h distance education for elementary schools self...

Download H Distance Education for Elementary Schools SELF ...dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/34_kababaihan_sa... · marami sa pagtuturo ng mga katutubong sayaw at awitin. Sila

If you can't read please download the document

Upload: truongthien

Post on 06-Feb-2018

267 views

Category:

Documents


26 download

TRANSCRIPT

  • H E K A S I

    5

    Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

    Distance Education for Elementary Schools

    SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

    KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

    Department of Education

    BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

  • Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

    DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

    in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

    This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

    Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  • 1

    GRADE V

    KABABAIHAN SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

    Sa panahon ng Ikatlong Republika, muling nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Nagkaroon ng ibat-ibang suliranin dulot ng katatapos na digmaan. Ang mga nanungkulang pangulo sa panahong ito ay ang naglunsad ng ibat-ibang programa at palatuntunan upang mapaunlad ang kabuhayan ng bansa.

    Naging aktibo rin ang mga kababaihan sa panahong ito. May ibat-ibang

    bahagi silang ginampanan sa paglutas ng mga suliraning panlipunan. Ito ang tatalakayin natin sa modyul na ito.

    Game ka na ba?

    Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong notebook.

    1. Ano ang mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt para sa mga kababaihan?

    2. Ano ang kahalagahan ng sumusunod na mga petsa?

    a. Abril 30, 1937 b. Disyembre 14, 1937 c. Nobyembre 11, 1941

    ALAMIN MO

    PAGBALIK-ARALAN MO

  • 2

    Basahin at unawain mo ang teksto sa ibaba.

    Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan

    Ang mga kababaihan sa panahong ito ay aktibong nakibahagi sa paglutas ng mga suliraning panlipunan. Ang dating pantahanan lamang ay lumabas at nakilahok sa mga gawaing nakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan. May mga nagtayo ng negosyo at ang iba naman ay pumasok sa mga tanggapan at pabrika upang makatulong sa kita ng mag-anak.

    May mga babae rin na pumasok sa pulitika at mayroon ding mga gumawa

    ng lingkod-bayan.

    Narito ang ilan sa kanila:

    Anu-ano ang kanilang mga bahaging ginampanan para sa bayan?

    Geronima Pecson

    Malaki ang naging bahagi niya sa pagpapaunlad ng edukasyon. Bilang

    unang babaing senador, isinaalang-alang niya ang kapakanan ng mga guro sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga batas sa edukasyon tulad ng Batas sa Edukasyong Pang-elementarya ng 1953, Batas sa Edukasyong Bokasyunal, at batas na nagpapahintulot na makapagsanay ang mga guro sa mga paaralang pansining. Nagtatag din siya ng ibat-ibang samahang pansibiko at panlipunan.

    PAG-ARALAN MO

    Geronima Pecson

    Aurora Quezon

    Francisca Reyes

    Aquino

  • 3

    Aurora Quezon

    Naging unang ginang siya ng Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni Manuel Quezon bilang pangulo ng bansa. Sa pagiging unang ginang ng bansa, ginugol niya ang kanyang panahon sa paglilingkod sa nangangailangan. Sa tulong niya, naitatag ang Assosacion de Damas Filipina. Isa itong institusyon na nangangalaga sa mga ulilang lubos at mga babaing naligaw ng landas. Kasama rin siya sa White Cross na tumutulong sa mga manggagawa at kanilang mga anak.

    Francisca Reyes Aquino

    Naging tanyag siya sa pagpapanatili ng katutubong sayaw at awiting Pilipino. Pinag-aralan niyang mabuti ang ating mga katutubong sayaw at tugtugin sa pamamagitan ng pagsasaliksik at pagtungo sa malalayong bayan sa Luzon at Visayas. Gumawa siya ng aklat tungkol dito na ginagamit ngayon ng marami sa pagtuturo ng mga katutubong sayaw at awitin.

    Sila ay ilang halimbawa lamang ng mga babaing naghandog ng kanilang

    talino at paglilingkod para sa bayan. Sagutin mo:

    1. Anu-ano ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa Ikatlong Republika?

    2. Magbigay ng halimbawa ng mga babaing naggugol ng panahon sa

    paglilingkod at pagkakawanggawa para sa mga Pilipino.

    Isa-isahin ang mga nagawa ng mga babaing Pilipino sa ibat-ibang larangan.

    Mga Natatanging Babae

    Mga Nagawa para sa Bayan

    PAGSANAYAN MO

  • 4

    Naging aktibo sa pagganap ng ibat-ibang bahagi ang mga kababaihan sa Ikatlong Republika sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, pagbahagi ng talento, at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa.

    May mga kababaihan na nagkawanggawa para sa kanilang kababayan. Ikaw, may magagawa ka bang paglilingkod sa iyong kapwa? Ano ang naibahagi mo bilang munting mamamayan ng bansa?

    Itala mo ito.

    Magtala ka ng mga kababaihang may nagawang malaking tulong at kapakinabangan sa inyong pamayanan.

    TANDAAN MO

    ISAPUSO MO

    GAWIN MO

  • 5

    Sa tabi ng kanilang pangalan isulat mo ang nagawang tulong nito sa inyong pamayanan.

    Halimbawa: Francisca Reyes Aquino - Nagpanatili ng katutubong sayaw at awiting

    Pilipino.

    Sipiin mo ang graphic organizer sa iyong notebook. Dito mo itala ang

    iyong sagot sa katanungang ito:

    Anu-ano ang bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa Ikatlong Republiika?

    PAGTATAYA

    Mga Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan

    sa Ikatlong Republika

  • 6

    Magsaliksik ng mga (5) kababaihang may katangi-tanging nagawa para sa bayan. Itala mo ito sa iyong kuwaderno.

    PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

    Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.

    Cover_Kababaihan sa Panahon ng Ikatlong RepublikaKababaihan sa Panahon ng Ikatlong Republika