Download - Dapitan Edited[1]

Transcript
Page 1: Dapitan Edited[1]

PATRIOTISMO AT DAPITAN 1890-2000Ang Himay-Malay sa Paglaya: Pagtitistis ng Kamalayan sa Kasaysayang Pilipino (Pagbangon ng Sugatang Katawan at Paghilom sa Nasalatantang Kaakuhan)

ni Ernesto R. Gonzales, Ph.D. (Maharlikang Filipino)

I. PAUNANG BAHAGI

Ang Panimula

Likas sa pagkatao ang pagpapahalaga sa pagmamahal sa pamilya, lipunan, bansa at buong sangkalupaan. Hindi na kailangang ituro ang mga ito sapagkat lumalabas at lumalabas na parang tubig sa paghahanap ng mababang kalawaan. At kung ang tubig na ito ay ikulong man sa dam, sasapit at sasapit ang takdang panahong ang kapangyarihang naipon ng tubig na ito ay gagamitin upang bigyang-liwanag ang kabahayan, patakbuhin at paunlarin ang lahat ng industriya ng sambayanan at tuloy bigyang kapangyarihan na humabi ng isang tunay na kalayaan at kasaganaan. Sa kabilang dako, ito rin ang kalagayan na maaring gumawa ng isang kababalaghan sa buong bayan na kung saan ang kapangyarihang ding ito ang magdulot ng malawakang kapinsalaan sa Sambayanan. Kung ang kalawaan ng katubigan ay ang “Patriotismo ng Bayan,” ang “Moralidad” naman ang susi upang ang kapangyarihang ito ay maayos na magamit tungo sa tunay na kalayaan, kasaganaan at katahimikan ng buong Bayan.

Sa pag-aaral ng kasaysayan sa maraming bansa bago naging isang ganap na sibilisadong estado, halos lahat ay dumaan sa isang malawakang Digmaang Sibil upang makapagtayo ng isang tunay na malayang sambayanan. Ang Digmaan ay sumasabog na parang salot sa sambayanan kapag ang moralidad ng patriotismo ay nadadaig ng kalaban ng pagmamahalan. Kapag nawala na ang moralidad ng sambayanan, naaagnas din ang pagmamahalan sa loob ng pamilya, lipunan at Sambayananan. At kapag naagnas na ang pagmamahalan ng Sambayanan, nawawala na rin ang paggagalangan at alinlanganan, at pulos kawalanghiyaan at kasakiman ang nakakapanaig sa buong bayan. Humanda ka na sapagkat nalaalapit na ang “Pandemonyo ng Bayan”! Kaya nga’t ang pinakaugat sa mga ito ay ang kaugnayan ng Diyos at Tao ay kailangang mapagtibay sa larangan ng konsiyensya at pagmamahalan. Ito ang lubos na pangangailangan ng Sambayanang Pilipino ngayon.

Ang Kulturang Pilipino na likas na maka-Diyos, makatao, makabayan at makakalikasan ay nasa kaloob-looban ng kaluluwa ng bawat isang Pilipino. Ito ang tunay na dahilan kung bakit ang tunay na “People Power” ay umusbong sa lipunang Pilipino na ngayon ay ginagamit sa mga sistema ng pulitika sa buong sanlibutan upang maigupo kung mayroong malawakang panlilinlang sa Sambayanan. Ito ang

1

Page 2: Dapitan Edited[1]

pagmamahal o moralidad ng patriotismo na nagbubunsod ng katahimikan sa likod ng “Pandemonyo” sa malawakang kalagayan ng buong sambayanan. Lalabas at lalabas nang muli’t muli ang “People Power” habang mayroong kasakiman, kasinungalingan at pagwawalanghiya sa isang Bansa na ang Dangal ay nagmumula sa Maykapal.

Napakatagal nang panahon ang lumipas mula ng isilang ang Patriotismo ng mga Pilipino, laban sa Espanya (300 daang taon), Amerikano (100 daang Taon), Hapones (3 taon), EDSA UNO, (4 na araw) [note to ERG: start of struggle was 11 years; build-up of momentum was about three years or starting right after Aquino

assassination!] at EDSA DOS (3 araw). Ngayon halos 3,000 Pilipino araw-araw ang nagpupumilit na makalabas ng Bansa upang humanap ng bagong buhay at kabuhayan sa ibang bayan. Ang karamihan sa mga ito na pauna nang nakaranas mabuhay sa napakalayong nga bansang mayaman, ay marubdob at patibay ng patibay ang damdaming “babalik din ako sa aking Bayang Sinilangan”. Matapos matugunan ang pangangailangan ng katawan sa mga mabubuting materiyal na bagay at nabigyang-ginhawa ang kani-kanilang minamahal na pamilya at kasambahay, lalabas at lalabas din ang matimyas na pagmamahal sa Inang Bayan. Kung papaanong ang patriotismo ng bayan ay sistematikong ipininid ng mga may malasakit sa kapakanan at kayamanan ng Bayan, sa mahabang panahong ito, patuloy, araw-araw ang bumabalong na katubigan ng patriotismo ng buong sambayanan.

“Kalunos-lunos ang kalagayang pambansa, nakalugmok sa dusa ang milyun-milyong mamamayan. Nasaan ka, Basilio ng Inang Bayan?…O, Inang Bayan na mistulang isang kinawawang Sisa ng iilang mga mandarambong sa kasalukuyan ng ating sambayan.”

Patriotismo ng Isang Pilipino

Sa aking paglayo, sa inakalang paglaya,Dalumat sa sukdulang kaapihan sa sariling bayan.

Sa walang-sawang pagyurak sa iyong dangal at kagandahanSa paghimaymay ng daang taon na inalisan ka ng malay.

At pilit hinahanap sa labas ng kalooban……sa labas ng Bansa,Sa aking paglayo ay lalo ka lamang pumipintig

Ng dalisay na pag-ibig sa aking dibdib.

At sa aking pagtanaw sa buong kalawakanPilit ginagagap ang talulot mong taglayUpang sa kaginsa-ginsay bigyan buhay

Kamalayan mong namamatayDahil sa imbi at walang-tapos na pagyurak

sa dangal ng Dambanang Bayan na ibinaon sa lusak.

O, Bayang sakbibi sa hampas ng alon ng buhayWinawasak, bundok at dagat may rikit na taglay

Mailap ang sagot sa aking kamalayan

2

Page 3: Dapitan Edited[1]

Hanggang saan, hanggang kailan dapat na magdusa Ang milyun-milyon kaluluwa na lubos ang kabanalan?

Ang bayang nasadlak sa kalapastanganan ng iilan lamang

O, aking pinakamamahal na Bayan!

Ang “Pandemonyo ng Bayan.”

Halos lahat naman ng yumaman sa Pilipinas ay hinahakot ang kayamanan palabas ng Sambayanang Ekonomiya upang dalhin sa mga mauunlad at mayayamang bansa. (space) Ang resulta nito ay ang unti-unting pagkaubos ng mga kailangang pondong nasyonal upang unti-unting mapaunlad ang kabuhayan ng buong sambayanan. Iisa lang ang kadahilanan kung bakit ang mga yumaman na ito sa Pilipinas ay wala ni katiting na hangaring mapaunlad ang kabuhayan ng sambayanan. Wala silang patriotismo. Wala silang pagmamahal sa bayan. Subalit, bakit sila pa ang binibigyan ng maganda at malakas na poder ng bayan. Ang maaring makagawa at makaepekto sa kabuuang kalagayan ng bayan ay ang mga halal ng sambayanan – yaong mga pinagkatiwalaan ng bayan na mamuno sa kanila, yaong mga pinagkatiwalaan na magdala ng kapangyarihan at kayamanan ng Ssambayanan.

Noong huling pulong ng Pondong Pinoy na nilahukan ng libo-libong lider ng Simbahang Katoliko, lumalabas na ang sistema ng pulitika ng bansa ang siya mismong nagtulak sa atin upang malugmok sa putikan ng kahirapan. Ngayon, mayroong humigit-kumulang limang milyong Pilipinong nagdaranas ng papalubhang paghihikahos sa buhay; walang hanapbuhay, walang pinag-aralan, walang matirhang bahay, walang makain, walang nadaramang dangal, wala nang pag-asa sa buhay. Mapupuna na yaong mga lubhang nanghina ay pumailanlang na sa kawalan ng malay. Ang kawalang-malay sa ganitong katayuan sa buhay ang nagiging solusyon ng iba upang maibsan man lamang ang kanilang matinding kinasadlakang hirap sa buhay. Ito ang mga tinatawag na napupwerang mga miyembro ng lipunang Pilipino. Ang karaniwang turing sa kanila ngayon ay maralitang tagalunsod o “urban poor.” Kasama rin sa mga naghihirap na ito ang maraming pamilya na natutong mabuhay mula sa basura ng lipunang nagsadlak sa kanila sa ganitong uri ng pamumuhay. Sa kabuuan, ang mga mahihirap na Pilipino ay humigit kumulang ay 40% ng mahigit 80 milyong Pilipino ngayon.

Samantalang yaon namang namumuno sa bayan na pinagkatiwalaan ng kapangyarihan at kaban ng bayan natutukso sa tawag ng karangyaan ng buhay kung kaya’t kahit ipagkanulo pa ang sambayanang dapat pagsilbihan ng tapat sa panunungkulan. Yaon namang mga biniyayaan ng Diyos at Estado na magtamasa ng limpak-limpak na kayaman ng bayan ay patuloy namang inilalabas na haplit ang kanilang kinitang kayaman sa loob ng Filipinas imbis na ipasok na muli upang mapalago ang kayamanan ng bayan. Kawalan ng konsiyensiya kung ano ang epekto

3

Page 4: Dapitan Edited[1]

ng kanilang ginagawang pagyurak sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng Sambayanan. Ang buong bansa ay halos magdugo na sa walang-patumanggang pagkaganid ng iilan, sukdulang pagnanakawan ang pondo ng bayan at makipagsabwatan sa malalaking negosyante at mga dayuhang mamumuhunan upang mapagsamantalahan ang Inang Bayan.

Ang mga katiwaliang ito ang nagdudulot ng malawakang paghihirap at paghihikahos ng buong bayan. Dahil sa paglawak ng pagkasira ng kalikasan bunga ng imbing pagnanasa sa kayamanan na ikasasama ng iba, parami ng parami ang mga tagakanayunan, lalong lalo na yaong mga kabataan, ang natututong umalis ng kanilang sinilangang nayon at makipagsapalaran sa mga siyudad ng sambayanan (i.e. Maynila, Cebu, Davao, atbp.). Ang mga ito na hindi nagkaroon ng sapat na paghahanda upang matutunan ang pamumuhay sa lunsod, at nagigiging mga maralitang tagalunsod. Ang mga pami-pamilya na rin nila ang nagdadanas ng matinding kahirapan, kawalan ng mapagkukunan ng pang-araw-araw na kabuhayan, ang panggigipit ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, mga pulitikong ginagamit lamang ang kanilang boto tuwing mayroong eleksyon at marami pang iba.

Dahil sa ganiito, ang pagkamakabayang mga Pilipino ay parang tubig na harangan man ang daraanan ay pilit na hahanap ng daan patungo sa hantungan. Ang pagkamakabayang ito ng ating Bayan ay patuloy lamang na babalong, yayabong, lalalim araw-araw, na parang napakalawak na Dam na sa pagsapit sa kasukdulan ay pilit-biglang hahanap ng daan, sukdulang wasakin ang daraanan, upang hanapin ang itinakdang tumana, ilog at kalookan, upang ang tubig ding ito ang mapagsimulan ng bagong buhay sa napakalawak na kaparangan.

Ito ang mga kadahilanan kung kayat minarapat ng manunulat na ito na ayusin ang basehan ng dumadaluyong at nagpupuyos na damdamin ng sambayan na ilagay na sa kanilang mga kamay ang nararapat na pagbabago ng buong Bayan. Hindi nararapat na emosyon lamang ang ating dala-dalang kasangkapan upang ayusin ang buong bayan. Dapat na tayong matuto sa nakapanghihinayang na malaking pagkakamali matapos ang Pag-aalsang Bayan sa EDSA noong 1986. Ang Lakas ng Bayan ay hindi gaanong nagamit tungo sa tunay na pagbabago ng lipunan na dapat sana’y ang nakikinabang ay ang buong bayan at di lamang ang iilan. Kung kaya’t ngayon, lubos ang pangangailangan ng Sambayanan na bigyan ng sapat na batayan ang pahahangad na ito sa pagbabago. Kinakailangan ang isang malalim at malawak na pagsusuri kung bakit nasadlak ang buong sambayanan sa ganitong kalunos-lunos na kalagayan. Ito ang malaking dahilan kung bakit ang pluma ay muling itinakda upang bigyang- katuparan ang Dakilang Pangarap ng Lipunang Pilipino. Ito ang Pluma ng Sambayanang Pilipino na itinakda sa makabagong panahon sa Kasaysayan ng ating Dakilang Lahi at Sambayanan.

4

Page 5: Dapitan Edited[1]

II. IKALAWANG BAHAGIAng Patriotismo ng Lahing Pilipino

Tatlo ang sangkap ng isang tunay na ganap na estado: una, mamamayan; pangalawa, teritoryo; pangatlo, pamahalaan; at pang-apat, soberanya o tunay na kalayaan ng mga mamamayan. Isa lang ang mawala sa mga ito, hindi na ganap ang pagiging isang estado.

Ang Pilipinas ba ay isang ganap na estado? O bansa lamang sa taguri ng kalipunan ng mga Bansa? Narito tayo bilang mamamayan. Mayroon tayong teritoryo. Sibilisado at Edukado ang karamihan sa mamamayan nito. Subalit tunay na malaya ba tayo sa sistema ng kabuhayan o ekonomiya at pulitika ng buong bansa? Ang sistema ba ng Economia ay talagang umuunlad para sa kapakinabangan ng lahat o ng iilan lamang? Ang atin bang sistema ng pulitika ay tunay na nagsisilbi sa kapasyahan at kapakinabangan ng mas nakararami. Dahil hindi, wala tayong tunay na soberanya. At kung wala tayong tunay na soberanya o kalayaan, matatawag ba tayong Civilisadong Estado?

Dito kinakailangan ang pagkamakabayan o patriotismo. Isang tunay at marubdob na pagmamahal sa Inang Bayan na bumibigkis sa lahat ng mga mamamayang Pilipino upang magtayo at luminang ng isang malayang bansa para sa kapakinabangan ng lahat sa buong kapuluan ng may pitong libo’t sandaang isla na tinaguriang Perlas ng Silanganan.

Subalit hanggang ngayon, matapos ang daan-daang taon ng lumipas nating kasaysayan bilang isang tinaguriang malayang bayan, hindi pa rin matarok ang katotohanang ito: na dapat sana ay bumabalong sa ating buong Inang Bayan. Bakit, ang buong bansa sa napakahabang panahon ay hindi pa rin nakakaranas ng isang tunay na kalayaan ng kaisipan ng lahat ng mamamayan at sistema ng pamumuhay bilang isang malaya at sibilisadong estado?

Isinulat ng May-akda ang mga obserbasyon sa ganitong situasyon ng ating buong bansa:

…… “quote” from the dissertation…..

Ang nakapagtataka ay bakit kung sino pa ang tunay na nagmamahal sa Bayang Pilipinas ay siya pang di nabibigyan lamang ng pagkakataong patunayan ang kadalisayan ng kanilang dakilang layunin para sa kanilang Inang Bayan: Ang sistematikong pagwasak sa mga Presidenteng Pilipino na nagpakita ng tunay na pagmamahal sa Bayan, sina Elpidio Quirino, Carlos P. Garcia, at Ferdinand E. Marcos. Ang di nabigyang pagkakataon na mga Senador ng Bayan, sina Claro M. Recto, Ninoy Aquino, Pepe Diokno, Lorenzo Tañada, at maraming iba pa. Kapani-

5

Page 6: Dapitan Edited[1]

paniwala na namatay ang tunay na sistemang pampulitika ng bayan nang si Ninoy Aquino ay paslangin noong August 21, 1983. Nang mabuo ang tunay na soverento ng Sambayanan matapos ang tatlong taon, Pebrero 25, 1986, pumasok ang sistema pulitikal na wala nang masasabing tunay na liderato ng bayan. Ang mga sumunod na pamunuan at mga kabig sa sistemang pilitikal ay nagpakita lamang ng kababawan ng likas na soberanya ng sambayanan. Wala na ang kaluluwa ng tunay na liderato politikal ng bayan. Hanggang sa ngayon, masasabi ba nating mayroon tayong Presidente na tunay na nagmamahal sa kapakanan ng buong sambayanan? Mayroon ba? Nais kong ulitin ang alingawngaw ng talumpati ng Arsobispo ng Maynila, si Kanyang Kabunyian, Most Rev. Bishop Gaudencio Rosales, noong pulungin sa Folk Arts Theatre ang may mga 8,000 hanggang 10,000 libong liderato ng Simbahang Katoliko [kailan?]. Anya: “Mayroon ba kayong alam na dapat sisihin kung sino ang nagdala sa buong sambayanan sa kinasadlakan nating malubhang kahirapan ng Bayan sa ngayon, bukod sa mga Pulitiko ng Bayan. Sino ba lamang ang may kagagawan ng ganitong kalagayan ng buong Sambayanan ngayon kundi ang ating mga pulitiko.”

Kung mayroong mang mga pulitiko ng bayan na may malinis na layuning paglingkuran nang tapat ang Bayan, kagaya ng nabanggit ko sa una, bakit hindi nagigiging epektibo ang kanilang pagpapatakbo sa Bayan. Ano ang bumabalong na ito na kung anong kalintikan kaya’t di mapayagan ang Bansang Pilipinas na umahon sa ating matinding paghihikahos na kinasadlakan. Ano ba ang kaibahan nating mga Pilipino sa mga Bansang nakapaligid sa atin na ngayon ay itinuturing na ganap na estado na maari nang ibilang sa mga mauunlad na Bayan.

6

Page 7: Dapitan Edited[1]

Sistematikong Pagpatay sa Patriotismo ng Bayan hango sa ating Kasaysayan.

Bilang isang iskolar ng Bayan, di ko lubos na malirip kung papaanong nagawa ang sistematikong pagpatay ng kasaysayan sa tunay at popular o malawak na patriotismo at soberanya ng Isang Malayang Bayan. Oo at batid ko na mayroon tayong mga magigiting na Pilipino na nagmamahal nang tapat sa ating Bayan. Mayroong mga patriotikong Pilipino na nasa kabundukan at patuloy na lumalaban sa pamahalaan. Subalit mayroon ding mga patriotiko sa loob ng pamahalaan. Ang mahirap malirip at maintindihan ay kung bakit sa ating Bayan, mahirap pagsanib-sanibin ang iisang uri ng Patriotismo na kasama ang lahat—ang Sambayanan at pati ng pamahalaan. Ang pinakamahalaga sa larangang ito ay hindi patriotismo ng mga liderato ng Bayan lamang kundi ang pagsasanib-sanib pati niyaong mga lumalaban sa kababawan ng patriotismong ito at naniniwala na sa Digmaang Bayan lamang magkakaroon ng tunay na pag-babago sa ating bayan. Ito ang uri ng pagsanib-sanib ng mga puersa ng pulitika sa buong Sambayanan tungo sa isang tunay na dimensiyon ng Pagbabago at Pagpapaunlad sa ating Bayan.

Subalit, ang aking ginagagap ay ang katotohanang tayong lahat ay Pilipino at iisa lamang uri ang ating pagmamahal sa Bayan. Iisa lang ang ating pinagmulan. Iisa lang ang ating kasaysayan. Iisa lamang ang ating matimyas na Pangarap na sana ay matapos na ang mga pagkukunwari ng iilan lamang sa ating lipunan, at ang buong Sambayanan ay bumagtas na sa tunay na Patriotismo ng tunay na pagmamahal sa Inang Bayan. Bumaba na tayo sa kabundukan. Tapusin na natin ang mahabang panahon ng labanan. Sumama na tayo sa ating mga kapatid na pagod na rin sa paglaban. Maraming dekada na ang lumipas, maraming marurunong at matatapang na Pilipino na ang nagbuwis ng kanilang buhay. Subalit, kung ang balong na ating kinatatayuan ay pinaiikot lamang ng iilan at ng di tunay na Patriotismo ng Sambayanan, anong dahilan at tayong mga Pilipino ay nagpapatayan at patuloy na naglalabanan. Ang ating gawin sana ay sama-sama na tayo, yakapin nating ng mahigpit ang ating mga kapatid sa kapatagan, pati na rin ang ating mga kapatid na sundalo, pag-isahin natin ang ating mga sarili, sama-sama tayong bumagtas patungo sa siyudad, at alisin na ang balong ng kasakiman, pagkukunwari ng tao, estado at institusyon, at halina na tayong magtayo ng isang tunay na Sambayanang Pilipino. Sama-sama tayo, mga Pilipino sa Pilipinas at mga kapatid nating Pilipino na naninirahan at naghahanapbuhay sa ibang malayong bayan. Halina at magtayo ng tayo ng isang tunay at malayang Bayan ng Pilipino, ang Perlas ng Silangan.

Hindi ko mapagtama-tama kung papaanong nangyari na ang isang marunong na Pilipino ay takot na takot masabing siya ay isang mamamayang patriotiko ng isang Malayang Bansa. Sa henerasyong ito na aking kinabibilangan, aking napuna na may

7

Page 8: Dapitan Edited[1]

takot o kalituhan ang Pilipino na masabing isa siyang mapagmahal sa Bayan. Pinaniwala siya na ang isang Patriot ay isang ideologong komunista na walang Diyos, handang gumamit ng dahas at armas upang ang Kapangyarihan ng Bayan ay maagaw. Walang kaibahan ang Patriotiko o mapagmahal sa Bayan sa isang Komunista. Kung ikaw ay isang mapagmahal sa Bayan, ikaw ba ay isa nang ideologong Komunista. Porbida! Ang Patriot bang Amerikano, Koreano, Japones, Malaysiano at iba pa ay binabansagan ding mga komunista lahat?

Mayroon bang bansa na umunlad ngayon na walang tunay na Patriosmo ang mamamayan? Ang Amerikano ay magbubunsod agad ng gyera kapag sinubok ang Patriotismo ng Estados Unidos. Ang Hapones ang may pinakamataas na kamalayan sa kahalagahan at pagtugon sa malawakang patriotismo ng bayan. Dahil dito, naniniwala ka ba na puedeng umunlad ang Pilipinas nang walang tunay na pagmamahal sa bayan? Bakit sa Pilipinas tinatakot at natatakot ang buong sambayanan na ipakita ang tunay na pagmamahal sa bayan sa larangan ng isang tunay na pulitikang magpapalaya sa Bayan. Hindi mangyayari ang paglaya kung walang Patriotismo ang buong Sambayanan, sapagkat ang aral sa karanasan ng mga bansa, walang tunay na pag-unlad, kung walang tunay na pagmamahal sa bayan ang mga mamamayan.

Ito na rin ang dahilan ngayon kung bakit nanlulumo ang tunay na patriotismo ng bayan. Kung gaano kalaki ang pagkawasak ng Patriosmong ito, ganoon din kalawak ang paghihikahos ng Sambayanan.

Subalit nakapanlulumo ang kalagayan ng patriotismo ng mga Pilipino. Kung wala ang tunay na soverento at walang tunay at malawakang expresyon ng patriotismo ang mamamayan, papaano mong matatawag na ang Bansang Pilipinas ay isang ganap na Estadong Bansa. Bakit, kahit na likas sa pagkatao ng tao ang pagmamahal sa bayan, ang karaniwang Pilipino ay walang pagpapahayag ng patriotismong ito. Ano ang mga kasagutan ng kasaysayan ng ating Bansa kung bakit marami sa ating mga Pilipino ang nawala ang pambansang pagpapahayag ng pagmamahal sa Bayan.

Liwayway ng Isang Tunay na Patriotismo ng Bansang Pilipino Nang ibalik ang Kapangyarihan ng Hapon sa mga Emperador mula sa mga Shogun o

Militarisasyon sa loob ng 300 taon, ang mga Patriotiko ng ikolar na Pilipino ay nag-aaral sa Espanya. Noong panahong ito, 1876, nabighani si Prinsipe Matsukata ng Hapon sa kanyang nakitang pag-unlad ng Europa sa pamamagitan ng kombinasyon ng imbensyon, siyensiya at teknolohiya at ekonomiya. Dito niya nakita kung papaanong ang Ingglatera at ibang bansa sa Europa ay umuunlad, yumayaman at ginagastahan ang paglawak ng industriya at mga siyudad na kaagapay nito. Siya ang nagsimula ng pundasyon ng kaunlaran ng Hapon na tinatamasa nila ngayon.

Nang panahong ito, ang mga patriotikong Pilipino ay nagbuo ng isang organisasyon sa Europa upang ipagpatuloy ang paglaban sa mga patakaran ng kolonyal na pamahalaang Espanyol sa Maynila. (Dr. Jose Rizal, Antonio Luna, Lopez Jaena, at

8

Page 9: Dapitan Edited[1]

iba pa.) Katunayan, nauna ang mga Pilipino sa larangan na ito sa buong Asya, sa pagtatatag ng isang Demokratikong Republika.

Ang mahalaga dito ay mabatid kung bakit sa dinami-rami ng pagpupunyagi ng Lahing Pilipino na sama-samang magtayo ng isang malayang Republika ng Pilipinas, ang mga ito ay nauwi sa isang napakahinang sistema ng Pamahalaan.

Ang kasaysayan ng bayan ay sapat na basehan upang pag-aralan ang detalye ng mga pangyayari. Subalit ang pag-aaral na ito ay dapat ituon sa Patriotismong umusbong sa kasaysayan ng bansang ito. Bakit, napakahina na ng Patriotismo na umusbong sa mga nangyari sa nakaraan ng ating Bansa. Hindi mahalagang malaman ang detalye ng mga pangyayari noong kapanahunang iyon. Ang pinakamahalaga ay kung papaano na ang mga pagsusumakit na ito ng mga ninuno nating Pilipino ay halos binale-wala ng kasaysayan sa paghabi ng isang kamalayang pagpapalaya sa lahat ng sanib-sanib na institusyong nagpapalakad ng ating buhay pulitika at ekonomiya. Ano ang mga kritikal na mga pangyayari dito at ano ang pinakabuod ng mga pangyayaring ito.

Ang Bumalong sa Pilipinas Gawa ng Sabwatang Espanya at Amerika.

Ayon sa mga tala ng kasaysayan, pumasok daw ang mga barko ni Admiral Dewey sa Manila Bay noong Mayo 1, 1899, nakipaglabanan sa mga puersa ng Kastila at sinakop ang Bansa. Ito ang legal na basehan kung papaano ang Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa pamamahala at pag-aangkin ng Amerika sa tinatawag na Treaty of Paris.

Dalawa ang problema kung totoong may giyera ang Amerika at Espana sa Manila Bay. Una, tinalo na ng mga Pilipino ang Espanya isang buwan pa bago dumating si Admiral Dewey sa Manila Bay. Kaya’t sino pa ba ang nilabanan nila? Pangalawa, kung may giyera at Pilipino ang kalaban, paanong mangyayari iyon na wala namang pantapat na mga barkong pandigma ang mga Pilipino. Ang katunayan, wala talagang sagupaang nangyari sa Manila Bay sa pagitan ng Espanya at Amerika.

Lumilitaw na mayroong milagro sa pagbibigay ng basehang legal ang Treaty of Paris kung saan ang Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa Amerika. Ang ilegal dito ay ang hindi pagbibigay-galang sa Gobyernong Pilipino na naitayo na bago pa dumating sa Pilipinas ang mga Amerikano. Nasaan ang katotohanan dito?Kung nagiisip ang bumabasa ng historia ng Filipinas, iisipin kung bakit hindi nagtatama ang mga pangyayaring ito. Sa talatang ito, ang nawawala ay ang sipi nang pagkatalo ni Heneral Polavieja sa pwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo sa may Bacoor, Cavite na pinagsimulan ng pagtatag ng Gobyernong Magdalo sa Pilipinas bago pa makarating dito ang mga Amerikano.

Walang naganap na giyera sa pagitan ng Espanya at Amerika sa Manila Bay! Ang talagang nangyari, tumawag ang Espanya sa Amerika nang nagugupo na sila ng mga patriotikong Pilipino sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dito sinabihan si Admiral Dewey na noon ay nasa Cuba na kailangan siyang makasugod sa Pilipinas upang pormal na mailipat ng Espanya and Pilipinas sa Amerika, bago mahuli ang

9

Page 10: Dapitan Edited[1]

lahat. Subalit nang dumating siya ay huli na nga sapagkat naitayo na ang Republika ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. Sa katunayan, nang dumating si Admiral Dewey sa Manila Bay, nagpadala siya ng sugo kay Presidente Emilio Aguinaldo. Hiningi ni Presidente Aguinaldo sa kanyang Sekretaryo ng Pamahalaang Panlabas, Abugado Apolinario Mabini, ang kanyang posisyon sa situasyong iyon. Ang sinabi ni Sekretaryo Mabini ay walang delikado sa Amerikano sapagkat ang kanilang Constitution ay Freedom Constitution at ipinagbabawal nito ang pagkokolonisa ng ibang Bansa.

Dito na nakababa ng barko sina Admiral Dewey upang pormal na makausap ang mga bihag na Kastila na “Prisoner of War” ng bagong Gobyernong Pilipino. Wala pa ang United Nations noon, kung kaya’t sa ilalim ng umiiral na batas, legal ang pagkakatayo ng Gobyerno ng mga Pilipino.

Kaya nga kinailangan na “mayroong” giyera sa pagitan ng Espanya at Amerika upang magkaroon ng pormal na basehan ang “legalidad” ng Treaty of Paris. Ito ay isang kasinungalingan sapagkat binura ang katotohanang naitayo na nina Heneral Emilio Aguinaldo ang unang Govierno ng Sambayanang Pilipino. Ang isa pang isyung pangkasaysayan dito ay ang katotohanang ang Amerika ay nasa ilalim noon ng isang Freedom Constitution at bawal na bawal sa kanilang Konstitusyon ang magkolonisa ng ibang bansa. Sa katunayan, sa pagtatalo sa Kongreso ng Amerika tungkol dito ay tinangkang papaniwalain sina Mark Twain na ang mga Pilipino ay isang lahing nakatira pa sa itaas ng puno at wala pang kamalay-malay na katinuan ng isang demokratikong pamamalakad. Isang malaking kasinungalingan ito sapagkat nang dumating sa Pilipinas ang mga Amerikano ay marunong na ang mga patriotikong Pilipino ukol sa Demokrasya. Sa katunayan, nauna nang sampung taon ang Universidad ng Sto Tomas sa pagtatayo ng Pamantasang Harvard sa Amerika. At pahabol dito, hindi nga sila manalo nalo sa kagalingan ng mga Samarenyo sa makataong patas na labanan sa gyera. Tinalo lang nila ang Samar nang halos ginawa nilang hayop ang kalaban nila rito.

Bakit kaya ang nakasulat na Kasaysayan ng Pilipinas ay parang isang nakapinid na pinto na ang nakaaalam lamang ng katotohanan ay yaong mga nagpasulat niyon. Ang Kasaysayan ng Bansa ay dapat isinusulat upang ang mga tala nito ay maging isang sipi ng katotohanan para magkaroon ng tunay na kamalayan ang lahat ng mamamayan pati na rin yaong mga bagong usbong ng salinlahi. Subalit, kung ang kasaysayan ay isinulat upang maging isang propaganda ng mayroong interes sa kayamanan ng Bansa, magpupumilit itong itago ang katotohanan sa buong lipunan. Ang kasukdulang resulta nito ay ang pagkamatay ng tunay na Patriotismo ng Bayan. Kung wala ang tunay na Patriotismo ng isang Bayan, papaanong magkakaroon ng tunay na demokratikong pag-unlad ang bayan na iyon?

Kamakailan lamang ay umakyat ako sa mataas na hagdanan upang makasamba sa dambana ng Simbahan ng Mabitac, Laguna. At sa aking pagbaba pagkatapos magdasal ay aking nakita ang isang maliit na Rebulto na may nakasulat na ganito: “Dito sa lugal na ito tinalo ni Heneral Caoili si Heneral Cheatham ng Amerikano

10

Page 11: Dapitan Edited[1]

noong kasalukuyang may giyera ang mga Pilipino at Amerikano bago pumasok ang (Ika-20 siglo).” Bakit kapag ang nanalo sa labanan ay Pilipino, wala ang mga tala nito sa opisyal na Kasaysayan ng Bayan? Ito ba ang nakatagong pamamaraan ng pagpatay sa Patriotismo ng Bayan? Ang pagpatay sa Patriotismo ng Sambayanan, ay milyong higit ang katumbas ng pagpaslang sa isang tao lamang, kahit pareho ang antas ng kabuhungang ito sa larangan ng moralidad ng tao. Batid ko rin kung paaano namuhi ang mga Amerikano sa mga Samarenyo, sapagkat dito lamang sa Samar sila nakaranas ng malupit na hagupit ng pagkatalo sa labanang Amerikano at Pilipino. Napakaraming ulit silang iginupo ng mga taga-Samar sa pamamagitan lamang ng mga Kampana ng Balangiga, Samar. Dito ibinuhos ng kolonyal na pamahalaang Amerikano ang bagsik ng kanilang paghihiganti. Naisulat ng bagong scholar (2001) na taga Universidad ng Santo Tomas, Prof. Cynthia Rivera, na kung papaanong ang Samarenya na may kalong ng bata na lumalabas sa kanilang nasusunog na bahay ay pumasok na muli nang makakita siya ng Amerikanong Sundalo. Sa takot sa sundalong Amerikano ay hinarap niya at pinasok ang nasusunog na bahay kasama ang kanyang sanggol na anak. Sa kasaysayan ng Samar makikita ang bagsik ng giyera ng Amerikano laban sa mga Pilipino.

Kaya pala ayaw ibalik ng mga Amerikano ngayon ang mga Kampana ng Balangiga sa ating mga Pilipino, sapagkat ito ang susi upang maintindihan ng mga Pilipino kung anong klaseng kasinungalingan ang bumabalong sa ating kapuluan hanggang sa mga oras na ito. Kaya pala ang Samar ngayon ang isa sa pinakamahirap na isla sa Bansang Pilipinas ay sapagkat ang mga ito ang anino ng kalupitan ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

Noong panahong nag-aapoy ang Samar, kaalinsabay din nito ang pag-aapoy ng ibat-iba pang mga pook sa buong Pilipinas. Habang nakuha na ng mga Amerikano ang ibang matatalinong Pilipino sa panig nila, yaong mga tunay na Patriot ay pilit ipinaglalaban ang tagumpay na natamo ni Heneral Aguinaldo laban sa Espanya, i.e. Heneral Malvar ng Batangas, Heneral Sakay ng ngayo’y mga lalawigang Quezon at Rizal at marami pang iba. Hindi nagtapos dito. Nagpatuloy ito hanggang kila Elpidio Quirino at Claro M. Recto nang gamitin si Presidente Ramon Magsaysay laban sa kanila. Di pa rin natapos hanggang iharap si Ninoy laban kay Marcos gayong ang tunay na nasa likod ng pagpapatay kay Ninoy Aquino ay halos kapareho ng porma ng patayin si Presidente John F. Kennedy noong Nov. 23, 1963 sa Amerika.

Pilit ko pa ring ipinagtatama sa aking isipan kung bakit hanggang sa ngayon ay namumuhi ang mga ilan sa ating mga Pilipino kay Heneral Aguinaldo, samantalang siya ay naging isa sa mga simbulo ng Kagitingan at Kagalingan ng mga Pilipino sa pakikihamok upang maging isang tunay na malayang Bansa. Nabasa ko sa Report ni Prof. Schurman ang sipi ng pagkatanggi-tanggi ni Presidente Aguinaldo na siya ang nagpapatay kay Andres Bonifacio. Bakit hanggang sa ngayon ay hiwalay na hiwalay pa rin ang anino ng mga Magdalo at Magdiwang na grupo ng mga Katipunero sa Cavite? [Ernie, sa isang liham na nasa kanyang sariling sulat-kamay at may lagda, na ngayo’y nasa isang museo sa Maynila, ay tahasang inamin ni Aguinaldo na siya ang nagpapatay kay Bonifacio; at nagbibigay siya

11

Page 12: Dapitan Edited[1]

ng dahilan kaya niya ginawa ito—para daw huwag mahati ang mamamayan. Ayon sa diwa mi Bonifacio, tinulungan si Aguinaldo ng maka-Supremong mga heneral sa pagitan ng Cavite at Bulakan, kaya nagawa niyang makatawid sa malawak na pook na ito sa pagtakas tungong Biyak na Bato

nang talagang pinatulan na siya ng mga pwersang Espanyol sa Cavite.]

Ganito rin sa kasalukuyan ang naging pagkakahati-hati ng mga Rebolusyonaryong Pilipino sa pagitan ni Jose Ma. Sison at Felimon Lagman, at sa pagitan ng mga Komunistang Pilipino at Sosyalistang Demokratiko sa pamumuno ni Padre Romeo Intengan ng Ateneo de Manila University.

Nang ako ay nagsasaliksik pa sa Unibersidad ng Cambridge sa Ingglatera noong 1987, aking unang nabasa ang ulat ng komisyon ni Prof. Schurman sa Presidente ng Estados Unidos. Nakita ko iyon sa Akalatan ng Cambridge para sa mga sipi ng Filipinana. Ang totoo dito ko lang nabasa ang Librong ito sa tanang buhay ko. Ang aking tanong ay, bakit kaya hindi naming nabasa ang mga ito noong panahong nag-aaral pa kami ng Kasaysayan ng Bansang Pilipinas?

Nalaman ko sa ulat na iyon na ang ama pala ni Heneral Douglas MacArthur, si Heneral Arthur MacArthur, ay miyembro ng Commission na ito kasama ang noo’y senador pang si William Mckinely at si Schurmann. Sila ang komisyong ipinadala ng gobyernong Amerikano upang gumawa ng dokumentong magiging basehan ng programa ng Amerika sa pagkolonisa sa Bansang Pilipinas. Kaya pala, ang sikat na sikat na Heneral Douglas MacArthur ay halos lumaki sa Pilipinas ay sapagkat ang kanyang ama at si Senador William Mckinely na naging presidente rin ng Estados Unidos ay magkasamang nagtayo ng korporasyong upang kunin ang ginto sa probinsiya ng Benguet. Sino kaya ang nasa likod ng unang korporasyong Benguet Consolidated na hanggang sa ngayon ay umaanino pa rin sa Bansang Pilipinas?

Sa sipi ng Report na ito ng Schurmann Commission ay nakita ko ang orihinal na sulat ni Aguinaldo sa kanyang mga kababayan sa kanyang depensa sa kanyang sarili sa mga akusasyon na siya ang nagpapatay kay Gat. Andres Bonifacio. [inamin niya ito later, bago siya namatay! Kaya outdated ang implikasyon ng

nakita mo sa Schurmann Commission Report!] Sa kaninong interes na papaglabanin ang mga Pilipino? Kaninong simulain ang ganitong uri ng pamamahal na ang susi sa pagsakop ay papaghinain ang nasasakupan sa pamamagitan ng papaglabanin ang mga puersa sa loob nito.

Kaya pala. Kung hanggang sa ngayon ay di pa rin nakapagtatayo ang mga Pilipino ng tunay na nagkakaisang gobyerno ay dahil na rin sa ang pinag-uugatan ng situasyong ito ay hindi pa rin naitutuwid. Sino ang nasa likod ng ganitong iskema na ilibing ang Patriotismo ni Aguinaldo at itanghal ang isang uri ng Patriotismo na pumapailalim sa kapangyarihang Amerikano. Kaya pala. Noong halalan para sa magiging presidente ng Commonwealth Period ng Amerikano sa Pilipinas, hinamon ng Amerikano si Heneral Aguinaldo na lumaban kay Manuel L. Quezon sa isang halalan at tingnan kung ang Patriotismo ni Aguinaldo ay nasa dibdib pa rin ng mga Pilipino. Natalo sa eleksyon si Aguinaldo at itinatag na ang pamahalaang Pilipino na nasa ilalim ng pagkakandili ng kapangyarihang Amerikano sa Pilipinas. [Ang

12

Page 13: Dapitan Edited[1]

eleksyong pinasok ni Aguinaldo ay para talaga sa Commonwealth na nakasaad sa Tydings-McDuffie Act, at kung siya ang nanalo, sa kanyang pamumuno sana itinayo ang “pamahaaang nasa ilalim ng pagkakandili…” Ang nakalaban niya sa eleksyon ay si Quezon, dating Katipunero nang binatilyo pa lamang ito, at walang bahid sa rekord niya bilang isang Katipunero.]

Kaya Pala. Ang bumabalong sa Kasaysayan ng Bansang Filipinas na nababalot ng kasinungalingan. Noong panahon pa ni Heneral William Howard Taft, bago ang gobyerno ni Manuel L. Quezon noong Commonwealth, ang pundasyon ng gobyernong kolonyal ng Amerikano sa Pilipinas ay nailatag na. Sa pulong sa pagitan ni Presidente McKinley at Heneral Taft, itinanong ni Mckinely na may interes sa negosyo ng ginto sa Pilipinas, kung paanong mapapatahimik ang Pilipino, kung paanong patitigilin sa pagrerebelde laban sa mga Amerikano. Ito ang tinatawag na “Pacification Campaign sa buong (Pilipinas)”.

Ito ang sabi ni Hen. Taft: “Mahal na Pangulo, bigyan mo po ako ng sampung taon na mailunsad ang aking dalawang programa sa mga Isla ng Pilipinas at ipinangangako ko sa iyo na ang Pilipinas ay magiging atin hanggang ang panahon ay panahon”. Ano ang dalawang programang ito, tanong ni Presidente McKinley. Ang dalawa ay Komisyong Pangkasaysayan at Komisyong Pang-edukasyon.

Idinesenyo ng mga programang ito ang magiging kamalayang Pilipino sa mga susunod na panahon sa pamamagitan ng pagsusulat ng Kasaysayan ayon sa direktiba ng gobyernong Amerikano at ng paglulunsad ng Programang Edukasyon sa mga Pilipino sa Pilipinas. At ito nga ang nangyari.

At ito nga ang mga nangyari, matapos ang sampung taon, ang mga Pilipino ay natutong magsalita ng Inggles-Amerikano, magsayaw na saliw ng tugtugin sa Hollywood nina Bing Crosby, Perry Como at Frank Sinatra, magsuot ng bloomer na halos makita na ang pinagkakatago-tago ng mga lola natin sa loob ng daang taon na nasa ilalim pa tayo ng Espanya. Nakalimutan na ang balong ng tunay na kaunlaran ng bansa kundi ang tunay na Patriotismo ng Sambayanan.

Ang mga ito ay nakita ni Marcos noong siya ay estudyante pa lamang sa Unibersidad ng Pilipinas. Kaya’t nang isinulat niya sa “Tadhana” bilang basehan ng “Bagong Lipunan” na kanyang pinamumunuan, ang sumusunod na mga kataga patungkol sa mga bagay na ito ay kanyang isinulat:

……………..quote from the dissertation………

Ang anino ng balong na ito ay ang siyang pinanggagalingan ng animo’y sumpa sa ating lipunan. Hangga’t hindi natin hinaharap ang katotohanang ito, hindi tayo makakatagpo ng tunay na mapagpalayang kaisipan at kamalayan ang Lipunang Pilipino. Kung wala ang katotohanang ito mahirap mapapabilang ang bansa sa mga nagkakaisa at malalayang bansa na umabot sa kasukdulan ng kanilang kaunlaran at tunay na katahimikan ng bayan.

13

Page 14: Dapitan Edited[1]

Ang Sabwatang Amerikano at Pulitikong Pilipino

Ipinakita ni Pio Andrade sa kanyang librong Rewritting Philippine History kung papaanong nangyari na ang “collaborator” sa mga Hapon na si Manuel Roxas ang napiling irekomenda ni Hen. Douglas MacArthur na maging presidente ng Pilipinas. Noon palang presidente pa si Manuel L. Quezon at Executive Secretary si Manuel Roxas, nakakuha siya ng ebidensiya laban kay MacArthur tungkol sa malaking salapi na tinanggap niya mula kay President Manuel L. Quezon. Ito ang ginamit niya upang hatakin ang endorso ni Hen.MacArthur upang maging presidente siya ng Pilipinas gayong kumampi siya sa mga Hapones noong digmaang pandaigdig. Walang nagawa si MacArthur sapagkat noong panahong iyon ay napakahalaga ng kanyang reputasyon bilang isa sa pinakasikat na tao sa mundo matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.Disin sana’y ang Pilipinas na ang pinakatampok na bansa sa Asya at Pasipiko sapagkat malaki ang ginampanan niya bilang kakampi ng mga Amerikano noong panahon ng giyera. Bukod pa rito, napakalaki ng nagawa ng mga labanan sa Bataan Peninsula na para sa pagtakas noon ni MacArthur patungong Australia. Akala ng mga Hapones ay araw lamang ang bibilangin upang tapusin nila ang nakabarang Bataan sa kanilang istratehiya na makuha ang buong Australia matapos sa Filipinas. Subalit laki nilang pagkakagulat na ang labanan sa Bataan na ito ay tumagal nang tumagal nang (go back to Bataan to see the exact data). Ang malaking puhunan dito ay ang pagsusumakit ng mga sundalong Pilipino na nagpakita ng katapangan at katapatan sa mga Amerikano noong panahon ng labanan. [Katunayan, hindi natalo at lalong hindi sumuko ang mga Pilipino sa Bataan; isinuko sila ng naiwanang Amerikanong Heneral Edward King nang tapos nang makatakas si MacArthur.]

Kung wala ang Bataan ay baka hindi nakabalik [ni hindi sana siya nakatakas patungong Australia!] si General Douglas MacArthur upang tapusin ang labanan sa Pacifico na nagbigay sa mga Amerikano ng malawakang kontrol sa buong lawak ng Asya-Pasipiko matapos nilang matalo ang Hapon. Subalit, kahit alam na alam nila ang malaking papel na ginampanan ng mga Pilipino sa Corregidor, Bataan at Subic, pati na ang pagsusumakit nito na inaaruga pa ang kanilang mga kaibigang Amerikano noong sila ay bumagtas sa “Death March” mula Balanga, Bataan hanggang Capas, Tarlac.

Ang laking kataksilan ng sistemang pampulitika ng Amerika sa kanilang mga dating kakampi noong digmaan, at ang kanilang tinulungan agad makaahon sa epekto ng gyera ay ang bansang Japon. Hindi iniaalis ng manunulat na ito na tulungan ng Amerikano ang pinasabugan nila ng atomic bomb. Natural lang ito upang maibsan man lamang ang pasanin sa kanilang konsiensiya. Subalit, ang pinakamasakit dito ay ang di nila pagtulong sa mga Pilipino sa pagkalugmok mula sa pagkawasak ng buong Manila, pagkasira ng Corregidor, at marami pang iba; ay kanila pang ginamit ang mga likas na yaman ng Pilipinas upang maisulong kaagad ang kanilang pandaigdigan kalakalan. Makikita sa mga rekord ng U.S. Navy Report sa Subic, kung gaanong ang kabundukan ng Zambales, Bataan at pati na rin Nueva Vizcaya ay halos inubos ng Insular Logging Corporation na pagaari ng mga Amerikano. Halos hindi rin

14

Page 15: Dapitan Edited[1]

maaninag sa mga datos na ito kung gaano karaming ginto na galing ng Baguio papuntang Subic, Zambales ang nailabas ng American Corporation sa Benguet papuntang Fort Knox sa Amerika na nagpatatag ng U.S. Dollar laban sa alin mang kwarta ng buong sanlibutan.

Nang tanggalin ang tanikala ng Pilipinas bilang Kolonya ng Amerika sa pamamagitan ng “Independence Day” ng ika 4 ng Hulyo, 1946, binigyan ng karapatan ang mga Pilipino na pumili ng kanilang presidente, subalit ang presidenteng ito ay di binigyan ng kalayaang magdesisyon ng buong-buo sa larangan ng Ekonomiya at Kalakal ng Bansa. Nakatali ang presidente ng Pilipinas sa mga probisyon ng Kasunduang Pilipino-Amerikano na walang ibang bansa bukod sa Amerika ang maaring makipag-kalakal sa mga Pilipino. Bukod dito, ang kasunduang ito ay nagkakaloob sa mga Amerikano ng karapatang tulad ng sa mga Pilipino na gamitin ang alinmang likas na kayaman ng bansa na naisin nilang kunin, mula troso, minas, at marami pang iba. Ito ang tinaguriang Laurel-Langley Agreement na susi upang ituloy ang maka-Kolonyang Patakaran ng Amerika sa larangan ng Ekonomiya sa buong Pilipinas. Kaya nga, kahit na binigyan ng pampulitikang na kalayaan ang mga Pilipino, tinalian naman ang sistemang pang-ekonomiya ng buong bansa.

Mahigit pa sa kalahating siglo o limampung taon na ang nakalilipas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, subalit hindi maitatatwa ang malinaw na presensiya at impluwensiya ng gobyernong Amerikano sa sistema ng Patriotismo, pulitika at ekonomiya ng ating bansa.

Kung mayroong hibla ng tahimik na kolaborasyon at kooperasyon ang pulitika sa bansa sa tahimik na pwersang Amerikano sa pagmamaneho sa ating bayan, makikita ang lakas ng impluwensiyang ito sa mga anino ng mga pangyayaring pulitikal at pang-ekonomiya sa bansa.

Kung babalik-aralan ang hibla ng sistemang pulitikal at pang-ekonomiya sa bansa, makikita na dalawang uri ng Patriotismo ang pinag-uugatan ng ganitong uri ng pagkakawatak-watak ng liderato ng bansa. Ang unang uri ay yaong kapareho ni Heneral Emilio Aguinaldo na sa simulat-simula pa ay malinaw na malinaw ang problema; isang uri ng patriotismo na nakahiwalay sa interes ng Amerikano sa Pilipinas. Ang pangalawang uri, ay yaong tipo ng patriotismo na kapareho ni Presidente Manuel L. Quezon na nagmamahal sa Pilipinas na may pagtatangi sa kapangyarihan ng Amerika na makilahok sa kapangyarihang political at ekonomia sa bansang Filipinas. [better check your facts by comparing actual track records; both mabini and antonio luna within aguinaldo’s government were trying to influence aguinaldo to at least be suspicious of the american intentions; former-katipunero quezon was famous for the quote, “better a government run like hell by filipinos than one run like heaven by the americans.” There are indications that quezon’s death in the u.s. involved foul play, like that of recto and lumumba.]

Sa kasaysayan ng Bansang Pilipinas sa loob ng kalahati ng siglong ito, lahat ng tunay na nagmamalasakit sa Bansang Pilipinas ay ginawang masama sa mata ng mga

15

Page 16: Dapitan Edited[1]

Pilipino dahil sa makapangyarihang paggamit ng mga Amerikano sa pwersa ng Media sa bansa. Kung aking babalik-tanawin ang mga may matimyas na Patriotismo sa Bansa ay mababatid na sila rin ay sinira ang imahen popular sa lipunang Pilipino.

Sinabihan ng mga Amerikano si General Emilio Aguinaldo ng kumandidatong Presidente laban kay Manuel L. Quezon, na sige at tingnan kung naaalala pa ng mga Pilipino ang mga pagsusumakit ng tumatandang General para sa kapakanan ng mga Pilipino. Matapos isulat ng mga Amerikano ang kasaysayan ng ating bansa na pinag-aaralan ng mga kabataan sa Pilipinas, walang di makapagsasabi na ang “pinakamasamang lider” ng bansang Pilipinas ay si Heneral Emilio Aguinaldo. [long before that time, discredited na talaga si Aguinaldo. At the first anniversary of Malolos Republic, the townsfolk of Malolos hung black drapes behind closed windows in anticipation of Aguinaldo’s moves to celebrate that anniversary. During the earlier decades of American rule, up to 1935 when the Americans supposedly made that dare, Katipunan’s patriotic spirit shifted to the theater, to literature and to the labor movement and Aguinaldo was not involved in these. By that time, lumabas na rin ang ilang kaso niya ng landgrabbing sa Cavite. His defeat in the election vs. an ex-Katipunero with an unblemished record in that movement cannot be validly interpreted that our patriotism had died by then. Ernie, magagalit sa atin si Macario Sakay at kahit na sina Ka Amado

Hernandez at Fidel Reyes sa sinasabi mo rito!] Halos lahat ng sumunod sa ganitong uri ng liderato sa Pilipinas na may tunay na Patriotismo pero hiwalay sa interes ng Amerika ay ganito rin ang kinasadlakan, kagaya nina Presidente Elpidio Quirino, Senate President Claro M. Recto, Presidente Carlos Garcia, Senador Pepe Diokno, Lorenzo Tañada, at Ninoy Aquino at pati na rin si President Ferdinand E. Marcos.

[malaking jump ito!]

Bilang bansang ang ekonomiya’y pumapangalawa sa Hapon sa buong Asia noong mga dekadang 1960’s, ang Pilipinas ngayon ay pumapangalawa na (sa Bangladesh) sa pinakamahihirap na bansa sa Asia. Ano ang nangyari at ang Pilipinas ay bumagsak nang tuluyan tungo sa ating kinalalagyan sa kasalukuyan.

Noong umaalingawngaw sa Senado ang linaw at tining ng kaisipan ni Senador Claro M. Recto na dapat magkaroon ng malayang industrialisasyon sa Pilipinas para makapagtayo ng isang tunay na malaya at mayamang bansa, pinasikat ng Amerika ang tinaguriang “Presidente ng mga mahihirap na Pilipino,” si Ramon Magsaysay. Tinabunan ng popularidad ni Magsaysay ang kaisipan ni Claro M.Recto at bumukadkad ang isang uri ng Presidente na makamahirap sa kalooban subalit maka-Amerikano naman sa patakaran. Noong presidente si Ramon Magsaysay, halos mga Amerikano na ang nagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa, lalung lalo na sa mga bagay sa kanayunan ng Pilipinas kung saan ang interes ng mga Amerikano ay nananatili. Subalit nang magising na sa tunay na situasyon si Presidente Magsaysay at pilit na isinasaayos na ang agenda para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino, sa isang mahiwagang pangyayari ay sumabog ang eroplano ni Presidente Magsaysay at bumangga ito sa bundok Manunggal sa Cebu.

16

Page 17: Dapitan Edited[1]

Nang matapos ang trahedyang ito, ang mga sumunod na maigting ang talino at Patriotismo ay ang pinagsamang Pepe Diokno, Ninoy Aquino at Lorenzo Tañada sa Senado. Kung matatandaan, ang unang dalawa sa mga ito ang Pamunuan ng Komite ng Ekonomiya sa Senado, noong panahon ni Marcos na hindi pa nagdedeklara ng Martial Law. Hinahabi ng dalawang ito ang isang uri ng pag-unlad ng ekonomiyang Pilipino para sa kapakinabangan ng mga Pilipino. Kagaya ng mga nauna, pareho silang nakulong na dalawa at ang isa ay tuluyang nagbuwis ng kanyang buhay alang-alang sa mga Pilipino.

Sa kabilang dako, ginamit ni Presidente Marcos ang kanyang talino at determinasyon upang sa pagsalimbayan ng maraming puersa pulitikal sa Bansa ay unti-unti niyang isinasalya sa tulong ng “magagaling na teknokrata” ng bansa ang pagsulong nito. Nang dumating na sa puntong idineklara na ang Martial Law, dito na nakita ang mga unang sigwada ng tunay na pag-angat ng ekonomiya ng Bansang Pilipinas.

Subalit maigting din ang labanang pulitikal hanggang dumating sa punto na wala nang pinakamarumi at pinakamasamang tao sa Filipinas kundi ang Pangulong Marcos. Napaniwala ang tao na si Marcos ay isang magnanakaw, gayong halos di maubos ang pinanggagalingan ng pondo na ginagamit ni Marcos upang maisulong ang Pambansang Kaayusan at Kaunlaran. [recheck logic of last sentence.]

Kung lilimiin ang mga datos tungkol sa ekonomiya ng bansa, ang pinakamataas na punto ng pambansang ekonomiya ay noong mga unang taon.ng 1981. Noon na inilathala ni Marcos nang may mariing pananalita na ang Martial Law ay aalisin na at kaalinsabay nito ay ang paglulunsad ng tunay na industrialization sa Bansang Pilipinas. Bago pa masimulan ni Marcos ang mga tunay na tuntunin upang makalikha ng isang malaya at maunlad na Bansa, kinasangkapan ang pagpatay kay Ninoy Aquino noong 1983 at nagsimula nang bumagsak muli ang ekonomiya ng Pilipinas. Hanggang sa ngayon ay hindi na nakabangon ang ating pambansang ekonomiya at halos kada pitong taon kada tayo mayroon eleksyon Presidential ay bumubulusok ang ating ekonomiya pababa nang pababa.

Ayon sa librong inilathala ng Philippine Institute for Development Studies, na ang patnugot ay si Dr. Mario Lamberte, hindi na nakaangat ang ekonomiya ng bansa mula sa antas nito noong 1981. Ang ibig sabihin dito, ang mga sumunod na mga pangulo sa bansa ay hindi pa nakakayanang tumbasan ang naabot ng ekonomiya sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos. Bukod pa rito, ayon sa lathala ng pag-aaral ng dating Dekano ng Ekonomiya ng Unibersidad ng Pilipinas, na si Gerry Sicat, 80% ng mga pagawaing bayan (kalsada, tulay, atbp) ay si Pangulong Marcos pa ang nakapagpagawa at 20% lamang ang naipagawa ng mga sumunod na pamahalaan nina, Cory Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo. Nakakalunos unawain na ang nautang lamang ni Marcos ay 29 bilyong dollar samantalang ang mga sumunod na pamunuan ay nakautang ng tatlong doble ng nautang ni Marcos. Bakit sa dinami-dami ng inutang ng pamahalaan ay halos walang nakita ang taong pagbabago sa ating bansa. [kailangang i-factor in mo ang interest sa mga utang, ang cumulative effect ng mga ito, at ang mga

17

Page 18: Dapitan Edited[1]

conditionalities, tulad ng mga structural adjustment loans.] Ang nakapanlulumong resulta nito ay ang inilathala ng mga pag-aaral ng World Bank, Ateneo Study, at iba pa, na ang nawawalang pera sa kaha ng gobyerno dahil sa “graft and corruption” ay humigit-kumulang 100 milyong piso kada araw. [pwedeng ipasok dito ang annual net outflow of resources na nasa anyo ng profit remittances, loan payments sa principal, at loan interest payments, na pawang pabor sa mga dayuhan, laluna sa mga Amerikano.]

Ang kaban ng yaman ng pamahalaan ay dapat makatustos taun-taon ng kulang-kulang na 200 bilyon piso. Ang kabuuang utang ng bayan ay halos 80% na ng ating total na produktong nagagawa taon taon. Ang ibig sabihin ay napakalaki na ng gastos ng pamahalaan kumpara sa mga pumapasok na kita ng bayan at ang dapat isaayos dito ay ang dangal ng Pamahalaan na ang pananalaping ito na galing sa pawis, dugo at pagsusumakit ng milyong-milyong Pilipino ay mapunta sa dapat puntahan upang malinang ang isang tunay na mapagpalayang kaunlaran ng bayan.

Paglalagom ng Dangal ng Patriotismo ng SambayananNang matapos ang eleksyon ngayong 2004, nagtayo ng isang Pambansang Koalisyon para sa isang Tunay na Demokrasya sa Pilipinas na pinamumunuan ni Dr. Sixto Roxas. Kagyat na sumama sa Koalisyong ito ang may walumpung na mga People’s Organization na may kanya-kanyang pampulitikang agenda. Ang layunin ng Koalisyong ito ay talakayin ang tunay na pinag-uugatan ng kasaluluyang kalagayan ng Sambayanan, Moralidad at Tunay na Patriotismo ng Inang Bayan.

Sa kanyang talumpati sa pulong na ginanap ng Koalisyon sa Unibersidad ng Sto. Tomas ay kanyang nilinaw na walang mahalagang nangyayari sa ekonomiya ng bansa hanggang sa ngayon mula pa noong 1960’s na ang buong bansang Filipinas ay nabibilang na pangalawa sa Hapon na pinakamayamang bansa sa Asia. Ngayong taong 2004, ang Filipinas ay pangalawa sa Bangladesh na pinakamahirap na bansa na sa buong Asia. Binalangkas ni Dr. Roxas ang mga datos ng ekonomiya ng bansa na kung saan naipakita ang kalunus-lunos na kalagayang pang-ekonomiya at pinansyal ng Sambayanan. Ang buod nito ay kanyang isinisisi sa maling patakarang pang-ekonomiya ng pamahalaan na nakatuon lamang sa ikabubuti ng mga korporasyon sa Pilipinas. Ang kanyang matibay na paniniwala bilang isa sa mga pinakabatikang ekonomista ng Bansa ay nararapat na ang patakarang ito ng Pamahalaan ay kailangang magbigay halaga di lamang sa korporasyon kundi pati na rin mga komunidad ng buong kapuluan ng bansa.

Ang katalinuhan ng mga panukulang ito ay nakaugat sa katotohanang ang pamahalaan ay naniniwala na ang pagdami ng pabrika sa bansa ang magbibigay ng kalayaan sa kahirapan ng Pilipino. Subalit nang dumami nang dumami ang mga dayuhang korporasyon sa Pilipinas, lalong naghirap ang buong bansa. Ayon sa pag-aaral ng mananaliksik na ito, sa ngayon ay mayroong 9% paglawak ng kahirapan sa bansa kada 1% paglago ng ekonomiya ng bayan. Sa ibang kultura, kagaya ng Europa at Amerika, kada lalago ang ekonomiya ay lumiliit ang Kahirapan sa bansa. Sa Pilipinas, kada tumataas ang antas ng eonomiya ay padami ng padami ang naghihirap sa bayan.

18

Page 19: Dapitan Edited[1]

Ayon kay Dr. Roxas, bunga ito ng sobrang pagtatangi ng pamahalaan sa pagdami ng korporasyon sa Pilipinas at ang kabang yaman ng bansa ang ginagamit sa paglinang dito sa kabila ng kapahamakang dulot nito sa mga komunidad.

Ang ilan ay ang naging resulta ng pag-aaral ng mananaliksik na ito. Una, hindi mga Pilipino ang nagmaymayari ng ekonomiya ng bayan. Halos 97% na ng ekonomiya ng bayan ay nasa pag-aari na ng mga dayuhan sa ating bayan. Tatlong porsyento (3%) na lamang ng ekonomiya ang pag-aari ng mga Pilipino. Noong panahon ng mga batikang patriotiko ng bayan bago dumating ang 1960’s, ito ang palaging ipinaglalaban nila Senate President Claro M. Recto at Pangulong Carlos P. Garcia. Subalit, naging mas malakas ang manipulasyong pampulitika ng iilan sa ating bayan na ang ninanais ay mapapasok ang mamumuhunang dayuhan sa ating bansa. Kaya mula sa situasyong mayroong 50% ng ekonomiya ng Pilipinas na kapit ng mga “entrepinoy,” ito ngayon ay bumagsak sa tatlong porsyento (3%) na lamang.

Ang pinakamalungkot sa sitwasyong ito ay pinalalawak pa ng mga institusyong pulitikal at pang-ekonomiya sa ating bansa na ang kalahagahan ng pagkamakabayan ay wala sa mga basehan ng mga institusyong ito.

Kaya nga, ano ang maaasahan ng Pilipino sa sitwasyong ang institusyon at mga mamamayan ay parehong kinitlan ng isang tunay na Patriosmong Bayan.

Sa aking pag-aaral, ito ang pinakaugat ng lahat-lahat na ng mga problema ng ating Bayan. Kaya mayroon tayong “graft and corruption” ay dahil wala tayong tunay na pagmamahal sa ating Inang Bayan. Kaya winawasak ng tuluyan ang dangal ng likas na yaman ng ating bansa ay dahil kapos tayo sa tunay na pagkamakabayan. Kung ang tatlong bahagi na ito ng lipunang Pilipino ay unti-unting kinikitlan ng buhay sosyal sa lipunang Pilipino, ano pa ang ating tunay na maasahan? Kaya ang kailangan ay buhayin natin ang tunay na pagkamakabayan sa dibdib ng milyun-milyong Pilipino ngayon, upang ng sa gayon ay ating maituwid ang takbo ng institusyon ng bayan sa larangan ng pulitika at ekonomiya upang makahabi ng isang tunay na malaya at maunlad na sibilisadong estado ng Bansang Pilipinas.

Ang Pagkamakabayan ng Isang Pilipino

Ang tunay na kaisipang patriotiko ay unang umusbong sa aking damdamin nang una akong lumabas ng bansa noong 1987 upang magsaliksik at mag-aral sa Unibersidad ng Cambridge, Ingglatera. Matapos ang aking pag-aaral dito ay nagsimula nang uminog ang aking buhay sa paligid ng damdaming ito. Naisulat ko lamang ang mga damdamin at kaisipang ito ngayong mga taon nang 2004-2005 nang ako ay bumalik sa London upang gampanan ang isang pagkakataong maging “post-doctoral fellow ng London School of Economics and Political Science. Ang karamihan sa mga sipi [kopya? O baka pahina?] na nakasulat dito ay aking ginawa sa Kensington Palace

19

Page 20: Dapitan Edited[1]

Green, KPG, noong ako ay nanirahan sa tinatawag na “Ambassador’s Residence” ng Embahada ng Pilipinas sa London.

Universidad ng Cambridge, Ingglatera. 1987Katulad ng milyun-milyong Pilipino ngayon, ako ay isang uri rin ng Pilipinong may kababawan ang pang-unawa sa ating nakaraan bilang isang malayang sibilisadong bayan. Ako ay isang tipikal na ordinaryong Pilipino na ang hanap lamang ay mga simpleng bagay sa buhay at ang pinakamahalaga sa akin ay ang kinabukasan lamang ng aking Pamilya.

Nang ako ay lumabas ng bansa upang makapag-aral sa Cambridge, mayroon nang pintig ng Patriotismo sa aking puso, subalit di ko maaninag kung ano ang tunay na kahulugan nito bilang isang Pilipino.

Ang tunay na agenda ng aking pag-aaral dito ay ang kalunos-lunos na kalagayan ng kabuhayan sa paligid ng Lawa ng Bai (lalong kilala ngayon sa pangalang Laguna de Bay), mula 1965 hanggang kasalukuyan. Bilang tubong-Pateros, ang himaymay ng aking laman at kaisipan ay hinubog ng relasyon ng Tao at kanyang Kalikasan. Ang aking mga magulang ay lehitimong taga-Pateros at ang Pateros ang pinakatampok na ehemplo kung papaanong ang kaluluwa ng isang Pilipino ay nahubog ng kanyang pagkarelihiyoso, sapagkat ang buong buhay ng isang taga-Pateros ay pinupuno ng maiinit na relasyon ng isang kaluluwa sa Diyos, sa kanyang Likas na Kapaligiran (mayamang ilog, malawak na bukirin na pinapagyaman ng Kalikasan ni Mariang Makiling sa Lawa ng Laguna), pag-ibig sa Pamilya, magandang kalooban sa kanyang pakikipagkapwa tao, at ang halos di na maaninag na pagmamahal sa Bayan.

Sa kahabaan ng araw sa Inglatera tuwing tag-araw, ay aking natutunang mag-saliksik sa Filipinana sa Aklatan ng Geograpika sa Downing Street, Cambridge. Dito ko unang nakita ang tatlong (3) malalaking sipi ng Report ni Prof. Schurmann sa Presidente ng Estados Unidos ng Amerika, taong 1902. Ang aking malaking katanungan dito ay “sa mahabang panahon ng aking pag-aaral sa tunay na kalagayan ng mga Pilipino at Bansa nito, bakit ngayong ko lamang nalaman na mayroon palang mga Sipi na Ganito na dokumentado ng mga Amerikano na makapagbibigay-linaw kung papaano nagsimula ang relasyong Koloniyal ng Amerika at Pilipinas.

Nang basahin ko ang ulat na ito, dito ko naunawaan kung ano talaga ang tunay na pakay ng mga Amerikano sa Mga Islang Pilipinas. Dito ko naunawaan kung papaanong ang Baguio City ay lumaki bilang isang siyudad upang maging tirahan ng mga Amerikano na umuubos noon ng ginto natin sa Benguet Province. Wala akong nabasang nakasulat, subalit pwedeng maisanib sa pinakamalaking korporasyon sa Pilipinas hanggang sa ngayon ang kanilang relasyon sa mga unang Amerikanong nakapagtayo ng negosyo upang kunin at ilabas ang lahat ng ginto ng Benguet papuntang Amerika sa pamamagitan ng Subic Bay sa Zambales. Kaya pala. Si Heneral Douglas MacArthur ay halos dito na sa Pilipinas nagbinata

20

Page 21: Dapitan Edited[1]

sapagkat ang kanyang ama na si General Arthur MacArthur ay miyembro ng nasabing Schurmann Commission, at maaring naging kanegosyo ng mga Amerikano na mga nagsipagnegosyo dito sa walang habas na pagkuha ng ating likas na yaman. Kaya pala, si noong si Senador Mckinely na may negosyo ng bakal sa Amerika ay nagiging kasosyo ni MacArthur sa Pilipinas sa mga negosyong ito. Bukod sa ginto, sila rin kaya ang umubos ng kagubatan sa Zambales, Nueva Vizcaya at Isabela noong panahong bago sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Katunayan, ang Economic Report ng U.S. Navy sa Subic, Zambales ang katibayan na ang Pilipinas noon ay mayroong positibong Balance of Trade na ang ibig sabihin ay mas marami ang nailuluwas na produktong Pilipino sa pumapasok dito at ang nakikinabang pala dito ay mga Amerikano at di Pilipino. Kaya pala mayroong extension ng Bell Trade Act hanggang Laurel Langley Agreement upang tiyakin ang patuloy na pagdaloy ng kayamanang Pilipino patungong Amerika. Nang matapos ang digmaang pandaigdig, nagsimula na ang tambalang Amerikano at Pilipino sa pagpapaunlad pa ng maraming negosyo sa Pilipinas bukod sa likas na yaman nito.

Dito ko rin nakita kung ano ang tunay na damdamin ni Heneral Emilio Aguinaldo sa mga akusasyon sa kanya na pagpatay kay Gat Andres Bonifacio ng Katipunan. Subalit bakit hanggang sa ngayon ay hindi nilinaw ang mga bagay na ito sa bawat isang Pilipino? Bakit pinaniwala tayo na ang nagpapatay kay Bonifacio ay si Aguinaldo? (dahil inamin naman niya, sinundan lang ng pagdadahilan kung bakit niya ginawa ang hakbang na iyon!) Ganito rin ba ang posibleng mangyari sa mga dadrating na panahon na ang buong paniniwala ng mga Pilipino ay si Presidente Marcos ang nagpapatay kay Marcial Bonificio O Ninoy Aquino. Hanggang kailan kailangang magdusa ang milyong-milyong kaluluwang Pilipino na nabubuhay sa kasinungalingan at hindi tuloy makahubog ng isang tunay na malaya at maunlad na sibilisadong sambayanan. Wala na bang katapusan ang “divide ang rule syndrome” ng mga Amerikano sa Bansang Pilipinas, mula kay Bonifacio laban kay Aguinaldo, Aguinaldo laban kay Manuel L. Quezon, Magsaysay laban kay Claro M. Recto, at Marcos laban kay Ninoy Aquino? Kung serioso ang labanan ng dalawang kampo ng Pilipino at ang nakataya ay ang mga kayamanang nakukuha ng Amerika sa Pilipinas, lalabas at lalabas ang ganitong uri ng pulitika sa Pilipinas.

Dito ko rin nauunawaan ang implikasyon kung bakit ang Amerika ngayon ay hindi halos makabitaw sa tanikala ng kanilang interes sa Pilipinas. Sa aking palagay, dalawa ang malaking kadahilanan kung bakit ang Amerikano ay nananatili at patuloy pang mananatili sa Pilipinas. Una, ang laki ng kahalagahan ng Mindanao sa Seguridad ng Amerika sa Pasipiko. Pangalawa, ang laki pa rin ng interes ng Amerika sa Ekonomia ng Bansa. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang Patriotismo ng mga Pilipino ay hindi nagigiging maganda ang pag-usbong, paglago at paglinang ng malaya at maunlad na pamumuhay para sa mga Pilipino.

21

Page 22: Dapitan Edited[1]

Ang Isyu ng Seguridad ng Amerikano na ang nakapain ang mga Pilipino

Nang matapos ang Cold War ng Amerika laban sa Ruso, nawalan na rin ng halaga ang Subic Bay bilang base militar ng mga Amerikano sa South China Sea. Una, tapos na ang giyera sa Vietnam at Pangalawa, wala na ring hidwaan ang Ruso at Amerikano. Subalit nang sumiklab ang labanan ng Amerikano at mga Pundamentalistang Moslem at iba pang relihiyon sa Gitnang Silangan, pilit na gumawa ng paraan ang mga Kano upang makabalik sa Pilipinas. At bakit naman sa Mindanao?

Kung pag-aaaralan ang heograpiya at politika sa Gitnang Silangan, hindi makakalusot ang kalaban ng mga Amerikano papuntang Europa upang tumawid sa Atlantic Ocean. Matatag at matibay na nakabase ang Amerikanong militar sa buong Europa. Subalit, kung ang tatahakin naman ng mga kalaban ng mga Amerikano ay pababa ng Indian Ocean at patawid ng Indonesia papuntang Pasipiko, maluwag na maluwag at malayang-malayang makakalipad ang mga kalabang ito sa likuran ng mga Amerikano sa malawak na Pacific Ocean. Ito ang dahilan kung bakit malaki ang pangangailangan nila sa Mindanao. Ang kaliitan ng islang Diego Garcia sa Indian Ocean ay nangangailangan ng mas malaking base militar upang ang lakas ng puersa ng Amerika ay mailagak sa bukana pa lamang ng Pacifico. Ito ang tinatawag na Lock gate ng Pacifico. At ito ay nasa nasasakupan ng Mindanao.

Kung babalik-aralan ang mga pangyayari ng kasaysayan ng kaguluhan sa Mindanao, makikita na ang Amerikano sa pamamagitan ng mga kabig nilang Pilipino ang nagtatag ng grupo ng Abu Sayaff. Nang sumapit na ang takdang oras na kailangan na nila ang Mindanao, kitang-kita ang manipulasyong ginawa ng militar sa Mindanao na halatang-halata ang pangangailangan ng Amerika na makababa ng kanilang mga sistema de giyera sa Basilan, Mindanao.

Hindi maintindihan na noong labanan ng mga (Pilipinong ?) Militar at Abu Sayaff, halatang-halata na pinatatagal lamang ng mga sundalo ang pagtugis sa kanilang mga kalaban. Sapagkat hindi pa naibababa ng mga Amerikano ang kanilang mga gamit sa Basilan. Subalit ng ito ay maibaba na lulan ng napakalaking eroplano, nawala na rin parang bula ang mga nakatutulig na mga kaguluhan sa Mindanao. At nang makarating na sa atin ang pinakamataas na pinuno ng gobyernong Amerikano, si Heneral (Sabihin natin ang first name sa unang pagbanggit) Powell na noon ay Secretary of State ng Pangulong George Bush, nang sumunod na araw ay idineklara ang kanilang panggigyera laban sa Iraq.

Sa ngayon, wala sa pormal na gobyerno ang lubos na nakakaalam kung anu-ano talaga ang mga gamit ng Amerika na naibaba sa Basilan. Ngayon, magpunta ka sa Basilan at masdan ang mga malalaking proyekto ng Estados Unidos sa lugar.

22

Page 23: Dapitan Edited[1]

Kumperensiya sa Rai, Netherlands. 1987

Sa kalagitnaan ng aking pag-aaral sa Universidad ng Cambridge, naimbitahang akong sumama at magsalita sa isang Kumperensiya ng “European Aquaculture Society” na ginanap sa Rai, Netherlands noong ika 4 ng Hunyo taong 1987.

Ang papel na aking inilahad sa Kumperensiyang ito ay nailathala ng organisasyong iyon sa Europa. Ang aking pananaw sa pagpapaunlad ng isang uri ng Bansa na mas maraming tubigan at isla ang pinakatampok dito. Binigyan ko ng pagkakaiba ang uri ng pagunlad ng mga bansang kontinente na may maraming kalupaan sa mga bansa kapareho natin na ang mas nakararami ay ang kapuluan at katubigan. Ang konseptong ito ay tinaguriang “Ang Dimensiyong Katubigan sa Pagpapaunlad ng buong Kapuluan ng Pilipinas”.

Matapos ang aking pagsasalita sa napakalaking pagpupulong na ito ng mga siyentipiko sa mundo ng katubigan, maraming delegasyon ng mga bansa ang nakipagniig sa akin at isa na rito ang grupo na galing sa Estados Unidos na pinamunuan ni Prof. Harry Westers ng Unibersidad ng Michigan. Nagtaka ako sa uri ng kanyang pagtatanong sapagkat ang mga ito ay patungkol sa pagkamakabayan ng mga batang Pilipino. Ito ang kanyang naging katanungan “Bakit,” anya, “nagkakaroon ng maasim na pananaw ang mga kabataang Pilipino sa matamis na relasyong Amerika at Pilipino? Habang kinakausap ko siya ay nabubuo naman sa aking isip ang isang magandang paraan upang maintindihan niya ng mayroong simpatya ang mga nangyayari sa Pilipinas ngayon. Kaya kagyat na sinabi kong kailangan nating pag-usapan yan ng tayong dalawa lamang. At sa aming pag-upo sa inuman ng kape sa kumperensyang ito ay nagsimula na ang aming talakayan sa malalim na katanungan niya patungkol sa relasyong Amerikano at Pilipino ngayon.

Ang sabi ko sa kanya, ang lahat ng nangyayari ay naipapaloob sa salitang “tampo.” Walang salitang ingles na tumbok na tumbok ang ibig sabihin ng tampo. Kayat sa mahabang salita ko lamang naipaliwanang kung ano ang ibig sabihin nito.

Ang aming pinakamatandang kapatid na babae ay kasal na nang mahabang panahon kay Kuya Perry, isang New Yorker na tubong Switzerland. Isa siyang ordinaryong Amerikano na napakabait at napakaganda ng pananaw para sa Pilipinas. Ang aming ama sa pamilyang ito ay isang opisyal noong nakaraang digmaan at marami siyang kaibigang mga military officers ng Amerika. Sa katunayan, bago siya namatay ay pumunta siya nang matagal sa Amerika upang magkaroon ng pagkakataong makita pa ang kanyang mga kaibigan doon. Maganda ang aming relasyon sa loob ng pamilya sa mga Amerikano at maganda rin ang aming pagtingin sa kanilang pag-uugali at layunin para sa amin sa Pilipinas.

23

Page 24: Dapitan Edited[1]

“Dagdag pa rito, sa palagay mo ba (kausap ko si Harry ng mga sandaling ito) ipipinid naming ang pintuan ng Pilipinas sa milyon-milyong kamag-anak namin ngayon sa Amerika. Sa palagay mo rin ba, kaya naming isara ang pinto ng Pilipinas doon sa mga “Second Generation Filipinos” na sa Amerika na lumaki at ngayon ay seryosong naghahanap kanilang pinag-uugatan sa Pilipinas. Hindi. Mananatiling bukas ang aming bansa sa aming mga kapwa-Pilipino at kaibigang Amerikano sapagkat sa ngayon ang atin nang relasyon ay hindi lamang pulitikal, pang-ekonomiya o ano pa mang ibang bagay, kundi malalim pa sa relasyong personal sapagkat ngayon ay mayroon nang paghahalo ang dugong Amerikano at dugong Pilipino.”

“E, bakit ba kayo nagtatampo sa mga Amerikano?” tanong ni Harry sa wikang Inggles. Ito ang mga kadahilanan sa apat na magkakasunod na panahon: a) Bago nagkagiyera b) Panahon ng Giyera c) Matapos ang Giyera d) Kapanahunan Ngayon.

Bago NagkagiyeraIto ang panahon na kung tawagin ng matatandang Pilipino ay “Peacetime”. Hindi makikita sa ordinaryong kaunawaan lamang kundi isang matiming pandama sa kasaysayan ng Bansa ang magtuturo sa iyo na maraming matitinding bagay ang ginawa ng gobyernong Amerikano sa Pilipinas noong panahong iyon. Ayon sa isang mananaliksik ng Unibersidad ng Santo Tomas, halos lahat ng mga Pilipino na may matinding Patriotismo ay namatay sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Nang matapos ang labanang ito, hindi na tao ang pinatay kungdi ang lahat ng bagay na magbibigay ng matinding alaala sa laking pagmamahal ng mga Patriotikong Pilipino sa Bansa. Ito ang dahilan sa programang kung tawagin ay “Pacification Campaign of the Americans in the Islands”. Kung gaano katindi ang Patriotismo ay ganoon din katindi ang nakatapat na programa ng mga Amerikano sa Pilipinas noong unang panahon pa ng kanilang pagkasakop sa ating Lipunan at Bansa. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay halos ayaw isauli ng mga Amerikano ang dalawang kampana ng Balangiga, Samar na iniuwi nila sa Amerika bilang ebidensiya kung papaano nila halos ubusin ang lahing Samarenyo noong panahong iyon. Isa pa ring ebidensiya dito ang Unang Tomo (Volume I) ng librong isinulat ni Presidente Ferdinand E. Marcos na pinamagatang “Tadhana”. Inilathala niya sa aklat na ito kung papaanong noong siya ay estudyante pa ng Unibersidad ng Pilipinas ay kanyang nakita kung papaano sinunog at itinago ng mga Amerikano ang lahat-lahat ng mga materials at libro na magpapaalala sa mga Pilipino kung anong sikap ang ginawa ng ating mga ninuno (Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, atbp…) upang tayo ay magkaroon ng tunay na kalayaan.

Kaya pala noong una kong makita ang Dapitan kung saan ikinulong si Dr. Jose Rizal ay aking tinunton ang lahat ng kanyang mga yapak dito: ang tulay na kanyang tinatawid araw-araw papuntang simbahan, ang lugar na kanyang tinatayuan tuwing siya ay magsisimba rito at pati na rin yaong malaking punong talisay na kanyang personal na itinanim, ang mga kubo na kanyang ipinagawa

24

Page 25: Dapitan Edited[1]

para sa kanyang mga estudyante, at marami pang iba. Nang ako ay umakyat na sa bahay na kanyang tinirahan doon, ibang-iba ang aking naging pakiramdam na parang siya ay nasa aking tabi lamang at ako ay halos mapaiyak sa pag-alaala ko sa mga ginawa niya para sa atin.

b) Panahon ng GiyeraAng Bataan ang simbulo ng kagitingan ng mga Pilipino kung papaanong ang mga Hapones ay nabigo na tumulak patungong Australia. Dito nila napagtanto kung gaano kagaling at katindi ang presisyon ng mga kung tawagin ay Philippine Scout. Ito ang nagging sangkalan nina Presidente Quezon at General Douglas MacArthur ng sila ay tumalilis paalis ng Corregidor patungong Australia at mula Australia papuntang Amerika. (check your facts here. The Japanese did not need Bataan to launch a trip to Australia which is closer to the Visayas and Mindanao; and they did not need to come from Australia if they wanted to go to the U.S. mainland, if they ever did, because Japan itelf is much closer to it. Japan’s scheme for “Greater East Asia Co-Prosperity Sphere” covered only China and

Eastern Asia.) Hanggang sa ngayon ay makikita mo sa tuktok ng Bundok ng Bataan na kung tagurian ngayon ay “Dambana ng Kagitingan,” kung ano ang ginawa ng mga Patriotikong Pilipino. Nang maigupo ang Bataan, wasak na ang planong pandigmaan ng mga Hapon sa Asia and the Pacific sapagkat di na nila nakontrol ang Australia. Ang lugar na ito ang nagsilbing daan kung saan ay nakabalik muli si Heneral Douglas MacArthur sa Pilipinas na kanyang kinalakihan.

Sabi ko kay Harry: “Ang mga ito ay giyera ng mga Amerikano at di ng mga Pilipino. Subalit sino ang tumulong at nagpakamatay na kasama ninyo….mga patriotikong Pilipino. Pero, sino ang tinulungan ninyo matapos ang giyera? mga Hapon. At saan ninyo kinuha ang mga materiales na kailangan upang maitayong muli ang Hapon? Kung halos ang konsiyensiya ninyo sa pagpapasabok ng dalawang Bomba Atomika sa Hapon ay naging dahilan upang tulungan ang Hapon ay bakit naman halos kinalbo ninyo ang bundok ng Nueva Vizcaya at Isabela upang maisagawa ninyo ang mga ito. Hindi bale sana na pinagkukuha ninyo ang likas na yaman ng bansa noong panahon na iyon, kung matapos naman ang labanan na kasama ninyo ang mga Pilipino, ay hindi ninyo pinabayaan ang Pilipinas hanggang ito ay tuluyang maging isang malayang Bansa. Anong halaga ng pagdeklara ng “Araw ng Kalayaan” noong Hulyo 4, 1946, kung ang gobyernong Pilipino sa pamamahala ni Presidente Roxas (isang pro-Japanese Collaborator) ay di ninyo tinulungang maitatag ang isang tunay na malayang bansang Pilipinas? Ang patunay dito ay ang pagpapatuloy noon ng pagpapatupad ng patakarang sa Amerika lamang magkakaroon ng relasyong panlabas ang Pilipinas kung kaya’t ang may kontrol pa rin ng ekonomiya ng Bansang Pilipinas ay ang Amerika. Kaya, ano ang halaga ng isang kalayaang pampulitika na hampaw naman sa kalayaang ekonomiya?

25

Page 26: Dapitan Edited[1]

c) Matapos ang GiyeraHalos nagpupumiglas ang liderato ng disenteng gobyerno ng mga Pilipino noong kapanahunan nito, mula kay Elpidio Quirino hanggang kay Carlos P. Garcia, na nilahukan ng mga pananaw nina Senate President Claro M. Recto hanggang kina Senador Lorenzo Tañada, Senador Pepe Diokno at Senador Ninoy Aquino noong panahon ni Presidente Marcos. Kahit sa tindi ng ganda ng mga pananaw na ito na dapat sana ay tayo ang mga nauna sa mga bansang Singapore, Malaysia, Korea at Thailand, sa pagmamaneho ng Ekonomiya ng Bansa ayon sa dikta ng Amerika sa Bansa, mula sa pagiging pangalawa sa Hapon na pinakamayamang bansa sa Asya, tayo ngayon ay pangalawa sa pinakamahirap na Bansa at nasa bahagyang unahan lamang ng Bangladesh.

Kung papaano ginawa ng World Bank at IMF ang disenyong ito sa ating Ekonomia, ay mababasa sa malalim at matiming pag-aaral na ginawa ni Prof. Alejandro Lichauco sa mga bagay na ito.

d) Kapanahunan Ngayon

Kung hungkag ang pagkamakabansa ng sambayanan at ang liderato ng bayan ay pulos pagpapayaman ang nasa kalooban at napapangibabawan ng pagkukunwari ng tunay na pagmamahal sa Bayan, ano ang maaasahan sa Pulitika ng Bayan? At kung ang mga mamamayan ay hindi naman nabigyan ng matamang pag-aasikaso ng institusyon ng sambayanan sa pulitika at ekonomiya, masisisi ba natin sila kung ang karamihan na ng umaalis ay magdesisyong huwag nang bumalik sa ating Inang Bayan, kahit sakbibi ng kalungkutan na manatili sa ibang bayan? Ni hindi rin natin masisisi ang taongbayan kung ang iniisip na nila ngayon ay umalis ng Pilipinas upang makadama kahit kaunting kaginhawahan lamang sa buhay.

Hindi naghihirap ang bansa, katunayan napakaraming negosyo ang kumikita taon-taon sa ating Bansa. Kagaya ng industriya ng Cell Phone, sa Filipinas nakatabo ng napakalaking kita ang mga may-ari ng kompanya nito. Yaon naming gumagawa ng spare parts ng cell phone sa Baguio City, alam ninyo ba na noong 2003 ay kumita sila ng halagang siyam na bilyong dollar o $9-B? Ang halaga pong ito ay kasindami na ng pananalapi na kailangan ng buong gobyerno natin sa loob ng isang taon. Isipin natin, iisang korporasyon na ang kabuuang kita ay kasinlaki ng “budget” ng buong Pamahalaan ng Sambayanan! Ilang korporasyon ang nagpapatakbo ng Ekonomiya ng buong Bansa? May humigit-kumulang 3,000 libong korporasyong Amerikano ang nagnenegosyo sa Pilipinas. Sa kabuuan, 97 porsiyento ng buong ekonomiya ng Pilipinas ang pinatatakbo na ng mga negosyong dayuhan! Noong kapanahunan nila Senador Claro M. Recto na ang pananaw ay isang Pambayang Ekonomiya na ang nagpapatakbo ay Pilipino, ang kabuuang porsyento ng pagnenegosyo sa Bansa ay 50% Amerikano at 50% Pilipino.

Karamihan sa mga Pilipino ay nabubuhay nang hindi nakadepende sa ekonomiya ng bayan kundi sa ekolohiya ng sambayanan. Ang ibig sabihin, mula Batanes

26

Page 27: Dapitan Edited[1]

hanggang Tawi-Tawi, ang kapistahan ng Mahal na Birhen tuwing Mayo sa buong bansa ay patunay na ang buong Sambayanan ay nagpapasalamat sa mga napakagandang pag-aani sa kabukiran, kabundukan at dalampasigan. Ito ang birtud ng pista sa halos lahat ng bayan-bayan sa buong kapuluan.

Kaya nga, sa pagdami ng negosyong ito sa buong bayan, lahat ng dumi ng industriya at kabahayang nakapaligid dito, kagaya ng Metropolitan Manila Area, ay parami nang parami araw-araw, araw-araw, araw-araw sa ating mga ilog, kapasigan, kabundukan, at buong kaparangan. Kung pagmamasdan, halos lahat na ng ilog sa loob ng mga kalunsuran at industrialisadong bayan-bayan ay parumi nang parumi at talagang namamatay. Dahil sa ang karamihan sa mga Pilipino, lalo na yaong mga hindi nabiyayang makapag-aral, ay nakadepende lamang sa pangingisda sa ilog, lawa at karagatan, at pangangaso sa kabundukan at kagubatan, sila ngayon ay nagdarahop bunga ng kabuuang kalagayan ng ekolohiya ng sambayanan.

May kasabihan nga tayong mga Pilipino na kunin na ninyong lahat ang troso ng kagubatan, ang ginto ng buong sambayanan, at kahit dangal na rin ng buong bayan, wag lang ninyong saktan ang aming Likas-Yaman, ay mabubuhay pa rin ang Sambayanan. (ang ginto at laluna ang mga puno na ginagawang troso ay bahagi ng ating likas-yaman; ang puno nga ay bahagi ng ating buháy na likas-yaman!)

Subalit ngayon sa pagdami ng industriya na walang pitagan sa lagay ng kaayusan ng likas na yaman ng bansa, patuloy at patuloy na nasisira araw-araw, araw-araw, araw-araw, ang pinagmumulan ng ating pagtustos sa aming kabuhayan araw-araw.

Kayat sa pagkasira na rin ng kabundukan, kagubatan, kaparangan at dalampasigan, ang mga Pilipino ay nagbabakasakali na bumaba na tungong mga siyudad at maghanap ng kabuhayan dito. Dahil hindi sila nakapag-aral man lamang, aling opisina, industriya o establisyamento ang tatanggap sa kanila, kahit tagapaglinis man lamang? Wala! Kaya nga, sila ang mga nakikita nating nagtagpi-tagpi ng kahit na anong madampot sa pali-paligid, upang makapagtayo ng isang bahay….na ang tawag natin ngayon ay “shanties” ng mga iskwater sa Kamaynilaan at iba’t ibang lungsod ngayon sa ating bayan. Sila ngayon ang tinatawag na Urban Poor. Ang iba sa kanila na halos wala na talagang magawa upang mabuhay, unti-unting naigigilid at naipupwera sa lipunan sa mga tinatawag nating Tambakan ng Basura ng buong Sambayanan, “Payatas”.

Ito ngayon ang kalunos-lunos na kalagayan ng buong sambayanan ang karamihan sa mga mamamayan sa araw-araw, araw-araw, araw-araw, ay unti-unting nasasadlak at nalulubog ngayon sa “Putikan ng Buhay” ng Kahirapan ng Buong Sambayanan.

Binigkas ko ang mga bagay na ito sa nasabing Kumperensya sa Amerika: (di ba sa Netherlands?)

27

Page 28: Dapitan Edited[1]

Karamihan sa mga Pilipino ay mapagmahal sa katahimikan ng bayan. Sa mahabang panahon, ay pinagkukuha ninyo ang aming kayamanang Ginto sa buong Probinsiya ng Benguet, wala kayong narinig man lamang kahit ano sa aming mga Pilipino. (Ernie, kaya ipinasara ng Korte Suprema ng gobyernong kolonyal ang pahayagang El Renacimiento ay dahil naglabas ng editoryal sina Fidel Reyes na naglalantad sa mapangamkam na agenda di Interior Minister Dean Worcester sa Kordilyera; kaya di totoo na “wala kayong narinig man lamang na kahit ano…” Meron! At ang isinagot sa pagrereklamo ay kasong

libelo at pagpapasara.) Giyera ninyo ang pandaigdigang labanan. Sino ang namatay na katabi ninyo, sino ang umaakay sa inyo, sino ang kumakarga sa inyo noong Death March? kaming mga kaibigan ninyong mga Pilipino. Hindi namin laban ang mga ito. Nang matapos ang giyera, inubos ninyo ang troso sa buong probinsiya ng Nueva Vizcaya at Isabela, may narinig ba kayo sa amin? Ngayong sa modernisadong nating pamumuhay, unti-unti ninyong pinapatay ang aming ilog at kalawaan na dating pinagmumulan ng aming ulam na isda araw-araw. Hanggang ngayon ay pilit ninyong ipinipinid ang aming mga mata at inuunsiyami ang aming mga dila. Isinara na rin ninyo at ipininid ang aming alaala sa aming mga ninuno na upang mabigyan kami ng isang disenteng pamumuhay ay lumaban sa mga Kastila at pati na rin sa inyo. Ngayong halos wala na kayong itinira sa Sambayanan, tinukso ninyo sa tawag ng kayamanan ang aming mga pulitikong matatalino ngunit kapus-kapos sa karangyaan ng araw-araw ng pamumuhay.

Subalit, huwag kayong mag-alala sapagkat ito ang kadahilan kung bakit nagtatampo ang mga Pilipino sa inyo. Kung maisasaayos nang nararapat ang relasyong Pilipino at Amerikano sa makabagong panahon na wala na ang kasinungalingan, wala na ang pag-iimbot, at tuluyang ang mga ito ay papalitan ng tunay na pagkakaibigan at paggagalangan bilang magkapantay na mga bansa, ang tampong ito ay maaaring mahalinhan ng isang bagong umaga sa relasyong Amerikano at Pilipino.

Ang Pagkamakabansa at Politika-Economiya Ng Sambayanan

Ang nakapagbibigay ng isang magandang pamumuhay sa mga mamamayan ng isang sambayanan ay ang institusyon ng pulitika at ekonomiya na nagseserbisyo sa kapakanan ng buong bayan. Subalit kapag ang mga mamamayan ay isinadlak sa isang sitwasyong ang sistema ng pulitika ay ginagamit upang ang sistema ng ekonomiya ay makontrol ng iilan lamang sa lipunan para sa kapakinabangan ng iilang mayayaman na kasosyo ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa, wala ni katiting ang anumang posibilidad na may magandang kahahantungan ang ganitong situasyon para sa mga mamamayan.

Kinakailangang ang sistema ng pulitika ay binubuo ng diwa’t kaluluwa ng sambayanan upang magkaroon ng tunay na kaluwagan sa buhay ang mga mamamayan.

28

Page 29: Dapitan Edited[1]

Sa karamihan sa mayayamang bansa, ang ekonomiya ng bansa ay kanila. Ang ekonomiya ng Hapon, Amerika, at mga bansa sa Europa ay pinauunlad hindi para sa iba pang mga bansa kundi para sa sariling bansa at mamamayan nila.

Sa Pilipinas, ang sistema ng ekonomiya ay hindi kontrolado ng mga Pilipino. Tayo ang nagsasabatas ng mga sistema, subalit kung pag-aaralan kung anong uri ng batas ang inuukit ng ating mga mambabatas at pulitiko ay makikitang di-hamak na higit ang proteksyon sa mga interes ng dayuhang mamumuhunan kaysa sa anumang proteksyong idinudulot ng mga ito para sa taongbayan, kung mayroon man.

Ano ang malaking dahilan kung bakit ang kanilang sistema ng pulitika at ekonomiya ay umiinog at umuunlad para sa kapakanan ng kanilang sariling bayan at lipunan. Hindi nila ipinamimigay ang sistema ng ekonomiya nila sa ibang bansa, ang sistema ng pulitika ay inilalagak ng taongbayan. Kung kaya’t ang sistemang pampulitikang ito ay umuunlad at umuusad din para proteksiyunan at bigyang-kaluwagan ang kanilang mga mamamayan. Dapat lamang, di ba? Sapagkat, ang ipinantutustos sa paglalagak ng pulitiko sa gobyerno ay nagmumulang lahat sa salapi ng mga mamamayan.

Subalit sa ating bansa ay balintuna. Tayo ang tumutustos ng eleksyon. Ang kapangyarihan ng mamamayan ay inililipat doon sa mga pinagkatiwalaan ng mga bumoboto. Subalit pagkatapos ng eleksyon ito, ang mga inilagak na mga pinuno ng bayan ay yaong mga nandaya at pag-upo ay di taglay ang diwa ng tunay na pagsisilbi sa sambayanan. Ang masama pa rito, ang kanila pang pinagsisilbihan ay ang interes ng mga dayuhan at ng iilan lamang sa ating sambayanan.

Ano ang dahilan at nagkakaganito ang malawakang situasyon ng ating bayan. Napakaraming basehan ang ibat iba’t uri ng pagpapaunlad ng ating kabuhayan, subalit wala ang dapat sana ay tunay na basehan. Halimbawa, kinakailangan ang galíng ng produksyon sa tulong ng siyensiya at teknolohiya, upang mapaunlad ang kamay ng industriya. Tama ang mga ito, subalit kulang. Hindi nasasagot ang mga katanungan. Sige, kailangang paunlarin ang ekonomiya ng bayan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng produksyon. Pero saan manggagaling ang puhunan, makina at materiales ng mga pagpapaunlad nito? Ang puhunan, makina at materiales ay inaangkat mula sa ibang bansa. Ang mga pangangailan dito ay kailangang kunin sa mga pondo ng World Bank at IMF na ang mga magbabayad ay ang mga mamamayan. Subalit sa kahuli-hulihan, ang lahat ng tinutubo ng mga industriyang ito ay mapupunta sa mga may-ari ng industriya na hindi mga Pilipino.

Ano ba ang tunay na basehan ng pagpapaunlad ng ating kabuhayan? Halos kabisado natin ang itsura ng “kalesa” subalit di pa natin kailanman pinag-aaralan ang itsura ng kabayong hihila rito. Kaya nga umunlad ang ating ekonomiya, lumawak ng lumawak ang Kamaynilaan. Umabot hanggang dulo na ng Laguna ang paglawak ng mga industriyang ito, hindi pa nakikita ang lawak ng mga

29

Page 30: Dapitan Edited[1]

industriyang ito sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. Pero ni hindi natin itinatanong kung sinu-sino ang humahakot ng bilyung-bilyong tubo na kinikita ng mga industriyang ito sa Pilipinas. Halimbawa, tulad nang nasabi ko na sa unahan, isa lamang korporasyong dayuhan sa Baguio City ay kumikita ng siyam na bilyong dollar kada taon. Pero, gaano karami ang mga korporasyong ganito sa bansa, daang-daang libo. Pero bakit walang pera ang gobyerno? Bakit walang idinudulot na magandang bunga ang mga ito sa ating bansa? Tanong, sino ang nakikinabang sa situasyong ito?

Hindi natin sinasabi na dapat ay hindi mamuhunan ang mga dayuhan sa ating bayan. Kailangan natin sila at kailangan irespeto natin ang kanilang mga inilagak na puhunan sa ating bansa. Subalit, kung ang mga negosyanteng Pilipino ay tuluyan ng iwawaksi ang kapakanan manapa’y di itataguyod ng gobyerno ang kanilang kapakanan ay napakalaki na yatang kamalian ito ng sistema ng pulitika at ekonomiya sa ating bayan. Hindi tayo laban sa pamumuhunang dayuhan sa ating bansa. Pero, ayaw natin ang kasalukuyang sitwasyon na ang kapakanan ng bayan ay ipinapailalim sa kapakanan ng mga dayuhan sa ating bansa.

Para saan pa at tinatawag tayong isang bansang Malaya? Para saan pa na tayo ay nag-eeleksyon? Para saan pa na tayo ay nagbabayad ng buwis sa ating pamahalaan upang tustusan ang isang sistemang hindi naman atin? Napakalaki yatang pagkakamali ang mga ito! Ang mali ay ang hindi pagtugon ng gobyernong iniluluklok ng taongbayan sa tunay na mga pangangailangan ng taongbayan. Sa tuwing ang gobyerno ay hindi nagtatapat sa taong bayan, lagi tayong magkakaroon ng ganitong uri ng sitwasyon, sapagkat malayo sa katotohanan ang ating kalagayan. Pag wala tayo sa katotohanan ay wala rin tayo sa kalooban ng Poong Maykapal!

Kaya nga, papaano mababago at maisasaayos ang lahat ng ito?

30

Page 31: Dapitan Edited[1]

PANGATLONG BAHAGIMORALIDAD NG LAHING PILIPINO

Moralidad ng Taong Bayan

May kasabihan tayo na ang sambayanan ay sinasalamin ng uri ng gobyernong mayroon ito. Ang ibig sabihin nito ay hindi natin dapat isisi ang lahat sa sistema ng gobyerno at sa mga nagpapatakbo rito. Tayo mismong taongbayan ay may malaking partisipasyon sa pagkalikha at pamamatili ng mga kalagayang ito. Tayo ring taongbayan ay may malaking pagkukulang sa mga bagay na ito. Tayo rin ay pwedeng sisihin sa mga nangyayari sa ating bayan kung tayo ay walang pakialam at manhid sa mga nangyayari sa ating bansa.

Ano ang ibig sabihin nito sa larangan ng moralidad? Ang isang pagkakamali o sa matinding pananalita, ang kasalanan (nota beine: ang kasalanan ay mayroon nang pananagutan ang tao sa Diyos) ay palaging dalawa ang mukha. Una, yaong mismong gumawa ng kasalanan. Siya mismo ay may pananagutan sa Panginoong Diyos. Pangalawa, yaong hindi naman mismong siyang gumawa ng kasalanan ngunit kabahagi sapagkat ni hindi niya ginamit ang kanyang tinig o kamay upang pigilan o patigilin ang mayroong pagkakasalang ginagawa. Ang dalawang ito ang mukha ng kasalanan sa lipunan, yaong mismong gumawa at yaong walang ginagawa kung may pagkakasala sa lipunan.

Ano ang sabi ng Banal na Kasulatan tungkol dito? “Kung hindi ka magsasalita, ang Panginoon mong Diyos ang magsasalita, at kapag Ako ang magsasalita…mabibiyak ang mga bato upang Ako ay maintindihan ng mga tao”.

Sa napakahaba nang mga panahong nagdaan sa kasaysayan ng ating bansa, laging may biyaya ang Panginoong Diyos sa ganitong bagay. Kung mayroon palaging nagsasalita at wala namang nakikitang pagbabago sa ating lipunan, maaaring wala pa sa takdang panahon ang lahat. Sa pagsapit ng takdang panahon, doon na makikita ang mga bunga ng mga pagpupunyaging ito sa ating lipunan.

Ang napakagandang halimbawa rito ay ang mga kabutihang iniwan sa atin ng Kanyang Kabunyian, Jaime Cardinal Sin. Mapupuna ninyong kung mayroong pangangailangang moral ang ating lipunan, lagi nating naririnig ang tinig ng ating mahal na Cardinal. Subalit, ni hindi maabot ng mga tao kung ano ang ibig sabihin ng morál at ano naman ang pulitikal. Ang mga senyales ng Cardinal ay hindi pulitikal sapagkat siya ay hindi lider pulitikal kundi lider morál. Kung kaya’t lahat ng kanyang sinasabi ay habi sa kanyang responsibilidad na morál at hindi pulitikal. At sa kanyang pagsasalita, laging nagiging mulat ang tao sa mga kasamaan at kabalbalang nangyayari sa ating lipunan. Nagkataon lamang na panahon ni Presidente Marcos ang mga ito at ang lahat ay binabasa sa larangang pulitikal. Ang hindi pagtigil ni Cardinal Sin sa kanyang responsibilidad na maging tinig ng Diyos sa Pilipinas sa larangang morál ay nagbunga rin ng mga magagandang bagay. Isa siya sa mga mahahalagang bagay na nagbigay-daan sa paglitaw ng isang napakagandang pangitaing pulitikal sa bayan ng Diyos-- Edsa Revolution Uno

31

Page 32: Dapitan Edited[1]

noong Febrero 22-25, 1986. Kung ang bunga man ng mga pagpupunyagi ng Lipunang Pilipino ay halos di pa mabanaag at mas dumami pa yata ang mga mandarambong sa Pilipinas, ay hindi dahil walang saysay ang mga nangyayari kundi walang nakikinig sa tawag na moral na ito ng Diyos sa ating Lipunan. Ang ibig sabihi’y gumagawa pa rin ng kasalanan sa Diyos ang mga mandarambong at magnanakaw ng lipunan.

Ang pinakamahalaga rito ay iisa na lamang ang mukha ng kasalanan sapagkat yaong pangalawang mukha ay wala na. Ang unang mukha ay yaong mga gumagawa ng di nararapat at ng pandarambong sa Lipunan. Ang pangalawang mukha ay yaong walang ginagawa. Ang mahalaga sa lahat ay mayroon na tayong ginagawa. Nagsasalita na tayo. Tumutugon na tayo sa tawag ng Diyos na ipakita natin sa ating kapwa kung ano ang nararapat na gawin ng isang Kristyano sa Lipunan. Isa nang Kristyanong Makabansa ang Pilipino ngayon.

Ang kasalanan ay di gawa ng institusyon kundi gawa ng tao na nagpapatakbo ng institusyong ito. Ang pinag-uugatan ng kasalanang panlipunan ay kasalanan ng tao sa kanyang Diyos. Kung nawala na ang tamang konsiyensiya ng tao, maaring ang taong ito ay wala na rin sa kalooban ng Diyos. At kung ang mga tao na dapat mayroong responsibilidad sa Panginoong Diyos ay wala na sa kalooban ng Diyos, ang “Pandemonyo ng Sambayanan” ay ang makapangyayari. Kung ang karamihan na ang wala na sa Diyos at tuluyang naagnas na ang kaluluwa ng sambayanan, dito na pumapasok ang humanismo ng tao, isang kagalingang pantao lamang na maaari ring hiwalay sa kalooban ng Diyos. May magagandang pananaw sa pantaong bagay na ito subalit hungkag naman sa intensiyon ng Diyos para sa mga tao. Dito na pumapasok ang rebolusyong hindi na nakaugat sa kalooban ng Diyos sa ating Lipunan. At kung magkagayon, ang mga ibubunga nito ay pulos kapighatian sa mga mamamayan.

Subalit, hanggat ang tao ay may marubdob na pananalig sa Diyos, hanggang ang tao ay patuloy na naghahanap sa Diyos sa kanyang buhay at siya ay sumusunod dito, ang kabuuan ng lipunan ay palaging magkakaroon ng biyaya ng Diyos. Ang sabi tungkol dito ay hindi kailangang lahat. Ang isang kaluluwa na may tamang pandama sa katotohanan ang siyang magsisilbing ilaw na panggagalingan ng lahat ng ilaw sa lipunan.

Kaya nga, napakagandang paglimiin ang isinulat sa batong dingding ng Edsa Shrine kung saan unang nangyari ang Rebolusyon sa EDSA: “…At kung ang mga tao ay luluhod sa akin at hihingi ng tawad sa kanilang mga kasalanan, sila ay aking pakikinggan, patatawarin, at gagamutin ko ang sugat ng kanilang sambayanan”.

Hindi na natin kailangan pa ang isa pang rebolusyon na ang nagpapatakbo ay pagkamuhi at kayabangan. Ang kailangan lamang natin ay sama-sama tayong lumuhod, tunay na humingi ng patawad sa ating mga pagkakasala at makikita nating kung anong biyaya ang ipagkakaloob Niya sa Bansa na pinili niya sa Asya na maging ilaw ng katotohan ng Pananampalataya sa Panginoong Hesukristo na tunay na Diyos ng Sanlibutan.

May mga isinagawang mga pag-aaral tungkol sa espiritwalidad ng mga bansa at nakita sa pag-aaral na ito na ang Pilipinas ay isa sa pinakatampok kung tungkol sa pagigiging

32

Page 33: Dapitan Edited[1]

espiritwal na pagkatao ang pag-uusapan. Ang ibig sabihin nito ay ang kaluluwang Pilipino ay nakaugat pa rin sa pananampalatayang Kristyano at Katoliko, sa kanyang pananaw sa buhay na umiikot sa kalooban ng Diyos.

Moralidad ng mga Institusyong PilipinoSa kasaysayan ng sambayanan nararapat nakaugat ang mga institusyon na nagpapatakbo ng buhay panlipunan at nasyonal na kalagayan ng buong pamayanan. Kung ang pamayanan ay hindi buo ang pagkaunawa sa tunay na historia ng Sambayan, maaaring ang institusyon ay gamitin lamang ng iilan para sa kanilang kapakinabangan.

PANG-APAT NA BAHAGIANG INSTITUSYONG POLITIKA AT EKONOMIA NG LAHING PILIPINO

(Present Situation)(Vision of Development)

PANG-LIMANG BAHAGIANG MALAWAKANG PAGSASAAYOS NG SAMBAYANANG PILIPINO

Ang Bansang Maka-DiyosAng Bansang Maka-BayanAng Bansang Maka-KalikasanAng Bansang Maka-Tao

PANG-ANIM NA BAHAGIANG PAGLALAGOM NG PATRIOTISMO, MORALIDAD AT BAGONG SISTEMA NG PULITIKA AT EKONOMIYA SA BANSANG PILIPINAS

33


Top Related