa mga ito ang intindihin ang mga iba’t-ibang konsepto; dulot ito ng kakulangan sa kaalaman sa wikang Ingles. Kaya naman, sinisimulan ng proyektong ito na mula sa gobyerno na turuan ang mga guro na mas maging malawak ang kaalaman pagdating sa wikang Ingles. Hinihimok ng gobyerno na sanaying mabuti ang mga guro sa pagtuturo ng Agham at Matematika sa wikang Ingles.

Ngunit, hindi naging madali para sa mga guro ang pagbabagong ito. Hindi naman kasi lahat ng guro, malawak ang kaalaman sa wikang Ingles. Maraming mga pagsubok ang hinaharap ng mga guro ng dahil sa polisiyang hatid ng proyektong ito. Isa sa mga pagsubok na hinaharap ng mga Malay ang kakulangan sa pagsasanay at paghahanda upang mag-salita at mag-turo sa wikang Ingles. Lahat kasi halos ng mga gurong ito, nagmula ang edukasyon sa salitang Bahasa Malaysia. Maliban sa kakulangan sa preparasyon, marami ring guro ang walang interes at abilidad upang sundin ang kagustuhan ng gobyerno na pilitin silang mag-turo sa wikang Ingles. Iba-iba rin kasi ang antas ng edukasyon ng bawat guro sa Malaysia at maaring ang isang guro, malawak ang kaalaman sa Agham at Matematika ngunit hirap lamang sa paggamit ng salitang Ingles. Marahil maraya ito sa ibang mga guro na iba ang kapasidad at abilidad sa pagtuturo. Kulang rin at hindi tumutugma ang mga oras at panahon ng pagsasanay ng mga guro dahil napakahirap na bumuo ng isahang pagsasanay na naroon lahat ng mga guro upang bigyan sila ng pagkakataon na magbigay ng opinyon at ibihagi ang kanilang saloobin patungkol sa proyektong ito.

Iba’t-iba ang mga opinyon pagdating sa proyektong ito. Sinasabeng maaga pa upang bigyang hatol ito dahil ilang taon pa lamang ang nakakalipas. Ang tanging tanong lamang na naiiwan sa bawat mamayan ng Malaysia, handa na nga ba talaga sila upang saklawin ang pagbabagong dulot ng globalisyon?

Page 3: Komprehensibong buod

Komparatibong analisis:

Hindi maitatanggi na halos magkaparehas ang pinagdadaanan ng Malaysia at ng Pilipinas. Parehas na bansang sinakop at pinagkatain ng pagpapalaganap ng nasyonalismo. Ilang taon na rin ang nakakalipas ng sakupin ng iba’t-ibang bansa ang Pilipinas at hanggang ngayon, makikita ang laki ng impluwensya na idinulot nito. Katulad ng Malaysia, mayroon ding layunin ang bansang Pilipinas na umunlad at maging kilala ang mga taong ito na mataas ang antas ng edukasyon. Sa kasalukuyan, ipinapalaganap rin ng gobyerno ng Pilipinas ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ng mga paksa sa mga paaralan maliban na lamang ang araling Sibika at Filipino. Malaki kasi ang impluwensyang dulot ng globalisyon kaya naman naghahanap ng mga nararapat na hakbang ang gobyerno upang makasabay sa dikta at takbo ng ekonomiya at edukasyon.

Mula kay sa isinulat ni Dr. Bienvenido Lumbero na pinagamatang, “Ang Wikang Filipino at Banta ng Globalisasyon” isinaad niya,

Page 4: Komprehensibong buod

“Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng sambayanang lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong Espanyol at Amerikano.  Sa tuwing pinagyayaman ang wika at panitikang katutubo, may lakas na pinakikilos sa kalooban ng Filipino, na magagamit na panlaban sa pang-aakit ng globalisasyon. Narito ang kahalagahan at adhikain ng mga naunang henerasyon na hindi kayang burahin ng Utopiang pangako ng “borderless world.”  Nasa pagtayo natin at paggigiit sa makabayang pagtangkilik sa ating wika at kultura ang lakas na maibabangga natin sa globalisasyon, na naglalayong patagin ang landas patungo sa walang-sagwil na pagpasok ng kapitalismong global sa ating ekonomiya at politika.”

Mababasa rito ang kahulugan ng pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang isang kaparaanan na umalis sa impluwensya ng kolonyalismo ngunit dahil sa kasalukuyang pagpapalaganap ng paggamit ng wikang Ingles sa paaralan, tila naisasantabi ang pinaghirapan ng mga Pilipino noon na ibalik muli ang nasyonalismo sa bawat isa. Nakasaad rin dito na ang pagyabong ng ekonomiya ng Pilipinas at pag-asenso nito ang tanging magiging epekto kung pagbubutihin natin ang pagpapalaganap ng sarili nating wika. Mainam na solusyon ang patuloy na pagpapalaganap ng pagtangkilik ng sariling wika at kultura upang labanan ang globalisyon.

Kung ihahambing ito sa estado ng Malaysia, maihahalintulad rin ang hinaharap nilang problema na alisin ang impluwensya ng kolonyonalismo at mas bigyang halaga ang sariling kultura at wika. Ngunit dahil sa malakas na paghatak at akit ng globalisyon, nawawalan ng pag-asa ang dalawang bansa na mas palaganapin ang nasyonalismo dahil sa dami ng dikta at pwersa ng malalakas na bansa. Tama rin na unahin ang pagtuturo ng sariling wika ngunit may dala rin ito hinding maganda para sa mga mag-aaral lalo na’t ang edukasyon ay napakahalaga.

Mula sa opinyon ni Kakoi Abeleda na pinamagatang, “Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan: Tungkulin at Suliranin” kanyang binigyan ng analisis ang sanaysay ni Rolando S. Tinio, isinaad niya rito na:

“Sa kanyang sanaysay na “Pilipino Para Sa Mga Intelektwal,” tinalakay ni Rolando S. Tinio ang dalawa sa maraming mga

Page 5: Komprehensibong buod

hadlang na kinahaharap ng wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon nito. Una, ipinalalagay ng mga Pilipino na walang kakayahan ang kanilang wika bilang wikang intelektwal. At ikalawa, nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa kaunlarang pag-iisip kung tumiwalag tayo sa wikang Ingles:

. . . ganito pa rin ang nangyayaring palagay – mabisang gamitin ang Pilipino sa mga karaniwang sitwasyon, ngunit sa mga sitwasyon espesyal, Ingles pa rin ang kinakailangan. (Tinio, 1975)

Sapagkat sa wikang Ingles napapalaman ang maraming dalumat at kaalaman, lalo na sa Agham at Teknolohiya, at Matematika, hindi maiiwasang dito mahasa ang mga intelektwal ng ating bansa (hindi namin sinasabing ang mga dalubhasa lamang sa Agham at Matematika ang mga intelektwal, ngunit tulad ng pagpapalagay ni GMA, sa mga propesyong ito nakasalalay ang pag-unlad ng bansa).”

May mga maganda rin naman talagang dulot ang paggamit ng wikang Ingles lalo na’t sa larangan ng akademiya. Nararapat din naman bigyang halaga ang magandang dulot ng paggamit ng wikang Ingles sa mga paaralan. Katulad ng Malaysia, naging hakbang din ng pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo na gawing pangunahing wika ang Ingles sa pagtuturo ng Sining, Agham at Matematika. Tulad rin ng punong ministro ng Malaysia, ang tanging layunin ng pangulong ito ay isabay ang bawat Pilipino sa sabak ng globalisasyon at bigyan ang bawat isa na makaintindi at taasan ang antas ng edukasyon.

Isa nga lamang ang magiging kapalit sa bansang Malaysia at Pilipinas, maaaring unti-unting mawala ang nasyonalismo ng parehas ng bansa --- Ang nasyonalismo na ipinaglaban nilang maibalik sa kanila.

Page 6: Komprehensibong buod

Komprehensibong reaksyon:

Hindi maiaalis ang bahid ng nakaraan, lalo na kung nagdulot ito ng malaking impluwensya --- Katulad ito ng pinagdaraanan ng bansang Malaysia. Maganda ang pangako nitong palaguin ang ekonomiya ng kanilang bansa, halos naman lahat ng bansa ganoon ang layunin. Ngunit, masasabing iba’t-iba ang mga paraang ipinapatupad ng gobyerno upang abutin ito. Sa pagkakataong ito, pinili ng bansang Malaysia na sumunod sa dikta ng globalisasyon kaya naman kahit sa napakatagal ng panahong nakalipas na ginagamit ang salitang Bahasa Malaysia, nakuha parin nila itong ipagpalit sa salitang Ingles.

Mahirap para sa mga Malay ang tanggapin na matapos nilang ipaglaban ang kasarinlan, unti-unti itong mawawala ng dahil sa akit ng globalisasyon. Tama nga naman, na dapat makasabay ang bawat isa sa takbo ng lipunan ngunit paano nga naman makakamit yun kung hindi sapat ang panahon at kayamanan upang abutin ito. Isinaad sa sanaysay ang kakulangan ng tamang oras at tamang gamit para sa pagsasanay ng mga guro, hindi sapat ang mga salitang bumabalot sa proyekto dahil kinakailangan ring ipatupad ang mga ito. May mga ilan ang hindi interisado na maging parte nito dahil ang tingin nila hindi naman na ito kinakailangan.

Para sa akin, importante na mapanatili ang pagkakakilanlan ng isang bansa. Ngunit sa panahon ngayon, maraming problema ang hinaharap ng bawat bansa at kinakailangang humanap ng paraan upang bigyang solusyon ang mga ito. Isa ang edukasyon sa maaring maging solusyon nito ngunit tila nagkakaroon pa ng problema sa aspetong ito. Hindi mawari ng gobyerno kung nararapat bang gamitin ang sariling wika o salitang Ingles sa pagtuturo. Sa aking opinyon, hindi maiaalis na mas maraming mga bagay ang kayang ituro at kayang ipaintindi sa mga mag-aaral kung gagamitin ang salitang Ingles dahil ito ang salitang ginagamit sa iba’t-ibang parte ng mundo. Mas lalawak ang kaalaman ng bawat estudyante kung bibigyan sila ng pagkakataon na matutunan ang salitang ito at magamit ito upang makisabay sa kapwa nila kabataan.

Page 7: Komprehensibong buod

Isang napakahalagang bagay ang posibilidad na pagkawala ng nasyonalismo ngunit sa aking opinyon, maari parin naman itong ituro sa bawat mag-aaral. Hindi naman sa pag-aaral ng Ingles nawawala ang pagmamahal sa sariling bansa kundi sa pagpayag na pumasok ang kolonyalismo. Hindi mawawala ang pagtingkilik sa sariling kultura kung patuloy itong sasanayin sa bawat isa. Sa bawat na maliit na bagay na sumisimbilo sa kultura at wika ng bansa at pagmamahal rito, hindi kailanman kayang palitan ito ng isang dayuhang wika. Hindi dapat mangamba ang mga mamayan sa pagkawala nito kung ang tanging gamit lamang ng dayuhang wika ay tulungan sa pagasenso at hindi upang tuluyang palitan ang kanilang pagkakakilanlan.

Sanggunian:

Abeleda, K. “Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan: Tungkulin at Suliranin

Gill, S.K, Hua, T.K, Ibrahim, N., Nambiar, M.K, “Globalization and Language-in-Education Policy Shift in Malaysia: Challenges of Implementation”

Lumbera, B., “Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon”

Tinio, R. S., “Pilipino Para Sa Mga Intelektwal”