filipino 5 - chatphils.com

Post on 16-Oct-2021

5 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

FILIPINO 5

FIL5WEEK33

Pangngalang

Palansak at

‘Di-palansak

Basahin ang mga sumusunod na

pangungusap.

Nag-uwi ng isang buwig ng saging para sa

atin si Nanay Kris.

Tiningnan ng mga hurado ang proyekto ng

bawat kalahok.

Basahin ang mga sumusunod na

pangungusap.

Ang konseho ng mga guro ay nagpulong sa

opisina.

Pumunta ang barkada ni Tyrelle sa Ilocos

Norte para bumili ng bagoong.

Ang mga salitang may isang

salungguhit ay tumutukoy sa indibidwal

o isahan, tulad ng saging, proyekto,

kalahok, at opisina.

Ang mga salitang may dalawang

salungguhit ay tumutukoy naman sa

pangkat o maramihan, tulad ng buwig,

hurado, konseho, barkada.

Palansak

Ito ay tumutukoy sa isang pangkat

o maraming bilang ng tao, bagay,

hayop, lugar, o pangyayari.

Mga Halimbawa:

Pinamunuan ni Goyong ang hukbo ng mga

kawal.

Napagkaisahan ng mag-anak na mamasyal

sa Tagaytay sa darating na Sabado.

‘Di-palansak

Ito ay tumutukoy sa bagay

na isinasaalang-alang nang

nag-iisa.

Mga Halimbawa:

Ang mangingisda ay maraming

nahuling isda.

Napakalaki ng payong niya.

top related