talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina apong cion, titser ligaya, titser milagring, manong...

34

Upload: others

Post on 12-Sep-2019

17 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor
Page 2: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“ Talaga, ‘Tay, ako na po ang magluluto para sa atin?” tanong ni Teo.

Page 3: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“ T-talaga, anak, “ mahinang sagot ni Tatay Ador. Halos hindi siya makapagsalita dahil sa kirot ng kanyang paa. “K-kasi hindi naman ako pwedeng magluto at m-mahiga nang sabay,” pilit niyang pagpapatawa kay Teo.

Page 4: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Natigilan si Teo – hindi niya alam kung matutuwa siya o malulungkot. Dapat siyang matuwa dahil, sa wakas, pinapayagan na siya ng tatay niya na magluto – nang mag-isa niya! Pero nalulungkot siya dahil ngayon lamang niya nakitang nanghihina ang tatay niya. Nakagisnan na kasi niyang siya’y laging inaalagaan nito.

Page 5: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Baliktad ngayon. At parang turumpo si Teo sa pag-aalaga sa kanyang tatay. Inayos niya ang mga gamot nito sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa kusina. Pinapaypayan niya ang tatay niya para hindi mainitan.

Page 6: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Nang umaga ng araw na iyon, si Tatay Ador ay tulad lang ng dati – malakas at malusog. Matapos paliguan ang kanyang dyip at magpaalam kay Teo pinaandar na niya ang dyip papunta sa bukid. Ngunit habang inaatras niya ito palabas sa kalye, mabilis na dumaan ang isang malaking trak. Nabangga ng humaharurot na trak ang dyip ni Tatay Ador.

Page 7: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

KRRASSS! Pero hindi man lamang tumigil ang kaskaserong drayber – tuloy – tuloy pa rin ito sa pagpapatakbo ng trak niya. Sinabi kay Teo ng mga kapitbahay na sumasaklolo. “Huwag kang mag-alala. Kaming bahala sa tatay mo! At agad nilang dinala ito sa health center.

Page 8: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Ang lahat ay nakahinga nang maluwag nang sabihin ni Dr. Soriano, “ ligtas na sa panganib si Mang Ador. Pero Malaki ang sugat sa kanyang kaliwang paa at nabugbog ang iba pang bahagi ng katawan niya.” Mahigpit na bilin ng doktor. “Kailangan niyang magpahinga sa kama ng ilang araw.”

Page 9: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Pagdating sa kanilang bahay, inihiga ni Tatay Ador ang masakit niyang katawan. Pero alang-alang kay Teo pilit niyang ipinapakitang malakas pa rin siya. Mas nasasaktan kasi siyang nakikitang nag-aalala si Teo para sa kanya. “T-Teo, n-narinig mo ba ako?” tanong niya rito. “ I-ikaw na ngayon si Chef Mateo!”

Page 10: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Chef?! Ako?!” tanong ni Teo na natuwa sa narinig. Inilapag niya ang pamaypay at kumuha ng puting papel, gunting at pandikit. “A – anong ginagawa mo?” tanong ni Tatay Ador. “Isang malaking sombrero! Dapat ang chef, may sombrero!” Gusto ni Teo na magmukhang isang tunay na chef. Ngayon, makikita na niya ang laman ng maliit na banga sa ibabaw ng pinakamataas na estante sa kusina.

Page 11: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Naglalaman iyon ng sikretong rekado. Tuwing magluluto ang tatay niya, dumudukot siya rito at ibinubudbod sa niluluto niya. “Tay, ano po ang laman ng bangang iyan? Pwedeng makita?” hiling niya sa tatay niya noong maliit pa siya. “Pagdating ng araw,” sagot ni Tatay Ador, sabay kindat kay Teo. “Sa nanay mo iyan. Ipinasa niya sa akin noong bigla siyang nagkasakit.”

Page 12: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Mag-iisang taon pa lamang noon si Teo. “Noong mamatay ang nanay mo, hindi ko inakalang makakahiligan ko ang pagluluto tulad niya, “ laging sinasabi ni Tatay Ador. Mukhang pati si Teo ay nakakahiligan na rin ang pagluluto pero sabi ni tatay niya. “ Manood ka lang muna, anak, at maghugas ng plato. Saka ka na magluto, kapag malaki-laki ka na.” Pero ngayon pa lamang, dahil sa aksidente, pinayagan magluto si Teo. At, magagamit na niya ang sikretong rekado!

Page 13: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Napakahalaga talaga ng sikretong rekado! Matagal nang kumbisido si Teo tungkol dito. Laging masarap ang luto ng tatay niya, lalo na ang paborito ni Teo na pinakbet at igado. “T-Teo, hiwain…” umpisang turo ni Tatay Ador pero mabigat na ang talukap ng kanyang mga mata dahil sa mga gamot na ininom. Nakatulog na siya bago matapos ang sinasabi.

Page 14: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Tay , huwag kayong mag-alala. Ako nang bahala. Marunong na akong magluto!Makikita nyo,” bulong ni Teo. Dahan-dahan siyang lumabas at pumunta sa kusina! Pinakbet? Kayang-kaya niyang lutuin ito!Madalas niyang napapanood ang tatay niya kapag nagluluto siya nito. At napanood pa niya sa kanyang paboritong programa sa TV na Cooking Hour.

Page 15: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Isinuot ni Teo ang sombrero ng chef at ang apron ng tatay niya. “Puwede na! Mukha na akong chef,” bulalas niya nang Makita ang sarili sa salamin. Sumisipol siyang tumuntong sa isang batibot para abutin ang kaserola. “Mateooo!” Parang boses iyon ni Apong Cion, ang may-ari ng atisan mga ilang kanto lang mula sa bahay nila. “Mateooo!” Si Apong Cion nga!

Page 16: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

May dala-dala itong pombrera at isang malaking atis. Nang makita si Teo, napasigaw ito, “Anong ginagawa ng malaking puting sombrerong ‘yan sa ulo mo? At bakit nakasuot ka ng malaking apron?” “Chef po ako, Apong Cion, chef ako!” sagot ni Teo na lulundag-lundag. “Shif?! Anong shif?! Tanong ng matanda na kumukunot ang noo kaya’t nagmukhang ampalaya ang kulubot nitong mukha. Ngayon lamang niya narinig ang salitang ito, at hindi pa siya nakakakita ng sombrero ng chef.

Page 17: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Isang magaling na kusinero po ang chef, Apong Cion!May sakit si Tatay kaya ako po ang tagaluto ngayon.” “Kalokohan!” sagot ni Apong Cion sa kanyang magaspang na tinig na kinatatakutan ng lahat ng bata maliban kay Teo. “Bakit? Akala mo ba, ikaw lang ang marunong magluto? Heto , ipinagluto ko kayo ng tatay mo. At alisin mo ‘yang suot mong sombrero-’kay pangit!” kakak ng matandang paengkang-engkang na umuwi. “Salamat po, Apong … ani Teo na medyo naguguluhan.

Page 18: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Hindi malaman ni Teo kung matutuwa siya o malulungkot. Natutuwa siya na kahit kilala si Apong Cion sa pagiging masungit at kuripot, naalala pa sila nito ng tatay niya. Pero nalulungkot din siya dahil maaantala na naman ang kanyang pagiging chef nang isang araw. Kinabukasan, pagkatapos na makakain ng putaheng dala ni Apong Cion, mabuti-buti na ang pakiramdam ni Tatay Ador, pero hindi pa rin siya makalakad. “Ngayon, magiging chef ka na para sa susunod nating kakainin!” sabi niya kay Teo. Agad namang nagsuot ito ng kanyang sombrero ng chef at abot-tainga ang ngiti.

Page 19: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Teooo!’ Si Mang Popoy, ang kaibigan niyang nakatira sa dulo ng bayan ang dumating. Ibinigay kay Teo ang isang mangkok ng arroz caldo. Ay naku! Sabi ni Teo sa sarili, iniisip kung kalian kaya niya malalaman kung ano ang sikretong rekado.

Page 20: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Kinabukasan at sa sumunod na araw, may mga dumating pang pagkain. Nagdala sina Titser Ligaya at Titser Milagring ng pansit na may halong carrots na korteng bulaklak. Nagpadala naman si Mayor Belisario sa drayber niya ng inihaw na hito. Nasorpresa si Teo dahil pati si Apo Meyor ay nagpadala ng maputi at malapot na sopas na nakalagay sa puting kaserola.

Page 21: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Kailan pa kaya ako magiging Chef Mateo? Tanong ni Teo sa sarili habang ipinapasok ang mga pagkain sa kuwarto ni Tatay Ador.

Page 22: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Aba, dapat kang matuwa, anak, “sabi ng tatay niya, na paika-ikang lumalakad sa palibot ng kanyang kama. “Ang dami nating natatanggap na mga pagpapala. Napakabait ng mga tao-dumalaw sila sa akin at nagbigay ng napakaraming pagkain!” “Natutuwa naman po ako, “Tay,” sagot ni Teo.

Page 23: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Ngunit nalulungkot din siya. “Pero… magaling na po kayo ngayon kaya hindi na ako magiging chef.” “Ah , kaya pala tahimik ka,” sabi ni Tatay Ador. “Pangako, bukas, ikaw ang magluluto ng ating pananghalian. Papanoorin lamang kita, “ pampalubag-loob ni Tatay Ador. “Talaga po, Tay?” Kumikislap na ang mga mata ni Teo. “Oo, Teo, talaga.” “Bilang chef, pwede ko po bang gamitin ang rekado sa maliit na banga?” Nangingiti si Tatay Ador na sumagot, “Aba, oo, Teo. Sa palagay ko’y panahon na!”

Page 24: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Habang inuubos nila ang mga natira sa mga bigay na pagkain para sa kanilang almusal, tanong ni Teo, “Pwede na po ba akong magsimulang magluto pagkatapos kong maghugas ng plato?” “Aba, “natatawa si Tatay Ador, “hindi ka na makapaghintay, ano?”

Page 25: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Pagkaraan ng ilang oras, suot-suot na ni Teo ang sombrero ng chef at apron ng tatay niya. Nakaupo naman sa malapit si Tatay ador para turuan siya. “Siguraduhin mong kumpleto ang mga rekado, anak.” “… kamatis, talong, ampalaya, bagoong. At, ang pinakamahalagang rekado sa lahat…” bulalas ni Teo, at inabot ang maliit na banga.

Page 26: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Ang pinakamahalaga sa lahat …” bulong ni Tatay Ador. Kumakabog ang puso ni Teo habang dahan-dahan niyang inaangat ang takip ng banga. “Ha?!” Napatalon siya sa gulat. Tiningnan niyang mabuti ang loob ng banga. Walang laman! “Isang kapirasong papel lamang ang nandito!”

Page 27: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Hindi ‘yan isang pirasong papel lamang, Mateo, “ diin ng Tatay niya. Dinukot ni Teo ang papel sa banga-may nakasulat pala roon!Binasa niya ito nang marahan, “Kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo sa ikaluluwalhati ng Diyos. – Corinto 10:31, Bible verse?!” Naglundagan ang mga kilay ni Teo hanggang sa kanyang buhok.

Page 28: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Oo, talata nga mula sa Biblia,” sagot ng tatay niya. “Isinulat ng nanay mo at inilagay niya riyan sa banga. Nais niyang laging maalala kung bakit dapat gawin nang tama ang kahit anong bagay.” “Kahit na po ang pagluluto?” tanong ni Teo na nalilito. “Lalo na ang pagluluto, “ diin ni Tatay Ador.

Page 29: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Kasi mas maraming beses siyang nagluluto kaysa ano pa mang gawain sa bahay. Minsan isang araw lamang siya naglalaba, naglalampaso ng sahig, at nagwawalis ng bakuran.

Page 30: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Pero tatlong beses siyang nagluluto sa isang araw. Kaya’t umaga, tanghali at gabi, gusto ng nanay mong makatiyak na ginagawa niya nang tama ang lahat-para sa ikaluluwalhati ng Diyos. “Hmmm, “ tumango si Teo na nakikinig nang mabuti.

Page 31: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Tuwing nagluluto ako, “ patuloy ng tatay niya, “pinapaalala sa akin kung anong ibig sabihin ng talatang yan – umaga, tanghali, gabi.” “Oo nga po…” Nilalarawan ni Teo sa kanyang isip ang kanyang nanay na nagsusulat sa kapirasong papel, at tinitiklop ito at nilalagay sa isang maliit na banga. “Akala ko po sikretong rekado…” “Ay anak, hindi!” sabad ni Tatay Ador. “Pero bakit hindi po ninyo sinabi sa ‘kin?” Naguguluhan pa rin si Teo.

Page 32: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

Kasi, iniisip ko noon, napakabata mo pa para maintindihan ito. Pero nang maaksidente ako nitong nakaraang linggo, nakita ko kung paano mo ako inalagaan. Noon ko napag-isip-isip na….”

Page 33: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Kung hindi ito sikreto, e di pwede ko palang ibahagi sa iba!” natutuwang sabi ni Teo. Nasa isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor – mga matandang makakaunawa.

Page 34: Talaga, - pb3es.weebly.com · isip niya sina Apong Cion, Titser Ligaya, Titser Milagring, Manong Popoy, Meyor Belisario, at baka pati na rin si Apo Meyor

“Chef Mateo, naghihintay na ang pinakbet mo, “paalala ng tatay niya. Habang kumukulo ang kaserola, dumukot si Teo ng wala mula sa maliit na banga at ibinudbod ito sa kanyang pinakaunang putahe.