ikalawang markahan - modyul 6: kabutihang dulot ng paggawa...4. paano mo susuklian ang pagsusumikap...

12
0 | Page Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Pangalan ng mag-aaral: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________

Upload: others

Post on 01-Mar-2021

1.287 views

Category:

Documents


20 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

0 | P a g e

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Pangalan ng mag-aaral: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Page 2: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

1 | P a g e

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na

mag-aaral ang isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na

matutunan mo nang may kahusayan ang mga prinsipyo sa paggawa bilang

paglilingkod at pagtataguyod sa dignidad ng tao. Ang pagkakasunod-sunod

ng mga aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang pamantayan ng

Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:

1. Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa nakapagpapamalas ang tao

ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga

ng kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit

niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao. (EsP9TT-IIf-7.3)

2. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit

ang internet sa mga manggagawang kumakatawan sa mga taong

nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t-ibang karera o trabahong

teknikal-bokasyonal. (EsP9TT-IIf-7.4)

Sa nagdaang modyul, naunawaan mo ang kahulugan at kahalagahan ng

paggawa sa pagtataguyod ng dignidad ng tao. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.

Gawain: Graphic Organizer

Panuto: Punan ang graphic organizer ng tamang datos.

ALAMIN

BALIKAN

Paggawa

Kahalagahan ng

Paggawa sa tao.

1. _________

2. _________

3. _________

4. _________

5. _________

Mga makakamit ng

tao sa paggawa

1. _________

2. _________

3. _________

4. _________

5. _________

Page 3: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

2 | P a g e

Gawain 1: Pagsusuri ng Talata Panuto: Basahin at unawain ang talata ukol sa mga Modern Heroes ang mga

Frontliners.

Ngayong may kinakaharap tayong pandemya dulot ng COVID 19. Maraming

negosyo ang napilitang hindi mag-operate, ang daming mga maliliit na

manggagawa ang naapektuhan tulad na lamang ng mga tsuper, tricycle driver,

factory worker at iba pa dahil sa banta ng hawaan at restriksyon ng gobyerno

simula nang ipatupad ang lockdown. Sa panahon ng pandemya gumagawa na ng

iba’t-ibang paraan ang pamilyang Pilipino upang malampasan ang dagok na ito.

Karamihan sa kanila nagbebenta na ng mga gamit kagaya ng motorsiklo, mga

kagamitan sa bahay o ang pinakamasaklap pa ay nagbebenta na ng kidney upang

maitawid ang kanilang pamilya sa gutom.

Sa kabila nito marami rin ang nagpakita at nagsabuhay ng Bayanihan tulad

na lamang ng ating mga frontliners na hindi kailanman mahihigitan ang kanilang

serbisyo at pagsasakripisyo upang tiyaking ligtas ang bawat Pilipino. Lumalaban

sila sa sariling pangamba at pangungulila sa sariling pamilya na lubos na nag-

aalala sa kanila, mabigyan lamang ng ginhawa ang may sakit at mabigyan ng

medikal na pangangalaga. Hindi alintana ang anumang panganib, wala pa ring

patid ang pagtupad nila sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Panuto: Gumawa ng pahina na katulad ng isang magasin gamit ang gabay na

tanong. Ipakita ito ayon sa ayos ng arikulo ng magasin.

Mga gabay na tanong:

1. Gaano kahalaga ang paggawa?

2. Bakit sinasabing ang paggawa ay isang paraang ng paglilingkod sa kapwa?

3. Ano ang nagpapatatag sa mga frontliners upang ipagpatuloy ang pagtupad

sa kanilang tungkulin?

4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na

nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid ng COVID 19?

TUKLASIN

Page 4: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

3 | P a g e

Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Kahulugan ng Paggawa

Ang paggawa ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may

pananagutan. (Esteban, S J. 2009). Ayon sa aklat na Work: The Channel of values

Education‖, ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao.

Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for

Development Education, 1991). Tulad na lamang ng mga doctor, napakahalaga ng kanilang trabaho sapagkat marami silang napapagaling na karamdaman. Ang mga

kapulisan tungkulin nilang panatilihin ang kaligtasan at katahimikan ng kanilang

bayan o bansa. Marami ding nasasagip na kabataan na nalilihis sa maling daan.

Ang paggawa ay anumang gawain- pangkaisipan man o manwal, anuman ang

kalikasan o kalagayan nito, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng

Diyos. May mga bagay na inilalaan na gawin ng tao dahil siya ay bukod-tanging nilikha.

Mga Layunin ng Paggawa

1. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kanyang kailangan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

- Kailangan isaisip at isapuso na hindi dapat magpaalipin ang tao sa paggawa. Ang Diyos at hindi ang paggawa ang pinagmulan at patutunguhan ng buhay.

2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at

teknolohiya.

- Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na maibahagi ang kanyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. Mahalagang pagyamanin ang agham

at teknolohiya ngunit kailangang masiguro na hindi gagamitin ang mga ito upang mawalan ng silbi ang tao. Ginawa sila bilang katuwang at hindi kapalit

ng tao. 3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.

- Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto

at hindi kailangan ihiwalay ang pananagutan ng tao para sa pag-angat ng

kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan.

4. May kakayahan rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.

- Ang paggawa ay isang moral na obligasyon. Kailangan ng tao na gumawa

upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamain at paunlarin ang sangkatauhan.

5. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao.

SURIIN

Page 5: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

4 | P a g e

- Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang

nagbibigay ng katuturan dito. Ang pagbibigay ng lahat ng iyong panahon at

pagod sa paggawa ay hindi dapat mawawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.

Subheto at Obhetong Paggawa

Tao ang subheto ng paggawa dahil nasa tao ang kakayahan na gumawa at

gumanap ng iba’t ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa. Ang paggawa

ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang: a. hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan. b. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapwa.

c. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga

produkto.

Panlipunang Dimensiyon ng Paggawa

Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa. Ito ay

paggawa ng isang bagay para sa iba. Ang bunga ng paggawa ng tao ang

nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap at

kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang

gumagawa. Dito makakamit ang tunay na pagkakapatiran - ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa.

Gumawa ng infomercial na nagpapatunay na sa pamamagitan nga paggawa ay

nakakamit niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao

Rubriks

PAMANTAYAN

PINAKA-

MAHUSAY

MAHUSAY

KATAM-

TAMAN

NANGANGAI

-LANGAN NG ENSAYO

KABUUAN

NILALAMAN (50%)

Malinaw na naipapakita ang paksang nais talakayin o ang paying nais ibahagi sa mga kamag-aral

PAGIGING MALIKHAIN (25%)

Mahusay na naipakita ang paggamit ng iba’t-ibang istratehiya upang maging masaya, kaakit-akit ang infomercial na nabuo.

GAMIT NG WIKA AT SALITA

(25%) Angkop ang mga salitang

ginamit

KABUUAN (100 %)

PAGYAMANIN

Page 6: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

5 | P a g e

Gawain

Gumawa ng infographic tungkol sa kahalagahan ng paggawa bilang

tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod

Rubriks

PAMANTAYAN

PINAKA-

MAHUSAY

MAHUSAY

KATAM-

TAMAN

NANGANGAI-

LANGAN NG

ENSAYO

KABUUAN

NILALAMAN (30%)

Naipapakita at

naipapaliwanang ng

mahusay ang ugnayan

ng kosepto sa paggawa

ng inforgraphic

KAANGKUPAN NG KONSEPTO (25%)

Maliwanag ang

mensahe sa

paglalarawan ng

konsepto

PAGKAMAPANLIKHA

(ORIGINALITY) (15%)

Orihinal ang ideya sa

paggawa ng infographic

PAGKAMALIKHAIN (15%)

Gumamit ng tamang

kombinasyon ng mga kulay upang maipahayag

ang nilalaman, konsepto

at mensahe

KABUUANG

PRESENTASYON

(15%)

Malinis at maayos ang

kabuuang presentasyon

KABUUAN (100%)

Gawain: Paggawa:Lingkod Kapwa

Panuto: Gamit ang mga gabay na tanong magbahagi ng iyong karanasan sa paglilingkod sa kapwa. Isulat ito sa iyong sagutang papel o kuwaderno

Gabay na tanong:

1. Ano ang naidulot nito sa sarili mo at kapwa mo. 2. May mga bagay ka bang isinaalang alang upang maging matagumpay

ang paglilingkod mo sa kapwa? 3. Bilang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang paggawa ng mga

taong nasa paligid mo?

4. Ano ang maibabahagi mo sa pag-unlad ng iyong lipunan?

ISAISIP

Page 7: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

6 | P a g e

Gawain: Pananaliksik Panuto: Magsagawa ng pananaliksik ukol sa mga manggagawang Pilipino na

iniaalay ang kanyang paggawa para sa mga taong nangangailangan lalo na ang

mga mahihirap at marginalized. Maaaring siya ay nagmula sa iba’t ibang karera,

trabaho o negosyo sa track na akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at

isports.

Kailangang malinaw ang kalalabasan ng ginawang pagsaliksik.

1. Ang sinteses ng kabutihang dulot ng paggawa para sa mga

nangangailangan- mga mahihirap at marginalized.

2. Ang kaniyang layunin sa paggawa.

3. Ano ang nagtulak sa kaniya o kaniyang naging motibasyon sa pagpili ng

trabaho o negosyo na kaniyang napiling trabaho.

4. Mga hamon na pinagdaanan niya sa paggawa lalo na ang mga problema o

balakid na kaniyang nalampasan o kinakaharap.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na

sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang paggawa?

A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw

B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinal na pagkukusa at

pagkamalikhain

C. Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman

D. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may

pananagutan

2. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang sumusunod, maliban sa:

A. Suporta para sa pansariling pangangailangan

B. Pagpapayaman para sa pansariling kapakanan

C. Mataas na tiwala sa sarili

D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba

3. Kailan masasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa,

sa pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan?

A. Kapag iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa

B. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang

makatutulong sa kaniyang kapwa.

C. Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang

layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.

D. Lahat ng nabanggit

PAGTATAYA

ISAGAWA

Page 8: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

7 | P a g e

4. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang

matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay

_____________.

A. tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing

pangangailangan.

B. tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala

siyang pera.

C. mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa

D. mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng

kapwa bago ang sarili

5. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?

A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto

B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao

C. Sa haba ng panahon na iginugol upang malikha ang isang produkto

D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

6. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay

nangangahulugang ____________.

A. hindi kasangkapan ang tao na kailangan para mapagyaman ang paggawa

bagkus kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kanyang

kaganapan.

B. hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang

paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman ang mga

kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa

C. ang tao gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi

nararapat na iasa lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong

nilikha para sa kaniyang kapwa.

D. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya

ibinubuhos ng tao ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang

makagawa ng isang makabuluhang produkto.

7. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa __________.

A. Mapagmalaki ang kakayahan at karunugan

B. Kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangangailangan

C. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at

teknolohiya

D. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan

8. Sa lahat ng nilikhang may buhay, bakit tao lamang ang inilaan upang gumawa

ng mga katangi-tanging gawain?

A. Dahil sa taglay na talino at kakayahan ng tao.

B. Dahil ang tao ay bahagi ng isang komunidad.

C. Dahil isinilang siya para magpaalipin sa paggawa.

D. Dahil nabubuhay ang tao sa mundo upang gumawa.

Page 9: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

8 | P a g e

9. Ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang _____________.

A. pagtulong sa mga nangangailangan.

B. pagkamit ng kaganapang bilang tao.

C. pag-angat ng kultura at moralidad.

D. pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.

10. Ano ang obheto ng paggawa?

A. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na

ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto

B. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha

C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto

D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

11. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang

nagbibigay katuturan dito. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang

sumusunod maliban sa ____________.

A. nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao.

B. nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa Diyos.

C. nakakayanan niyang suportahan ang kanyang mga pangangailangan.

D. napagyayaman ang pagiging makasarili.

12. Ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng

ekonomiya ng isang bansa ngunit unti-unti din nitong nailalayo ang tao sa

kanyang tunay na esensiya sa mundo. Alin sa sumusunod ang nagpapatibay

sa pahayag na ito?

A. pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan

B. pagkamit ng kaganapang pansarili

C. pagtulong sa kapuwa upang makamit ang kanyang kaganapan

D. lahat ng nabanggit

13. Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng

bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?

A. Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at

nilalapatan ng modernong disenyo

B. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa

bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga

C. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa

D. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung

panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

14. Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?

A. Kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi

daan (means) sa pagkamit ng tunguhin

B. Kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay

hindi nagwawaglit sapag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos

C. Kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang

kaniyang matamasa ang bunga ng kanyang pinagpaguran

D. Kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang kahulugan ng kaniyang paggawa

Page 10: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

9 | P a g e

15. Ano ang mabuting naidudulot ng pag-unlad ng agham at teknolohiya sa

pagiging produktibo ng tao sa paggawa ____________.

A. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang

pagkamalikhain

B. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito

nahawakan ng tao.

C. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraaming

produkto

D. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

Page 11: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

10 | P a g e

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Aimee A. Torrevillas, SST-III

Basilan NHS, Isabela City Division

Editor: Jaylyn A. Indanan, SST-II

Tagasuri: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa

Mag-aaral, DepEd-BLR, Muling Limbag 2017, pp.96-107

Tayahin

1.C

2.B

3.D

4.A

5.D

6.D

7.A

8.A

9.B

10.A

11.D

12.D

13.C

14.A

15.C

Page 12: Ikalawang Markahan - Modyul 6: Kabutihang Dulot ng Paggawa...4. Paano mo susuklian ang pagsusumikap ng mga frontliners na patuloy na nakikipagsapalaran sa gitna ng krisis na hatid

11

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX Our..

Eden... Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take, Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ; And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

'T is I, O my country, raising a song unto thee.

And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day! Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo

I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖