katutunong sayaw

Upload: resshille-ann-t-salley

Post on 02-Mar-2016

766 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

Katutubong Sayaw ng Pilipinas.

TRANSCRIPT

CABILLE VILLAGE ELEMENTARY SCHOOLSANTIAGO, ILIGAN CITY

KATUTUBONG SAYAW NG PILIPINAS

IPINASA NIRHEA MAE G. MOLDE

TINIKLING

Ang Tinikling ay ang sayaw na pambansa sa Pilipinas. Pinangalan itong sayaw na ito sa ibong Tikling na katutubo sa Leyte. Iniilagan ng mga nagsasayaw ang haligi na kawayan kagaya ng pagilag ng mga tikling sa magsasaka ng palay kapag hinuhuli sila. Mabilis na mabilis ang kilos ng mga paa ng mga nagsasayaw.

CARIOSA

Ang Cariosa (o Karinyosa) ay isang magiliw na sayaw ng magkaparehang babae at lalake na animo'y nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang Tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas. Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga na hango sa pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng mga mananayaw nito sa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng Filipino, kabilang na ang cariosa, ang pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin. Sa cariosa, ang babaeng mananayaw ay may tangan na panyo o pamaypay na panaka-naka niyang ipinangkukubli sa kaniyang mukha habang mayuming umiindak. Ang lalakeng mananayaw naman ay sumasayaw sa tila nang-aamong pamamaraan habang nakatingin sa mga mata ng kaparehang babae. Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw ay tila nagpapakita ng pagsinta sa isa't isa. ITIK-ITIK

Ang Itik-Itik ay isang sikat na sayaw sa mga bisaya sa probinsya ng Surigao del Norte. Ito ay binubuo ng ibat-ibang galaw mula sa mga mananayaw. Ang sayaw na ito ay mahahalintulad sa galaw ang itik at sinasayaw tuwing Buwan ng Wika.

SAYAW SA BANGKO

Ang pangakit na Sayaw sa Bangko ay katutubo sa Pangapisan, Lingayen, at Pangasinan. Sumasayaw ang mga pareha sa ibabaw ng mga bangko. Maliit na maliit ang mga bangko at dahil doon dapat maingat na maingat ang mga nagsasayaw.

PANDANGGO SA ILAW

Ang sayaw na Pandanggo sa Ilaw ay katutubo sa Lubang at Mindoro. May tatlong tinggoy ang nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng isang tinggoy sa ibabaw ng ulo at dalawang tinggoy sa mga kamay, pero hindi humahawak ang daliri ng mananayaw. Para sayawin ang pandanggo sa ilaw ng mananayaw, kailangan niya ng magandang bikas at mahusay na pinambang.

MAGLALATIK

Ang sayaw ng maglalatik ay isang uri ng katutubong sayaw sa Pilipinas na may mabilis na galaw habang pinatutunog ng mga mananayaw ang mga bao ng buko.Ang Maglalatik ay ang digmang sayaw na katutubo sa Binan at Laguna. Gumagamit ng bao ng niyog ang mga nagsasayaw. Kanilang inilalagay ito sa likod, dibdib, balakang at hita. Pumapalo sila sa mga bao ng niyog ayon sa tugtog ng Maglalatik.

SUBLI

Ang Subli ay orihinal na nag-umpisa bilang debosyon sa Banal na Krus. Nang magtagal, ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala bilang Subli. Ito ay sayaw na nagmula sa Batangas. Ang Subli ay sinasayaw sa saliw ng musika na may apat (4) na uri: ang unang uri ay inaawit ng isang mang-aawit; ang ikalawa ay nagbibigay pugay sa Banal na Krus ng Bauan at nagsasalaysay ng pinagmulan ng Batangas; ang ikatlo ay ang mismong Subli na may kasamang tula, sayaw at awit; samantalang ang ikaapat naman ay tumatalakay sa buhay ng may-akda sa kanyang paghahanap ng kanyang kaganapan. Ang Subli ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan na nilapatan ng musika upang kapulutan ng aral. Ito ay isang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueo na naging isang ganap na pista kung saan ang mga mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sa buong bayan ng Bauan, Batangas bilang paggunita ng kanilang araw ng pagkakakilanlan.