vaedreport 120113194036-phpapp01

21
PAGGALANG(RESPECT) Values Education

Upload: x-tian-mike

Post on 14-Jan-2015

691 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Vaedreport 120113194036-phpapp01

PAGGALANG(RESPECT) Values Education

Page 2: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang(Respect)Isa akong maliit na bagay ngunit may

malaking kahulugan at tunay na makabuluhan. Tinutulungan ko ang lahat …. Hindi ako namimili. Binubuksan ko ang puso ninoman. Pinaglalaho ko ang “prejudices”

lumilikha ako ng pagkakaibigan at paghanga. Wala ako nilalabag na batas. Hindi ako nabibili

ng kahit na anong halaga. Marami ang pumupuri sa akin, wala sinoman ang

nagkokondena (condemn) ako ay kaaya – aya sa lahat ng tao sa kahit na saang lipunan. Ako

ay kapaki – pakinabang sa lahat ng pagkakataon. (WORLDMISSION’2010)

Page 3: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang(Respect)

Kung nakapagsasalita ang isang birtud, anong birtud kaya ang nagpaparating ng mensahenaito/ Anong birtud nga kaya ang nag tatagalayng ganitong katangian? Wala ng iba pa kundi ang PAGGALANG. Habang binabasa mo ang babasahin na ito ay mas magiging malinaw para sa iyo ang tunay na kahulugan at kabuluhan ng birtud na ito.

Ang pagsunod, katulad nang pagkaunawa mo sa unang bahagi ng babasahin na ito, ay isang ginituang birtud. Ngunit ito ay tunay lamang na magiging makabuluhan kung ito ay may kalakip na paggalang. Halibawa, ang isang anak ay may tungkulin na sundin ang kanyang mga magulang dahil sa kanilang awtoridad ngunit ito ay maaring hiuminto sa pagkakataon na mawala na ito sa ilalaim ng kanilang pangangalaga. Nangyayari itolalo na kapag narating na niya ang husto edad. Ngunit ang paggalang ay kailangan ibigay ng isang anak sa kanyang magulang sa tanan ng kanyang buhay, hindi kailanmangmaaaring lumamlamo kaya naman ay tuluyang mawala.

Page 4: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang(Respect)

Ang salitang paggalang na sa salitang ingles ay respect ay nagmula sa salitang latin na “respicere”na literal na nangangahulugang paglingon o pagtinging muli. Ipinauunawa na naipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pag bibigay ng seryosa at maingat na pansin sa isang bagay. Hindi sapat ang isang sulyap lamang. Kailangan paulit – ulit na lingunin upang ganap na maipakita ang ganap na pagpapahalaga dito.

Ang paggalang ay kilos na sinadya o ginawa na may pag kukusa. Maisasaloob kung ginagawa lamang bunga ng pamimilit o ng panlabas na impluwensya. Kailangan magsimula ito sa kaloob ng tao. Ibinibigay lamang ito sa isang bagay na sa iyong palagay o pananaw ay karapat-dapat na makatanggap nito .

Page 5: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang(Respect)

Sa Yugto ng pagbibinata/ pag dadalagamas nagiging malaim ang pagkakaunawa ng isang kanataansa kahulugan at kabuluhan ng paggalang. Ito ay dahil unti-unti nang nagiging malinaw sa kanila ang kanilang pagkakakilanlan. Nagssisimula na sila sa pag unawa sa kahalagahan ng paggalang sa kanyang kapwa at sa kanyang sarili. Makikita na rin sa kanila ang pag hahangad na makatanngap ng paggalang sa kanyang ng paggalang mula sa kanilang kalayaan mula sa kanilang mga magulang , humuhingi na sila ng paggalang s pag trato ng kanyang mga nakakabatang kapatid. Ngunit kung minsan ay nakaliligtaan ng isang kabataan na ang paggalang ay hindi patungo lamag sa iisang direksyon. Hindi ito hinihingi lamang kundi kailangan ibinibigay; hindi ito kusang ibibigay ng ibang tao, bagkus ay pinagtatrabahuhan, inaani.

Page 6: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang(Respect)

Ang pagbibigau sa isang tao ng paggalang ay katumbas ng pagpapahalagasa kanila bilang tao: sa kanilang kaisipan at damdamin. Ito ay patunay na iyong kinikilala ang kanilang indibidwalidad. Ito ay pagtanngap sa kanila at sa kanilang kahinaan at kalakasn. Ito ay tanda na iyong iginagalang ang kanyang karapatang ituring at i- appreciate siya bilang siya, sa isang indibidwal na anak ng Diyos. Ito ay pagkilala sa pagkakapantay- pantay ng lahat ng tao sa mata ng Diyos.

Page 7: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang(Respect)

Ngunit pinag –usapn ang paggalang sa kapwa, mahalaga ring makilala mo ang kaibahan ng:

Paggalang nakailangan nating ibigay sa isang tao dahil sa kanyang partikular na katayuan o kalagayan. Ito ay nagtuturo sa atin patungo sa mga tiyak na intensyon batay sa mga elemento na nakikita natin sa lahat ng partikular na pakiki[ag ugnayan.

Ngunit sino ba sa mga tao sa iyong kapwa ang mas marapat sa iyong paggalang ? Oo nga at may tungkulin kang ibigay ang iyong paggalng sa lahat ng tao ngunit maym ga mahahalagang taona mas marapatsa malaim at taos-puso mong paggalang.

Page 8: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Magulang

wala ka sa mundong ito kung hindi dahil sa kanila . Sila na nagbigay sa iyo ng edukasyon na iyong kailangan sa iyong paglago. Sila na binigyan ng awtoridad ayon sa kagustuhan ng Diyos. Nariyan sila sa iyong buhay hindi lamang upang sundin kundi upang makatanngap ng iyong pagmamahal at paggalang …..sila ang iyong mga MAGULANG.

Ano nga ba ang katayuna ng isang magulang sa isang tahanan? Paano nga ba sila ituring ng kanilang mga anak? Napapanatili pa ba nila ang kanilang awtoridad? Na kakita ka na ba ng isang anak na sumasagot nang pabalang sa kanyang sariling mga magulang /Nakakita ka na ba ng isang anak na mas masaya na hindi sumunod sa tagubilin ng kanilang mga magulang? Nakakita ka na ba ng isang anak na hinahamon ang pasensya ng magyulang? Nakalulungkot tanggapin na sa kasalukuyang ay nang yayari ang ganitong mga sitwasyon sa loob ng tahanan.

Page 9: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Magulang

Sa tahanan mas nararapat na natural na dumadaloy ang paggalang. Ito ay dahil inaasahan na sa loob ng isang pamilya nararapatna nananatili sa kanilang gitna ang tunay at wagas na pagmamahal at malalim na pananagutan. Mahalagang elemento ito na kailangan upang maisabuhay ng lahat ng kasapi ng pamilya ang birtud ng paggalang nang kusang-loob at puno ng sinseridad.

Dahil nilikha ang tao ng Diyos bilang isang panlipunang nilalang, kailang ng lahat ang isa’t isa tungo sa kanyang paglago. Hindi mabubuo ang pagkatao ng tao kung hindi sa tulong ng iba pang tao na nilikha ng Diyos. Mas higit ang tulong na maibigay ng mga taong tunay na pinag kakatiwalaan ng Diyos upang hubigin, bantayan at palakasin ang mga halaga. Ang iyong mga magulang ay binibigyan ng awtoridad ng Diyos upang hubugin ang iyong pagkatao , sila ang pinagkaiwalaan ng Diyos upang magpalaki at mag-argu sa iyo.

Page 10: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Magulang

Katulad ng lahat ng tao, hindi perpekto ang iyong mga magulang kung kaya mayroon din silang puwang na magkamali dahil sa taglay nilang mga kahinaan. Ngunit hindi nang ngangahulugan ito na hindi nararapat para sa kanila ang iyong paggalang. Ito ay kailangan mong isapuso dahil kung hindi, magiging daan ito upangn unti – unting mamatay ang paggalang sa loob ng tahanan. Oo nga at hindi ka binigyan ng Diyos ng pagkakataon na mamili ng sarili mong mga magulang ngunit hindi sapat na dahilan na dahil hindi sila ang magulang na iyong mga magulang ang sukatan ng magiging lalim at bigat ng iyong pagmamahal at paggalang.

Page 11: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Magulang

may mga kabataan sa kasalukuyan na iniisip na ganap na ang kanilang kalayaan lalo na sa harapan ng kanulang mga magulang. Ipinaglalaban nila ang kanilang kalayaan n amg-isip, magpasya at kumilos. May mga pagkakataon na inaabuso ng mga kabataan ang kanilang kalayaan. Kailangang maging malinaw sa isang kabataan na katulad mo na habang ikaw ay nasa iisang bubong kasama ang iyong mga magulang, nananatili ang iyong tungkulin na sundin at igalang ang iyong mga magulang. Sa paglipas ng panahon at naabot mo na ang spat na gulang at mayroon ka ng malaim na kakayahan na magpasya para sa iyong sarili at maging responsible sa iyong mga pagkakamali, ang tungkulin upang iyong sundin ang iyong mga magulang ay maaring mabawasan ngunit ang pagmamahal ay kailangan nananatili at hindi kailanman mababawasan.

Page 12: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Magulang

Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay kinakailangan laging nasa isip at pusong lahat. Hindi ibinibigay lamang kapag sila ay nariyan at tatalikuran sa mga pagkakataong sila ay wala na sa ating harapan. Ang paggalang at pasunod sa ganitong paraan at mapagimbabaw, kulang ng sinseridad at maituturingna walang kabuluhan. Halimbawa, sa kasalukuyan, palaki nang palaki ang bahagdan ng mga magulang na mapilitang maghanp-buhay sa ibang bansa para matustusan ang pangagailangan ng pamilya. Sa mga pagkakataong ganito, nawawala na ba ang tungkulin ng isang anak na igalang at sundin ang kanyang sariling mga magulang? Sa ganitong mga pagkakataon, mas kailangang iparamdam ng mga anak ang kanilang paggalang at pagsunod sa kanilang mga magulang. Hindi biro ang sakrioisyo na ibinibigay ng mga magulang para sa kapakanan ng kanilang pamilya , lalo’t higit para sa kanilang mga anak. Hindi biro ang malayo sa pamilya at hindi ng pagkakataon na masubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Ang tanging kapalit na maibibigay ng isang anak sa ganitong pagkakataon ay ang kapanatagan ng damdamin ng kanilang mga magulang

Page 13: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Magulang

Kahit na sila ay nasa malayong lugar na ang kanilang mga tagubilin ay buong katapangang sinusunod ng kanilang mga anak.

Isa pang mahalagang elemento na kailangan upang mapanatili ang paggalang sa loob ng tahanan ay ang komunikasyon. Kailangan ng katapatan sa isa’t isa at bukas na pagsasabi ng kanilang saloobin sa loob ng tahanan. Totoo na mas madalas, masakit na tanggapin ang katotohanan ngunit sabi nga nila, ito ang magpapalaya sa atin. Kung palaging bukas ang komunikasyon sa loob ng tahanan magiging madali para sa lahat ng kasapi ng pamilya ang isabuhay ang paggalang.

Page 14: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Magulang

Madalas na nagiging suliranin sa loob ng pamilya sa pagitan ng magulang at ang anak ay ang kakulagang sa komunikasyon. Halimbawa, Madalas na iniisip ng mga bata ang hindi patas na pagtingin ng mga magulang. Marahil, nagkakaroon ng paghahambing sa pamamaraan ng pagdidisiplina ng mga magulang ng kanilang kaibigan o kamag-aral o maging iba pang mga kapatid. Sa halip ito ay iparating sa kanyang mga magulang ay nagkikimkim ng sama ng loon sa kanyang dibdib na sa paglipas ng panahon ay lumalalim at nagiging galit. Hindi nauunawaan ang panig ng kanyang sariling mga magulang dahil hindi naman ito nabigyan ng pagkakataong upang ipaliwanang ang kanilang panig. May mga sitwasyon kasi na kaya ganito kahigpit ang mga magulangay dahil ayaw nilang mangyari sa kanilang mga anak ang mga pagkakamaling kanilang nagawa noong sila ay mga bata pa. Kung ang ganitong sitwasyon ay madadaan sa maayos na usapan sa pagitan ng mga magulang at mga anak, hindi magkakakaroon ng puwang ang pagkawala ng paggalang sa isa’t isa. Huwag hayaang mawala ang sigla at liwanag sa loob ng tahanan dahil lamang sa hindi pagkakaunawaan. Kung nais mong ikaw ay igalang matuto ka ring ibigay ito at huwag ipagkait sa sariling mong mga magulang.

Page 15: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Nakatatanda

Isa sa kasabay na unti-unting pagiging liberal na ating lipunan na ginagalawan ay ang pagbabago sa pagtingin ng maraming tao, lalo’t higit ng mga kabataan, sa mga nakakatanda. Patuany dito ay ang paftuturo sa mga bata habang siya ay lumaki na gumamait ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa sinoman na nakakatanda sa kanya. Kailangan din maipamulat sa mga bata ang pagmamano nilang tanda ng paggalang. Ito ay katangian natatangi sa mga pilipino kung kaya kailangan panatilihin at mas palakasin. Ang mga gawing ito ang magsisilbing palatandaan ng pagkilala sa mga nakakatanda bilang isang napakahalagang bahaging lipunan.

Page 16: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Nakatatanda

Ngunit kasaby ng unti-unting pagiging liberal ng ating lipunan na ginagalawan ay ang pagbabago sa pagtingin ng maraming tao, lalo’t higit ng mga kabataan, sa mga nakakatanda sa ating lipunan. Nakalulungkot na nakabatay na lamang yata sa kontribusyon sa pagpapaunlad ng ekonimiya ang silbi ng tao. Kapag tumatanda na ang isang tao at nawala na ang kakayahan na maghanap-buhay at kumita para sa kanyang pamilya ay nababawasan na ang pagkilala sa kanilang halaga sa lipunan. Kapag may matanda sa daan para bang hindi man sila paglalaanan ng pangalawang tingin ng mga taong nagdaraan. Sa pagsakay sa jeep, nilalagpasan na lamang , ang katwiran, sagabal dahil mabagal kumilos, ang mga tao tuloy natatakot nang tumatanda. Tama ba na ganito ang maging damdamin ng tao sa pagtanda? May hangganan ba ang pagbibigay ng paggalang?

Page 17: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Nakatatanda

ang mga nakatatanda ay ang mga tao nakapabigay ng malaking ambag sa kanilang pamilyang sa pamayanan at sa bansa. Sila ay nag sakkripisyo ng labis upang mag- aruga, mag-alaga at mag-mahal sa kanilang mga anak at sa iba pang mga kabataan. Hindi matatwanan ang karunungan na kayang naibahagi sa maraming tao. Ang kanilang mga karanasan ang ginagamit nating gabay sa ating paggalang sa iba’t ibang hamon sa buhay na ating kinakaharap. Ito ay dahil, sabi nga nila, pupunta pa lamang tayo pabalaik na sila. Napagdaanan na nila ang maraming pinagdadaanan natin sa ngayong. Sila ang mas higit na nakaaalam dahil nakabatay ito sa kanilang mga pagkakamali sa nakaraam at sa kanilang mga tagumpay.

Page 18: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Nakatatanda

sa aklat na respect for the ederly: Implications for Human Service Providers ay makikita ang ilan sa mga paraan ng pagpapapkita ng paggalang sa mga nakatatanda (Sling, 2004).

Pagbibigay sa kanila ng pag-aaruga at pagsisilbi na gumagamit ng tamang pananalita at pagbati.

Pagtugon sa kanilang mga kahilingan. Paghingi sa kanila ng kanilang mga payo. Pagtrato sa kanila bilang isang modelo o huwaran. Pagbibigay sa kanila ng upuan o bahagi sa tahanan na

kumikilalapa rin sa kanilang mahalagang bahagi sa loob ng tahanan.

Pagbibigay sa kanila ng mga pagkain at inumin sa kanilang pinili o ninanais

Page 19: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Nakatatanda

Sa kanilang pagtanda nababakas na ang kanilang pagiging mahina. Kung kaya mahalaga na huwag natin silang talikuran, kailangang matugunan natin ang kanilang mga pangangailangan. Pagkain, disenteng tirahan, pagtugon sa pangangailangangang medikal, mahalaga bagay na hindi dapat ipag sa kanila. Ngunit maliban sa mga bagay na ito mas higit na kailangan ng nakatatanda ang sila ay igalang sabi nga sa isang pag aaralnina kyu-Taik Sung at Bum Jung kim(2009) ang isang nakatatanda na nakatatanggap ng paggalang ay mas mataas ang antas ng kasiyahan sa buhay. Kapag naramdaman ng isang nakatatanda ang damdamin na ito, mas napalalakas nito ang kanilang paniniwala na sila ay nananatiling may silbi sa kanilang tahanan kung kaya nararamdaman niya na siya at nananatiling mahalagang bahagi ng pamilya.

Page 20: Vaedreport 120113194036-phpapp01

Paggalang sa Nakatatanda

Kung titignan, simple lang ang mga bagay na ito, hindi magiging mahirap na ibigay para sa kanila ngunit ang malugod na damdamin na maaring maibigay nito para sa isang nakatatanda ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit na anong halaga. Ang lahat ng ito ay maipaparamdam sa kanila na ng pag-aalaga at pagsisilbi sa nakatatanda na ang tanging hangarin ay maiparamdam sa kanila na karapat-dapat parin sila na makatanggap ng kabutihan, sa pamamagitan ng pagtrato sa kanilang bilang mahalagang ibahagi ng tahanan at lipunan at sapagbibigay sa kanila ng kung ano ang tama at nararapat.

Kung wala sila, wala tayo sa mundo. Kung hindi dahil sa kanilang mga ibinahaging karunungan at mga karanasan hindi mabubuo ang ating pagkatao.

Lahat ng tao ay patungo sa pagtanda. Huwag na nating hinatyin na maging matanda na rin tayo bago natin sila lubos na unawain. Kinailangan natin sila noon, ngayon ay tayo naman ang kailangan nila sa kanilang tabi upang patuloy na ipramdam sa kanila ang ating paggalang at wagas na pagmamahal.

Page 21: Vaedreport 120113194036-phpapp01

END

THANKS FOR LISTENING!!! AND GOD BLESS YOU ALL GUYS BYE!

BYE!

EoWz pOw PaAlaaHm Pow!!!!!!!!!................ :>>

Jejejejejejejejeje joke lng