kahulugan at kalikasan ng pagsulat

Upload: abcdef

Post on 09-Mar-2016

1.275 views

Category:

Documents


43 download

DESCRIPTION

Filipino

TRANSCRIPT

PAGSULAT SA IBAT IBANG DISIPLINAKAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULATAng pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang/ kanilang kaisipan (Bernales, et al., 2001).Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa ibat ibang layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang kamay at mata. Mental na aktibiti rin ito sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat ( Bernales, et al., 2002).Hindi biro ang gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain ( Bernales, et al., 2002).Peck at Buckingham : Ang PAGSULAT ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

MGA LAYUNIN NG PAGSULAT1. IMPORMATIB NA PAGSULAT (kilala rin sa tawag na expository writing) ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang mismong pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto. Ang pagsulat ng report ng obserbasyon, mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya, balita at teknikal o bisnes report ay may layuning impormatib.2. MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT naman (kilala rin sa tawag na persuasive writing) ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinion o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito. Ang pagsulat ng mga proposal at konseptong papel ay may layuning ganito. Ang isang editorial, sanaysay, talumpati ay maaari ring may layuning mapanghikayat.3. MALIKHAING PAGSULAT ( creative writing) ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, dula at iba pang malikhain o masining na akda. Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay pagpapahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

MGA BATAYANG TANONG SA PAGHAHANDA NG ISANG SULATIN:1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?= PAG-IBIG, GOBYERNO, ASWANG ATPB.2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?= MAGBAHAGI NG KARANASAN, MAGBIGAY NG PAYO, magpatawa, 3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na makahulugan ang aking paksa?5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?8. Paano ko pa madedebelop o mapagbubuti ang aking teksto? Anu-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa layuning ito?

MGA HAKBANG/ PROSESO SA PAGSULAT ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang komplikado. Nag-iiba- iba rin ito depende sa manunulat.a. Pre-writing- sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.Ang pagpili ng tono at perspektib ay nagaganap din sa hakbang na ito.b. Actual writing- ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito isinasagawa ang actual na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.Para sa mga akdang tuluyan o prosa, kinapapalooban ito ng mga hakbang sa pagtatalata. Sa mga akdang patula naman, ito ay kinapapalooban ng pagsasaayos ng mga taludturan at saknong.c. Rewriting- ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar, bokabulari at pagkakasunud-dunod ng mga ideya o lohika. Ang isang sulatin ay hindi magiging kumpleto at epektib kung hindi ito dadaan sa editing at rebisyon. Mahalagang Makita ang mataas na uri ng pagkakasulat sa isang obra upang maging kapani-paniwala ito sa mga mambabasa at maging mahusay na batayan ng iba pang impormasyon.