araling panlipunan

3
JADEWANNI JAC D. ARANCA 7 CARING ARALING PANLIPUNAN 1.Panu nagsimula ang IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG? Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Di pormal na kinikilala na lahat ng bansa na lumahok sa Unang Digmaang Pandaigdig ay nasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat panig. Nagsimula ito sa mga bansang Europeo. Nang malagay sa pamumunong militar ni Adolf Hitler ang bansang Aleman, naglunsad ito ng mga programang pang-isport sa mga mamamayan upang kunin ang suportang moral ng mga ito na siya namang ginamit niya upang palawigin ang hukbong sandatahan nito. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar. Nag-siklab rin ang digmaan sa Pilipinas. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon),at iba pa. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagsama ng Amerika sa digmaan. Ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas sa Malinta Tunnel sa Corregidor. Nilisan nina Quezon at MacArthur ang Pilipinas, si Quezon sa Amerika; para ilikas ang Komonwelt, pati na rin ang kanyang gabinet at pamilya, habang si MacArthur ay pumunta sa Australia. Sumuko ang mga sundalo sa Bataan, at ito ang puno't dahilan ng Martsa ng Kamatayan. Naglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan papuntang Capas, Tarlac. Marami pa ang nangyari. Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Ifugao sa Hilagang Luzon. Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong

Upload: shairuz-caesar-briones-dugay

Post on 21-May-2017

246 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Page 1: Araling Panlipunan

JADEWANNI JAC D. ARANCA7 CARINGARALING PANLIPUNAN

1.Panu nagsimula ang IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG?

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo 7, 1937 sa Asya at Setyembre 1, 1939sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Di pormal na kinikilala na lahat ng bansa na lumahok sa  Unang Digmaang Pandaigdig ay nasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat panig. Nagsimula ito sa mga bansang Europeo. Nang malagay sa pamumunong militar ni Adolf Hitler ang bansang Aleman, naglunsad ito ng mga programang pang-isport sa mga mamamayan upang kunin ang suportang moral ng mga ito na siya namang ginamit niya upang palawigin ang hukbong sandatahan nito. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig bansa partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito Mussolini sa ilalim ng Batas Militar.

Nag-siklab rin ang digmaan sa Pilipinas. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon),at iba pa. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagsama ng Amerika sa digmaan. Ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas sa Malinta Tunnel sa Corregidor. Nilisan nina Quezon at MacArthur ang Pilipinas, si Quezon sa Amerika; para ilikas ang Komonwelt, pati na rin ang kanyang gabinet at pamilya, habang si MacArthur ay pumunta sa Australia. Sumuko ang mga sundalo sa Bataan, at ito ang puno't dahilan ng Martsa ng Kamatayan. Naglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan papuntang Capas, Tarlac. Marami pa ang nangyari.

Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena, heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Ifugao sa Hilagang Luzon.

Noong Abril 16, 1945, pumasok ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin, matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi.

Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Tokyo Bay, Hapon.

Page 2: Araling Panlipunan

2.Layunin ng Japan sa pagsakopLayunin ng mga hapon sa pagsakop sa pilipinas ay ang mga 2 sumusunod: *para palaguin ang ekonomiya ng pilipinas pero sila ang magmamayari. *pang aalipusta sa mga pilipino at gawing sunudsunuran.

3.Ipaliwanag ang greater east asia co-prosperity sphere Pagsamahin ang mga bansa sa asya Pagtutulungan ng bawat bansa s asya Makilalang lider ng mga asyano ang hapon Ang asya ay para sa kapwa Asyano

4.sanhi ng pagbagsak ng BataanApril 9, 1942 nang sumuko ang depensa ng bataan sa mga hapon dahilan sa kakulangan ng armas at kakulangang ng

sundalo na dulot ng sakit at pagkagutom.

5.Death March

Kinilalang Death March, ang sapilitang pagmamartsa na ito ay nagdala ng matinding pahirap at trahedya sa mga sundalong napabilang dito. Ang mga sundalong Filipino at Amerikano na lumaban para sa depensa ng  Bataan ay itinuring na mga bilanggo ng digmaan, o mas kilala bilang prisoners of war(POW). Sa pagsukong ginawa ni King kay Heneral Masaharu Homma, ipinaalam niya sa huli na marami sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnel gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit di ito inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo.

Umabot ng anim na araw ang nasabing martsa. Sa kasagsagan ng init ng araw, ang mga bilanggo ng digmaan ay walang tigil na pinaglalakad habang sila'y tinututukan ng baril ng mga Hapon. Nilakad nila ang kahabaan ng Mariveles, Bataanpatungong San Fernando, Pampanga. Sa mga pagkakataong sila ay “pinagpapahinga,” sila ay puwersahan ding pinapaupo sa ilalaim ng matinding sikat ng araw ng walang anumang lilim. Ang sino mang manghingi ng tubig na maiinom ay dagliang pinapatay.

Sa unang yugto pa lamang ng martsa ay marami na ang nangamatay. Ang mga nanghihina at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapon, o di kaya'y pinagbabaril. Ang ilan sa kanila ay inaabuso at malabis na sinasaktan, habang ang iba naman ay hinahayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng Hapon.

Gutom at uhaw, ang mga bilanggo ay lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo. Sa gabi, sila ay pinapatulog sa isang tila bodegang kwarto – masikip at madilim, at ang mga bilanggo ay parang mga sardinas na nagsisiksikan dito. Sa kasikipan, hirap na silang makagalaw, at halos mag-agawan sa hanging nilalanghap. Ang ilan sa kanila ay hindi na inabutan ng bukas, habang ang iba'y nagising sa piling ng mga nasawi na nilang kasamahan.Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila'y ibiyahe sa mga tren. Sa loob ng masisikip at maiinit na kahon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga nakaligtas ay muling pinaglakad ng pitong milya hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O'Donnell. Humigit kumulang sampung libo sa mga bilanggo ang namatay samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan.