barlaan at josaphat buod, tauhan, tagpuan, at aral

25
5 4 32 STAR T

Upload: hillary-go-aco

Post on 12-Jun-2015

8.690 views

Category:

Education


25 download

DESCRIPTION

This is our project in Filipino, of Group 1 - Room 904, 3rd year students of La Salle Academy, Iligan City. Give credits, all right? ;) Btw, it has a great intro, if you download it properly, and it has a video for the buod part.

TRANSCRIPT

  • 1. Barlaan at Ipriniprisenta ng group 1 ang josaphat

2. Ang Barlaan at Josaphat ang kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. Ito ay isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja noong 1712. Ang akdang ito ay naitalang mahabang akdang panrelihiyon na naglalaman ng mga aral na tunay na totoong aakay sa mga tao sa mga gawaing banal sa pamamagitan ng mga gawa ng mga pangunahing tauhan sa nobela na sina Barlaan at Josaphat. 3. Tauhan Abenir ama ni Josaphat at hari ng Indiya Barlaan isang matangdang pari na nagpatanggap upang malapitan si Josaphat Josaphat anak ni haring Abenir Theudas isa sa mga alagad ng hari Barachias isang tapat na tauhan ni Josaphat 4. Tagpuan at Panahon Panahon ng Kastila Indiya ang kaharian ni Abenir Senaar pinanggalingan ni Barlaan Simbahan 5. Kasaysayang ng Texto Inilimbag noong 1712 San Juan Damaseno (Griyego) Isinalin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja Nagdaan sa pagsusuri ni Fray Gaspar de San Agustin Unang edisyon (salin ni Borja): 553 pahina at 40 kabanata Buong pamagat: Aral na Tunay na totoong Pagaacay sa Tauo, nang manga Cabanalang Gaua nang manga Maloualhating Santos na si Barlaan ni Josaphat Mula sa India: paralelismo sa buhay ni Josaphat at ni Gautama Buddha Mula sa Georgia: nang lumaganap, ay isinalin sa Griyego at Latin tagapagpauna ng mahabang katha sa Tagalog walang nakababasa - kulang sa mananaliksik - tiyaga sa pagbuklat 6. Mga Importanteng Detalye unang sinulat sa wikang Griyego may-akda: San Juan Damasceno isinalin sa Tagalog ng Hesuwitang pari: Pari Antonio de Borja nilimbag noong 1712 buong pamagat: ARAL na Tunay na Totoong Pag aacay sa tauo, nang manga cabanalang gawa nang manga maloualhating Santos na si Barlaan ni Josaphat binubo ng 553 na pahina at 40 na kabanata tagapagpauna ng mga kathambuhay 7. Kabanata I hanggang Kabanata X hari ng Indiya :Abenir sumasamba sa mga diyus-diyosan si Haring Abenir ipinapangaral sa Indiya ang Salita ng Diyos sa mga panahon na iyon lumagda ng batas na nag-uutos na sumamba ang mga tao sa mga diyusdiyosan mayroong matalik na kaibigan ang hari na isang kabalyero nang malaman niya ang batas ng hari, iniwan niya ang kanyang kayamanan at pumasok sa monasteryo ipinag-utos ng hari na hanapin siya nakita ng hari ang kaibigan niyang namumuhay para kay Kristo nagkaanak si Abenir ng isang lalaki : Josaphat ipinag-utos ng hari na hindi dapat makakita si Josaphat ng kahit anong bagay na pangit ipinagbawal din ang pagbanggit ng kahit anong tungkol sa Kristiyanismo kay Josaphat lalong nainis si Haring Abenir sa mga Kristiyano dahil nakita niyang marami sa mga kampon niya and yumayakap sa Kristiyanismo 8. nakahingi si Josaphat ng pahintulot na umalis sa bahay nakita ni Josaphat ang kahirapan na dinaranas ng mga tao nalaman niyang lahat ng tao ay nagkakasakit at namamatay nanabik siyang malaman ang mga aral ng Kristityanismo at ang mga inaaral tungkol sa pagtitiis ng hirap may isang matandang pari na naninirahan sa Senaar (bayang malayo sa Indiya) : Barlaan ipinahayag sa kanya ng Diyos and mabuting kalooban ni Josaphat at ang pagnanais nitong malaman ang mga aral ni Kristo nagbihis si Barlaan bilang isang mangangalakal at tumungo sa Indiya sinabi niya sa mga gwardiya sa palasyo ng prinsipe na mayroon siyang ipapakitang mahalagang bato sa prinsipe sinimulang turuan ni Barlaan si Josaphat tungkol sa Kristiyanismo paglalang sa mundo (Creation) pagkahulog sa kasalanan ng una nating magulang (Original Sin) ang pagkakatawang-tao at pagtubos sa tao (Hesus) kung paano maiiwasan ang parusa pagkatapos ng kamatayan : Pagbabalik-loob (Repentance) 9. Kabanata XI hanggang Kabanata XX ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag tungkol sa Kristiyanismo ipinaliwanag ang parabulang Ang Anak na Alibugha (The Prodigal Son) isinalaysay ang buhay at pagpapasakit ng mga martir ipinaliwanag ang walang hanggang kaparusahan sa impyerno ipinaliwanag ang pagtigil natin sa paggawa ng kabanalan para sa mga hiling ng laman ipinaliwanag ang iba pang aral-Kristiyano at ang Misa bininyagan si Josaphat sa isang bukal sa halamanan ng palasyo 10. Kabanata XXI hanggang Kabanata XXX Zardan kabalyerong inutusan ng hari na mag-ingat na huwag makakarinig si Josaphat ng anuman tungkol sa Kristityanismo naghinala sa malimit na pagdalaw ni Barlaan kay Josaphat ipinaliwanag ni Zardan na siya ang malilintikan kapag nalaman ng hari ang nangyayari tiniyak ni Josaphat kay Zardan na walang masama sa kanilang ginagawa inanyayahan niya si Zardan na makinig sa susunod na pagdalaw ni Barlaan naniwala si Zardan sa mga turo ni Barlaan nakiusap si Josaphat na huwag ibunyag sa hari ang kanilang ginagawa nagpaalam si Barlaan kay Josaphat nagsakit-sakitan si Zardan at umuwi sa kaniyang bahay pinapunta ni haring Abenir ang kanyang manggamot sa bahay ni Zardan sinabi ng manggamot na walang sakit si Zardan umamin na si Zardan sa mga ginagawa nina Barlaan at Josaphat sumangguni ang hari sa kanyang pinakatapat niyang tagapayo : Araquez balak ni Araquez na ipadakip si Barlaan at dustahin sa isang debate laban sa mga pantas ng kaharian para mawala ang pananalig ni Josaphat sa mga aral nito 11. hindi nahanap ng mga kawal si Barlaan sa Senaar ipinadakip ang isang bantog na astrologo : Nacor pumayag si Nacor na magkunwaring Barlaan nalungkot si Josaphat nang malaman niyang nadakip si Barlaan (Nacor) sinabi na ni Josaphat sa kanyang ama ang lahat sinabi ng hari kay Josaphat na kailangan nitong sumunod sa kanya dahil siya ang ama niya ipinaliwanag ni Josaphat na magiging kasalanan ang pagsunod sa magulang kung ito'y magiging paglabag sa banal na kalooban ng Diyos nagdaos ang hari ng isang debate sa pagitan ng mga Kristyano at pagano alam talaga ni Josaphat na manlilinlang lamang si Nacor kinausap ni Josaphat si Nacor nang parang ito ay si Barlaan at sinabi niya na kapag natalo ang panig ng mga Kristiyano, siya mismo ang papatay sa kanya dahil ang ibig sabihin lang nito ay impostor si Barlaan 12. pinagtanggol ni Nacor ang panig ng mga Kristiyano umamin si Josaphat na alam niyang manlilinlang si Nacor at nagpasalamat siya sa pagtatanggol ni Nacor sa panig ng mga Kristiyano itinuro ni Josaphat ang mga aral ng Kristiyanismo kay Nacor nanirahan si Nacor sa isang monasteryo upang mabinyagan at mamuhay para kay Kristo nagkaroon ng pista para sa mga diyus-diyosan tinulungan ng hari si Theudas para sa ipagtatagumpay ng pista para sumigla naman ang mga tao pinangakuan ni Theudas ang hari ng paraan para mapabalik si Josaphat sa pagsamba sa mga diyus-diyosan balak ni Theudas : ang mga utusan sa palasyo ay papalitan ng mga babaeng utusan na sanay umakit sa mga lalaki nanganib si Josaphat na mahulog sa kasalanan hiniling ni Josaphat sa kanyang ama na siya'y payagang lumabas para hanapin si Barlaan 13. Kabanata XXXI hanggang Kabanata XXXL pangalawang balak ni Theudas : magtalo si haring Abenir at si Josaphat resulta ng pagtatalo: tinanggap ni Theudas ang aral ng Kristiyanismo at napoot ang hari dahil dito payo ni Araquez : hatiin ng hari sa dalawa ang kanyang kaharian at ibigay kay Josaphat ang kalahati upang pamunuan at mamuhay sa relihiyong kanyang ibig sinabi ng hari sa kanyang mga tagapaglingkod na malaya silang sumama kay Josaphat at huwag silang mag-alala na baka silay parusahan unang ginawa ni Josaphat sa kanyang paghahari : magtayo ng simbahan sa ngalan ni Kristo umunlad ang sakop ni Josaphat nangaunti ang sakop ni Abenir nakilala ni Abenir ang kanyang pagkakamali 14. hiniling niya kay Josaphat na turuan siya tungkol sa mga aral ng Kristiyanismo nang mamatay ang hari, umalis si Josaphat sa kanyang kaharian upang mamuhay sa gubat bilang ermitanyo iniwan niya kay Barachias ang kaharian naglakbay si Josaphat ng dalawang taon para hanapin si Barlaan nagkita sila ni Barlaan at namuhay sila nang magkasama nang kamamatay lamang ni Barlaan, nagkaroon ng panaginip si Josaphat mayroong dalawang putong (korona) na makikinang and dalawang iyon ay para sa kanya at sa kanyang ama nalungkot siya dahil naisip niya kung bakit magiging karapat-dapat ang ama niya na hindi nagtiis ng maraming kahirapan tulad niya nagpakita sa sandaling iyon si Barlaan at siyay pinagalitan tumangis si Josaphat at nagsisi 15. nang mamatay si Josaphat, inilibing siya sa pinaglibingan ni Barlaan inibig ng Diyos na mag-anyong matanda si Josaphat at pumunta ng Indiya pumasok ang matanda sa silid ni Hari Barachias isinalaysay niya kay Barachias ang nangyari kay Josaphat hinanap ni Barachias ang bangkay ni Josaphat nang makita nila ito, ang dalawang bangkay ni Barlaan at Josaphat ang nakita ng mga tao silay nagtaka dahil hindi nabubulok ang mga bangkay dinala nila ang mga bangkay sa unang simbahang ipinatayo ni Josaphat maraming himala ang nangyari sa harap ng mga banal na bangkay 16. BUOD TUNGGALIAN: Nalaman ng hari na naging Kristiyano ang kaniyang anak na si Josaphat. Nagalit ang hari at ipinahanap niya si Barlaan sa kaniyang mga alagad upang ito ay dakpin. Nadakip nila ang inaakala nilang si Barlaan ngunit ang totoo ay isa lamang itong astrologo na nagngangalang Nacaor. Hindi nila ito alam. Hinamon ng hari na makipag-debate sa kaniya si Barlaan (na si Nacor pala) at kapag nanalo ito ay magpapabinyag siya at pati narin ang mga alagad nito ngunit kapag natalo ito ay papatayin niya si Barlaan. Natuklasan ito ni Josaphat at nalaman niyang hindi ito ang totoong Barlaan. Nang dumating ang araw ng pagtatalo ay tila biniyayaan ng hiwagang karunungan si Nacor. Nakasagot siya ng mabuti sa ginawa nilang pagdedebate at sa huli ay nanalo si Barlaan (Nacor). 17. KAKALASAN/RESOLUSYON: Ang mga tauhan ni Josaphat ay pinalitan ng hari ng mga babae upang matukso ito. Nanalangin si Josaphat sa Diyos upang ilayo siya sa tukso. Nang mangyari ito ay hindi natukso si Josaphat. Ipinayo ni Theudas (isa sa mga alagad ng hari) na magtalo si Haring Abenir at Josaphat. Pumayag ito ngunit sa huli ay nanalo rin si Josaphat. Ipinayo nanaman ni Theudas na hatiin na lamang sa dalawa ang kaharian. Nangyari ito at napunta kay Haring Abenir ang kalahati at ang natira naman ay kay Josaphat. Ang pinaka-unang ipinatayo na estruktura ni Josaphat ay isang simbahan at doon sa kaharian ni Josaphat ay masiglang nanirahan ang mga Kristiyanong ayaw maparusahan sa kamay ni Haring Abenir. Doon lamang nalaman ng hari ang kaniyang pagkakamali. Sinulatan niya ang kaniyang anak na handa na siyang maging isang Kristiyano. Tinanggap ito ni Josaphat. Matapos ang 4 na taong pagsisisi at paghihirap sa kasalanan, ay namatay si Haring Abenir. 18. WAKAS: Hinanap ni Josaphat si Barlaan. Marami rin siyang napagdaanan bago niya mahanap si Barlaan. Iniwan muna ni Josaphat ang kaniyang kaharian sa kamay ni Barachias. Nang makita ni Josaphat si Barlaan ay namuhay silang magkasama habang patuloy na inuukol nila ang kanilang panahon sa pagdadasal sa Diyos. Isang araw ay sinabi ni Barlaan na malapit na itong mamatay. Nagkaroon sila ng misa para kay Barlaan at pagkatapos nito ay binawian na ito ng buhay. Namuhay sa pagtitiis si Josaphat. Nang mamatay ito ay inilagay nila ang kaniyang puntod sa tabi ng libingan ni Barlaan. Nagkaroon ng isang pangitain ang monghe at ipinaalam nito kay Barachias ang pagkamatay ni Josaphat. Iniutos ni Barachias na hanapin si Josaphat sa bulubundukin ng Senaar. Dalawang bangkay ang nakita at kataka-takang hindi ito naagnas at may mahinhinghalimuyak pa ang masasamyo. Ang mga ito ay dinala sa simbahang ipinatayo ni Josaphat at doon inilagak. Maraming himala ang nangyari kaya marami ang nagsibalik-loob sa Diyos at nagpabinyag sa pagiging Kristiyano. 19. Anong aral makukuha natin sa kwento? Unang-una, paniniwala at pananalig sa Diyos. Ang Diyos lamang angtutulong sa atin sa lahat ng mga kahirapang nararanasan natin ngayon. Ang mgaproblema na dumadating sa ating buhay ay mga pagsubok lamang na ikakatibay ngating pananalig sa Diyos at ikakalakas ng ating mga sarili.Ikalawa ay ang pagiging mapagpatawad. Kahit anong laki ng kasalanan ngibang tao sa atin ay dapat natin itong patawarin lalong-lalo na kung ang nagkasala ayang iyong ama. Dapat magmahalan tayo sa isa't isa ay magpatawad. Laging pairalinang kabutihan laban sa kasamaan. 20. Kung titingnan natin ang ating mga sarili, anuano ang mga diyus-disyusan sa ating buhay sa sinasamba? Kayamanan at kapangyarihan na nag-ugat sa PERA. Lahat tayo aymakasalanan. Labis tayong sumasamba sa pera. Marami ang nagiging masama dahildito. Pumapatay, nanlilinglang ng ibang tao, nangungurakot/ nagnanakaw at iba pa.Maraming tahanan, pagkakaibigan, at pagsasamahan ang nasira na ng pera. Kayamasama ang labis ng pagkahumaling sa pera. Dapat nating ipagdasal sa Diyos nanawa'y ilayo tayo sa tukso ni satanas at hindi malulong sa kasamaan. 21. Bakit kaya ganoon na lamang kainteresado sa Kristyanismo si Josaphat? Dahil may nakita si Josaphat na kalunos-lunos ang kalagayan. Kungmalalaman na niya ang mga aral ng Kristiyanismo ay baka malaman na rin niya angkasagutan o lunas sa kahirapan sa tinatamasa ng kanyang mga nasasakupan. Nangmalaman na niya ang mga aral ng Kristiyanismo ay palagi siyan nagdadasal athumihingi ng awa sa Diyos na sanay tulungan ang mga tao sa kanilang kaharian atsana'y ihaon ang mga ito sa kahirapan. 22. Paano kaya napaniwala ni Barlaan at Josaphat na tunay silang alagad ng Diyos? Ng mamatay sila ay hindi naagnas ang kanilang mga bangkay at maraming milagro ang nasaksihan ng mga tao kaya marami ang nagsibalik-loob sa Diyos onaging Kristiyano. Sa mga himalang ito ay makikita na may tunay na Diyos na nag-iisa lamang. Ito ang nagkumbinse sa kanila (sa mga tao) na may Diyos ng tunay natumutulong sa mga tao at itong si Barlaan at Josaphat ay tunay na alagad ng Diyos. 23. Kung ikaw si Josaphat, tutulad ka rin ba dito na sinuway ang ama at kinalaban pa ito? Siyempre, hindi ako susuway sa aking ama yun lang kung siya'y nasa tama. Kung siyaay nasa mali ay hindi ako susunod. Hindi sa lahat ng panahon ay tama sila palagi atdapat laging sundin. Tulad sa kwento, talagang ipaglalaban ko aking paniniwala saKristiyanismo. Isa sa mga sampung utos ng Diyos na hinding hindi maniniwala saibang Diyos. Ang pagsamba a ibang diyos ay isang malaking kasalanan.