university of the philippines manila college of arts and...

33
University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences Department of Social Sciences DAHAS O BATAS? Pagsusuri sa Pamamaraan ng Pagtugon ng Awtoridad sa Karahasan sa mga Kababaihan Isinumite sa Pagtupad ng Kinakailangan para sa Political Science 198 Ipinasa ni: Grizell R. Estole 2009-01047 Ipinasa kay: Prof. Clarinda Berja

Upload: others

Post on 07-Feb-2021

27 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

  • University of the Philippines Manila

    College of Arts and Sciences

    Department of Social Sciences

    DAHAS O BATAS?

    Pagsusuri sa Pamamaraan ng Pagtugon ng Awtoridad

    sa Karahasan sa mga Kababaihan

    Isinumite sa Pagtupad ng Kinakailangan para sa

    Political Science 198

    Ipinasa ni:

    Grizell R. Estole

    2009-01047

    Ipinasa kay:

    Prof. Clarinda Berja

  • 2 | ESTOLE

    TALAAN NG NILALAMAN

    Pahina

    I. Abstract 3

    II. Panimula 4

    III. Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura 6

    IV. Balangkas ng Pag-aanalisa 12

    V. Pamamaraan ng Pananaliksik 15

    A. Disenyo ng Pananaliksik 15

    B. Metodolohiya ng Sampling 15

    C. Pamamaraan ng Pagkolekta ng Datos 16

    VI. Natagpuan sa Pag-aaral 17

    VII. Diskusyon 22

    VIII. Konklusyon 26

    IX. Batis ng Pananaliksik 27

    X. Apendiks 30

    A. Pahintulot na Lumahok sa Pag-aaral 30

    B. Liham Pahintulot sa Panayam 31

    C. Gabay sa Narrative Taking 33

  • 3 | ESTOLE

    ABSTRACT

    Sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa, maituturing na kababaihan ang

    tunay na mukha ng kahirapan at karahasan. Ang sektor na ito ng lipunan ang malimit na

    nakakaranas ng mga nabanggit na kalagayan. Sila rin ay maituturing na isa sa mga

    pinaka-bulnerableng uri ng mamamayan kabilang na ang kabataan. Sa karahasan na

    kanilang nararanasan, panggagahasa ang masasabing laganap sa kababaihan.

    Sasagutin sa pananaliksik na ito ang pangunahing katanungan na “Ano ang

    tugon ng mga awtoridad sa mga biktima ng panggagahasa?” Aalamin din kung bakit

    itinuturing na pangunahing porma ng paglabag sa karapatan ng kababaihan ang

    panggagahasa. Iisa-isahin kung anu-ano ang hakbang ang ipinapatupad ng awtoridad

    sa pagtugon sa ganitong kaso.

    Sa pamamagitan na mga makakakalap na datos at sa gabay ng iba pang

    kaalaman, tutukuyin kung agaran, epektibo at pantay ang mga desisyon sa mga kasong

    masasaliksik.

  • 4 | ESTOLE

    PANIMULA

    Ang panggagahasa ay isang uri ng sekswal na daluhong na kadalasan ay

    nagreresulta sa sekswal na pagniniig o kahit anong uri ng sekswal na penetrasyon. Ito

    ay maaaring kagagawan ng isa o mas marami pang katao laban sa isang indibidwal o

    higit pa sa isang inidibidwal na walang ibinibigay na pahintulot. Ngunit, ang depinisyon

    ng panggagahasa ay nag-iiba buhat sa iba’t ibang pinanggagalingan ng nag-bibigay ng

    kahulugan dito. (Smith, 2004)

    Ayon sa ating batas partikular sa Republic Act 8353 o mas kilala sa pangalan na

    Anti-Rape Act of 1997, ang panggagahasa ay maaaring isagawa ng isang taong

    mayroong pagnanasa sa isang babae sa pamamagitan ng pag-gamit ng dahas,

    pananakot o intimidasyon. Sa isa bang banda, ito ay puwede ring kapag ang biktima ay

    wala sa tamang pag-iisip o walang malay. Mayroon ding kapag ang sitwasyon ay

    ginamitan ng mapanlinlang na pamamaraan o malalang pag-abuso ng kapangyarihan.

    Binibigyang diin ng naturang batas na ang kasong isasampa ay mayroong mas mabigat

    na parusa kapag ang biktima ay labing-dalawang taong gulang pababa.

    Sa panahon ngayon, nadadagdagan ang mga bagay na nakaka-apekto sa

    kahulugan ng panggagahasa. Nariyan na ang pagkonsidera kapag ang biktima ay na

    naka-inom ng kahit anong uri ng alak o sa ibang pagkakataon ay kapag nasa ilalim ng

    ispiritu ng droga.

    May iba’t ibang sektor sa pamahalaan at lipunan ang maaaring tumugon sa mga

    kaso ng panghahahalay. Ayon sa Republic Act 8505 o “An act providing assistance and

    protection for rape victims”, ang krimen ay maaaring aksyunan ng Department of Social

    Welfare and Development, Department of Health, Department of Interior and Local

    Government, Department of Justice o isang non-government organization. Sa tulong ng

    mga ahensyang ito at pagtatayo ng mga Rape Crisis Center, mabibigyan ng mas

    madaling akses ang mga biktima ng panggagahasa sa mga awtoridad.

  • 5 | ESTOLE

    Marami pang ibang batas sa Pilipinas ang sumusuporta upang masugpo ang

    krimen ng panggagahasa. Narito ang Republic Act 7877 o Anti-sexual Harassment Act

    of 1995; Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003; Republic Act 9262

    o Anti-violence Against Women and Their Children Act of 2004; at ang Revised Penal

    Code (Articles related to violence against women).

    Maliban sa mga batas na nabanggit, nariyan ang mga Women’s Desk na

    maaaring lapitan. Ang himpilang ito ay nasa mga presinto ng bawat baranggay o

    munisipalidad. Ito ang inaasahang unang gagawa ng paraan upang mabigyan ng

    tamang proseso ang mga kaso ng pang-aabuso laban sa kababaihan lalo na ang kaso

    ng panggagahasa. Hindi din maisasantabi ang presensiya ng mga ahensiya ng

    gobyerno na tumutulong sa mga nasabing biktima. Katulad ng Philippine Commission

    on Women kung saan mayroong “18-day Campaign to end Violence Against Women

    (VAW)” at pagtatayo ng Women Crisis Centers. Ang mga organisasyon na hindi

    kabilang sa gobyerno ay siya ring nagsusulong ng mga adhikain laban sa karahasan sa

    kababaihan. Ang pangunguna ng GABRIELA Women’s Party sa pagpapalaganap ng

    pagprotekta sa kababaihan ay makikita sa kanilang mga konkretong aksyon. Sila rin ay

    mayroong miyembro sa mababang kapulungan bilang pagrepresentante ng kanilang

    partylist. Kabilang din dito ang Center for Women’s Resources naman at tumutulong sa

    mga biktima sa pamamagitan ng kanilang personal ng pagagapay sa mga ito. Hindi din

    maitatanggi ang kanilang iba pang programa kung saan pumupunta sila sa mga

    baranggay upang magbigay ng aral tungkol sa mga karapatan ng kababaihan. Ilan

    lamang ang mga ito sa kabuuan ng mga proyekto at programa ng iba’t ibang sektor sa

    lipunan.

    Mula sa mga nabanggit, wari’y hindi ito sapat upang magkaroon ng mas

    mababang bilang ng kaso ng panggagahasa. Ang pagbabagong hatid nito ay hindi ang

    pagbabagong inaasahan ng mga indibidwal na sumusuporta dito. Ayon sa tala ng isang

    lokal na baranggay, ang pagkakaroon nila ng mga programang katulad ng mga

  • 6 | ESTOLE

    nabanggit ay nagresulta sa hindi gaanong pagbabago. Hindi naging malaki ang epekto

    nito sa mga kasong nairereport sa kanilang presinto. Sa usapin naman ng pag-angat ng

    antas ng edukasyon sa ating bansa, masasabing ang kababaihan at kabataan ngayon

    ay patuloy ang pag-alam sa kanilang mga karapatan. Dahil sa pagtuturo hindi lamang

    ng mga guro pati na din ang mga tao sa labas ng paaralan ay nakakatulong sa pag-

    linang kung ano nga ba ang tunay na papel ng kababaihan sa lipunan. Ang

    pagkakaroon ng mga proyekto at programa n gating gobyerno at iba pang organisasyon

    kasabay ng pag-taas ng kalidad ng edukasyon ay mukhang hindi nagkakaroon ng

    positibong resulta.

    Tila ang usapin ng panggagahasa ay parang isang balitang unti-unting

    nalilimutan ng mamamayan. Ayon kila Linda Regan at Liz Kelly (2003) ng Child and

    Women Abuse Studies, London Metropolitan University, hindi lamang sa mga lokal na

    lugar ito nangyayari pati na din sa pandaigdigang konsepto. Sa ating panahon ngayon,

    tayo ay humarahap sa panibagong hamon. At ang hamon na ito ay ang pag-lalayon na

    sugpuin ang mga karahasan na ito. Ang pag-dadala ng usapin ng panggagahasa sa

    malawakang pag-uusap ay makikita hanggang ngayon. Ang pandaigdigang konsepto

    ng panggagahasa ay patuloy na tumutugon sa lokal na pagtingin dito.

    REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

    Mga Kaso ng Panggagahasa

    Sa datos ng Philippine National Police noong 2004, umabot ng 6.28 porsyento

    ang mga kaso ng panghahalay sa Pilipinas. Ito ay may bilang na 6,271. Sinasabing ito

    ay patungkol lamang sa mga kasong naiulat sa kanila. (Philippine National Police,

    2004) Ayon naman umano sa National Statistics Office, mayroong 3,398 kaso ng

    panggagahasa laban sa kabataan. Ito ay hango sa kabuuang bilang na 7557 kaso

    laban sa kanila. Sa panahon ngayon, patuloy ang pagtaas ang dami ng bilang ng

    biktima ng panghahalay. Lumalabas ang iba’t ibang mga istorya kung paano ang naging

    pang-aapi sa kababaihan at mga porma ng panggagahasa. Ang pagkakaroon ng

  • 7 | ESTOLE

    ganitong mga datos ang nagsisilbing dahilan kung bakit kailangang bigyan ng atensyon

    ang ganitong isyu.

    Isa sa mga naging tampok na kaso ng panghahalay ay ang insidente kung saan

    sangkot ang isang Amerikanong sundalo. Nangyari ang panggagahasa noong

    kasagsagan ng Joint Military Exercise ng Estados Unidos dito sa ating bansa. Si Daniel

    Smith kasama ang iba pang kabilang sa nasabing programa ay naakusahang ginahasa

    ang isang Pilipina na itinago sa pangalang “Nicole”. Isa pang kaso ng panggagahasa na

    naging tampok nitong mga nakaraaang buwan ay ang sitwasyon ng isang dalaga na

    may edad na labing-anim. Itinago siya sa pangalang “Isabel”. Sa kasong ito, ang

    inaakusahan ay isang Pilipinong sundalo na nakadestino sa probinsiya ng Benguet

    kung saan din nakatira ang biktima. Ang nasabing panghahalay ay naganap umano sa

    isang military camp na pinag-dalhan sa biktima. Isa pang insidente ng panggagahasa

    na nag-aangkop ng ibang uri ng may sala ay ang kaso ni “Mina” at “Jasmine”. Isang

    lokal na opisyal ng pamahalaan ang nasabing may kagagawan nito. Nangyari ito ng

    nagkaroon ng ugnayan ang may sala at mga biktima sa pamamagitan ng isang

    paligsahan sa kanilang bayan.

    Nariyan din ang mga kaso ng magkapatid na Marijoy Chiong at Jacqueline

    Chiong. Ito ay naganap noong Hulyo 16, 1997. Sila ay dinukot habang nag-aantay ng

    masasakyan pauwi ng kanilang bahay. Si Marijoy ay isang mag-aaral sa kolehiyo

    samantalang ang kanyang kapatid niya ay isang menor de edad. Pito ang mga suspek

    at dalawa dito menor de edad din lamang. Ang isa pang kaso ay ang kay Romeo

    Jaloslos. Siya ay nang-gahasa ng isang labing-isang taong gulang na batang babae

    noong 1996. Siya ay nahatulan ng dalawang bilang ng statutory rape at anim na bilang

    ng acts of lasciviousness.

    Pamamaraan ng Pag-suplong

    Mayroong mga panuto na inilabas ang Philippine Commission on Women

    tungkol sa referral system na pwedeng isagawa kapag mayroong mga kaso ng pang-

  • 8 | ESTOLE

    gagahasa ang naiulat. Ito ay pumapailalim sa mga lokal na gobyerno at maaari nilang

    ipatupad alinsabay sa batas. Kaagapay nila dito ang Women’s Desks, Inter-agency

    Council on Violence against Women and Children, non-governmental organizations, at

    iba pang mga lokal na pamahalaan. Ang nasabing target nito ay upang magkaroon ng

    mas epektibong ugnayan ang mga biktima sa awtoridad na hahawak sa kanilang kaso.

    Ayon pa sa mga may akda nito, ito ay tututok sa isang malawakan at gender-sensitive

    na pamamaraan. (Philippine Commission on Women, n.d. )

    Ang nasabing sistema ay may kalakip na mga elemento upang matiwasay itong

    mapatupad. Unang elemento ay ang grupo ng mga institusyon na nagbibigay ng

    serbisyo sa mga naturang biktima o ang tinatawag na referral network. Sila ang

    sumasakop sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga sektor na maaaring makatulong sa

    kaso. Ang referral network rin ang nagbibigay ng tulong pang-medikal, sikolohikal,

    sosyal at legal. Ang sumunod na elemento ay ang mga tinutukoy na coordinating

    agency o mga sektor na magiging katuwang ng naunang elemento. Ang pangatlong

    elemento ay ang ugnayan sa lokal at nasyonal na pamahalaan. Dito naiipundar ang

    magiging papel ng bawat institusyong nabanggit. Ang pang-apat na elemento ay

    tumutukoy sa mga nag-dodocument sa mga pangyayari sa kaso. Ito ang magsisilbing

    ebidensiya ng awtoridad sa pag-proseso ng kaso. Ang referral network ang naka-atas

    na humawak ng mga dokumentong ito. Ang awtoridad na magiging kaagapy ng biktima

    o ng mga biktima ay magsasagawa ng mas malalim na pag-iimbestiga base sa mga

    nakalap na impormasyon. (Philippine Commission on Women, n.d.)

    Kapag naitatag na ang pundasyon ng referral system sa pamamagitan ng

    pagpapatupad ng mga elementong nabanggit, dito na magsisimula ang legal na pag-

    proseso ng kaso. Patuloy na ito sa mga mas mataas na proseso at iba pang legal na

    pamamaraan. Hanggang sa dumating ang kinauukulan sa isang desisyon.

    Sa kabilang banda, kapag ang kaso ay unang inilapit sa lokal na pamahalaan iba

    ang nagiging proseso nito. Una na ang inisyal na responde ng mga pulis at mga

  • 9 | ESTOLE

    imbestigasyon na kanilang ginagawa na magiging basehan ng desisyon kalaunan. Ang

    mga bagay na responsibilidad din ng mga kumukuha ng forensic na eksaminasyon ay

    kasama sa batayan. Ang pagtukoy sa mga batas at polisiya na maaaring sakupin ng

    kasong nabanggit ay bibigyan pansin ng awtoridad. Ito ang mga bagay na kailangan

    upang maproseso ang kasong isinuplong. Ang pag-iisyu ng consent at petsa kung

    kailan naganap ang panghahalay papunta sa kamay ng mga nasa prosekusyon ang

    mga sunod na hakbang. Ang pagpresenta ng kaso sa korte ang magiging sentro ng

    diskusyon. Dito maghaharap ang biktima at salarin kasama ang kanilang mga abugado.

    Ipinepresenta din dito ang mga ebidensya na nakalap mula sa pinangyarihan ng krimen

    o mula sa taong nakasaksi ng nangyari.

    May mga pagkakataon na maaaring humingi ng tulong ang biktima sa isang

    organisasyon na may kapangyarihan at kakayahan na humawak ng ganitong kaso.

    Maliban sa mga lokal na pamahalaan, tiitingnan din kung paano tinatanggap ng isang

    malawakang institusyon ang kaso ng panggagahasa. Ang mga malawakang institusyon

    na ito ay katulad ng mga organisasyon na may pwesto sa gobyerno at mga

    organisasyon na itituring na mga non-governmental.

    Pagtingin sa Panggagahasa

    Ayon kay Leny Ocasiones, isang propesor sa San Carlos University at miyembro

    ng GABRIELA National, ang panggagahasa ay isang epekto ng militarisasyon sa isang

    lugar. Isa umano itong uri ng matinding paglabag sa karapatang pantao ng isang

    babae. (Ocasiones, 2007) Tinitingnan ang panggagahasa bilang isang isyung pang-

    lipunan.

    Ayon naman sa pag-aaral na isiginawa ng Sexual Violence Research Initiative na

    nasa ilalim ng superbisyon ng World Health Organization, mayroong tatlong perspektiba

    ang panggagahasa. (Sexual Violence Reserach Initiative, 2007) Una ay mula sa lipunan

    kung saan tayo kabilang. At sa iba’t ibang klase ng lipunan mayroon ang ating mundo,

    nagkakaiba ang mga pagtingin sa usapin. Hango sa klasipikasyon ng mga lipunan ni

  • 10 | ESTOLE

    Sanday (1984), dalawa ang uri nito. Una ang lugar na walang insidente ng panghahalay

    at pangalawa ay kung saan laganap ito. Sa dalawang klase na ito, nagkaroon ng

    magkaibang depinisyon ng panggagahasa at kung ano ang epekto nito sa mga

    mamamayan.

    Pangalawang perspektiba ay galing sa mga mismong biktima ng panggagahasa.

    Ito pa rin umano ang nag-ugat sa lipunang pinang-galingan ng biktima. Ang ipinagkaiba

    nga lang nito sa naunang sitwasyon ay ang mismong karanasan ng panggagahasa.

    Ang kanilang karanasan ay nagkaroon ng epekto sa kanilang pag-uugali at kaasalan

    pagkatapos nilang malampasan ang naturang paghihirap. Ang panghuling perspektiba

    ay mula sa iba’t ibang mga salik na nakakaapekto sa pagtingin ng isang tao. Narito na

    ang paglalahad ng gobyerno at kasama na din dito ang kanilang mga serbisyong

    ibinibigay. Mula sa mga therapeutic approaches na nanggagaling sa mga doktor at iba

    pang manggagamot at ang panghuli ay ang mula sa criminal justice system ng isang

    bansa.

    Mga Isyu sa Sukatan ng Karahasan sa Kababaihan

    Batay sa talaan ng Philippine Statistical System on the Compilation of Gender

    Statistics, mayroong dalawang nakakaapekto sa pagtugon ng awtoridad sa mga kaso

    ng panggagahasa. Una ang pagkakaroon ng records-based na istatiska ng mga

    karahasan at pangalawa ang survey-based na mga datos. Ipinagkumpara ang

    dalawang klase ng pagdokumento ng kaso ng pangagahasa.

    Ang una ay tumutukoy sa mga kaso na naisuplong sa mga awtoridad. Ito ay

    nanggaling mismo sa biktima o mga biktima ng panghahalay. Batay ito sa mga

    dokumento na idinulog ng sangkot sa kaso. Sinasabi na ang pamamaraan na ito ay

    mas madali sapagkat ang mga biktima ang lumalapit sa awtoridad. Ito din umano ay

    nagbibigay ng mahalagang datos ng mga bilang ng karahasan sa kababaihan na

    pumapaloob sa sakop ng kapulisan. Magagamit ang ganitong uri ng pagkalap upang

    mamonitor ang mga biktimang lumapit sa pamahalaan. Ang kahinaan nito ay ang hindi

  • 11 | ESTOLE

    pagsakop sa ibang uri ng karahasan. Kasama na dito ang pang-ekonomiko at

    sikolohikal na karahasan. Madalas umano na ang mga report at tungkol lamang sa

    pisikal at sekswal na pang-aabuso.

    Ang sumunod na indikasyon ay tumutukoy sa survey–based na mga datos. Ito ay

    ang mga pinangunahan ng mga nasa posisyon partikular na ang mga nasa lokal na

    pamahalaan. Isinasaad nito na nagkakaroon ng posibleng estimate kung ilan nga ba

    ang kaso ng pang-aabuso sa isang lugar. Naaabot umano nito ang mga kababaihan na

    natatakot na magsuplong sa mga awtoridad dahil sa iba’t ibang pangamba. Kadalasan

    pa umano ay nagsasalamin ito sa mga tunay na karanasan ng kababaihan. Ang tanging

    sumasagabal dito ay ang pagiging magastos nito. Kaya ang nagiging tugon ng

    awtoridad ay ang paghihintay nalang na ang mga biktima ang mismong lumapit sa

    kinauukulan.

    Ang magkaibang uri ng pinagkukuhanan ng datos na ito ay sumasalamin sa

    kung anong sistema mayroon ang mga awtoridad na humahawak sa mga kaso.

    Problema sa Pag-aksyon ng Awtoridad

    Maproseso ang paglutas isang kaso. Mayroong iba’t ibang balangkas ang

    kailangang pagdaanan bago makamit ang pinal na desisyon ukol ito. Ayon na din sa

    hustisiyang proseso sa ating bansa, totoong mabusisi ang pag-tanaw sa bawat bagay

    na may kinalaman sa kasong kinahaharap.

    Dahil sa haba ng prosesong ito, maaaring magkaroon ng hindi mabilang na

    problema. Unang isyu na maaaring maiugnay dito ay ang hindi agarang pagbigay ng

    solusyon dito. Dahil sa tambak na kasong hawak ng bawat korte, nagiging mabagal ang

    pagtugon ng awtoridad dito.

    Pangalawang problema ay ang pagiging hindi accessible nito sa mga biktima.

    Ang mga awtoridad ay laging nagsasaad nang pangkalahatang serbisyo. Ang kanilang

  • 12 | ESTOLE

    pangunahing layunin ay ang paglingkuran ang mamamayan. Ngunit, may mga

    pagkakataong ang mga biktima ng hindi inaasahang sitwasyon ay natatakot lumapit sa

    kanila. Mayroong mga manipestasyon ito. Isa na marahil ang ugnayan ng mga may sala

    sa mga taong nasa posisyon. Pangalawa ang pag-iisip ng mga biktima na puwedeng

    wala din namang papatunguhan kapag sila ay nagsumbong sa kinauukulan.

    Hindi mawawala ang usapin ng pera. Maraming nagsasabing hindi basta-basta

    ang pagsasampa ng kaso. Ang taong maghahabla ay dapay handa sa usaping

    pinansiyal. Simula sa pag-aasikaso hanggang sa mga maliliit na bagay katulad ng mga

    dokumento ay nangagailangan ng bayad. Dagdag pa dito ang iba’t ibang bayarin sa

    pamahalaan.

    Ang panghuling maaaring maging problema ang pagkakaroon ng pagpanig. Ang

    mga biktima ng panghahalay ay pwedeng kabilang sa iba’t ibang antas ng lipunan.

    Nariyan ang mga mahirap na nabibiktima ng panggagahasa. Kasunod pa diyan ay ang

    mga biktima na galing sa mga premyadong pamilya. Ang pagkakaroon ng mataas na

    edukasyon ay maaaring makaapekto sa pagtugon ng awtoridad.

    BALANGKAS NG PAG-AANALISA

    PEMINISMO

    HUSTISIYA HIYARYKIYA

    AGARAN PANTAY EPEKTIBO

    POLITIKAL SOSYAL

    BATAS PRAKTIKA

  • 13 | ESTOLE

    Dito susuriin ang mga bagay na nakakaapekto sa pagtugon ng mga awtoridad sa

    biktima ng panggagahasa. Bilang ang panggagahasa ay isa sa mga pangunahing

    usapin ukol sa karahasan laban sa mga kababaihan, ang manunulat ay tutukuyin kung

    ano nga ba ang mga pamamaraan ng gobyerno sa paghawak sa mga ganitong kaso.

    Ang konsepto ng peminismo ay nilikha upang magkapagtayo ng isang pormal na

    lengguwahe na makakapagbigay kahulugan sa paghihirap ng kababaihan upang

    maipaglaban ang pagkapantay-pantay. Ang pagkapantay-pantay na ito ay tumutukoy sa

    lahat ng aspeto ng isang indibidwal. Ang mga pangunahing layunin ng peminismo ay

    ang pagsugpo ng sexist oppression at pagtaliwas sa nakasanayang inequality. Ayon

    kila Gilgun at McLeod, ang peminismo ay naglalaong tuluyang maalis ang hierarchy sa

    lipunan. Ito ay mga natatagong istraktura ng hindi pagkapantay-pantay at pagkawala ng

    hustisya sa ating lipunan. Sa tradisyunal na pamamaraan, ang nagiging basehan nito

    ay ang pagiging dominante ng mga perspektiba sa lipunan. Ang hindi pantay na tingin

    sa kasarian at ang patuloy na paglaban para sa karapatan ng kababaihan, kanilang

    interes at mga isyu na kanilang kinasasangkutan, ay ang mga pangunahin na batayan

    ng mga pemenistang pag-aaral. (Butler, 2000) Ang mga karahasan sa kababaihan ay

    nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao at mga pangunahing kalayaan ng isang

    babae. (Declaration on the Elimination of Violence against Women, 2003) Lahat ng mga

    karahasan na ito ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto ngunit pare-pareho pa din silang

    umuugat sa pagiging bulnerable ng isang kasarian. Para sa isang peminista, ang

    pinakamahusay na paraan para malaman ang balangkas ng karahasan laban sa

    kababaihan ay ang pagtukoy mula sa mga boses ng kababaihan mismo.

    Ngunit ang mananatiling tanong ay kung paano nga ba tumutugon ang ating

    pamahalaan sa mga ganitong uri ng krimen. Ano nga ba ang kaugnayan ng nabanggit

    na konsepto sa pagtugon ng awtoridad? Gustong makita ng mananaliksik kung gaano

    nga ba kaepektibo ang pagtugon ng mga awtoridad sa mga biktima ng panggagahasa.

    At para mangyari ito, mayroong mga pamantayan tayong ikokonsidera. Tatlong bagay

    ang nais bigyan ng diin ng mananaliksik. Una ang pagiging epektibo ng pagtugon,

  • 14 | ESTOLE

    pangalawa ang pagiging karapat-dapat na tugon na ibinigay ng awtoridad at ang

    pangatlo ay ang pagiging pantay-pantay nitong pag-tugon.

    Mayroong iba’t ibang elemento ang puwedeng gawing basehan sa pagtingin

    kung nakakamit nga ba ang pagiging epektibo, pantay at agarang solusyon ng

    awtoridad. Narito ang mga politikal na kosiderasyon at pang-sosyal na manipestasyon.

    Sa politikal na konsiderasyon, dito pumapaloob ang mga usapin ng pagsunod ng

    awtoridad kung ano nga ba ang nasa batas. Ang mga awtoridad ay inaasahang ibatay

    ang kanilang mga desisyon sa ating Konstitusyon at sa mga batas na gumagabay dito.

    Masasabi nga bang tama ang naging at magiging pag-tugon ng awtoridad kung sila ay

    humahantong sa pagsunod kung ano ang nasa ating batas. Ang pangalawang

    isinasaad na bahagi ay ang pag-tugon ng awtoridad base sa kung ano naisasapraktika.

    Dito matutunghayan kung ano lang ang nakasanayan. Base sa mga kaso ng

    panghahalay na naunang naitala, ang mga awtoridad ay binabase ang desisyon sa

    kung ano ang naging pasya ng mga nakaraang kasong nahawakan na. Kasama din dito

    ang pagsali ng karahasan laban sa kababaihan bilang isang pangunahing usapin sa

    mga ahensya ng gobyerno. Dito malalaman kung nabibigyan ba ng puwang ang usapin

    na ito sa mga sangay ng pamahalaan. Base dito, matutukoy ang pagiging epektibo,

    agaran at pantay na tugon.

    Ang pangalawang elemento ay may kinalaman sa pang-sosyal na usapin. Ayon

    kay Gabas, ang mga sosyal na indikasyon ay maiintindihan bilang isang kwaliteytib na

    gabay ng isang penomenon. Ang tunggalian ngayon ay kung paano ito mailalapat sa

    kaso ng mga panggagahasa. Ang mga bagay na ito ay magagamit upang matunghayan

    ang pagkakaroon ng koneksyon ng biktima at ng awtoridad. Sinasaad din nito na ito

    ang tutukoy sa mga problemang sosyal na tututukan ng isang gobyerno. Ang mga

    sosyal na indikasyon na ito ay nais din matukoy ang deskripsyon at mesyur ng

    multidimensional na epekto ng panggagahasa sa buhay ng biktima. Ang mga

    kagamitang inilalapat dito ay ang paggawa nga polisiya, pagpaplano nito at

  • 15 | ESTOLE

    pagmomonitor nito. Ang mga ito ay buhat sa mga teyorya na ginagamit sa pag-aaral ng

    karahasan laban sa kababaihan. Kasama din dito ang mga bagay na direktang

    sinusukat ang penomenon ng panggagahasa.

    Ang mga bagay na nabanggit ay inaasahang gagabay sa mananaliksik na

    mahanap ang kasagutan sa pangunahing katanungan na, “Ano ang pamamaraan ng

    awtoridad sa pagtugon sa mga kaso ng panggahasa?”

    PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

    Disenyo ng Pananaliksik

    Sa kagustuhan ng mananaliksik na manahanap ang tunay na kasagutan sa

    paksa ng pag-aaral, titingnan ng mananaliksik kung ano nga ba ang sitwasyon ng

    biktima at ng awtoridad na siya dapat humahawak sa kasong panggagahasa.

    Makakatulong ang paggamit ng descriptive research method ang mananaliksik upang

    malaman ang kasalukuyang estado ng paksang pinagaaralan. Dito malalaman nang

    mas higit ang dahilan sa isang pangyayari. Importante sa ganitong uri ng pananaliksik

    ang isang malinaw at malawak na pang-unawa sa paksang pinag-aaralan.

    Ang critical social science na pag-aaral ay lumalayon na halukayin ang mga isyu

    na pumapaloob sa isang pangunahing konsern. Ito ay naglalagom na ungkatin ang mga

    natatagong istraktura ng hindi pagkapantay-pantay sa ating lipunan. Ang mga biktima

    ng panggahasa ay nasa ilalim ng pag-aaral na ito. Sa bawat hakbang na

    pinagdadaanan ng biktima, makikita ang mga indicators ng pagiging epektibo, pantay at

    agaran ng awtoridad. Dito malalaman kung ano nga ba ang kanilang naging tugon at

    gamit ang critical social science na diskusyon, mahahalukay ang mga nakatagong

    istraktura ng hindi pagpantay-pantay na tugon ng pamahalaan.

    Metodolohiya ng Sampling

    Ang mananaliksik ay nag-lalayon na magkaron ng iba’t ibang anggulo tungkol sa

    mga pamamaraan ng mga awtoridad. Ang mananaliksik ay kakalap ng impormasyon

  • 16 | ESTOLE

    mula sa dalawang uri ng nabiktima ng panghahalay. Ang sampling ay mga kababaihan

    na nagmula sa magkaibang antas ng lipunan. Gagamit ang mananaliksik ng random

    sampling.

    Upang malaman kung sino ang maaaring pagmulan ng impormasyon, humanap

    ang mananaliksik ng mga kaso ng panghahalay na nabigyan ng aksyon at mga kasong

    hindi pa nabibigyan ng tamang tugon. Ito ay maaaring sa mga talaan ng iba’t ibang

    ahensiya ng gobyerno. Mayroon talaan ang mga non-govermental na organisasyon.

    Katulad ng Commission on Women’s Resources at Gabriela. Sa sangay naman ng

    gobyerno, nariyan ang mga Women’s Desks na maaaring magpresinta ng kanilang mga

    dokumentong puwedeng magpagkuhanan ng impormasyon tungkol sa mga kaso ng

    panggagahasa. Hihingian ng permiso ng mga pulis na nakatalaga sa seksyon na ito

    ang biktima kung sila ay magpapaunlak ng isang panayam. Kapag sumang-ayon na

    ang mga ito, saka bibigyan ng permiso ng awtoridad ang mananaliksik upang

    makapanayam ang mga ito.

    Nagkaroon ng batayan kung sino ang kukuhanan ng panayam. Una ay ang lugar

    ng biktima. Saan nga ba matatagpuan ang biktima ay pangunahing alalahanin.

    Sapagkat ito rin ang magbibigay hudyat kung nasa tamang pagkakataon nga ba upang

    sila ay makuhanan ng panayam. Ang pinagmulan ng biktima ay isa sa mga magiging

    kosiderasyon. Pangalawa ay ang lagay biktima sa kasalukuyan. Ito ay nagsilbing

    patnubay sa naging pahayag ng kinapanayam.

    Pamamaraan ng Pagkolekta ng Datos

    Ang mananaliksik ay gumamit ng tatlong klase ng pagkalap ng datos. Ito ay ang

    mga key informant interview, narrative-taking at pagtuklas sa mga talaan. Ang isang key

    informant interview ay naglalayon na magkaroon ng harapang pagpapalitan ng

    impormasyon mula sa isang indibidwal na may sapat na kaalaman sa kasong pinag-

    uusapan. Magmula sa mga biktima ng panggagahasa hanggang sa mga taong nasa

    posisyong pang-pamahalaan. Ang narrative-taking ay isang uri ng pakalap ng datos na

  • 17 | ESTOLE

    may ugnayan sa naunang nabanggit. Hindi lamang basta interbyu ang magaganap dito.

    Ang mga naunang impormasyon galing sa key informant interview ay maaaring

    mapalagom sa narrative-taking. Ang mga taong makakapanayam ng mananaliksik ay

    magbabahagi ng kani-kanilang kuwento ukol sa karanasan nila sa mga kaso ng

    pangagahasa.

    MGA NATAGPUAN SA PANANALIKSIK

    Dahil sa pagiging maselan na paksa, nahirapan ang mananaliksik na makakuha

    ng mga panayam mula sa mga biktima ng panggagahasa. Naghanap ito sa mga

    institusyon na maaaring mayroong talaan ng mga biktima. Ngunit sa pagkakaroon ng

    mga talaan na ito, walang kasiguraduhan kung mayroong tutugon sa bawat paanyaya

    ng mananaliksik. Ang mga panayam ay nagbuhat sa mga biktima na nagpaunlak na

    makipag-usap. Hindi naging madali ito sa mananaliksik dahil sa isiping maaaring

    magdulot ng iba’t ibang resulta ang panayam na isasagawa. Kaya para maging

    komportable ang bawat isa, isinama ang magulang o gabay ng biktima.

    Inilatag ang iba’t ibang mga katanungang kung saan mabibigyan ng paglilinaw

    kung ano ang nangyari sa kaso at kung nabigyan ba ito ng hustisya. Sa pag-aaral na

    ito, hindi ibibigay ang totoong mga pangalan ng mga biktima. Ito ay ayon na din sa

    kanilang kagustuhan na itago ang kanilang tunay na pagkatao. Sa halip sila ay

    nagbigay ng mga pangalang na maaaring magrepresenta sa kanila. Ang unang

    nakuhanan ng panayam ay si “Rose”, ang pangalawa ay si “Dina” at ang panghuli ay si

    “Marisa”. Ang mga pangalang ginamit ay hindi tunay, ito ay upang mapangalagaan ang

    kanilang tunay na identidad.

    Karanasan sa Panggagahasa at Tugong Pinili ng Biktima

    Si “Rose” ay biktima ng panggagahasa noong siya ay nasa edad dalawampu.

    Ayon sa kanya, mahirap balikan kung ano ang naging kanaranasan niya noong

    panahong nangyari ang panghahalay. Ngunit patuloy na bumabalik sa kanyang isipian

  • 18 | ESTOLE

    kung ano ang masamang nangyari sa kanya noong panahon na iyon. Ang sitwasyon ni

    “Rose” ay hindi isang ordinaryong eksena. Ang krimen na kanyang naranasan ay hindi

    agad naisuplong sa awtoridad. Sa kanyang pahayag, siya ay natatakot sa magiging

    resulta kapag siya ay nagsumbong. Ito ay hindi sa kadahilanang kilala sa lipunan ang

    nanggahasa sa kanya. Naisip niyang, “Para saan pa, wala naman na akong

    mapapala. Nangyari na eh. Saka, wala na akong mahahabol.” Isang pang dahilan

    umano kung bakit hindi agad siya pumunta sa kapulisan ay ang pag-aalalang balikan

    siya ng gumahasa sa kanya. Sabi ni “Rose”, inakala ng suspek na siya ay patay na.

    “Suwerte na nga ako eh, dahil buhay pa ako ngayon.” Sa halip na siya ay lumapit

    sa kapulisan, siya ay unang dumulog sa isang pampublikong ospital. Pinili niyang

    sumailalim sa isang medikal na atensyon. Napatunayang nagkaroon ng pagkapunit sa

    kanyang ari na resulta ng panghahalay sa kanya. Ang pangyayaring ito ang

    nakapagpakumbinsi sa kanyang mga magulang na ilapit ang kanyang kaso sa

    awtoridad.

    Ang pangalawang kaso ay kay “Dina”. Sabi niya, “Mahirap ulit-ulitin kung ano

    yung nangyari sa akin. Masakit.” Nasa tamang pag-iisip siya noong siya ay

    nagahasa. Ayon sa kanya, “Hindi ako makapalag, ang dami nilang may hawak sa

    akin. Yung isa nakadagan. Yung isa sinasabunutan pa ako.” Salit-salitan umano

    ang mga nanggahasa sa kanya. At dahil sa grupo ng mga kalalakihan ang gumahasa

    sa kanya, hindi siya makalaban. Nangyari ang lahat na ito noong siya ay pauwi galing

    sa trabaho. Ang kaso ni “Dina” ay kaagad na naisumbong sa awtoridad. Nagpasya ang

    kanyang mga magulang na aragang ireport ang nangyari.

    Si “Marisa” naman ay iba din ang kaso. Una na dito na kamag-anak niya ang

    gumawa ng krimen sa kanya. At hindi lamang isang beses ito nangyari, naging paulit-

    ulit ang panggagahasa sa kanya. Ayon kay “Marisa”, “Hindi lang isang beses akong

    hinalay noong lalaking iyon. Halos araw-arawin nga eh.” Tumagal ng ilang beses

    ito dahil sa takot ni “Marisa” na magsumbong sa awtoridad. Ayon sa kanya, hindi niya

    magawang magsuplong dahil sa alam niyang magdudulot ito ng malaking problema sa

  • 19 | ESTOLE

    kanilang pamilya. Sa kanyang pahayag, kilala umano kasi siya sa kanilang lugar bilang

    isang lagalag. Aminado siyang nagkaroon na siya ng madaming karelasyon. Isa umano

    ito sa kanyang dahilan kung bakit posibleng hindi siya paniwalaan ng kanyang mga

    magulang. Isang pangyayari ang naging dahilan kung paanong naisuplong ang

    kanyang kaso. Ayon kay “Marisa”, “Nahuli sa akto ni mama yung nangyayari,

    nakapatong pa sa aking yung pinsan.” Dahil dito, dumiretso sila sa awtoridad upang

    isaad ang nangyaring iyon.

    Prosesong Pinagdaanan at Opinyon sa Tugong Ibinigay ng Awtoridad

    Sa paglapit ni “Rose” sa awtoridad, sila ay kaagad nabigyan ng atensyon. Ang

    pulis na nakatalaga noong panahon na iyon ay nagsilbing pag-asa para sa kanilang

    pamilya. Naging isyu ang hindi agad nila pagsuplong sa mga pulis. Ang naging pahayag

    daw ng pulis na umasikaso sa kanila ay maaaring maging mahirap at matagal bago

    magkakaroon ng solusyon ang kanilang kaso. Una na dito ang panahong lumipas bago

    sila lumapit. Gayunpaman, ipinagpatuloy nila “Rose” ang pagsampa ng kaso. Ang

    tanging paninanghahawakan ng kanilang pamilya ay ang medical record kung saan

    nagpatingin agad si “Rose” sa doktor.

    .

    Noong tinanong si “Rose” sa naging durasyon ng kanilang kaso, kanyang sinabi

    na hindi na ata ito matatapos. “Limang taon na ang nakaraan ngunit hanggang

    ngayon, wala pang malinaw na patutunguhan ang ipinaglalaban ko,” pahayag ni

    “Rose” sa naging panayam sa kanya. Lumaki lamang daw nang lumaki ang kanilang

    gastos dahil sa pabalik-balik na pag-alam kung mayroon bang pag-usad ang kanilang

    isinampang kaso. Hanggang ngayon daw ay hindi pa nahahanap ang taong may sala

    sa kanya. Hindi alam ni “Rose” kung mabibigyan pa ng hustisiya ang nangyari.

    Ang kaso naman ni “Dina” ay napaalam sa awtoridad matapos mangyari ang

    krimen. Kasama ng kanyang mga magulang, pumunta sila sa presinto upang ipahayag

    ang nangyari sa kanya. Agad silang nagsampa ng kaso at sumailalim sa mga hakbang

    na kailangan upang maproseso ito. Hindi naging madali para sa kanya ang nangyari.

  • 20 | ESTOLE

    Ang kaso na kanyang isinampa ay umusad patungo sa tamang direksyon.

    Nakapaghanap umano ng mga ebidensiya ang mga pulis laban sa mga gumawa nito

    kay “Dina”. Ito ay napagtibay ng pagkakilala ni “Dina” sa isa sa mga suspek. Sa grupo

    ng gumahasa sa kanya, dalawa pa lang ang nakakulong. Hindi pa din nahahanap ang

    iba pang may sala. Ayon kay “Dina”, “Hindi na ako umaaasa na mahuli pa yung mga

    iyon. Pero ang pagkakulong ng ilan sa kanila ay hindi sapat.” Para sa kanya, hindi

    pa doon natatapos ang lahat. “Gusto kong magdusa ang lahat ng gumawa noon sa

    akin.” At hanggang hindi pa iyon nangyayari, hindi pa niya masasabing may hustisiya

    nga.

    Sa lahat ng mga nakapanayam, isa lamang ang nabigyan ang tuluyang

    natuldukan. Ang kaso ni “Marisa” ay natapos noong naipakulong ang kanyang pinsan.

    Naging maiksi ang durasyon ng kanyang kaso dahil na din sa kilala nila ang may gawa

    nito. At hindi na ito nabigyan pa ng pagkakataong makatakas. Agad na naparusahan ito

    at nasentensiyahan. Ayon kay “Marisa”, “Nahuli nga yung pinsan ko, mabilis yung

    nangyari. Pero hindi ibig sabihin noon okay na ako sa ginawa niya.”

    Panig ng Awtoridad

    Isa pang nakapanayam ng mananaliksik ang isang awtoridad na miyembro ng

    women’s desk sa isang barangay sa Taguig City. Inilahad nito ang tamang proseso

    kapag mayroong nagsasampa ng kaso ng panggagahasa sa kanilang tanggapan.

    Una sa listahan ang pagtanggap sa biktima. Ang awtoridad na nasa duty ng

    panahon na iyon ay kailangan magsagawa ng tamang imbestigayon. Kasama na

    umano dito ang pagdodokumento ng pahayag ng biktima at pagkuha sa mga

    ebidensiya na maaaring makatulong sa kaso. Pagkatapos nito ay ang pagrekomenda

    ng pulis sa isang pinaka-malapit na ospital upang sumailalim sa isang medico-legal na

    pagsusulit. Sa lahat ng prosesong pagdadaanan ng biktima, hihilingin ang presensiya

    ng magulang o kung sino man ang gumagabay sa biktima. Ang lahat ng mga taong ito

    ay may pahintulot mula mismo sa biktima. Sa bawat kaso, isinasaalang-alang palagi

  • 21 | ESTOLE

    ang identidad ng biktima at ibang indibidwal na may kinalaman sa kaso. Hindi din

    pinapahintulutan ang paglabas nito sa media.

    Ang pangalawang yugto ay ang magrekomenda sa biktima sa mga social worker

    o maaari din sa mga tanggapan ng DSWD. Ang mga ito ang magbibigay ng pang-

    sosyal na interbensyon at ibang programa na maaaring makatulong sa biktima. Ang

    report ng imbestigasyon kalakip ang mga ebidensiya ay ipapasa sa prosekyutor upang

    pinal na isampa ang kaso. Kasama din dito ang mga pahayag na mga saksi kung

    mayroon man at pati na din ang resulta ng medico-legal. Ayon din sa officer na

    nakapanayam ng mananaliksiik, isa sa mga importanteng hakbang ay ang pag-isyu ng

    protection order sa biktima. Ito ang magsisilbing panangga ng biktima laban sa mga

    suspek o ibang tao na maaari pang makapanakit sa kanya. Maaari silang manatili sa

    kanilang tirahan kung mayroong kasiguraduhan na sila ay ligtas doon. Sa

    pagkakataong hindi pa nahuhuli ang may sala, maaari silang humingi ng tulong sa mga

    pulis para makalipat sa mas ligtas na lugar.

    Ang paglabas ng warrant of arrest ay kaagad na isasagawa pagkatapos na

    pormal na maisampa ang kaso. Habang hindi pa nahuhuli ang may sala, ang tanging

    magagawa ng biktima ay ang magmonitor sa pag-usad ng kaso. “Hindi palaging

    agaran ang magiging resulta ng isang kaso. Maraming bagay ang puwedeng

    makaapekto sa magiging resulta nito,” ayon sa pulis na nakapanayam ng

    mananaliksik.

    Opinyon Tungkol sa Panggagahasa at Mga Epekto sa Biktima

    Para kay “Rose”, ang pagiging isang biktima ng panggagahasa ay magdudulot

    sa kung ano ang magiging tingin sa inyo ng tao. Ayon sa kanyang mga magulang, ang

    krimeng natamasa ni “Rose” ay isang patunay na mayroong mga taong handang mang-

    samantala para lamang mabigyan ng satispaksyon ang kanilang sariling pagnanasa. Sa

    kanyang pagtingin, ang panghahalay ay isang uri ng hindi pagrespeto sa isang tao.

    Hindi lamang karapatan ang nilalabag nito, pati na din ang buong pagkatao ng biktima.

  • 22 | ESTOLE

    Ngayon ay nagsisimula ng magpatuloy si “Rose” sa kanyang buhay. Ang epekto sa

    kanya ng naging karanasan ay nagbigay ng lamat ngunit para daw itong sugat na

    maghihilom sa takdang panahon.

    Ang kaso naman ni “Dina” ay nagpapatunay na kayang lumaban ng isang babae.

    Ayon sa kanya, ang naging karanasan niya bilang biktima ng panggagahasa ay naging

    tanda na kahit anong pagdaanan ng isang tao sa buhay, hindi dapat siya sumusuko at

    dapat patuloy lamang ang laban. “Tuloy lang ang buhay. Lahat naman ng tao may

    pagsubok na kahaharapin, nagkataon nga lang na mahirap at sobrang sakit

    noong sa akin.”

    Si “Marisa” naman ay kasong parang nakalimutan na. Nabigyan ng hatol ang

    nanggagahasa sa kanya, ngunit hindi ito naging daan upang siya ay tumungo sa landas

    na matuwid. Siya ngayon ay nagtatrabaho na sa isang klab sa Pasay bilang isang

    bayarang babae. “Ganyan talaga. Wala na akong magagawa. Sino bang tatanggap

    pa sa akin kung ganito na ako, diba?”

    Ang mga nakuhanan ng pahayag ang magsisilbing gabay upang masagot ang

    mga katanungan. Sa pamamagitan ng kanilang isinaad, tutuklasin ng mananaliksik

    kung ano nga ba ang tugon ng awtoridad sa mga kaso ng panggagahasa.

    DISKUSYON

    Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang maipakita ang tugon ng awtoridad sa

    bawat kaso ng panggagahasa na kanilang mahahawakan. Bawat pahayag ng mga

    nakapanayam ay ituturing na mahalagang datos na magiging dahilan upang makamit

    ang nasabing mithiin.

    Naging madali ang humingi ng panayam mula sa mga awtoridad. Hindi naging

    mahirap ang imbitahin sila upang maglaan ng kaunting oras para sa mga katanungang

  • 23 | ESTOLE

    inihanda ng mananaliksik. Ngunit, hindi ganito ang naging sitwasyon sa parte ng mga

    biktima ng panggagahasa. Hindi agad pagsang-ayon ang nakuha sapagkat ang usapin

    ng pangagahasa ay itinuturing nilang nakaraang hindi na dapat balika.

    Batay sa mga naging pahayag, pare-pareho ang mga ito ng pagtingin sa

    pangagahasa. Sinasabi nila na bilang isang babae, ang panggagahasa ay isang porma

    ng paglabag sa karapatan ng mga kababaihan. Ito ay isang konkretong manipestasyon

    ng karahasan laban sa kababaihan. At hindi lamang ito basta paglabag, ito ay isang uri

    din ng pagpapakita kung ano nga ba tingin sa kababaihan. “Ang pagiging babae pa

    nga lang ay nagbibigay na ng depenisyon kung ano ang estado mo sa isang

    lipunan, paano ba kaya kapag nagawan ka ng karahasan tulad ng

    panggagahasa?”, ayon kay “Rose” na isang biktima ng panghahalay. Kahit kaninong

    lente ito tingnan, ang panghahalay ay isang gawain na nagdudulot ng iba’t ibang

    resulta.

    Awtoridad Bilang Hindi Pangunahing Solusyon

    Aasahan ng isang tao na kapag may nangyari sa kanyang masama, unang

    gagawin ay ang magsuplong sa kinauukulan. Ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit

    hindi nila agad inilapit ang kanilang kaso sa awtoridad. Sa kaso ni “Rose” at “Marisa”,

    nanguna ang takot na baka walang magawa ang awtoridad upang sila ay proteksyunan

    laban sa mga gumawa sa kanila ng krimen. Hindi agad nila inilapit ang kanilang kaso

    dahil sa pangunahing kaalamang hindi sila matutulungan ng mga nasa awtoridad.

    Unang lumapit si “Rose” sa isang doktor sa pag-aakalang sapat na umanong

    hakbang iyon. Sa resulta ng ckeck-up nakitang totoo ang nangyari kaya ito ang

    nagsilbing dahilan ni “Rose” para magsumbong. Si “Marisa” naman ay piniling

    manahimik. Bilang ang may kagagawan ng krimen ay isang kamag-anak, inisip niyang

    kaya itong lusutan niyon. At kanyang repustasyon bilang isang lagalag, inakala niyang

    ang awtoridad ay magsisilbi lamang umanong dagdag problema sa kanya.

  • 24 | ESTOLE

    Ang kaso naman ni “Dina” ay nasa kabilang panig. Ang sumbong sa awtoridad

    ang nakita niyang pinaka-mainam na solusyon para mabigyan ng hustisiya ang

    nangyari sa kanya. Makikita dito na ang papel ng awtoridad ay hindi pare-pareho sa

    lahat ng pagkakataon. Sa pag-aakala ng mga nasa posisyon na sila ang tagapag-

    patupad ng hustisiya, para sa dalawang biktima na ito, nagkakamali sila. Nakita nila

    “Rose” at “Marisa” na ang mga awtoridad ay hindi laging unang solusyon kapag may

    krimeng nangyari.

    Dahil sa maraming opinyon na nakaapekto sa pag-iisip ng mga biktima, lahat sila

    ay dumulog sa awtoridad. Hindi man agaran, ang lahat ng nakapanayam ay lumapit sa

    mga kapulisan.

    Tugong Agaran, Epektibo at Pantay

    Para sa mga awtoridad, nakikita nila na ang panggagahasa ay paglabag sa

    batas. At ang batas na ito ay tumutukoy sa mga kababaihan bilang isang indibidwal na

    may karapatan na hindi dapat gawan ng karahasan. Para sa kanila, kung ano ang nasa

    batas, iyon ang tama. Kung ano ang nasa batas, iyon dapat ang maging gabay nila sa

    bawat paghawak ng kaso.

    Dito makikita ang tugon ng mga awtoridad. Mayroong positibong tugon,

    mayroong negatibo. Kailan nga ba masasabing positibo? Ayon sa pulis na nakuhanan

    ng panayam, kapag ginawa ng isang pulis ang nakaatang na responsibilidad,

    masasabing positibo ito. Sapagkat, ang pagsunod sa bataas ang tanging tama para sa

    kanila. Sa perspektiba ng mga biktima, masasabing positibo kapag mayroong pag-usad

    sa kasong kanilang isinampa. Ang pag-usad na ito ay magmula sa pagbigay sa kanila

    ng atensyon hanggang sa mahatulan na ang mga may sala. Nagiging negatibo ito batay

    sa tatlong element. Una ang pagiging agaran ng buong proseso ng kaso, pangalawa

    ang pagiging pantay nito at ang pangatlo ang pagkakaroon ng karapatdapat na

    desisyon.

  • 25 | ESTOLE

    Ang una ang pagiging agaran ng kaso. Batay sa inilhad na proseso ng awtoridad

    na nakapanayam, nakabatay ang pag-usad ng kaso sa pakikipagtulungan ng biktima.

    Batay sa salaysay nito ang magiging resulta ng kaso. Ang pormal na pagsampa ay

    maaaring maging matagal kung magiging matagal din ang magiging pangunahing

    imbestigayon. Para naman sa mga biktima, ang agaran ng kaso ay batay sa

    pagtanggap ng mga taong nasa posisyon. Paano nga ba tiningnan ng awtoridad ang

    kaso ng panggagahasa. Sa isang tanggapan ng awtoridad, ang pagtingin sa

    panghahalay bilang isang pangunahing problema ay nagbibigay dahilan upang maging

    agaran ang kanilang tugon dito. Ang pang-sosyal na mga elemento ay nakakapekto sa

    kung gaano agaran ang resulta ng kaso.

    Ang pagiging pantay nito ay batay pa din sa kung ano ang nasa batas.

    Sinasabing ang batas ay dapat na inilalapat sa bawat isa nang may pantay na trato.

    Ang estado sa buhay ay hindi maaaring maging dahilan upang magkaroon ng iba’t

    ibang desisyon sa isang kaso. Ngunit hindi ito ang naging sitwasyon sa ating mga

    biktima. Sila “Rose” ay galing sa isang ordinaryong pamilya at ang kanyang kaso ay

    wala pang pinapatunguhan hanggang ngayon. Si “Dina” na nabiktima ng gang rape ay

    buhat sa isang may kayang pamilya. Hindi lahat ng kasali sa grupo na humalay sa

    kanya ay naikulong na. Si “Marisa” naman ay galing din isang ordinaryong pamilya.

    Ngunit hindi ito nakaapekto dahil sa naikulong naman agad ang may sala.

    Masasabing epektibo ang naging desisyon sa kaso kung sa tingin ng biktima ay

    nabigyan ng hustisiya ang nangyari sa kanya. Ang isang ito ay matutukoy batay sa

    resulta ng kaso. Kung sa sitwasyon na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng

    katarungan ang nangyari sa biktima ng pangagahasa, hindi pa natin masasabi kung

    karapatdapat nga ba ito. Bawat isa sa atin ay may karapatang mabuhay ng naaayon sa

    gusto nitong paraan. Hindi pinili o ginusto ng mga biktima ang mahalay sila. At

    karapatdapat naman na mabigyan ng hustisiya kung ano man ang nangyari sa kanila.

  • 26 | ESTOLE

    KONKLUSYON

    Ang pag-aaral na ito ay laan para sa mga biktima ng panghahalay. Hindi lamang

    ito mga kaso kung saan may api at may nang-api. Ang kaso ng panghahalay ay

    nagpapakita na hindi lahat ng kababaihan sa ating lipunan ay kayang labanan ang mga

    taong nais magsamantala sa kanila. Ang mapang-aping sistema kung saan nakapaloob

    ang kaso ng panghahalay ang nagsisilbing batayan kung agaran, epektibo at pantay

    ang natatamong resulta ng bawat biktima. Hindi lamang mismo mga gumawa ng

    panghahalay ang nang-api sa sitwasyon na ito, kung hindi pati na din ang mga tagapag-

    patupad ng batas na hindi ginagampanan ang kaso.

    Batay sa mga nasaliksik, ang pagiging agaran, pantay at karapatdapat na tugon

    sa mga kaso ng panggagahasa ay isang tungkulin ng awtoridad. Nandiyan ang batas

    na gumagabay sa kanila at ang gobyerno na nagsisibilbing tagapag-tanggol ng bawat

    isa. Mahirap tunggaliin ang mga nasa posisyon lalo na kapag ikaw ay itinuturing na

    isang bulnerable. Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng panggagahasa ay

    nagsisilbing hudyat upang ito ay mapabilang sa mga isyung dapat pag-tuunan ng

    pansin. Araw-araw ay laman ng balita ang iba’t ibang anggulo ng panggagahasa. Isa

    itong indikasyon na ang karahasan laban sa kababaihan ay laganap kahit na may mga

    umiiral na batas laban dito. Ang pagtugon ng awtoridad ay maaaring maging basehan

    kung bakit nga ba dumadami ang mga kasong ito. Wari’y hindi tinitingnan bilang isang

    nakakatakot na bagay ang pagkakaroon natin ng batas ukol dito. Isama na ang mga

    indibidwal at organisasyong patuloy na lumalaban sa karahasan sa kababaihan.

    Inaasahan ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay nagsilbi at magsisilbing

    isang paraan upang maiparating ang layunin na mamulat hindi lamang ang awtoridad

    kung hindi pati din ang lahat tungkol sa usapin ng karahasan laban sa kababaihan lalo

    na ang panggagahasa.

  • 27 | ESTOLE

    BATIS

    (2006). Anti-rape law of 1997 and rape victim assistance and protection act of 1998.

    San Miguel, Manila: National Commission on the Role of Filipino Women.

    Retrieved from http://philippinetourism.ph/filer/RA_8505_and_8353_anti-

    rape_law.pdf

    Bautista, C. C. (1998). Sexual harassment: Bridging the gender divide. 73, 122-151.

    Retrieved from http://law.upd.edu.ph/plj/images/files/PLJ volume 73/PLJ volume

    73 number 1 -04- Chrysilla Carissa Bautista - Sexual Harassment.pdf

    Bautista, V. (2001). Gender violence : its socio-cultural dimensions. Quezon City:

    University Center for Women's Studies,University of the Philippines.

    Brownmiller, S. (1975). Against our will : men, women, and rape. Toronto, Canada:

    Bantam.

    Department of Health, (2006). Violence against women. Retrieved from VIOLENCE

    AGAINST WOMEN website: http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/VAW.pdf

    "Dina". (2013, February 11). Interview by G.R. Estole [Personal Interview]. Karanasan

    sa panggagahasa.

    GMA News Research. (n.d.). High-profile rape cases in the philippines. Retrieved from

    http://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rj

    a&ved=0CB4QFjAA&url=http://images.gmanews.tv/pdf/subic-rape-case/High-

    Profile-Rape-Cases-in-the-

    Philippines.doc&ei=hO1WUJT5K6HumAWEkIGIBA&usg=AFQjCNG9PoZqWp1X

    jnsqIC8YFmofrgLE3g&sig2=MTHz-HalYPZ04W2uselcwA

    http://philippinetourism.ph/filer/RA_8505_and_8353_anti-rape_law.pdfhttp://philippinetourism.ph/filer/RA_8505_and_8353_anti-rape_law.pdfhttp://www.doh.gov.ph/sites/default/files/VAW.pdfhttp://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rja&ved=0CB4QFjAA&url=http://images.gmanews.tv/pdf/subic-rape-case/High-Profile-Rape-Cases-in-the-Philippines.doc&ei=hO1WUJT5K6HumAWEkIGIBA&usg=AFQjCNG9PoZqWp1XjnsqIC8YFmofrgLE3g&sig2=MTHz-HalYPZ04W2uselcwAhttp://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rja&ved=0CB4QFjAA&url=http://images.gmanews.tv/pdf/subic-rape-case/High-Profile-Rape-Cases-in-the-Philippines.doc&ei=hO1WUJT5K6HumAWEkIGIBA&usg=AFQjCNG9PoZqWp1XjnsqIC8YFmofrgLE3g&sig2=MTHz-HalYPZ04W2uselcwAhttp://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rja&ved=0CB4QFjAA&url=http://images.gmanews.tv/pdf/subic-rape-case/High-Profile-Rape-Cases-in-the-Philippines.doc&ei=hO1WUJT5K6HumAWEkIGIBA&usg=AFQjCNG9PoZqWp1XjnsqIC8YFmofrgLE3g&sig2=MTHz-HalYPZ04W2uselcwAhttp://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rja&ved=0CB4QFjAA&url=http://images.gmanews.tv/pdf/subic-rape-case/High-Profile-Rape-Cases-in-the-Philippines.doc&ei=hO1WUJT5K6HumAWEkIGIBA&usg=AFQjCNG9PoZqWp1XjnsqIC8YFmofrgLE3g&sig2=MTHz-HalYPZ04W2uselcwAhttp://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=1&cad=rja&ved=0CB4QFjAA&url=http://images.gmanews.tv/pdf/subic-rape-case/High-Profile-Rape-Cases-in-the-Philippines.doc&ei=hO1WUJT5K6HumAWEkIGIBA&usg=AFQjCNG9PoZqWp1XjnsqIC8YFmofrgLE3g&sig2=MTHz-HalYPZ04W2uselcwA

  • 28 | ESTOLE

    Littel, K., et al , (1998). Assessing justice system response to violence against women a

    tool for law enforcement, prosecution and the courts to use in developing

    effective responses. Violence Against Women Online Resources, Retrieved from

    http://www.vaw.umn.edu/documents/promise/pplaw/pplaw.html

    "Marisa". (2013, January 21). Interview by G.R. Estole [Personal Interview]. Karanasan

    sa panggagahasa.

    Myhill, A., & Allen, J. (2002). Rape and sexual assault of women: the extent and nature

    of the problem. (237 ed.). England: Research, Development and Statistics

    Directorate. Retrieved from

    http://help.northwest.nhs.uk/storage/library/Rape_and_sexual_assault_of_wome

    n_-_crime_survey.pdf

    Ocasiones, L. (2007). The lives of women in militarized zones. Philippine Social

    Sciences Review, 58(1), 21-50. Retrieved from

    http://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/issue/view/154

    Philippine Commission on Women. Guidelines in the establishment and management of

    a referral system on violence against women at the local government unit level.

    (pp. 1-90). Metro Manila: Philippine Commission on Women.

    Regan, L., & Kelly, L. (2003). Rape: Still a forgotten issue. London, United Kingdom:

    London Metropolitan University. Retrieved from

    http://www.rcne.com/downloads/RepsPubs/Attritn.pdf

    "Rose". (2013, March 07). Interview by G.R. Estole [Personal Interview]. Karanasan sa

    panggagahasa.

    http://help.northwest.nhs.uk/storage/library/Rape_and_sexual_assault_of_women_-_crime_survey.pdfhttp://help.northwest.nhs.uk/storage/library/Rape_and_sexual_assault_of_women_-_crime_survey.pdfhttp://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/issue/view/154

  • 29 | ESTOLE

    Santos, S. M., Llarinas-Angeles, M., & Ador., R. M. (2001). Justice and healing : twin

    imperatives for the twin laws against rape. Quezon City: Philippine Legislators'

    Committee on Population and Development.

    Sexual Violence and Research Initiative. (2007). Rape: how women, the community and

    the health sector respond. Geneva, Switzerland: World Health Organization.

    Retrieved from http://www.svri.org/rape.pdf

    Smith., (2004). Encyclopedia of rape.), (1 ed., pp. 169-170). Connecticut: Greenwood

    Press. Retrieved from http://www.scribd.com/doc/33972380/Encyclopedia-of-

    Rape

    UN Women. (2012). Handbook for national action plans on violence against women.

    New York: United Nations. Retrieved from

    http://www.un.org/womenwatch/daw/vaw/handbook-for-nap-on-vaw.pdf

    University for Peace. (2000). A deeper look at violence against women (vaw): The

    philippine case.University for Peace: Peace and Conflict monitor, Retrieved from

    http://www.monitor.upeace.org/pdf/Violence Against Women in the

    Philippines.pdf

    Virola, R., & Encarnacion, J. (2009). Efforts of the philippine statistical system on the

    compilation of gender statistics. 1, Retrieved from

    http://www.unescap.org/stat/cst/1/CST1-INF7p-Philippines.pdf

    http://www.svri.org/rape.pdfhttp://www.scribd.com/doc/33972380/Encyclopedia-of-Rapehttp://www.scribd.com/doc/33972380/Encyclopedia-of-Rape

  • 30 | ESTOLE

    Apendiks 1. Pahintulot na Lumahok sa Pag-aaral

    Magandang araw!

    Ako po si Grizell R. Estole, isang magtatapos na mag-aaral ng University of the

    Philippines Manila sa ilalim ng kursong Agham Pampulitika. Kasalukuyan po akong

    nagsasawa ng pananaliksik tungkol sa pamamaraan ng pag-tugon ng awtoridad sa mga

    kaso ng panggagahasa. Parte ng pananaliksik ay pagkalap ng mga pangunahing

    karanasan.

    Ang layunin ng panayam ay upang makakalap ng impormasyon kaugnay ng

    usapin. Ang panayam ay iikot sa pagsagot ng mga katanungan ng mananaliksik na may

    koneksyon sa kung gaano kaepektibo, kapantay at kaagaran ang naging pagtugon ng

    awtoridad sa kaso ng panghahalay. Ang panayam ay maaaring magdulot ng

    panibagong takot. Maaaring manumbalik ang mga alaala ng nangyari. Sisiguraduhin

    ang kaligtasan ng bawat kakapanayamin. Sa pamamagitan ng pagbibigay karapatan sa

    partisipante kung anu-anong katanungan lamang ang kanyang nais sagutin. Kaugnay

    pa nito ay paghingi ng gabay mula sa mga magulang o kamag-anak ng iinterbyuhin. Ito

    ay upang maging palagay ang biktima habang ginaganap ang interbyu. Aakuin ng

    mananaliksik ang anumang mangyayari kapag nagkaroon ng hindi inaasahang

    problema. Pananatilihin ang pagiging anonymous at confidential ng isasagawang

    pagkalap ng datos.

    Sa paglagda, nagpapatunay ito na ang panayam ay naisakatuparan ng walang

    halong karahasan o pamimilit. At ito ay isinagawa ng may pahintulot mula sa

    partisipante. Lahat ng impormasyon makukuha ay pananatiling pribado at gagamitin

    lamang sa pag-aaral na nabanggit.

    Maraming Salamat!

    Pangalan at Lagda ng Katugon Petsa

  • 31 | ESTOLE

    Apendiks 2. Liham Pahintulot sa Panayam

    Magandang araw po!

    Ako po si Grizell R. Estole, isang magtatapos na mag-aaral sa kurso ng Agham

    Pampulitika mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Bilang parte po ng mga rekisito

    para kami ay makapagtapos, kinakailangan po naming magsagawa ng isang

    pananaliksik ukol sa kahit anong panlipunan o pambansang isyu.

    Sapagkat hindi na nalalayo sa akin ang isyu ng mga kababaihan dahil na rin ako

    ay nakagawa na ng iIang mga kaugnay na pananaliksik sa ibang mga asignatura, ang

    napili kong saliksikin ay ang pamamaraan ng pagtugon ng awtoridad sa mga biktima ng

    panggagahasa. Ang isasagawang pananaliksik ay naglalayong alamin kung ano ang

    sistema ang pinapatupad ng mga nasa pwesto upang matugunan ang nasabing isyu.

    Kaugnay nito, nais ko po sanang kunin ang inyong pahintulot na kayo ay

    makapanayam. Ito ay naglalayon na lubos ng pagkakaintindi sa mga pamamaraan ng

    awtoridad. Malaki po ang maitutulong ng inyong pahayag at sisiguraduhin po na

    magiging pribado ang magiging resulta nito. Kalakip ng liham na ito ay ang mga

    posibleng katanungan:

    1. Ano ang inyong pagtingin sa kaso ng panggagahasa?

    2. Paano nakakaapekto ang pagtingin na ito sa inyong pagtugon?

    3. Paano ninyo kinahaharap ang kaso ng panggagahasa?

    4. Anu-ano ang mga hakbang na maaaring maranasan ng biktima kung sakaling

    humingi ng tulong sa inyo?

    5. Umaanlisabay ba ito sa batas na mayroon ang Pilipinas patungkol sa

    panggagahasa o ito ay mga pamamaraan na naisasapraktika lamang?

    6. Gaano kahaba ang durasyon ng pagtugon sa ganitong uri ng kaso?

    7. Ano ang naging basehan sa naging desisyon sa kaso?

  • 32 | ESTOLE

    8. Ano ang naging feedback ng biktima sa naging paghawak ng kaso?

    9. Sa naging desisyon sa isang naturang kaso, masasabi bang nabigyan ng isang

    tunay na hustisiya ang naging resulta nito?

    10. Maliban sa mga naging pahayag, ano pa ang inyong maibabahagi tungkol sa

    ganitong usapin na patungkol sa kababaihan?

    Maaari niyo rin po akong kontakin ng pauna kung may iba pa kayong nais na

    malaman bago tumuloy sa panayam. Ang akin pong kontak number ay 09273133463.

    Maraming salamat po at ako po ay umaasa na mapagbibigyan ninyo sa aking

    kahilingan.

    Lubos na gumagalang,

    Grizell R. Estole

    BA Political Science

    University of the Philippines Manila

  • 33 | ESTOLE

    Apendiks 3. Gabay para sa Narrative Taking para sa Biktima ng Panggagahasa

    Unang parte:

    Pagpapakilala ng mananaliksik at ng kakapanayamin

    Pagsasatono ng magiging daloy ng usapan

    Maikling pagpapakahulugan sa layunin ng pananaliksik

    Ikalawang parte:

    Pagkukuwento ng mga Karanasan

    Patuloy na pagtatanong ukol sa mga naging karanasan ng mga biktima sa

    panggagahasa

    Pagkonsidera sa mga bagay na maaaring mangyari habang nangyayari ang

    pagsasalaysay

    Mga Gabay na Katanungan:

    1. Ano ang naging karanasan ninyo bilang isang biktima ng panggagahasa?

    2. Ano ang inyong naging pangunahing hakbang noong nangyari ang bagay na ito?

    a. Inyo bang ikinonsidera agad ang paghingi ng tulong mula sa mga awtoridad?

    b. Kung hindi, ano ang inyong ginawa?

    3. Ano ang naging tugon ng awtoridad dito kung kayo man ay nabigyan ng

    pagkakataon na makapagsuplong?

    a. Gaano katagal ang naging durasyon ng kaso simula sa paghingi ng tulong

    hagang sa ito ay matugunan?

    b. Kung nabigyan na ng desisyon, sapat na ba ito upang mabigyan ng hustisiya

    ang nangyari sa inyo?

    4. Ano ang naging epekto ng pangayayaring ito inyong kasalukyang kalagayan?

    5. Paano ninyo ito hinaharap ngayon?