z p filipino...mula sa kulungan, umuwi si tere sa bahay nila ni mang greggy. unti-unting naituwid ni...

17
Republic of the Philippines Department of Education FILIPINO Ikatatlong Markahan- Modyul 5: Pantaserye ng Pilipinas Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Pangalan: _____________________________________ Baitang/Seksyon:_______________________________ Paaralan: _____________________________________

Upload: others

Post on 05-May-2021

7 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

FILIPINO Ikatatlong Markahan- Modyul 5:

Pantaserye ng Pilipinas

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Pangalan: _____________________________________

Baitang/Seksyon:_______________________________

Paaralan: _____________________________________

Page 2: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gerlyn S. Banlos

Editor: Lindo O. Adasa Jr.

Tagasuri: Chona R. Baradilo

July G. Saguin

Maricel B. Jarapan

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Edgardo Jamilar Jr.

Tagalapat: Peter Alavanza, Gerlyn S. Banlos

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, SDS, CESO VI

Oliver B. Talaoc, Ed. D.

Ella Grace M.Tagupa, Ed. D.

Lindo O. Adasa Jr.

Jephone P. Yorong, Ed. D.

Page 3: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Alamin

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

nauugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang(tao vs tao, tao vs

sarili) sa napanood na programang pantelebisyon. (F9PD-IIId-e-51)

naisusulat muli ang maikling kuwento na may pagbabago sa ilang

pangyayari o mga katangian. (F9PU-IIId-e-54)

Balikan

Panuto: Pag-aralan ang salitang etimolohiya na nakadiin sa loob ng

pangungusap. Bilugan kung ang isinasaad na kahulugan ng

salita ay kasalungat, ikahon kung kasingkahulugan.

1.) Pinalayas ng mayabang na Prinsesa ang kanyang kapatid.

a. mapagpamuri sa sarili c. mapagtimpi b. mapanlinlang d. mapagmatuwid 2.) Sa tatlong anak ng Haring Fernando, si Juan lang ang may busilak na

kalooban. a. kumikinang c. bulaklaking kalooban

b. masamang ugali d. lumuluksong kalooban 3.) Ang Panginoon ang siyang tanging nagkaloob lahat ng mga biyaya sa

atin. a. nagbigay b. nag-iwan c. nagnakaw d. nagsabog

Tuklasin

Basahing maigi ang mga sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin

ang mga katanungan sa ibaba.

Aralin 5 Pantaserye ng Pilipinas

Page 4: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

A

Nilabanan ni Kate ang pagturok ng ipinagbabawal na gamot sa kanya

sa pamamagitan ng indyeksiyon. Nagmamakaawa siya subalit parang

walang narinig ang mga barkada niya. Nagdilim ang kanyang paningin,

sinipa niya ang may hawak ng panturok. Buong lakas na bumangon,

binugobg niya ang dalawa pang nakakapit sa kanya saka kumaripas ng

takbo.

B

Napansin ni Kate na unti-unti nang nagbago ang takbo ng buhay

niya nang dahil sa droga o ipinagbabawal na gamot. Wala na siyang

panahon sa kanyang pamilya, hinahanap niya ang mga panahong

magkasama sila sa simbahan at sa mga pasyalan. Napagtanto ni Kate na

mali ang paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot, hindi pa huli ang lahat

itigil ko na ito at ituwid ang pagkakamali.

1. Alin sa dalawang sitwasyon ang nagpapakita ng tunggaliang (tao vs tao)?

Ipaliwanag.(2 Puntos)

___________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng tunggaliang (tao vs sarili)?

Ipaliwanag. (2 Puntos)

___________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

3. Paano nagkakaiba ang tunggaliang nabanggit? (2 Puntos

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________.

Page 5: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Sa araling ito, maiuugnay natin ang tunggaliang (tao vs tao, tao vs

sarili) sa napanood na programang pantelebisyon na pinamagatang

Starla.

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Pantaseryeng Starla.

STARLA

Sa Baryo Maulap nakatira ang Pamilya nina Teresa o mas kilala sa tawag na Tere. Mahirap ang kanilang pamilya, pagsasaka lang ang

pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay. Nang mamatay ang kanyang ina, saka lang napadpad si Tere sa Maynila. Inampon siya ng mayamang

pamilya, doon siya lumaki, nakapag-aral, at nagkaroon ng trabaho. Isang araw, nagkaroon ng problema ang mga magsasaka sa

Baryo Maulap sa pagdating ng mga peste sa kanilang sakahan. “Mang Greggy, anong gagawin natin?” anang ni Mang Kulas. “Sa salot na ito, lahat tayo’y walang kawala! Mauuwi lang sa wala

ang pinaghirapan at pinuhunan natin dito” dagdag pa ni Mang Kulas.

Naririnig nina Buboy at Starla ang usapang iyon ni Mang Greggy at mga kasamahang magsasaka.

“ Starla, ano ang pwede nating maitulong kina Mang Greggy?” tanong ni Buboy. “Hindi ko rin alam sa ngayon Buboy.” saad ni Starla

Habang nag-iisip ng solusyon sina Buboy at Starla, nagpadala ng tao si Tere sa Baryo Maulap para alukin ang mga magsasaka na ibenta

ang kanilang lupain kapalit ng malaking halaga. “Mga tao, gusto ninyo bang makabangon? Ako ang solusyon!”

pagmamayabang ni Dexter sabay sulyap sa may nag-uumpukan. “Simple lang, ibenta ninyo sa akin ang inyong mga lupain kapalit ang malaking halaga” muling pangungumbinse niya.

Nagkatinginan ang mga taong naroron, mayroong parang natukso subalit naguguluhan, mayroon ding hindi natitinag sa malakimng halagang

inalok ni Dexter. Nakarating sa pandinig ni Mang Greggy ang mga pangyayari at ito’y galit na galit.

Page 6: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Sa kabilang panig, walang humpay sina Buboy at Starla sa kahaha-

nap ng solusyon. Iminungkahi nitong subukang magwish. Ginawa iyon ni Starla, nagulat ang dalawa sa kinalalabasan ng kanilang ginawa.

“Starla, tingnan mo, unti-unti ng nawawala ang mga peste at bumalik na sa dati ang mga pananim sa sakahan.” tuwang saad ni

Buboy. “Oo nga! “ pagsang-ayon ni Starla.

Kinabukasan bumalik si Dexter sa Baryo Maulap, nagulat siya nang makita ang sakahan na malagong-malago ang mga pananim at wala na ang mga peste. Hindi ganito ang nakita niya noong nakaraang

araw. Umiling si Dexter, hindi siya makapaniwala sa nakita. Tumawag agad siya kay Tere, ibinalita ang nasaksihang pangyayari. Nagngingitngit

sa galit ang dalagang atorney sa balitang natanggap. Makaraan ang ilang araw, napag-isipan ni Tere na siya mismo

ang haharap sa mga mamamayan ng Baryo Maulap. Naglibot siya sa buong baryo, nahabag man siya sa mga tao subalit nanaig pa rin ang pusong mapaghiganti. Hinimok pa rin niya ang mga tao na ibenta ang

kanilang lupain para hindi na maghirap.Sa paglilibot niya, nagkatagpo ang landas nila ng dating kasintahang si Philip. Ang mga nakakikilala sa

kanya ay binabati siya subalit parang wala itong narinig. Patuloy lang siya sa pag-iikot-ikot hanggang makarating siya sa kanilang bahay,

nanumbalik lahat ang sakit at pait nang maalala ang kanyang ina. Nakita siya ni Mang Greggy. “Anak, Teresa!” pabulong na tawag ni Mang Greggy.

Hindi niya pinansin ang ama, nalason na ang kanyang isipan sa pangsulsol ni Robert sa kanya. Nabulag siya sa nararapat sana niyang

gawin dahil sa pinangakong yaman na ipagkaloob ng lalaki sa kanya kung ito’y magtagumpay.Sa pagsusumikap ni Tere na makuha ang

Baryo Maulap ay hindi siya tumigil, bagkus nagtayo pa ito ng mga proyekto na tutulong kunyari sa mga mamamayan ng Baryo Maulap. Sobrang nabahala na si Mang Greggy sa ginagawang ito ng anak.

“Anak, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Mang Greggy “Bakit, may dapat pa ba tayong pag-uusapan ha, Mang Greggy?”

“Anak, ama mo ako! mali ang paghimok mo sa ating mga ka-baryo na ibenta ang kanilang mga lupain, alam mong ito lang mayroon

sila!” “Anong magagawa mo kung gusto nila itong ibenta? Tanggapin mo nalang na hindi mo sila mapapakain niyang prinsipyo mo! Pera ang

kailangan nila. Pera! sabay talikod ni Tere. Masaya si Tere sa kaganapang unti-unti na niyang makamit ang

hinahangad. Sa pag-uwi niya ng Maynila, nadatnan niyang wala ng malay si Robert. Pinaslang siya ni Dexter kasama ang kanyang mga

tauhan. Kinanlong ni Tere si Robert habang sumisigaw ng tulong. Dumating si Dexter, pinagbintangan siyang pinatay nito ang ama. Kinasuhan siya at pinakulong.

Page 7: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Pagyamanin

Panuto: Mula sa pantaseryeng Starla, suriin ang mga sitwasyong

nagpapakita ng tunggaliang (tao vs tao, tao vs sarili). Piliin at bilugan ang

titik ng bawat sitwasyon sa loob ng kahon na aangkop sa tungggaliang

isinasaad at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Dumalaw si Mang Greggy kay Tere sa kulungan, dito ipinagtapat niya sa anak na may pag-asang mapawalang- sala ito dahil may nakakakita kay Dexter sa pagpaslang sa sarili nitong ama. Nangako si Mang Greggy na hindi

pababayaan ang anak. Kumuha siya ng abogado at kinuha ang nakakita sa buong pangyayari para mapawalang-sala ang anak. Nakalabas ng kulungan

si Tere sa tulong ng kanyang ama. Aalis na sana si Mang Greggy. “Tay, maraming salamat sa pagtulong mo sa akin.”saad ni Tere.

“Anak, ginawa ko lang ang sa tingin ko’y tama. Hindi kita pwedeng pabayaan anak, mahal na mahal kita.” sabay yakap sa anak. Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy.

Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto niyang napakalaking mali ang

kanyang nagawa.

halaw mula sa

Pantaseryeng Starla ng ABS - CBN

Page 8: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

1. TUNGGALIANG (tao vs tao) ( 2 Puntos)

A. Nag-uusap sina Mang Greggy kasama ang iba pang mga magsasaka ukol

sa salot sa kanilang sakahan.

B. Pumunta agad si Dexter sa baryo Maulap.

C.Nababahala na talaga si Mang Greggy sa mga nangyayari sa kanilang baryo.

2. TUNGGALIANG (tao vs sarili) (2 Puntos)

A. Naghahanap ng solusyon sina Buboy at Starla upang makatulong kina

Mang Greggy. B. Nagtataka at naguguluhan si Tere sa sinabi ni Dexter sa kanyang mga

Nasasaksihan.

C. Habang nasa kulungan, napagtanto ni Tere na ginamiy lamang siya ni Robert kaya napagpasyahan niyang uuwi sa kanyang Ama kung maka-

kalabas siya mula sa kulungan.

1. Naniniwala ka bang may dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa atin? Ipaliwanag. (2 Puntos)

________________________________________________________________ _______________________________________________________________

_______________________________________________________________ _______________________________________________________________.

Page 9: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

2. Nakatutulong ba ang nasabing pangyayari sa pagbuo at pagpapatibay sa

iyo bilang isang tao o indibidwal? Pangatwiranan. (2 Puntos)

_________________________________________________________________

________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Paano nagkakaiba ang tunggaliang nabanggit? (2 puntos) ________________________________________________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ______________________________________________________________.

Gawain

Gawain A

Panuto: Basahing maigi ang sitwasyon sa ibaba, kupletuhin ang talahanayan sa batay sa hinihingi.

Page 10: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Tunggalian

Ama

Starla

tao vs tao

AMA

Lasinggo ang ama ni Mui Mui, pagkagaling sa trabaho’y lagi itong umuuwi na lasing. Minsan bunubugbog pa nito ang kanilang ina. Sakiting

bata si Mui Mui, kapag umuuwing lasing ang ama sinisikap ng mga nakakatandang kapatid na hindi ito makalilikha ng anumang ingay sa siyang ikagagalit ng kanilang Ama.

Isang gabi pagkagaling sa trabaho, lasing ito at hinanap ang kanilang ina.

“Nasaan ang iyong magaling na ina? tanong ng kanilang ama. Kahit isa sa kanila walang maglalakas -loob na sumasagot. Napadako

sa sala ang kanilang ama, pumasok agad sa munting silid ang magkapatid. Sa kanilang inaasahan, binubugbog na naman ang kanilang ina. Naaawa man ay wala silang magawa para ipagtanggol ang kanilang ina. Biglang

humalinghing si Mui Mui, narinig iyon ng kanilang ama, kaya’t ito ang napagbalingan niya. Binugbog niya si Mui Mui, tumilapon ito sa may

dingding. Nawalan ng buhay si Mui Mui dahil doon. Kinabukasan, hindi matanggap ng ina na wala na ang kanyang anak

na si Mui Mui nang dahil sa kanyang ama. Hindi man niya sinumbatan ang asawa’y bakas ang pagsisisi sa mukha nito. Nang mailibing na si Mui Mui, isang gabi sinundan nila ang ama

habang pumanaog ito ng bahay na may dalang supot. Hanggang sa mapadako ang hakbang nila sa may sementeryo, inalay ng ama ang dala

nitong pagkain kay Mui Mui, umiiyak na humihingi ito ng tawad sa anak.

halaw mula sa “AMA” Panitikang Asyano

Page 11: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

tao vs sarili

Gawain B

Panuto: Mula sa Pantaseryeng Starla, pumili ng pangyayari o mga

katangian ng tauhan na gusto mong baguhin. Isulat sa talahanayan.

Pangyayari Mula sa Pantaseryeng

Starla

Pagbabago

Page 12: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Isaisip

Sa modyul na ito, natutuhan kong ang tunggaliang

________________________, ay tumatalakay sa tunggaliang nangyayari sa

pagitan ng tauhan patungo sa ibang tauhan sa kuwento. Habang ang

tunggaliang ______________________ ay nagpapakita ng pagbabago o

transpormasyon sa katangian ng tauhan sa kuwento.

Page 13: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Tayahin

A

________1. Humingi ng tawad si Tere sa kanyang ama sa lahat ng masamang

gawi na ipinapakita dito.

________2. Matigas ang anyo, puno ng galit , pagkasuklam ang itinugon ni

Tere nang marinig ang pagtawag ng Ama.

________3. Pinagbintangan ni Dexter si Tere na pinatay nito ang kanyang

Ama, kinasuhan at pinakulong niya ito

________4. Unti –unting tinanggap ni Tere ang kasalanang nagawa sa mga

ka- baryo.

________5. Habang nasa kulungan, napag-isip-isip ni Tere na ginamit lang

siya ni Robert. Ngunit ganoon pa man buong puso niya itong

pinatawad.

B

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letrang M kung

ang pahayag o sitwasyon ay nagpapakita ng pagbabago at letrang W kung hindi nagpapakita ng pagbabago.

_____ 1. Dumalaw si Mang Greggy kay Tere sa kulungan.

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang KAMI kung ang

pahayag ay nagpapakita ng tunggaliang (tao vs tao), salitang AKO

naman kung ito’y nagpapkita ng tunggaliang (tao vs sarili). Isulat

ang sagot bago ang bilang.

Page 14: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

_____ 2. Habang tumatagal ay naging masama na ang ugali ni Dexter.

_____ 3. Nagmamatigas si Tere kay Mang Greggy noong una subalit isang

araw, napapansin niyang unti- unti ng naging malapit sa Ama.

_____ 4. Sa huli, humingi ng tawad si Tere sa kanyang mga kabaryo.

_____ 5. Natuwa si Tere ng mabili na niya ang ilang lupain ng mga kabaryo.

Karagdagang Gawain

Sumulat ng wakas ng nagustuhang pantaserye, pagkatapos ay

baguhin ito ayon sa iyong kagustuhang pagbabago ng pangyayari o

katangian ng tauhan.(15 Puntos)

Page 15: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

RUBRIK SA MULING PAGSULAT NG PANTASERYE

Pamantayan 5 3 1

Nilalaman

Makikita ang pagbabago sa

ilang pangyayari o mga

katangian .

Hindi masyadong Makita

ang pagbabago ng ilang

pangyayari o mga

katangian

Lumihis sa

ipinapagawa o sa dapat

ipapahayag na

mensahe ng gawain.

Malikhaing

Pagsulat

Napapalitaw ang

transpormasyon ng

katangian ng tauhan.

Hindi masyadong

naipakita ang

transpormasyon ng

katangian ng tauhan.

Hindi nakikitaan ng

transpormasyon ng

katangian ng tauhan.

Maayos at

Makatotohanan

Nakikita ang

makatotohanang

pagbabago sa katangian ng

tauhan.

Hindi masyadong lantad

ang pagkaayos sa

makatotohanang

pagbabago sa katangian

ng tauhan.

Hindi nakikitaan ng

makatotohanang

pagbabago sa

katangian ng tauhan.

Page 16: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon Unang Edisyon 2014 Muling Limbag 2016, 2017 Panitikang Asyano-

Ikasiyam na Baitang Modyul ng Mag-aaral sa Filipino ph.216-217 Internet- Pantaseryeng “Starla”

Isaisip

1. tao vs tao 2. tao vs sarili Pagyamanin 1. A

2. C

Balikan 1. A 2. B

3. A

Tuklasin

1. A

2. B

Tayahin A 1. AKO 2. KAMI

3. KAMI

4. AKO

5. AKO

Tayahin B

1. W

2. M 3. M

4. M 5. W

Page 17: Z P FILIPINO...Mula sa kulungan, umuwi si Tere sa bahay nila ni Mang Greggy. Unti-unting naituwid ni Tere ang pagkakasala sa kanyang mga ka-baryo, kay Philip at sa kanyang ama. Napagtanto

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.