aralin 1

24
BANGHAY ARALIN PARA SA MULTIGRADE HEOGRAPIYA, KASAYSAYAN AT SIBIKA V at VI Aralin 1 HEKASI V HEKASI VI I. LAYUNIN Nailalarawan ang pamahalaang barangay. I. LAYUNIN Nakikilala ang mga katangian ng populasyon na makatutugon sa pag-unlad ng bansa. II. PAKSANG ARALIN Ang Pamahalaang Barangay Sanggunian: BEC – PELC Kasaysayang Pilipino, pp. 4–7 Kagamitan: Plaskard, larawan ng datu at mga alagad nito Pagpapahalaga : Paggalang sa mga namumuno II. PAKSANG ARALIN Mga Katangian ng Populasyon sa Bansa Sanggunian: BEC – PELC Ang Pilipinas sa Pagbuo ng Bansa, pp. 5–11 Kagamitan: Tsart ng mga organizers, kard Pagpapahalaga : Pakikipagtulungan sa pag- unlad ng bansa III. PAMAMARAAN Panimulang Gawain 1. Balitaan Magbalitaan tungkol sa kaunlaran ng kabuhayan sa sariling barangay at sa buong bansa. 1

Upload: jameskagome

Post on 24-Oct-2014

4.784 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: Aralin 1

BANGHAY ARALIN PARA SA MULTIGRADEHEOGRAPIYA, KASAYSAYAN AT SIBIKA V at VI

Aralin 1HEKASI V HEKASI VI

I. LAYUNINNailalarawan ang pamahalaang barangay.

I. LAYUNINNakikilala ang mga katangian ng populasyon na makatutugon sa pag-unlad ng bansa.

II. PAKSANG ARALINAng Pamahalaang BarangaySanggunian: BEC – PELC

Kasaysayang Pilipino, pp. 4–7Kagamitan: Plaskard, larawan ng datu at mga alagad

nitoPagpapahalaga: Paggalang sa mga namumuno

II. PAKSANG ARALINMga Katangian ng Populasyon sa BansaSanggunian: BEC – PELC

Ang Pilipinas sa Pagbuo ng Bansa, pp. 5–11

Kagamitan: Tsart ng mga organizers, kardPagpapahalaga: Pakikipagtulungan sa pag-unlad ng

bansa

III. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain

1. Balitaan

Magbalitaan tungkol sa kaunlaran ng kabuhayan sa sariling barangay at sa buong bansa.

2. Pagganyak

Bumuo ng tatlong pangkat at ipamahagi ang mga titik sa bawat pangkat. Sa patnubay ng lider ng bawat pangkat, ipaayos ang mga titik upang makabuo ng limang mga salita mula sa mga ginupit na titik nito.

2. Pagganyak

a. Ipabigay ang kahulugan ng populasyon gamit ang concept map.

1

Page 2: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

Ipabigay ang kahulugan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsusulat ng tamang salita sa bawat patlang:

Ang mga unang ____________ na tinatawag nating mga ____________ ay pinamumunuan ng isang ________ sa pamahalaan ng kung tawagin ay ____________.

Sagot:

Pilipinoninunodatubarangay

b. Isulat sa pisara ang salitang tao. Ganyakin ang mga mag-aaral na magbigay ng mga pakahulugan nila sa salitang tao sa pamamagitan ng concept mapping.

c. Ipatukoy ang mga katangiang makatutugon sa pag-unlad ng bansa.

Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

a. Ipakita ang larawan ng isang datu na may mga tauhang nakapaligid dito.

b. Itanong:1) Sino kaya ang taong nakalarawan dito?

Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

Hatiin ang klase sa apat na pangkat.Ipabasa sa kanila ang teksto tungkol sa katangiang kanilang tatalakayin. Ipatala ang mahahalagang detalye sa tulong ng mga patnubay na tanong:

2

NOUIN IPONLIPI

GAYRANBA ATUD HAMAPAANLA

Page 3: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

2) May alam ba kayo tungkol sa kanya? Anu-ano ang mga ito?

3) Isulat sa pisara ang mga sagot at talakayin.

Unang Pangkat Laki ng Populasyon Bilis ng Paglaki ng Populasyon

1. Taluntunin ang pagbabago sa laki ng populasyon mula 1960 – 2007.

2. Ano ang nangyayari sa populasyon ng bansa sa bawat taon?

3. Anu-ano ang mga dahilan ng mabilis na paglaki ng populasyon ng bansa?

Ikalawang Pangkat Distribusyon ng Populasyon Kapal ng Populasyon

1. Aling rehiyon ang may pinakamakapal na populasyon?2. Alin ang may pinakamanipis ang populasyon?3. Ano ang isinasaad ng talahanayan tungkol sa

distribusyon ng tao sa bansa?

Ikatlong Pangkat Populasyong Rural at Urban Kasarian at Gulang

1. Saan matatagpuan ang populasyong urban? populasyong rural?

2. Ano ang ipinahihiwatig ng datos ukol sa populasyong urban at rural?

3. Paghambingin ang populasyon ayon sa gulang at kasarian.

Ikaapat na Pangkat Pandarayuhan Katangian ng Populasyon

1. Anu-ano ang mga dahilan ng pandarayuhan?

2. Pagtalakay

a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.Ipamahagi ang task kard sa bawat pangkat at ipagawa ang gawain na nakasaad dito.

3

TASK KARDGawin ang mga sumusunod:Pag-aralan ang graphic organizer at talakayin.

Page 4: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

b. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1) Sino ang namumuno sa barangay?2) Paano siya nahirang na pinuno ng barangay?3) Anu-ano ang tungkuling nakaatang sa kanya?4) Sinu-sino ang taong kanyang nakakatulong sa mga

gawain?5) Sa palagay ninyo, anu-ano ang suliraning kanilang

nararanasan sa pamamahala?

c. Ipasadula sa bawat pangakat ang sinaunang pamahalaang barangay.

Pangkat A: KapangyarihanPangkat B: TungkulinPangkat C: Suliraning Naranasan

2. Anu-ano ang epekto ng pandarayuhan sa isang pook?3. Anu-ano ang katangian ng populasyon na nakatutulong

sa pag-unlad?

Bilang ng Paglaki ng Populasyon

Umaabot na sa 76,498,735 ang populasyon ng Pilipinas pagsapit ng taong 2000. Ang bilis ng paglaki nito ay dulot ng pagpapabuti ng kalagayang pangkalusugan at pang-edukasyon ng bansa.

Bigyang-pansin ang paglaki ng populasyon ng Pilipinas mula noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. (Tingnan sa Talahanayan 1.2)

Ang kauna-unahang pagtaya sa populasyon ng bansa ay ginawa nang dumating ang mga Español noong 1521. Ayon sa mga tala ng mga misyonerong Español, may 500,00 katutubong Pilipino noon. Naging 1.5 milyon ang populasyon ng Pilipinas noong 1799; 1.9 milyon noong 1812; at 6.2 milyon noong 1896 nang magtatapos na ang pananakop ng mga Español sa bansa.

Nagsimula ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas noong panahon ng mga Amerikano. Naitala ito sa 7,635,000 noong 1903. Nang lumisan ang mga Amerikano noong 1948, naging 19,234,000 na ang bilang ng mga Pilipino.

Naranasan ng bansa ang mabilis na paglaki ng populasyon dahil sa pagbuti ng pampublikong kalusugan at sanitasyon. Nasugpo noon ang epidemya ng mga sakit na kolera at bulutong. Itinatag ang Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod na Kwarentas. Kasabay nito ang pagbubukas ng mga klinika at pagamutan at ang pagtuturo ng wastong pangangalaga sa pansariling kalusugan.

Nagpatuloy sa paglaki ang populasyon ng Pilipinas noong panahon ng Ikatlo at Ikaapat na Republika. Noong 1970, 36.6 milyon na ang bilang ng mga Pilipino. Naging 55 milyon naman

4

Page 5: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VIito noong 1985 at lumaki pa nang sumunod na mga taon.

May panahon ding bumagal ang paglaki ng populasyon ng bansa. Naganap ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naapektuhan nang malaki ang populasyon sa panahon ng kaguluhan at kahirapan ng buhay.

Samantala, nagsimula ang programang pampopulasyon ng bansa noong 1969. Ito ang tugon sa suliranin ng mabilis na paglaki ng populasyon. ipinailalim ang programang ito sa Komisyon ng Populasyon. nagkaroon ng bahagi sa programang ito ang ibang mga tanggapan ng pamahalaan gayundin ang mga paaralan.

Talahanayan 1.2POPULASYON NG PILIPINAS, 1799-2000

Taon Populasyon(sa libo)

Taunang Antas ng Paglaki

Pinagkunan ng Datos

1799 1,503 — P. Buzeta1800 1,561 3.91 P. Zuñiga1812 1,933 1.80 Sedula1819 2,106 1.23 Sedula1829 2,593 2.10 Simbahan1840 3,096 1.62 Mga lokal na opisyal1850 3,857 2.22 P. Buzeta1858 4,290 1.34 Bowring1870 4,712 0.78 Guia de Manila1877 5,568 2.41 Senso1887 5,985 0.72 Senso1896 6,261 0.50 Pagtataya ni Prop.

Plehn

5

Page 6: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI1903 7,635 2.87 Senso1918 10,314 2.03 Senso1939 16,000 2.11 Senso1948 19,234 2.07 Senso1960 27,088 2.89 Senso1970 36,684 3.08 Senso1975 42,071 2.78 Senso1980 48,098 2.71 Senso1985 55,000 2.40 Senso1990 60,703 2.35 Senso1995 68,616 2.32 Senso2000 76,499 2.36 Senso

Pinagkunan: 2001 Philippine Statistical Yearbook

Distribusyon ng Tao sa Pilipinas

Hindi pantay ang distribusyon o pagkakabahagi ng mga tao sa Pilipinas. Ito ay iniuugnay sa iba’t ibang salik tulad ng kalagayang pisikal ng mga rehiyon, pandarayuhan, pag-aanak at pagkakaroon ng transportasyon at komunikasyon.

Ang distribusyon ng tao sa bansa ay pinagbabatayan ng pangangasiwa, pamamahagi ng mga kalakal, paglilingkod at pagpaplano ng mga pamayanan. Dahil dito, mahalaga ang pagtiyak sa kalagayan ng distribusyon ng tao sa bansa. Nasusukat ito sa pamamagitan ng kapal ng populasyon.

Kapal ng Populasyon

Tumutukoy sa bilang ng tao sa bawat kilometro kwadrado ng lupain sa bansa ang kapal ng populasyon. natutuos ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang populasyon ng bansa sa kabuuang sukat o lawak nito.

6

Page 7: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

Kapal ng Populasyon = Bilang ng Tao

Kabuuang lawak ng bansa

Ano ang kapal ng populasyon ng bansa noong 2000?

76,498,735= 254.99578 o 255300,000 kilometero kwadrado

Ang karaniwang kapal ng populasyon ay 255. Nangangahulugan ito na 255 ang bilang ng tao sa bawat kilometro kwadrado ng lupain. Ano naman kaya ang magiging kapal ng populasyon ng bansa sa taong 2005, kung aabot na sa 83 milyon ang bilang ng mga tao rito?

Makikita sa sumusunod na talahanayan ang kalagayn ng kapal ng populasyon ng bansa noong 2000. Aling rehiyon ang may pinakamakapal ng populasyon? Aling dalawang rehiyon sumusunod dito sa kapal ng populasyon? Aling rehiyon ang may pinakamaliit na populasyon?

Talahanayan 1.3KAPAL NG POPULASYON, 2000

Rehiyon Bilang ng Tao sa Bawat Kilometro Kwadradong Lupa

NCR 15,617CAR 100

I 327II 100III 445

IV-A 574IV-B 84

V 265VI 310

7

Page 8: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

VII 381VIII 168IX 198X 196XI 191XII 179

ARMM 211CARAGA 111Average 255

Pinagkunan: 2001 Philippine Statistical Yearbook

Sagutin Mo

1. Ano ang tinutukoy ng katawagang populasyon?2. Kailan ginawa ang kauna-unahang pagtaya ng populasyon

sa Pilipinas?3. Anu-ano ang isinasaad ng Talahanayan 1.1 tungkol sa

populasyon ng Pilipinas noong 2000? ng talahanayan 1.2?

4. Bakit hindi pantay ang distribusyon ng populasyon sa iba’t ibang lugar ng bansa?

5. Bakit mahalaga para sa pamahalaan ang kaalaman tungkol sa distribusyon ng populasyon ng bansa?

6. Ano ang pagkakaugnay ng distribusyon ng populasyon sa kapal nito?

POPULASYONG RURAL AT URBAN

Mahigit sa kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay rural. May mga populasyong rural sa lahat ng mga rehiyon ng bansa maliban sa Metro Manila. Kabilang sa populasyong rural ang magsasaka, mangingisda, magtotroso at minero. Ito ang mga

8

Page 9: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VIgawaing pangkabuhayan na pana-panahon, hindi gaanong

malaki ang puhunan, hindi gaanong matatag ang bentahan at bilihan at kulang sa pamamahalang teknikal. May kinalaman dito ang uri at dami ng mga likas na pinagkukunang-yaman sa pamayanan.

Samantala, ang populasyong urban sa Pilipinas ay matatagpuan sa Metro Manila at iba pang mga pangunahing lungsod at bayan. Karaniwang malaki at may kakapalan ang populasyon sa mga pook na urban. halimbawa, bagaman pangalawa lamang sa may pinakamakapal na populasyon ang Metro Manila, ang kapal ng populasyon nito ay 15,617 sa bawat kilometro kwadrado. Kaya naman, nagiging suliranin dito ang pagsisikip, polusyon, paglaganap ng iba’t ibang sakit, kawalan ng hanapbuhay at pagtaas ng antas ng krimen.

Pag-aralan ang Talahanayan 1.4. Ano ang mapapansin sa agwat ng bilang ng populasyong rural at populasyong urban? Ano ang ipinahihiwatig nito?

Talahanayan 1.4POPULASYONG RURAL-URBAN NG PILIPINAS

1980, 1990, 2000

1980 1990 2000Pook Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan Bilang BahagdanRural 30,088,711 62.56 31,256,195 51.49 32,894,457 43Urban 18,008,749 37.44 29,441,719 48.51 43,604,278 57

Kabuuan 48,097,460 100 60,697,914 100 76,498,735 100

Pinagkunan: Asiaweek, June 2, 2000

Kasarian at Gulang

Sa 68,616,536 na populasyon ng mga sambahayan sa Pilipinas noong 1995, iniulat na mataas nang kaunti ang bilang ng mga lalaki sa mga babae. Ang proporsyon o bilang ng mga

9

Page 10: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VIlalaki sa bawat 100 babae ay 101.6. Inulat na 100.7 ang proporsyong ito noong 1980.

Sa mga rehiyon, tanging ang Pambansang Punong Rehiyon lamang ang may nakararaming babae, na iniulat na 95.5. Ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may pinakamalaking proporsyon ng mga lalaki sa bawat 100 babae, na iniulat na 105.2. Tulad ng karamihan sa mga umuunlad na bansa, ang piramide ng gulang at kasarian para sa Pilipinas ay nagpapakita ng isang malawak na balangkas. Nagpapahiwatig ito ng isang batang populasyon. Nagpapakita rin ito ng pagbaba ng populasyong lalaki at babae sa pagtanda ng mga ito.

Kapag hinati sa tatlong pangkat ng gulang, ang populasyon na wala pang 15 taong gulang ay binubuo ng 38.3 bahagdan. Ang pangkat na produktibo o 15 hanggang 64 na taon ay 58.2 bahagdan.

10

Page 11: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

Ang matatandang 65 taon pataas ay may 3.5 bahagdan lamang. Nangangahulugan ito na sa bawat 100 tao sa bansa, mga 38 ang may gulang na mula 0 hanggang 14 na taon; mga apat ang may gulang na 65 taon pataas; at 58 ang may gulang na 15-64.

Ang populasyong nasa gulang na 15 hanggang 64 na taon ang ipinalalaga na naghahanapbuhay. Ang populasyong kasama sa gulang na wala pang 15 taon at 65 taon pataas ang nabibilang sa hindi naghahanapbuhay.

Makikita sa gulang ng populasyon noong 1995 na sa bawat 100 tao, 58 ang naghahanapbuhay at 42 na hindi nagtatrabaho ang umaasa sa kanila. Tatlumpu’t walo sa kanila ang mga batang wala pang 15 taon at apat ang matatanda. Ang hindi tiyak dito ay kung ang lahay ba ng taong may gulang na 15 hanggang 64 na taon ay may hanapbuhay.

11

Page 12: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VIAno ang ipinahihiwatig ng bilang ng populasyong 0-14 na

taon mula 1980 hanggang1995? Ano naman ang kahulugan ng papalaking bahagdan ng populasyong may gulang na 65 taon pataas mula 1980 hanggang 1995?

Talahanayan 1.5POPULASYON NG PILIPINAS AYON SA GULANG

1980, 1990, 1995

1980 1990 1995GULAN

GBilang Bahagdan Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan

Kabuuan 48,098,460

100 60,697,994

100 68,613,706 100

0-14 20,221,547

42.0 24,004,586

39.5 26,295,462 38.3

15-64 26,240,572

54.6 34,629,959

57.1 39,903,629 58.2

65 pataas 1,636,341 3.4 2,063,449 3.4 2,414,615 3.5

Pinagkunan: 2001 Philippine Statistical Yearbook

2. Pagtalakay

Ipaulat sa bawat lider ng pangkat ang mga nakuhang impormasyon.Gabayan ang mga bata sa pagtatalakayan sa tulong ng mga organizers.

Pangkat ILaki at Bilis na Paglaki ng Populasyon

Taon PopulasyonDagdag

na Populasyon

12

Page 13: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI1960 27,087,6851970 36,684,486 9,596,8011980 48,098,460 11,413,9741990 60,703,206 12,604,7462000 76,504,077 15,800,8712007 88,574,614 12,070,537

Pangkat IIDistribusyon at Kapal ng Populasyon

sa Bawat Kilometro Kwadradong Lupa

LUZON VISAYAS MINDANAONCR 15,617 R-VI 310 R-IX 198CAR 11 R-VII 381 R-X 196R-I 329 R-VIII 168 R-XI 191R-II 100 R-XII 179R-III 445 ARMM 211R-IVA 574 CARAGA 111R-IVB 84R-V 265

Pinagkunan: Asia Week, June 2, 2000

Pangkat III

A. Populasyong Rural at Urban

13

Page 14: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

B. Kasarian at Gulang (2000)

14

Pinagkunan: Asia Week, June 2, 2000

43%57%

Populasyong Rural at Urban

Urban - 43,609,620Rural - 32,894,457

Page 15: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

Pangkat IV

Pandarayuhan

15

Page 16: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Ano ang pamahalaang barangay?

Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

Anu-ano ang katangian ng populasyon na makatutugon sa pag-unlad ng bansa?

2. Paglalapat

a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ipasagot ang napiling katanungan.

b. Ibahagi sa isa’t isa ang kanilang sagot.

2. Paglalapat

a. Makipangkat sa dalawang kamag-aaral at bumuo ng triad. Pag-usapan at talakayin ang inaakalang sagot sa tanong na nasa kahon. Isulat sa

16

Ang pamahalaang barangay ay pinamumunuan ng Datu, na karaniwang binubuo ng humugit-kumulang sa 30-100 pamilya. Ang namumuno ay may malawak na kapangyarihan at tungkuling ginagampanan sa kanyang nasasakupan.

Ang mga katangiang ito ay ang mga sumusunod:

laki ng populasyondistribusyon at kapal ng populasyonpopulasyong rural at urbankasarian at gulangpandarayuhanpopulasyong malusog, matalino at may wastong saloobin

Page 17: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

Pangkat 1 Saang barangay ka kabilang?

Pangkat 2 Kung ikaw ay isang datu, kapitan, anu-ano ang

iyong gagawin para sa ikabubuti ng iyong nasasakupan?

Pangkat 3 Bilang miyembro ng barangay, bakit kailangan nating

igalang ang mga namumuno? Sa paanong paraan?

papel ang nabuong kasagutan at basahin sa klase.

b. Paano ka makikipagtulungan sa pag-unlad ng bansa?

CORRECTIVE INSTRUCTION

IV. PAGTATAYA

Piliin ang titik na may wastong sagot na angkop sa bawat pangungusap.

1. Pinamumunuan ang pamahalaang barangay ng isang __________.

a. Konsehal d. gobernador b. Datu e. mayorc. Sultan

2. Ang tagahatid ng balita ukol sa mga batas na pinaiiral sa barangay ay ang ____________.

a. kartero d. lider b. Datu e. umalohokanc. tanod

IV. PAGTATAYA

Kilalanin kung anong uri ng katangian ng bansa ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang titik lamang.

________1.

Malawak ang pang-unawa at mabilis magtrabaho.

________2.

May mga lugar sa bansana malawak ngunit madalang ang mga taong naninirahan.

________3.

Ang Pilipinas ay binubuo ng 76,504,077 na populasyon ayon sa 2000 senso.

________4.

Maaaring lumiit ang populasyon ng nilisang lugar at lumaki naman sa lugar na pinuntahan.

________5 Tinatayang higit sa 16 milyon ang

17

Bakit mahalagang kilalanin at pag-aralan ang iba’t ibang katangian ng populasyon sa bansa?

Page 18: Aralin 1

HEKASI V HEKASI VI

3. Binubuo ang isang barangay ng humigit kumulang sa _________ pamilya.

a. 30-100 d. 30-90b. 30-50 e. 50-100c. 50-150

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tungkulin ng datu?

a. tagagawa ng batas

b. tagahatol sa nagkasala

c. pinuno ng isang barangay

d. sugo ng pamahalaan sa ibang bansa

5. _________ ang tawag sa isinagawang seremonyang sanduguan.

a. basi-basi e. pagpupulongb. kasi-kasi f. seremonyac. paglalaban

. madaragdag na populasyon ng bansa pagsapit ng 2010.

V. KASUNDUAN

Gumuhit ng larawan ng unang barangay. Idikit ito sa “bond paper”. Sumulat ng 3 pangungusap tungkol dito.

V. KASUNDUAN

Anu-ano ang mga salik na may kinalaman sa paglaki ng populasyon?

18

a. Paglaki ng populasyonb. Malusog at matalinong populasyonc. Pandarayuhand. Bilis ng paglaki ng populasyone. Bilang ng populasyonf. Distribusyon at kapal ng populasyon