amor patrio

Upload: chiikoy-anonuevo

Post on 18-Oct-2015

143 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

ni Jose Rizal. Hand-out Sosc106 - Kursong Rizal

TRANSCRIPT

Slide 1

AMOR PATRIONi Jose Rizal

Inihanda ni Roland Lorenzo M. RubenAMOR PATRIOIto ang kauna-unahang sinulat ni Rizal sa EspanyaDitoy gumamit si Rizal ng sagisag na Laong-LaanIto ay lumabas sa Diariong Tagalog noong ika-22 ng Agosto 1882Si Basilio Teodoro ang kaibigan ni Rizal na kasama sa patnugutan ng Diariong TagalogAng pagsasalin sa Pilipino ay ginawa ni Marcelo H. del PilarIto ay naging kapansin-pansin sa mga mambabasa dahil sa damdaming maka-Pilipino nitoSinabi sa sanaysay na walang bayan ang mga Pilipino, kundi ang Pilipinas.

Naito ang magandang paksa...Ang pantas, makata, makasining, manggagawa, mangangalakal o mandirigma, matanda o bata, hari o alipin...Buhat sa Europang mulat... Hanggang sa Negro sa Aprika...Buhat sa matatandang bayan... Hanggang sa mga bansang makabago...Ang Inang BayanLibu-libong dila ang sa kanyay umawit...Siya ang naging sigaw ng kapayapaan, ng pag-ibig, ng kaluwalhatian...Katulad ng liwanag na nakukulong sa isang malinis na bubog, siyay tumatagos hanggang sa labas, na parang mga sinag na buhay na buhay.Tayo bay hindi maaring mag-ukol sa kanya ng anumang bagay?Nagbibigay ba ang dantaong ikalabinsiyam ng karapatang huwag kumilala ng utang na loob?Hindi!Katulad ng mga matatandang Ebreong nangag-alay sa templo ng mga kauna-unahang bunga ng kanilang pag-ibig...Ang pag-ibig sa Inang-Bayay isang damdaming tunay na katutubo...Sapagkat naroroon ang mga kauna-unahang alaala ng kamusmusan...Sapagkat dooy nahihimbing ang buong nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap...Sapagkat sa kanyang mga kagubatan at sa kanyang mga kaparangan... Nakikita ninyong nakaukit ang gunita ng isang nilikhang minamahal ninyo Sapagkat sa kanyang langit... Araw... Mga karagatan... Mga kagubatan ay nakakatagpo kayo ng tulain, ng paggiliw at ng pag-ibig...Hanggang sa libingan... Upang isauli sa sinapupunan ng lupa.Maging anuman ang kanyang ngalan, ang kanyang gulang o ang kanyang kapalaran...Siyay lagi na nating minamahal, gaya ng pagmamahal ng anak sa kanyang ina sa gitna ng gutom at ng karalitaan. At bagay na katakataka!Habang siyay lalong abat kulang-palad, lalong nagdurusa ng dahil sa kanya...Ay lalo naman siyang sinasamba at hanggang sa nagtatamo ng kaligayahan sa pagtitiis nang dahil sa kanya.Ito kayay dahil sa ang pag-ibig sa Inang Bayay siyang pinakawagas, pinakamagiting at pinakadakila?Ang pagkilala kaya ng utang na loob...Ang pagkalugod sa lahat ng nakapagpapagunita ng ating mga kauna-unahang araw...Ang lupa kayang kinahihimlayan ng ating mga nuno...Ang templong kinaroroonan ng sinasamba nating Diyos...Ang tunog ng batingaw...Ang mga malalawak na kaparangan...Ang lawang bughaw...Ang malinis na saluysoy na humahalik sa masayang dampang natatago sa pagitan ng mga bulaklak na parang pugad ng pag-ibig...Ang ganitong matamis na damdamin?Ang sigwa kaya...Ang lintik...Ang agos o talon ng tubig...Ang lahat kayang ito ang sa atiy nakaaakit, nakararahuyot nakahahalina?Marahil, ang mga kariktang ito o ang mga sariwang gunita ang siyang nagpapatibay sa taling bumibigkis sa atin sa lupang sinilangan at nagbubunga ng matamis na katiwasayan kapag tayoy nasa-ating bayanTayo ngay ipinanganganak, lumalaki, tumatanda at namamatay na nagsisimpan ng banal na damdaming ito.Ito kaipalay siyang lalong nananatili, kung mayroon mang kapanatilihan sa puso ng tao, at tila hindi siya humihiwalay sa atin kahit na sa libingan...Si NapoleonSi OvidioAng pag-ibig sa inang-bayan ay hindi napaparam kailanman kapag nakapasok na sa puso...Palibhasay nagtataglay sa kanyang sarili ng tatak na maka-Diyos na ilinapagiging walang kamatayat walang hanggan.Sinasabing ang pag-ibig kailanman ay siyang pinakamakapangyarihang tagapagbunsod ng mga gawang lalong magiting;Sa lahat ng mga pag-ibig, ang pag-ibig sa Inang Bayan ay siyang nakalikha ng mg agawang lalong dakila, lalong magiting at lalong walang halong pag-iimbot.Bumasa kayo sa mga ulat ng mga pangyayari taun-taon, ng mga alamat...Anong pagpapakasakit, pagbabata at mga luha ang ibinubuhos sa kabanal-banalang dambana ng inang-bayan!Buhat kay Bruto... Hanggang kay GuzmanAnong mga dula, mga sakuna, mga pagpapakasakit ang hindi naisagawa...Sa pamamagitan ng mga bahagi ng kanilang pusoy nagtatayo sila ng mga maluwalhating bantayog sa inang-bayan...Masdan niyo ang isang taong nagkukulong sa kanyang silidMasdan niyo ang isang taong dinarang ng araw ang nagbubungkal ng lupaAng inang-bayay nasa panganib!Sumusulpot sa lupa na parang malikmata, ang mga mandirigmat mga panauhin.Silay nagsiyao at lahat ay namatay.Marahil, siyay ama, isang binata, isang anak o mangingibig...Ipinagtanggol niya ang sa kanyay nagbigay ng buhay... Natupad niya ang kanyang tungkulin.Si Codro man o si Leonidas, kahit sino siya, ang Inang-Bayay matututong umalaala sa kanya.

Ipinara ng ilan ang kanilang kabataan... Ang kanilang kaligayahan...Ang ibay naghandog ng kaningningan ng kanilang kadlubhasaan...Ang mga itoy nagbubo ng kanilang dugo...Ang lahat ay namatay at nagpamana sa kanilang inang-bayan ng isang malaking kayamanan, ng kalayaan at ng kaluwalhatian.At siya, ano ang nagawa niya para sa kanila?Silay tinatangisan niya at buong pagmamalaking iniharap sa daigdig... Sa mga ipanganganak pa... At magiging anak ng mga ito upang maging halimbawa.Maganda at dakila ang inang-bayan, kapag ang anak niya, sa sigaw ng pakikipaglaban, ay gumayak sa pagtatanggol sa matandang lupa ng kanilang mga ninuno...Datapuwat kapag ang kanyang mga anak ay nagpapatayan...Niluluray niya sa kahihiyan ang kanyang balabal, at matapos itapon ang setro, ay nagluluksa dahil sa mga anak niyang namatay.Maging anuman ang kalagayan natin, ay nararapat nating mahalin siya at walang ibang bagay na dapat naisin tayo kundi ang kagalingan niya.

Kayong nawalan ng mithiin ng inyong kaluluwa...Kayong sa pagkakasugat ng inyong pusoy nakita ninyong naglahong isa-isa ang inyong mga pangarap...Nariyan ang inang-bayan mahalin ninyo siya.Kayong nawalan ng isang ama, ng isang ina, ng isang kapatid, ng isang asawa, ng isang anak, ng isang kasintahan...Nariyan ang inang-bayan mahalin ninyo siyang gaya ng nararapat.Mahalin ninyo siya ngunit hindi gaya ng pagmamahal sa kanya ng nakaraang panahon...Sa paggawa ng malulupit na kabanalang itinakwil at sinumpa ng tunay na kabaitang-asal at ng inang kalikasan...Hindi sa pagpaparangalan ng pananampalatayang bulag, ng pagwawasak at ng pagkamalupit!Lalong kaaya-ayang bukang-liwayway ng Kristiyanismo, sagisag ng mga araw na maligaya at matahimik...Kautangan nating manunton sa matigas ngunit payapat mabungang landas ng agham na humahantong sa pag-unlad.at buhat doo'y sa pagkakaisang nilunggati't hiningi ni Hesukristo sa gabi ng kanyang pagpapakasakit.

Barcelona, Hunyo 1882