kastila report

Upload: queenie-anne-aspiras

Post on 03-Mar-2016

274 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

panahon ng kastila

TRANSCRIPT

  • MGA SIKAT NA MANUNULAT SA PANAHON NG KASTILA

  • 1.Francisico Blancas de San Josekinikilalang "Ama ng Tipograpiya" sa PilipinasOrdeng Dominikodalubhasa sa siyensya ng wika

    MGA AKDA:Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1610) O Diablong Manunuboc

  • O Diablong ManunubocO Diablong manunubocang dilang asal mo, y, buctothouag cang sumumoc sumoccami,y, hindi natatacot,

    At ang aming tinotongcodang sandatang Santa Cruz,pinagpacoan cay Jesus,na sa tauo, ay tumubos.

  • 2. alonso de santa ana makatang relihiyosomanunugmang nagpatibay sa tradisyon sa sukat at tugma ng mga Tagalog

    AKDA:Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala

  • MGA TUGMA(sinipi mula sa Explicacion)

    Ang halimbaua pala Sa capoua tao niyaMapapalaran din niyaAng bayang puno ng guinhaua

    Ang may habag at may hapis ,Sa may dalita, t, may saquitMapalad nguni, t, sasapitDoon sa bayan sa Langit.

  • 3. PEDRO DE HERERAOrdeng Agustinianonagsalin sa Tagalog ng aklat na Meditaciones ni Francisco Salazar

    AKDA:Meditaciones, cun manga mahal na pagninilay na sadia sa Santong pag Exercios (dito niya isinama ang 5 niyang dalit na binubuo ng cuarteto

  • DALIT SA CAMATAYAN(mula sa Meditaciones)

    O Panginoon kong mahalaco nga,y, pagdalitaanpatauari, t, caauaansa dila cong casalanan.

    Ang arao nang aquing buhayooui din sa caual-anuala ngang capapan-anuala-in nang camatayan.

  • 4. FERNANDO BAGONGBANTAkilala sa Ladino

    Manga Tauong Falarin/ Hombres Que Eftais en Pecado

  • ROMANCE

    Salamat nang ualang hangagracias se den sempiternas,sa nagpasilang nang talaal que hizo salir le estrella:macapagpapanao nang dilimque destierre las tinieblasa lahat na bayan natinde toda esta nuestra tierra.

  • 5. PEDRO SUREZ OSORIOtubong Ermita sa Maynilaunang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan

    AKDA:Dalit (matatagpuan sa Explicacion ni Santa Ana)

  • DALIT

    Cun atin ngang pagtamananSundi,t, camtan itong aralMadlang lubhang paquinabang Ang caloloua,t, catauan

    O librong mabuti,t, mahalNa ang dilang iyong lamanDi sucat mahalagahanNang yaman sa sang libutan

  • 6. JOSE DE LA CRUZ Huseng Sisiwisinilang at nabuhay, samakatuwid nagsulat at napatanyag sa pagitan ng panahon ng pagtatagpo ng dalawang dantaon: ang ika-18 at ang ika-19.madalas upahan ng ng mga binatang nanliligaw para gumawa ng mga patulang liham ng pag-ibig

    AKDA:ClaritoAdela at FloranteHernandez at GalisandraDoce Pares de Francia at Rodrigo de VillasOh! Kaawaawang BUhay ko sa IbaMatay ko man yatang Pigili't Pigilin

  • MGA TUGMA

    Ah! Sayang na sayang , sayang na pag-ibigSayang na singsing kong nahulog sa tubig Kung ikaw din lamang ang makakasagip...Mahanga'y hintin kong kumati ang tubig!

    Sa aki'y huwag nang matwi-matwiraninNa may magulang kang dapat sangguniin;Di bakit si Kristo ay nakapaghainNg langit kay Dimas, di may magulang din?

    Kabati sa wika't kabati sa tingin,At sa pagkatao nama'y kabati rin,Nguni't sa pagsinta, kung aking warii'yHindi na kabati't kusa pang katanim...!

  • OH! KAAWAAWANG BUHAY KO SA IBA

    Oh! Kaawaawang buhay ko sa ibaMula at sapol ay gumigiliw-giliw na,Nguni't magpangayon ang wakas ay di paNagkamit ng tungkol pangalang ginhawa ....!

    Ano't ang ganti mong pambayad sa akin,Ang ako'y umasa't panasa-nasain,At inilagak mong sarong nahahabilin,Sa langit ang awa saka ko na hinti!

    Ang awa ng langit at awa mo namanNagkakaisa na kaya kung sa bagay?Banta ko'y hindi rin; sa awa mong tunay,Iba ang langit na maibibigay.

    Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,Sa langit na hintin ang magiging habag?Napalungi namang palad yaring palad,Sa ibang suminta't gumiliw nang tapat.

  • MATAY KO MAN YATANG PIGILI'T PIGILIN

    Matay ko man yatang pigili't pigilinpigilin ang sintang sa puso'y tumiim,tumiim na sinta'y kung aking pawiin,pawiin ko'y tantong kamatayan ko rin.

    Ikakamatay ko'y nasa iyong kamay,sa kamay mo sana manaw yaing buhay,buhay ko'y malagot sa iyong harapan,sa harap mo lamang lualhati'y kamtan.

    Tunay ang sinta ko't malaking pag-ibig pag-ibig sa iyong kabutiha't dikit,dikit mo'y namahay tumiim sa dibddibsa dibdib ko'y di ibig na umalis.

    Pawiin sa puso ako'y mamamatay,mamamatay ako kong limutin naman,limuti't alisi'y tantong kahirapankahirapang ito'y saan pa ?

  • 7. FRANCISICO BALAGTAS Isinilang noong Abril 2, 1788,sa Panginay, Bigaa sa lalawigan ng Bulakananak nina Juana de la Cruz at Juan Balagtasnaging guro niya si Huseng Sisiwinibig si Maria Asuncion Riverasa bilangguan niya nalikha ang "Florante at Laura"-inilimbag noong 1838 nang siya'y nakalayanagllingkod bilang eskribano ng isang huwes sa Udyong, Bataan,kung saan dito niya nakatagpo ang kanyang naging asawa na si Juana Tiambeng.muling nabilanngo noong 1856 dahil paratang na walang-matwid na pagpuputol sa buhok ng alilang babae.namatay noong Pebrero 20,1862, na naghabilin na "ipapaputol ang daliri ng sinumang anak na magkakaisip na maging makata".

    AKDA:Florante at Laura, Labindalawang Sugat ng PusoOrosman at Zafira, Rodolfo y RosamundaClara Balmori

  • LABINDALAWANG SUGAT NG PUSO

    Hirap, Kalumbayan, Dalita't HinagpisPighati at Dusa, Dalamhati't SakitPanibugho't Sindak, Bagabag, Ligalig,Umiiwang lahat sa aba kong dibdib.

    Ang pagkaapi ko'y di-kawasang hirap,Nasayang ang pagod, suyo at pagliyag;Pag-asa'y napatid, ang tuwa'y kumupas,Mata'y naging batis sa luhang nanatak!

    Kalumbayang hindi masawa-sawataNa sa aking puso'y natitimong pana;At ikamamatay ang sintang dinayaDinusta ng kasing lilo't alibugha!

    Dalita'y sumira niyaring pagtitiis,Na kumakamandag sa aba kong dibdib,Sintang nasiphayo ang pumipigipitNa sa hininga ko ang siyang papatid.

  • PAGDADALAMHATI NI FLORANTE

    Mahiganting langit! bangis mo'y nasaan,ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay,bago'y ang bandila ng lalong masam-an,sa Reinong Albania'y iniwagayway.

    Sa loob at labas ng bayan kong sawi,kaliluha'y siyang nangyayaring hari,kagalinga't bait ay nalulugami,ininis sa hukay ng dusa't pighati.

    Ang magandang asal ai ipinupukolsa laot ng dagat ng kutya'y linggatong,balang magagaling ay ibinabaon,at inililibing nang walang kabaong.

    Nguni ay ang llilo't masasamang loobsa trono ng puri ay iniluluklok,at sa balang sukab na may asal hayop,mabangong insenso ang isinusuob.

  • 8. GASPAR AQUINO DE BELENtubong Rosario , Batangasnanlilingkuran bilang impresor sa imprenta ng mga Jesuita buhat noong 1704 hanggang 1716. naganyak na magsalin sa Tagalog ng manwal ng mga dasal, na katha ni Fr. Thomas de Villacastin, isang Jesuitaunang makabuluhang makatang seglar na Tagalog

    AKDA:Mahal na Paffion ni Iefu Chrisftong P. Natin na Tola-inilarawan dito ang ang mga huling araw ni Jesucristo.

  • ANG PAGPAPATIVAKAL NI JUDAS(sinipi mula sa Mahal na Pasion)

    Sa maquita itong bagayfaquit na di maolatan,nitongfi Iesus na banal,ni Iudas na tampalafan.

    Siya ay ga nagbulay na, t,ang loob ay nagsaiba magbabagong alaala,totoo pala a niyangdaquila ang aquing fala?

    Itong aquing nanga gava,tantong mafamang mafama,catoto co, t, cativala,fiya cong ipinafiraval-in co itong bahala?

  • 9. FELIPE DE JESUSmakatang taga- San Miguel, Bulacan

    AKDA: Dalit na Pamucao (hitik sa talinghaga)

  • DALIT NA PAMUCAO

    Purihin ng sangsinucobang di matingcalang Dios,pasalamata,t, ihandogaua niyang di matapus.

    Hanggan nga sa mulamula na ang tuo, ay magaua,di longmica,t, di songmaua,nang mao ,t, magong biyaya.

    Na cun ano ang pagsosocobsa ibang tauong samotsamot,gayon din ang pagcopcopsa abang manga Tagalog.

  • 10. FRANCISCO BENCUCHILLOOrden ni San Agustintinalakay ang iba't-ibang sukat at taludturan sa panulaang Tagalog,pinagbatayan niya ang Compendio ni San Agustin

    AKDA:Arte Poetico TagaloPoon Co

  • POON CO

    Poong co papaglagiabang pusoco nang pagyiaclubus na paghinging tauadmagdalita,t, y pahayagang alila mong masicapnang aco po, i, mata-assacalangitan na-ac-yat

    Poon acoy nanganganibnang salacong dimomonticang dahila,t, pagcabatidcamatayang umoosigna dangan aco, i, guiniquipng pag a campon mong tiquisAy! con anonang nasapit