demo-for-dep-ed

8
Banghay – Aralin sa Araling Panlipunan III Kasaysayan ng Daigdig ANG PAGTUKLAS AT PAGGALUGAD NG MGA LUPAIN I. LAYUNIN A. Nagtatalakay ang iba’t – ibang kadahilaan ng pagtuklas at paggalugad ng mga lupain noong ika –labinlimang siglo. II. NILALAMAN A. Pangunahing Paksa “ANG PAGTUKLAS AT PAGGALUGAD NG MGA LUPAIN” B. Tiyak na Paksa 1. Mga Dahilan ng Pagtuklas at Panggagalugad C. Mga Kagamitan Mga Tulong Biswal: Oslo paper chalk chart flashcards larawan krayola D. Mga Sanggunian: a. World History, Perry, William C. p.345-346 b. Modyul 14: Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng Teritoryo http://222.126.126.211/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20III/Modyu 1

Upload: nette-capistrano-tolentino

Post on 01-Dec-2015

85 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

lesson proper

TRANSCRIPT

Page 1: demo-for-dep-ed

Banghay – Aralin sa Araling Panlipunan IIIKasaysayan ng Daigdig

ANG PAGTUKLAS AT PAGGALUGAD NG MGA LUPAIN

I. LAYUNIN

A. Nagtatalakay ang iba’t – ibang kadahilaan ng pagtuklas at paggalugad ng mga lupain noong ika –labinlimang siglo.

II. NILALAMAN

A. Pangunahing Paksa

“ANG PAGTUKLAS AT PAGGALUGAD NG MGA LUPAIN”

B. Tiyak na Paksa

1. Mga Dahilan ng Pagtuklas at Panggagalugad

C. Mga Kagamitan

Mga Tulong Biswal:

Oslo paper chalk chart flashcards larawan krayola

D. Mga Sanggunian:

a. World History, Perry, William C. p.345-346

b. Modyul 14: Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng Teritoryohttp://222.126.126.211/download/EASE%20MODULES/Araling%20Panlipunan/AP%20III/Modyu

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO

A. Panimulang Gawain

1. PagbatiMagandang umaga sa inyo mga mag – aaral

2. Pagbabalik – aral

GAWAING MAG – AARAL

-Magandang umaga rin po Guro!

1

Page 2: demo-for-dep-ed

(Itatanong sa mga mag – aaral ang nakaraang aralin)

B. Paglinang ng Aralin

a. Pagganyak / Lunsaran

Tingnan ang larawan at mga salitang nakadikit sa pisara. Mga mag – aaral tukuyin ang ating bagong aralin.

Portugal

Espanya

Ano sa palagay ninyo ang ating magiging aralin?

Mahusay! Tama ang iyong kasagutan.Nais kung makinig kayo sa talakayan upang lubos na maunawaan ang aralin.

b. Paglalahad / Pagtalakay

Ang pagtuklas at paggalugad ng mga Europeo ay naganap noong labing limang siglo.

Bigyan at ipaliwanag muna natin ang kahulugan ng pagtuklas at paggalugad.

Ano ba ang ibig sabihin ng panggagalugad?

Tama! Ano naman ang ibig sabihin ng pagtuklas?

Tama! Ngayong naunawaan na ninyo ang kahulugan ng pagtuklas at paggalugad. Alamin naman natin ang mga kadahilanan na nagbunsod ng gawain.

Sa inyong pagkakaunawa bakit ang mga Europeo ay nanguna sa pagtuklas?

-Guro, ang atin pong aralin sa araw na ito ay tungkol sa pagtuklas dahil ang mga bansang nabanggit ay nanguna sa gawaing ito at ang bapor ay sumisimbulo sa paglalakbay.

-Ang panggagalugad sa mga lugar o bansa ay paglalakbay, pagsasaliksik upang malaman ang ibat’t – ibang bagay, tao at kultura.

-Ang pagtuklas ay pag – aaral sa mga bagay at natatanging impormasyon sa lugar o bansang narating.

-Sila po ay nagkaroon ng interes na tumuklas ng mga bansa o lupain dahil nais nilang matuklasan ang mga likas na yamang kanilang

2

Page 3: demo-for-dep-ed

Tama! Ang kayamanan ay isa sa dahilan kung bakit sila nagnais na tumuklas ng mga lupain.

May iba pang dahilan kung bakit sinimulan ng mga Europeo ang pagtuklas? Ano pa ang ilan sa mga paliwanag?

Bakit ba nila gustong makakuha ng mga spices? Ano ba ang nangyayari sa kanilang mga pagkain?

May iba pa bang dahilan ang mga Europeo sa ginawa nilang panggagalugad?

Magaling! Tama ang inyong mga sagot. Sa mga natuklasan nilang lugar, ipinalaganap nila ang kanilang relihiyon/pananampalataya kahit kung minsan hindi nila ito tanggap. Naghanap din ang mga Europeo ng mga spices at panlasa upang tumagal ang kanilang pagkain at hindi masira kaagad.

Meron pa bakayong alam na dahilan. Maaari bang ibahagi sa klase?

Mahusay! isa rin yan sa nagganyak sa kanila dahil ang Katanyagan/Kadakilaan ay binibigyan ng pagpapahalagang mga Europeo sa kadahilanang napapanatili nila ang kanilang kapangyarihan. Ang lawak ng teritoryo ay nagbibigay pa ng mas malakas na kapangyarihan bilang isang pinuno.

May nais pa ba kayong idagdag na kadahilan sa panggagalugad ng mga Europeo?

Tama! dahil ang unang ruta ng kalakalan noon ay nasakop ng mga Muslim na Turko kung kaya’t naghanap sila ng ibang daanan papuntang Silangan.

c. Paglalapat

PANGKATANG GAWAIN

Panuto:1. Hahatiin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay bubunot

ng papel na magiging tema ng kanilang gagawing pagsasalarawan sa naging dahilan ng paglalakbay at panggagalugad ng mga Europeo.Iguguhit sa oslo

mapapakinabangan.

-Ang isa pa sa mga dahilan ng pagtuklas ng mga Europeo ay ang paghahanap nila ng mga spices o panlasa sa mga pagkain.

-Mabilis nasisira ang mga pagkain lalo na at sila ay naglalakbay

-Ninais din po nilang maipalaganap ang kanilang relihiyon, ang Kristiyanismo.

-Kung sila po ay nakatuklas ng mga lupain at iba pa, magiging tanyag sila sa Europa at ibang dako ng daigdig.Lalawak ang nasasakupan nilang teritoryo.

-Ninais din nilang maghanap ng ibang ruta o daanan upang mas mapadali ang kanilang paglalakbay at komunikasyon sa kanilang mga masasakupan.

3

Page 4: demo-for-dep-ed

paper.

2. Pumili kayo ng isang tagapag – ulat at ipapaliwanag niya ang inyong ginawa sa harap.

3. Ipapaskil sa pisara ang ginawang larawan pagkatapos mag-ulat.

1 2

3 4

5

4. Mayroon lamang kayong 10 minuto para gawin ang nasabing gawain.

c. Pangwakas na Gawain

a. Pagbubuod

Tatawag ang guro ng mga mag – aaral upang magbigay ng maigsi ngunit may katuturang kaisipan at paliwanag tungkol sa mga tanong na hango sa tinalakay.

4

Bakit nagkaroon ng interes ang mga Europeong tumuklas at manggalugad sa ibang bahagi ng daigdig noong labing lima hanggang labing walong siglo?

Page 5: demo-for-dep-ed

a. Pagpapahalaga

Mga Katanungan:

IV. PAGSUSULIT

Punan ang talahanayan.

V. TAKDANG – ARALIN

Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga Europeong eksplorador.

a. Bartolome Diazb. Vasco da Gamac. Christopher Columbusd. Ferdinand Magellane. Amerigo Vespucci

Inihanda ni:

Marienett C. TolentinoBSE Social Science

5

Ang mga Kadahilan ng mga Europeo sa Paglalakbay at Panggagalugad

May mabuti bang naidulot ang ginawang pagtuklas ng mga Europeo noon sa kasalukuyang panahon? Pangatwiranan ang sagot.

Page 6: demo-for-dep-ed

6