group 2 (2)

40
Page | 1 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Sa gitna ng krisis pangekonomiyang ating pinagdaraanan, ang kalakaran na umiiral sa mga pampublikong pamilihan ay lumalala. Kabilang rito ay ang pagsidhi ng panloloko na ginagawa ng ilang retailer sa mga mamimili. Ang sistema ng “pagru-running” sa iilang pampublikong pamilihan ay hindi na maiwasan. Ang ibang retailer at napipilitan lamang na gawin ito para hindi sila malugi. Nagaganap ito dahil sa kakulangan ng puhunan ng ilang mga retailer na nagreresulta sa kakulangan ng produkto sa imbentaryo. Sa kagustuhang kumita ay napipilitan silang “magrunning” kahit ito ay isang kamalian. Tinatago ng ibang retailer ang mga sira o ang depektong bilihin. Hindi nararapat na atin na lamang hayaang ganito ang umiiral sa mga pamilihang ang pangkalahatang madla ang pangunahing mamimili.

Upload: jmapazcoguin

Post on 18-Nov-2014

208 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Group 2 (2)

P a g e | 1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Sa gitna ng krisis pangekonomiyang ating pinagdaraanan, ang kalakaran na

umiiral sa mga pampublikong pamilihan ay lumalala. Kabilang rito ay ang pagsidhi ng

panloloko na ginagawa ng ilang retailer sa mga mamimili. Ang sistema ng “pagru-

running” sa iilang pampublikong pamilihan ay hindi na maiwasan. Ang ibang retailer at

napipilitan lamang na gawin ito para hindi sila malugi.

Nagaganap ito dahil sa kakulangan ng puhunan ng ilang mga retailer na

nagreresulta sa kakulangan ng produkto sa imbentaryo. Sa kagustuhang kumita ay

napipilitan silang “magrunning” kahit ito ay isang kamalian. Tinatago ng ibang retailer

ang mga sira o ang depektong bilihin. Hindi nararapat na atin na lamang hayaang

ganito ang umiiral sa mga pamilihang ang pangkalahatang madla ang pangunahing

mamimili.

Sa pag aaral na Isang pag aaral sa panloloko sa mamimili sa kalakarang

nagaganap sa pampublikong pamilihan,tatalakayin nito ang sistema ng “pagru-running”.

Aalamin nito ang mabuti at masamang dahilan kung bakit ang sistemang ito ay umiiral.

Matatalakay rin ang mga bunga nito hindi lamang sa mga mamimili kundi pati narin sa

mga retailer.

Page 2: Group 2 (2)

P a g e | 2

Layunin ng Pag-aaral

1. Alamin kung ano ang “pagrurunning’

2. Talakayin ang mga dahilan ng pagiral nito sa mga pampublikong pamilihan

3. Alamin ang mga bunga nito sa mga mamimili at mga retailer

4. Magbigay ng mga paraan para sa mga mamimili para maiwasan ang mga ganitong

pangyayari.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay makakatulong sa mga mamimili sa pampublikong

pamilihan. Sa pagaaral na ito, magkapagbibigay tayo ng ideya sa mga mamimili sa

panlolokong ginagawa ng mga nagtitida. Kung magsasawalang bahala na lang ang

mga mamimili, lalo silang aabusuhin. Dapat malaman ng mamimili ang mga bagay na

ito para makaiwas sila. Karapatan ng mga mamimili na makatanggap ng may kalidad na

produkto na kanilang binili.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga nagtitinda ng mga iba’t ibang

produkto sa ating mga pampublikong pamilihan. Ang mga nagtitindang itovay maaaring

parehong lalake o babae na nasa edad na 25-40 na taon sa kadahilanan sa sila ay may

mga sapat na karanasan sa larangan at buhay ng pag-titinda. Ang lugar ay maaaring sa

isang pampublikong pamilihan tulad ng isang palengke o isang tiange.

Page 3: Group 2 (2)

P a g e | 3

Depinisyon ng mga Terminolohiya

a. Pagrurunning

- isa itong proseso kung saan ang isang tindera o retailer ay kukuha ng produkto

mula sa ibang tindahan upang ibenta ito sa di hamak na mas mataas na presyo.

Ginagawa ito upang kumita ng hindi nababawasan ng tax.

b. pagtatago ng sira

- paglalagay ng jobus, paglalagay ng magagandang piraso sa ibabaw ng pakete at

pangit na piraso sa ilalim

c. Rigged scale

– timbangan na ginagamit sa palengke upang dayain ang timbang ng mga bilihin

upang mas maibenta ang mga ito sa mas mataas na presyo. paglalagay ng

magagandang piraso sa ibabaw ng pakete at pangit na piraso sa ilalimRigged scale –

timbangan na ginagamit sa palengke upang dayain ang timbang ng mga bilihin upang

mas maibenta ang mga ito sa mas mataas na presyo. paglalagay ng magagandang

piraso sa ibabaw ng pakete at pangit na piraso sa ilalimRigged scale – timbangan na

ginagamit sa palengke upang dayain ang timbang ng mga bilihin upang mas maibenta

ang mga ito sa mas mataas na presyo.-paglalagay ng magagandang piraso sa

ibabaw ng pakete at pangit na piraso sa ilalimRigged scale – timbangan na ginagamit

sa palengke upang dayain ang timbang ng mga bilihin upang mas maibenta ang mga

ito sa mas mataas na presyo.

Page 4: Group 2 (2)

P a g e | 4

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang panloloko sa pamilihan ay matagal ng suliranin ng bansa natin ngunit

hanggang ngayon wala pa ring solusyon. Ang panlolokong ito ay nagaganap dahil sa

pangangailangan ng pera. Kailangan talaga ng mabisang solusyon para sa suliranin ng

bayan natin.

Dapat makabuo ng isang magandang samahan ang mamimili at nagtitinda.

Kailangan itong mabuo para sa isang matagumpay na transaksyon. Para manatili ang

isang mamili sa isang suking tindahan dapat siyang bigyan ng halaga. Ang panloloko sa

mga mamimili ang isa sa mga pwedeng maging dahilan ng hindi matagumpay na

transaksyon. Kung magtataas man ng presyo ng bilihin dapat sigurado din nilang may

kalidad ang kanilang tinitinda. Ito ay para tangkilikin pa rin sila. Kung ang mga

Page 5: Group 2 (2)

P a g e | 5

pamilihan ay makapagbibigay ng “customer satisfaction,” ito ay makakatulong sa

pananatili ng mga kanilang suking mamimili (Johnston & Marshal, 2008).

Ang mga retailer ay may kanya kanyang paraan para sila ay magtagumpay.

Marami silang kakumptensya kaya dapat silang maging maabilidad. May tinatawag na

“Perfect Price Discrimination” kung saan sinisingil ng nagtitinda ang mamimili sa

pinakamataas na kayang nilang ibayad. Ginagawa ito sa pagatatanong kung hanggang

magkano ba ang kaya nilang ibayad para sa isang produkto. May tinatawag ding

“Imperfect Price Discrimination” kung saan iba’t iba ang presyo ng produkto depende sa

grupo ng tao. Binabase ng mga nagtitinda ang presyo sa estado ng buhay ng isang tao.

Ito ay nakakasama kung sobra na dahil hindi sapat ang benepisyo ng mamimili

kumpara sa mahal na halaga na kanilang binabayad (Miller,2009).

May mga dahilan sa likod ng mga desisyon ng mga “small time entrepreneurs” at

mga salik na sumusuporta sa mga dahilan ng mga mamimili. Isinasaad din dito ang

mga mahahalagang aspeto s marketing at ang applikasyon nito sa negosyo.

Marami sa mga tindera sa mga pampublikong pamilihan ang napipilitang

gumamit ng mga paraang lumalabag sa mga karapatan ng mga konsyumers dahil sa

kakulangan sa kapital. Sa kaso ng mga nagru-running, pinipili nila na kumuha na

lamang ng produkto sa iba at patungan ito ng malaki sapagkat mas makakatipid sila sa

ganitong paraan. Dahil sa mataas na “opportunity cost” (ang halagang kinakailangan

upang makuha ang oportunidad) pipiliin nila ang nasabing sistema upang mapababa

ang gastos at makakuha parin ng kita(Lieberman & Hall, 2008).

Page 6: Group 2 (2)

P a g e | 6

“ Americanism means the virtues of courage, honor, justice, truth, sincerity and

hardihood, the virtues that made America. The things that will destroy America are

prosperity at any price, the love of the soft living and the get-rich-quick theory of life.”

Isinasaad dito ang mga etiks sa negosyo. Nagbibigay ito ng mga paraan upang suriin

ng mga negosysante ang kanilang mga ginagawa upang siguraduhing sila ay hindi

lumalabag sa batas at sa karapatan ng mga mamimili. Nagbibigay rin ito ng mga paraan

upang panatilihing maayos ang daloy ng pera sa pamamagital ng mga gawain na

nakabubuti sa mga tao sa paligid ng may ari (Huntsman,2009).

Madalas nangyayari s mga palengke and horizontal price fixing. Kung saan ang

isang grupo ng mga tinder at tinder ay nagusap-usap ukol s presyo ng kanilang

produkto. Maaari din na mangyari ang Vertical Price Fixing kung saan ang tinder o

tinder ay may kasunduan sa manufacturer sa presyo ng produkto. Parehas na

Horizontal Price Fixing at Vertical Price Fixing ay ilegal. Ito ay lumalabag sa karapatan

ng mga mamimili sa tapat na pamimili (Dunne & Lusch, 2008).

Ang presyo ng mga produkto ay alinsunod sa Supply at Demand ng mga tao.

Sinasaad dito na habang tumataas ang presyo ng isang produkto, bumababa ang

demand nito at habang bumababa ang presyo, tumataas ang demand. And demand ay

masasabing elastic kung and presyo ay bumababa habang ang revenue ay tumataas at

kung ang presyo ay tumataas, ang revenue ay bumababa. Ang demand ay inelastic

naman kung ang presyo ay bumababa habang ang revenue ay bumababa din at kung

ang presyo ay tumataas, ang revenue ay bumababa. Masasabi naming unitary ang

Page 7: Group 2 (2)

P a g e | 7

demand kung ang presyo ay tumataas at bumababa habang ang revenue ay hindi

nagbabago. Ang supply naman ay ang dami ng produkto na mayroon ang kompanya

(Bellamy & Gartner,2008).

Minsan ay nililinlang ang mga mamimili tungkol sa totoong presyo ng isang

produkto. Minsan din ay nagugulang ang mga mamimili sa mga dagdag na taxes at

dagdag bayad sa mga serbisyo. Halimbawa dito ay ang pagpapagawa ng isang

cellphone na kung saan hindi lang ang mga materyales na ginamit at pinalitan ang

iyong binabayaran.

Hindi alam ng mga mamimili na may binabayaran din sila para sa serbisyo ng

gumagawa at dagdag na tax. Dapat malaman ng mga mamimili ang kanilang karapatan

tungkol sa kanilang pagbili ng isang produkto at ang kanilang responsibilidad bilang

isang mamimili. Dapat din itong malaman ng isang mangangalakal para siya ay pag-

katiwalaan ng mga mamimili (Shaw & Barry, 2010).

Ang presyo ay isa sa mga bagay na nakaka-apekto sa isang pampublikong

pamilihan. Ang tama at maling pagbibigay ng presyo ay nakaka-apekto sa lahat,

maging mamimili ka man o isang mangangalakal. Sinasaad na ang mali o sobrang taas

na pag-pepresyo ay maaaring maging resulta sa pagkasira ngtiwala ng isang mamimili

o konsyumer sa nagbebenta o mangangalakal. Ang tamang pag-pepresyo ay

katanggap-tanggap at patas, ngunit kung ito ay hindi sinusunod ng isang

mangangalakal siya ay hindi nagiging patas at siya ay lumalabag sa batas (Maxwell,

2008).

Page 8: Group 2 (2)

P a g e | 8

Dahil sa pagdami ng angkat ng pagkaing dagatat pagkabawas sa

pagmamamanman sa mga ito, kalat na kalat ang pandaraya at panlilinlang sa mga

angkat ng pagkaing dagat. Ang laman ng maraming uri ng isda ay katulad ng lasa at

pagkakayari, sa makatuwid, mahirap malaman ang uri ng isda na makikita sa fillet, lalo

na pagkatapos ng paghahanda ng pagkaing ito para sa bentahan. Sa makatuwid, mas

madaling ipamalit ang murang uri ng isda sa isdang mas mataas ang halaga. Maling

bilang o pagpapaikli ng timbang ay magreresulta sa mga mamimili na tumanggap ng

mas mababa para sa kanilang pera kaysa sa kung ano ang ipinakita at ipinakilalang

produkto sa kanila. Sobra sobrang bilang ng pampaloko ay maaaring magamit para

mas mapataas pa ang timbang at halaga ng naihatid na produkto.

Sa karagdagan, ang ilang mga makabagong pamamaraan ng pagpapaganda ng

mga industriyang pagkaing dagay, tulad ng carbon monoksaid / tasteless smoke, ay

kinekwestyon para sa kanilang potensyal na panloloko sa mga mamimili. Dahil ang mga

alalahanin sa kaligtasan ng pagkain at bioterrorism ay gumawa ng higit na

kahalagahan, mga ahensya sa regulasyon ay mas hindi napanatili ang kontrol ng

pandaraya sa ekonomiya ( Miller & North, 2008).

Ang pagbagsak ng multi-billion-dollar Executive Life Insurance Company ay

nagbigay ng pampublikong pansin sa mga mapanganib na pagmamanipula ng mga

Insurance Company. Ngunit may iba pang problema sa industriya, tulad ng

pagmamanipula ng presyo, restricted coverage, at iba pang panloloko sa mga

konsyumer. Kalimitan, ang pagmamanipula sa presyo ay garapal na paglabag sa

antitrust law, magdudulot sa mabilisang pag-uusig. Subalit ang mga insurance

companies ay halos mula sa antitrust laws sa pamamagitan ng 1945

Page 9: Group 2 (2)

P a g e | 9

McCarranFerguson Act. Si Jack Brooks ng Texas, chairman ng House Judiciary

Committee,ay nagmumungkahi na itigil ang eksempsyon para sa anti-competetive na

gawi na hindi regulated ng mga awtoridad ng estado. Dahil sa kanyang mga sinabi, ang

panukala ni Mr. Brook ngaun ang target. Ang mga insurance companies ngayon ay

tumututol sa nasabing panukala dahil sabi nila, makakaapekto ito sa mga kailangan

upang ibahagi ang data at walang launas na kalagayan sa regulasyon pangasiwa ng

estado. Ngunit ang kanilang mga reklamo ay nailagay sa ibang lugar.

Kinikilala ni Mr. Brooks na ang pamamahagi ng makasaysayang data sa

pagkalugi ng seguro ay nagpapahintulot sa mga kumpanya sa pagpresyo sa mga

produkto na ayon sa pinakamabuting makukuhang impormasyon, ang isang kasama

para sa mga policy holders. Ang kanyang bill ay partikular na nagiimmunize mula sa

mga antitrust collection at pagkasira ng mga data. At ang bill ay nagpapanatili ng

awtoridad ng mga regulator ng mga estado sa pamamagitan ng immunizing practices

na sila ang aktibong namamahala (Hirschey, 2009).

Ito ang isang halimbawa ng panloloko gamit ang timbanga. Inakala mong

dalawang kilong tilapya ang nabili mo, nagbayad ka ng P150 para rito. Pero lingid sa

kaalaman mo, isa’t kalahating kilo lang pala ang timbang ng isdang ibinigay sa iyo ng

tindera sa palengke. Kaya dapat pala P112.50 lang ang ibinayad mo. Nalugi ka ng

P37.50. Ganito ang naranasan nina aling “Flor" at “Linda", parehong tindera sa

palengke. Inaangkat nila ang kanilang mga paninda sa Malabon Consignacion, isa sa

pinakamalaking bilihan ng pagkaing dagat sa Metro Manila. Raket diumano ng mga

Page 10: Group 2 (2)

P a g e | 10

tindera ang pagdaya sa timbangan. Kaya namalengke ang Imbestigador kasama mismo

ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry at Malabon City Hall.

Kumpirmadong may daya ang timbangan ng mga tinutukoy na tindahan.

Ito ang mga karapatang ng mga mamimili ngunit nababaliwala ang iba sa mga

ito:

1. Right to basic needs

2. Right to safety

3. Right to information

4. Right to choose

5. Right to representation

6. Right to redress

7. Right to consumer education

8. Right to a healthy environment

Page 11: Group 2 (2)

P a g e | 11

Marami ng naireport na panloloko sa nakatataas ngunit hindi ito nabibigyan ng

pansin. Kung mabibigyan ng solusyon, marami ang makikinabang at mas mabibili ng

mga kapos ang kanilang pangangailangan. Ang pag-aaral na ito ay hindi layuning

makapagbigay ng solusyon. Gusto lang ng mga mananaliksik maipaalam na maraming

nagaganap na panloloko sa pamilihan na hindi pinapansin kaya patuloy na nangyayari.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pagaaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptiv-

analitik na pananaliksik. Tinangka ng pagaaral na ito na suriin ang damdamin, pananaw

at kaalaman ng mga respondente tungkol sa panlolokong nagaganap sa pampublikong

pamilihan.

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mamimili. Pinili ng mga

mananaliksik ang respondente sapagkat sila ang madalas na nagiging biktima ng

panloloko. Kukuha kami ng 50 na respondente mula sa iba’t ibang lugay sa Metro

Page 12: Group 2 (2)

P a g e | 12

Manila. Sila ang pinakamainam na respondente para makatugon sa pangangailangan

sa pamanahong-papel na ito. Hihingi din kami ng opinion mula sa isang may-ari ng

tindahan. Mainam na makuha ang magkabilang panig para mas maintindihan ang mga

nangyayari sa pampublikong pamilihan.

Istrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey-kwestyneyr na naglalayong makapangalap

ng mga datos upang masuri ang opinion ng mga respondent tungkol sa panlolokong

nagaganap sa pampublikong pamilihan.

Nangalap din ng ibang informasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga

hanguan sa aklatan katulad ng mg aklat. Kumuha din ang mga mananaliksik

informasyon sa internet.

Bukod sa mga nabanggit na, nag-interbyu ang mga mananaliksik ng may-ari ng

tindahan. Ito ay makakatutulong upang makuha ang kanilang panig ukol sa mga

panlolokong nagaganap sa pampublikong pamilihan.

Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong-papel na ito ay hindi nalalyong matamo ang digri ng tulad ng

tisis at disertasyon. Walang ginawang pagtatangka ang mga mananaliksik na masuri

ang mga datos sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na

pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat

aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagtatally

Page 13: Group 2 (2)

P a g e | 13

at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga mananliksik.

Kinailangan ng mga mananaliksik na suriin ang mga sagot ng respondente na kanilang

ininterbyu. Iniugnay ng mga mananaliksik ito sa mga informasyon na nangalap nila.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at informasyon:

Inialam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian.

Tatlongpu’t walo (76%) sa kanila ang mga babae, samantalang labingdalawa(24%) ay

mga lalaki.

Pansinin ang kasunod na graf:

Page 14: Group 2 (2)

P a g e | 14

Babae76%

Lalaki24%

Graf 1Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian

Mas marami ang namimili sa pampublikong pamilihan kaysa sa mga lalaki. Sa

pamilya, naging responsibilidad na ng isang babae lalo na ang mga ina na mamili para

sa mga pangangailangan sa kanilang tahanan.

Dalawampu’t walo (56%) sa mga respondente ay namimili sa palengke

samantalang dalawampu’t dalawa (44%) sa mga respondent ang namimili sa

supermarket.

Pansinin ang sumunod na graf:

Page 15: Group 2 (2)

P a g e | 15

Palengke56%

Supermarket44%

Graf 2Lugar kung saan madalas namimili ang mga respondente

Karamihan ng mga respondente ay namimili sa palengke kaysa sa supermarket.

Mas abot kaya ang mga produkto sa palengke dahil kaunti lng ang kanilang patong

kumpara sa supermarket. Sa supermarket, binabayaran mo rin ang kanilang serbisyo

tulad ng aircon at mga makinang ginagamit nila. Mas naghahanap ang mga mamimili

ng lugar kung saan sila makakamura dahil sa hirap ng panahon. Hindi na rin ganoon

kalaki ang pinagkaiba ng bilang ng mga bumubili sa palengke sa supermarket. Marami

na ring nagkalat na supermarket na may mababang patong para sila ang puntahan ng

mamimili at mas sigurado ang mga mamimili na mas malinis dito.

Labinganim (32%) sa mga respondente ay naniniwalang madalas na nagaganap

ang ganitong mga panloloko sa pampublikong pamilihan. Dalawampu’t pito (54%)

naman ang naniniwalang may nagaganap na panloloko sa pamilihan ngunit hindi ito

gaanong madalas. Pito (14%) ang naniniwala na walang panlolokong nagaganap sa

pampublikong pamilihan.

Page 16: Group 2 (2)

P a g e | 16

Pansinin ang sumunod na graf:

oo, madalas32%

oo, di gaanong madalas

54%

walang panloloko14%

Graf 3Paniniwala ng mga respondente tungkol sa dalas na nangyayari ang

mga panloloko sa pampublikong pamilihan

Malaki ang porsyente na naniniwalang may panlolokong nagaganap sa

pampublikong pamilihan. Pinapatunayan lang nito na may mga nangyayari talagang

panloloko ayon sa mga obserbasyon ng mga respondente. May mga tao pa rin na tapat

at pinanganagalagaan ang mga karapatan ng mga mamimili. Gusto nilang kumita sa

malinis na paraan. Ang mga taong tulad nila ang dapat tularan para mas mapaunlad

ang mga sistema sa mga pampublikong pamilihan.

Tatlongpu’t siyam ang naniniwala na gumagamit ng mga maling timbangan ang

mga tindahan. Labingtatlo ang naniniwala na gumagamit ang mga tindahan ng formalin.

Tatlongpu’t apat ang naniniwala na masyadong mataas ang patong ng mga tindero.

Labingisa ang naniniwala na inilalagay ng mga tindero ang mga sira o luma sa ibabaw.

Pansinin ang sumunod na graf:

Page 17: Group 2 (2)

P a g e | 17

maling timbangan paggamit ng formalin mataas na patong paglalagay ng sira sa ibabaw

0

5

10

15

20

25

30

35

40

45

39

13

34

11

Graf 4Bilang ng respondente na naniniwala sa mga paraan ng mga panloloko

Naniniwala ang mga mamimili na ang paggamit ng maling timbangan o rigged

scale ang madalas na paraan ng panloloko. Sa pamamagitan nito kumukita sila ng mas

malaki na hindi napapansin ng mga mamimili. Kailangan tignan ang mga timbangan

kung may patunay na ito ay calibrated upang maiwasan ang ganitong panloloko.

Nagpapatong din ang mga tindahan ng malaki. Ito ay madalas na nagaganap sa mga

supermarket dahil binabayaran mo din nag serbisyo nila sa iyo. Gumagamit sila ng mga

makina na sinisingil din sa mga mamimili.

Kung minsan namimili din ang mga tindera kung kanino nila tataasan ang

patong. Kung tingin nilang mayaman o may pera ang mamimili, nilalakihan nila ang

patong at ito naman ay agad na bibilhin ng mamimili na hindi napapansin ang panloloko

sa kanya. Gumagamit ang mga tindero ng formalin upang mapanatili ang pagiging

mukhang sariwa ng mga isda, bulaklak at iba pa. Sinasabi nila na sariwa ito at hindi ito

napapansin ng mga mamimili. Isa sa mga di masyadong napapansin ay ang paglalagay

Page 18: Group 2 (2)

P a g e | 18

ng sira o luma sa ibabaw para ito ang unang bilhin. Hindi natin ito napapansin dahl

halos hindi kita ang sira paminsan at pagdating ninyo na lang sa bahay ninyo

mapapansin ito. Ito ay ilan lamang na panlolokong nagaganap sa pampublikong

pamilihan. Maaaring marami pang paraan na hindi natin napapansin.

Walang respondente ang nagsabi na pababayaan nila at patuloy pa rin silang

bibili sa tindahan na nangloloko. Dalawangpu’t pito (54%) sa mga respondente ang

naniniwala na pababayaan nila at bibili na sa ibang tindahan. Dalawangpu’t tatlo (46%)

sa mga respondente ang gagawa ng aksyon at magsusumbong sa isang opisyal.

Pansinin ang sumunod na graf:

Page 19: Group 2 (2)

P a g e | 19

pababayaan at sa iba na bibili

54%

magsusumbong sa opisyal

46%

Graf 5Aksyon ng mga respondente kung napagalaman nilang may nanloloko

Mas marami pa rin ang nagbubulag-bulagan sa mga panlolokong nagaganap sa

pampublikong pamilihan. Hindi ito nabibigyan ng sapat na solusyon dahil kaunti lamang

ang nagsusumbong at iniisip ng mga tindero na hindi naman sila papansinin kaya

patuloy nila itong gagawin. Ganito ang madalas na nangyayari sa Pilipinas. Kaunti

lamang ang gagawa ng aksyon upang mabigyan ang problemang ganito ng lipunan.

Minsan kahit sinabi na ito sa mga opisyal, wala rin silang gagawing aksyon patungkol

dito.

Ayon sa mga respondente, may mga dahilan kung bakit ito nagagawa ng mga

tindero. Alam naman nilang mali ang ginagawa nila ngunit may mga pangangailangan

silang dapat tustusan. Mas lalaki ang kita nila. Hindi nila iniisip na may mga taong

magugutom dahil sa pansarili nilang kagustuhan.

Page 20: Group 2 (2)

P a g e | 20

Mahirap na ang panahon ngayon at kailangan ng pera mabuhay. Nagiging

ignorante din ang mga mamimili kaya patuloy nila itong nagagawa. May kasalanan din

ang mga mamimili kaya patuloy itong nagaganap sa pampublikong pamilihan.

Ayon sa ininterbyu naming si Solina Cagulada, isang may-ari ng tindahan, ang

pagrurunning ay madalas na nagaganap sa pampublikong pamilihan. Ginagawa ito

dahil wala silang sapat na pangpuhunan. Kung nagaangkat man ng produkto sa ibang

parte ng bansa o sa labas ng bansa, may dagdag na patong dahil sa pamasahe kapag

lumuluwas. Nagiging lugi sila dahil dito kaya nagpapatong sila ng malaki. Minsan mas

malaki pa ang kita nila kaysa sa namumuhunan talaga.

Page 21: Group 2 (2)

P a g e | 21

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga panlolokong

nagaganap sa pampublikong pamilihan.

Gamit ang disenyong descriptive-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo

ng sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa limangpung (50) respondente. Naginterbyu

din ang mga mananaliksik ng isang may-ari ng tindahan.

Page 22: Group 2 (2)

P a g e | 22

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod:

a. Nangyayari ang mga ganitong bagay dahil sa pangangailangan ng mga

tindero ng malaking kita para ipangtustos sa kanilang pamilya. May mga iba naman ay

para sa pangsariling kapakanan.

b. Nawawalan ng mga suki ang mga retailer kung sila ay napag-alamang

nangloloko. Mas mawawalan sila ng kita dahil sa kanilang ginawang panloloko.

c. Kung sakaling mabiktima ang mga mamimili na hindi nila nalalaman,

mababawasan ng dami ang mga produkto na dapat nilang nabili.

d. Kung sakaling mabiktima ang mga mamimili at ito ay napagalaman nila, mas

marami pa rin ang babaliwalain ito at ang kanilang gagawin ay lilipat lang sa ibang

tindahan.

e. Naghahanap ng lugar ang mga mamimili kung saan sila mas makakamura.

f. Dapat maging alerto at matinik sa mga ganitong panloloko sa pampublikong

pamilihan. Magobserba habang namimili para malaman mo kung nagiging biktima ka na

ng mga retailer na mapagsamantala.

g. Ang pagrurunning ay madalas na nagaganap at madalas itong hindi

napapansain. Umaangkat ang mga tindero sa iba at pinapatungan nila ito para lumaki

ang kita.

Page 23: Group 2 (2)

P a g e | 23

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusnod:

a. Para sa pamahalaan na paigtingin ang mga batas patungkol sa mga

karapatan ng mga mamimili.

b. Para sa mga mamimili na maging alerto sa mga ganitong bagay at agad itong

ipaalam sa nakatataas upang mabigyan ng aksyon.

c. Para sa mga opisyal ng local na pamahalaan na huwag magbulag-bulagan sa

mga sumbong ng inyong mga nasasakupan.

d. Para sa mga retailer na iwasan ang mga ganitong mga bagay dahil ito ay hindi

magdudulot ng maganda sa inyo at maaari pang ikapahamak.

e. Para sa mga mananaliksik, ipagpatuloy ang pag-aaral na ito. Subukang

magbigay ng mungkahi sa mga opisyal kung ano ang pwede nilang gawin para tuluyan

nang mawala ang ganitong sistema sa pampublikong pamilihan.

Page 24: Group 2 (2)

P a g e | 24

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Johnston, M. W. & Marshal G. W. 2008. Relationship selling 2nd edition. Avenues of the

Americas, New York :McGraw Hill/Irwin.

Miller, J. D. 2009. Principles of microeconomics. Avenues of the Americas, New York:

McGraw Hill/Irwin.

Lieberman M. & Hall R. E. 2008. Principles and applications of microeconomics. Mason,

Ohio: Thomson Higher Education.

Huntsman, J. M. 2009. Winners never cheat even in difficult times. Upper Saddle River,

New Jersey: Pearson Education Inc.

Dunne, P., & R. Lusch. 2008. Retailing. Mason, Ohio: Thomson Higher Education.

Bellamy, M., & W. Gartner. 2008. Enterprise. Mason, Ohio: South-Western Cengage

Learning.

Shaw, W. H. & Barry, V. 2010. Moral issues in business. USA:Wadsworth CENGAGE

Learning

Maxwell, S. 2008. The price is wrong understanding what makes a price seems unfair

and the true cost of unfair pricing. Hoboken, New Jersey: John Wiley and Sons,

Inc.

Miller, R., Benjamin, D. & North, D. 2008. The economics of public issues. Boston:

Pearson Publishing.

Hirschey, M. 2009. Managerial economics. Canada: South-Western Cergage Learning.

Page 25: Group 2 (2)

P a g e | 25

Rigid Scales. (2007 July). Imbestigador. Retrieved February 25, 2010, from

http://www.gmanews.tv/story/51805/Rigged-scales.

Consumer Assistance.(2006). DTI NCR. Retrieved March 21, 2010, from

http://dtincr.ph/service_consumerassist.php.

Page 26: Group 2 (2)

P a g e | 26

APENDIKS A

SARVEY-KWESTYONEYR

Mahal naming Respondente,

Maalab na pagbati!

Kami ay mga mag-aaral ng Filipino sa kasalukuyang nagsususlat ng isang

pamanahong-papel hinggil sa Isang pagaaral sa panloloko sa mamimili sa

kalakarang nagaganap sa pampublikong pamilihan.

Kaugnay nito, inihanda naming ang kwestyoner na ito upang makapangalap na

mga datos na kailangan naming sa aming pananaliksik.

Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod

na aytem. Tinitiyak po naming magiging konfidensyal na imformasyon ang inyong mga

kasagutan.

Maraming salamat po!

-Mga Mananaliksik

Direksyon: Lagyan ng tsek ang patlang na tumutugon sa iyong sagot.

Pangalan(opsyunal):_____________________

Edad:____

Kasarian: __babae __lalake

Page 27: Group 2 (2)

P a g e | 27

1. Saan kayo madalas bumubili ng inyong mga pangangailangan sa inyong

tahanan?

___ palengke

___ supermarket

2. Sa tingin ninyo ba may nagaganap na panloloko sa pampublikong pamilihan?

___ oo, madalas itong nagaganap

___ oo, di gaanong madalas

___ walang nagaganap na ganitong panloloko

3. Ano sa tingin ninyo ang mga dahilan kung bakit nila nagagawa ang ganito?

________________________________________________________________

________________________________________________________________

____________

4. Alin sa mga sumusunod ang sa tingin ninyong madalas na nagaganap sa

pampublikong pamilihan?(maaaring magtsek ng higit sa isa)

___ maling timbangan

___ paggamit ng formalin sa mga pagkain

___ mataas na patong sa mga bilihin

___ palalagay ng mga sira o luma sa ibabaw para ito ang bilhin

Page 28: Group 2 (2)

P a g e | 28

5. Anong gagawin ninyo kung sakaling nalaman ninyong may nanloloko sa inyo sa

pamilihan?

___ pababayaan ko na lang at sa kanya pa rin ako bibili

___ pababayaan ko na lang at sa iba na ako bibili

___ magsusumbong ako sa isang opisyal n gaming bayan

Page 29: Group 2 (2)

P a g e | 29

APENDIKS B

TRANSKRIPSYON NG MAHAHALAGANG PARTE NG INTERBYU

Gaano po ba kahirap kumita dito sa pampublikong pamilihan?

-Mahirap talaga. Bago ka kumita ng isang daan bukod sa puhunan, pahirapan

talaga.

Ano po nagiging resulta nito?

-Andaming mga tindahan ang nagsasara, nalulugi. Kasi hindi kaya magmaintain

ng business. Mas malaki kasi gastos kesa sa kita lalo kung hindi sikat ang

tindahan mo.

Pano po ninyo nakakayanan?

-Sa akin kasi, hindi importanteng mataas ang kita per piraso. Ang gusto ko

maraming nabebenta kahit mababa ang tubo sa isa para hindi madalang bumili

ang mga tao. Kapag ganoon, marami kang suki, umiikot ang pera.

Paano naman po ang iba dito na wlang masyadong pampuhunan?

-nagrurunning na lang sila.

Ano po iyon?

-Kukuha sila ng paninda ko tapos ibebenta nila ng mas mahal sa bumibili.

Pagkatapos, babalik sila dito at babayaran ung nakuha nilang paninda ko. Sa

isang running, nakaka 20 php sila.

Page 30: Group 2 (2)

P a g e | 30

Bakit po kayo pumapayag?

-parang tulong ko na yon sa kanila. Hindi kasi nila kayang lumuwas pa ng

Baclaran para makakuha ng paninda sa murang puhunan.

Wala po bang masamang nadudulot ito?

-imbes na nakakamura ang mga tao, napapamahal pa. yung iba nakakainis kase

kung magpatong sa presyo, 50 php. Kawawa ang mamimili. Sinasabi pang wag

pumunta sa tindahan ko kasi mahal daw. Pero wag ka, ayaw lng nila na

malaman na pagkataas taas ng pinatong nila sa presyo.

May solusyon po ba kayong nakikita dito?

-Siguro, tax exception. Kase yang mga tinderang yan, isang araw mataas na ang

200 php na kita. Babawasan payon ng quarterly income tax. Wala nang matitira.

Kung tutuusin wala pa sa puhunan yung 200 php eh. Pero,pinakamagandang

solusyon diyan, tulong mula sa pamahalaan.

Page 31: Group 2 (2)

P a g e | 31

APENDIKS C

ILANG SARVEY-KWESTYONEYR NA SINAGUTAN NG MGA RESPONDENTE