the voice i won_t ever forget (ilwtip kimberly & yoonjae_s sidestory)

27

Upload: genevadelina6749687

Post on 16-Apr-2015

46 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)
Page 2: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

YoonJae’s POV

"Kim, sa tabi ni Jae."

Ang boses ni Ma'am na yon, yun ang linyang hinding hindi ko makakalimutan.

//4 years ago//

"Para naman mahawaan ng katahimikan ni Kim si Jae. O, Jae, kausapin mo yan para umingay."

Natahimik ako.

Itinaas ko ang kaliwang paa ko, naghalumbaba at tumingin sa unahan. Tinitigan ko lang ang pisarang walang sulat.

Parang nag iisip lang ako ng nakakatakot na plano sa pwesto ko. Hah!

Nag aayos si Ma'am ng bagong seating arrangement. Tuwing Grading Period nya yun ginagawa at talagang iniinis

ako at pinaglayo kami ni JunSu na kasama ko sa pambubully.

Page 3: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Oo, bully yata tong nagrereklamo sa inyo

<__< ginamit ko ang gilid ng mata ko para tingnan tong bago kong seatmate.

Nag aayos sya ng bag at sobra talagang tahimik. Lagi nyang inaayos yung bag nya tuwing hindi naglelesson.

Katamad yon di ba? =___=

/shock

Agad kong inalis ang mga mata ko sa pagtingin sa kanya gamit yung gilid ng mata ko't iniba ko naman yung pwesto

ko. Bale, nakataas pa rin ang kaliwang paa pero kung kanina ay kaliwang kamay din ang nakahalumbaba, ginawa

kong kanan.

Sa sobrang gitla ko dahil tumigil sya't tumingin sa'kin, lakas tuloy ng tibok ng puso ko.

Pshh. Horror ba to? O sobra sa kape?

Page 4: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

- - -

"Basta" - Ako.

"Kulot" - JunSu.

"Salot!" - Ako.

"Basta" - JunSu.

"Kulot" - Ako.

"Salot!" - JunSu.

Kami yan ni Jun na kumakanta ng pang inis dun sa kaklase naming kulot.

Halata namang naiinis. Para kasing pugad ng ibon yung buhok e kakalalaking tao! Hah!

"Yan si itim, lalong umiitim! Hahahahaha" - JunSu.

Page 5: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Actually, mas grabe mang inis si Jun. >__>

- - -

1 week na't.. Di pa ko kinakausap ng katabi ko. Tch. At akalain mo sa mundong ibabaw? Posible palang magkaroon

ng nilalang hindi natawa't nagsasalita?!

Pipi ba to?! At saka, wala ba syang kiliti? Yung iba kasi sinusundot yung tagiliran nya ng bigla pero wala pa rin!

Nagsasalita naman sya.. Pag tinatanong ng teacher. Nakakasagot din naman.. Mataas ang tests at marunong mag

drawing. Ba't do ako nito kausapin?!

Teka, paki ko ba kung di nya ko kausapin?!

"Class, we will have a sharing. Yung katabi nyo, sila yung sabihan nyo ng gusto nyong i-share. Kailangan may mai-

share ha. Pagkatapos ay ilagay sa GMRC notebook yung shina-re based sa understanding nyo. Ok?" - Ma'am.

Page 6: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

".........." - Sya.

".........." - Ako.

Para kaming walang narinig. Nakaupo lang sya't tahimik. Eh ako, nakaupo din at hinihintay na sya yung unang

magsasalita.

Pero... Hanep na yan!

15 minutes na ang nakakaraan matapos yung sabihin ni Ma'am at wala pa rin?!

"Teacher! Si Jae oh! Hahahahaha" - JunSu na may pagturo pa.

"Na-tameme ka ata!" - pang aasar ng iba ko pang hindi ganun ka-close na ka-tropa.

"Tch" - Ako.

Hinarap ko sya.

Page 7: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"May i-shashare ka ba?" - Ako.

Umiling lang sya.

Umiling na nga, hindi pa tumingin sa'kin! Sino ba yang sinasagutan nya ng tanong? Yung pisara ba o yung hangin?!

Teka, ba't ba umiinit ulo ko?!

"O, anong gagawin natin?!" - Ako.

"Gumawa ka na lang" - Sya.

/inhales

Maganda naman boses nya ah?!

Page 8: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Huh?! Ano raw sabi ko?!

Humingi ako sa kanya ng papel at sinulatan ng pangalan.

"Ano name mo nga?!" - Ako.

Imbis na sagutin ay ibinigay nya na lang sa'kin yung notebook nyang may pangalan nya.

( Kimberly Joyce A. Tiangco )

- - -

"Marco, nasan ka na ba?!" - Ako.

"(Sir Yoon, I'm very sorry but you need to transport.)"

"Ano?! Nasan si Ma?!" - Ako.

Page 9: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"(Sir, she had an urgent meeting until 8.)

"Aishhh!" - Ako sabay baba ng phone at kinamot ang ulo.

"Dapat sinabi agad. P*cha!" - reklamo ko sabay sipa dun sa bato na nasa may paanan ko.

Hinabol ko ng tingin yung bato hanggang sa nakita kong tatama pala ito sa may binti ng isang babaeng nakatalikod

na pamilyar ang bag.

Pagkatamang pagkatama ay tumingin lang sya dun sa bato at tumingin sa likod. Nagkasalubong yung mga mata

namin. 4 seconds, tumingin na ulit sya sa may daan at nagpatuloy sa paghihintay ng dyip.

Lumapit ako sa kanya. Este, dun sa kung saan may nakalagay na babaan at sakayan ng dyip. Nagtinginan naman

sa'kin yung iba. Siguro nagtataka kung bakit hindi ako.naka kotse.

Inilagay ko ang parehas kong mga kamay sa bulsa. Punuan kasi ang halos lahat ng dyip.

Page 10: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Ba't hindi pa sya nasakay?

May tatlo pang upuan. Tapos taga Balagtas naman sya, di ba?!

N-nakita ko... Sa ano... Yung address nya!!!

Teka?! Ba't ba ko nagaaliwanag?! Psh!

At oonga pala, taga Balagtas din ako kaya sasakay na ako!

Pagkasakay ko ay sinilip ko sya ng mabilis habang nakahalumbaba para di mapansin.

Aandar na yung dyip ng makita kong sumakay sya dun sa kasunod na dyip.

.

.

.

.

.

Page 11: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Ayaw ba nya kong makasabay?!

- - -

"I am Ji Eric Hwang, I would like to invite everyone to enroll at our school---"

"Mukhang bakla" - JunSu.

"Jun, wag ka nga maingay pwede?!" - Ako.

"O ba't salubong kilay mo?! Wag mong sabihing interesado kang pumasok dun?!" - JunSu.

"Aishh! Ingay mo!!!" - Ako sabay crossed arms.

"Dyan ka na nga" - JunSu sabay punta sa pinakagilid para matulog.

Nakatayo kami ngayon. Nagkukumpulan ang lahat ng Grade 6 habang nagsasalita yung representative ng Grade 6

ng UB.

Page 12: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

At naiinis ako.

Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero parang nagsimula to nung umpisa ng program. P*cha!

Eh kase, kanina pang hinahabol ng mga mata ni Kim yung Ji! Kaasar di ba?! Nasa likod lang naman ako ah?! Ako

yata ang Mr. A child ngayong year!

(Author: Mr. A child - more like Mr. Intrams ng elementary)

*smirk*

Nilapitan ko sya.

"Yun o, may gusto si Tiangco kay Mr. UB!" - sigaw ko na maririnig ng ibang sections.

Nagtinginan naman sa kanya kaya namula sya. As far as I know, ayaw nya mag stand out. Hah!

Page 13: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Tiningnan nya ko ng masama at saka umalis ng gym. San yun pupunta?!

- - -

"Tol, aminin mo! May gusto ka kay Tiangco no?" - JunSu.

"Hah?!" - Ako.

"Ako? Nah! Sa tahimik na yun! Kulang na lang pipi! Saka akalain mo yon?! May pagnanasa dun sa taga UB! Grabe

no?" - sagot ko.

"Asus" - sabi ng isa na may tonong mapang asar daw ba.

Iniharap ko sa kanya yung kamao ko.

Nag apir-an sila.

Page 14: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"P*cha naman tol! Aminin mo na!!!"

"P*ch ka din! Wala nga!" - Ako.

"Meron tol! Ang bakla mo naman eh!!!"

"P*ch di ako bakla!" - Ako.

"Oo o wala!"

"Tssss!!! Oo na! Meron na!!!" - inis na sabi ko.

- - -

"Class, pairings tayo. Yung seatmate nyo sa ang partner nyo. Ok?"

Itinaas ko ang paa ko.

"Teacher, ayoko sa partner ko! Baka pagnasaan ako!!!" - Ako na may pagturo pa sa kanya.

Page 15: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Nagtawanan yung mga ka-tropa ko.

"Mr. Myeong!" - saway ng teacher namin.

Ini-stretch out ko ang mga kamay ko saka ko sya inakbayan.

"Ayos lang, may pagnanasa din naman ako sa kanya!" - Ako sabay grin.

"YIEEEEEEEEEEEHEEEE!!!" - mga kaklase ko.

"YoonJae,"

"GET OUT!!!" - inis na sabi ng teacher ko.

"Green-minded si Teacher!" - JunSu sabay tawa.

Page 16: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Inalis ko ang pagkakaakbay kay Kim sabay tayo at punta sa labas. Nagsunudan naman mga katropa ko.

"Clinic lang ko" - JunSu.

"Tulog lang ko" - sarcastic kong sabi sa kanya.

Nagtawanan naman ka-tropa ko.

"Parang pag amin yung kanina ah!" - sabi ng ka-tropa ko

"Oo nga, pulang pula nga" - sabi pa ng isa.

"Baka may gusto din yun sa'yo tol!" - JunSu.

"De, lagi yung ganon pag maraming nakatingin sa kanya." - seryoso kong sabi.

"Ohhh, alam na alam ah!" - asar ng isa.

- - -

Page 17: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"Magkano isa?" - Ako.

"Bente" - sagot nung magtitinda sa labas ng gate ng school namin.

"Tatlo nga" - Ako sabay kuha ng pera sa bulsa ko.

Pagpasok ko ay ramdam ko ang mga tingin ng mga babae sa akin. Siguro nagtataka sila kung kanino ko ibibigay

yung hawak ko.

Nasa harap ako ng pinto at naisipang ayusin ang buhok ko. Pinahiran ko rin ang konting pawis ng batok ko gamit ang

panyo.

Akma ko ng bubuksan yung pinto ng room ng may magbukas nito't nakita ko sya na napatingin sa akin.

P*chang hilaw

Page 18: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"O" - Ako sabay abot ng tatlong rosas na binili ko sa labas dahil February 14 ngayon. May kasama ring letter na

pinuyatan ko.

Nilayasan nya lang ako. Sinundan ko sya.

"P*cha naman o! Ayaw mo?!" - Ako na pilit inaabot sa kanya yung tatlong binili ko.

Hindi ko na sya nasundan dahil pumasok sya ng CR. Kaya, bumalik na lang ako at pumasok sa room at nilagay ko

sa armchair nya yung tatlong bulaklak.

Umub-ob muna ako at hinintay sya.

Siguro mga 5 minutes dumating na yata dahil may umupo na sa silya nya. Sinilip ko at imbis na si Kim eh yung kaisa-

isahan nyang kaibigan yung nakita ko. Hindi pa taga section namin.

Binabasa nya yung labas ng sulat.

Page 19: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Kinuha ko yon agad.

"Hindi to sa'yo" - Ako.

"Ah! Ahm, nasa room namin si Kim, ako na lang magbibigay! :)"

"Sino ka ba?! At saka bakit ikaw?!" - Ako.

"Ako si Layla, best friend ni Kim. Alam ko ugali nun! Di yun timatanggap ng mga ganito. Pero kung ako mag aabot,

kukunin nya! :)"

Pinag isipan ko yon ng mabuti.

"Ok" - Ako.

At yun nga, kung kanina ay boses ni Ma'am ang hinding hindi ko makakqlimutan dahil nakatabi ko si Kim,

ngayon, itong desisyon at linyang kong ito ang pinag sisisihan ko ng sobra.

Page 20: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

- - -

(2 months before February)

"Ano daw page?!" - Ako.

"232." - Sya.

Binuklat ko yung libro. May exer kami ngayon.

"San daw sasagutan?" - Ako.

"Notebook" - Sya.

Ako na yata ang pinakabinging estudyante. Eh paano kasi, hindi ko pinapakinggan talaga si Ma'am para may

matanong ako sa kanya.

Page 21: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

Natutuwa naman ako at medyo kinakausap nya na ako. Isa pa, nung sharing kahapon, nakapag share sya sa akin.

At ako din. Katunayan, yun yata ang pinaka unang matinong sharing ko sa isang kaklase. Lagi kasing nakakalukong

kwento lang shinashare ko sa mga nagiging sharing partner ko sa GMRC.

Tahimik kong sinasagutan yung pinapasagutan. Natutuwa din yung ibang guro sa akin. Nabawasan daw kasi ng konti

ang pagkatamad ko.

"San ka papasok sa highschool?" - tanong ko habang nagsasagot.

"UB" - sagot nya habang nagsasagot din.

"Edi magtatake ka ng exam? Ba't hindi dito na lang din?" - Ako.

"Dream schook ko ang UB. At saka may 60% discount ako dun!" - Sya.

"Ha? Ganun?" - Ako.

"Pag kasi employado dun ang mama o papa mo, may 60% discount" - Sya.

Edi dun na rin ako

Page 22: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"Ikaw? San ka mag hihighschool?"

"Ah.. Sa UB din" - Ako.

"O?! Sabi mo ayaw mo dun"

"Stockholder si dad don eh" - Ako.

Though ayaw ko don, ngayon gusto ko na rin. Nagustuhan ko, ng dahil sa'yo.

Yaks corny!

"Merry Christmas nga pala!" - Ako.

Tumawa sya ng mahina at sobrang konti. Pero natutuwa ako dahil tumawa sya.

"Layo pa! Merry Christmas din!" - Sya.

Page 23: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

- - -

Nagiging malapit na kami pero----

"Hindi kita gusto, kung yun ang akala mo"

Saka nya binato sa mukha ko ang tatlong rosas at yung sulat. Tumakbo sya papalayo.

Bakit? Bakit sya umiiyak?!

Kinuha ko yung tatlong rosas. Nakatingin sa'kin yung mga babae. Kinuha ko yung sulat at nagtaka ako kung bakit iba

ang pagkakasulat nito.

.

.

.

.

.

.

Page 24: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

(Happy Valentines! Sa wakas natapos na rin ang pag aarte kong gusto kita. Tingnan mo, nabigyan pa kita ng tatlong

rosas dahil P3000 ang nakuha ko mula sa'yo. Buti naman at hindi ka nagmatigas pa. Buti ay nagsimula kang

kausapin ako. Kaya ayan, panalo ako sa pustahan namin. Akala mo siguro gusto kita pero naku sorry, may girlfriend

na ako eh. Happy Valentines sa'yo. Sa'yo na lang yang mga bulaklak na yan. Matutuyo't matutuyo din yan. Tulad ng

pag ibig ko sa'yo, namamatay. Anong masasabi mo sa pag arte ko? --- YoonJae Myeong)

Sa galit ko ay ginusot ko agad yung papel at saka ko hinanap yung Layla at sinugod sya sa room at pagkalabas na

pagkalabas nya ay sinuntok ko agad sya.

At oo, simula non, natakot na ang lahat ng babae sa akin. Simula non, lahat ng natingin na babae ay binibigyan ko ng

masasamang tingin.

- - -

(3 years after)

"Ah Kim" - Ako.

Tumingin sya sa'kin.

Page 25: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"O?! Anu yun?" - Sya.

Ibang iba na sya. Yung dating tahimik ay ngayon ay maingay na. Ang dating ayaw mag stand out ay ngayon ay sasali

na sa pagandahan. Ang dating hanggang tingin na lang kay Ji ay ngayon ay nakikipagtalo na sa ibang may gusto din

kay Ji. At,

Ang dating minahal ko, mas sobrang mahal ko na ngayon. After 3 years..

"Sabihin mo sa kanila na kasama si Mendoza sa contest" - Ako.

"O?! Talaga? BWAHAHA sige, makakarating!" - Sya na akmang aalis na.

Hinawakan ko sya sa pulso.

Liningon nya ako.

3 seconds...

Page 26: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"Uh, 20... Number 20 sya" - Ako sabay alis ng kamay sa pulso nya.

"Ahh sige..." - Sya sabay alis.

Medyo patakbo nyang sinalubong yung mga kaibigan nya.

Pinagmasdan ko sya habang suot suot nya ang uniporme ng UB.

(("Dream School ko ang UB"))

At pangarap din kita.

"CHA! KASAMA KA DAW!" - Sya.

"NUMBER 20.. SABI NI YOONJAE." - dagdag nya.

Naglakad na ko papalayo.

Page 27: The Voice I Won_t Ever Forget (ILWTIP Kimberly & YoonJae_s SideStory)

"UY DI NGA! TUNAY!" - naririnig ko pa.

Nilagay ko na yung dalwang mga kamay ko sa bulsa ko.

Namiss ko yun.

Yung boses nyang yun.

Ang boses na hinding hindi ko makakalimutan hanggang sa pagkamatay ko at ang boses na hinding hindi ko

pagsisisihang narinig ko sa buong buhay ko.

//side story end*

- - -

(AUTHOR: Refer to IDTIP prev chapters at yung info ni YoonJae sa underground site ng school nila na nakita

ni Cha sa computer shop >:D)