ibagsak ang papet na rehimeng arroyo! paigtingin ang ... · pdf filetantos ng implasyon na...

12
E nero 21 nang mapatalsik si Joseph Estrada sa Malacanang sa bisa ng isang popular na pag-aalsang bayan. Apat na taon na ang nakakaraan subalit ang mga isyung naging mitsa ng pag-aalsa ay nananatili at patuloy na yumayanig sa kasalukuyang naghaharing rehimen. Sa katunayay mas malaganap, mas malalaki at mas eskandaloso ang mga kaso ng pandarambong at katiwalian sa ilalim ng panunungkulan ni Macapagal-Arroyo. Pinagpapasasahan ng mga pinaka-impluwensyal na upisyal militar at burukratang sibilyan ang mga pinakamamalaking kikbak, kontrata at sindikato sa pangunguna na rin ng pamilya ni Arroyo. Dinala ng rehimeng ito ang korapsyon sa ibayo at mataas na antas. Subalit ang korapsyon ay simtomas lamang ng mas malala at walang-lunas na sakit panlipunan ng buong reaksyunaryong sistema. Ang kasakiman ng naghaharing pangkating Arroyo at pag-igting ng bangayan ng mga pangkatin sa hanay ng mga burukrata at upisyal militar ay nagpapakita ng napakatinding krisis, di lamang sa ekonomya, kundi sa lahat ng aspeto ng lipunan. Ang krisis na ito ay matinding nananalasa at sumasakal sa buhay ng malawak na masa ng sambayanan. Pananalasa ng papet na rehimeng Arroyo sa mamamayan Walang kapantay na krisis ang bumabayo sa ekonomyang Pilipino at ang malawak na masa ng sambayanan ang matinding hinahagupit nito. Pinakatampok dito ang krisis sa pananalapi na kinatatangian ito ng pagkalubog sa utang at papaliit na kakayahang pinansyahan ang gastos sa operasyon at iba pang bayarin ng gubyernong Arroyo. Pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas ang inutang ng rehimeng Arroyo mula 2001-2004. Umabot na sa $60 bilyon ang kabuuang utang panlabas at ngayong 2005 lamang, mahigit P700 bilyon o 70% ng kita ng gubyerno ang napupunta sa bayad-utang lamang. Desperado ang rehimeng maghanap ng pagkakakitaan para matustusan ang operasyon at iba pang bayarin nito. Walong klase ng buwis ang inumpisahang nang isabatas, walang humpay ang Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon Taon XXXI Blg. 1 REGULAR NA ISYU Enero-Pebrero 2005 Editoryal Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang armadong rebolusyon!

Upload: trinhcong

Post on 05-Feb-2018

295 views

Category:

Documents


24 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

Enero 21 nang mapatalsik si Joseph Estrada sa Malacanang sa bisa ng isang popular na pag-aalsangbayan. Apat na taon na ang nakakaraan subali�t ang mga isyung naging mitsa ng pag-aalsa ay nananatili

at patuloy na yumayanig sa kasalukuyang naghaharing rehimen.Sa katunaya�y mas malaganap, mas malalaki at mas eskandaloso ang mga kaso ng pandarambong at

katiwalian sa ilalim ng panunungkulan ni Macapagal-Arroyo. Pinagpapasasahan ng mga pinaka-impluwensyalna upisyal militar at burukratang sibilyan ang mga pinakamamalaking kikbak, kontrata at sindikato sa pangungunana rin ng pamilya ni Arroyo. Dinala ng rehimeng ito ang korapsyon sa ibayo at mataas na antas.

Subalit ang korapsyon ay simtomas lamang ng mas malala at walang-lunas na sakit panlipunan ng buongreaksyunaryong sistema. Ang kasakiman ng naghaharing pangkating Arroyo at pag-igting ng bangayanng mga pangkatin sa hanay ng mga burukrata at upisyal militar ay nagpapakita ngnapakatinding krisis, di lamang sa ekonomya, kundi sa lahat ng aspeto ng lipunan. Angkrisis na ito ay matinding nananalasa at sumasakal sa buhay ng malawak na masang sambayanan.

Pananalasa ng papet na rehimeng Arroyo sa mamamayan

Walang kapantay na krisis ang bumabayo saekonomyang Pilipino at ang malawak na masa ngsambayanan ang matinding hinahagupit nito.

Pinakatampok dito ang krisis sa pananalapi nakinatatangian ito ng pagkalubog sa utang at papaliitna kakayahang pinansyahan ang gastos saoperasyon at iba pang bayarin ng gubyernong Arroyo.Pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas anginutang ng rehimeng Arroyo mula 2001-2004.Umabot na sa $60 bilyon ang kabuuang utangpanlabas at ngayong 2005 lamang, mahigit P700bilyon o 70% ng kita ng gubyerno ang napupunta sabayad-utang lamang.

Desperado ang rehimeng maghanap ngpagkakakitaan para matustusan ang operasyon at ibapang bayarin nito. Walong klase ng buwis anginumpisahang nang isabatas, walang humpay ang

Rebolusyonaryong Pahayagan ng Gitnang Luzon

Taon XXXI Blg. 1 REGULAR NA ISYU Enero-Pebrero 2005

Editoryal

Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo!Paigtingin ang armadong rebolusyon!

Page 2: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

2 Enero-Pebrero 2005 / Regular na Isyu

pagtaas ng presyo ng langis at mgapangunahing bilihin at serbisyo atwalang katapusan ang paghihigpitng sinturon ng mamamayan.

Sa likod ng krisis sa pananalapiay ang pagbagsak ng produksyonat pagtumal ng buong ekonomya ngbansa. Pinakamalala angpagbagsak ng lokal na agrikulturaat manupaktura sa panunungkulanni Arroyo. Ang industriya ng asukal,gulay, manok at baboy, produktongkasuotan at iba pa ay lubhanghumina sa pandaigdigang pamilihanat di rin makasabay sa lokal napamilihan sa pagdagsa ng mgaimported na produkto. Pinalalala paito ng walang habas na ismaglingna kinasasangkutan mismo ngpamilya ni Arroyo at mga malalapitna kamag-anak at kaibigan nito.

Maging ang pamilihan ng mga hi-tech na produkto ay bumagsak narin mula 2000. Ang ipinagmamalakini Arroyo na paglago ay angpagbaha ng mga tinatawag na callcenter na wala rin namang ambagsa produksyong industriyal.Nananatili na ang pangunahingdollar earner at taga-salba ngekonomya ay ang pagbebenta nglakas paggagawa sa labas ngbansa ng mga OFW.

Ang pamalagiang krisis ayresulta ng kawalan ng sarilingindustriya at pananatiling atrasadong agrikultura. Ito ay dulot ngpinagsanib na pagsasamantalangimperyalista at pyudal na lumulukobsa mahigit 90% ng mamamayangPilipino.

Kontrolado ng mga dambu-halang bangkong inter-nasyunal atmga monopolyong korporasyongtransnasyunal ang pinansya atmahahalagang industriya ngbansa, kasabwat ang mgaburgesya komprador nanagsisilbing mga ahente atgalamay nila. Pumipiga sila ngsuper-ganansya sa pamamagitanng kalakalang kolonyal, usuranginternasyunal, manipulasyon samga kontrata, ispekulasyon sa mgasapi at pananalapi, pagsakmal samga korporasyong pag-aari ngestado sa presyong bargeyn,murang hilaw na materyales, at ibapang sari-saring panggagantso atpakana.

Higit pang pinasasahol ito ngmga patakarang �globalisasyon,�liberalisasyon, deregulasyon,pribatisasyon at denasyu-nalisasyon. Sinasamsam atminomonopolisa ng mga imper-yalista ang mga estratehikongsektor ng ekonomya, kabilang naang mga negosyo at serbisyongpubliko at maging sa paggamit ngmga lupain at likas na yaman ngbansa, sa pakikipagsabwatan ngmga malaking burgesya kompradorat mga panginoong maylupa.Sinasagasaan ng imperyalistang�globalisasyon� ang anupamangnatitirang proteksyon sa lokal naindustriya at ekonomya atsinasagkaan ang pambansangindustriyalisasyon. Maging angagrikultura ay sinasalanta ngpagbaha ng mga imported na palay,

mais, prutas, gulay, asukal, isda,karne, tabako, bawang at iba pangproduktong agrikultural.

Masahol pa, ang maliit na pondoay walang habas na sinisipsip ngmga burukrata at upisyal militar.Talamak ang pandarambong samga pension funds sa GSIS, SSSat RSBS, sa mga pondo ng iba�tibang ahensya tulad ng PAGCOR,PhilHealth, NIA, DA, at iba pa, samga government-owned andcontrolled corporations (GOCC�s),at maging sa establismyentongmilitar. Taun-taon, umaabot ngpinakamenos sa 20% ng pam-publikong pondo ang nawawaladahil sa pandarambong atkatiwalian.

Pasan-pasan ng mamamayanang epekto ng napakatinding krisisna ito: malaganap na disempleyo,mababang pasahod, mataas napresyo ng langis at mgapangunahing bilihin, malakingbayarin sa buwis, kawalan ngserbisyong panlipunan. Pumapaloang tantos ng disempleyo sa 13%nitong katapusan ng 2004. Angmababang sahod ay lalongbumababa sa walang humpay natantos ng implasyon na umaabot sa7.6%. Pangunahin sa pagtaas ngpresyo ay makikita sa langis � 13beses na tumaas ang presyo nggasolina noong 2004 na umabot saP7.45/litro samantalang 15 besesnaman sa diesel na umabot sa P7/litro. Sa ikid ng pagtaas ng presyong langis, tiyak na kasunod angpresyo ng mga pangunahing bilihinat serbisyo. Di pa nakuntento,magpapataw pa ang gubyernongArroyo ng karagdagang buwis paramakalikom ng P80 bilyon pondopara sa panustos ng operasyon atpambayad-utang nito.

Sa kabilang banda, tinitiyak ngrehimen na natatanggap ng mgaimperyalista at lokal na bangko angkanilang mga interes at singilin samga pautang at magarantiyahanang superganansya ng mga

NILALAMAN NG ISYU NGAYON1 Editoryal: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang armadong rebolusyon!4 10 dahilan sa pagpapabagsak sa rehimeng Arroyo6 Pakikibakang masa ng mamamayan, ibayong lumalakas at sumisigla10 Nag-iibayong terorismo ng rehimeng US-Arroyo12 Tinggayad: Ako ang Bagong Hukbong Bayan (ni Ka Macario Salakay); Tayo ay BHB (ni Ka Saro)

Page 3: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

3Regular na Isyu / Enero-Pebrero 2004

dayuhang korporasyon sapamamagitan ng iba�t ibangkaluwagan at pakinabang.Para mapaige pa angpagpiga ng yaman at pondo ngbansa, itinutulak ni Arroyo angcharter change para pawiin anganumang natitirang proteksyon sapambansang patromoniya ngPilipinas.

Pati ang mga kalamidad ay hindikayang angkupan ng rehimen kungkaya sariling kayod ang mgamamamayang sinalanta ng bagyoat baha para makabangon.

Sa ngalan ng kontra-terorismo,sinusupil ng naghaharing rehimenang mga batayang karapatan ngmamamayan para ipaglaban angkanilang mga karapatan sakabuhayan, sa pulitika, at iba pa.Minamadali ni Arroyo ang pagpasang mga batas sa National IDsystem at anti-terorismo, na parabang hindi pa sapat angkasalukuyang antas ng panunupil ngkanyang pasistang makinarya,laluna sa kanayunan. Ibinukas naniya ang usapin ng national securitysa panghihimasok ng mga tropangAmerikano na nagtatago sa mgapinagsanib na pagsasanay militar.

Nagagatungan ng krisis pati angpagkakahati-hati sa hanay ng mganaghaharing-uri dahil sa patuloy napagliit ng pondong pinaghahatian ngiba�t ibang paksyon. Pana-panahong tahasan ang mgabanggaan at di-maiiwasang magingmadugo ito dahil sangkot mismo

ang matataas na upisyal ngmilitar at pulisya sa

bangayan kaugnayng mga kurakot sa

p a m p u b l i k o n gpondo, mgasindikato at

protection rackets.

Ibagsak nang paisa-isa ang mgareaksyunaryong rehimen,paigtingin ang armadongrebolusyon

Di makaahon ang rehimen sakinasasadlakan niyang krisis pang-ekonomya at panlipunan. Angipinangangalandakan ni Arroyo namga paglago ay puta-putaki, di-matagalan, at artipisyal nasinusuhayan (pump-priming)Walang totoong paglago angekonomya at sa halip, tuluy-tuloyitong bumubulusok.

Pambansa demokratikongrebolusyon ang pangmatagalangsolusyon sa talamak na sakit nglipunang Pilipino. Sa pamamagitannito, mapapawi ang paghahari ngimperyalismo, pyudalismo atburukrata kapitalismo, maitatayoang demokratikong gubyernongbayan na mamumuno sapagpapaunlad sa ekonomya saparaang sumasandig-sa-sarili atmagtataguyod ng patakarangpanlabas na magsusulong sapandaigdigang pagkakaisa, pag-unlad, pantay-pantay na relasyon saekonomya sa lahat ng bansa atpandaigdigang kapayapaan.

Mabilis ang paglaganap ngpaglaban ng mamamayan sa iba�t

ibang paraan � armado at di-armado, ligal at iligal. Habangpapaigting ang krisis, papalakasang tunguhin ng armadongrebolusyon sa kamalayan ataktibidad ng masa, laluna yaongmga batayan at nawalan na ngilusyon sa anumang repormanginilalako ng mga reaksyunaryo.

Mabilis na rumaragasa angarmadong pakikibaka sakanayunan. Suportado ngmasang magsasakang mabilis natumutungo sa pagkahampaslupa,hindi lamang dahil sa kawalan nglupa, kundi dahil sa pinsala ngmga neoliberal na patakaran ng

liberalisasyon, pribatisasyon atderegulasyon. Batay sa lakas ngbaseng masa, nakakayanan ngPulang hukbo ang paglulunsad ngmga takt ikal na opensibangkayang ipanalo at pumipinsala sagugulod ng reaksyunaryongestado.

Patuloy ang paglakas at pag-laganap ng kilusan at paki-kibakangmasa kung saan napupukaw,napapakilos at malawakangnaoorganisa ang malawak namasa. Nagpapalapad atnagpapabilis sa pagpapakilos atpag-oorganisa sa kanila ang mgakagyat nilang mga interes, laluna sapagkakamit ng kongkretong mgakahilingan kaugnay ng kabuhayan.Samantala, nagpapatalas atnagtataas ng antas ng pakikibakaang mga labanang tahasangtumutuligsa sa imperyalismo,pyudalismo at pasismo.

Pinakamalaganap ang mgapakikibaka para sa rebolusyongagraryo. Ang mga labanan attagumpay sa minimum naprograma sa lupa ay tinatamasa ngmasa at nagiging batayan para samabilis na pag-oorganisa ngkanilang mga samahang masa atpagtatayo ng mga organongkapangyarihang pampulitika.

Sa kalunsuran, niyayanig angestado poder ng mga papadami

Page 4: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

4 Enero-Pebrero 2005 / Regular na Isyu

at papalak ing mga mobi -l isasyong masa. Gayundin,mabilis na lumalawak ang kilusanglihim para magsilbing gulugod attagapag-ugnay ng kilusang masa sakanayunan.

Habang lumalakas angkahilihgan para sa armadongrebolusyon bilang paraan ngpagbabago, kagyat ding kahi-l ingan ng masa ang pagpa-pabagsak ng papet na rehimengArroyo. Kinamumuhian ng masaang papet na rehimeng Arroyo samasugid na pagtataguyod nito sainteres ng imperyalismo at mgalokal na burgesya komprador atpanginoong maylupa.

May batayan at mahalagangkabuluhan ang pagpapabagsakng mga rehimeng kinamumuhianng masa para sa kagyat napanahon kahit malayo pa angtagumpay ng demokrat ikongrebolusyong bayan. Ang malawakna pagkakaisa ng lahat ngpatr iyot iko at progresibongpwersa at pati ilang paksyon ngmga burukratang sibi lyan attauhang militar, ay bumabatikosat nagtatakwil sa korapsyon, at samasugid na pagpapakapapet ngrehimeng Arroyo saimperyalismong US. Labis silangnababahala sa napakatindingkrisis sa ekonomya at pananalapi,at sa pangkalahatang pagkabulokng lipunang Pilipino sa ilalim ngpamamahala ni Arroyo.

Sa kab i l ang banda , angpagbagsak ng rehimeng Arroyo,o kah i t ng a l i ng reh imengk inamumuh ian ng mama -mayan , sa b i sa ng i sangkolektibo at direktang aksyonng masa ay nagpapahina atnagpapabi l is sa pagpawi ngnaghahar ing s i s tema, a tnaghahawan ng l andas sapagtatayo ng demokrat ikonggubyernong bayang tunay namaghahatid ng pagbabago salipunang Pilipino. H

Namumuo ang isang malawak na alyansang anti-Arroyo mataposang apat na taong pamamalakad ng rehimeng Arroyo. Muhing-muhi ang mga mamamayan ng Gitnang Luzon, sampu ng malawak

na sambayanan, sa anti-mamamayang mga patakaran nito pabor sa mgaimperyalista at lokal na naghaharing uri.

Tumutungo na sa sukdulan ang galit ng mamamayan sa korap, papetat militaristang rehimen. Hinog na hinog na ang kalagayan tungo sanapipintong pagbagsak nito. Ang mga sumusunod ang mga dahilan:

1. Pinahihintulutan ni Arroyo ang walang humpay na pagtataas sa presyong langis na nagbubunga ng matinding kahirapan sa mamamayangPilipino. Pabor ang kanyang rehimen sa walang humpay na pagkamal ngsupertubo ng mga monopolyong kumpanya sa langis kahit ang katumbasnito ay ang ibayong pagdurusa ng mamamayan. Nagbibingi-bingihan siyasa laganap na kahilingang ibasura na ang batas sa deregulasyon ng langis.

Sa Gitnang Luzon, bawat pagtaas ng presyo ng langis ay kagyat nanaapektuhan ang libu- libong opereytor at drayber ng mga pampasaherongsasakyan laluna ng mga dyip at traysikel. Gayundin ang mahigit siyam namilyong mamamayan na apektado ng pagtaas ng mga presyo ng mgabilihin at bayarin sa mga serbisyo na kasabay ng bawat pagtaas ng presyong langis.

Malawakang nagwelga at nagprotesta ang mga drayber sa rehiyonlaban para tutulan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at gasolina,itakwil ang deregulasyon at inasyunalisa ang industriya ng langis.Pinakahuli rito ang inilunsad noong Nobyembre 8, 2004 sa sarili munangpagsisikap ng rehiyon at noong Nobyembre 25, 2004 kasabay na angiba pang rehiyon. Subalit walang ginawa ang rehimen para ibsan ngmabigat na pasaning ito ng mamamayan.2. Hinahayaan ni Arroyo na tuluy-tuloy na tumaas ang presyo ng pagkainat iba pang batayang kalakal at serbisyo. Ang totoo, ang pagtataas ngbayad sa kuryente at tubig ay alinsunod pa sa utos ng kanyang gubyerno.

10 dahilan sa pagpapabagsaksa rehimeng Arroyo

Page 5: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

5Regular na Isyu / Enero-Pebrero 2004

Habang pinapaboran niya angmalalaking negosyantengnakikinabang sa gayong mgakautusan, walang lubay angkanyang pagtutol sa anumangmakabuluhang karagdagan saminimum na sahod. Sa halip,nagpapakana na lamang siya ngpantapal na mga hakbangin tulad ngpamumudmod ng food coupons.

Nitong Enero, naipasa na saKomite sa Paggawa sa Kongresoang panukalang P125 dagdag saarawang sahod ng mgamanggagawa na matagal nangipinaglalaban ng masangmanggagawa. Pero pinapaisantabini Arroyo ang panukalang ito. Halip,pinapamadali niyang ipapasa angmga batas sa karagdagang buwisna papasanin ng mamamayan.Kapapasa lamang ng Kongreso angdagdag na 2% sa expanded valueadded tax at isasalang naman itosa Senado.

Labis ang pahirap ng pagtaasng presyo ng mga bilihin at serbisyosa Gitnang Luzon at sa buongbansa. Tumaas sa 7.6% angpresyo ng mga bilihin sa buongbansa, pinakamataas sa anim nataon. Sa 9,391,328 populasyon sarehiyon, halos 90% nito ay nasalebel ng kahirapan (below povertyline). Kailangan ng isang pamilyangayon na kumita ng P593.00upang matugunan niya angbatayang pangangailangan sagastusin para mabuhay sa araw-araw. Samantala, ang sahod ngmga manggagawa ay lubhangnapakalayo na umaabot lamang ngP224.50 ang minimum na sahodsa kalakhan ng Gitnang Luzon.Ibang usapin pa ang malawakangdi pagpapatupad ng mga kapitalistarito at ang mga kontraktwal atagency hired na P150 � 180 lamangang kinikita sa araw-araw.3. Bigong-bigo siya sa paglikha ngmga ipinangako niyang trabaho. Itoýdahil wala siyang ginawanganumang hakbang tungo sa

pagpapatupad ng pambansangindustriyalisasyon at reporma salupa. Ganap siyang umaasa sa pag-eeksport ng paggawa upangmaibsan ang problema sadisempleyo. Sa loob ng bansa, angtanging naipagmamalaki niya ayang pagdami ng mga call center nawalang signipikanteng naiaambagsa ekonomya at tiyak dingmapapawi sa loob ng ilang taon.Higit ding mababa ang sweldo ngmga nasa sa call centers saPilipinas kumpara sa EstadosUnidos.

Ang mga matatagpuangindustriya sa rehiyon laluna sa mgaengklabo ay mga low-tech at low-value added na mga industriya.Karamihan ay pag-aari ng dayuhan.Maliit ang nalilikhang empleyokumpara sa lumalaking hukbo ngpaggawa sa rehiyon.

Sa buong bansa, 13% ng maykakayahang magtrabaho angwalang trabaho (unemployed)samantalang 16.9% ang manaka-naka lamang na may trabaho(underemployed). Araw-arawnaman, may 3,000 OFW(Overseas Filipino Workers) nalumalabas ng bansa na angkalakhan ay mula sa Gitnang Luzon.Sa rehiyon, umaabot na sa 48,438ang OFW na ang 70% aykababaihan. Nakikipagsapalaransilang magtrabaho sa ibang bansakahit malayo sa pamilya dahil sahirap ng kabuhayan sa Pilipinas,mahirap humanap ng trabaho at samay trabaho naman ay kakarampotang sweldo.4. Pinamamalagi niyang labis napalaasa ang ekonomya ng Pilipinassa mga utang panlabas, nahumantong sa palala nang palalangkrisis sa utang panlabas ng bansa.Umaabot na ngayon sa halos $60bilyon ang utang panlabas ngPilipinas at halos P2 trilyon namanang lokal na utang pampubliko nakalakhan ay di ginastos sa mgabagay na kapaki-pakinabang sa

mamamayan. Nang nagdaang taon,lumaki ang pambayad sa utangtungong P542 bilyon na umaabotsa 80.4% ng kita ng gubyerno. Angtinatayang ibabayad sa interes ngutang ngayong 2005 ay P301 bilyono 33.2% ng badyet. Patuloy natumatanggi si Arroyo na itakwil angAutomatic Appropriation Act nakumakaltas sa napakalakingporsyento ng pampublikong pondosa pagbabayad ng mga utang na dipinakinabangan ng taumbayan.

5. Habang patuloy sa pagbabayadng utang sa mga dayuhan,binabawasan naman ni Arroyo angbadyet para sa mga serbisyongpanlipunan. Tinaasan pa ng kanyanggubyerno ang singil sa mgaserbisyong panggubyerno, kungkaya lalo nang di makayanan ngmasang anakpawis na magpaaralng kanilang mga anak atmagpagamot kahit sa mga pasilidadng gubyerno. Sige rin ang pagtanggini Arroyo na taasan ang sahod ngmga guro at iba pang mga kawaning gubyerno, kaya libu-libo sakanila ang nangingibayang-bayan,laluna ang mga propesyunal sasektor pangkalusugan.6. Plano ng kanyang gubyerno namagpataw ng mga karagdagangbuwis, na lalo lang magpapabigatsa mga pasanin ng sambayanangPilipino. Kamakailan lamang ayinaprubahan na sa Kongreso angbatas sa karagdagang buwis sa alakat sigarilyo at dagdag na 2% savalue added tax. Pinapaaprubahanpa ang mga dagdag na buwis samga produktong langis, serbisyo satelekomunikasyon na ipapasanaman sa mamamayan.Nagpapakita lamang ito ngkawalang-habag ni Arroyo sanapakaaba na ngang kalagayan ngmamamayan. Sa kabilang banda,wala siyang anumang plano naibalik sa mamamayan ang dagdagna kitang buwis sa anyo ngpinahusay na serbisyo sa

Page 6: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

6 Enero-Pebrero 2005 / Regular na Isyu

kalusugan, edukasyon at iba pangserbisyong panlipunan.7. Dinala ni Arroyo sa ibayong antasat saklaw ang burukratakapitalistang korapsyon. Ang mag-asawang Gloria at Mike Arroyo atanak nilang si Mikey mismo aygumagamit ng kanilangkapangyarihan at impluwensya paramagkamal ng milyun-milyungpisong suhol at lumahok sa mgamaanomalyang transaksyon.Pinoproteksyunan naman ni Arroyoang tiwaling mga upisyal kapalit ngbahagi ng kanilang kurakot.

Nariyan ang kaso ng Jose Pidalaccount, kaso sa kontrata nanaibigay sa Arhentinongkumpanyang IMPSA, hindideklaradong milyun-milyong dolyarna pag-aari ng mag-asawa saEstados Unidos, ang katiwalian samga kaso ng kontrata nghydroelectic power plant na naibigaysa Arhentinong kumpanyangIMPSA, sa pinalobong presyo ngkontruksyon ng DiosdadoMacapagal Boulevard, sa anomalyasa Telecoms, sa Peace Bonds atsa Piatco. Sangkot din ang mag-asawa sa $2 milyong pangingikil niHernando Perez, dating kalihim ngDepartment of Justice, kayCongressmen Mark Jimenez paraidismis ng DOJ ang kaso nito.

Sangkot naman si Mikey Arroyo,kasalukuyang kongresista at datingbise-gobernador ng Pampanga sapangungurakot sa mga proyektongpampubliko (public works) saPampanga. Kumikita rin siya samasiao, sugal na may naglalarongpelota. Kwestyonable rin angpagkakaroon niya ng mahigit 20pangarerang kabayo sa kanyangrantso ng kabayo sa FranchinoFarms gayong bago siya nagingbise gobernador ay dalawa lang ito.

Si Mike Arroyo naman aynumero unong smuggler na limpak-limpak ang kinikita dito. Sa rehiyon,naisasagawa ang malawakangismagling sa loob ng Subic Bay

FreePort at Clark Economic Zone.Labas-masok naman saMalacanang si Lucio Co, kilalangismagler na may-ari ng Puregold saloob at labas ng Clark.

8. Pinakakawalan ng kanyangrehimen ang walang kaparis nakarahasan laban sa mamamayan.Naglulunsad ito ng marahas na�teroristang gera� na angpangunahing tinatarget ay ang mgadi armadong sibilyan at mgaorganisasyong masa kapwa salunsod at kanayunan. Itoý sadesperasyong pigilan angpagsulong ng armadongrebolusyonaryong kilusan.Isinasangkalan nito ang umanoýmga pakanang destabilisasyon atgumagamit ito ng kamay na bakalpara supilin ang anumang pagtutol.Paulit-ulit na dinidipers ang mgademonstrasyon sa lansangan,laluna iyong isinasagawa ng mgaanakpawis upang iparating angkanilang demokratikong mithiin.

Sa kanayunan, patindi nangpatindi ang paglabag sakarapatang-tao. Nagsasagawa angmersenaryong militar at pulisya ngpagdukot sa pinaghihinalaan nilangmga organisador ngrebolusyonaryong kilusan tulad ngkaso ng apat na deseparasidos saNueva Ecija at Aurora noongPebrero 2002; pagsalbeyds samagsasakang taga-Mexico,Pampanga at maliit nanegosyanteng taga-Aurora nitonglamang Pebrero ; masaker sa

limang mangingisda saPantabangan, Nueva Ecija noongOktubre 2001; at hamletting saPampanga, Zambales, Auroraat sa Pura, Tarlac matapos angengkwentro sa pagitan ng AFP/PNP at BHB.

Sa kalunsuran, matindingsinusupil ang masang anakpawisna lumalaban sapagsasamantala�t pang-aapi.

Marahas na pinagbubuwag ng mgareaksyunaryong militar at pulis sapiketlayn sa mga welgistangmanggagawa tulad ng ginawa nilasa Oxford sa Bulacan at masakersa Hacienda Luisita sa Tarlac sabisa ng assumption of jurisdictionorder ng DOLE. May mga kaso nahindi pa nagsimula ang welga aypinapatawan na ng AJ tulad nangginawa sa Cosmos sa Pampanga.

9. Pinaghahandaan na nito angpagsasaisantabi sa negosasyongpangkapayapaan sa NDFP. Anggubyernong Arroyo na mismo angnagsasara sa posibilidad namalutas sa pampulitikangpamamaraan ang armadongtunggalian dahil sa pagpapataw nitong mga makaisang-panig naprekondisyon na lumalabag sanauna nang napagkasunduang mgaprinsipyo. Isa na ang pagdedeklarang tigil-putukan sa NDFP bilangkundisyon sa pagpapatuloy ngusapan. Sa kabilang banda, hinditinutupad ng rehimeng Arroyo angobligasyon nito sa ilalim ng mga datinang kasunduan, na gumawa ngmga positibong hakbangin paramaipatanggal sa listahan ng US ngmga �terorista�ang PKP, BHB at siKasamang Jose Maria Sison.

Sa Gitnang Luzon, aktibonggalamay ng rehimeng Arroyo angNOLCOM sa pagtataguyod nglinyang �anti-terorista� nito. Angmga ligal na organisasyon at mgapersonahe ay tinatatakan ng�komunista� o �subersibo� parabigyang-katwiran ang atake sa mga

Page 7: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

7Regular na Isyu / Enero-Pebrero 2004

ito. Kabilang dito ang pag-salvagesa lider-magsasaka ng Tarlac noongDisyembre 2004 at unyunista�tcoordinator ng BAYAN ng Bulacannoong Setyembre 2002, at reyd saopisina ng Bayan Muna � GitnangLuzon noong Mayo 2004. .

Todo-giyera at hindi kapayapaanang hangad ng rehimeng Arroyo.Malalaking operasyong militar angginagawa ng reaksyunaryongmilitar, PNP at mga paramilitar sakanayunan kabilang ang pagsuyodnila sa mga kabundukan ng SierraMadre, Caraballo at Zambales,gayundin sa kapatagan ngPampanga at latian sa Bulacan.

10. Walang kapantay angpagkapapet ni Arroyo saimperyalismong US. Di lang niyapinahihintulutan kundi hinihikayat paang gubyernong US na pag-ibayuhinang interbensyong militar nito saPilipinas sa porma ng mga�magkasanib na pagsasanay-militar.� Ipinakita niya ang kawalang-pagpapahalaga sa pambansangsoberanya nang pahintulutan niya

ang US na magtakda ngpambansang patakaran sapamamagitan ng unilateral atwalang batayang pagsasama saPKP, BHB at kay Ka Jose MariaSison sa listahan nito ng �mgadayuhang terorista.� Nagpapatupadsiya ng mga patakarang pang-ekonomya ayon sa linya ngïmperyalistang �globalisasyon� nalabag sa pambansang patrimonyang Pilipinas at nagpapahintulot samga dayuhan monopolyokapitalistang mga kumpanya nakontrolin ang mga estratehikongpampublikong empresa sakapinsalaan ng mga Pilipinongnegosyante at ng sambayanangPilipino.

Ang Gitnang Luzon ay isa samga teatro ng walang humpay naehersisyong militar. Naglulunsad ngBalikatan sa Clark sa Pampanga,Subic sa Zambales, FortMagsaysay sa Nueva Ecija atCamp Tecson sa Bulacan. Sa kabilang pagpapatalsik sa mga basemilitar sa bansa, kasama na angClark Air Base at Subic Bay NavalBase, nagagawa ng mga tropang

Sa harap ng lumulubhang kahirapang dinaranasng mamamayan at matinding panunupil ngrehimeng Arroyo, ibayong lumalawak at

sumisigla ang mga pakikibakang masa para sa mgakagyat na interes at mga pangkalahatang usapinpambayan. Tumampok ang malaking ambag ngGitnang Luzon sa paglulunsad ng mga pakikibakangito laluna�t militante at malawak na kumilos ang mgamanggagawa, malamanggagawa, magsasaka, atmaging ng mga panggitnang pwersa at bahagi ng mganaghaharing uri.

Ang mga batayang uri kabilang na ang mgamanggagawa, malamanggagawa, magsasaka atmaging ang mababang-swelduhang mga empleyadoang pinakamasisigasig na kumilos para sa kanilangmga partikular na kahilingan, gayundin sa mga isyung

pambayan. Sila ang matinding hinahagupit ng mgamaka-imperyalista at anti-demokratikong patakaran ngrehimeng Arroyo.

Nangunguna ang masang manggagawa sa mgaempresa at plantasyon sa rehiyon. Maigting silangnakikibaka para hilingin ang mas mataas na sahod atmga benepisyo, tutulan ang kontraktwalisasyon atdowngrading ng katayuan sa empleyo, at gayundin,para ipagtanggol ang mga demokratikong karapatansa pag-uunyon, pagwewelga, pagtitipon,pamamahayag at iba pa.

Aktibo ang mga manggagawa sa rehiyon sapaghiling ng umento sa sahod sa ilalim ng pambansangpanawagang �P125 wage increase across the board�.Gayunman, militante silang nakikibaka sa loob ng mgaempresa para hingin ang umento sa sahod at

Pakikibakang masa ng mamamayan,ibayong lumalakas at sumisigla

US na manatili sa bansa, kasamana ang Gitnang Luzon, sa ngalanng Balikatan at �anti-teroristang�patakaran ng imperyalismong US.Paraan din ito para mapamilyarisaang mga tropang Amerikano satereyn sa mga larangang gerilya ngBHB sa rehiyon at sa iba pangbahagi ng bansa para sa tuwirangagresyon ng US sa bansa.

Lubusan nang ibinukas ngrehimen ang pagmamay-ari atpagkontrol ng mga dayuhan sayaman ng bansa nang bumaligtadnoong Disyembre 2004 ang KorteSuprema sa desisyon nitongkonstitusyunal ang Mining Act of1995. Lalong nabigyan ng laya angmga kumpanya sa pagminina sadesisyong ito ng Korte Suprema. SaGL, sinisimulan na ng PisumpanCopper Mining ang paghuhukay ngopen pit mine sa Porac, Pampangaat nakatakda na rin ang pagmiminapara sa white clay sa Gabaldon,Nueva Ecija. Mayroon nangexploration sa Sta Cruz atCandelaria, Zambales para sapagmimina ng chromite, nickel atiba pang mineral. H

(10 dahilan sa pagpapabagsak....mula sa p.4)

Page 8: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

8 Enero-Pebrero 2005 / Regular na Isyu

benepisyo sa labanan sa CBA tuladsa IWS, TEI, CAT at HLI sa Tarlac,Oxford, Solid, Midas sa Bulacan,Cosmos at Coke sa Pampanga,Sharp sa Nueva Ecija at Legendasa Olongapo City.

Matinding panunupil ang tugon ngrehimen sa mga paggigiit ngkarapatan ng mga manggagawa.Una, alinsunod sa patakarang�mura at maamong lakaspaggagawa� ng rehimeng Arroyo,ang mga welga, napipinto man onilulunsad na ay walangpakundangang pinapatawan ngassumption of jurisdiction (AJ)order ng DOLE at lagingkasunod ang pasyang �iligal angwelga�. Nagsisilbing lisensya ngmga ahensya ng gubyerno ang AJorder para marahas na buwaginng pulis at militar ang piketlayntulad ng nangyari sa welga saOxford sa Bulacan, at sa CATat HLI sa Tarlac kung saannagresulta sa madugongmasaker noong Nobyembre16.

Magiting at lipos ng aral angwelga ng mga manggagawasa CAT at HLI. Sa kabilang ilang AJ order at apat nabeses na tangkangbuwagin ang piketlaynmula Nobyembre 5,matatag na naipag-tanggolng libu-libong manggagawa sailohan (sugar mill) at sa tubuhanang kanilang piketlayn atmilitanteng naggigiit ng kanilangmga karapatan at kahilingan, dilamang sa sahod at benepisyo,kundi maging laban sapagpapalayas sa kanila saasyenda at para maningil sa mgasalarin sa nangyaring masaker.Nasa ikaapat na buwan na angwelga at patuloy itong nagbibigayng inspirasyon sa iba pangnakikibakang manggagawa atmagsasaka, at maging sa mgapetiburgesya, di lamang sa rehiyonkundi sa buong bansa.

Sa nagdaang taon, tampok angserye ng tigil-pasada ngpampublikong sasakyan. Layuninnitong tutulan ang walang habas napagtaas ng presyo ng mgaproduktong petrolyo dulot ngderegulasyon. Kabilang sa mgapanawagan ng pagrolbak ng presyong langis at pagsasabansa ngindustriya ng langis. Patuloy dingtinutuligsa ng mga drayber angClean Air Act. Samantala, aktibodin nilang nilalabanan ang mgapatakaran at ordinansa ng lokal na

gobyerno tulad ng rerouting at city-limits, na nakapipinsala sa kanilangkabuhayan.

Naglakbay-r i les ang mgamaralitang-lunsod at iba pangmamamayan ng Bulacan,Pampanga at Tar lac noongNobyembre para tutulan angnakaambang demol isyon sadaang libong bahayan sa tabi ngr i les para b igyan-daan angpagtatayo ng Philippine NationalRai lway-Metro Clark RapidRailway System (PNR-MCRRS).Gayundin, magdudulot din ito ngmalawakang dis lokasyon samga pampublikong sasakyan,

laluna sa Bulacan na sasaklawin ngunang yugto ng konstruksyon.

Sa kanayunan, malawakangkumikilos ang masang magsasakapara sa pagpapabuti ng kanilangkabuhayan at pagtatanggol ngkanilang mga karapatan. Patuloynilang tinutuligsa ang CARP, huwadna reporma sa lupa ng estado, atitinataguyod ang tunay na repormasa lupa.

Matatag na nakikibaka ang mgamanggagawang bukid ng HaciendaLuisita laban sa retrenchment,isang pakana ng mga Cojuangcoupang sila�y palayasin at tuluyangalisan ng karapatan sa lupa sa

asyenda. Gayundin,nilalabanan nila angStock DistributionOption (SDO), isangpakana sa ilalim nghungkag na CARP para

umiwas sa aktwalnapamamahagi ng lupa at

manatiling monopolisadong mga Cojuangco angHacienda Luisita.

Malawak ang tumugon sapanawagang itaas ang presyo

ng palay sa iba�t ibang probinsyang rehiyon. Sa pamamagitan ngkumbinasyon ng iba�t ibangparaan ng pagkilos, may mga

aktwal na nakapagpataas ngpresyo nito. Kaalinsabay,tinututulan din ng masangmagsasaka ang importasyon ngbigas at iba pang produktongagrikultural na isang dahilan ngpagbagsak sa produksyon ng mgaito.

Samantala, masaklaw anginaabot ng kampanya sarebolusyong agraryo sa mgapagtataas ng sahod ngmanggagawang bukid atpagpapababa ng interes ng pautangsa Nueva Ecija, paggigiit sapangangapa sa mga palaisdaan atpagpapababa ng pamasahe ngsitaw sa Bulacan, rehabilitasyon ngmga lupaing natabunan ng lahar sa

Page 9: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

9Regular na Isyu / Enero-Pebrero 2004

Pampanga, pagpapataas ng presyong mga produkto sa mgaminoryang magsasaka sakabundukan ng Zambales, paggigiitsa posisyon sa lupa sa Sacobia saBamban, Tarlac.

Bukod pa, naglulunsad ngprotesta ang mamamayan saObando, Bulacan laban sa opendumpsite, landfill sa Bamban, Tarlacat pagbaha sa Pangasinan at Tarlacdulot ng San Roque Dam.

Maging ang mga panggitnanguri ay aktibong nakikibaka para sakani-kanilang mga kagyat nainteres. Matindi na rin silangtinatamaan ng mga patakaran saderegulasyon, pribatisasyon atl iberal isasyon ng rehimengArroyo.

Tuluy-tuloy ang pakikibaka ngmga guro at mga kawani nggubyerno para sa karagdagangsahod na P3,000 across the boardat iba pang benepisyo. Matindisilang tinatamaan ng pagliit ngbadyet para sa serbisyongpanlipunan at ng pondo saoperasyon ng gubyerno.Nakapaglunsad ng panrehiyongsummit ng mga kawani at guro kungsaan saan nabuo ang kanilangpagkakaisa at plano para sapakikibaka kaugnay nito.

Samantala ang mga kabataan-estudyante ay patuloy na nakikibakapara tutulan ang pagtaas ngmatrikula at iba pang dimakatwirang bayarin. Tinutulan dinnila ang korporatisasyon sa statecolleges and universities (SCU�s)kung saan pinapapasok ang mgapribadong negosyo. Ang walanghumpay na pagtaas ng matrikula atang mga iskema sa incomegeneration ng SCU�s ay ang paraanng pag-angkop ng mga eskwelahansa pagliit ng pondo sa edukasyonat pagpapabaya ng gubyerno sasistema ng edukasyon. Dagdag pa,nagsasabwatan ang mgaadministrasyon at mga pribadongnegosyo sa paggamit ng libre sa

lakas paggawa ng mga estudyantesa balatkayo ng �practicum�, �onthe job training� at iba pang iskema.Sa rehiyon, tampok ang mgapagkilos ng mga esyudyante sa UPClark sa Pampanga, sa CentralLuzon State University (CLSU) atAraullo University sa Nueva Ecija,at sa Tarlac State University (TSU).

Ang mga lokal na negosyantenaman sa Pampanga aytinatamaan ng liberalisasyon sakalakalan na itinataguyod ngrehimeng Arroyo. Ang pinaka-malalaking nakikinabang dito ay angmga imperyalistang korporasyon atang mga burgesya kompradorlaluna yaong mga pinapaboran niArroyo tulad ni Henry Sy nanagtatayo ng Shoemart sa loob ngClark Economic Zone. Dagdag,ginagamit ang Clark at Subic parasa smuggling ng mga yaringprodukto na itinatambak saPilipinas. Protektado ng Mala-kanyang ang mga pinaka-mamalaking ismagler sa bansa napinangungunahan mismo ni MikeArroyo, asawa ni Macapagal-Arroyo.

Malaking laban din ngmamamayan sa rehiyon at sa mgakaratig ang pagtataas ng 300%-400% ng toll fee sa NorthExpressway. Ang mga obraspublicas na dapat ay binabalikat nggobyerno ay kinokontrata sa mgapribadong kumpanya nanagpapatong ng malaki, di lang sapaggawa kundi pati sa operasyon,tulad ng NLEx. Pinakaapektado angmga maliliit na mamamayan nanagbibiyahe sa NLEx, at tiyak namagtataas din ng presyo ng bilihinat serbisyo ang mga negosyonggumagamit dito.

Mariing nilalabanan ngmamamayan ang tumitindingpasistang atake ng rehimeng Arroyosa ngalan ng �kontra-terorismo� napakana ng imperyalismong US. Angmga operasyong militar sa mgakanayunan ng rehiyon aykinatatangian ng mga paglabag sa

karapatang-tao at pandaigdigangmakataong batas tulad ng mga iligalna panghahalughog sa mgabahayan at mga tsekpoynt,pambobomba, sapilitang paglilikasng mga mamamayan mula sakanilang mga tahanan, masaker,salbedying at pandurukot,pananakot at pananakit ng masa.Maging ang hayag na kilusang masaay matinding inaatake ng dahas.Mula Enero hanggang Pebrerongayong taon lamang na ito,mahigit sampung lider masa,organisador at aktibista angpinagpapaslang at dinukot saGitnang Luzon. Sa desperasyon niArroyo at ng imperyalismong US,ibayo itong magpapakawala ngpasistang sindak sa pamamagitanng mga bagong batas tulad ngNational ID system at Anti-TerrorismBill, at maging sa charter changesa kagyat na susunod na panahon.

Ang malaganap at militantengpaglaban ng mamamayan para sakanilang mga karapatan atkagalingan ay nagsisilbingtuntungan para mabuo ang isangmalapad na pagkakaisa at alyansa,hindi lamang ng mga batayang uri,kundi maging mga panggitnangpwersa at ilang seksyon ngnaghaharing uri laban sa rehimengArroyo. Yayanigin ng pag-igting ngarmadong pakikibaka at ngrumaragasang kilusang masa angkinamumuhiang rehimen at laloitong mahihiwalay sa malawak namasa tungo sa pagpapabagsak ngnaghaharing pangkating Arroyo.

Higit na paborable angpagsusulong ng armadongrebolusyon sa kasalukuyan.Susuray-suray ang rehimeng Arroyosa gitna ng napakatinding krisis saekonomya, pulitika at panlipunan.Sa napipintong pagbagsak ngrehimeng Arroyo, magagawaranang naghaharing sistema ng mariingdagok habang masiglangsumusulong ang armadongrebolusyon. H

Page 10: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

10 Enero-Pebrero 2005 / Regular na Isyu

Mabangis ang pananalasa ng imperyalismongUS at ang papet na rehimeng Arroyo laban sa

mga manggagawa, magsasaka, manggagawang bukidat iba pang sektor ng mamamayang nakikibaka parasa kanilang mga lehitimong karapatan at kahilingan.Desperadong hakbang ito ng rehimeng US-Arroyosa pagtatangkang sugppuin ang patuloy na paglakasng rebolusyonaryong pakikibaka sa Gitnang Luzonat gayundin sa buong bansa. Lalupang pinatitindi ngmag-among Bush-Arroyo ang mga karahasangmilitar saanmang sulok ng Pilipinas sa ngalan ngkampanyang �kontra-terorismo�. Ginagamit nito angbuong arsenal ng AFP, PNP, CAFGU at iba pangpwersang paramilitar, at mga pasistang batas upangsupilin ang malawak na mamamayan.

Sa kalunsuran at kanayunan, karaniwan na angwalang habas na paglabag sa karapatang-tao ngmga abusadong PNP/PMG, AFP at CAFGU tuladng pagmasaker o maramihang pagpatay, salvaging,pagdukot sa mga progresibong lider ng Party List,gayundin sa mga pinaghihinalaang tagasuporta ngrebolusyonaryong kilusan, iligal na pag-aresto atdetensyon, tortyur at pambubugbog, panghaharasat pananakot, abusong sekswal, panghahalughog atmga pagnanakaw at marami pang ibang kalupitansa hanay ng karaniwang mamamayan.

Tampok dito ang masaker sa Hacienda Luisita nanaganap noong ika-16 ng Nobyembre 2004. Walanghabas na pinagbabaril ng mga pasistang pwersang 69th IBPA, PNP/PMG-Tarlac kasama ang mgaarmadong goons ng angkang Cojuangco ang mganagwewelgang manggagawa at manggagawangbukid sa harap ng Gate 1 ng Central Azucarera deTarlac. Namatay ang pito sa mga raliyista at pitopang sakada, at 100 mahigit ang nasugatan.Nasundan ito ng brutal na pagpaslang kay Marcelino�Ka Marcing� Beltran, isang lider-magsasaka natatayo sanang testigo sa naganap na madugongmasaker. Nitong Enero 5, muli na namang sinalakayat pinagbabaril ng mga bayarang goons ng angkangCojuangco ang mga nasa piketlayn at dalawa samga ito ang malubhang nasugatan. Samantala,patay malisya sa pangyayari ang mga pasistangpulis at militar na halos katabi lamang ngpinangyarihan ng pamamaril.

Laganap at napakatindi ng militarisasyon sabuong Gitnang Luzon. Nakapakat sa rehiyon angbuong pwersa ng 7th ID-PA sa pamumuno ni Major.Gen. C. Balauing at bahagi ng 5th ID PA. Nakapailalim

sa 7th ID ang 702nd at 703rd Brigade na binubuo ng70th, 46th, 71st, 24th, 56th IB at 69th IB.

Sa pangangasiwa ng Northern Luzon Commando NOLCOM, inilulunsad nito ang ReengineeredSpecial Operations Team o RSOT. Bago pumasoksa target na lugar ang RSOT, nagsasagawa munang clearing operation ang First Provisional Batallionna binubuo ng Scout Rangers mula sa iba �t ibangbatalyon. May iba�t ibang lawak ang saklaw, tindi attagal ng operasyon sa bawat probinsya, bayan atmga baryo. Habang inilulunsad ang RSOT,nagrerekrut ng lokal na impormer tulad ng BIN(Barangay Intelligence Network) at MIN (municipalintelligence network).

Nakadisenyo ang RSOT para sa operasyongsaywar ng kaaway. Kabilang dito ang blackpropaganda para siraan ang hukbong bayan sa masaat pagsasagawa ng mga proyekto tulad ng medicalmission, kampanya sa literasiya sa mga bata atmatatanda, at iba pang pampalubag-loob na mgaproyekto.

Subali�t hindi maitago ng mga RSOT ang tunaynilang mukha � ang pasismo ng estado. Sa kabila ngpagpupumilit nilang sila ay magmukhang mabait atmakamasa, taglay nila ang bulok na gawi ngreaksyunaryong hukbo. Nanunutok o nananakit ng

Nag-iibayong terorismo ng rehimeng US-Arroyo

Page 11: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

11Regular na Isyu / Enero-Pebrero 2004

mga sibilyan, nanunulsol sakabataan na mag-shabu,nagnanakaw ng mga ari-arian ngmasa, nagtatangay ng mga babaesa baryo at iba pang kabuktutan.

Sa kalunsuran, matindi ringdinadahas ang mga mga kilos-protestang inilulunsad ng mgamilitanteng organisasyon, tulad ngginawa ng PNP/PMG-Bulacan saOxford at Expo-Footjoy sa bisa ngAssumption of Jurisdiction orderpara atakehin ang piketlayn ng mganagwewelgang manggagawa saOxford noong Setyembre 4, 2004.Gayundin ang iligal na pang-aarestoat pagkukulong sa mga kasapi ngmga progresibong Party List namapayapang nag-oobserba sabilangan ng boto nang nakaraangeleksyon noong Mayo 14, 2004. Angmga lider ng mga hayag na kilusangmasa ay karaniwang inaakusahangmga kasapi o may kaugnayan saPartido Komunista ng Pilipinas(PKP) at Bagong Hukbong Bayan(BHB).

Hindi talaga interesado angrehimeng Arroyo sa pagpapatuloy ngusapang pangkapayapaan. Bagkus,patuloy itong naglulunsad ngtodong-gera laban sarebolusyonaryong kilusan.Kamakailan, itinatakda ng rehimensa PKP-BHB ang tigil-putukanbilang kondisyon para mulingmaituloy ang usapangpangkapayapaan sapagitan ng GRP atNDFP. Paglabag ito saThe Hague JointDeclaration napinirmahan ng dalawangpanig na magkaroon lamangng tigil-putukan kapag nalutasna ang pundamental na sosyo-ekonomiko at panlipunang mgausapin na ugat ng armadongtunggalian. Dikta ng imper-yalismong US na isantabi ng GRPang The Hague Joint Declaration nanaglalagay sa dalawang panig namagkapantay na katayuan. Wala

ring ginawang hakbang ang rehimenna maalis ang pagkategorya ng USsa PKP-BHB at kay KasamangJose Maria Sison na �terorista�.Patuloy na igigiit ng Partido at ngNDF sa kasalukuyang rehimen o sarehimeng hahalili dito na angusapang pangkapayapaan ay dapatsa balangkas ng The Hague JointAgreement.

Habang nagiging desperadoang rehimeng Arroyo paraipagtanggol ang nabubulok nasistemang panlipunan, lalo itongnanga-ngayupapa sa imper-yal ismong US sa usapin ngseguridad nito. Umaasa ito ngmalaki sa ayudang militar na siyanamang i tututok niya samamamayan para supilin angkanilang paglaban.

Sa ilalim ng kasalukuyangrehimen, nag-iibayo anginterbensyong militar ng US saPilipinas sa pamamagitan ng mgakasunduang militar sa US atpaglulunsad ng mga magkasanib ngpagsasanay-militar ng mga tropangAmerikano at AFP. Sa taong ito,nakatakdang ilunsad ang 28 namagkasanib na pagsasanay saGitnang Luzon sa iba pang bahaging bansa. Nitong huling bahagi ng

Pebrero, mga 700 tropangAmerikano ang kalahok saBalikatan at kunwaý humanitarianmission sa Aurora, Quezon atLaguna na nasalanta ng pagtotrosong nagdaang mga bagyo. Ang tunayna pakay ng mga tropangAmerikano sa mga pagsasanay naito ay kabisaduhin ang tereyn ngmga larangang gerilya, mangalap ngmga datos-paniktik at unti-untingsanayin ang opinyong publiko upangtanggapin ang papataas na antasng panghihimasok ng US sa kontra-rebolusyonaryong digma saPilipinas.

Bago pa ito, sinimulan na rin ngmga tropang militar ng US angtuwirang interbensyon sapamamagitan ng pagtatalaga ngmay 40 sundalong Amerikano saloob mismo ng kampo ng kumandng AFP na tumutugis sa MNLF(Moro National Liberation Front) saSulu. Nagsisilbing tagapayo ng AFPang mismong mga upisyal militar ngUS sa operasyon nito laban saMNLF na muling nagsusulong ngarmadong paglaban sa rehimengArroyo. Pinalalabas pa ng rehimenna magkasanib ang MNLF atbandidong Abu Sayyaf at JemaahIslamiyah na mariiin namangitinatanggi ng MNLF. Ginagamitding sangkalan ng rehimen angsitwasyon sa Sulu para makahinging dagdag na ayudang pinansyal saUS.

Nagpupunyagi sa armadongrebolusyon ang malawak namasa para ibagsak angnaghaharing sistemang pinag-hahar ian ng imperyal ismo,pyudal ismo at burukratakapitalismo. Sa ibayong paglakasng BHB at iba pang rebolus-yonaryong pwersa, la longbabangis ang patuloy na humi-hinang rehimen. Lalo nitongaanihin ang poot ng mamamayanna sa kanilang paparaming bilangay lumalahok at sumusuporta saarmadong rebolusyon. H

Page 12: Ibagsak ang papet na rehimeng Arroyo! Paigtingin ang ... · PDF filetantos ng implasyon na umaabot sa 7.6%. ... solusyon sa talamak na sakit ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan nito,

12 Enero-Pebrero 2005 / Regular na Isyu

Tinggayad

Ako, ang Bagong Hukbong BayanNi Kasamang Macario Salakay

Ako, ang Pulang MandirigmaNg pulang sandatahanLuwal ng maigting na makauring tunggalianMaalab na inaruga ng ina kong larangan.

Ako ang munting titis na naging dakilang apoySa madawag na kanayunan ng kahirapa�t kaapihanWalang nakapipigil sa mabilis kong pagkalatMaglalagablab ang kalunsuran sa malapit nahinaharap.

Nuno ko ang mga bayani�t martirSa Mactan at BalintawakAt sa panahon ng imperyalismoAko ang Pulang Hukbo ng pinunong proletaryo.

Nasa aking arsenal ang sandatang gabayNg uring manggagawa � ang Marxismo-Leninismo-MaoismoIto ang aking sandataAng bukal ng diwa�t kaalaman sa matagalangpakikidigma.

Taglay ko ang disiplinang bakalPinanday sa mahigit tatlong dekada ng buhaykamatayang pakikibakaIto ang guhitan sa pagitan ng Pulang HukboAt kaaway ng bayan.

Sa pamamagitan ko ay mapupukawKapwa ko mga api�t busabosAko din ang inspirasyon ng makapangyarihangMga pag-aalsa at mga daluyong.

Unti-unti akong nakapagpapalakasSa utay-utay kong paggapi sa mga palalongmandarahasSuperior ang aking pakikidigmang gerilyaSa anumang estratehiya�t taktika ng mgaImperyalista at kampon nila.

Dibdib ko ang muog ng mga layon at adhikaTipunan ito ng lakas ng rebolusyonaryong lakas ngmamamayanAng mapagpasyang bigwas na ipinundarAng pamatay ng dagok sa ulo ng halimaw.

Ako ang Pulang MandirigmaNakatalaga ang buhay para sa kalayaan ngsambayananSa huling hininga�y sasambitinLumaban! Durugin ang kaaway!SULONG SA GANAP NA TAGUMPAY!

Tayo ay BHB Ni Kasamang Saro

Em CKung tayo ay tunay na Hukbo D EmDisiplina ay taglay saanman EmAng masa�y handang paglingkuran

C D EmAt palayain ang sambayanan.

Koro: C D(�Pagkat) Wala kahit ano ang masa

C DKung walang Bagong Hukbong Bayan

C DPagka�t sa dulo ng baril nagmumula

C D EmAng pulang Kapangyarihan.

Kung tayo ay tunay na HukboPaninindigan at tapang ay buo.Sa pagkilos hindi manlulumoPagkat tapat sa aral ng prinsipyo.

At tayo ay tunay na HukboSa tapang liksi at talinoIbabagsak ang ImperyalismoAt itatayo ang sosyalismo.