fil.2 hulwaran at organisasyon.pptx
TRANSCRIPT
HULWARAN AT ORGANISASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI
TEKSTONG EKSPOSITORI
Ito ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao.
Nililinaw rin ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.
Ang manunulat ng isang tekstong ekspositori ay kailangan marunong magsuri o mag-analisa at kailangan niyang maging kritikal sa kanyang lipunan upang ang kanyang teksto ay magtaglay ng mga sumusunod na katangian:
Katangian ng manunulat ng tekstong Ekspositori:
A. Obhetibong pagtalakay sa paksa.
B. Sapat na mga kaalamang inilalahad sa teksto,
C. Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya, at
D. Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan
HULWARAN AT ORGANISASYON NG TEKSTONG EKSPOSITORI:
1. DEPENISYON2. PAG-IISA-ISA o ENUMERASYON
3. PAGSUSUNUD-SUNOD4. PAGHAHAMBING at PAGKOKONTRAST
5. PROBLEMA AT SOLUSYON6. SANHI AT BUNGA
1. DEPENISYON
Kapag nais bigyang-kahulugan ang isang di-pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig at susulat ng isang sanaysay o ano pa man, kalimitang ginagamit ang istilong depinisyon o pagbibigay ng kahulugan.
TATLONG BAHAGI NG DEPINISYON:
1. TERMINO O SALITANG BINIBIGYANG KAHULUGAN
2. Ang Uri, Class o Specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyang-kahulugan.
3. MGA NATATANING KATANGIAN NITO (distinguishing characteristics) o kung ito paano naiiba sa mga katulad na uri.
TANDAAN!
Sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong paraan na maaaring gamitin ang isang manunulat.
1. Sinonim o mga salitang katulad ang kahulugan o kaisipan.
2. Intensib na pagbibigay kahulugan- (3 bahagi ng depenisyon)
3. Ekstensib na pagbibigay kahulugan- pinalalawak ang kahulugang ibinigay o tinalakay sa intensib na pagbibigay kahulugan.
EKSTENSIB NA PAGPAPAKAHULUGAN
Maaaring gamitin dit ang iba’t ibang metodo sa pagdebelop ng talata tulad ng pag-uuri, analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan, pagpapaliwanag, pagbibigay-halimbawa, pagbanggit ng hanguan o awtoridad at iba pa.
DALAWANG DIMENSYON SA TEKSTONG DEPENISYON
1. DIMENSYONG DENOTASYON- (karaniwang kahulugan o kahulugang mula sa diksyunaryo)
2. DIMENSYONG KONOTASYON- (di-tuwirang kahulugan o matalinhagang kahulugan)
A. HALIMBAWA
Pangungusap: Filipino ang ating pambansang wika.
Depinisyon: wika- lenggwahe (pangngalan)
Pangungusap: “Tayong lahat ay mga Pilipino,” ang wika ni Propesor Rovira.
Depinisyon: wika- sabi (Pandiwa)
B. HALIMBAWA
Ayon kay webster ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbulo.
Ayon naman kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is Language, wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na simbolikong gawain pantao. Halos gayon din ang kahulugang ibinigay ni Henry Gleason. Ayon sa kanya, ang wika raw ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
C. HALIMBAWA
Wika. Ano nga ba ang wika? Maraming nagsasabi na ang wika ay mga tunog na lumalabas sa bibig ng tao. Ito raw ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
Higit sa panlipunang tungkulin ng wika, ito ang sumasalamin sa kaluluwa ng isang indibidwal at ng buong bansa. Salamin ito ng mga katangiang mental, emosyunal at ispiritwal ng sinumang indibidwal.
Mahalaga ang wika sa sinumang tao at sa alinmang lipunan. Wika ang nagdadamit sa ating mga pansarili at pangkalahatang kamalayan. Ito ang nagbibigay-katawan sa kaluluwa.
Ang wika ay simbolo rin ng kalayaan. Hindi nga ba’t ang bayang walang sariling wika ay walang kalayaang pampulitika o kaya’y kalayaang pangkaisipan.
2. PAG-IISA-ISA o ENUMERASYON
Ang enumerasyon o pag-iisa-isa ay nauuri sa dalawa, ang simple at komplikadong pag-iisa-isa.
Ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.
Ang komplikadong pag-iisa-isa ay pagtalakay sa pamamaraang patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.
3. PAGSUSUNUD-SUNOD o ORDER
Isang paraan ng pag-oorganisa ng isang tekstong ekspositori ay ang paggamit ng paraang pagsusunud-sunod o order ng mga pangyayari o ng isang proseso. Ang paraang ito ay madaling maunawaan sapagkat sunud-sunod ang mga paglalahad ng mga kaisipan o ideya na siyang nagpapalinaw sa bumabasa.
Dalawang Batayang uri ng PAGSUSUNUD-SUNOD o ORDER
A. Sikwensyal-Kronolohikal B. Prosidyural A. Sikwensyal-Kronolohikal-ang sikwens ayon sa diksyunaryo ay mga serye o sunud-sunod na mga bagay na konektado sa isa’t isa at ang kronolohiya naman ay pagkakasunud-sunod ng mga bagay.
Bagama’t magkaiba ang kahulugan ng mga salitang ito ayon sa diksyunaryo, di-maipagkakailang halos magkatulad ang kahulugan ng dalawang ito.
Ngunit kung kinakailangang i-distinguish ang dalawang ito, paksa at batayan ng order marahil ang ikaiiba ng isa’t isa.
SIKWENSYAL ang isang teksto kung ito ay kinapapalooban ng serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa’t isa na humahantong sa isang pangyayari na siyang pinapaksa ng teksto. Madalas, ang batayan ng order ng ganitong mga teksto ay ang panahon o ang pagkakasunud-sunod na pagkakaganap ng mga pangyayari. Karaniwang nakaayos ang ganitong teksto mula sa unang pangyayari hanggang sa huli.
Sikwensyal- Gamitin ang ganitong uri ng organisasyon sa mga akdang naratib tulad ng kwento, talambuhay, balita, historikal na teksto at iba pa.
Samantala, Kronolohikal naman ang teksto kung ang paksa nito ay mga tao o kung ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraang batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pa.
PAGSUSUNUD-SUNOD O ORDERB. PROSIDYURAL- ito ay isang uri ng
teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
Halimbawa, kung pagluluto ang gagawin, may tamang prosesong dapat na sundin upang maging masarap ang pagkaing ihahanda. Kung pagkumpuni naman ng nasirang makina, may mga tamang prosidyur din na dapat gawin upang maisaayos ang sira nito.
4. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST
- Ang paghahambing at pagkokontrast ay isang tekstong nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan, ideya at maging pangyayari.
Dalawang paraan ng paghahambing at pagkokontrast:
1. Halinhinan (alternating) ang pagtalakay sa katangian.
2. Isahan (block) na ang ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya sa katangian ng dalawang paksang paghahambing at kinokontrast.
Halimbawa ng dalawang paraan
HALINHINAN ISAHAN
I. Pagkakatulad ng A at B
A.Pagkakatulad 1B.Pagkakatulad 2C.Pagkakatulad 3
I. Mga Katangian ng A
A.Katangian 1B.Katangian 2C.Katangian 3
II. Pagkakaiba ng A at BA.Pagkakaiiba 1B.Pagkakaiba 2C.Pagkakaiba 3
II. Mga Katangian ng BA.Katangian 1B.Katangian 2C.Katangian 3
Maaari ding gumamit ng Venn Diagram
5. PROBLEMA AT SOLUSYON
Pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng kalutasan ang pokus ng hulwarang ito.
Karaniwang inuunang talakayin ang problema bago ang solusyon, bagama’t minsan ay kabalikan nito. Ang problema ay maaaring panlipunan o pang-agham na nangangailangan ng solusyon. Sa mga sulating teknikal at sayantipik ay napakagamitin ng hulwarang ito.
6. SANHI AT BUNGA
Sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang mga epekto nito.
Maaaring gamitin sa hulwaran
SANHI
Bunga
Bunga
Bunga
Bunga
MARAMING
SALAMAT!!!