educ primer 2008-1

27
Neo-liberalismo: Mukha ng pinakamasahol na krisis ng edukasyong Pilipino INTRODUKSYON Sa layunin at interes ng gobyernong Gloria Macapagal-Arroyo na iayon ang sistemang pang-ekonomiya ng bansa sa tinaguriang ‘globalisasyon,’ samu’t sari ang mga panukalang patakaran sa ekonomiya ng bansa para diumano makasabay sa dikta ng ‘malayang pamilihan at kalakalan.’ Sa interes na makasabay gayong nananatili namang di makaagapay, ibinukas na rin ng gobyerno maging ang ilang mga sektor at batayang serbisyo upang maging lunsaran ng mga patakarang ito. Kung dati-rati’y maingat ang gobyerno na huwag saligin ang sektor ng edukasyon, ngayo’y garapala n na ang pagpapatupad ng mga patakarang deregulasyon, pribatisasyon at liberalisasyon maging sa mga paaralan. Komprehensibo at hindi basta-basta ang ginagawang transpormasyon ng gobyerno maging sa oryentasyon at lalo na sa konsepto ng pampublikong edukasyon at responsibilidad ng gobyerno para itaguyod ito. Ang laging isinasambit na layunin at dahilan: kinakailangan nang ibuyangyang maging ang edukasyon sa globalisasyon upang maibsan ang patuloy na lumalalang krisis sa ekonomiya. Gayong nananatiling sinasalamin ng krisis sa sistemang pang-edukasyon ang kabiguan ng neo-liberal na sistemang pang-ekonomiya sa pangkabuuan. Tinutukoy ng neoliberalismo ang kaisipang nagtataguyod ng liberalisasyon sa ekonomiya, o ang paghubad sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtanggal o pagluwag sa mga sanction at safeguards ng gobyerno upang magsilbi sa negosyo. Sa pamamagitan ng mga patakaran ng neo-liberal, iniaayon ang mga industriya at serbisyo, kasama maging ang

Upload: kabataan-partylist-cagayan-valley

Post on 18-Apr-2015

144 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Educ Primer 2008-1

Neo-liberalismo: Mukha ng pinakamasahol na krisis ng edukasyong Pilipino

INTRODUKSYONSa layunin at interes ng gobyernong Gloria Macapagal-Arroyo na iayon ang sistemang pang-ekonomiya ng bansa sa tinaguriang ‘globalisasyon,’ samu’t sari ang mga panukalang patakaran sa ekonomiya ng bansa para diumano makasabay sa dikta ng ‘malayang pamilihan at kalakalan.’

Sa interes na makasabay gayong nananatili namang di makaagapay, ibinukas na rin ng gobyerno maging ang ilang mga sektor at batayang serbisyo upang maging lunsaran ng mga patakarang ito. Kung dati-rati’y maingat ang gobyerno na huwag saligin ang sektor ng edukasyon, ngayo’y garapalan na ang pagpapatupad ng mga patakarang deregulasyon, pribatisasyon at liberalisasyon maging sa mga paaralan.

Komprehensibo at hindi basta-basta ang ginagawang transpormasyon ng gobyerno maging sa oryentasyon at lalo na sa konsepto ng pampublikong edukasyon at responsibilidad ng gobyerno para itaguyod ito. Ang laging isinasambit na layunin at dahilan: kinakailangan nang ibuyangyang maging ang edukasyon sa globalisasyon upang maibsan ang patuloy na lumalalang krisis sa ekonomiya. Gayong nananatiling sinasalamin ng krisis sa sistemang pang-edukasyon ang kabiguan ng neo-liberal na sistemang pang-ekonomiya sa pangkabuuan.

Tinutukoy ng neoliberalismo ang kaisipang nagtataguyod ng liberalisasyon sa ekonomiya, o ang paghubad sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtanggal o pagluwag sa mga sanction at safeguards ng gobyerno upang magsilbi sa negosyo. Sa pamamagitan ng mga patakaran ng neo-liberal, iniaayon ang mga industriya at serbisyo, kasama maging ang lakas-paggawa, para pagsilbihan ang mga dikta ng globalisasyon.

Sa esensya, nangangahulugan at kinatatangian ito ng pagtanggal ng mga balakid at maaring hadlang upang malayang makapasok at makapangontrol ang dayuhang kapital at negosyo sa mga industriya, serbisyo at pwersang paggawa ng bansa. Kaakibat nito ang pribatisasyon (pagpapaubaya ng mga pambansang industriya at serbisyo sa pribadong sektor), komersyalisasyon (pagtalikda at pagtalikod ng gobyerno sa tungkuling maglaan ng subsidyo at proteksyon; at pag-ayon sa pamantayang halaga ng komersyal na pamilihan) at kontraktwalisasyon (pagtanggal ng kasiguraduhan, walang permanente dahil sagka ito sa puhunan at tubo). At dahil pang-ekonomikong sistema, tiyak din ang epekto ng neoliberalismo maging sa kultura, pulitika at iba pang bahagi ng superstruktura ng lipunan.

Ang neoliberalismo ang siyang sinisisi ng mga progresibong kritiko ng gobyerno sa patuloy na pagsadsad ng krisis sa bansa. Ito ang itinuturing na pangunahing salarin sa patuloy na pagkakapako ng mga industriya sa dayuhang kapital, at sa katangiang import-dependent at export-oriented ng ekonomiya. Sa pagpapatupad ng mga neoliberal na

Page 2: Educ Primer 2008-1

patakaran ng gobyernong Arroyo, nakikitang walang interes itong iangat ang halos 80 porsyento ng mamamayang sadsad sa kahirapan at bagkus ay pangunahing sinusuportahan at kinikilingan ang mga lokal at dayuhang negosyo.

Ang mga neoliberal na patakaran sa edukasyon ang pangunahing naghuhulma at nagpapalala sa krisis sa sektor ng edukasyon. Walang ibang dulot ito kundi suhayan ang komersyalisado, kolonyal, elitista at pasistang katangian ng sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi totoong ang mga patakaran ng deregulasyon, pribatisasyon at liberalisasyon ng sektor ang resolusyon sa mababang kalidad at papataas na halaga ng edukasyon.

Sinasalamin ng kakatapos lamang na education summit ni Arroyo, halimbawa, kung paanong higit na pinapaboran ng gobyerno ang mga kapitalista-edukador at malalaking negosyo at dayuhang interes sa halip na bigyang-tugon ang malaon nang mga hinaing ng mga estudyante at guro. Sa katunayan, ni hindi imbitado ang sektor ng mga kabataan at estudyante sa naturang pagpupulong.

Malaki ang pagkukulang at pananagutan ni Arroyo sa sektor ng edukasyon sa pagkiling nito sa mga neoliberal na patakaran sa edukasyon. Sa ilalim ng kanyang panunungkulan naranasan ng sektor ng edukasyon ang pinakamasahol na krisis at pambubusabos.

ISKOLAR NG BAYAN O ISKOLAR NAGBABAYAD?Mismong si Arroyo na ang naghayag sa isang forum noong nakaraang taon kaharap ang mga kinatawan ng pribadong sektor na ang pangunahing tunguhin ng kanyang gobyerno ay ang ‘mas aktibong papel ng mga negosyante at pribadong sektor sa sektor ng edukasyon.’ Nangangahulugan lamang ito ng tuluyan nang pagtalikda ng gobyerno ni Arroyo sa responsibilidad nito sa edukasyon. Para sa mga tinaguriang Iskolar ng Bayan, ang kalapastanganang ito ay nararanasan sa taunang mababang subsidyo sa edukasyon, lalo na sa mga state universities and colleges (SUCs).

Mula nang maluklok si Arroyo sa pwesto noong 2001, napako na sa di hamak na pinakamababang halaga ang badyet para sa edukasyon kumpara sa sa tunay na halaga (real value) nito. (insert data or matrix).

Hindi na maikakaila ng gobyerno na malaking bulto ng responsibilidad ay ipinauubaya na sa pribadong sektor. Itinutulak ng taunang pagbabawas ng pondo para sa edukasyon ang mga SUC na ‘imaksimisa’ at pagkakitaan ang kanilang mga lupain, pasilidad at iba pang pag-aari para makapangalap ng sustento at dagdag-kita. Kaakibat nito ang pagkasangkapan sa mga admisnistrasyon ng mga unibersidad at paaralan upang gawing popular at katanggap-tanggap sa akademya ang ganitong tunguhin. Isang hindi maiwasang rekurso, kung gayon, ang ibukas ang mga SUC at iba pang mga institusyon sa edukasyon sa dayuhang kapital at negosyo.

Kinakaltasan ang Maintenance and Other Operating Expenditures (MOOE) ng mga SUC kada taon kapalit ng mas mataas na badyet para sa militar at utang-panlabas. Sa taunang panukalang badyet, awtomatikong 80 porsyento ang inilalaan para sa pambayad utang-

Page 3: Educ Primer 2008-1

panlabas. Paglabag ito sa isinasaad sa Konstitusyon at maging sa pamantayan ng United Nations na anim na porsyento (6%) dapat ng kabuuang pambansang badyet ang inilalaan para sa edukasyon. Para sa taong ito, halimbawa, P286 bilyon na lamang ang maaaring galawin ng mga mambabatas sa kabuuang P1.227 trilyong pambansang badyet dahil P624 bilyon ay awtomatikong nakalaan na para sa utang-panlabas.

QuickTime™ and a decompressor

are needed to see this picture.

Komersyalisasyon at pribatisasyonPinakamasahol din ang epekto ng taunang pagbaba ng badyet sa edukasyon sa mga estudyante at magulang na pinapatawan ng dagdag-singil sa matrikula at iba pang mga bayarin sa eskwelahan. Noong nakaraang taon ang maituturing na pinakamasahol na taon para sa mga estudyante sa mga SUC na lumobo ang matrikula hanggang sa daan-daang porsyento. Nariyan ang 300 porsyentong pagtaas sa Unibersidad ng Pilipinas (mula P300 tungong P1000 kada yunit), ang halos 600 porsyentong pagtaas sa EARIST, ang nabinbin ngunit patuloy na nakaambang 525 porsyentong pagtaas ng matrikula sa Polytechnic University of the Philippines.

Sa gitna ng kahilingan ng mga estudyante para sa dagdag na subsidyo, itinutulak ng goyernong Arroyo na magtipid at maglunsad ng mga income-generating projects (IGP) ang mga SUC para makalikom ng pondo. Anumang kakulangan sa subsidyo ay marapat na lamang daw punuan ng kanya-kanyang administrasyon. Ani Arroyo, matuto raw umasa sa sarili (self-reliance) ang mga pampublikong eskwelahan para maabot ang ‘fiscal autonomy’.

Lunsaran ng neoliberal ng programa sa edukasyon ang komersyalisasyon at pribatisasyon ng mga SUC at ang pag-abandona ng gobyerno sa responsibilidad dito. Sa pamamagitan ng unti-unting pagbawi sa pinansyal na subsidyo, hinihikayat ng gobyerno ang mga administrasyon na gumawa ng paraang kumita, o di kaya’y kumiling sa suporta ng pribadong sektor.

Page 4: Educ Primer 2008-1

Inilaan, halimbawa ng UP Diliman, ang 163.5 ektarya o 33 porsyento ng kabuuang lupa ng kampus para sa Science and Technology (S&T) Parks. Sa Norte, saklaw nito ang 98.5 ektarya sa Commonwealth Avenue, mula sa Arboretum hanggang sa Iglesia ni Cristo Compound. Sa Silangan naman, 65 ektarya sa C.P. Garcia Avenue.

Ngunit mas masaklaw pa sa mismong S&T facilities ang mga itatayong istruktura para sa layuning komersyal. Kabilang rito ang product manufacturing, hotel, shopping center, supermarkets, gym, swimming pool, theaters, financial institutions, specialty stores, leisure facilities, warehouse, entertainment center, 24-hour helipad, condominium, at nitong huli’y ang pagtatayo ng mga call center sa paligid at loob mismo ng mga unibersidad.

Kabilang rin sa patakarang pribatisasyon maging ang pagdami ng mga financial aid at pautang para sa mga estudyante mula sa mga dayuhang korporasyon at lokal na negosyo sa porma ng mga ‘student loans’ at ‘scholarships.’ Ang iskemang ito, bagamat sa unang tingin ay tila may layuning alalayan ang mga estudyanteng walang kakayanang makapag-aral, ay walang ibang tunguhin kundi ibayo pang suhayan ang pribatisasyon ng mga SUC.

Sa pamamagitan ng paglilipat ng suportang-pinansyal para sa mga pampublikong institusyon papunta sa mga indibidwal na mga estudyanteng ‘qualified’, lalong pinalalalim ng gobyerno ang pag-asa, di na lamang ng mga SUC kundi maging ng mga indibidwal na estudyante, sa pribadong sektor para itaguyod ang kanilang pag-aaral. Nag-aanak ito ng kumpetisyon at indibidwalismo sa mga mag-aaral na siyang katangian pa rin ng konsepto ng ‘malayang pamilihan at kumpetisyon’ sa sistemang globalisasyon.

Rasyunalisasyon at istandardisasyonBahagi ng pagtitipid ng gobyerno ang pagbabawas ng bilang ng mga SUCs. Sa dalawang magkahiwalay na memoranda ng Commission on Higher Education (CHED) noong 1999 at 2000, isasanib sa SUCs ang 86 CHED-supervised institutions (CSI). Kaakibat ito ng programang ‘rasyunalisasyon’ ng gobyerno bilang bahagi pa rin ng gradwal na pag-abandona ng gobyerno sa responsibilidad nito sa mga SUC.

Sa loob lamang ng anim na taon, natapyasan ng 154 ang bilang ng SUCs , mula 264 noong 1998 hanggang 111 na lamang pagsapit ng 2005. Sa halip na dagdagan ang bilang mga SUC para makapag-aral ang mga mahihirap, binabawasan pa ng pamahalaan ang ang mga ito. Sa proseso, tinatanggalan ng karapatan ang maraming kabataang makatuntong sa kolehiyo. Lalo pa’t hindi makakaila ang taunang pagdagsa (exodus) ng mga estudyante mula pribado tungong mga SUC dahil na rin sa patuloy na tumataas ng halaga ng edukasyon.

Isang tinutukoy na pamantayan ng ‘merging’ at pag-phase out sa ilang institusyon ang tinaguriang ‘global competitiveness at requirement’ ng mga kursong ibinibigay ng mga ito. Sa layuning ‘standardization’ o ang tunguhing ituon ang produktong intelektwal, teknikal at human capital (produksyon ng lakas-paggawa) sa hinihingi ng pandaigdigang

Page 5: Educ Primer 2008-1

pamilihan, sinusukat ang kabuluhan at dahilan ng pag-iral ng mga SUC ayon sa dami ng bilang ng mga gradweyt nito na makaambag sa patakarang globalisasyon. Mas binibigyang-tuon at prayoridad, halimbawa, ang mga kursong nakatuon hindi para sa magpapaunlad ng mga industriya ng bansa kundi para sa kasanayang hinihiling (in demand) sa pambansang pamilihan. Pinakamatingkad na marahil ang pahayag ni Arroyo na balak ng kanyang administrasyon na maglaan ng mas malaking pondo para sa nursing courses ng UP para sa taong ito.

Ang rasyunalisasyon ng mga institusyong akademiko ay walang ibang layunin kundi ibaling ang oryentasyon ng mga SUC na gampanan ang dikta para sa produksyon ng isang highly skilled labor force na magsisilbi para sa dayuhang interes.

EDUKASYON BILANG NEGOSYODahil pa rin sa pangkalahatang neoliberal na patakaran sa ekonomiya, malaon nang itinuturing ang sektor ng edukasyon bilang malaking negosyo.

Aabot sa 952 pribadong kolehiyo at unibersidad ang itinayo para sa layuning kumita. Kabilang sa malalaking negosyanteng namumuhunan at kumikita nang malaki sa edukasyon sina Lucio Tan (University of the East); Alfonso Yuchengco (Mapua Insitute of Technology); Henry Sy (Asia Pacific College) at Emilio Yap (Centro Escolar University).

Pumasok sa UE si Tan noong 1990. Itinuturing si Tan bilang pinakamayamang negosyante sa Pilipinas, na may personal net woth na $1.5 billion. Kabilang sa kanyang mga pag-aari ang Fortune Tobacco, Asian Breweries, Allied Bank at Philippine Airlines.Nabili naman ng Yuchengco Group of Companies (YGC) ang MIT noong 1999. Dati itong buong pag-aari ng pamilya ni Don Tomas Mapua. Pag-aari ng YGC ang Malayan Insurance, Great Pacific Assurance Life Corp. at ang Rizal Commercial Banking Corporation.

Ka-partner naman ng IBM si Henry Sy sa Asia Pacific College. Si Sy ang pinakamalaking retailer sa bansa. Tagapangulo siya ng SM Group at may revenues na $1.7 bilyon. Samantala, nakuha naman ni Emilio Yap ang 94 milyong sapi, o 27 porsyento ng Centro Escolar University sa halagang P761 milyon. Kasama ang mga Echauzes, orihinal na may-ari ng CEU, kontrolado ni Yap 55 porsyento ng naturang eskwelahan. Si Yap ang tagapangulo ng Philippine Trust Co., tagalathala ng Manila Bulletin at may-ari ng Manila Hotel.

Habang tila investment sa negosyo naman ang pagbibigay ng Gokongwei Brothers Foundation at Gokongwei Group of Companies ng P200 milyon sa School of Management ng Ateneo de Manila University noong 2001. Nagbigay din ito ng donasyon sa University of San Carlos sa Cebu, Xavier School, De La Salle University, Sacred Heart School at Immaculate Concepcion Academy.

Nabibilang sa mga nangungunang korporasyon ang ilang malalaking eskwelahang pribado. Sa pagtatapos ng taong 2003, siyam na eskwelahan ang napabilang sa top 1000

Page 6: Educ Primer 2008-1

corporations. Tinatayang P1.13 bilyon ang pinagsama-samang kita ng mga ito noong taong 2005. Gayundin, nananatiling dominado ng pribadong sektor ang sektor ng edukasyon. May 1,231 pribadong kolehiyo at unibersidad samantalang 111 na lamang ang natitirang SUCs (updated ba ito?).

Ngunit sa kabila nito, papaliit ang enrolment rate sa mga pribadong pamantasan. Sa ulat ng Asian Development Bank (ADB) noong Oktubre 2002, 90 porsyento ng mga estudyante sa kolehiyo ang nag-aaral sa mga pribado noong dekada 80. Dumausdos ito sa 74 porsyento pagsapit ng 2001. (Sanggunian: Top Moneymakers, Graphic December 2003 issue)

Noong taong 2000, 21 eskwelahan ang napabilang sa Top 5,000 corporations na may pinagsama-samang revenues na P5.44 bilyon at P779.24 milyong profit. Dahil sa malaking kita sa mga pamantasan, hindi kataka-taka ang pagdami ng mga eskwelahang pribado. Sa loob lamang ng nakalipas na 14 taon, 595 ang itinayong mga pribadong eskwelahan, mula 636 noong 1992, naging 1,231. Kabilang na rito ang mga pamantasang nag-oopereyt kahit walang permiso mula sa gobyerno. Aminado maski ang Commission on Higher Education (CHEd) na hindi na nito mapigilan ang mala-kabuteng pag-usbong ng mga eskwelahang walang lisensya para tumakbo. according to Alvin may updated top 5,000 corporations na raw, 2006 yata. Insert na lang.

Naglipana rin ang mga samu’t saring review center para sa mga aplikanteng nais magtrabaho sa mga call center, gayundin ang mga vocational school para sa caregiving, at ang mga tinaguriang ‘diploma mills’ para sa kursong nursing. Ang mga ito ay bunga pa rin ng patakaran ng pamahalaan para sa mabilisang re-skilling ng mga manggagawang higit na mapagkakakitaan sa pandaigdigang pamilihan.

Mataas na halaga ng edukasyonAt dahil primarya ang pagkamal ng tubo, patuloy ang walang-habas na pagtaas ng matrikula sa mga edukasyunal na institusyon.

Year Total number

of PHEIs

# of schools

increasing tuition

Percent of total

Average %

increase in tuition

Average increase in

PesoEquivalent/unit

Tuition Fee

Rate/Unit (in schools w/ tuition

inc.)1997-98 1,008 399 39.58 16.33 28.281998-99 1,008 387 38.39 16.03 23.941999-00 1,142 544 47.63 16.00 36.472000-01 1,153 426 36.95 13.11 33.982001-02 1,175 422 35.91 12.33 33.81 257.412002-03 1,271 383 30.13 11.74 34.49 308.502003-04 1,280 358 28 11 32.48 323.642004-05 1,321 381 28.84 11.37 33.15 334.892005-06 1,347 305 22.64 11.58 36.38 350.55

Page 7: Educ Primer 2008-1

2006-07* 1,428 390 27.31 9.53 31.04 350.27*CHED issued a memo in May 2006 disallowing tuition increases above 7.6%,

thus a refund ensued in many schools; this data was released by CHED last year to the House Committee on Higher and Technical Education, June 2, 2006.

Batay sa 2005 pag-aaral ng Philippine Education Sector Study (PESS), P22, 200 ang karaniwang kinokolekta ng mga pribadong paaralan para sa matrikula at iba pang mga bayarin. Sumisingil naman ng P65,000 ang mga ekslusibong pamantasan. Habang sa mismong ulat ng CHEd para sa mga academic years 1999 -2000 hanggang 2003-2004, 64.16 porsyento ang itinaas ng matrikula sa mga pribadong pamantasan. Sa taong ito, ______, tinatayang (average) ______. Ang NCR ang may pinakamataas na average tuition rate per unit (insert data). Para sa regular 21-unit load, nagbabayad ang mga estudyante ng _______kada semestre para sa matrikula pa lamang.

Kaya naman di kataka-takang taunan ding lumiliit ang bilang nakakatapos ng pag-aaral kung ikukumpara sa enrollment rate bawat taon. Sa nakaraang pitong academic years, hindi aabot sa 18 porsyento ang nakakagradweyt sa pitong kursong may pinakamalalaking bilang ng enrollees.

NUMBER OF ENROLEES VS NUMBER OF GRADUATES1994-1995 to 2001-2002

DISCIPLINE/ENROLLED GRADUATES % OF GRADUATESBusiness Administration 616,290 84,970 13.79Education and Teacher Training 362,008 44,870 12.39Engineering and Technology 329,749 37,226 11.29Math and Computer Science 186,641 23,622 12.66Medical and Allied 186,524 32,422 17.38Agriculture and Forestry 75,910 10,699 14.09Social and Behavioral Science 50,880 7,676 15.09

Ayon din mismo sa CHED, sa 1,000 tumutuntong sa kolehiyo, 300 lang ang nakakatapos at 50 lamang ang napahihintulutang kumuha ng board exams.

Di makatwiranLantaran ang paglabag ng mga pribadong eskwelahan sa itinakdang incremental proceeds ng pagtaas ng matrikula.

Ayon sa batas, 70 porsyento ng pagtaas ng matrikula ay dapat ilaan sa pagtaas ng sweldo ng mga guro at kawani sa mga eskwelahan, 20 porsyento para sa mga pasilidad at 10 porsyento lamang ang return of investment. Ngunit kadalasa’y nakapako ang sweldo ng mga guro sa mga pribadong pamantasan sa kabila ng walang tigil na pagtaas ng matrikula. Ayon sa PESS noong 1998, mas mataas ng 70 porsyento ang sweldo ng mga guro sa mga pampublikong pamantasan kumpara mga guro sa mga pribadong eskwelahan.

Kwestiyonable rin maging ang 20 porsyentong dapat ilaan sa pagsasaayos ng mga pasilidad. Wala pa yatang estudyante ang nagsabing bago at kumpleto ang mga pasilidad

Page 8: Educ Primer 2008-1

at gamit sa laboratoryo sa kanilang mga eskwelahan. Bukod dito, sa halip na kunin na ito sa itinaas ng matrikula, sinisingil pang muli ang mga estudyante sa pamamagitan ng miscellaneous at other fees.

Ang ibang mga eskwelahan pa nga’y naglalagay pa ng naglalakihang streamers na “No tuition increase!” ngunit hindi nila ipapaalam, hangga’t maaari, na magtataas naman ng iba pang mga bayarin sa eskwelahan. Mas paborable sa mga may-ari ng paaralan ang ganitong taktika. Ligtas na sa paglulunsad ng konsultasyon – dahil hindi ito saklaw ng CHED memorandum no. 13, ang gabay at pamantayan na ipinatutupad ng CHED para sa pagtataas ng matrikula – kaya kaya pa nilang itago ang mga nasabing bayarin. Sa maraming kaso, walang ipinapakitang breakdown ng miscellaneous fees.

MISCELLANEOUS FEES (2004 – 2005)Item Ave. Cost Ave. % of hikeRegistration P263.84 14.22Library P300.66 15.94Medical/dental P156.76 12.64Athletics P136 .45 16.14Audio Visual P227.67 12.74Guidance P179.35 12.48Laboratory P592.59 13.13NSTP P322.20 15.92ID P118.12 28.67Source: OSS, CHED (144 schools in 10 regions)

(insert data/case study ng miscellaneous fees sa mga schools natin)

De-kalidad?Lagi’t laging dinadahilan ng mga may-ari ng mga eskwelahan na sadyang mataas ang halaga ng edukasyong de-kalidad. Ngunit ano nga bang kalidad ang kanilangtinutukoy?

Sa Asiaweek surveys of 77 best universities noong 2000, ika-48 lamang ang UP (may mas updated pa yata dito, mas mababa na ang UP?), pinakamataas na sa Pilipinas. Tatlo na lamang ang nakasali pa rito—De La Salle University (ika-71), Ateneo de Manila University (ika-72) at UST (ika-74). Noong dekada 70, isa ang Pilipinas sa mga nangunguna sa kalidad sa edukasyon, ayon mismo sapag-aaral ng ADB.

Ayon pa sa 1995 Task Force on Higher Education, “College education in the Philippines is comparable to top science high schools in the country and regular secondary education in Europe and Japan.” Ngunit masasalamin sa mismong mga resulta ng taunang licensure examinations ang uri ng ‘de-kalidad’ na edukasyong kanilang ipinagmamayabang. Sa talaan sa ibaba, pinakamababa ang average passing percentage ng Accountancy mula 1997 - 2001, aabot lang sa 18.40 porsyento. Pinakamataas na ang 66.40 porsyento ng Medicine.

Page 9: Educ Primer 2008-1

Ave. Passing Percentage in Licensure Exams 1997 – 2001COURSE %Accountancy 18.40Chemical Engineering 39.40Civil Engineering 30.00Electrical Engineering 38.80Electronics & Communication Eng’g 48.20Mechanical Engineering 41.00Dental Medicine 31.00Medicine 66.40Nursing 52.00Occupational Therapy 60.40Physical Therapy 25.40

Source: Professional Regulatory Commission

Lumalabas na sa loob ng magkakasunod na limang taon, may 35 pamantasan ang nakakuha ng zero-passing rate sa BS Accountancy, 28 sa BSC/ BSBA Accounting, walo sa Secondary Education at tatlo sa BS Nutrition and Dietetics.

CHED: Ahente ng sabwatang kapitalista-edukador at ni ArroyoAng CHED, ang ahensya ng gobyernong marapat mangalaga sa interes ng edukasyong tersaryo, ay malinaw na pumapanig sa mga pribadong mamumuhunan o mga kapitalistang nagpapanggap na edukador.

Mabilis pa sa alas-kuwatro kung aprubahan ng CHED ang aplikasyon ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad para sa pagtataas ng matrikula. Kahit pa may nakabinbing reklamo, kahit deadlock ang konsultasyon sa pagitan ng administrasyon at ng mga estudyante, kahit maingay at malawakan ang protesta sa loob at labas ng mga kampus, maasahang agad na aayon ang CHED sa lahat ng panukala ng mga may-ari ng mga eskwelahan.

Matingkad na halimbawa nito ang pagbawi ng CHED sa inamyendahang CHED Memorandum Order 14 na nagsasaad ng ‘tuiton cap’ sa pagsingil sa matrikula. Sa pamamagitan ng CMO 14CMO 42 na siyang amyenda sa CMO 14, hindi na maaaring magtaas ng matrikula ang mga kapitalista-edukador ng mas tataas sa inflation rate. , habang hindi na kailangan pang dumaan sa konsultasyon ang mga pagtaas na mas mababa naman dito. Bagamat nangahulugan ito ng awtomatikong pagtaas ng mga matrikula hanggang sa inflation rate noong 2006-2007, umalma ang mga kapitalista-edukador sa panukalang ito dahil nalimitahan ang kanilang kita. Sa CMO 14 din, kabilang na sa panukala maging ang mga miscellaneous and other fees. Sa kabila ng inabot na tagumpay ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tuition cap at pagbabalik ng konsultasyon sa lahat ng antas ng increase, ay umalma ang mga kapitalista edukador sa panukalang ito dahil nalimitahan ang kanilang kita. Dahil dito, arbitraryong sinuspinde ng walang pasabi-sabi ng CHED ang CMO14 at CMO 42 at ibinalik ang CHED Memorandum 13 kalagitnaan ng mga tuition consultations para sa taong pang-

Page 10: Educ Primer 2008-1

akademiko 2007-2008 noong nakaraang taon.

Sa CMO 13, malaya muling makapagtataas ng matrikula ang mga kapitalista-edukador ng walang anumang tuition cap. Gayundin, hindi na kailangan pa ng konstultasyon para sa pagtaas ng miscellaneous and other fees. Balik sa dati at tuluyan nang isinantabi ang inabot ng mga dialogue at reklamo ng mga estudyante noong nakaraang taon.

Gagawin nitong lehitimo ang pagpataw ng pagtaas ng matrikula kahit hindi makatwiran ang mga batayan ng administrasyon ng mga pamantasan. Dahil ligtas sa konsultasyon, makakalusot ang mga posibleng abuso at lalong mawawalan ng transparency kaugnay sa matrikula at mga bayarin. Suma-total, lumalabas na pinaninindigan lamang ng CHED ang papel nito bilang tagpagtanggol at tagapagsalita ng mga kapitalistang nagpapanggap na edukador.

EDUKASYON PARA SA DAYUHANSa kaibuturan ng krisis makikita ang tunay na kalagayan ng edukasyong Pilipino: komersyalisado, kolonyal at elitista. Ito ang katangian ng edukasyong itinataguyod ng mga nakaraan pang rehimen at ngayong ipinagpapatuloy ni Arroyo. Patunay dito ang patuloy na pagpapatupad ng mga pangmatagalang programang umaaayon sa ganitongoryentasyon. Kung pag-aaralan kung ano ang pangmatagalang tanaw ng pamahalaan sa edukasyon, mauunawaan kung bakit hindi makaalpas ang sektor sa krisis.

• Education Act of 1982 ang isa sa mga matagal ng salarin sa paglala ng krisis sa sektor, na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal at napag-aaralan. Itinutulak ng batas ang tuwirang pagdederegulisa sa pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa loob ng mga paaralan at pamantasan.

• Long Term Higher Education Development Plan (LTHEDP)2001-2010. Binalangkas ito ng CHED upang gabayan ang direksiyon ng higher education sa bansa ngayong dekada. Kailangan daw maging angkop ang edukasyon sa ating “knowledge-based economy” ngayong nasa panahon na tayo ng “borderless education.” Balak ding idebelop ang isang service-oriented higher education na magbubunsod ng kasiglahan sa ating ekonomiya.

• Restructured Basic Education Curriculum (RBEC). Ang solusyon ng DepEd sa mababang kalidad ng edukasyon ay ang pagbabago ng kurikulum sa elementarya at hayskul. Lima na lang ang core subject ng mga estudyante: English, Science, Math, Filipino at Makabayan – pinagsama-samang araling panlipunan, musika, PE, health, at technology and home economics. Sa paglabnaw ng pagtuturo sa kasaysayan at ng lahing Pilipino, higit nitong patitingkarin ang kolonyal na oryentasyon ng edukasyon sa bansa. Palibhasa’y ang kailangan lamang ng mga korporasyong multinasyunal ay mga mangagawa na kaunti lamang ang kasanayan kung kaya’t kahit ang isang holistikong edukasyon ay isasakripisyo ng pamahalaan.

Malinaw na ibinabalangkas ng gobyerno ang sistema ng edukasyon ng bansa sa mga patakarang deregulasyon, liberalisasyon at pribatisasyon sa ilalim ng bandera ng

Page 11: Educ Primer 2008-1

imperyalistang globalisasyon. Maging ang edukasyon ay nakaamba ng isuko sa kasunduang General Agreement on Trades in Services (GATS) sa WTO. Walang ibang pinagsisilbihan ang mga patakarang ito ng gobyerno kundi ang mga malalaking negosyanteng kasapakat ni Arroyo at mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Sa kabilang banda, sangkatutak na perwisyo ang idudulot nito sa mga kabataan at patuloy na pagsidhi ng krisis ng edukasyon sa bansa.

Produksyon ng lakas-paggawa para sa dayuhanMapapansing ang mga pangunahing patakaran ng gobyerno sa edukasyon ay nakabatay sa mga rekomendasyon ng foreign lending institutions gaya ng IMF, WB at ADB. Sistematiko ang panghihimasok ng mga nasabing institusyon sa sektor ng edukasyon sapagkat nakataya rin dito ang pang-ekonomiyang interes ng mga dayuhang korporasyon.

Ito ang paliwanag sa mga donasyon ng IMF, WB at ADB sa sektor ng edukasyon ng Pilipinas. Ginagawang pabrika ang mga eskwelahan ng mura at kiming lakas paggawa para sa mga multinational corporations (MNCs). Nakasaad mismo sa ADB Country Strategy and Program Update 2002 – 2004, “To upgrade skills and raise productivity for global competition, ADB will support programs to increase access to and quality of basic education, enhance teacher development, improve resource allocation across the sector and rationalize and strengthen higher education.”

Sa parehong papel, maglalaan ang ADB ng $50 milyong pautang para sa Mindanao Basic Education Development Project, $75 milyon para sa Education Sector Program; $53 milyon para sa capital resources ng Secondary Education Development and Improvement Project; $25 para sa Technical Education and Skills Development Project at $19 milyon para sa Fund for Technical Education and Skills Development.

Binalangkas at binigyan din ng malaking badyet ng WB ang Third Elementary Education Project ng Pilipinas. Mula 1982-1996, nagbigay ang WB ng $385 milyon at 2/3 nito ay inilaan para sa elementarya at edukasyong bokasyonal. Lohikal ang pagdidiin sa batayang edukasyon at edukasyong bokasyonal-teknikal sapagkat sasapat na ang mga ito para maging epektibong semi-skilled workers para sa MNCs.

(baka pwede mas mainam na paliwanag ay yung mga rekom ng WB, IMF, ADB na bawasan ang subsidy ng mga SUCs. I-link ang rbec sa dikta ng dayuhan. Tapos karamihan ng loans, corruption-tainted)

Labor export policy. Sa balangkas ng labor export policy ng gobyerno dinidireksyunan ang edukasyon at training system ng kabataang Pilipino – ang tumugon sa global demand for skills. Kaya naman, lagi’t laging sinasambit ng CHED, DepEd, TESDA, DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno, pati na ng mga may-ari ng mga eskwelahan, ang global competitiveness.

Pangunahing turol ngayon ng gobyerno ang labor export policy. Tinawag ni Arroyo na overseas Filipino investors ang overseas Filipino workers. Sa esensya, deklarasyon ito ng pagbaling sa labor migration bilang mayor na patakaran sa ekonomiya. Pinakamataas ang

Page 12: Educ Primer 2008-1

empleyong nalilikha ng overseas employment. Mahigit 10 milyong Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa 192 bansa. Tinatantyang 3,400 manggagawang Pilipino ang umaalis ng bansa bawat araw para makipagsapalaran sa ibang bansa. Kalakhan sa mga ito ay mga kabataang skilled professionals tulad ng mga guro, nars at doktor na naghahangad makahanap ng trabaho sa ibayong dagat.

Sa tantya ng United Nations, $12-15 bilyon ang dollar remittances ng mga OFWs bawat taon. Sinasalba nito ang bangkaroteng ekonomiya ng bansa. Ngayo’y ipinagmamalaki ni Arroyo na tumaas daw ang Gross Domestic Product – naabot na ang pinakamataas na bilang nito sa loob ng 31 taon kahit pa mataas ang bilang ng walang trabaho at kulang ang trabaho. Ito ay dahil tumataas ang private consumption (kakayahang bumili) ng mga pamilya ng mga OFW at dahil sa patuloy na pagdagsa ng OFW remittances. Anim na porsyento ng pamilyang Pilipino ang nakakatanggap ng kita mula sa ibang bansa at anim sa bawat sampung pamilyang ito ang naninirahan sa mga lungsod. Gayunpaman, tiyak na maapektuhan ng nakaambang resesyon sa US at iba pang bansang First World at ng pandaigdigang krisis sa langis ang pigurang ito sa mga susunod na buwan. Patunay lamang ito na para sa isang bansang import-dependent at export-oriented na tulad ng Pilipinas, hindi pamantayan ng pag-unlad ng ekonomiya ang ipinagmamayabang ng gobyerno na pagtaas ng GDP o di kaya’y ang pagtaas ng halaga ng piso.

Inilalako sa napakababang halaga ang lakas-paggawa ng bansa. Pagpapatuloy lamang ito ng istorikal na paninikluhod ng gobyerno sa dayuhang interes—mula sa pagluluwas ng murang hilaw na materyales tungo sa pagluwas ng mamamayang Pilipino bilang kalakal.Isang kongkretong halimbawa nito ang pagdami ng mga eskwelahang nakatuon sa kursong nursing. Ayon sa datos ng Health Alliance for Democracy (HEAD), dumami ng mahigit 200 porsyento ang bilang ng mga nursing schools sa bansa mula taong 2003:

Taon Bilang ng nursing schools1970s 401990s 170Hunyo 2003 251Abril 2004 370Hunyo 2005 441Hunyo 2006 470

Ayon pa sa HEAD, ang Pilipinas na ang nangungunang exporter ng mga nars sa buong mundo. Tinatayang 85 porsyento ng mga Pilipinong nars, o mahigit 150,000 ang nagtatrabaho sa ibang bansa. Habang 70 porsyento naman ng mga gradweyt ng nursing ang nagtatrabaho sa ibayong dagat. Noong 2001, 13,536 nars ang umalis ng bansa, lumobo ito ng 50,000 mula 2000-2003. Hindi pa kasama rito ang mga doktor at mga tinaguriang ‘second-coursers’ na umalis na bansa para magtrabaho bilang mga nars o mga ‘nursing aids.’ Call centers. Ipinagmamalaki rin ngayon ng matataas na opisyales ng gobyerno ang call center services bilang isa sa mga umuunlad na industriya sa bansa. Sa kasalukuyan, may mahigit 20 dambuhalang call centers na sa Pilipinas at kulang-kulang _______ ahente).

Page 13: Educ Primer 2008-1

Mula 2000 hanggang 2001, lumaki ito ng 200 porsyento at lumaki pa ang revenues sa $864 milyon pagsapit ng 2004. (very outdated figure)

Ang call center ay isang central customer service program kung saan tumatanggap ng mga tawag ang mga ahente sa ngalan ng mga kliyente. Kabilang sa kanilang inilalako ang mail-order catalog houses, telemarketing companies, computer product help desks, banks, financial service and insurance groups, transportation and freight handling firms, hotels at IT companies. (inaccurate, lumang BPO ito)

Dumagsa ang call centers sa mga bansang Third World gaya ng sa Pilipinas dahil sa papamahal ng gastos sa negosyo sa mga industriyalisadong bansa. Bunga nito, may mga itinatayo nang call center training schools sa Pilipinas. Partikular na diin ang ibinibigaysa English, Math at Science. Nauna rito ang Call Center Academy sa Pasig City, at ngayo’y nagtatayo na ng mga mga call center training centers sa mga pamantasang tulad ng PUP.

Hinihikayat ng mga opisyal sa industriya ang paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa batayang edukasyon upang mapanatili raw ang bentahe ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Ngunit lubhang mapagsamantala ang kalakaran sa mga call centers. Kontraktwal ang karamihan ng mga empleyado. Mahaba ang oras ng trabaho, karaniwa’y sa gabi hanggang madaling araw upang makasabay sa oras sa Amerika o sa anumang bansa. Wala rin sa kalahati ang sweldo ng mga Pilipino kumpara sa kanilangcounterparts sa mga bansang industriyalisado.

Muli, tumutugma ang mga ‘reporma’ sa edukasyon sa pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon. Noong nakaraang taon, halimbawa, inutos ni Arroyo na Ingles ang gamiting midyum sa instruksyon sa mga paaralan para lalo pang bigyang-hilig ang demand ng mga call center sa bansa.

Hindi kaiba ito sa pamamayagpag naman ng TESDA sa pagtataguyod ng mga kursong voc-tech para sa paglikha ng mga ‘Supermaids’ ni Arroyo.

PASISMO NI GLORIA, TAGOS HANGGANG ESKWELAAng neoliberal na patakaran sa edukasyon ay may kaakibat na panunupil at pasismo. Lantaran ang pagsasantabi sa mga demokratikong karapatan ng mga estudyante sa loob at labas ng mga pamantasan.

Sadyang pinananatiling kimi o hindi naman kaya’y pinatatahimik ang mga estudyanteng tumututol sa pagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin at iba pang mga neoliberal na patakaran sa edukasyon. Mistulang batas militar ang pinaiiral sa maraming pamantasan. Nilalabag ang karapatan sa malayangpaggalaw; malayang pamamahayag (freedom of speech and expression); karapatan na makapag-organisa (right to organize).

Tinutugis na parang kriminal ang mga aktibistang estudyante sa mga kolehiyo at unibersidad. Sinusupil ang kalayaan sa pamamahayag. Kabilang rito ang non-mandatory collection, withholding of funds, intervention in editorial exams, suspension/expulsion of

Page 14: Educ Primer 2008-1

editors/writers, verbal harassment, libel cases hanggang pagpapasara ng mga publikasyong pangkampus at mga konseho ng mga mag-aaral.

Sinasara ang mga konseho ng mag-aaral at publikasyon kapag lumalagpas ang mga ito sa “nararapat” na lebel ng pagtutol sa patakaran ng eskuwelahan. Ilang kaso na ang naitala natin ng tuwirang pakikialam ng administrasyon sa eleksiyon ng mga konseho upang matiyak na ang mga susunod na lider-estudyante ay hindi lalaban sa kanila.

Binabastos ang awtonomiya ng mga publikasyon dahil hindi pinapayagan ang paglalabas ng mga artikulong may bahid ng aktibismo o reklamo sa pulisiya ng eskuwelahan. Gamit ang Campus Journalism Act of 1991 o RA 7079, naging lehitimo ang panggigipit sa pinansya at pagyurak sa editorial autonomy ng mga pahayagan.

Hindi iginagalang ang karapatan ng mga mag-aaral. Kung babasahin ang nilalaman ng mga student handbook ay mga probisyong taliwas sa diwa mismo ng Pambansang Konstitusyon. Nilalabag ang kalayaan sa pamamahayag dahil bawal ang magrali o magkaroon ng asembliya na kumukontra sa patakaran ng eskuwelahan. Iniipit ang mga organisasyong palaban at maraming paaralang ipinagbabawal ang mga fraternity at sorority. Nagiging gawi ngayon ng mga eskuwelahan ang pag-isyu ng mga waiver sa mga freshmen na binabalaan silang huwag suportahan o sumali sa mga organisasyong may posturang palaban sa administrasyon kundi sususpendihin o patatalsikin sila sa eskuwela.

Maraming fraternities, sororities at mga progresibong organisasyon ang hindi kinikilala ng mga administrasyon. Sa ibang mga pamantasan, may direktang kolaborasyon sa militar para sistematikong supilin ang mga kritikal na estudyante. May student intelligence networks (SIN) sa ilalim ng ROTC na nagmamanman sa mga aktibidad ng mga militanteng organisasyon. Sa kasalukuyan, tahasan ding ipinapanukala ng AFP at ni Arroyo ang pagbabalik ng mandatory ROTC sa lahat ng mga kolehiyo’t unibersidad.

Marahas na binubuwag ang mga rali laban sa mga neoliberal na patakaran sa edukasyon sa loob o labas man ng kampus. Pinakahuling patunay dito ang marahas na pagbuwag sa kilos-protesta ng mga estudyante at guro sa nakaraang education summit na ipinatawag ni Arroyo ngayong taon. Apat na estudyante at dalawang guro ang iligal na inaresto at ikinulong gayong ang tanging hangad ng mga nagprotesta na iparating ang kanilang mga hinaing sa bulok na sistema ng edukasyon sa bansa. Nakagagalit ring tila sinadyang i-etse-pwera ng gobyerno ang sektor ng estudyante sa naturang summit gayong ito ang pangunahing maapektuhan ng mga patakaran sa edukasyon.

Makailang ulit ding malisyosong iniuugnay sa Communist Party of the Philippines at New People’s Army ang mga militanteng organisasyon ng mga estudyante. Layon nitong tanggalan ng kredibilidad at siraan ang mga estudyanteng naggigiit lamang ng karapatan sa edukasyon at iba pang demokratikong karapatan.

Tumindi ang represyon sa mga kampus mula nang ibinandila ng pamahalaan ang panatikong kampanya nito kontra-terorismo. Inakusahan ng pulis ang mga eskuwelahang kinikilusan ng mga progresibong organisasyon bilang pugad daw ng mga komunista at

Page 15: Educ Primer 2008-1

high-risk sa atake ng mga terorista. Kinundisyon ang mga mag-aaral sa kapkapan ng katawan at bag pagpasok ng eskuwelahan, pagdami ng mga pulis at militar sa paligid ng kampus at pagkakaroon ng ID system para makapasok sa mga kampus. Unti-unting ginagawang garison ang mga paaralan na unibersidad na dati’y lunsaran ng malayang pamamahayag at kritikal na pananaw at debateng panlipunan.

Ilang estudyante at guro rin ang naging biktima ng mga pampulitikang pamamaslang, sapilitang pagkawala, pananakot at panunupil ng militar.

ANG TUGON NG KABATAAN: SAMA-SAMANG PAGLABAN SA NEOLIBERAL NA MGA PATAKARANAng neoliberalismo ang bagong mukha ng pinakamasahol na krisis ng edukasyon Pilipino sa kasalukuyan. Ito ang salaring pilit na nagtatransporma sa sistemang edukasyon upang higit na kumiling sa paghahari ng globalisasyon at pribadong pag-aari.

Sa panahong kumakaharap ang sistema sa edukasyon sa pinakamasahol na krisis, may kagyat na pangangailangang palalimin ang pagsusuri ng mga edukador, propagandista, estudyante at malawak na hanay ng kabataan at mamamayan upang tutulan ang marahas na atakeng dulot ng neoliberalismo ng edukasyon. Para lubos na maunawaan ito, kinakailangang laging isaisip na ang sektor ng edukasyon ay isang biktima lamang ng malawak na patakarang pang-ekonomiya ng pangkalahatan. Na matindi at higit ang pagbayo ng mga patakarang neoliberal ng gobyerno sa kabuhayan, kalusugan, edukasyon at iba pang mga batayang serbisyong panlipunan at karapatan ng mamamayan.

Obhetibo ang kasalukuyang kalagayan ng sistema ng edukasyon upang malikha ang isang malawak at popular na kilusang aktibong tututol sa neoliberal na mga patakaran ng rehimeng Arroyo. Gayundin, nananatiling kanugnog nito ang pagkakaisa at pakikipagkaisang umuusbong sa hanay ng mga kilusang kabataan at mamamayang lumalaban sa imperyalistang globalisasyong neo-liberal sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Bagamat bagong mukha itong nananalanta sa edukasyong Pilipino, napatunayan na sa sistemang edukasyon sa iba pang mga neoliberal na gobyerno sa buong mundo na bigo at walang totoong pag-unlad sa kaayusang ito. Ang tuwirang panunuot ng pwersang pamilihan sa sektor ng edukasyon ang pangunahing ugat kung bakit ang edukasyon, kaalamang akademiko at maging ang mga estudyante ay natatransporma bilang negosyo o kalakal. Ang anumang mga ideyal na pakinabang ng edukasyon para sa pambansang kagalingan ay naisasantabi sa ngalan ng pagkamal ng malaking tubo.

Sa ganitong kalagayan, higit na mas makatwiran ang panawagan para sa isang Makabayan, Siyentipiko at Makamasang Edukasyon (MSME).

MakabayanAng isang makabayang edukasyon ay tumutugon sa pangangailangan ng bansa. Ito ay tumutulong sa pag-unlad ng ekonomiya at nagpapaunlad ng sining at kulturang Pilipino. Kung nakabatay ang ating ekonomiya sa agrikultura, kailangang nakapokus ang edukasyon sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng ating agrikultura. Gayundin, ito ay

Page 16: Educ Primer 2008-1

dapat tumutugon sa pangangailangan ng mayorya ng mamamayang Pilipino.

Kapansin-pansin ang pagbibigay-diin ng mga paaralan natin sa pangangailangan ng ibang bansa. Laganap ngayon ang mga computer schools, caregiver centers at nursing schools at pati mismo ang mga sikat na paaralan ay nag-aalok na ng caregiver courses dahil ito ang pangangailangan ng ibang bansa.

Sa katunayan, ayon pa rin sa HEAD, ang 50,000 nars na umalis ng bansa sa loob ng apat na taon ay di hamak na mas malaki kaysa sa bilang ng mga nars na nasanay sa loob ng parehong panahon (20,000). Kalakhan sa kanila ay nagtatrabaho sa mga bansang USA, United Kingdom, Saudi Arabia, Ireland at Singapore.

Siyentipikong EdukasyonKailangan ang isang siyentipikong edukasyon tungo sa direksiyon ng pambansang industriyalisasyon. Magiging syentipiko lamang ang edukasyong Pilipino kung ang mga nilalaman nito ay makatotohanan, walang itinatago at walang pinagtatakpan upang makapaglingkod sa isang tao o grupo.

Ipinagkait ang syentipikong pag-aaral mula pa nang itayo ang mga paaralan noong panahon ng mga Kastila. Sa panahong ito pinagtakpan ng mga doktrinang itinuturo ng simbahang Katoliko sa pamamagitan ng kanyang mga paaralan at simbahan ang tunay na nagdudulot ng kahirapan ng mamamayan – ang pananakop ng mga Kastila at ang pagsasamantalang pyudal. Sinundan din ito ng mga Amerikano at ipinalaganap ang kaisipang kolonyal at pagbabawal ng kaisipang makabayan. At hanggang sa kasalukuyan, itinuturing pa ring tagapagligtas ang Amerikano at pinaparatangang subersibo ang anumang babasahin na tumutuligsa sa sistemang pinapairal ng US at ng papet na gobyerno nito sa bansa.

Kailangang maging siyentipiko ang pag-aaral ng mga bagay-bagay lalung lalo na ang social sciences at iwaksi ang mga kuru-kuro at kasinungalingan bahagi ng kasaysayan na itinuturo sa mga paaralan. Ang paggamit ng mga akdang tunay na naglalahad ng kalagayan ng bansa at mga tamang datos ang siyang dapat gamitin at dapat ng ibasura ang mga akdang rekomendado ng IMF-World Bank at ibang pang aklat na nagtatago ng kasalanan ng US sa mamamayang Pilipino.

Makamasang Sistema ng EdukasyonMilyun milyong kabataan ang hindi makapasok sa mga paaralan. Ito ay tanda nang hindi pagiging makamasa ng edukasyon sa Pilipinas. Kailangang tunay na kilalanin ang edukasyon bilang karapatan ng mamamayan at hindi para lamang dun sa may kayang makapagbayad nito. Upang umunlad ang bansa, higit na kailangan ang isang pangmasang edukasyon.

Kongkretong nakabalangkas sa ‘8-point Education Reform Agenda’ na inihanda ng mga organisasyon ng kabataan-estudyante at guro ang sumusunod:

1. Dagdag pondo para sa edukasyon.

Page 17: Educ Primer 2008-1

2. Ang paggamit sa Filipino bilang medium of instruction bilang mahalagang salik sa pagpapataas ng kalidad ng kaalaman at komprehensyon ng mga estudyante; at hindi ang paggamit ng Ingles na nakatuon lamang sa pagpapasidhi ng kolonyal na katangian ng sistema ng edukasyon.3. Pagtaguyod sa kapakanan at kagalingan ng mga guro sa bansa.4. Pagtigil (moratorium) sa pagtaaas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa eskwelahan.5. Pagtaguyod at pagpapayaman sa isang makabayan at makabuluhang kurikulum na magsisilbi sa pangangailangan ng bansa at hindi sa dayuhang interes at negosyo.6. Paglaan ng karampatang pondo para sa science, research and technology development na nakabalangkas sa pambansang industriyalisasyon.7. Pagwaksi sa katiwalian sa mga programa sa edukasyon.8. Pagtaguyod sa mga demokratikong karapatan at interes ng mga estudyante at guro sa loob at labas ng mga pamantasan.

Sa ating sama-samang pagkilos higit nating maisasakatuparan ang ating mga hangarin. Lagi nating tandaan na lahat ng ating tinatamasang mga karapatan at pribilehiyo ngayon ay hindi ipinagkaloob ngunit ipinaglaban noon ng mga nauna sa atin.

Kahit sa madilim na kasaysayan ng diktaturya ay masigasig na ipinaglaban ng mga kabataan ang ating mga karapatan sa edukasyon. Pinapatunayan ng kasaysayan na higit ang ating tagumpay kapag nagbibigkis-bigkis tayo.

Harap-harapan na tayong binabastos ng mga kapitalista-edukador. Walang pakundangan kung ibenta ng gobyerno ang ating talino’t lakas sa dayuhan. Naghihirap ang karamihan samantalang iilan lamang ang nakikinabang ng yaman ng bayan. Ngayon na ang panahon upang kumilos.

Nakikita natin ngayon ang pagpapanibagong-sigla ng paglaban ng mga estudyante sa mga kampus at lansangan. Paparami ang bilang ng pagkilos ng mga mag-aaral na humahantong sa boykot ng mga klase laban sa mga patakaran ng mga kapitalista-edukador at ng pamahalaan. Sa ating sama-samang pagkilos ay napapatalsik natin ang mga despotikong opisyal ng mga eskuwelahan, napipigil ang pagtaas ng matrikula, at naipagtatanggol natin ang ating mga karapatan sa kabila ng marahas at pasistang atake ng mga kapitalista-edukador.

Sa gitna ng matinding krisis na kinakaharap ng bansa sa ilalim ng rehimen ni Arroyo, ang anumang panukalang magtaas pa ng halaga ng edukasyon at magkait ng ating karapatan sa edukasyon ay isang malaking insulto para sa kabataan at sambayanan. Ang labang ito ng mga kabataan ay hindi hiwalay at bahagi ng malaon nang panawagang patalsikin si Arroyo ng milyun-milyong kabataan at mamamayang sukang suka na sa kanyang pagpapakatuta at pagpapahirap sa sambayanan.

Tutulan ang mga patakarang neoliberal sa edukasyon! Labanan ang kolonyal, komersyalisado at pasistang sistema ng edukasyon!Isulong ang makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon!

Page 18: Educ Primer 2008-1

Pahirap sa masa, patalsikin si Gloria!