Mekanikal na Paglilipat-tanimAng mechanized rice transplanting o mekanikal na paglilipat-tanim ay pagtatanim ng kasisibol na palay sa bukid gamit ang makina.
Ito ay nangangailangan ng mas kaunting oras kaysa sa manu-manong paglilipat-tanim (8 oras na operasyon sa 1.5 ektaryang lawak ng palayan).
Benepisyo ng mekanikal na paglilipat-tanim
• Mas mabilis at mahusay ang pagtatanim, nangangailangan ng higit na mababang bilang ng manggagawa at nakatitiyak na maagap matapos ang pagtatanim
• Siguradong pantay-pantay ang pagitan ng pagkakatanim ng palay at ang kapal o dami nito sa bawat sukat
• Mabilis manumbalik ang sigla at mabilis na lumaki ang palay matapos ilipat-tanim
• Nababawasan ang hirap ng mga magsasaka sa pagtatrabaho sa bukid at mas nagkakaroon na sila ng sapat na oras sa kanilang pamilya at sa iba pang kabuhayan
Limitasyon ng mekanikal na paglilipat-tanim
• Nababagay lamang sa lugar na may maayos na patubig sapagkat ang punla ay dapat itanim habang bata pa ito
• Nangangailangan ng espesyal na nursery (mat nursery o seedling tray)
• Kailangan ng maayos na paghahanda at pagkakapatag ng lupa at suplay ng tubig
• May daanan ang bukid para sa makinarya
• Mataas ang presyo ng makinaryang gamit sa paglilipat-tanim
• Kailangan ng masusing pagsasanay upang magamit ang mekanikal transplanter
Pinagkunan ng impormasyon: Rice Fact Sheet, Setyembre 10, 2003 International Rice Research Institute
ALAM MO BA?
Ang paglilipat-tanim ay karaniwang isinasagawa upang mas madaling maagapan ang pagtubo ng mga damo sa pagitan ng punla. Nangangailangan ito ng mas kaunting binhi kumpara sa sabog tanim na pamamaraan ng pagtatanim ng palay. At mas maraming manggagawa ang kailangan kung gagawin ito ng manu-mano.Pinagkunan ng impormasyon: http://www.knowledgebank.irri.org/
Mga paraan at hakbang sa paggamit ng mekanikal na paglilipat-tanim
Ihanda ang pinaghalong
lupa at organikong pataba para sa seedbed
(1:4 na ratio)
Diligan ng tubig ang seedbed
gamit ang sprinkler
Ilagay ang binhi sa
seedbed gamit ang seed
spreader (160 grams/tray)
Siguraduhing sapat lamang ang sikat ng araw para sa maayos na pagtubo ng
binhi
Pagkalipas ng 12-14 araw, maaari ng itanim ang
bagong tubong palay gamit
ang mechanical transplanter
1 2
3 4
5