thesis
DESCRIPTION
Filipino ThesisTRANSCRIPT
PAGKAHILIG NG MGA ESTUDYANTE SA AB AT CTHM
SA MATEMATIKA NG MGA PILING MAG-AARAL NG
UST AB AT CTHM
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng
Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik
Bacani, Desiree Joy G.
Baloloy, Jade Mirel D.
Del Campo, Patrick Joseph S.
Gigante, Mia Carmela C.
(1-ISA)
Marso, 2013
I
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na
pinamagatang Pagkahilig ng mga Estudyante sa AB at CTHM sa Matematika ng
mga Piling Mag-aaral ng UST AB at CTHM ay inihanda at iniharap ng pangkat ng
mga mananaliksik mula sa 1-ISA na binubuo nina:
Bacani, Desiree Joy G.Baloloy, Jade Mirel D.
Del Campo, Patrick Joseph S.Gigante, Mia Carmela C.
Tinanggap sa ngalan ng Departamento ng Filipino, Unibersidad ng Santo
Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Josephine H. VillegasPropesor
II
Pasasalamat
Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay hindi magagawa kung wala ang mga taong
handang tumulong at gumabay sa mga mananaliksik. Lubos ang pasasalamat ng mga
mag-aaral na gumawa ng pamanahong papel na ito
Unang-una sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng lakas ng pag-iisip at malakas
na paniniwalang makakaya nila itong tapusin.
Lubos din ang pasasalamat ng mga mag-aaral sa kanilang mga magulang na nag-
bigay ng kanilang tiwala sa kanilang mga anak upang matapos ang kanilang mga
hakbangin tungo sa kanais-nais na pamanahong papel gayundin sa kanilang pag-
unawa sa hindi pag-uwi sa tamang oras ng kanilang mga anak upang matapos ang
pamanahong papel.
Sa kanilang butihing guro sa Filipino 2, Gng. Josephine Villegas, na matiyagang
gumabay sa mga mananaliksik sa paggawa ng maayos na pamanahong papel, at
sa pagbibigay sa kanila ng sapat na oras upang matapos ang lahat ng mga ki-
nailangang gawin.
Malaki rin ang pasasalamat at kinikilala din ng grupong ito ang kanilang mga
kapwa mag-aaral na mayroong mabuting kalooban na nagbigay ng kanilang oras
upang sumagot sa pananaliksik lalo na kila Patricia Espino ng 1 Literature
(AB), Jeanette Wayne Juntilla at Patricia Anne Calip ng 1 Travel Manage-
ment (CTHM), Sujami Villalon ng 1 Asian Studies (AB) at Jared Mendoza ng
1 Industrial Design (CFAD) na tumulong sa paglikom ng mga magiging respon-
dante ng mga tanong sa nasabing pananaliksik.
III
Kinikilala rin ang kabaitan ng isa sa mga kamag-aral ng grupong ito na si Ben Ian
R. Garcia sa tulong na kanyang iginawad sa mga mananaliksik.
Muli maraming salamat sa inyo, nawa’y gabayan tayong lahat ng Poong MayKapal.
MGA MANANALIKSIK
Talaan ng Nilalaman
Pamagat IDahon ng Pagpapatibay IIPasasalamat IIITalaan ng mga Nilalaman IVTalaan ng mga Grap at Talahanayan V
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1
A. Panimula 1
B. Layunin ng Pag-aaral 2
C. Kahalagahan ng Pag-aaral 3
D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya 3
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 5
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 9
A. Disenyo ng Pananaliksik 9
B. Mga Tagasagot 9
C. Instrumento ng Pananaliksik 9
D. Tritment ng mga Datos 10
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 11
Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 21
A. Lagom 21
B. Kongklusyon 21
C. Rekomendasyon 22
Bibliyograpiya 23
Apendiks
IV
A. Sarbey-kwestyoneyr 25
B. Maikling Tala ng Buhay 26
Talaan ng mga Talahanayan at Grap
V
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO
Panimula
Mathematics is everywhere. Ang sikat na kasabihan na yan ang dahilan kung
bakit isa sa mga itinuturo sa atin mula sa ating pagkabata ay ang Matematika. Sa simula
ay mga simpleng numero lamang ang ating nakikita, ngunit habang patagal ng patagal
ang ating pag-aaral ng Matematika, ito ay nadadagdagan ng mga letra at ng mga kump-
likadong numero na siyang nagiging dahilan kung bakit ito humihirap. Subalit may mga
mangilan-ngilan na estudyante ang tila di nahihirapan sa asignaturang ito. Karamihan ng
mga estudyanteng ito ay binubuo ng mga kalalakihan kung kaya’t nabuo ang kaisipan na
ang mga kalalakihan ay higit na magaling sa mga babae pagdating sa Matematika.
Ayon sa pag-aaral ng University of Missouri ukol sa pagkakaiba ng mentalidad ng
babae at lalaki pagdating sa Matematika, ang pagtingin ng mga babae sa pag-aaral ang
nagbibigay sa kanila ng adbentahe upang makaangat sa lalaki. Ngunit sa pagdating ng
ika-anim na taon sa elementarya mas lumalaki ang pagitan ng lalaki sa babae sa Matem-
atika, sang-ayon sa lalaki.
Ayon kay Drew Bailey, isang Ph.D sa psychological science na nagmula sa
Unibersidad ng Missouri, ang pagkakaba lamang ng babae sa lalaki pagdating sa
nasabing paksa ay ang kanilang paraan ng pagsagot sa mga tanong dito. Mas madalas
sumagot ang mga lalaki kumpara sa babae ngunit mas madalas ding mali ang sagot. Sa
kabilang banda, mas mabagal sumagot ang babae ngunit mas madalas ay tama.
Ayon pa rin kay Bailey, “Ang pag-unlad ng mentalidad ng isang tao sa Matem-
atika ay kalahating practice makes perfect at kalahating perfect makes practice”.
Ayon naman kay David Geary, isa ring Ph.D sa psychological science sa M.U. at
kapwa manunulat ni Bailey sa isang pag-aaral, nakasalalay din sa magulang ang pagiging
kumportable ng isang bata sa mga numero at ang mga “basic math” bago pa man sila
mag-umpisa sa pag-aaral.
Ayon kay Werthem (1995), ang mga pagsubok na dapat harapin ng mga kababai-
han sa matematika ay tulad ng pagsubok upang pagbuksan ang mga kakababaihan sa
larangan ng pagpapastor. Hanggang ngayon, ang perspektibo ng karamihan ay ang
matematika ay para sa kalalakihan lamang at marami silang kilalang tao na may kaala-
man upang ilarawan at ipaliwanag ang puntong ito.
Ayon kay Fox-Keller (1985), kahit madali na lamang ngayon para sa mga
kababaihan na pumasok sa mga larangan na may kaugnayan sa matematika at agham
nagingibabaw pa din sa lahat ang kaisipan na ang mga kalalakihan pa rin ang lubos na
magtatagumpay at mahuhusay sa mga larangan ng matematika at agham at ang mga
kababaihan ay walang lugar para sa mga ganitong propesyon.
Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay may layuning maipakita ang pagkahilig ng mga mag-aaral a
Matematika na nagmula sa mga kursong CTHM at AB. Naglalayon din nitong masagot
ang mga katanungang sumusunod:
1. Simula ba pagkabata ang hilig ng mga mag-aaral sa Matematika?
2. Impluwensiya ba ang pagkahilig ng mga mag-aaral sa Matematika?
3. Ano ang dahilan kung bakit nagugustuhan o di nagugustuhan ng mga mag-aaral
ang Matematika?
4. Maari bang makaapekto ang pagkahilig sa Matematika sa pamamagitan ng mga
programang naglalayong mapataas ang antas ng pagkatuto sa Matematika?
5. Dapat bang nasa Inheriyang kurso lamang ang mga mahihilig sa Matematika?
6. Mayroon bang malaking parte ang Matematika sa pagpili ng mga kurso ng mga
mag-aaral?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, maipapakita ang kahalagahan ng Matematika sa isang mag-
aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas na nasa kursong hindi prayoridad ang nasabing
asignatura. Ipapakita rito kung ang Matematika ba o ang pagkahilig dito ay sadyang
naipapamana o maari ring naimpluwensiyahan lamang ang isang tao ng isa pa. Maari ring
maipakita sa pag-aaral na ito ang mga taong makaimpluwensiya kung sakali nga na ang
Matematika ay nakakahiligan dahil sa ibang tao. Dito, maipapa-alam din sa mga mag-
aaral ang mga kalakasan at kahinaang taglay ng Matematia sa kanilag kursong napili
bagamat hindi ito naka-sentro sa Matematika. Sa paghahanap ng trabaho, maari ring
maipakita sa pag-aaral na ito kung ang Matematikang hilig o nakahiligan na lamang nila
ay makakapagbigay ng bentahe sa paghahanap nila nito. Ngunit, ang pinakapunto ay up-
ang maipakita ang bilang ng mga estudyante na bagamat hindi pumasok sa Pakultad ng
Inhenriya o Arkitetura -na dalawang kurso na mataas ang pagpapahalaga sa Matematika-
ay may angking kagalingan sa Matematika, namana ba nila ito o nakahiligan dahil sa im-
pluwensiya ng isa o grupo ng mga tao. Dito rin magkakaroon ng ideya at pag-asa ang
isang estudyante na makaintindi kung hindi man sila magaling sa Matematika.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon upang maipakita ang kahalagahan ng Matem-
atika sa isang mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas na nasa kursong hindi prayori-
dad ang nasabing asignatura. Gayong alam na ng karamihan at mayroon na ring nailabas
na pananaliksik, na ang mga kalalakihan ay mas nakakaangat sa mga kababaihan pagdat-
ing sa Matematika, babae na nasa kursong CTHM at AB ang sasakupin lamang ng pag-
aaral na ito lalo na ang mga nasa unang taon. Ang pag-aaral ay sasaklaw lamang sa mga
mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Pakultad ng AB ay magkakaroon ng
tatlumpong babaeng tagasagot. Gayundin sa CTHM, ang pagkakaiba lamang ay sampu
hanggang labinlima ang sasagot sa kursong ito. Pipiliin sila ng “random” upang hindi
magkaroon ng magkakapareho o napag-usapang sagot.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa,
minarapat ng mga mananaliksik na mabigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na
terminolohiya batay sa kung paano gagamitin ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito:
Ang Math anxiety(math phobia) ay ang pagkabalisa tungkol sa mga kakayahan upang
gawin ang matematika
Ang meta-analysis ay ang paraan para sa pagsasama-sama ng mga natuklasan mula sa
mga independenteng pag-aaral
Ang parity(right) ay ang pagkakapantay-pantay ng mga karapatan
Ang PhD ay isang doctorate karaniwang batay sa hindi bababa sa 3 taon ng pag-aaral na
nagtapos at isang disertasyon; ang pinakamataas na degree na iginawad nagtapos ng pag-
aaral
Ang SAT ay istandard na pagsubok sa pagpasok sa kolehiyo (sa Estados Unidos)
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon sa pag-aaral nina Sanders at Peterson, ang mga kababaihan ay nakagawa ng
malaking hakbang sa mundo ng Matematika noong 1990s. Lumabas sa pag-aaral na
tumaas ang puntos ng mga kababaihan sa Matematika at sinundan pa ito ng pagdami ng
mga kababaihang kumukuha ng kursong pang Matematika. Noong 1995, 47% ng
Batsilyer digri at 42% ng Masters Degree sa Matematika ay napunta sa mga kababaihan.
Lumalabas naman na ang sosyal na salik ay nakakaapekto rin sa pagkakaiba ng
mga lalake at babae sa Matematika. Isang halimbawa dito ay ang pag-aaral ni Guiso et. al
(2008) na lumalabas na ang pagkakapantay ng kasarian ay mayroong epekto sa
pagkakaiba ng kakayahan ng mga babae at lalake sa Matematika. Nakitaan naman ng
pagbaba ng pagkakaiba sa performance ng babae at lalake sa Matematika kasabay ng
pagdami ng mga babaeng kumukuha ng mas marami pang Matematika at Agham na
kurso sa mataas na paaralan.
Ayon sa pag-aaral nina Asheraft at Kirk (2001), ang mga indibidwal na
mayroong mataas na math anxiety ay nagpakita ng kaunting pag-andar ng memorya lalo
na sa tuwing nahaharap sa isang pagkukwentang gawain. Sa particular, ipinakita nina
Ashcraf at Faust (1994) na ang mga respondenteng mayroong mataas na math anxiety ay
may problema sa pagsasagot ng dalawang column na pagdadagdag ng mga numero sa
Matematika. Lumabas na tatlong beses na mas mahaba ang oras na ginugol ng mga
respondenteng mayroong mataas na math anxiety sa pagsasagot kaysa sa may mas
mababang math anxiety.
Ang mga indibidwal na mayroong mataas na math anxiety ay naobserbahang
kumukuha kakaunting kurso sa Matematika at nagpapakita ng mababang grado sa
kanilang mga kinukuhang klase kaysa sa mga estudyanteng mayroong mababang math
anxiety ayon sa pag-aaral nina Asheraft at Kirk (2001). Nagaya nito ang resultang
lumabas sa pag-aaral ni Hembree (1990) na ang mga mayroong mataas na math anxiety
ay kumukuha ng kakaunting kurso sa Matematika.
Itinuturong dahilan ng pag-aaral ng mga mananaliksik sa Unibersidad ng
Cambridge UK ang mathematics anxiety sa pagbaba ng puntos ng mga estudyante sa
Matematika. Nakita sa pag-aaral na ang mga estudyanteng nagtaglay ng mataas na antas
ng math anxiety ay nakakuha ng mas mababang performance sa Matematika. Nagpakita
naman ng mas mataas na antas ng math anxiety ang mga kababaihan sa kabila ng
pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Pinayuhan naman ang mga guro na
bigyan ng pansin at tulong ang mga estudyanteng nagpapakita ng math anxiety. Ang math
anxiety ay nakakapagbababa ng kompiyansa sa Matematika ng estudyante. Ito ay isang
importanteng pagkatuklas dahil ang mga estudyanteng mayroong kompiyansa sa kanilang
Matematika at Agham na abilidad ay mas nakiktaan na manguna sa ganitong mga paksa
at makakuha ng coursework o tungkulin sa Matematika at Agham (Simpkins & Davis-
Kean, 2005).
Ilang eksperimental na pag-aaral ang nagpakita na ang kompiyansa sa Matematika
ay tumataas kapag ang guro ay nagbibigay ng prescriptive at impormal na tugon sa
kanyang mga estudyante (Turner et al., 2002). Para magawa ito kailangan ng patuloy na
pag-uusap, takdang aralin, at pagsusulit para lumabas ng kalakasan at kahinaan ng
estudyante sa Matematika para magamit niya ito upang maitama ang kanyang mga
pagkakamali. Sa maikling salita kailangan niya ng kasanayan o practice.
Sa isa ring pananaliksik ukol sa pagpapakita ng epekto ng kasarian sa karunungan
sa Matematika, nag-ukol sila ng tatlong pangunahing tanong: Una, ang galing ng lalaki sa
babae sa Matematika ay pangkabuuan nga ba? Pangalawa, ang pagkakaiba ng kasarian ay
makakaapekto ba sa galing sa Matematika? Pangatlo, may mga babae nga bang
mayroong mataas na mentalidad sa Matematika?
Sa unang katanungan, ang nakuhang resulta ng pag-aaral na ito ay ang mentalidad
ng babae sa Matematika ay kapareho lamang ng mentalidad ng lalaki sa elementarya
hanggang sa mga sumunod na taon sa sekondarya. Samantalang sa ikalawang tanong, ang
naging resulta ay: Hindi totoo sa pangkalahatan na mas magaling ang lalaki sa babae
sapagkat hindi ito aplikable sa lahat ng uri ng tao. Sa pangatlo naman ay mayroon pa ring
mga kababaihang may mataas na mentalidad sa Matematika ngunit nabago lamang ng
sosyal na salik. Sa pangkabuuan, napatunayan na ang lalaki ay magaling sa Matematika
sapagkat sinasabi ng marami na marunong sila sa Matematika at mas nagbibigay sila ng
interes rito sapagkat kailangan nilang maisakatuparan ang ninanais na resulta ng
karamihan.
Noong 1970’s at 1980’s, natunghayan ng Estados Unidos ang mga iba’t ibang
pagbabago ng mga oportunidad para sa mga kababaihan na lubos na makakaapekto ng
maganda sa kanilang career opportunities. Kahit na mataas ang partisipasyon ng mga
kababaihan sa larangan ng agham, matematika at teknolohiya sa nakalipas na dalawampu
o higit pang taon simula pa na ang educational equity legislation ay naipatupad. Ang par-
tisipasyon na ito ay wala pa sa lebel ng pagiging pantay sa isa’t isa. (Brush, 1991; Dix,
1987; National Science Foundation, 1990).
Ang prioridad ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng National Science Foundation
ay mapataas ang parity (pantay na partisipasyon) ng mga kababaihan sa siyensa/agham at
teknikal na mga trabaho. Ang mga pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy
ang mga iba’t ibang salik na may kaugnayan at walang kaugnayan sa siyensiya, matem-
atika at teknolohiyang para sa mga grupo ng mga mag-aaral na nangangarap na mapunta
sa science-related career ng sila pa ay nasa ika-siyam o ika-labindalawa na taon sa
hayskul noong 1980. Ang kaalaman sa salik ay lubos na makakatulong sa mga guidance
counselors ng mga hayskul at kolehiyo sa pagdidisenyo ng mga higit na makakatulong na
gabay para sa mga kababaihan at kalalakihan na piliin ang ganitong trabaho o larangan sa
may kaugnayan sa siyensya, matematika at teknolohiya.
Simula pa 1960, ang National Assessment of Educational Progress (NAEP) ay
pinag-aaralan na ang kaibahan ng kasanayan sa Matematika sa pagitan ng mga
kababaihan at kalalakihan. Sa kamakailang pag-aaral ( U.S Department of Education,
1996) napag-alaman nila na nasa edad siyam at labing tatlo ay bahagyang mataas ang
nakuhang grado ng mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan sa matematikal na
kasanayan na sumusubok sa biswal na kasanayan ngunit pagdating sa edad na labing pito
ay napag-iwanan na ang mga kababaihan ng mga kalalakihan. Gayunpaman, ang
pagkakaiba na ito ay isang porsiyento lamang. Ang 1997 na pag-aaral ng NAEP ay
nagsiwalat na ang mga kababaihan sa senior high school ay mas nakalamang kaysa sa
mga kalalakihan dahil hindi sila kumuha ng mga karagdagang matematika di tulad ng
mga kababaihan. Ngunit kahit na ganoon walang makabuluhang pagkakaiba ang umiral
sa pagitan ng kanilang performance at sa kanilang mga lalaking kapantay.
Dahil mas kaunti ang mga babae na kumukuha ng advance mathematics na kurso,
ang resulta sa kabuuhan ay mas mataas ng limampung (50) puntos ang nakuha ng mga
lalaki kaysa sa mga babae at hindi ito nakakagulat. Kapag inihambing ang mga mag-aaral
na kumuha ng parehong mahigpit at mahirap na kursong matematika, walang
makabuluhang pagkakaiba sa mga marka ang maaaring maiugnay sa kasarian. Ang mga
NAEP na pag-aaral ay tila nagpapahiwatig na ang mga kababaihan ay hindi talaga
mababa sa mga kalalakihan sa matematikang kakayahan o talento ngunit kapag inilipat sa
pamamagitan ng sistema ng edukasyon, ang kanilang mga mathematical na mga talento
ay mas mababa na napapaunlad. Si Fausto-Sterling (1992) ay nagsagawa ng ametanalysis
ng kasarian sa pagkakaiba ng matematikang kakayahan at lumabas sa resulta na ang lahat
ng mga pagkakaiba ay maaaring ipinaliwanag sa pamamagitan ng socialization sa halip
na sa pamamagitan ng biology.
Mathematics Anxiety (MA), isang estado ng kahirapan sa paggawa ng mga may
kaugnayan sa mathematical na gawain, ay naisip na dahilan kung bakit nakakaepekto ito
sa isang pambihirang proporsyon ng school age na populasyon. Ayon sa ilang
pagsasaliksik, sinasabi na ang MA ay negatibong nakakaapekto sa performance sa
matematika at lumabas sa mga ulat na ang mga batang babae ay mas mataas ang antas ng
MA kaysa sa mga lalaki. Sa kabilang banda, ang ilang mga pananaliksik ay
ipinapahiwatig na ang performance sa matematika ng mga lalaki ay mas negatibong
nakakaapekto ang MA sa kanila kaysa sa mga babae. Ang layunin ng kasalukuyang pag-
aaral ay upang sukatin ang mga batang babae at lalaki sa kanilang performance sa
matematika pati na rin ang kanilang mga antas ng MA habang kinokontrol sa Test
Anxiety (TA) na may kaugnayan sa MA ngunit hindi karaniwang kinokontrol para sa MA
na pag-aaral.
Walang pagkakaiba sa kasarian ang lumitaw para sa performance sa matematika
ngunit ang antas ng MA at TA ay mas mataas para sa mga batang babae kaysa para sa
lalaki. Ang mga batang babae at lalaki ay nagpakita ng isang positibong ugnayan sa
pagitan ng MA at TA at negatibong ugnayan sa pagitan ng MA at performance sa
matematika. Ang TA rin ay may negatibong kaugnayan sa performance sa matematika,
ngunit ang ugnayan na ito ay mas malakas para sa mga batang babae kaysa para sa lalaki.
Kapag nagkokontrol para sa TA, ang mga negatibong ugnayan sa pagitan ng MA at sa
performance ay nanatili para sa mga babae lamang. Ipinapakita ng regression analyses na
ang MA ay isang makabuluhang dahilan ng performance ng mga babae sa matematika
ngunit hindi sa mga lalaki.
Mayroong mga bagong pag-aaral na pinapabulaanan ang pagkakaroon ng
pagkakaiba ng abilidad sa pagitan ng mga kasarian. Lumalabas na kakaunting bahagi ng
mga kababaihan ang kumukuha ng mga kurso sa Matematika dahil sa kultural na
pagkakaiba (Univesity of Wisconsin-Madison, 2009). Lumabas naman sa pag-aaral nina
(Herbert & Stipek, 2005) na pananaw ng mga bata sa kanilang pang-akademyang
kagalingan ang mababang pagtingin ng mga batang kababaihan sa kanilang
Matematikang abilidad kahit na walang nakitang pagkakaiba sa abilidad ng mga batang
babae at lalake. Lumalabas ditto na nawawalan ng tiwala sa kanilang abilidad sa
Matematika ang mga batang kababaihan.
Ang mga batang babaeng laging nakakarinig ng mga stereotypes na ay nakitaan
ng pagbaba ng kanilang abilidad sa Matematika sa kanilang paglaki. Samantalang ang
mga batang kalalakihang lagi namang nakakarinig nito ay nagpakita ng pagtaas ng
kanilang abilidad sa Matematika (Cvencek et al, 2011). Ang mga halimbawa
nitong stereotypes nakanilang naririnig ay ang Matematika ay para sa
lalake lamang, hindi Matematika ang ginagawa ng mga babae, at iba
pang mga salita nakakapagpalayo ng kanilang loob sa Matematika.
Napatunayan ng Unibersidad ng Chicago (2010) na ang stereotype ay
nakakaapekto sa abilidad ng isang bata sa Matematika. Ang mga
babaeng estudyanteng nakarinig at tinanggap ng stereotype na “ang
mga lalaki ay magaling sa Matematika at ang mga babae ay magaling
sa pagbabasa” ay nakakuha ng mababa sa ibinigay na achievement
measures sa Matematika kumpara sa mga babaeng hindi tinanggap
ang stereotype. Ang mga babaeng nagkumpirma sa paniniwalang mas
magaling ang mga lalake sa Matematika ay nakakuha ng anim na
puntos na mas mababa sa achievement sa Matematika kaysa sa mga
lalake o babae na hindi nakabuo ng ganitong paniniwala sa sinabing
stereotype.
9
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptiv-
analitik na pananaliksik. Sinubukang ilarawan at suriin ng pag-aaral na ito kung ang
Matematika ba ay maaring makahiligan ng mga babaeng mag-aaral na nagmula sa
CTHM at AB.
Mga Tagasagot
Ang mga piniling tagasagot ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay mga mag-
aaral sa kolehiyo ng Unibersidad ng Santo Tomas sa ikalawang semestre ng taong
akademiko 2012-2013. Ang mga piniling tagasagot ay ang mga babaeng mag-aaral sa
Unang Taon ng AB at CTHM.
Sa kabuuan, mayroong apatnapu’t limang (45) tagasagot na kinuha sa pamamagi-
tan ng random sampling. Pinili ng mga mananaliksik ang mga tagasagot na ito dahil sila
ang makakatulong upang matugunan ang mga pangangailangan sa pamanahong papel na
ito at upang makangalap ng mga impormasyon na kailangan ng mga mananaliksik.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay lumikha ng iang sarbey-kwestyoneyr na tumutugon sa mga layunin ng
pampanahong papel na ito. Ito rin ay naglalayong makakuha ng mga impormasyon at
datos upang masuri kung ang Matematika ba ay maring makahiligan ng mga babaeng
mag-aaral na nagmula sa CTHM at AB.
Tritment ng mga Datos
Kinuha ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagkuha sa bilang o
dami ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr. Pagkuha
lamang ng porsyento ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik. Nakuha ang
porsyento sa pamamagitan ng pormulang ito:
Porsyento = Bilang ng mga tagasagot x 100
Kabuuang bilang ng mga tagasagot
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Natuklasan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos
at impormasyon:
Inalam ng mga mananaliksik ang distribusyon ng mga tagasagot batay sa edad ng
kanilang pagkatututo magbilang. Siyamnapu’t anim na porsyento (96%) sa kanila ay
natutong magbilang noong sila ay nasa pagitan ng isa hanggang apat na taong gulang.
Samantalang apat na porsyento (4%) sa kanila ay nasa pagitan ng lima hanggang walong
taong gulang natuto magbilang. Sa kabilang banda, wala sa kanila ang natuto magbilang
noong sila ay nasa pagitan ng siyam na taon at labindalawang taong gulang. Pansinin ang
kasunod na grap.
Kasunod na inalam ng mga mananaliksik ang distribusyon ng mga tagasagot kung paborito nila ang Matematika. Mula sa kursong Travel Management, Walumpung
96%
4%
Taong Gulang noong Matutong Magbilang
1 hanggang 4
5 hanggang 8
9 hanggang 12
porsyento (80%) sa kanila ay sumagot ng hindi nila paborito ang Matematika, samantalang dalawampung porsyento (20%) sa kanila ay sumagot na paborito nila ito. Mula naman sa kursong AB Literature, Isandaang porsyento silang sumagot na hindi nila paborito ang Matematika. Sa kabilang banda, mula naman sa kursong AB Asian Studies, pitumpu’t tatlong (73%) porsyento sa kanila ay sumagot na hindi nila paborito ang Matematika, samantalang dalawampu’t pitong porsyento sa kanila ay sumagot na paborito nila ang nasabing asignatura. Sa kabuuan, pito (7) mula sa apatnapu’t limang respondante ang sumagot na paborito nila ang Matematika, samantalang tatlumpu’t walo sa kanila ay nagsabing hindi nila paborito ang Matematika. Tunghayan ang mga kasunod na grap.
16%
84%
Paborito ang Asignaturang Matematika
OO HINDI
Travel Management Literature Asian Studies0.00
20.00
40.00
60.00
80.00
100.00
120.00
20.00
0.00
26.67
80.00
100.00
73.33
OoHindi
Mula sa pitong sumagot ng oo, paborito nila ang Matematika ay inalam naman ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga salik na nakakaapekto kung bakit nila paborito ang nasabing asignatura. Apatnapu’t tatlong porsyento (43%) sa kanila ay sumagot ng nasa kaligiran ng kinalakihan, pareho namang may tig-labing apat na porsyento (14%) ang nagsabi na nasa lahi na talaga nila at walang pagmememorya kung kaya’t naging paborito nila ang nasabing asignatura. Samantala, dalawampu’t siyam na porsyento (29%) ang sumagot sa kanila na sila ay gifted lamang talaga kung kaya’t gusto nila ang Matematika. Tignan ang kasunod na grap.
14%
43%
29%
14%
Mga Nakakaapekto sa Pagiging Paborito ng Matematika
Nasa LahiKaligiran ng KinalakihanGifted Lamang walang pagmememorya
Mula naman sa tatlumpu’t walong (38) sumagot na hindi nila paborito ang
Matematika, inalam ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga dahilan kung bakit
hindi nila paborito ang nabanggit na asignatura. Apatnapu’t dalawang porsyento (42%) sa
kanila ay sumagot na mahirap ang Matematika, samantala dalawampu’t anim na
porsyento (26%) sa kanila ang sumagot na masyadong pasikot-sikot ang Matematika. Sa
kabilang banda, labinsiyam na porsyento (19%) ang nagsabing paborito nila ito noong
sila ay nasa elementarya pa ngunit noong nadagdagan na ito ng mga letra at
kumplikadong numero ay hindi na nila naging paborito, samantala walong porsyento
(8%) ang sumagot na tila lumilipad ang mga numero kung kaya’t hindi nila naging
paborito ang Matematika. Limang porsyento (5%) naman ang nagsabi na mayroon silang
ibang paboritong asignatura. Tunghayan ang kasunod na grap.
Inalam rin ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga naging grado ng mga
respondante sa Matematika noong sila ay nasa elementarya, mataas na paaralan at
kolehiyo. Karamihan sa mga respondante ay nasa pagitan ng walumpu’t lima (85)
hanggang siyamnapu (90) ang nakuhang grado simula elementarya hanggang kolehiyo.
Pansinin sa grap na mayroong apatnapung pitong porsyento (47%) ang sumagot ng nasa
walumpu’t lima (85) hanggang siyamnapu (90) ang kanilang grado, samantalang
dalawampu’t pitong porsyento (27%) ang nagsabi na nasa pagitan ng pitumpu’t lima (75)
hanggang walumpu (80) ang kanilang nakuhang grado noong nasa elementarya pa
lamang. Sa kabilang banda naman ay mayroong dalawampung porsyento (20%) ang
nakakuha ng markang pitumpu’t apat (74) pababa at mayroong pitong porsyento (7%)
nakakuha ng siyamnapu’t lima (95) hanggang isandaang (100) marka sa nasabing
asignatura. Noong sila ay nasa mataas na paaralan, limampu’t isang porsyento (51%) ang
nakakuha ng marka na nasa pagitan ng walumpu’t lima (85) hanggang siyamnapu (90),
42%
8%18%
26%
5%
Dahilan Kung Bakit Hindi Paborito ang Matematika
MahirapLumilipad ang mga NumeroPaborito ko noong hindi pa nadadagdagan ng mga letraMasyadong pasikot-sikotmay iba akong paborito
samantalang tatlumpu’t isang porsyento (31%) ang nagsabing nasa pagitan ng pitumpu’t
lima (75) hanggang walumpu (80) ang kanilang nakuhang grado sa Matematika.
Samantala labintatlong porsyento (13%) sa kanila ang nakakuha ng markang pitumpu’t
apat (74) pababa. Ngayong sila ay nasa kolehiyo, sa unang semestra, mayroong
apatnapung porsyento (40%) ang nakakuha ng markang walumpu’t lima (85) hanggang
siyamnapu (90) na katumbas ng 1.75 hanggang 12.25. Tatlumpu’t tatlong porsyento
(33%) naman ang nakakuha ng pitumpu’t lima (75) hanggang walumpu (80) marka o
katumbas ng 2.5 hanggang 3. Dalawampu’t apat na porsyento (24%) ang nagsabing
nakakuha sila ng markang (74) pababa na katumbas ng singko (5.0) sa kolehiyo at
walong porsyento (8%) ang nakakuha ng siyamnapu’t lima (95) hanggang isandaang
(100) marka na katumbas ng 1.5 hanggang uno (1.0). Masdan ang kasunod na grap.
Kaugnay noong mga sumagot na paborito nila ang Matematika, inalam din ng
mga mananaliksik kung mayroon silang pinasukang programa upang malinang ang
Elementarya
Mataas na paaralan
Kolehiyo
0 10 20 30 40 50 60
20.00
13.33
20.00
26.67
31.11
32.50
46.67
51.11
40.00
6.67
4.44
7.50
Pagkakaiba ng mga Grado Simula sa Ele-mentarya Hanggang sa Kolehiyo
95-10085-9075-8074 pababa
kanilang kakayahan sa Matematika. Pitumpu’t isang porsyento (71) sa kanila ay sumagot
ng paborito nila ang Matematika ngunit wala naman silang pinasukang programa na
naglalayong mapaunlad ang kanilang kakayahan sa asignatura. Samantalang
dalawampu’t siyam na porsyento (29) sa kanila ay nagsabing paborito nila ang
Matematika at mayroon silang pinasukang ganoong programa. Bigyang pansin ang
sumunod na grap.
Kaugnay pa rin noong sumagot ng paborito nila ang Matematika, inalam din ng
mga mananaliksik kung ang pagkahilig nila sa Matematika ay may kaugnayan sa
propesyon ng kanilang mga magulang. Ayon sa mga sumagot ng oo, limampu’t pitong
porsyento (57) sa kanila ay hindi konektado ang propesyon ng kanilang mga magulang
subalit nakahiligan na nila ang Matematika. Samantalang apatnapu’t tatlong porsyento
(43) sa kanila ang nagsabing konektado ang pagkahilig nila sa Matematika sa mga
propesyon ng kanilang mga magulang. Tunghayan ang susunod na grap.
29%
71%
Mayroon bang Pinasukang Programa Upang Malinang ang Kakayahan sa Matematika
Paborito ang Matem-atika at Mayroong Pinasukang Programa
Paborito ang Matematika ngunit Walang Pinasukang Programa
Kahalintulad pa rin noong sumagot ng paborito nila ang Matematika, inalam din
ng mga mananaliksik kung may kaugnayan ang pagkahilig sa Matematika sa pagpili ng
kurso. Ayon sa mga respondante, walumpu’t anim na porsyento (86) ang nagsabing ang
napili nilang kurso ay talagang kagustuhan na nila kung kaya’t kahit na sila ay mahilig sa
Matematika ay yaon pa rin ang kanilang kinuhang kurso. Samantalang labing-apat na
porsyento (14) ang nagsabing pakiramdam niya ay hindi siya ganoon kagaling sa
Matematika kung kaya’t sa kursong wala masyado o basic ang Matematika ang kanyang
kinuha ngayon sa kolehiyo. Gayunpaman, wala sa mga sumagot ang nagsabing pinili ng
kanilang mga magulang ang kanilang kurso kung kaya’t iyon ang kinukuha nila ngayong
kurso. Pansinin ang sumunod na grap.
43%
57%
Koneksyon ng Propesyon ng Magulang sa Pagkahilig sa Matematika
Oo, konektado sa propesyon ng magulangHindi konektado sa propesyon ng magulang
86%
14%
Kaugnayan ng Pagkahilig sa Matematika at ang Kursong Napili
Ito talaga ang nais kong kurso
Pinili ng magulang
Pakiramdam ko Di ako Magaling sa Matem-atika
Sa kabilang banda, ang mga sumagot ng hindi nila paborito ang Matematika ay
may iba’t ibang salik din kung kaya’t napili nila ang kursong kanilang kinukuha ngayong
kolehiyo. Inalam ng mga mananaliksik ang mga salik na ito at animnapu’t anim na
porsyento (66) sa kanila ay nagsabing ang kurso nila ngayon ang talagang kanilang
ninanais. Labing-anim na porsyento (16) sa kanila ay nagsabing pinili nila ang kursong
kanilang kinukuha sa kadahilanang wala masyadong Matematika ito. Pantay naman sa
limang porsyento (5) ang sumagot na pinili ng magulang o no choice sila kung kaya’t
iyon na lamang ang kanilang kinuhang kurso sa kasalukuyan. Pantay naman sa tatlong
porsyento (3) ang nagsabing sa kursong kinukuha nila sa kasalukuyan sila pumasa o tila
nalilito pa at sumagot na hindi niya rin alam. May dalawang porsyento (2) naman ang
sumagot na kaya sila napunta sa kursong iyon ay dahil sila ay nasa academic placement.
Masdan ang susunod na grap.
86%
14%
Kaugnayan ng Pagkahilig sa Matematika at ang Kursong Napili
Ito talaga ang nais kong kurso
Pinili ng magulang
Pakiramdam ko Di ako Magaling sa Matem-atika
66%5%
16%
3%3%
3%5%
Koneksyon ng Hindi Pagkahilig sa Matematika at ang Kursong Napili
Ito talaga ang nais kong kursoPinili ng magulangWala masyadong MatematikaAcademic PlacementDito lang pumasaDi ko alamno choice
Batay sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, walang sapat ne ebidensya
na nagpapakita na mas magaling ang mga kalalakihan sa Matematika. Batay na rin sa
mga sagot ng mga respondante, animnapu’t dalawang porsyento (62) ang hindi
naniniwala na mas magaling ang mga kalalakihan sa Matematika. Samantalang,
tatlumpu’t walong porsyento (38) ang nagsabi na naniniwala sila na mas magaling ang
mga kalalakihan sa nabanggit na asignatura. Bigyang pansin ang susunod na grap na
naglalarawan ng nabanggit na datos.
Inalam ng mga mananaliksik ang saloobin ng apatnapung limang (45)
respondante kung dapat bang Inheriya ang kukuning kurso ng mga magagaling o
kinahihiligan ang Matematika. Ayon sa mga respondante, limampu’t isang porsyento
(51%) ang nagsasabing dapat lamang na nasa Inheriya silang kurso lalo na at magagaling
38%
62%
Mas Magaling ang mga Kalalakihan sa Matematika
OoHindi
sila sa Matematika. Samantalang apatnapu’t siyam na porsyento (49%) ang nagsasabing
hindi naman kinakailangan na nasa Inheriya sila kahit na sila ay magagling sa
Matematika. Bigyang pansin ang kasunod na grap na naglalarawan ng nabanggit na
datos.
Sumunod na inalam ng mga mananaliksik ang opinyon ng mga respondante kung
naniniwala ba sila sa kasabihang practice makes perfect pagdating sa Matematika.
Walumpu’t apat na porsyento (84%) ang nagsabing naniniwala sila sa practice makes
perfect pagdating sa Matematika. Sa kabilang banda, labing anim na porsyento (16%) ang
nagsabing hindi sila naniniwala sa kasabihang nabanggit. Masdan ang kasunod na grap.
51%49%
Ang Kurso ng Magagaling sa Matematika ay Konektado Dapat sa Inhinyeriya
Oo
Hindi
84%
16%
Practice Makes Perfect
OoHindi
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom
Kongklusyon
Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa
mga sumusunod na kongklusyon:
1. Kinahihiligan ng mga kababaihang estudyante ang Matematika sa kanilang
pagkabata ngunit ang pagkahilig na ito ay bumaba sa kanilang pagtanda.
Karamihan sa kanila ay may mataas na grado sa Matematika mula elemen-
tarya hanggang kolehiyo. Ngunit hindi parin nila ito kinahihiligan.
2. Hindi nakakaapekto sa karamihan ng mga kababaihang estudyante ang
propesyon ng magulang sa pagkahilig nila sa Matematika.
3. A) Ang pangunahing dahilan ng pagkahilig ng mga kababaihang estudyante
sa Matematika ay ang kaligiran ng kanilang kinalakihan. Pumapangalawa
ang ang pagiging gifted ng bata. Masasabi rin na hindi ang magulang ang
84%
16%
Practice Makes Perfect
OoHindi
nakaapekto sa pagkahilig ng kababaihang estudyante dahil sa ikalawang
konklusyon. Mayroong mas malaking epekto ang ibang mga bagay o tao na
nasa kapaligiran ng estudyante.
B) Ang pangunahing dahilan naman ng hindi pagkahilig ng kababaihang es-
tudyante sa Matematika ay ang pagiging mahirap nito. Ang pangalawang
dahilan ay pagiging masyadong pasikot-sikot nito. Sinusuportahan nito ang
pag-aaral nina Asheraft at Kirk (2001) na nagsasabing ang math anxiety ay
ang dahilan ng hindi pagkahilig ng mga estudyante sa Matematika. Lumal-
abas ito kung nahaharap ang estudyante sa isang complex, mahirap, o
pasikot-sikot na Gawain sa Matematika.
4. Hindi naaapektuhan ang pagkahilig ng kababaihang estudyante sa Matem-
atika kung mayroong siyang pinasukang programang naglalayong mapataas
ang antas ng pagkatuto niya sa Matematika. Mas marami sa mga mahihilig
sa Matematika ang hindi kumuha ng mga ganitong programa.
5. Mas marami ang naniniwala na ang kurso ng mga magagaling sa Matem-
atika ay dapat konektado sa Inhinyeriya. Ngunit dalawang porsyento lamang
ang pagkakaiba nito sa mga hindi naniniwalang kinakailangang ito ay
konektado. Makikita dito na nasa estudyante parin ang desisyon sa pagpili
ng kanyang kurso. Bilang karadagan dito, mas maraming mahilig sa Matem-
atika ang nagdesisyong ito talaga ang gusto nilang kurso
6. Ang Matematika ay hindi nakakaapekto sa pagpili ng mga kababaihang es-
tudyanteng mahilig at hindi mahilig dito. Karamihan ng mga kababaihang
estudyante mahilig man o hindi sa Matematika ang nagsagot na ito talaga
ang gusto nilang kurso.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang
iminumungkahi ang sumusunod:
BIBLIYOGRAPIYA
Ashcraft, M. H., & Faust, M. W. (1994). Mathematics anxiety and arithmetic
performance; An exploratory investigation. Cognition and Emotion, 8, 97-125.
Ashcraft, M. H., & Kirk, E. P. (2001). The relationships among working memory, math
anxiety and performance. Journal for Experimental Psychology, 130(2), 224-237
Devine et al. (2012); Gender differences in mathematics anxiety and the relation to
mathematics performance while controlling for test anxiety
Faust, M. W., Ashcraft, M. H., & Fleck, D. E. (1996). Mathematics Anxiety effects in
simple and complex addition. Mathematical Cognition, 2, 25-62.
Hembree, R. (1990). The nature, effects and relief of mathematics anxiety. Journal for
Research in Mathematics Education, 21, 33-46.
Sanders, J., & Peterson, K. (1999). Close gap for girls in math-related careers. Education
Digest, 65(4), 47-49.
Wardrop, J. L., & Anderson, M. Z. (1995). Women's career choices: focus on science,
math, and technological careers. Journal of Counselling Psychology, 42, 155-170.
Simon, Marilyn K.(2000). The Evolving Role of Women in Mathematics. Vol. 93, No. 9
December 2000, 783-786
Ashcraft, M. H., & Faust, M. W. (1994). Mathematics anxiety and arithmetic
performance; An exploratory investigation. Cognition and Emotion, 8, 97-125.
Ashcraft, M. H., & Kirk, E. P. (2001). The relationships among working memory, math
anxiety and performance. Journal for Experimental Psychology, 130(2), 224-237.
Cvencek, D., Meltzoff, A. N., & Greenwald, A. G. (2011). Math-gender stereotypes in
elementary school children. Child Development. 82(3), 766-779.
Devine, J. (2012); Gender differences in mathematics anxiety and the relation to
mathematics performance while controlling for test anxiety
Faust, M. W., Ashcraft, M. H., & Fleck, D. E. (1996). Mathematics Anxiety effects in
simple and complex addition. Mathematical Cognition, 2, 25-62.
Hembree, R. (1990). The nature, effects and relief of mathematics anxiety. Journal for
Research in Mathematics Education, 21, 33-46.
Herbert, J., & Stipek, D. (2005). The emergence of gender differences in children’s
perceptions of their academic competence. Applied Developmental Psychology,
26, 276–295.
Sanders, J., & Peterson, K. (1999). Close gap for girls in math-related careers. Education
Digest, 65(4), 47-49.
Simon, M. K. (2000). The Evolving Role of Women in Mathematics. Vol. 93, No. 9
December 2000, 783-786.
Simpkins, S., & Davis-Kean, P. (2005). The intersection between self-concept and
values: Links between beliefs and choices in high school. New Directions for
Child and Adolescent Development, 110, 31–47.
University of Wisconsin–Madison. (2009). Culture, not biology, underpins math gender
gap. Science Daily [Online]. Available:
www.sciencedaily.com/releases/2009/06/09061182
University of Chicago (2010, January 26). Believing stereotype undermines girls' math
performance: Elementary school women teachers transfer their fear of doing math
to girls, study finds. ScienceDaily. Retrieved March 11, 2013, from
http://www.sciencedaily.com /releases/2010/01/100125172940.htm
Wardrop, J. L., & Anderson, M. Z. (1995). Women's career choices: focus on science,
math, and technological careers. Journal of Counselling Psychology, 42, 155-170.
APENDIKS A
Mahal naming tagasagot,Magandang araw!Kami ay mga mag-aaral sa unang taon sa Pakultad ng Inhinyeriya, pangkat 1IS-A na
nagsasagawa ng isang pananaliksik bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2. Ang aming pamanahong papel ay pinamagatang Pagkahilig sa Matematika ng mga Babaeng Mag-aaral na Nagmula sa mga Kursong CTHM at AB na Nasa Unang Taon sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Kaugnay nito, kami ay naghanda ng kwestyoneyr upang makangalap ng datos at impormasyon na kapaki-pakinabang sa aming pag-aaral. Hinihiling namin na basahing mabuti ang panuto at sagutin nang matapat ang mga tanong.
Asahan na magiging konpidensyal ang nakalap na personal na impormasyon.Maraming salamat sa inyong pakikipagtulungan.
Lubos na gumagalang,MGA MANANALIKSIK
___________________________________________________________________________Pangalan (Opsyonal):_________________ Kurso: ___________________
PANUTO: Lagyan ng tsek ang iyong sagot.1.) Ilang taon ka natutong magbilang?
[ ] 1-4[ ] 5-8[ ] 9-12Iba pang sagot: _______________
2.) Paborito mo ba ang asignaturang Matematika? [ ] Oo [ ] Hindi2.1) Kung oo, ano ang nakaapekto sa iyo upang ito ang maging iyong paborito?
[ ] Nasa lahi[ ] Kaligiran ng kinalakihan[ ] “Gifted” lamang talagaIba pang sagot: ______________________
2.2) Kung hindi, Bakit?
[ ] Mahirap[ ] Tila lumilipad ang mga numero[ ] Paborito ko noong nasa elementarya pa ako, ngunit noong nadag-dagan ng letra
ay naging kumplikado na[ ] Masyadong pasikot-sikot
[ ] Iba pang sagot: ______________________3. Ano ang iyong grado sa Matematika?
a.) Elementarya
[ ] 70-pababa [ ] 75-80 [ ] 85-90 [ ] 95-100b.) Mataas na paaralan / High School
[ ] 74-pababa [ ] 75-80 [ ] 85-90 [ ] 95-100c.) Kolehiyo – Unang Semestre
[ ] 5.0 [ ] 3.0 - 2.5 [ ] 2.25 – 1.75 [ ] 1.5 – 1.04. May mga program ka bang pinasukan upang malinang ang iyong kakayahan sa
Matematika? (Tulad ng Kumon, MSA, atbp.)
[ ] Mayroon [ ] Wala5. (Para sa mga pumili ng oo sa bilang 2) Konektado ba ang iyong pagkahilig sa
propesyon ng iyong mga magulang?
[ ] Oo [ ] Hindi6. (Para sa mga pumili ng oo sa bilang 2) Kung hilig mo talaga ang Matematika, bakit
ito ang kursong iyong napili?
[ ] Ito talaga ang nais kong kurso[ ] Pinili ng mga magulangIba pang sagot: ________________
7. (Para sa mga pumili ng hindi sa bilang 2) Bakit ito ang napili mong kurso?
[ ] Ito talaga ang nais kong kurso[ ] Pinili ng mga magulang[ ] Wala masyadong MatematikaIba pang sagot: ________________
8. Sumasang-ayon ka ba sa teoryang mas magaling ang mga kalalakihan sa Matem-atika?
[ ] Oo [ ] Hindi9. Sumasang-ayon ka ba na dapat ang magagaling sa Matematika ay konektado sa In-
hinyeriya ang kursong kinuha?
[ ] Oo [ ] Hindi10. Sumasang-ayon ka ba sa kasabihang “Practice Makes Perfect” pagdating sa pag-
aaral ng Matematika?
[ ] Oo [ ] Hindi10.1) Kung oo ang sagot mo sa bilang 10, bakit?
________________________________________________________________________________________________________________________________
10.2) Kung hindi ang sagot mo sa bilang 10, bakit?
________________________________________________________________________________________________________________________________
APENDIKS B
Mia Carmela C. Gigante o mas kilala bilang Taming, 17 taong gulang, ipinanganak noong ika-3 ng Marso taong 1996. Tubong Pangasinan, ngunit kahit laking probinsya ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon siya ng maraming kaibigan at magandang pakikisama sa lahat ng kamag-aral. Kilala siya bilang maingay, makulit, masiyahin at palakaibigang tao. Pinalaking may takot sa Diyos at ngayon ay kabilang sa isang youth ministry ang CHRIST'S YOUTH IN ACTION at isa ring kasapi ng UST CENTER FOR CAMPUS MINISTRY THOMASIAN VOLUNTEERS.
Jade Mirel D. Baloloy, labimpitong (17) taong gulang. Ipinanganak noong ika-25 ng Agosto 1995,sa Lungsod ng Makati ngunit lumaki at nag-aral sa Lungsod ng Dasmariñas, Cavite. Nangarap maging isang “Chemical Engineer” ngunit dahil sa kagustuhan ng magulang na mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas ay piniling kumuha ng kursong B.S. Information Systems. Pagbabasa ng mga libro ang kadalasang pampalipas-oras.