communist party of the philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na...

9
EDITORYAL Mahigit 40,000 pulis at sundalo ang itinalaga sa loob at palibot ng National Capital Region (NCR) upang ipatupad ang lockdown. Ito ay para ikulong ang mga tao sa sa- rili nilang mga bahay at ipailalim sa kontrol ng militar at pulis ang transportasyon at lahat ng aspeto ng buong buhay lipunan. Itinayo ang mga tsekpoynt upang sindakin ang mga tao at pigilan silang bumi- yahe para kumita o makapunta sa kanilang mga trabaho. Dahil sa lockdown, barado ang komersyo at lokal na produksyon. Milyun-milyon ang walang kinikita at limitado ang suplay ng mga kalakal. Nagbabantang magresulta sa malawak na kasalatan at kagutu- man ang lockdown ni Duterte. Hungkag ang pangako ni Duterte na pakakainin niya at bibigyan ng pera ang mga mawawalan ng kita. Ku- lang na kulang ang pondong ipama- mahagi diumano sa mga mangga- A nti-mahirap at anti-demokratiko ang ipinag-utos ni Duterte na "Luzon Lockdown," bilang solusyon sa pagkalat ng Coronavirus Di- sease 2019 (Covid-19). Nagreresulta ito sa malawak na kaguluhan, at labis na pahirap at perwisyo sa mga manggagawa at ordinaryong mamama- yan. Lalong ginatungan ni Duterte ang galit sa kanya ng sambayanan sa pag- hihigpit at panggigipit sa ilalim ng lockdown. "Labanan...," sundan sa pahina 2 NAGLUNSAD NG MAGKASU- NOD na aksyong militar ang Bagong Hukbong Bayan laban sa mga tropa ng Armed Forces of the Philippines na nagsasa- gawa ng nakapokus na opera- syong militar (focused military operation o FMO) sa Southern Tagalog nitong nagdaang ling- go. Noong Marso 15, binigwa- san ng isang yunit ng BHB ang nag-ooperasyong mga tropa ng 18th Special Forces Company (SFC) sa Barangay Iraan, Rizal, Palawan. Sa tatlong-minutong labanan, limang sundalo ang napatay at marami ang naiulat na sugatan. Ang naturang opensiba ay tugon sa ilang araw nang paghahasik ng teror ng 40 tropa ng 18th SFC sa lugar. "FMO...," sundan sa pahina 3

Upload: others

Post on 08-Jul-2020

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo LI Bl g. 6

M arso 2 1 , 2 02 0

www. cpp. ph

EDITORYAL

Mahigit 40,000 pulis at sundaloang itinalaga sa loob at palibot ngNational Capital Region (NCR)upang ipatupad ang lockdown. Itoay para ikulong ang mga tao sa sa-rili nilang mga bahay at ipailalim sakontrol ng militar at pulis angtransportasyon at lahat ng aspetong buong buhay lipunan. Itinayoang mga tsekpoynt upang sindakinang mga tao at pigilan silang bumi-yahe para kumita o makapunta sakanilang mga trabaho. Dahil sa

lockdown, barado ang komersyo atlokal na produksyon. Milyun-milyonang walang kinikita at limitado angsuplay ng mga kalakal.

Nagbabantang magresulta samalawak na kasalatan at kagutu-man ang lockdown ni Duterte.Hungkag ang pangako ni Duterte napakakainin niya at bibigyan ng peraang mga mawawalan ng kita. Ku-lang na kulang ang pondong ipama-mahagi diumano sa mga mangga-

Labanan ang anti-mahirapat anti-demokratikongLuzon lockdown ni Duterte

Anti-mahirap at anti-demokratiko ang ipinag-utos ni Duterte na"Luzon Lockdown," bilang solusyon sa pagkalat ng Coronavirus Di-sease 2019 (Covid-19). Nagreresulta ito sa malawak na kaguluhan, at

labis na pahirap at perwisyo sa mga manggagawa at ordinaryong mamama-yan. Lalong ginatungan ni Duterte ang galit sa kanya ng sambayanan sa pag-hihigpit at panggigipit sa ilalim ng lockdown.

"Labanan...," sundan sa pahina 2

FMO sa ST,

binigo ng BHB

NAGLUNSAD NG MAGKASU-NOD na aksyong militar angBagong Hukbong Bayan labansa mga tropa ng Armed Forcesof the Philippines na nagsasa-gawa ng nakapokus na opera-syong militar (focused militaryoperation o FMO) sa SouthernTagalog nitong nagdaang ling-go.

Noong Marso 15, binigwa-san ng isang yunit ng BHB angnag-ooperasyong mga tropa ng18th Special Forces Company(SFC) sa Barangay Iraan, Rizal,Palawan. Sa tatlong-minutonglabanan, limang sundalo angnapatay at marami ang naiulatna sugatan. Ang naturangopensiba ay tugon sa ilang arawnang paghahasik ng teror ng 40tropa ng 18th SFC sa lugar.

"FMO...," sundan sa pahina 3

Page 2: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

Marso 21 , 2020 ANG BAYAN2

"Labanan...," sundan sa pahina 3

gawa. Mismong mga upisyal ng mgalokal na pamahalaan ang nagsabi nawala silang kakayahan na mamahaging ayudang pagkain lagpas sa ilangaraw para sa mga nawalan ng kitadahil sa lockdown ni Duterte.

Sa harap ng pagkalat ng Covid-19, dapat sana'y isagawa ang mgahakbangin para palakasin angimprastruktura para sa panganga-laga sa pampublikong kalusugan. Sahalip, batas militar sa anyo nglockdown ng AFP at PNP ang ipina-taw ni Duterte sa NCR at buongLuzon. Sinisikil ng lockdown ni Du-terte ang saligang mga karapatangsibil, kabilang ang karapatang bu-miyahe at karapatang magtipun-ti-pon. Hindi pwedeng lumabas ng ba-hay kung walang pass o nasa orasng curfew. Ang hindi sumunod aybinabantaang aarestuhin at ikuku-long.

Mga upisyal militar, hindi mgaduktor o nars, ang nasa unahan ngsolusyon ni Duterte. Kabi-kabilangmga tsekpoynt ang itinayo, sa halipna mga pasilidad medikal tulad ng

kailangang-kailangang mga testingcenter sa bawat barangay. Todo-buhos ang gastos para sa mga sa-sakyan at iba pang kagamitan ngmga sundalo at pulis, samantalangkulang na kulang ang mga pasilidadat kagamitan sa mga pampublikongospital at ng mga manggagawangpangkalusugan para tumanggap,ieksamen at gamutin ang mga pa-syenteng posibleng nahawaan ngCovid-19.

Ang pagpapataw ng lockdownay patunay ng kawalang-kahandaan ng rehi-meng Duterte naharapin ang Covid-19 o iba pang epi-demya. Bago ito, da-lawang buwan na mi-naliit ni Duterte angCovid-19. Hindi niyaipinatu-pad angmga hakbanginupang pigilanglumaganap sabansa ang sakit. Katunayan,ilampung libo pang Chinese

Tomo LI Bl g. 6 | M arso 2 1 , 2 02 0

NilalamanANG

instagram.com/prwcnewsroom

@prwc_info

[email protected]

Ang Ang Bayan ay i ni l a l athal a dal awang beses bawat buwan

ng Komi te Sentral ng Parti do Komuni sta ng Pi l i pi nas

Ang Ang Bayan ay i ni l a l abas sa

wi kang Pi l i pi no, Bi saya, I l oco,

H i l i gaynon, Waray at I ngl es.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontri busyon sa anyo ng mga

arti kul o at bal i ta. H i ni hi kayat di n ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

i kauunl ad ng ati ng pahayagan.

Editoryal: Labanan ang anti-mahirap at anti-demokratikongLuzon lockdown ni Duterte 1

FMO sa ST, binigo ng BHB 1

Kompensasyon sa Nexperia, 5

Perwisyong dulot ng lockdown 4

Solusyong medikal, hindi militar 5

Protesta sa TUP kontra panggigipit 7

Mawawalan ng trabaho dahil sa Covid-19 5

BHB, tumutugon sa Covid-19 6

Sanhi ng bagong mga pandemya 7

Julius Giron at 2 pa, pinaslang 7

Pandaigdigang araw ng kababaihan 7

Glyphosate sa maisan sa Capiz 8

Pag-ibig ng inang mandirigma 9

na turista at manggagawa sa POGOang pinayagan niyang pumasok sabansa sa buwan ng Enero hanggangPebrero. Ito ay kahit kalat na kalatna sa China ang Covid-19, at ipina-tupad na ng maraming bansa angpagsasara ng kanilang mga bordersa China.

Pinagtatakpan ng pasistanglockdown ni Duterte kung papaanoniyang kinaltasan nang ₱16.6 bilyonang badyet ng Department ofHealth. Kinalahati ang badyet (mula₱262.9 milyon noong 2019 tungong

₱115.5 milyon) para sa Epide-miology and

SurveillanceProgram o prog-rama para sapagharap at pag-kontrol sa naka-hahawang sakittulad ng Covid-

19, upang madag-dagan ang badyet ngmilitar at pulis, at parasa "intelligence" napugad ng korapsyon.

Dahil walang pag-hahanda at walang pag-

mamalasakit sa kapakanan at ka-buhayan ng masang anakpawis, anglockdown ni Duterte ay ipinatupadsa paraang mapamilit, gamit angpwersa ng militar at pulis. Hindi pi-nakikinggan ni Duterte ang hinaingng milyun-milyong mamamayan nakailangang bumiyahe para maka-pagtrabaho, maghanap ng trabahoo iba pang mapagkakakitaan, mag-tungo sa kanilang kailangang pun-tahan, at iba pa. Salamin ito ngmakitid na utak-militar ni Duterte.Sa kanya, lahat ay mapatatahimiksa pamamagitan ng mga armadongsundalo at pulis.

Laganap ngayon ang pag-aal-buruto ng masang anakpawis sapahirap na lockdown ni Duterte.Bagaman pinalalabas na anglockdown ay kontra sa Covid-19,malinaw sa mamamayang Pilipinona mas malaking pasakit ang hatidnito sa kanila. Patunay na hindi

"Labanan...," mula sa pahina 1

Page 3: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

ANG BAYAN Marso 21 , 2020 3

"FMO...," mula sa pahina 1

seryosong hinaharap ni Duterte angbanta ng Covid-19 ay ang kawalanng hakbanging palakasin ang mgapasilidad pangkalusugan.

Dapat manindigan ang mama-mayang Pilipino na wakasan anganti-mahirap at anti-demokratikonglockdown ni Duterte sa NCR, Luzonat iba pang panig ng bansa. Tuladng ipinakitang karanasan sa mara-ming bansa, maaaring harapin angbanta ng Covid-19 nahindi niyuyurakanang saligang mgakarapatan ng mama-mayan sa malayangpagbyahe, paghaha-napbuhay o pagtiti-pun-tipon. Mga duk-tor, nars at mga mang-gagawang pangkalu-sugan, hindi mga sun-dalo at pulis, ang da-pat na nasa unahan ngmga pagsisikap.

Marapat lamang naigiit ng sambayanangPilipino ang kagyat na paglilipat sakalusugan ng napakalaking badyetna winawaldas sa pagbili ng mgahelikopter, eroplanong pandigma,bomba, at iba pang kagamitangpanggera, gayundin ng badyet nanakalaan para sa diumano'y "intel-ligence" at pambayad-utang. Dapatkagyat na armasan ang mga pam-publikong ospital at iba pang pasili-dad sa pagharap sa Covid-19, ga-yundin ang mga makinaryang pang-kalusugan sa barangay para maisa-gawa ang mass testing o marami-

hang pag-eeksamen. Dapat tiyakinang libreng pamamahagi ng mgaface mask, alkohol at mga kagami-tang pangkalinisan. Dapat tiyakinna may akses sa kuryente at malinisna tubig, laluna sa mga mahirap nakomunidad. Dapat tiyakin ang serbi-syong sanitasyon at pagkukulektang basura, at dekontaminasyon samga pampublikong lugar. Dapatdagdagan ng badyet ang mga uni-bersidad o mga ahensyang nagsasa-

gawa ng siyen-tipikong pana-

naliksik para sapagtuklas ng mga

paraan para sapag-eeksamen o tes-

ting at paglikha ng mgagamot sa Covid-19, at pa-

ra suportahan ang lokal naproduksyon ng mga ito. Dapat

igiit ng mga manggagawa angpangkagipitang ayuda at libreng

pamamahagi ng pagkain. Dapat igiitang karapatan sa pagtitipon, kahit

pa kailangang isagawa angangkop na pag-iingat para umi-

was sa pagkalat ng sakit, upangipahayag ang kolektibong hinaing ngbayan.

Kasabay nito, dapat organisa-dong kumilos ang mamamayanupang isagawa ang kinakailangangmga hakbangin para iwasan angpagkalat ng Covid-19. Buuin angmga komite sa kalusugan at sama-samang isagawa ang mga hakbanginpara sa sanitasyon o paglilinis ngpaligid, personal na kalinisan, pag-bibigay ng tulong sa mga mang-gagawang pangkalusugan at iba pa.

Kasabay nito, dapat patuloy namagpunyagi na ipagtanggol angmga demokratikong karapatan atkagalingan ng mamamayan sa pa-nahon ng lockdown.

Sa mga rebolusyonaryong teri-toryo, dapat pakilusin ang mga or-ganisasyong masa at ang mga ko-mite sa kalusugan ng mga organo ngkapangyarihang pampulitika, upangisagawa ang kampanyang impor-masyon tungkol sa Covid-19, atipatupad ang mga hakbangin parapigilan ang pagkalat nito sa kani-lang lugar. Bigyan ng espesyal napansin ang pangangalaga sa mganakatatanda na silang pinakabul-nerable sa Covid-19. Palaganapinang kaalaman sa mga halamang-gamot na maaaring gamitin sa pag-kontra sa mga sintomas ng Covid-19.

Ang mga yunit ng BHB ay dapatmahigpit na makipagtulungan samga komite sa kalusugan sa mgabaryo. Dapat pakilusin ang mga Pu-lang mandirigma para tumulong sapagtataas ng kaalaman ng mga taotungkol sa sakit at kung ano angdapat kolektibong gawin ng bayanpara harapin ito. Dapat patuloy naipagtanggol ng BHB ang mamama-yan, laluna sa harap ng banta nagamitin ang Covid-19 paramagpataw ng pasistang paghaha-ring militar, sindakin ang bayan atsupilin ang kanilang mga karapatan.

Sa panahon ng krisis pangkalu-sugan, ang sama-samang pagkilosng mamamayan ang susi, hindi angpagpapailalim ng bansa sa pasis-tang lockdown ni Duterte.

"Labanan...," mula sa pahina 2

Sa sumunod na araw,naglunsad naman ngoperasyong haras ang isangyunit ng BHB-Quezon labansa mga pwersa ng 85th IB nagumagalugad sa BarangaySan Vicente Kanluran, Ca-tanauan. Dalawa ang kum-pirmadong patay at hindimabilang ang sugatang sun-dalo.

Kompensasyon sa Nexperia, naipagtagumpay

MATATANGGAP NG MGA manggagawa ng Nexperia Philippines, Inc. ang kanilangsahod para sa Marso 17-30 sa kabila ng tigil-paggawa ng kumpanya dahil sa isina-gawang lockdown ng rehimen. Ito ay matapos igiit ng kanilang unyon ang kompen-sasyon.

Isinusulong ng unyon sa kasalukuyan ang pagbibigay ng kanilang sahod hang-gang Abril 12 na saklaw ng lockdown. Maghahain din ito ng panawagan sa De-partment of Labor and Employment na magbigay ang kumpanya ng ₱5,000 ayudakada manggagawa.

Ayon sa Philippine Economic Zone Authority, umaabot na sa 703 empresa saLuzon ang pansamantalang suspendido ang operasyon dulot ng lockdown.Apektado nito ang 86,549 manggagawa, sa Cavite pa lamang.

Page 4: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

Marso 21 , 2020 ANG BAYAN4

Perwisyong dulot ng Luzonlockdown sa masang anakpawis

Pasan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte

sa buong Luzon noong Marso 17. Ipinagbawal ni Duterte ang lahat ng modang pampublikong transportasyon at inobliga ang mga manggagawa na "ma-natili sa bahay," isang hakbang na pumigil sa kanilang magtrabaho nangwalang sapat na kompensasyon.

Unang tinamaan sa naturangrestriksyon ang mga drayber atopereytor, kasunod ang mga mang-gagawa na kalakha'y mga nakasan-dig sa pampublikong transportas-yon. Sa kagyat, apektado nito angtinatayang tatlong milyong mang-gagawa na nagtat-rabaho sa MetroManila pero umuuwisa karatig nitongmga prubinsya.

Pinakaapektadoang mga manggaga-wang pangkalusuganna obligadong pumasokpero walang masakyanpatungo sa mga ospitalat klinika. Hirap dingmakapunta sa palengkeang mga residente paramakabili ng mga batayang panga-ngailangan. Inamin mismo ng mgaupisyal ng lokal na gubyerno na hin-di sapat ang kanilang mga rekursoat sasakyan para tugunan ang pa-ngangailangan ng mga residente ngkani-kanilang bayan, laluna yaongmay mga espesyal na kunsiderasyontulad ng mga matatanda at nanga-ngailangan ng medikal na tulong.

Dahil sa kakulangang ito, mara-mi sa mga manggagawa ang nawa-walan ng kita at nanganganib namasisante sa kanilang mga trabaho.Marami nang manggagawa ang du-maraing na wala nang makain angkani-kanilang mga pamilya, lalupa'tkalakhan sa kanila’y umaasa lang sakakarampot na arawang sahod.

Pantapal na mga hakbanginPara pahupain ang galit ng ma-

mamayan, nagpapakana ang rehi-men ng pantapal na mga hakbangin

gaya ng pamimigay ng napakaliit naayuda, at paglikha ng limitado atpansamantalang mga trabaho.

Ipinagmamalaki ng rehimen angprograma nitong Covid-19 Adjust-ment Measures Program (CAMP) namaglalaan umano ng ₱1.3 bilyongayudang pinansyal para sa mgamanggagawang regular na hindimakapagtrabaho dulot ng lockdown.Magbibigay umano ito ng ₱5,000kada manggagawa para sa isangbuwan (o ₱161 kada araw) bilangkompensasyon.

Napakaliit at hindi sasapat anghalagang ito para buhayin angapektadong mga pamilya sa Luzon.Kung hahatiin ang nabanggit nakabuuang badyet sa halaga ng bu-wanang ayuda, lumilitaw na260,000 lamang na manggagawa, samaksimum, ang maaaring makini-bang sa pondo. Ang bilang ng mgamakikinabang ay hindi pa aabot saisang porsyento ng 26 milyongmanggagawa sa Luzon, o wala pa salimang porsyento ng 5.8 milyongmanggagawa sa National CapitalRegion (NCR).

Kakaunti na nga ang makikina-bang, kapos pa ang ayuda kadamanggagawa nang 73% sa tinata-yang ₱597 kada araw na kinakaila-ngang badyet ng isang pamilya pa-ra sa sapat at masustansyang pag-kain. Ang taya na ito ay batay sapamantayang itinakda mismo ngreaksyunaryong estado noong Mayo2019. Tiyak na mas mataas pa itongayon dulot ng implasyon.

Naglaan din ang rehimen ng₱180 milyon para sa programa ni-tong Tulong Pangkabuhayan saDisplaced/Underprivileged Workers(TUPAD) na magbibigay umano ng

pansamantalang trabaho sa mgamalaproletaryado bilang mgamanggagawang pangkalusugan.Napakaliit ng badyet na ito lalupa'tsa NCR pa lamang ay milyun-milyonna ang walang pormal na hanapbu-hay. Sasapat lamang ang badyet naito para makapag-empleyo nanghindi tataas sa 16,000.

Samantala, plano rin ng rehi-men na mangutang ng daan-daangmilyong piso mula sa mga dayuhanginstitusyong pampinansya para pu-nan ang lumalaking gastos nito sapagpigil ng pagkalat ng Covid-19 sabansa. Noong Marso 13, inapruba-han na ng Asian Development Bankang aplikasyon ng rehimen para sa$3-milyong utang (₱150 milyon sapalitang $1=P50). Nagsumite rin ngaplikasyon ang rehimen para maka-bahagi sa $12-bilyong pondo na ila-laan ng World Bank bilang pautangpara sa mahihirap na bansa na na-tamaan ng pandemya. Notoryus angdalawang institusyon na ito sa pag-samantala sa mga sakuna paramagkamal ng tubo sa pamamagitanng pagpatong ng interes sa mgapautang.

Artipisyal na "kasalatan"Ang lockdown, na sa esensya'y

isang malawakan na sosyo-ekono-mikong blokeyo, ay kagyat na lu-mikha ng artipisyal na "shortage" (okasalatan sa suplay) na higit pangnagpasirit sa presyo ng mga pangu-nahing bilihin.

Ramdam ito sa Metro Maniladahil sa pagka-ipit sa mga tsek-poynt at limitadong galaw ng mgatrak na nagdadala ng batayang mgaproduktong pagkain, gaya ng gulay,mula sa mga prubinsya. Ito ay sakabila ng deklarasyon ni Duterte nahindi saklaw ng lockdown ang mgamagsasaka at mga drayber na nag-dadala ng kanilang mga produktotungong mga sentrong urban. Nag-resulta ito sa pagdoble sa presyo nggulay sa mga pamilihan sa NCR.

Page 5: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

ANG BAYAN Marso 21 , 2020 5

Panawagan ng taumbayan: Solusyong medikal, hindi militar

Sa gitna ng ligalig at hirap na idinulot ng lockdown ni Duterte, malinaw nainilatag ng pambansa-demokratikong mga organisasyon ang kagyat na

pangangailangan ng mamamayan para harapin ang banta ng epidemya ngCovid-19. Ang listahan ng mga kinakailangang hakbang ay pagbatikos rin sasa militaristang solusyon ni Duterte sa krisis at pagtaguyod sa kagalingan ngmamamayan.

Kagyat nilang pa-nawagan ang pagsa-sagawa ng malawakanat libreng pag-eksamensa maysakit, pagbibigayng mga paketeng pangkali-nisan, pagtitiyak ng sapatna suplay ng malinis natubig at iba pa. Isinama dinnila ang malawakang kam-panyang impormasyonhinggil sa Covid-19 sabuong bansa.

Dapat na magkaroonng tuluy-tuloy at ma-lawakang paglilinis samga komunidad lalona sa mga komunidad ng maralita.Iginiit nila ang regular na pagbibi-gay ng libreng pagkain, bitamina atiba pang mga gamot.

Dapat ipagbawal ang mga de-molisyon at pagpapalayas sa mgamaralita, ayon sa Kalipunan ng Da-mayang Mahihirap (Kadamay). Bi-natikos ng grupo ang isinagawang

demolisyon sa Pasay Citynoong Marso 12, sa arawna idineklara ang lock-

down sa National Ca-pital Region. Tinata-yang 300 pamilya ang

nawalan ng tirahan saNew Era Compound saBarangay 137, Zone15, Protacio dulot ngdemolisyon.

Sa hanay ng mgamanggagawa at kawani

ng gubyerno, dapat tiyakinang pagbibigay ng buong sa-

hod at mga benepisyo. Ki-nakailangang maging ma-

pagbantay sa malawakangtanggalan, laluna ang napakara-ming kontraktwal na manggagawasa gubyerno, sa tabing ng krisispangkalusugan. Mahalaga ring ma-bigyan sila ng sapat na kompensa-syon sa panahon ng lockdown. Ga-yundin, dapat mailatag ang malinawna plano at pangangasiwa sa mga

migranteng Pilipino.Ayon sa Alliance of Health

Workers, dapat tiyakin ang gamit-proteksyon ng duktor, nars atmanggagawa sa kalusugan na nasaharapan ng pagresolba sa Covid-19.Dapat silang bigyan ng angkop nahazard pay.

Inilabas ng mga organisasyonang mga kahingian sa harap ngmakupad at inutil na tugon ng re-himen sa krisis pangkalusugan.Ipinakita nila na mayroong ibangparaan ng pagharap na krisis nawasto at mapagmalasakit. Napatu-nayan na ito sa karanasan sa ibangbansa na hindi nagpatupad ng pa-sistang mga lockdown, at sa halipay sumunod sa mga hakbang naiminungkahi ng kanilang mgamanggagawa sa kalusugan at mgainternasyunal na ahensyang pang-kalusugan. Halimbawa nito angSouth Korea at Vietnam na kapwanagsagawa ng malawakang pag-eksamen sa mga pasyente, nagbi-gay ng komprehensibong suporta atayuda sa kanilang mamamayan, atnagtiyak ng libreng mga serbisyomedikal sa lahat. Sa mga bansangito, binuo ang mga tim ng ekspertosa kalusugan para mangasiwa sakinahaharap na krisis.

Protesta sa TUP

kontra panggigipit

TATLONGDAANG MAG-AARAL NGTechnological University of the Phi-lippines na nakasuot ng itim na damitang lumahok sa protesta noong Mar-so 4 laban sa mapaniil na patakaranng unibersidad. Pinangunahan ngTUP University Student Governmentang pagkilos.

Binatikos ng mga estudyante angpanggigipit sa mga organisasyon ataktibidad ng mga mag-aaral. Inire-reklamo rin nila ang kakulangan o dipagpapagamit ng mga pasilidad sakampus, hindi pantay na distribusyonng kagamitan, at ang pagkakanselang nabayaran nang field trip.

Milyun-milyong manggagawa,

mawawalan ng trabaho dulot ng Covid-19

TINATAYANG 25 MILYONG manggagawa sa buong daigdig ang mawawa-lan ng trabaho ngayong taon sa pinakamalalang senaryo bunga ng Covid-19. Batay ito sa pag-aaral ng International Labor Organization (ILO)kaugnay ng krisis na kinakaharap ng ekonomya ng mga bansa dulot ngpandemya.

Ikinumpara ng ILO ang kasalukuyang krisis sa kalusugan sa pandaig-digang krisis sa pinansya noong 2008-2009 na nagresulta sa 22 milyongnawalan ng trabaho. Tinataya ring higit pang lalaki ang bilang ng unde-remployed (o kulang sa trabaho). Ang pandemyang Covid-19 ay hindi nalamang isang pandaigdigang krisis sa kalusugan, kundi isa na ring pangu-nahing krisis sa ekonomya at paggawa.

Umaabot naman sa $3.4 trilyon ang tinatayang mawawalang kita ngmga manggagawa sa pagtatapos ng taon dahil sa pagkawala ng hanapbu-hay. Mangangahulugan ito ng pagtumal ng pagkonsumo sa mga serbisyoat produkto, na hahantong naman sa paghina ng mga negosyo at buu-bu-ong ekonomya.

Page 6: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

Marso 21 , 2020 ANG BAYAN6

BHB, tumutugon sa Covid-19kahit walang tigil-putukan

Bago pa man magdeklara ang rehimeng Duterte ng tigil-putukan, nag-labas na ng mga direktiba ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa

lahat ng rebolusyonaryong pwersa na maglunsad ng kampanyang masaupang hikayatin ang kolektibong aksyon para komprehensibo at malawa-kang tumugon sa banta ng epidemya ng Covid-19. Ang unilateral na tigil-putukan ng GRP na idineklara ni Duterte noong Marso 18 ay nagsimulanoong gabi ng Marso 19 at magtatapos sa Abril 15. Kinwestyon ng PKP at ngnegotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines ang tunayna pakay ng deklarasyong tigil-putukan ni Duterte.

Ayon kay Prof. Jose Ma. Sison,senior consultant ng NDFP sa usa-pang pangkapayapaan, hindi napa-panahon, kung hindi man di sinseroat huwad ang deklarasyon ni Duter-te. Dagdag pa, idineklara ito mata-pos na ipailalim ng rehimen salockdown ang buong Luzon parapagtakpan ang kapalpakan nito sapagharap sa banta ng pandemyangCovid-19.

May tigil-putukan man o wala,handa ang mga Pulang mandirigmang BHB na doblehin ang mga pagsi-sikap para magbigay sa mamamayanng mga serbisyong sosyal, ekonomi-ko at medikal. Mahigpit na nakiki-pagtulungan ang mga ito sa mga lo-kal na komiteng pangkalusugan samga baryo at komunidad.

Makikita pa sa darating na mgaaraw kung mangingibabaw sakanyang unang mga utos sa tigil-putukan ni Duterte ang kanyangnaunang mga utos na maglunsad ngtodong-gera para durugin ang BHB,ayon pa sa PKP. Samantala,inabisuhan nito ang lahat ng yunitng BHB na maging mapagmatyag samga atake ng AFP at agad na iulatang umiiral na mga operasyongkombat sa kani-kanilang mgasaklaw. Maglalabas lamang ng sari-ling deklarasyon ang PKP ng tigil-putukan kung mayroon na itongsapat na batayan.

Sa pinakahuling mga ulat, nag-lulunsad ang AFP at PNP ng matitin-ding operasyong kombat, paniktik,saywar at panunupil sa Abra, Mt.Province, Quezon, Mindoro, Masba-

te, Sorsogon, Camarines Sur, Capiz,Samar, Negros, Bukidnon, SouthCotabato, Zamboanga at iba pangmga prubinsya.

Sa Capiz, iniulat noong Marso18 ng lokal na kumand ng BHB nadinagdagan ng 19 sundalo at CAFGUang detatsment ng 61st IB sa Ba-rangay Katipunan, Tapaz. Ayon samga sundalo, kaugnay umano ngCovid-19 ang dagdag-pwersa, atmananatili sa lugar hanggang Abril15.

Sa Sorsogon, pinagigiya atginagawaang pananggalang ng 31stIB ang mga barangay tanod sa mgakomunidad na sakop ng mga "Com-munity Support Program" sa Barce-lona at Bulusan. Iniulat ng lokal nayunit ng BHB na sumasabay angmga sundalo sa pagronda ng mgabarangay tanod sa naturang mgalugar.

May iniulat ding mga opera-syong kombat ng mga tropa ng403rd Brigade sa Bukidnon, kabi-lang ang 8th IB sa Barangay Busdi,Malaybalay City at ng 1st SpecialForces Battalion sa kabundukan ngKitanglad.

Malawakan din ang paglabag sakarapatang-tao. Iligal na inarestong mga pwersa ng estado ang lider-Lumad na si Gloria Tumalon sa Lia-nga, Surigao del Sur nitong Marso20 at si Camilo Bucoy sa ZamboangaSibugay.

Bago ang unilateral na deklara-syon ng tigil-putukan ng GRP, wa-lang awat ang pamamaslang atpang-aabuso ng AFP at PNP sa ka-

nayunan.Noong Marso 16, pinatay si

Marlon Maldos sa Tagbilaran City,Bohol. Si Maldos ang artistic di-rector ng Bol-Anong Artista ngamay Diwang Dagohoy (Bansiwag).Nanguna si Maldos sa mga pagta-tanghal na naglalarawan sa kalaga-yan at pakikibaka ng mga marali-tang magsasaka. Bago angpamamaslang, paulit-ulit siyangdumanas ng red-tagging ng mgaelemento ng 47th IB.

Sa Lanao del Sur, inaresto ngmga sundalo at pulis si TeresitaNaul, kasapi ng Karapatan saNorthern Mindanao noong Marso15 sa bayan ng Lala. Sinalakay ngmga elemento ng 4th ID, 2ndMechanized Infantry Brigade atmga pulis ang tinutuluyan ni Naul.Inaresto siya batay sa gawa-ga-wang kasong kidnapping, iligal nadetensyon at panununog.

Samantala, noong Pebrero 27,walong katutubong T'boli ang idi-netine at pilit na pinaaaming kasaping BHB ng mga elemento ng 27th IBsa Lake Sebu, South Cotabato.Iniulat din ng Bayan-Socsksargenang nagpapatuloy na presensyangmilitar sa mga komunidad ng Blaanat T'boli na nagresulta sa pandara-has sa mga katutubong Lumad atpagsalakay sa kanilang mga taha-nan. Malaon nang target ng SanMiguel Corporation ang lugar parasa proyektong pagmimina ng kar-bon.

Samantala, nag-ulat angCommunity Technical College ofSoutheastern Mindanao, isang paa-ralang Lumad sa Maco, Davao deOro, na ipinatawag ng mga upisyalng barangay at militar ang mga

"BHB...," sundan sa pahina 7

Page 7: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

ANG BAYAN Marso 21 , 2020 7

"BHB...," mula sa pahina 6

magulang ng kanilang estudyante at pilitna pinaaalis ang kanilang mga anak sapaaralan.

Sa Cagayan Valley, inokupa ng 17thIB ang mga komunidad ng Sitio Lagom,Barangay Lipatan mula pa noong Pebre-ro. Naglagay ang militar ng mga tsek-poynt sa mayor na mga daanan ng ko-munidad, nagtakda ng curfew at inobligaang mga residente na humingi ng permi-so sa militar sa kanilang mga lakad. Saulat ng mga residente, hindi sila bastamakapunta sa kanilang mga sakahan o sapalengke. Isang magsasaka ang tinutu-kan ng baril habang kumukuha ng palayna ipakikiskis. Maging ang mga buntis atmatatanda na kukuha ng pensyon ay hi-naharang ng mga sundalo.

Reklamo ng mga residente, dapatsana ay naghahanda na sila para sa ani-han subalit pinipigilan sila ng mga mili-tar. Pinulong sila ng AFP upang takutinat akusahang mga tagasuporta ng BHB.Iniinteroga, minamanmanan, hinahana-pan ng baril at pilit silang pinasusuren-der bilang mga kasapi ng BHB. Nagkam-po rin ang 17th IB sa mga kabahayan,kapilya at paaralang elementarya. Sapanahong ito, iligal na inaresto si Fran-sing Solancho at isa pang matandang hi-rap nang makakita at maglakad.

Sanhi ng bagong mga pandemya:

Kapitalistang pagsasaka,pagwasak sa kagubatan

Ang dumadalas na paglitaw ng mga sakit na sanhi ng coronavirus at ibapang zoonotic na sakit (naipapasa ng hayop tungo sa tao) ay nakaugnay

sa kapitalistang pangangamkam ng lupa, sa pagwasak ng mga kagubatan atng malakihang produksyon ng pagkain ng mga korporasyong agribisnes. Sailalim ng kaayusang neoliberal, walang pakundangan ang pagsira ng mga itosa kapaligaran na nagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng mga tao at hayop.

Ayon sa pananaliksik ng mgaeksperto sa bayolohiya at kapaliga-ran, ang mga epidemya at pandem-ya ay hindi dapat ituring na pana-panahon at hiwalay sa isa't isa. Ba-tay sa matagal na nilang pagsubay-bay, ang kapitalistang produksyonng pagkain, partikular ng karne, aynagdudulot ng mga sakit na mabilis

na naisasalin at lumalaganap mulasa hayop tungo sa tao. Ang mgapagwasak naman sa kagubatan aynagreresulta sa pagtakas ng mgapathogen o mga bakterya, virus atorganismo na nagdudulot ng sakitat at paglipat ng mga ito mula sakabangisan patungo sa inaalagaangmga hayop na madaling tablan, at

malao’y pagkahawa ng tao.Kabilang sa mga epidemyang

lumitaw sa nagdaang dalawang de-kada ang iba't ibang tipo ng trang-kaso na tumatalab sa mga baboy atmanok at iba’t ibang ibon. Mayroonding mga pathogen na nanggagalingsa mga hayop sa kagubatan tuladng nakamamatay na tipo ng coro-navirus na SARS-Cov at MERS-Cov.

Ang mga tipo ng trangkaso nanaipapasa ng inaalagaang mgababoy ay nagmula sa mga dambu-halang babuyan o sa tinatawag namga factory farm o pabrika ng mga

"Sanhi...," sundan sa pahina 8

Pandaigdigang araw ng kababaihan, ginunita

PINANGUNAHAN NG GABRIELA ang kilos-protesta noong Marso 8bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng ManggagawangKababaihan. Unang nagtipon ang libu-libong kababaihan attagasuporta nito sa Liwasang Bonifacio bago nagmartsa patungo saMendiola. Sa rali, kinwestyon ng grupo ang sinseridad ng pag-basura niDuterte sa Visiting Forces Agreement sa harap ng pagtutuluy-tuloy ngmga pagsasanay-militar ng US at Pilipinas sa loob ng bansa.

Nagkaroon ng katulad na programa sa Laguna, Rizal, Bicol, BacolodCity, Iloilo, Roxas City at General Santos sa parehong araw. Bago ito,nagrali ang kababaihang Lumad sa pangnguna ng Sabokahan Unity ofLumad Women noong Marso 4 sa Freedom Park, Roxas Avenue, DavaoCity.

Julius Giron, lider-PKP at 2 pa,

pinaslang sa Baguio City

MINASAKER NG PINAGSANIB na pwersa ng militar at pulisya sina Ju-lius Giron (Ka Nars), kanyang duktor na si Ma. Lourdes Dineros Tangco,at kasama sa bahay na si Arvie Alarcon Reyes dakong alas-3 ng mada-ling araw noong Marso 13 sa Barangay Queen of Peace, Baguio City.

Isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng militar na nagha-hapag lamang sila ng arrest warrant at na “nanlaban” ang tatlo kayasila pinaslang. Nagpapagaling lamang noon si Ka Nars, edad 70, sakanyang nararamdamang mga sakit na dulot na ng katandaan.

Isa si Ka Nars sa matatatag na myembro ng Komite Sentral at ngKawanihan sa Pulitika (Politburo) ng Partido. Susi siya sa muling pag-bubuo ng pamunuan ng PKP at sa paglulunsad ng makasaysayangkongreso nito noong 2016. Isa siya sa maniningning na halimbawa sawalang pag-iimbot na paglilingkod sa mamamayan. Ipinagluluksa ngbuong rebolusyonaryong kilusan ang kanyang pagkamatay.

Page 8: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

ANG BAYAN Marso 21 , 2020 8

hayop. Dito, siksikan ang inaalaga-ang mga baboy na may mahihinangresistensya dulot ng matagalangpaggamit ng mga antibiotic at arti-pisyal na pinalalaki para tugunanang mataas na pandaigdigang de-mand para sa karne. Ang siksikangkundisyon dito ay mainam sa pagli-taw, paghalu-halo at mabilis napaglaganap ng mga mikrobyo. Ma-bilis na kumakalat ang sakit mula saisang factory farm tungong iba padahil sa sistema ng pagbebenta ngbuhay na hayop at mabilis na trans-portasyon ng mga ito sa iba't ibanglugar.

Isang halimbawa ng pandem-yang dulot ng kapitalistang produk-syon ang swine flu o (H1N1)pdm09noong 2009. Nagsimula ito sa isang"mega-pabrika" ng mga baboy ngSmithfield, isang kumpanyang Ame-rikano, sa Mexico. Bantog ang kum-panya sa paglabag sa mga regulas-yon sa kapaligiran at pagpapabayasa kalusugan ng mga residente sakalapit nitong mga komunidad. Iti-natambak ng kumpanya ang duming mga baboy nito sa malalawak nalupain sa paligid ng babuyan, nanagdulot ng polusyon at nagingsanhi ng mabilis na pagkalat ngswine flu sa bayan ng La Guardiakung nasaan ang pabrika.Tinatayang 60% ng populasyon nitoang tinamaan ng sakit. Mula Abril2009 hanggang Abril 2010, umabotsa 61 milyon ang nahawa, 274,000ang na-ospital at 12,500 angnamatay sa US dulot ng(H1N1)pdm09. Patuloy na nanana-lasa ang naturang tipo ng trangkasosa US hanggang sa kasalukuyan.

Ang ganitong sistema ng mara-mihang pag-aalaga at mabilisangpagpapalaki ng mga baboy ay dulotng paghahabol ng mga kapitalistangkumpanya ng pinakamalaking bol-yum ng napoprodyus na karne gamitang pinakamababang gastos sa pro-duksyon. Ang mega-pabrika ngSmithfield sa Mexico, halimbawa, aynagpoprodyus ng halos kalahatingmilyong baboy kada taon. Nagsu-suplay ang kumpanya ng sangkatlo

ng pangangailangang karne sa US.Nagluluwas din ito ng pinrosesongkarne sa Europe.

Ang mga paglaganap naman ngcoronavirus at iba pang virus na mulasa mga hayop sa kabangisan ay bungang walang sagkang pangwawasak sakagubatan ng malalaking korporasyonpara bigyan-daan ang mga operasyonsa pagmimina, troso at komersyal naplantasyon. Nagreresulta ito sa pag-kabulabog ng balanse ng ekolohiya,pagliit ng mapagkukunan ng pagkainng mabangis na mga hayop, paghinang kanilang mga katawan at resisten-sya sa dala-dala nilang mgapathogen. Inilalabas ng mga ito angnaturang mga pathogen sa dumi, atnaikakalat sa iba pang mga hayophanggang umabot sa tao. Hinahawanng naturang mga kumpanya kahit angliblib na bahagi ng mga gubat kungsaan maraming pathogen na"nakakulong" at hindi nakahahawa saiba't ibang hayop ay nakakawala atnaisasalin sa tao.

Mabilis na naisasalin ang mgapathogen na ito sa pagitan ng mgatao na wala pang mga panlaban (ti-natawag na antibodies) sa mga ito.

Isang halimbawa nito ang ilangulit nang paglaganap ng Ebola virusdisease na iniugnay sa malawakangpagkasira ng kagubatan sa UgandaCongo at Guinea sa Africa. Sa Bor-

neo, ang pagkalbo sa mga gubatpara bigyan-daan ang mga planta-syon ng oil palm ay nagdulot ng masmataas na insidente ng dengue atmalarya. Noong dekada 1990, pa-nahon ng malawakang paghahawanng gubat sa Amazon sa Peru, tuma-as mula 600 tungong 120,000 angmga kaso ng malarya sa kalapit ni-tong mga komunidad. Hinawan anggubat dito para lagyan ng mgarantso ng baka at kaakibat nitongmga daan. Sa isang masaklaw napag-aaral noong 2017, napatu-nayan ang ugnayan ng paghahawanng gubat sa pagdami ng kaso ngmalarya sa 67 bansa.

Sa pangkalahatan, mahigit ka-lahati ng bagong litaw na nakaha-hawang sakit ay idinulot ng pagha-hawan ng mga gubat at malakihangpagsasaka ng korporasyong agri-bisnes. Nag-uunahan ang mga kor-porasyong ito sa pang-aagaw ngmga lupa ng mga magsasaka at ka-tutubo sa atrasadong mga bansapara lalupang palawakin ang kani-kanilang produksyon ng pagkain atpalakihin ang kanilang kita.Nagreresulta ito sa kapinsalaanhindi lamang ng mamamayan ngnaturang mga bansa, kundi sa lahatng mamamayang apektado sa pag-litaw ng samutsaring bagong sakitat epidemya.

"Sanhi...," mula sa pahina 7

Glyphosate na sanhi ng kanser sa mga maisan sa Capiz

HINILING KAMAKAILAN NG mga magsasaka sa Capiz na ipagbawal angpaggamit ng Round Up Ready na herbisidyo sa mga maisan. Ito ay mataposmapatunayan na nanuot na ang kemikal na glyphosate sa lupa, katubigan, atmaging sa katawan ng mga residente.

Batay ito sa inilunsad na pananaliksik ng mga siyentista sa BarangayGuinbialan, Maayon, Capiz hinggil sa epekto ng sampung taong paggamitng Round Up at GM Corn ng kumpanyang Monsanto.

Sa mga kinuhang sample ng lupa, tubig, luma at bagong ani na maisat ihi ng tatlong residente, napag-alaman na kontaminado ang mga itong kemikal na glyphosate. Ang glyphosate ay kemikal na nagdudulot ngkanser. Ayon sa mga magsasaka sa naturang barangay, simula nangmagtanim sila ng mga hybrid na mais, 16 na residente na ang nagkaroonng kanser. Sa 16, lima na ang namatay. Nakita rin mataas na ang bilangng may mga sakit sa kidney.

Ang glyphosate ay isang kemikal na karaniwang sangkap ng mgaherbicide (pamatay ng damo katulad ng Round Up) at 70 iba pangprodukto na karaniwang ginagamit sa mga taniman ng palay, mais, tubo,oil palm, saging, pinya, kape at goma.

Page 9: Communist Party of the Philippines · asan ng mga manggagawa at malamanggagawa ang mabigat na perwi-syong dulot ng isang buwan na lockdown na ipinataw ni Rodrigo Duterte sa buong

ANG BAYAN Marso 21 , 2020 9

Ka Lori: Ang pag-ibigng isang inang mandirigma

Inspirasyon ang mga babaeng mandirigma, laluna ang mga ina, para sakababaihan na lumaban at palayain ang sarili. Isang halimbawa nito si Ka

Lori na nagsisilbing ina at kasama sa isang yunit ng Bagong Hukbong Bayansa Bicol.

Masakit mang iwan ang kan-yang mga anak, nagpasyang sumapisa hukbong bayan si Ka Lori noong2018 sa edad na 46. Malalaki naang karamihan ng kanyang mgaanak, bagamat pitong taong gulangpa lamang ang kanyang bunso.Tanggap nila ang kanyang desisyonna buong panahon na magsilbi sahukbo. Hindi sila nanibago dahil datinang lumalahok sa mga aktibidad ngkomunidad ang kanilang ina bilangmyembro ng sangay ng Partido salokalidad. Ang paghahangad para saisang mapagkalingang lipunan parasa kanyang mga anak at apo angnagtulak sa kanya na lumahok saarmadong pakikibaka.

"Nakita kong ito ang maaa-sahan namin. Ito ang gubyerno ngmahihirap," aniya.

Nagmula si Ka Lori sa uringmagsasaka. Pangunahing ikinabu-buhay niya at kanyang pamilya angpagkokopra. Kumikita lamang siyanang halos P150 sa pagtatanggal ngbunot ng isanlibong niyog, masmababa nang kalahati kumpara saibinabayad sa mga lalaking mag-kokopra. Kulang na kulang ito parasa kanilang mga gastos sa pagkainat ibang batayang pangangaila-ngan.

Dahil dito, kinailangan niyangmaglako ng mga gulay at isda sa ka-lapit na mga baryo. Pinagkakasyaniya ang kakaarampot niyang kitasa pinakabatayang pangangaila-ngan ng kanyang pamilya.Ibabawas pa rito ang pam-bayad sa mga utang. Halosmag-isang itinaguyod ni KaLori ang kanyang mgaanak dahil sa mga hindipagkakaunawaan saama ng kanyang mga

anak.Solong itinaguyod ni Ka Lori ang

kanyang pamilya. Naging katulongniya sa paghahanapbuhay ang kan-yang mga anak. Lima sa kanyangmga anak ay nakipagsapalaran saMaynila, kahit sila'y wala pa saedad para magtrabaho. Labis angpag-aalala at pagkabahala ni KaLori dahil dito.

Nang nasa hukbo na, inilagay siKa Lori sa gawain sa suplay at kusi-na. Marami na rin siyang ibang mgatungkulin na ginampanan sa dala-wang taong pagiging Pulang man-dirigma. Nakapagbigay na siya ngmga pag-aaral, nakapamuno sa mgapagpupulong at mulat na nagbibigaysuporta sa mga kasama niya sa yu-nit.

Naging inspirasyon si Ka Lori ngkanyang mga anak para sumapi rinsa BHB. Ilang buwan mataposmagpultaym si Ka Lori ay sumunodang anak niyang si Ka Tom. Galing siTom sa Maynila kung saan na-masukan siya bilang kontraktwal namanggagawa sa konstruksyon. Sasumunod na taon, sumapi naman siKa Ali, na mula naman sa pag-tatrabaho sa babuyan sa Pampanga.Bagaman mag-iina aynagsusumikap si-lang bakahin angpyudal na rela-syon.

Litaw ang mapagkasamangpagturing ni Ka Lori sa kanyangmga anak sa pagrespeto niya sakanilang mga desisyon. Bagamanmayroong pangamba, sinusuporta-han niya ang dalawa niyang anak nagumampan ng mga gawaing nakaa-tas sa kanila. Kabilang na rito angmga gawaing militar, pagsasanay atgawaing masa sa ibang erya namalayo sa kanya.

Higit sa kapamilya, kasama angpangunahing turing nila sa isa't isaat katuwang sa pagpapalakas nghukbong bayan. Hindi nakaliligtasang dalawa sa mga puna ng kani-lang ina at gayundin si Ka Lori mulasa kanyang mga anak. "Yungkulturang nakuha sa labas (ngkilusan), unti-unting baguhin atsumunod sa mga patakaran nghukbo," laging payo niya sakanyang mga anak. Nagpapakitasila ng kalinga sa isa’t isa katuladng suportang ibinibigay sa ibangkasapi ng hukbo. Hinihikayat nilaang iba pa nilang kapamilya na su-mapi rin sa hukbong bayan.

May mga pagkakataong inaalalani Ka Lori ang mas bata niyang mgaanak. Bagaman nalulungkot sa ga-nitong mga pagkakataon, batid na-man niyang inaalagaan sila ng mgamyembro ng Partido sa kanilanglokalidad.

Suportado ng sangay ng Partidoang kanyang pamilya. Nakapagbi-bigay ito ng kaunting suportang pi-nansyal para sa mga gastusin atkagyat na pangangailangan ng mga

anak. Gayundin, pinaghahandaanat inaasikaso ng yunit ng BHB

na kanyang kinabibilanganang pagkontak sa pamilyaat pagbisita sa kanila.Mensahe ni Ka Lori sakanyang mga anak,"para sa inyo itong

ginagawa ko.... parasa kinabukasanninyo."