term paper - tuberculosis

25
PANIMULA Ang tuberculosis ay nananatiling malalang sakit na siyang malaking suliranin sa Pilipinas. Dinadapuan ng sakit na ito maging bata man o matanda. Araw-araw, mayroong dalawang batang wala pang limang taong gulang ang nagkakasakit ng tuberculosis. Hindi rin nalalayo ang nalalapit nilang kamatayan sa. Sa pagdapo ng sakit na ito sa kanilang katawan. Ang tuberculosis ay mula sa kumakalat na mikrobyo nitong dala ng hangin. Nagmumula ang mga mikrobyong ito sa mga taong may sakit na pulmon, na sa pamamagitan ng kanilang pag-ubo ay lumalagatap ang mikrobyo ng TB. Nakatawag sa aking pansin ang lumalaganap na sakit na ito kung kaya’t isa ako sa mga naalarma sa pagkalat nito. Bilang isang manunulat sa Pamanahong Papel na ito, ay nais kong maibahagi sa mga mambabasa ang mga bunga ng aking pananaliksik ukol sa paksang ito. Lubos akong naliwanagan nang malaman ko ang bawat detalye ukol sa sakit na ito. Kaya naman alam kong makatutulong ito upang makapag-bigay kaalaman at maibahagi ko ang aking natutunan sa masusing pagsasaliksik.

Upload: tsu

Post on 10-Jan-2023

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

PANIMULA

Ang tuberculosis ay nananatiling malalang sakit na siyang

malaking suliranin sa Pilipinas. Dinadapuan ng sakit na ito

maging bata man o matanda. Araw-araw, mayroong dalawang batang

wala pang limang taong gulang ang nagkakasakit ng tuberculosis.

Hindi rin nalalayo ang nalalapit nilang kamatayan sa. Sa pagdapo

ng sakit na ito sa kanilang katawan.

Ang tuberculosis ay mula sa kumakalat na mikrobyo nitong

dala ng hangin. Nagmumula ang mga mikrobyong ito sa mga taong may

sakit na pulmon, na sa pamamagitan ng kanilang pag-ubo ay

lumalagatap ang mikrobyo ng TB.

Nakatawag sa aking pansin ang lumalaganap na sakit na ito

kung kaya’t isa ako sa mga naalarma sa pagkalat nito. Bilang

isang manunulat sa Pamanahong Papel na ito, ay nais kong

maibahagi sa mga mambabasa ang mga bunga ng aking pananaliksik

ukol sa paksang ito. Lubos akong naliwanagan nang malaman ko ang

bawat detalye ukol sa sakit na ito. Kaya naman alam kong

makatutulong ito upang makapag-bigay kaalaman at maibahagi ko

ang aking natutunan sa masusing pagsasaliksik.

Ang limang pangunahing mensahe sa kabanatang ito ay

makatutulong sa mga pamilaya at pamayanan upang malaman na ang

tuberculosis ay maiiwasan, higit diyan, sa kabila ng kamahalan ng

gamut na kinakailangan upang malunasan at maiwasan ito,

kinakailangan ding kumilos ang mga pamilya at pamayanan upang

mabawasan ang pagkakasakit at pagkamatay ng mga bata at matanda.

SULIRANIN

Ang sakit na tuberculosis ay isa sa mga karaniwang sakit sa

ating bansa na maaaring dumapo sa mga bata at matanda. Marami sa

mga katanungan ngayon ay maaari pabang malunasan ang sakit na

Tuberculosis o TB? At kung papaano ba maiwasan ang sakit na ito?

Anu-ano rin ang mga iba’t-ibang mga usapan patungkol sa

sakit na ito. Sabay-sabay nating alamin ang mga kasagutan sa

pamanahong papel na ito. Kung paano malulunasan at maiiwasan ang

sakit na tuberculosis para sa ikagiginhawa ng ating pamumuhay at

ikagagaan ng ating pakiramdam.

KATAWAN

Ano ang tuberkulosis?

• Ang Tuberkulosis (TB) ay isang sakit na bunga ng impeksiyon ng

bakterya (mikrobyo)

Mycobacterium tuberculosis.

• Ang TB ay maaaring makasira sa baga o sa ibang bahagi ng

katawan ng tao at maging sanhi ng malubhang sakit.

Paano ito kumakalat?

Ang TB ay kumakalat sa pamamagitan ng hangin kung ang taong

may TB sa mga baga o lalamunan ay umubo, bumahin o

nagsalita, at nagkakalat ng mikrobyo sa hangin.

Kung malalanghap ng ibang tao ang mga mikrobyong ito, maaari

silang mahawa.

Karamihan sa mga tao ay nakakakuha ng mikrobyo ng TB sa

palagiang kasama nila, tulad ng miyembro ng pamilya o

kaibigan.

Ang TB ay HINDI ikinakalat ng mga gamit sa bahay (tulad ng

mga kutsilyeria, mga babasagin, baso, mga damit o telepono)

kaya hindi kailangang gumamit ng hiwalay na mga gamit sa

bahay.

Ano ang pagkakaiba ng impeksiyong tb at sakit na tb?

Ang Impeksiyon ng TB: ang mikrobyo ng TB ay nasa loob ng

katawan ngunit “hindi aktibo”. Sa karamihan ng kaso, ang

panlaban ng katawan sa sakit ang siyang pumipigil sa mga

mikrobyo. Ngunit, ang mga mikrobyo ay maaaring manatiling buhay

sa hindi aktibong kalagayan.

Habang ang mga mikrobyo ng TB ay hindi aktibo, wala silang

masisira, o maikakalat sa ibang tao. Ang tao ay maaring “may

impeksyon”, pero walang sakit. Sa karamihan (90 porsyento ng mga

tao) ang mga mikrobyo ay nananatiling hindi aktibo. Makikita ang

impeksiyon sa pamamagitan ng positibong resulta ng Test

Tuberkulin sa Balat (Tuberculin Skin Test).

Ang sakit na TB: kahit lumipas na ang maraming taon, ang

hindi aktibong mikrobyo ng TB ay maaaring maging aktibo kung

humina ang depensa ng katawan. Ito ay maaaring dahilan ng

katandaan, malubhang sakit, pangyayaring nagdulot ng sama ng

loob, maling paggamit ng droga o alkohol, impeksiyon ng HIV (ang

bayrus na nagiging sanhi ng AIDS) o ibang mga kalagayan.

Kung ang hindi aktibong mikrobyo ng TB ay naging aktibo,

maaaring magkaroon ng sakit na TB.

Mga 10 porsyento lamang ng mga tao na naimpeksyon ng mga

mikrobyo ng TB ang magkakaroon ng sakit na TB.

Ang mga taong may TB sa mga baga at lalamunan ay maaaring

makahawa sa iba.

Sa karamihan ng kaso, matapos ang dalawang linggong pag-inom

ng gamot, ang taong may sakit na TB ay hindi na

makapagkakalat ng mga mikrobyo ng TB.

Ang mga taong may TB sa ibang bahagi ng katawan ay hindi

nakakahawa.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring magkaroon ng TB ang alinmang bahagi ng katawan,

ngunit karaniwan ito ay nasa baga. Ang mga taong may TB ay

maaaring magkaroon ng ilan o lahat ng mga sumusunod na sintomas:

Pag-ubo na tumatagal ng mahigit na tatlong linggo

Mga lagnat

Hindi maipaliwanag na pamamayat

Pagpapawis sa gabi

Palaging napapagod

Nawawalan ng ganang kumain

May dugo ang dura

Pananakit/o pamamaga ng mga apektadong bahagi ng katawan

kung ang TB ay nasa labas ng mga baga.

Sino ang mga nanganganib?

Ang mga taong matagalang nakikipag-usap sa isang taong may

nakahahawang TB sa baga o sa daluyan ng paghinga.

Ang mga taong: May kanser, kasama na ang mga may sakit na

limpoma at sakit ni Hodgkin (Hodgkin’s Disease)

Ang mga umiinom ng gamot na nakakaapekto sa sistema ng

kanilang depensa sa pagkakasakit (tulad halimbawa ng mga

gamot na corticosteroids, cyclosporin o chemotherapy

Mayroong HIV/AIDS

Matagal nang maysakit na nakakaapekto sa sistema ng kanilang

depensa sa sakit.

Paano ito mapipigilan?

∞ Ang mga taong may TB sa mga baga ay pinagsasabihang magtakip

ng kanilang ilong at bibig kung sila ay bumabahin

∞ Ang mga taong may nakahahawang TB sa kanilang baga ay

ibinubukod hanggang hindi na sila makahawa

∞ Ang ilang tao na nalamang may impeksiyon ng TB ay bibigyan

ng gamot na makapipigil sa sakit

∞ Ang pagbibigay ng bakunang BCG laban sa nakamamatay na uri

ng TB sa mga batang maglalakbay sa ibang bansa na kung saan

ang TB ay karaniwan. Ang BCG ay hindi pangkalahatang

ibinibigay sa NSW.

Paano ang pagdadayagnos?

Para sa TB sa mga baga:

Isang eksrey ang makapagsasabi kung ang sakit na TB ay

nakaapekto sa mga baga

Isang pagsusuri ng dura ang magsasabi kung mayroong mga

mikrobyo ng TB sa dura sa pag-ubo

Kung hindi maaaring dumura sa pag-ubo, ibang test ang

maaaring kakailanganin.

Para sa TB sa labas ng mga baga:

Mga test tulad ng bayopsi sa karayom, pagpahid sa sugat,

ispesimen sa pag-titistis o sampol ng ihi sa umaga ay

maaaring makatulong sa pagdadayagnos ng TB.

Paano ito ginagamot?

Ang impeksyon ng TB: maaaring ipag-utos ng doctor ang pag-

inom ng isang kurso ng mga gamut (terapeutikong panlaban) o

sundan ito ng regular na eksrey.

Ang sakit na TB: ay ginagamot sa pamamagitan ng pinagsamang

mga natatanging antibayotik sa loob ng anim na buwan. Isang

nars sa klinika sa baga ang siyang magbabantay sa inyong

pag-inom ng mga antibayotik sa TB upang tingnan kung may

anumang masamang epekto at tiyakin na ang paggagamot ay

atapos.

Ang mga taong may TB ay maaaring gumaling kung makukumpleto

ang panggagamot.

Ang mga taong may sakit na TB ay maaaring makabalik sa

normal na gawain, habang ginagamot, kung sila ay hindi na

nakahahawa.

Kung ang isang tao namay TB ay hindi iinom ng gamut,

maaaring lumubha ang kaniyang karamdaman, at maaaring

mamatay.

Kapag may kasama sa bahay na may TB:

Kung maaari, magpatinging lahat ang mga kasambahay kung may

TB.

Pabakunahan ng anti-TB ang mga bata,

Lahat, lalo na ang mga bata, ay dapat kumain ng

masustansiyang pagkain

Ang taong may TB ay dapat kumain at matulog nang hiwalay sa

mga bata; kung maaari, sa ibang silid hanggang siya'y may

ubo.

Kapag umuubo, dapat takpan ng may TB ang kanyang bunganga at

huwag dudura sa sahig.

Dalhin agad sa pinakamalapit na health, center ang isang

bata kung inaakala ninyong may TB o kung mahigit nang 2

linggo ang ubo.

Gamutin agad ang TB.

Bakit kailangan mo ng gamot?

Kung sakaling may taong malapit sa iyo na mayroong TB,

maaari ring taglay mo na ang mikrobyo nito sa iyong katawan –

kahit na wala kang narararamdamang anumang sintomas o sakit. Ang

mga mikrobyong ito ng TB ay maaaring nasa katayuang hindi aktibo

or natutulog lamang sa loob ng iyong katawan. Matutuklasan o

malalaman lamang ito sa pamamagitan ng isang pagsusuri sa iyong

balat o iyong tinatawag na “TB skin test.” Minsan, maaaring

biglang maging aktibo ang mga mikrobyong ito na siyang magiging

dahilang ng iyong pagkakasakit. Tanging ang pag-inom ng mga gamot

laban sa TB ang makakatiyak na ito’y hindi magaganap o ikaw ay

hindi magkakasakit.

Kung lumabas sa pagsusuri ng iyong balat na ikaw ay mayroon

ng mga mikrobyo ng TB sa iyong katawan, hahatulan o bibigyan ka

ng doctor ng gamot dahil:

Bago ka pa lamang nagkaroon ng TB

Ikaw ay wala pang 35 taong gulang

Nagkaroon ka nan g TB ngunit hindi ka napagaling ng lubusan

ngn mga gamot sa TB

Lumaba sa x-ray ng iyong baga na may malaking posibilidad sa

pagkakaroon mo rin ng TB o kaya ay

May kalagayan kang medical na magtutulak sa pagkakaroon mo

ng TB

Mga gamot laban sa TB

Binigyan ka ng iyong dokto ng gamot para mapangalagaan mo

ang iyong sarili labang sa TB. Ang gamot na ito ay maaaring

isoniazid o mas kilala sa tawag na INH. Ito rin ang gamot na

karaniwang iniinom ng mga taong may TB para sila’y gumaling. Para

sa iyo, ito rin ang gamot na tutulong para maiwasan mo ang TB.

Ang INH ay itinuturing na ligtas na gamot.

Kailangan mong inumin ang gamot na ito kahit wala kang

nararamdamang anumang sintomas o sakit. Dapat ring tandaan na

napakahalagang masunod mo ang mga payo ng doctor hinggil sa

tamang paraan at kung hanggang kailang ito dapat inumin.

Karaniwan ay inaabot ng 6 hanggang 12 buwan. Kung hihinto ka agad

sa pag-inom nito, maaaring hindi tumalab o maging mabisa ang

gamot. Dapat ipaalamagad sa iyong doctor kung sakaling titigil ka

na sa pag-inom nito.

Mga bagay na dapat subaybayan

Ang gamot sa TBA (INH) ay ligtas na gamot. Maraming taong

umiinom nito na hindi naman nagkakaroon ng anumang problema.

Subalit sa iba, ito ay nagdudulot ng mga hindi pangkaraniwang

epekto. Kadalasang nangyayari ito sa mga taong may edad na.

Kung ang mga babanggitin na sintomas ay mangyari sa iyo,

itigil na ang pag-inom ng gamot at ipaalam ito kaagad sa iyong

doctor o nars.

Walang ganang kumain o hindi nagugutom

Panghihina o pagkahilo

Bagong pangangati

Nilalagnat kahit hindi sinisipon

Nagsusuka o napapasuka

May paninilaw ang mga mata o ang balat

Kulay tsaa ang ihi

Pamamanhid ng mga kamay at paa.

Kung Ano ang Ibig Sabihin ng mga Resulta ng Pagsusuri

Negatibong Resulta

Ang isang negatibong resulta ay nangangahulugang maaaring wala

kayong baktirya ng TB sa inyong katawan pero maaring kailangan

ninyo ng isa pang pagsusuri sa balat para makasiguro. Kung meron

kayong impeksiyong HIV o AIDS, maaaring gustuhin ng inyong doktor

na

magkaroon kayo ng iba pang mga pagsusuri, dahil hindi naman

laging natutuklasan ng

pagsusuri sa balat ang TB sa mga taong may HIV o AIDS.

Positibong Resulta

Ang positibong resulta ay maaaring nangangahulugang meron kayong

impeksyon ng TB. Hindi ipinakikita nito na may sakit kayong TB o

makahahawa kayo ng iba. Mga dagdag na pagsusuri ang kakailanganin

dito. Ang isang pagsusuri ng inyong dibdib sa pamamagitan ng X-

ray at iba pang mga pagsusuri ang makapagpapakita kung meron

kayong sakit na TB at kung anong klaseng pagpapagamot ang

kailangan ninyo.

Ang Inyong Pangangalaga

• Kung positibo ang pagsusuri sa inyong balat o mayroon kayong

TB, maguumpisa kayong uminomng gamot.

• Inumin ang inyong mga gamot ayon sa ibinilin. Inumin ang

inyong mga gamot sa parehong orasbawat araw at huwag tigilan

ang pag-inom sa mga ito. Maaaring kailanganin ninyong inumin

anginyong mga gamot sa loob ng 6-24 na buwan. Kung hindi ninyo

iinumin ang inyong mga gamot,maaaring bumalik ang inyong TB at

mas mahirap itong gamutin. Maaari rin ninyong mahawaanang

ibang tao kung hindi ninyo iinumin ang lahat ng inyong mga

gamot.

• Huwag iinom ng alak habang umiinom ng mga gamot na ito dahil

ang alak ay maaaring magdulotng mga problema sa atay.

• Maaaring maging kulay dalandan ang inyong ihi at ibang likido

sa katawan dahil sa isa sa mgagamot na ginagamit upang gamutin

ang TB.

Kung malala kayo at kailangang dalhin sa ospital:

• Maaaring ihiwalay kayo sa ibang pasyente. Pipigilan nitong

mahawaan ng TB ang ibang tao.

• Ihihiwalay kayo hanggang nakainom na kayo ng mga gamot sa TB

ng 2-3 linggo o hanggang walanang mikrobyo ang inyong plema

(sputum).

• Ang sinumang papasok sa inyong silid ay gagamit ng takip sa

ilong at bibig (mask).

• Isasara ang pintuan sa inyong silid

BUOD

Ang tuberkulosis, o tuberculosis sa Ingles na pagbabaybay

(pinaikling tubercle bacillus), ay isang pangkaraniwan, at sa

karamihang kaso ay nakamamataay, ay isang nakakahawang sakit na

dulot ng iba't ibang uri ng mycobacteria, kadalasan ng

Mycobacterium tuberculosis. Kilala rin ito sa tawag na tuyo,

sakit na tuyo, pagkatuyo, sakit na pagkatuyo, T.B. o tisis.

Kadalasang inaatake ng tuberkulosis ang baga, subalit maaari rin

ang ibang bahagi ng katawan. Naipapakalat ito sa pamamagitan ng

hangin kapag ang tao na may aktibong impeksiyong TB ay umubo,

bumahing, o kaya naman ay maipasa ang mga likido mula sa paghinga

papunta sa hangin. Karamihan sa impeksiyon ay hindi kinakikitaan

ng sintomas, subalit isa sa sampung impeksiyon ay lalaon na uusad

sa pagiging ganap na sakit, kung hahayaang hindi magamot, ay

nakamamatay ng mahigit sa 50% ng mga naimpeksiyon.

Maaaring maiwasan ang sakit na TB at maaari rin itong

magamot. Basta atin lamang pangangalagaan ang ating kalusugan at

ang ating sarili, at ating susundin ang mga payo sa atin ng mga

doctor. May mga gamot at tutulong para maiwasang mo ang sakit na

TB. Magiging mabisa lamang ang mga gamot kung susundin mo ang mga

payo ng iyong mga doctor.

Ang pag-inom ng gamot laban sa TB ay makatutulong sa pagtiyak na

ikaw ay mananatiling malusog. Ang kalusugan ay kayaman kaya dapat

lang na atin itong panatilihin at pangalagaan.

PAGPAPALAGAY

Hindi lamang ang mga bansang mahihirap o mga nabibilang sa

Third World countries ang sinasalanta ng TB maging ang mga

bansang mauunlad ay apektado nito. Dito sa Pilipinas na laganap

ang kahirapan at ang pamumulitika ang almusal, tanghalian at

hapunan, ang paglaganap ng sakit na TB ay hindi natututukan.

Dahil sa kamahalan ng gamot para sa TB, marami ang namamatay na

hindi na nakatikim nito. Dahil sa mahal ng konsulta sa doctor,

marami ang nagse-self medication na lamang na ang kinatutunguhan

ay ang pagkamatay din. Katwiran nang marami, walang perang

pampagamot at perang pambili ng gamot. Ang sakit na taglay ay

patuloy sa pagkalat.

Ang Department of Health ay kulang na kulang sa pagpapahatid

ng impormasyon sa taumbayan kaugnay sa TB. Kung naging masigasig

sila sa paghahatid ng mga impormasyon nang manalasa ang Severe

Acute Respiratory Syndrome (SARS) sa bansa, bakit hindi magawa

ang ganitong impormasyon sa TB. Kung gumasta ng malaking halaga

sa information campaign sa SARS noon, mas dapat na gumasta para

sa kampanya sa TB. Hindi gaanong nakapanalasa ang SARS dahil sa

kampanyang iyon at dapat ganito rin ang gawin para matigil na ang

pananalasa ng TB. Bukod sa kampanya, nararapat gumawa ng paraan

ang pamahalaan na maibaba ang presyo ng mga gamot para sa TB.

Yung presyo na kayang bilhin ng mga apektado ng TB.

Ang kalusugan ng mamamayan ay dapat maging prayoridad ng

pamahalaan. Isantabi ang pulitika at pagtuunan ng pansin ang

kalusugan ng mamamayan.

REKOMENDASYON

Nananatiling malaking suliranin sa pilipinas ang

tuberculosis. Bata man o matanda ay maaaring dapuan ng sakit na

ito. Kinakailangang kumilos ang gobyerno , mga pamilya at ang

buong pamayanan upang mabawasan ang pagkakasakit at pagkamatay ng

mga tao mula sa TB(Tuberkulosis). Ang sakit na ito ay makukuha

mula sa kumakalat na mikrobyo nitong dala ng hangin. Nagmumula

ang mga mikrobyong ito sa mga taong may sakit sa pulmon na sa

pamamagitan ng kanilang pag-ubo ay lumalaganap ang mikrobyo ng

TB.

Masusing pag-iingat ay kinakailangan upang makaiwas sa

sakit na ito. Kung maaari magpatingin kaagad sa doctor kung kayo

ay nakakaranas na ng pag-uubo lalo na kung ito ay isang linggo mo

ang nararanasan. Ito ang mga maaaring gawin:

Kausapin ang inyong lokal na Klinika sa Baga o kumunsulta sa

doktor ng pamilya.

Ang lahat ng pagsusuri at paggagamot ng TB ay ibinibigay

nang libre at kompidensiyal sa mga klinika sa baga.

Ang reperal ng isang doctor ay HINDI kailangan upang pumunta

sa isang klinika sa baga.

Hindi kailangan ang pangangalaga ng Medicare.

Kasama sa mga Serbisyo ng Klinika sa Baga ang pangangalaga

at pamamahala ng mga pasyente na may TB at ang lahat na

kailangang pagsusubaybay sa sakit.

SAGOT SA SULIRANIN

Ang tuberculosis ay nagagamot na sa panahong ito. Marami ng

mga gamot ang lumalabas para sa sakit na TB. Nalaman din natin

ang mga paraan kung papaano makukuha, kumakalat, kumg papaano ito

madadayagnos at magagamot. Gayundin ang mga maaari nating gawin

kapag nalamang natin tayo ay mayroon na nga baktirya ng TB at

kapag may kasama tayo sa bahay na mayroong sakit na TB. Nalaman

din natin kung bakit kailangan nating uminom ng gamot para

maiwasan ang TB at para magamot ito, gayon din ang mga bagay na

dapat masubabayan sa pag-inom ng gamot para ito ay maging

epektibo at para maiwasan ang paglala nito.

Mahalagang malaman natin ang mga bagay tungkol sa sakit na

ito, ngunit higit na mahalagang isagawa natin ang mga bagay na

nakakapangalaga at nakakapagpanatili ng ating kalusugan upang

makaiwas sa ganitong uri ng karamdaman. Dahil ang kalusugan ay

kayamanan kaya nararapat lang natin itong pangalagaan para sa

ating sarili gayundin para sa ating mga mahal sa buhay.

SANGGUNIAN

http://www.scribd.com/doc/76024875/Panimula

http://www.mhcs.health.nsw.gov.au/publicationsandresources/pdf/

publication-pdfs/diseases-and-conditions/7600/doh-7600-tgl.pdf

http://health.wikipilipinas.org/index.php?title=Tuberkulosis

http://www.gobroomecounty.com/files/hd/pdfs/TBLang/tagalogTBfacts.pdf

http://ethnomed.org/patient-education/tuberculosis/tbpills-tagalog.pdf

http://www.philstar.com/opinyon/218385/editoryal-

tuberculosisbanta-sa-buhay-ng-mga-pinoy

TUBERCULOSIS

Project in Filipino

Ipinasa ni:

MARY JOY PAGADUAN

Ipinasa kay:

MRS. GLENDA PAGADUAN