bayani

13
ANDRES BONIFACIO ( 1863-1897) NAGTATAG NG KATIPUNAN SI ANDRES BONIFACIO AY IPINANGANAK SA TONDO MAYNILA NOONG NOBYEMBRE 30, 1863. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA SANTIAGO BONIFACIO AT CATALINA DE CASTRO NA ISANG MESTISANG ESPANYOL AT NAGTATRABAHO SA ISANG PABRIKA NG SIGARILYO. NAGSIMULA SIYANG MAG- ARAL SA DON GUILERMO OSMENA SA MEISIK, SUBALIT NAULILA SIYA SA GULANG NA LABING-SIYAM NA TAON (19), KAYA NAPILITAN SIYANG HUMINTO SA PAG-AARAL. NAGHANAPBUHAY SIYA PARA SA KANYANG MGA NAKABABATANG KAPATID. NAGSIKAP NA LANG SIYANG MAG-ARAL SA PAMAMAGITAN NG PAGBABASA NG MGA AKLAT. NATUTO SIYANG GUMAWA AT MAGBENTA NG MGA PAMAYPAY NA PAPEL AT MGA BASTON. NAGING MENSAHERO SIYA NG FLEMING AND CO. AT PAGKARAAN AY NAGING AHENTE DITO. ILAN SA MGA LIBRONG NABASA NIYA AY ANG HIMAGSIKANG PRANSES, BUHAY AT GAWA NG MGA PANGULO NG ESTADOS UNIDOS AT IBA PANG MGA MAKASAYSAYANG AKLAT. HINUBOG NG MGA AKLAT NA ITO ANG UTAK NI BONIFACIO. NOONG HULYO 7, 1892 SI ANDRES BONIFACIO KASAMA NG ILANG KILALANG TAO AY PATAGO AT LIHIM NA NAGTIPON SA AZCARRAGA, MAYNILA UPANG ITATAG ANG KKK O "KATAAS-TAASAN KAGALANG-GALANG NA KATIPUNAN". SUBALIT NOONG PAGKARAAN NG APAT NA TAON ITO AY NATUKLASAN NG MGA AUTORIDAD AT BINALAK BUWAGIN.

Upload: coolride22

Post on 31-Oct-2014

253 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

heroesa

TRANSCRIPT

Page 1: Bayani

ANDRES BONIFACIO( 1863-1897)

NAGTATAG NG KATIPUNAN

SI ANDRES BONIFACIO AY IPINANGANAK SA TONDO MAYNILA NOONG NOBYEMBRE 30, 1863. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA SANTIAGO BONIFACIO AT CATALINA DE CASTRO NA ISANG MESTISANG ESPANYOL AT NAGTATRABAHO SA ISANG PABRIKA NG SIGARILYO. NAGSIMULA SIYANG MAG-ARAL SA DON GUILERMO OSMENA SA MEISIK, SUBALIT NAULILA SIYA SA GULANG NA LABING-SIYAM NA TAON (19), KAYA NAPILITAN SIYANG HUMINTO SA PAG-AARAL. NAGHANAPBUHAY SIYA PARA SA KANYANG MGA NAKABABATANG KAPATID. NAGSIKAP NA LANG SIYANG MAG-ARAL SA PAMAMAGITAN NG PAGBABASA NG MGA AKLAT. NATUTO SIYANG GUMAWA AT MAGBENTA NG MGA PAMAYPAY NA PAPEL AT MGA BASTON. NAGING MENSAHERO SIYA NG FLEMING AND CO. AT PAGKARAAN AY NAGING AHENTE DITO. ILAN SA MGA LIBRONG NABASA NIYA AY ANG HIMAGSIKANG PRANSES, BUHAY AT GAWA NG MGA PANGULO NG ESTADOS UNIDOS AT IBA PANG MGA MAKASAYSAYANG AKLAT.

HINUBOG NG MGA AKLAT NA ITO ANG UTAK NI BONIFACIO. NOONG HULYO 7, 1892 SI ANDRES BONIFACIO KASAMA NG ILANG KILALANG TAO AY PATAGO AT LIHIM NA NAGTIPON SA AZCARRAGA, MAYNILA UPANG ITATAG ANG KKK O "KATAAS-TAASAN KAGALANG-GALANG NA KATIPUNAN". SUBALIT NOONG PAGKARAAN NG APAT NA TAON ITO AY NATUKLASAN NG MGA AUTORIDAD AT BINALAK BUWAGIN.

DAHIL DITO PINASIMULA NI BONIFACIO AT NG MGA KATIPUNERO ANG HIMAGSIKAN NOONG AGOSTO 23 SA PAMAMAGITAN NG PAGSIGAW SA PUGAD LAWIN. KALOOKAN, KUNG SAAN PINUNIT NILA ANG KANILANG MGA CEDULA. NAGKAROON NG HINDI PAGKAKAUNAWAAN SINA ANDRES BONIFACIO AT EMILIO AGUINALDO TUNGKOL SA PAMUMUNO. DINAKIP SI BONIFACIO SA SALANG PAGTATAKSIL SA BAYAN. NAHATULAN SIYA NG KAMATAYAN AT PINATAY NG MGA SUNDALO SA BUNDOK NG TALA, CAVITE NOONG MAYO 10, 1897.

Page 2: Bayani

ANTONIO N. LUNA(1869-1899)

DAKILANG HENERAL

SI ANTONIO LUNA AY IPINANGANAK NOONG OKTUBRE 29, 1869 SA URBIS TONDO, MAYNILA, KAPATID NIYA ANG KILALANG PINTOR NA SI JUAN LUNA. ANG MGA MAGULANG NILA AY SINA JOAQUIN LUNA AT LAUREANA NOVICIO.NAG-ARAL SIYA SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA AT UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS.

NAGTUNGO SIYA SA BARCELONA AT DOON SIYA NAG-TAPOS NG PARMASYA.HABANG NASA ESPANYA AY NAKAHALUBILO NIYA DOON SINA JOSE RIZAL, GRACIANO LOPEZ JAENA AT MARCELO H. DEL PILAR. SAMA-SAMA NILANG IPINAGLALABAN DOON ANG KAPAKANAN NG MGA KABABAYAN NILA SA PILIPINAS.

NANG SIYA AY UMUWI SA PILIPINAS AY NAGLINGKOD SIYA BILANG CHEMIST SA MUNICIPAL LABORATORY NG MAYNILA. ISA RIN SIYANG MAHUSAY NA MANUNULAT. SUMULAT SIYA NG MGA ARTIKULO SA "LA SOLIDARIDAD" NOONG PANAHON NG PROPAGANDA. DAHIL DOON SIYA AY IPINATAPON SA ESPANYA, AT IBINILANGGO SA MADRID SA HINALANG SIYA AY KASAPI NG MGA MANGHIHIMAGSIK.

NAGBALIK SIYA SA PILIPINAS. NANG SUMIKLAB ANG DIGMAAN NG MGA AMERIKANO AT PILIPINO SIYA AY SUMAMA SA MGA MANGHIHIMAGSIK NI HENERAL EMILIO AGUINALDO. DAHIL SA KANYANG GALING AT KATAPANGAN GINAWA SIYANG KALIHIM-DIGMA SA REPUBLIKA NG PILIPINAS. NAGTATAG SIYA NG MILITARY ACADEMY PARA IHANDA NIYA ANG HUKBONG PILIPINO NA LALABAN SA MGA AMERIKANO. NABINGIT SIYA SA KAMATAYAN NG SUMUONG SIYA SA MAHIGPIT NA LABANAN SA LA LOMA.NATALO SIYA SA PAKIKIPAGLABAN NGUNIT HINDI SIYA SUMUKO.

SIYA AY TUNAY NA BAYANING NAGMAHAL SA KANYANG BAYANG TINUBUAN. IPINAGLABAN NIYA ANG KALAYAAN NITO HANGGANG SA KANYANG HULING HININGA.NOONG HUNYO 5, 1899 AY NAPATAY SIYA NGMGASUNDALO SA NUEVA ECIJA SA GULANG NA 30.

Page 3: Bayani

APOLINARIO MABINI(1864-1903)

DAKILANG LUMPO

SI APOLINARIO MABINI AY ISINILANG NOONG HULYO 22, 1864 SA NAYON NG TALAGA, TANAUAN, BATANGAS. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA INOCENCIO MABINI AT DIONISIA MARANAN. PANGALAWA SIYA SA MAGKAKAPATID.NAGMULA SIYA SA MAHIRAP NA PAMILYA. NAKAGISNAN NA NIYA ANG HANAPBUHAY NG KANYANG MAGULANG NA PAGTATANIM NG KUNG ANU-ANONG GULAY. KAHIT NAGHIHIKAHOS NAGSIKAP ANG PAMILYA NIYA UPANG MAITAGUYOD ANG KANAYANG PAG-AARAL SA MAYNILA.

NAGTATRABAHO SIYA HABANG NAG-AARAL SA SAN JUAN DE LETRAN AT SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS. HABANG NAG-AARAL AY SUMAPI SIYA SA LA LIGA FILIPINA NI JOSE RIZAL AT NAGING AKTIBO SIYANG MIYEMBR. NAGTAPOS SIYA NG ABOGASYA NOONG 1894.TAONG 1896 NG MAGKASAKIT SIYA NG 'PARALYSIS' NA NAGING DAHILAN NG KANYANG PAGKALUMPO. LIHIM SIYANG IPINATAWAG NI AGUINALDO AT GINAWA SIYANG OPISYAL NA TAGAPAYO.

NANG PASINAYAAN NI AGUINALDO ANG PAMAHALAANG REPUBLIKA INATASAN SIYA NITO ANG KANYANG TANYAG NA AKDANG "TUNAY NA DEKALOGO".TAONG 1899 NG SI MABINI AY DAKIPIN AT IPINABILANGGO NG MGA AMERIKANO SA NUEVA ECIJA. SA KULUNGAN AY KANYANG ISINULAT ANG "PAGBANGON AT PAGBAGSAK NG HIMAGSIKANG FILIPINO."ENERO 5, 1901 NG SIYA AY IPINATAPON SA GUAM KASAMA NG IBA PA.

NGUNIT NAGBALIK SIYA SA BANSA NOONG PEBRERO 1903 KAPALIT NG PANUNUMPA NG KATAPATAN SA PAMAHALAANG ESTADOS UNIDOS. NAKUMBINSI SIYANG KILALANIN ANG KAPANGYARIHAN NG MGA AMERIKANO SAPAGKAT NAISIP NIYA NA MALULUTAS LAMANG ANG SULIRANIN NG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG PAKIKIPAGKAIBIGAN.NAMATAY SIYA SA SAKIT NA KOLERA SA IDAD NA 39 NOONG MAYO 13, 1903 SA NAGTAHAN, MANILA.

Page 4: Bayani

DIEGO SILANG(1730-1763)

PINUNO NG PAG-AAKLAS SA ILOKOS

SI DIEGO SILANG AY IPINANGANAK SA CABA LA UNION NOONG DISYEMBRE 10, 1730. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA MGUEL SIALNG AT NICOLASA DE LOS SANTOS.MALIIT PA SIYA AY UTUSAN NA SIYA NG MGA PARI. LUMAKI SIYA SA PAROKYA SA VIGAN ILOCOS SUR SA ILALIM NG PATNUBAY NG KURA PAROKO. MINSANG NAUTUSAN SIYANG LUMUWAS NG MAYNILA LULAN NG ISANG BANGKA AY SINAMAMPALAD NA NAWASAK ANG KANILANG SINAKYAN SA KARAGATAN NG ZAMBALES DAHIL SA PAGDAAN NG BAGYO.NAKALIGTAS SILANG LAHAT AT NAKARATING NG BAYBAYIN. SUBALIT NASABAT SILA NG MGA ITA AT NAPANA ANG LAHAT MALIBAN KAY DIEGO. KINUHA NG MGA ITA SI DIEGO. MATAGAL NAGSILBI SI DIEGO SA MGA ITA, HANGGANG SA MAY MAGAWING PARI SA LUGAR NA IYON AT SIYA AY TINUBOS. MULI SIYANG NAGLINGKOD BILANG UTUSAN NG PARI, NAGING MATAPAT SIYA KAYA PINAGKATIWALAAN SIYANG UTUSAN NG PARI SA MAYNILA. DAHIL SA KANYANG MADALAS NA PAGBIBIYAHE AY MADALAS NIYANG MARINIG ANG KARAINGAN NG MGA TAO LABAN SA MGA KASTILA.

TAONG 1762 NG DUMATING SA MAYNILA ANG MGA SUNDALONG AMERIKANO. NATALO SA LABANAN ANG MGAKASTILA KAYA ISINUKO NG MGA ITO ANG MAYNILA. NAGKAROON NG IDEYA SI DIEGO, BUMALIK SIYA SA VIGAN AT HINIKAYAT ANG KANYANG MGA KABABAYAN NA LUMABAN SA MGA KASTILA, PINAMUNUAN NIYA ANG PAG-ALSA. NAPALAYAS NI DIEGO SAMPU NG KANYANG MGA TAUHAN ANG MGA OPISYALES NA KASTILANG NAMUMUNO SA KANILANG LUGAR. GINAYA NG MGA MAMAMAYAN SA KALAPIT BAYAN ANG GINAWA NI DIEGO, NAG-ALSA RIN ANG MGA ITO LABAN SA MGA PUTI.

NANG MAKITA NG MGA KASTILA NA MAHIRAP TALUNIN ANG 2,000 KATAO NA MGA TAUHAN NI DIEGO AY UMUPA ANG MGA ITO NG ISANG TAKSIL NA MAGKUNWARING KAIBIGAN NI DIEGO UPANG MADALI NILA ITONG MAIPAPATAY.NAGTAGUMPAY ANG MGA KASTILA, PATAKSIL NA NAPATAY NGA SI DIEGO NG HUWAD NA KAIBIGAN SA PAMAMAGITAN NG PAGBARIL NANG SIYA AY NAKATALIKOD, NANGYARI ITO NOONG MAYO 28, 1763. SUBALIT HINDI DOON NATAPOS ANG IPINAGLALABAN NI DIEGO. IPINAGPATULOY NG KANYANG ASAWANG SI GABRIELA SILANG ANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA KASTILA.

Page 5: Bayani

EMILIO AGUINALDO(1869-1964)

PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS

SI AGUINALDO AY ISINILANG SA KAWIT, CAVITE NOONG MARSO 30, 1896. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA CRISPULO AGUINALDO AT TRINIDAD FAMY. NAG-UMPISA SIYANG MAG-ARAL SA ISANG PRIBADONG PAARALAN SA KANYANG BAYAN AT NAGPATULOY SA SAN JUAN DE LETRAN.

NOONG ENERO 1895 NAHALAL SIYA BILANG KAPITAN-MUNICIPAL SA KAWIT, CAVITE. NAGING MIYEMBRO SIYA NG KATIPUNAN SA ILALIM NG PAMUMUNO NI HENERAL BALDOMERO AGUINALDO BILANG ISANG TENYENTE. PAGKARAAN NG ILANG BUWAN AY TUMAAS ANG KANAYNG RANGGO AT SIYA AY NAGING GENERAL.

PINAMUNUAN NIYA ANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA KASTILA.NAKIPAG-UGNAYA ANG PAMAHALAANG KASTILA KAY AGUINALDO AT DAHIL DOON AY NAGANAP O NALAGDAAN ANG "PACT OF BIAK NA BATO" NOONG DISYEMBRE 14, 1987, MARAMING NAGING PROBISYON ANG KASUNDUAN, ISA NA DOON AY: AALIS NG PILIPINAS SINA AGUINALDO KASAMA ANG IBANG MATATAAS NA OPISYALES AT SILA AY BABAYARAN NG PAMAHALAANG KASTILA.UMALIS NGA SI AGUINALDO KASAMA ANG IBANG MATATAAS NA OPISYALES AT NAGTUNGO SA HONGKONG, SUBALIT HINDI NATUPAD LAHAT ANG MGA IPINANGAKO NG PAMAHALAANG KASTILA.

NANG MAG-UMPISA ANG GIYERA NG PAMAHALAANG KASTILA AT AMERIKA NOONG ABRIL 1898 AY BUMALIK SI AGUINALDO SA CAVITE AT IPINAGPATULOY ANG PAKIKIBAKA SA TULONG NG MGA AMERIKANO. NAGKAROON NG MALAKING PAG-AALSA AT NATALO ANG PAMAHALAANG KASTILA. SUMUKO ANG MAYNILA SA MGA AMERIKANO.NOONG HUNYO 12, 1898 AY ITINATAG NAMAN NI AGUINALDO ANG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA KAWIT, CAVITE KUNG SAAN SIYA ANG NAGING KAUNA-UNAHANG PANGULO NG PILIPINAS.

Page 6: Bayani

JOSE P. RIZAL(1861-1896)

PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS

JOSE PROTACIO RIZAL AY ISINILANG NOONG HUNYO 19, 1861 SA CALAMBA LAGUNA. IKAPITO SIYA SA LABING-ISANG MAGKAKAPATID. ANG MGA MAGULANG NIYA SINA FRANCISCO RIZAL MERCADO AT TEODORA ALONZO REALONDA. ANG KANYANG INA ANG UNA NIYANG NAGING GURO. MAAGANG NALANTAD SI RIZAL SA MGA PANG-AABUSONG GINAWA NG MGA KASTILA SA MGA PILIPINO. SA I-DAD NA LABING ISANG TAON LABIS NA NABUO SA KANYANG ISIP ANG PANGGAGAROTE SA TATLONG PARING SINA PADRE GOMEZ, BURGOS AT ZAMORA.

PUMASOK SIYA SA ATENEO AT NAGTAPOS DITO NG BACHELOR IN ARTS NA MAY MATAAS NA KARANGALAN. NAG-ARAL DIN SIYA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS KUMUHA SIYA NG PILOSOPIYA AT MEDISINA. NOONG 1882 SIYA AY NAGTUNGO SA EUROPA. NAG-ARAL SIYA NG MEDISINA SA UNIVERSIDAD DE CENTRAL SA MADRID, ESPA A AT NAGTAPOS NOONG 1885. �

SAMANTALANG SIYA AY NASA EUROPA NAKIBAHAGI SIYA SA PAGTULIGSA SA MGA PANG-AAPI AT KALABISAN NG MGA KASTILA SA PILIPINAS. KASAMA ANG ILANG DAKILANG REPORMISTA TULAD NINA GRACIANO LOPEZ JAENA HUMINGI SILA G PAGBABAGO. ISINULAT NIYA ANG 'NOLI ME TANGERE' SA BERLIN NOONG 1887 AT 'EL FILIBUSTERISMO' SA BELGIUM NOONG 1891.NOONG 1892 NAGBALIK SI JOSE RIZAL SA PILINAS KAHIT NA ALAM NIYA ANG PANGANIB NA NAGHIHINTAY SA KANYA BUNGA NG KANYANG MGA ISINULAT. IPINAGPATULOY NIYA ANG KANAYNG MAKABAYANG GAWAIN AT NOONG HULYO 3, 1892 ITINATAG NIYA ANG 'LA LIGA FILIPINA'.

PAGKATAPOS NG ILANG LINGGO DINAKIP SIYA AT IPINATAPON SA DAPITA. NAGPRISINTA SIYANG MAIPADALA SA CUBA BILANG MANGGAGAMOT, SUBALIT HABANG NASA BIYAHE PATUNGO ROON AY DINAKIP SIYA AT IBINALIK SA PILIPINAS. IPINIIT SIYA SA FORT SANTIAGO KUNG SAAN ISINULAT NIYA ANG MI ULTIMO ADIOS AT PINATAY SIYA BILANG MARTIR NOONG DISYEMBRE 30, 1986.DITO NAGTAPOS ANG BUHAY NI RIZAL AT PAGSISIMULA NG BAGONG PAG ASA NG HENERASYON.

Page 7: Bayani

LAPU-LAPU

BAYANI NG MACTAN

SI LAPU-LAPU ANG HARI AT PINUNO NG MALIIT NA ISLA NG MACTAN. KILALA SIYA SA KANYANG KATAPANGAN SA PAKIKIPAGLABAN NGUNIT MABAIT NA LIDER SA NASASAKUPAN.TUMANGGI SIYANG KILALANIN ANG SOBERANYA NG ESPANYA, LALUNG-LALO NA ANG TUMANGGAP NG MGA DAYUHAN SA KANYANG ISLA.

NANG DUMATING SA CEBU SI FERDINAND MAGELLAN GINAWA NITO ANG LAHAT NG PARAAN PARA MAKUHA ANG TIWALA NG MGA TAONG BAYAN, SUBALIT HINDI ITO NAGUSTUHAN NI LAPU-LAPU.HINDI SUMUNOD SI LAPU-LAPU SA PATAKARAN NG MGA KASTILA TUMANGGI SIYANG MAGBAYAD NG BUWIS.NAGALIT SI MAGELLAN, MULA SA CEBU AY NAGLAYAG ANG PANGKAT NITO AT NILUSOB ANG ISLA NG MACTAN.

SUBALIT DAHIL SA PAG-IBIG SA KALAYAAN BUONG TAPANG NA HINARAP NI LAPU-LAPU ANG MGA SUNDALONG KASTILA KAHIT NA IILAN LAMANG ANG KANYANG MGA TAUHAN AT KAHIT NA MAKALUAM ANG KANILANG SANDATA. DAHIL SA PINAGHANDAAN NG HUSTO NINA LAPU-LAPU ANG LABANAN AY NASUGATAN SI MAGELLAN NA NAGING DAHILAN PARA UMATRAS ANG GRUPO NG MGA SUNDALONG KASTILA PATUNGO SA KANILANG SASAKYANG PANDAGAT.

NANG MAKITA NG MGA SUNDALONG KASTILA NA TULUYAN NANG NAGAPI ANG KANILANG PINUNO AYMABILIS NA NAGSIALIS AT TUMAKAS ANG MGA ITO.ANG LABANAN AY NAGANAP SA BAYBAYIN NG MACTAN NOONG ABRIL 27, 1521 KUNG SAAN NAPATAY NIYA SI MAGELLAN.

Page 8: Bayani

MARCELO H. DEL PILAR(1850-1896)

KILALA SA SAGISAG NA PLARIDEL

SI MARCELO H. DEL PILAR AY KILALA NG LAHAT SA SAGISAG NA 'PLARIDEL'. IPINANGANAK SIYA NOONG AGOSTO 30, 1850 SA CUPANG, SAN NICOLAS, BULAKAN, BILANG BUNSO SA MAGKAKAPATID. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA DON JULIAN DEL PILAR, ISANG GOBERNADORCILLO AT DONYA BLASA GATMAITAN. MAYAMAN ANG KANILANG PAMILYA.SA COLEGIO DE SAN JOSE SIYA UNANG NAG-ARAL AT NAGPATULOY SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS KUNG SAAN KUMUHA SIYA NG ABOGASYA AT TAONG 1880 NG SIYA AY MAGTAPOS. MARAMI SIYANG KATANGIAN. MARUNONG SIYANG TUMUGTOG NG IBA'T-IBANG INSTRUMENTO AT MAHUSAY DIN SIYANG UMAWIT.

ITINATAG NIYA ANG 'DIARIONG TAGALOG' TAONG 1882 AT DITO NIYA BINATIKOS ANG PANG-AABUSO NG MGA PARI AT KALUPITAN NG PAMAHALAAN.HUMINGI SIYA NG PAGBABAGO, DAHIL DITO HINANAP SIYA AT PINAG-USIG SIYA NG MGA KASTILA.

TAONG 1888 NANG TUMAKAS SIYA PATUNGONG ESPANYA AT DOON AY IPINAGPATULOY NIYA ANG KANYANG PAGSUSULAT.BINILI NIYA KAY LOPEZ JAENA ANG 'LA SOLIDARIDAD' AT SIYA ANG NAGING PATNUGOT NITO, MULA NOONG 1889 HANGGANG 1895. DITO NIYA ISINULAT ANG KANYANG PINAKADAKILANG LIKHA ANG "LA SOBERANI MONACAL" AT "LA FRAILOCRACIA FILIPINA."

DAHIL SA PAGMAMAHAL SA SARILING BAYAN AY ISINAISANTABI NIYA ANG KANYANG KAPAKANAN. SA SIMULA AY MAALWAN ANG KANYANG KALAGAYAN SA BUHAY, SUBALIT TINIIS NIYANG MAGHIRAP BANDANG HULI, MAPAGLINGKURAN LAMANG ANG KANYANG INANG SINILANGAN. HANGGANG SA SIYA AY NAGKASAKIT NG TUBERKULOSIS AT NOONG HULYO 4, 1896 SA GULANG NA 46, SIYA AY NAMATAY.

Page 9: Bayani

MELCHORA AQUINO(1812-1919)

INA NG HIMAGSIKAN

SIYA AY KILALA SA TAWAG NA TANDANG SORA NOONG KANYANG KATANDAAN. IPINANGANAK SIYA SA GULOD BANILAD BALINTAWAK NOONG ENERO 6, 1812. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA JUAN AQUINO AT VALENTINA DE AQUINO.SA KAGUBATAN NG BALINTAWAK SIYA NANIRAHAN. HINDI SIYA NAKAPAG-ARAL DAHILAN SA KAHIRAPAN, SUBALIT TAGLAY NIYA ANG KABAITAN AT MABUTING UGALI NG PAKIKIPAGKAPWA. NAPANGASAWA NIYA SI FULGENCIO RAMOS SUBALIT NABIYUDA SIYA NANG MAAGA.

NANG SUMIKLAB ANG HIMAGSIKAN, SI TANDANG SORA AY 84 NA TAONG GULANG. TAONG 1896 NG MAGPAKITA NG LABIS NA KALUPITAN ANG MGA KASTILA NAHIGINGAN NG MGA ITO NA MALAPIT NANG MAGHIMAGSIK ANG MGA TAUHAN NI BONIFACIO.MARAMING KALALAKIHAN ANG HINULI AT PINARUSAHAN, PILIT NA PINAAAMIN TUNGKOL SA LIHIM NA SAMAHAN NG KATIPUNAN AT KAPAG HINDI UMAMIN AY KANILANG PINAPATAY SA PAMAMAGITAN NG PAGBAARIL O DI KAYA AY PAGBITAY. ANG IBANG NAKATAKAS AY NAGTAGO SA BALINTAWAK SA LUGAR NI TANDANG SORA.

LAHAT NG TAONG DUMULOG KAY TANDANG SORA AY KANYANG TINUTULUNGAN. PINAKAKAIN NIYA ANG MGA REBULUSYUNARYONG NAGUGUTOM, GINAGAMOT ANG MGA SUGATAN. SUBALIT HINDI NIYA PINABABAYAANG MAGTAGAL SA PODER NIYA ANG MGA ITO. BINIBIGYAN NIYA ANG MGA ITO NG BAONG PERA AT PAGKAIN AT SAKA PINATATAKAS PATUNGO SA LIGTAS NA LUGAR NA MAAARING PAGTAGUAN NG MGA ITO.NAKARATING SA KAALAMAN NG MGA KASTILA ANG GINAGAWANG PAGTULONG NI TANDANG SORA SA MGA MIYEMBRO NG KATIPUNAN. HINULI SIYA NG MGA KAWAL KASTILA AT DINALA SA MAYNILA. IPINATAPON SIYASA PULO NG MARIANAS. BUMALIK LAMANG SI TANDANG SORA SA PILIPINAS NOONG 1903 NG MAPASAILALIM ITO SA KAMAY NG MGA AMERIKANO. MATANDANG-MATANDA NA SIYA NOON AT WALA NA SIYANG NATITIRANG ARI-ARIAN.NAMATAY SIYA NOONG MARSO 2, 1919 SA EDAD NA 107.

Page 10: Bayani

JOSE BURGOS(1837-1872)

MARTIR NA PARI, ISA SA GOMBURZA

SI BURGOS AY ISINILANG SA VIGAN ILOCOS SUR NOONG PEBRERO 9, 1837. ANG MGA MAGULANG NIYA AY SINA JOSE BURGOS AT FLORENCIA GARCIA.NANG MAMATAY ANG KANYANG AMA NOONG SIYA'Y BATA PA LANG, PUMUNTA SI JOSE BURGOS SA MAYNILA AT NANUNULUYAN SA KAMAG-ANAK. DITO AY IPINAGPATULOY NIYA ANG PAGAARAL. NAG-ARAL SIYA SA SAN JUAN DE LETRAN. SIA AY ISANG MATALINONG ESTUDYANTE. PALAGI SIYANG NAGIGING LEADER NG MGA AKTIBIDADES SA NAKILANG PAARALAN.

NAGTAPOS SIYA NG TEOLOHIYA, PAGKADOKTOR SA PILOSOPIYA AT BATAS KANONIKO NOONG 1868. NAGING ISA SIYANG PARI.BILANG KASAPI NG EXAMINING BOARD SA TEOLOHIYA NOONG 1871 KANIYANG IPINAGLABAN ANG SEKULARISASYON NG MGA PAROKYA SA PILIPINAS. PINAYUHAN NIYA ANG MGA KABATAANG PILIPINO NA SA EUROPA MAG-ARAL SA PAG-ASANG MABIGYAN PA NG MAGANDANG KINABUKASAN ANG BAYANG PILIPINAS.

KATULAD NI PADRE PELAEZ, SIYA AY NAGING PINUNO NG MGA PILIPINONG PARE NA NAGTATANGGOL AT NAGMAMALASAKIT SA KAPAKANAN NG KAPWA PARENG PILIPINO. MARAMI SIYANG HININGING PAGBABAGO SA PAMAHALAANG KASTILA, ISA NA ROON ANG PANTAY NA KARAPATAN NG PARENG PILIPINO SA MGA PARENG KASTILA.KASAMA NIYA SA KANYANG MGA IPINAKIKIPAGLABAN SINA JOAQUIN PARDO DE TAVERA NA ISANG ABOGADO, SI MAXIMO PATERNO, ISANG MAYAMANG NEGOSYANTE AT SINA PADRE GOMEZ AT PADRE ZAMORA.

PINAGHINALAAN SIYANG MAY KINALAMAN SA REBULUSYONARYO NA NAG-UUMPISANG LUMUTANG. DAHIL DITO AY NAGALIT ANG MGA KASTILA KAY BURGOS AT BINALAK SIYANG PATALSIKIN. NANG SUMIKLAB ANG PAG-AALSA SA CAVITE, DINAWIT SI BURGOS KASAMA ANG DALAWA PANG PARI BILANG UTAK NG PAG-AAKLAS. HINATULAN SILANG MAMATAY SA PAMAMAGITANG NG GAROTE. BINITAY SILA SA LUNETA NOONG PEBRERO 17, 1872. NAMATAY SILANG SUOT ANG KANILANG ABITO.