ap documentary

Upload: gena-real

Post on 16-Jul-2015

2.712 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

ANG MUNDO SA GITNANG PANAHON MEDIEVAL AGE

PAG-USBONG AT PAGLAGANAP NG KRISTIYANISMO nawalan ng kapangyarihan ang mga hari/ emperador

PAPA ang naging makapangyarihan at naging kanlungan ng mga tao Bakit naging malakas ang simbahan?

Matatag na Organisasyong Simbahan

Pamumuno ng Simbahang Katoliko*CELIBACY pagtanggal ng abitong pari.

1. POPE LEO I (Leo the Great)

Humadlang sa mga Hun.

Unang ngapahayag ng Petrine Doctrine. 2. POPE GREGORY I (The Great) Pinayapa niya ang Lombard Unang gumamit ng titulong Servus Servorum Dei, Servant of the Servant Gods. 3. POPE GREGORY VII Nag-utos na hindi na payagan ng mga hari upang makapag-asawa.

Pagbawal ang SIMONY pagbebenta Ng pwesto sa simbahan.

Pinanindigan niya abg tungkulin ng mga Emperador na sumunod sa Papa

ang nag-excommunicate kay Henry IV ng Holy Roman Empire

4. POPE INNOCENT III Nagpatawag ng ikaapat na krusada

IMPERYONG BYZANTINE

330 C.E., inilipat ng Emperador Constantine ang kabisera ng Imperyang Roman sa Constantinople, sa dakong silangan ng imperyo kung saan ang wika ng nakararaming tao ay greek.

Bumagsak ang kanlurang Imperyong Roman noong 476 C.E., ang silangang Imperyong Roman ay nanatiling buhay. Subalit nang lumaon nahalinhan ang Silangang Imperyong Roman ng isa pang imperyong may ibang katangian.

Ang Imperyong Byzantine ay nakaugat sa kulturang Byzantine. Simula noong ikaanim na siglo, sinikap nito na muling itatag ang pagkakaisang pulitikal sa mga rehiyong Mediterranean.

Si Justinian at ang Silangang Imperyong Romano Mula 527-565 C.E., si Justinian ang namuno bilang emperador ng Silangang Imperyong Roman. Layunin niya na maging makapangyarihan muli ang Imperyong Roman sa buong Mediterranean. Tinalo ng kanyang hukbo ang mga Vandal sa Hilagang Africa, Ostrogoth sa hilagang Italy,at Visigoths sa Spain. Sa kahuli-hilihan, kinailangan niyang pabalikin ang kanyang mga hukbo sa silangan at tuluyang talikuran ang anumang tangka na muling buhayin ang Kanlurang Imperyong Roman.

Ang Corpus Juris Civilis

Isa sa mga kahanga-hangang nagawa ni Justinian. Ang Corpus Juris Civilis o tinatawag din itong Lupon ng Batas Sibil. Ito ay kalipunan ng lahat ng batas sa Rome sa loob ng isang milenyo. Ito ay tinipon ng mga hukom at abogado s autos ni Justinian. Ang corpus ay nahahati sa tatlong bahagi ang Codex,Digest at Institutes. CODEX bod ng lahat ng batas mula sa unang panahon at nakaayos ayon sa paksa. DIGEST boud ng mga opinion ng mga hukom at abogado tungkol sa batas. INSTITUTE ang mga prinsipyo kung saan nakabatay ang mga opinyon. Justinians Code lupon ng Batas Sibil. Dito nag-uugat ang law code ng maraming bansa sa Europe at Latin America.

Si Theodora

Maimpluwensyang asawa ni Justinian. Ang tagapagpayo ni Justinian sa mga bagay-bagay. Nagmula siya sa marangyamg uri. Anak siya ng isang nagtatrabaho sa circus. Bago siya naging isang emperatriz, siya ay dating aktres.

Hagia Sophia

Ipinatayo ni Justinian ang simbahan ng Hagia Sophia na ang ibog sabhin ayChurch of Holy Wisdom o Banal na Karunungan.

Ito ay ginawa ng mahigit 10,000 tao at natapos pagkalipas ng pitong taon.

Pinagsama sa Hagia Sophia ang lahat ng magaling sa klasikal at Kristiyanong sining Sa labas, makikita rio ang malalaki at matitibay mga pader at dambuhalang dome. Ang loob nito ay napupuno ng makukulay na mga larawan ni Hesukristo at mga santo.

Pagkakaiba ng Simbahang Roman at Simbahang Byzantine

Ang wikang ginagamit ng Rome sa mga pagdiriwang sa simbahan nito tulad ng misa, mga sakramento at iba pa ay, Latin samantalang Greek naman ang sa Imperyong Byzantine. Ang mga pari sa Rome ay walang balbas at hindi maaaring mag-asawa samantalang ang mga pari sa Imperyong Byzantine ay may balbas at kadalasan ay nag-aasawa. Ang Papa ng Rome ay hindi sakop ng kapangyarihang pulitikal ng estado smanatalang ang Patriach ng Constantinople ay hinihirang ng emperador at itinuturing na opisyal ng pamahalaan.

Iconoclastic Controversy

Noong panahon ng kanyang panunungkulan, ang emperador ng Byzantium na siLeo III ay nabahala sa dalawang bagay na nagaganap sa Simbahan. Ang una ay ang yaman ng mga monasteryo kung saan mahigpit na tinututlan ng mga may-aring monghe ang anumang paraan na baguhin ang sistema ng pag-aari ng lupa. Ang pangalawa ay ang patuloy na pagsamba sa icon o banal na estatwa o mga painting. 726, iniutos ni Emperador Leo III ang pagsira ng mga lahat ng mga icon sa mga simbahan at monesteryo. Bilang ganti, siya ay ginawang excommunicated o excommulgado ng Papa ng Rome. Ibig sabhin nito, tiniwalag siya sa simbahan o pananampalataya. Ang pagnanais ni Emperador Leo III na bawaasan ang kapangyarihan ng mga monghe at alisin ang mga estatwa sa mga simbahan ay lumikha ng isang mainit na sigalot sa pagitan ng Simbahan at ng estado na tinatawag na Iconoclastic Controversy. Natapos ang sigalot noong 841 nang tanggapin ni Emperador Michael III ang pagkatalo. Subalit nanatiling hati ang dalawang simbahan. Ang Paghihiwalay ng Simbahang Romano at Simbahang Byzantine

Naganap ang paghihiwalay ng Simbahang Roman at Simbahang Byzantine noong 1054. Nagpadala ang Papa ng Rome ng kanyang kinatawan saConstantinople upang pag-usapan ang pagkakaiba ng dalawang simbahan. Ginawang excommulgado ng Papa ng Rome ang Patriarch ng Constantinople. Gayundin ang ginawa ng Patriarch sa Papa sa Rome.

Pagkatapos ng paghihiwalay, tinawag ng Imperyong Byzantine ang simbahan nito bilang Simbahang Eastern Orthodox.

Itinuring ng dalawa ang kanilang sarili bilang tunay na tagapagmana ng tradisyong Kristiyano. Para sa Rome, siya ang sentro at tagapagdesisyon ng Kristiyanismo. Para sa Constantinople, maraming sentro ang kristiyanismo na pawang pantay-pantay ang katayuan. Tulad ng lumang Imperyong Roman, ang Simbahang Kristiyano ay nahati rin sa dalawang magkakaibang bahagi. Pamahalaang Byzantine

Ang emperador ang lubos na pinuno ng pamahalaan. Siya ay inihahalal ng Senado, ng mga tao, ng hukbo o lahat silang tatlo. Naging kaugalian ng payagan ang anak ng emperador na humalili at pagkatapos ay alisin siya kung mahina o walang kakayahan. Ang emperador ay itinuturing na banal at hinirang ng Diyos, Nakatira siya sa isang magarang palasyo at gumaganap sa maraming seremonya. Sa pamahalaang sibi, walang hihigit sa emperador sapagkat siya ang gumagawa ng batas at nagpapatupad nito. Nangingibabaw ang kanyang kapangyarihan sa Simbahan. Siya ang humihirang sa Patriarch ng Constantinople na tumatayong pinuno ng Smbahan. Siya ang tumatawag ng mga pagpulong ng Simbahan at inilalathala niya ang mga dekrito nito. Sa pangkahalatan, siya ng nangangasiwa ng lahat ng ginagawa ng mga pari.

Mga Kontribusyon ng Byzantium sa Kabihasnan

Napatanyag ang Byzantine hindi lamang sa pagiging sentro ng pag-aaral. Nagsama sa Byzantine ang kaalamang katuturan ng Simbahang Kristiyano. Subali ang tradisyong Greek ang nanaig at hindi ang kabihasnang Roman.

Mahalaga ang kontribusyon ng Imperyong Byzantine sa daigdig. Samantalang nababalot sa kaguluhan ang Europa at bumaba ang interes sa pag-aaral, namayagpag ang mga iskolar ng Byzantine.

Pagpapanatili ng Kaalaman Pinag-aralan ng Byzantine ang panitikan, pilosopiya, agham, matematika, batas at sining ng Greece at Rome. Nang lumaon, tumulong sila upang magbalik-sigla ang pag-aaral sa Kanlurang Europa.

Ang mg akda ng mga iskolar ng Byzantine ay nakatulong na magbigay inspirasyon sa mga iskolar na Muslim.

Arkitektura Makikita ang mga arkitekturang Byzantine sa Hagia Sophia. Parihaba ang istruktura ng simbahang ito subalit may bilog na dome ang loob.

Maganda ang pillar at pader nito na gawa sa marmol. Maranya rin ang ginintuang mosaic at ang iba pang dekorasyon sa loob ng simbahan.

Sining

Ang kabihasnang Byzantine ay kilala sa pagiging orihinal sa sining. Pagkatapos ng Iconoclastic Controversy, itinatag ang isang paaralan sa

sining kung saan binigyang-diin ang paglalarawan kay Kristo at ang mga santo gamit ang matingkad na kulay at magarbong pamamaraan.

Ang mga Byzantine mosaic ay gumagamit ng matitingkad at magagandang kulay. Ang mosaic ay ang pagdidikit ng malilit na pirapirasong bato o bubog upang bumuo ng disenyo. Ang mga kurbada ng mga arch at dome ng mga gusaling Byzantine ay lalo pang nagpapatingkad sa rangya at ganda ng mga mosaic. Bantog din sa sining ng enameling o paglagay ng isang glass-like substance sa ibabaw o labas ng isang metal o luwad. Ang mamahaling telang gawa sa Imperyong Byzantine tulad ng seda, linen, bulak at lana, ay kilala at hinahanap ng maraming mamimili.

ANG SIMBAHANG KATOLIKO NOONG GITNANG PANAHON

Monastisismo Pagtalikod sa Daigdig upang makamit ang mas mataas na antas ng Kristiyanismo Binubuo ito ng mga monghe Mga Sikat na Monasteryo

a. Monte Cassino sa Italy

b. Iona sa Ireland

c. Cluny sa Burgundy St. Benedict

ST. BENEDICT nagtatag ng Benedictine Order

Isinasaad sa Benedictine Order ang tatlong palatuntunan, ito ay ang mga: a. Kahirapan b. Kalinisan c. Pagkamasunurin Ayon kay St. Benidict: ANG KATAMARAN AY KAAWAY NG KALULUWA Mga Dakilang Guro

St. Thomas Aquinas

St. Albertus Magnus

Fr. Roger Bacon

ANG HOLY ROMAN EMPIRE AT SI CHARLEMAGNE

Pagsikat ni CHARLEMAGNE or Charles the great

Mula sa mga Franks

Magkaisa ang simbahan at estado kinoronahan siya ni Pope Leo III bilang "Holy Roman Emperor"

pinalawak ang Kristiyanismo

46 years naghari Kasunduan sa Verdun

- paghahati hati ng kaharian ni Charlemagne

Charles the Bald = France Louis the German = Germany Lothair = Italy

PIYUDALISMO SA EUROPA MGA KRUSADAPagtatanggol sa Banal na Lupain JERUSALEM

Holy Land

binihag ng mga Seljuk Turks

Panawagan sa Krusada Emperador Alexius I

Papa Urban II (Council of Clermont)

Krusada Unang Krusada

Pangalawang Krusada

Pangatlong KrusadaPang-apat Krusada

Kinalabasan - pinakamatagumpay na krusada - nabawi ang Jerusalem noong 1099 - ang mga crusader ay nanatili saPalestine at Syria - pinagunahan ni Haring Louie VII ngFrance at Emp. Conrad III ng Holy Roman Empire - bigo ANG LAHAT

Panglimang Krusada Pang-anim na Krusada Pangpitong Krusada Pangwalong Krusada Pangsiyam na Krusada Pangsampung Krusada Panglabing-isang Krusada

NG KRUSADANG ITO AY NABIGO

PAG-UNLAD NG MGA BAYAN AT LUNGSODMga Salik na Nagbunsod sa Pag-unlad ng Kalakalan at Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod Paggamit ng salapi at barya (money economy, hal. Florin ng Florence at Ducat ng Venice) Pagbabanggko Pagpapautang Pamumuhunan Espesyalisasyon

Pagtatayo ng mga fair o tagpuan ng mga mangangalakal mula sa ibat ibang bahagi ng Europe Mga Bagong Bayan at Lungsod

Italya Genoa Milan Florence Pisa Mga Lungsod na Sentro ng Relihyon 1. Canterbury sa England2. Santiago de Compostela ng Spain

Mga Lungsod na Sentro ng Pamantasan o University Oxford sa England Paris sa France Salamanca sa Spain Bologna at Palermo sa Italya Louvain sa Belgium Lisbon sa Portugal

PAG-UNLAD NG KALAKALAN (Espesyalisasyon at Guilds) Mga Tanyag na Lungsod sa Larangan ng Espesyalisasyon ng mga Produkto

Venice sa Italy basong kristal

Jeres sa Spain Cherry

Dresden sa Germany porselana Antwerp sa Belgium pagbuburda Toledo sa Spain Bakal Oporto sa Portugal - Alak Pagkakaroon ng Guilds

Guild - samahan ng mga artisano, manggagawa at magangangalakal Hanseatic Guild - pinakamalaking guild noon sa Hilagang Europa, binubuo ng 70 na lungsod

Apprentice (baguhan, nag-aaral)

Journeyman (tumatanggap ng bayad)

Mastercraftsman (gumagawa ng masterpiece para maging mastercraftsman)

PAGKAKATATAG NG MGA NATION-STATES

KRISIS SA SIMBAHAN/ HIDWAAN NG HARI AT PAPA

REPORMASYON AT KONTA-REPORMASYON

PAGTATAPOS NG PANAHONG MIDYIBAL

Bubonic Plague/ Black Death kumitil sa 1/3 ng populasyon ng Europe pumatay ng 20 katao dulot ng bacteria na tinatawag na Yersinia pestis malaki pinsala ang naging dulot nito sa Europa, halos nabago ang antas ng lipunan sa dami ng biktima malaki rin ang pinsala nito sa Simbahang Katoliko, at nagbunsod sa pagpapapatay sa mga nakabababa sa lipunan, gaya ng mga Hudyo, banyaga, pulubi at ketongin

Kasaysayan[baguhin]Sinaunang

Tao at ang Sinaunang Gresya

Ang unang katibayan ng pagkakaroon ng mga mga homo sapiens (taong pangkasalukuyan) sa Europa ay matutunton magmula 35,000 BK. Maipepetsa ang sinaunang panahon sa Europa mula sa Iliad ni Homer sa Sinaunang Gresya noong bandang 700 BK. [baguhin]Mga

Romano

Ang Republikang Romano ay itinatag noong 509 BK, na naging Imperyo Romano sa pamumuno ni Octaviano dahil sa kapangyarihan taglay ng lungsod ng Roma. Naging relihiyon ng imperyo ang Kristiyanismo noong ika-4 na daantaon, at naisaayos noong ika-6 na daantaon, sa loob ng imperyo, dahil kay Emperador Justiniano II (527565) na may limang pinakamahahalagang mga lungsod: Roma, Konstantinople, Antioch, Herusalem, at Alexandria. Ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano ay ang hudyat ng pagbagsak ng kultura at sining ng Kanlurang Europa. Nanatili ang kabihasnang Romano sa Silangan, sa Silangang Imperyong Romano. [baguhin]Piyudalismo/Gitnang

Panahon

Ang paghihiwalay o paghahati sa loob ng kapangyarihan ng simbahan noong ay naidagdag sa mas maagang paghihiwalay na nagpatuloy magmula 451 (Konseho ng Chalcedon) at nasundan ng mga Krusada mula sa Kanluran upang mailigtas ang silangan mula sa paglusob ng mga Muslim. Nagsimulang gumuho ang lipunang piyudal, habang ang mga mananakop na Monggol (Imperyong Monggol) ay nagdadala ng Kamatayang Itim.[1] Bumagsak ang Konstantinople noong 1453,[2], ngunit natuklasan naman ang bagong mundo noong 1492. [baguhin]Renasimyento Nagising ang Europa mula sa panahong midyibal sa pamamagitan ng pagkakatuklas ng pagkatutong klasikal. Ang Renasimyento ay nasundan ng Repormasyong Protestante, habang inatake ni Alemang pari na si Martin Luther ang kapangyarihan ng Santo Papa. Ang Tatlumpung Taong Digmaan[3], ang Kasunduan ng Westphalia (Kapayapaan ng Westphalia), at angHimagsikang Maluwalhati ay naglatag ng batayan para sa isang bagong panahon ng pagpapalawak at pagkamulat. [baguhin]Republusyong

Industriyal

Ang Republusyong Industriyal, na nagsimula sa Dakilang Britanya, ang nagpahintulot sa mga tao sa unang pagkakataon na humiwalay mula sa pamumuhay na umaasa sa pagsasaka lamang.[4] Nahati ang maagang Imperyong Britaniko dahil sa panghihimagsik ng mga kolonya nito sa Amerika upang maglunsad ng pamahalaang may kumakatawan. Napasigla ngHimagsikang Pranses ang pagkakaroon ng pagbabagong pampulitika sa Europang kontinental, nang humiling ang mga tao ng kalayaan, pagkakapantaypantay, at kapatiran (libert, egalit, fraternit sa wikang Pranses). Nasakop at nireporma ng pinunong Pranses na si Napoleon Bonaparte ang kayariang panlipunan ng kontinente sa pamamagitan ng digmaan magpahanggang 1815. Habang parami nang parami ang pagkakaroon ng kakayahang bumoto ng mga maliliit na mga may-ari ng mga ari-arian sa Pransya at sa Nagkakaisang Kaharian, umunlad ang mga gawaing sosyalista at unyong pangkalakalan at nagkaroon ng mga rebolusyon sa Europa noong 1848. Ang huling mga labi ng pang-aalipin at pagkaalipin ay nabuwag sa Austriya at Unggarya noong 1848. Nabuwag ang pang-aalipin sa Rusya noong 1861.[5] Nagsimulang muling magkaroon ng kalayaan at kasarinlan ang mga bansang Balkano mula saImperyong Otomano. Pagkaraan ng Digmaang Pranko-Pruso, nabuo ang Italya at Alemaya mula sa mga pangkat ng mga prinsipalidad noong 1870 at 1871. Nagkaroon ng mga sigalutan sa paligid ng mundo, bilang pagtugis sa mga imperyo, hanggang sa ang paghahanap ng isang pook sa araw ay nagwakas sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa kawalan ng pag-asa sa digmaan, nangako sa mga tao ang Himagsikang Ruso ng 1917 ng "kapayapaan, tinapay, at lupain". Ang pagkatalo ng Alemanya ay dumating kapalit ng pagguho ng kabuhayan (ekonomiya), na naisakodigo sa Kasunduan ng Versailles, na napagmasdan sa Masidhing Kapanglawan, at ang pagbabalik papunta sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng digmaang ito, lumaganap ang Komunismo sa Gitna at Silangang Europa, Yugoslabya, Bulgarya, Rumanya, Albanya, Hilagang Biyetnam, at Hilagang Korea. Humantong ito sa Digmaang Malamig, na isang apatnapung-taong pagtatalo sa pagitan ng Estados Unidos, Unyong Sobyet, at ng kanilang mga kapanalig (pangunahing mga bansang kasapi saNATO o sa Pakto ng Warsaw). Bawat bansa ay nais magbunsod ng kani-kanilang uri ng pamahalaan. Gustong ipakalat ng Unyong Sobyet ang komunismo, habang nais ipalaganap ng Estados Unidos ang demokrasya. Natakot ang mga tao sa buong mundo sa pagkakaroon ng digmaang nukleyar dahil sa hidwaang ito.

Naging hindi na gaanong kaakit-akit ang komunismo nang maging maliwanag na hindi ito gaanong epektibo sa pagpapasulong ng kaunlarang pangkabuhayan nang ihambing sa mga estadong Kanluranin at hindi ito nababagay para sa isang reporma o pagbabago[6] na magpapahintulot ng kalayaan sa pagsasalita para sa lahat ng mga tao. Kung gayon, pinuwersa ng Unyong Sobyet sa Unggarya ang pag-ayaw nito na magkaroon ng reporma noong 1956, kung saan mas ninais ang pagtatayo ng Pader ng Berlin noong 1961, at inihinto nito ang reporma sa Czechoslovakia noong 1968. Noong nilinaw ni Mikhail Gorbachev noong 1988 at 1989, na hindi niya pipilitin ang mga bansang nasa Silangang bloke na manatili sa komunismo[7]binuwag ang Pader ng Berlin noong 1989 at gumuho ang Unyong Sobyet noong 1991.[8] At nanatili ang Estados Unidos bilang ang nagiisang pinaka makapangyarihang bansa o isangsuperpower. Lumagda ang Europa ng isang bagong kasunduan ng pagkakaisa (ang Unyong Europeo), na nagsasama ng 27 mga bansang Europeo noong 2007.

AP - Ang Gitnang PanahonAng Gitnang Panahon (o Middle Ages) ay isang panahon ng paghina at paglakas ng Europa. Sa gitnang panahon nangyari ang mararaming mga importanteng bagay, tulad ng Renaissance, Repormasyon, atbp. Nahahati ang Gitnang Panahon sa dalawa: 1) Early Middle Ages - Dark Ages ~> paglusob ng mga Barbaro sa Europa ~> pag-usbong ng Simbahan (tignan ang previous lesson) ~> pagkaroon ng kaguluhan sa Europa, tulad ng pagbasak ng Ekonomiya, pagtigil ng pag-unlad ng mga bayan, pagsira ng mga aklatan at simbahan, pagwasak ng mga likhang sining, paghirap ng pamumuhay ng tao atbp. 2) Late Middle Ages - Feudal Age ~> imperyo ni Charlemagne ~> piyudalismo at pagkakabalyero ~> manoryalismo ~> mga krusada ~> buhay medyibal at sistemang guild ~> kulturang medyibal

Isang importanteng faktor ng Gitnang Panahon ay ang Monastisismo. Ito ang relihiyong kilusan na namumuhay sa pagtanggi at inilalayo ang sarili sa sanlibutan upang maligtas ang sarili. Sa Gitnang Panahon rin sumikat ang Simbahan: ~> ito ang pinakamayamang institusyon ng Gitnang Panahon ~> ito rin ang pinakaorganisadong institusyon ng Gitnang Panahon ~> mataas ang pagtingin ng tao dito kaya matapat sila nagbibigay ng tithes, o mga donasyon ~> malaki ang impluwensiya nito sa pulitika Dahil sa pagsikat ng Simbahan, lumakis rin ang kapangyarihan ng Santo Papa: ~> Roma parin ang pangunahing lungsod ng Kanluran ~> ang Santo Papa kasi ang tagapagmana ng awtoridad ni San Pedro ~> mahina ang pamahalaang pulitikal sa kanluran, kaya lumalakas ang impluwensiya ng Simbahan