実践的な訓練をするために · web viewtitle 実践的な訓練をするために author...

4
Mga Halimbawa kung Papaano Tumugon Kapag Lumindol Lugar/Aksyon Babala na may Parating na Lindol Kapag Lumilindol Kapag Tumigil ang Pagyayanig Kapag Nakumpirma na Hindi Delikado ang Gusali Sa Bahay Sa Trabaho -Lumayo sa mga kasangkapan sa bahay -Patayin ang kalan (kung malayo sa kalan, huwag ilagay ang sarili sa panganib para lang patayin ito) -Protektahin ang ulo at katawan sa pamamagitan ng pagsilong sa ilalim ng mesa -Huminahon at suriing mabuti ang sitwasyon -Huwag tumakbo palabas Opisina (Disaster Response Team) -Ibaba ang ulo at protektahin ito at ang katawan -Balaan ang lahat nang nasa opisina -Suriin ang sitwasyon -Huwag palabasin ng gusali ang mga tao -Training ng bumbero Sa Bayan Lugar na Siksikan (Lugar na nasa labas) -Lumayo sa mga maaring matumba tulad ng dingding, karatula, salamin, at vending machines -Sumunod sa instruksyon ng namumuno at huwag magmamadaling lumabas -Ibaba ang ulo at protektahin ito at ang katawan -Huminahon at suriing mabuti ang sitwasyon -Huwag magmadaling lumabas Habang Nagmamaneho -Huwag magbagal ng biglaan (Huwag magpreno ng biglaan) -Buksan ang hazard light -Suriin ang sitwasyon at huminto sa kaliwang bahagi ng kalye -Huminahon at suriing mabuti ang sitwasyon -Huwag tumalon palabas mula sa kotse Tren o Bus -Humawak ng mabuti sa hawakan. -Ilagay ang sarili sa mababang posisyon -Sumunod sa mga instruksyon ng mga tauhan ng tren/bus. At… - Pagturo sa mga tao sa loob ng gusali kung ano ang gagawin - Pagkumpirma ng kaligtasan ng pamilya at ibang empleyado - I-tsek ang mga emergency supply - Bumuo ng miting para sa disaster prevention kasama ang pamily/kasamahan sa opisina *Sundan ang patakarang pantrapiko kahit may

Upload: others

Post on 08-Feb-2020

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 実践的な訓練をするために · Web viewTitle 実践的な訓練をするために Author 大阪市契約管財局 Last modified by Alvin Tan Created Date 8/23/2012 1:24:00

Mga Halimbawa kung Papaano Tumugon Kapag Lumindol

Lugar/AksyonBabala na may Parating na Lindol

Kapag Lumilindol

Kapag Tumigil ang Pagyayanig

Kapag Nakumpirma na Hindi

Delikado ang Gusali

Sa Bahay

Sa Trabaho

- Lumayo sa mga kasangkapan sa bahay

- Patayin ang kalan (kung malayo sa kalan, huwag

ilagay ang sarili sa panganib para lang patayin ito)

- Protektahin ang ulo at katawan sa pamamagitan ng

pagsilong sa ilalim ng mesa

- Huminahon at suriing mabuti

ang sitwasyon

- Huwag tumakbo palabas

Opisina

(Disaster Response Team)

- Ibaba ang ulo at protektahin ito at ang katawan

- Balaan ang lahat nang nasa opisina

- Suriin ang sitwasyon

- Huwag palabasin ng gusali ang

mga tao

- Training ng bumbero

Sa Bayan

Lugar na Siksikan

(Lugar na nasa labas)

- Lumayo sa mga maaring matumba tulad ng

dingding, karatula, salamin, at vending machines

- Sumunod sa instruksyon ng namumuno at huwag

magmamadaling lumabas

- Ibaba ang ulo at protektahin ito at ang katawan

- Huminahon at suriing mabuti

ang sitwasyon

- Huwag magmadaling lumabas

Habang Nagmamaneho

- Huwag magbagal ng biglaan

(Huwag magpreno ng

biglaan)

- Buksan ang hazard light

- Suriin ang sitwasyon at

huminto sa kaliwang bahagi

ng kalye

- Huminahon at suriing mabuti

ang sitwasyon

- Huwag tumalon palabas mula

sa kotse

Tren o Bus- Humawak ng mabuti sa hawakan.

- Ilagay ang sarili sa mababang posisyon

- Sumunod sa mga instruksyon

ng mga tauhan ng tren/bus.

At…

- Pagturo sa mga tao sa loob ng gusali kung

ano ang gagawin

- Pagkumpirma ng kaligtasan ng pamilya at

ibang empleyado

- I-tsek ang mga emergency supply

- Bumuo ng miting para sa disaster prevention

kasama ang pamily/kasamahan sa opisina

- Pagkumpirma ng ibang madadaanan pauwi

at kung saan ang malapit na evacuation

center

Alamin ang mga mapanganib!!Alamin kung anong mga bagay ang “gagalaw, tutumba, mababasag, lilipad” at alisin ang mga ito.

*Sundan ang patakarang pantrapiko kahit may sakuna.

Page 2: 実践的な訓練をするために · Web viewTitle 実践的な訓練をするために Author 大阪市契約管財局 Last modified by Alvin Tan Created Date 8/23/2012 1:24:00

【 Listahan ng dapat malaman o gawin

bago magkasakuna】

□   Alamin ang resistensya ng gusali sa

lindol

□ Local magnitude forecast, geology

□ Pagpirmi ng kagamitang pambahay

□   Mag-imbak ng pagkain pang

emergency

□ Ang pag -protekta sa sarili

□  Iwasan ang mapanganib na paraan sa

pag-uwi.

□ Alamin ang ibang daan pauwi  

□ Alamin ang pinakamalapit na evacuation center sa lugar mo

□ Miting ng pamilya/opisina para sa disaster prevention

□ Pag-aralan ang paggamit ng emergency messaging system (dial 171)

Septyembre 5, 2012 (Miyerkoles) 11AM Pagsasanay sa buong Osaka

Layunin

Overview

Ang layunin ng drill na ito ay para siguruhin na angbawat tao ay mag-iisip ng pinakamagandag paraan para tumugon sa isang sakuna at maging handa pag dating ng bigla-biglaang sakuna. Hindi natin alam kung kailan at saan magkakasakuna. Ang pagsanay sa iba’t-ibang senaryo at paghahanda habang wala pang nangyayari ay makakatulong sa mabilis na pagkilos pag dating ng oras.

Bago ang pagsasanay, gumawa ng oportunidad para repasuhin kung papaanong mag-evacuate, kung anong mga bagay ang dapat dalhin pag emergency, kung papaanong ipirmi ang mga kagamitang pambahay, at ang mga puwedeng gawin sa pang-araw araw na buhay. Makakatanggap kayo ng e-mail sa Miyerkules, Septyembre 5, 2012, sa mga 11:00 AM ukol sa emergency drill at tatanungin kayo kung papaano kayo tutugon at proprotektahan ang sarili ninyo. Tasahin ang planong naisip ninyo pagkatapos ninyong matanggap ang imporsyon ukol sa emergency drill. Pagkatapos ng drill, maglalabas ng palatanungan sa homepage ng Osaka Disaster Project website. Mangyari po lamang na pakisagutan ito.

Page 3: 実践的な訓練をするために · Web viewTitle 実践的な訓練をするために Author 大阪市契約管財局 Last modified by Alvin Tan Created Date 8/23/2012 1:24:00

Halimbawa: (Subukan ang pwedeng gawin ng kahit sinuman na hindi mo pinipilit masayado ang sarili mo. )

●Huwag tumayo ●magtago sa ilalim ng mesa ●Magsanay sa pagpatay ng apoy ●Paglisan gamit ang ligtas

na rota.

●Pagkumpirma sa pagtugon sa isang emergency kasama ang pamilya/kaibigan ●pag-isipan kung ano ang

kailangan sa isang sakuna

●Sa bawat tahanan ・ ・ ・ kumpirmahin ang kaligtasan ng mga miyembro ng pamilya.   ● Sa opisina ・ ・ ・

pagkumpirma ng kaligatasan ng mga empleyado

●Sa pabrika ・ ・ ・ ・ patayin ang mga kagamitan at makina sa pabrika ・ kumpiramahin ang kaligtasan ng mga

manggagawa

Tungkol sa “Area Mail” (NTT-docomo)/”Emergency Alert Mail” (au, Softbank)Ang “Mock Earthquake Emergency Alert” na matatanggap ng mga cell phones nasa Osaka ng 11AM sa araw ng emergency drill , gamit ang “area mail service” ng mga

kumpanya ng cell phone o “Disaster/Evacuation Information” emergency alert mail service, ang maghuhudyat ng simula ng drill. Nangangahulugan ito na kung may mga 8.8

milyon na cell phone ditto sa Osaka, mga 3.5 milyon na telepono ang sabay-sabay na tutunog.

Ang “Disaster/Evacuation Information” ay isang libreng serbisyo ng mga cell phone company at iba-iba ang tawag sa serbisyong ito, depende sa kumpanya. May kontrata

ang mga kumpanya at gobyerno ng Osaka na magpadala ng “Disaster/Evacuation Information” at impormasyon tunkol sa sakuna at ebakwasyon na galling sa gobyerno ng

Osaka sa mga cell phone na kayang tumanggap nitong area mail o emergency alert mail.

May ilang teleponong kailangang i-set kaya tignan sa homepage ng kumpanya ng cellphone ninyo tungkol sa inyong telepono.

Mga teleponong tatanggap ng “Disaster/Evacuation Information” ay tutunog o magva-vaybreyt basta hindi ito nakapatay o may tinatawagan. Kung nasa kase ka, nasa

miting o isang pag-sama-sama, nasa sinehan, sa library, o kahit saan na hindi pwedeng patunugin ang telepono, pakipatay na lang ang cell phone ninyo.

Libre ang pagtanggap ng “Disaster/Evacuation Information”. _Ang “Disaster/Evacuation Information” ay ipapadala lang dito sa mga nasa Osaka lamang. Subalit maaring

tumunog din ang mga teleponong nasa Prefecture na malapit sa Osaka.

Osaka 8.8 million drill Steering CommitteeOsaka Prefecture Administrative Office : Disaster Management Measures Team, Crisis Management Office  06-6941-0351(ext.4886)Osaka City Administrative Office : Emergency Management Section, Office of Emergency Management  06-6208-7387Sakai City Administrative Office : Crisis Management Office,  072-228-7605

Official Website http://www.pref.osaka.jp/shobobosai/trainig_top/h24_880.html