tesis with no number

61
MGA IMAHE SA FUDKORT  AT IBA PANG PILING TULA NI GERMAN V. GERVACIO Isang Term Paper  Na Iniharap kay Dr. Emma B. Magracia Bilang Bahagi ng mga Pangangailangan sa Kursong Filipino 200N (Riserts sa Filipino) ni Frederick B !alde" #arso 20$0

Upload: archie-cuyacot

Post on 19-Oct-2015

869 views

Category:

Documents


38 download

DESCRIPTION

filipi

TRANSCRIPT

MGA KUWENTONG KABABALAGHAN SA BARANGAY

MGA IMAHE SA FUDKORT AT IBA PANG PILING TULA

NI GERMAN V. GERVACIO

Isang Term PaperNa Iniharap kay

Dr. Emma B. Magracia

Bilang Bahagi

ng mga Pangangailangan sa Kursong

Filipino 200N (Riserts sa Filipino)

niFrederick B. Valdez

Marso 2010TALAAN NG NILALAMAN PahinaPAHINA NG PAMAGAT.......................... i

TALAAN NG MGA FIGYUR........................ ivTALAAN NG TALAHANAYAN...................... vTSAPTER

I INTRODUKSYON........................ 1 Paglalahad ng Suliranin.................. 8 Kahalagahan ng Pag-aaral................. 8 Saklaw at Delimitasyon.................. 9 Depinisyon ng mga Terminong Ginamit......... 9II KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA...... 12 Kaugnay na Pag-aaral................... 12 Kaugnay na Literatura................... 16 Batayang Teoretikal.................... 18 Batayang Konseptwal................... 19III METODOLOHIYA NG PAG-AARAL............ 22 Paraan ng Paglilikom ng Datos.............. 22IV PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON

NG MGA DATOS...................... 28

A.1. Fudkort........................ 28

A.2. Sibuyas........................ 33

A.3. Plastikboy...................... 36 A.4. Ukay-ukay.................... .. 39 A.5. Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin...... . 44 B. Pangkalahatang Talakay................ 48ii

V BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON...... 50 Buod........................... 50 Konklusyon........................ 51 Rekomendasyon..................... 53BIBLIYOGRAPI............................... 54

PERSONAL NA MGA DATOS NG MGA MANANALIKSIK

iii

TALAAN NG MGA FIGYURFigyur

Pahina

1. Iskima ng Paradaym ng Pananaliksik................... 202. Daloy ng mga Gawain........................... 24iv

TALAAN NG TALAHANAYANTalahanayan

Pahina

1.1. Fudkort.............................. 291.2. Sibuyas.............................. 331.3. Plastikboy............................. 361.4. Ukay-ukay............................ 401.5. Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin............. 452. Pangkalahatang Talakay...................... 48v

TSAPTER IINTRODUKSYONHubad ako, pagmasdan! Lahat ay nasa akin.

Hubad ako, pagmasdan. Lahat ay nasa akin!- German V. Gervacio -

Ang dalawang taludtod sa itaas ay halaw sa isang tula na pinamagatang Kung Paano Magiging Mahusay na Makata. Ayon dito, ang makata ay dapat walang itinatago at walang kinikilingan. Nararapat lamang na kung ano ang kanyang nakikita, nadarama at nararanasan ay isusulat ito ng walang pagkiling at walang halong pag-aalinlangan.Malinaw na ipinakikita sa tula na walang pag-aalinlangang ibibigay ang buong iniisip at maging ang nadarama sa paggawa ng obra. Nangangahulugan lamang na itoy hindi magiging kaakit-akit at hindi katanggap-tanggap sa panlasa ng mambabasa kung ito ay kulang sa mga sangkap. Ang paglagay ng tamang sahog at iba pang mga rekados ay lubos na kinakailangan upang yayakapin ito ng mambabasa ng buong-buo na may lubos na pag-unawa. Ibig sabihin, bukas ang isipan ng makata sa anumang bagay maging sa kanyang sarili. Hubad ako, pagmasdan! Inuutusan ng makata ang kanyang mambabasa na pagmasdan ang kanyang kabuuanang lahat-lahat sa kanya. Maaaring sa aspektong mental, emosyunal, ispiritwal at iba pang taglay ng isang mahusay at epektibong makata. Sapagkat ang mga aspektong ito ay daan upang maunawaan ang laman at dugo ng isang obra maestra. Higit lalo ang isang tula na katulad nito.

Maituturing na makatang mapanghimagsik si German V. Gervacio sa kanyang panahon. Masasabing mapanghimagsik sapagkat ang tanging sandata niya at kapangyarihang ginamit sa pagsulat ay alab ng diwa, simbuyo ng damdamin at bugso ng panitik.Marami na rin siyang naisulat na mga sanaysay, maikling kwento at tula na nailathala sa ibat ibang magazine. Iilan dito ay nailathala sa Home Life Magazine, Philippine Panorama, Sunday Inquirer Magazine, Filipino Magazine, at maging sa mga dyornal kagaya ng Aday, Mantala at sa NSC News.

Tumanggap na rin siya ng maraming Professional Awards, Honors at Distinction mapa-lokal at mapa-nasyonal man. Sa lokal, isa na rito ang Gawad Lope K. Santos for Excellence in Filipino (1993), Institute Journalism Award (1993), Recognition from UP Diliman Committee on Arts and Culture (1998), Student Achiever (1998), Writer of the Year (1991-1992), Best Achiever (DFIW, 1991-1992) at marami pang iba. Sa pang-nasyonal, isa na rito ang pagiging finalist niya sa Philippine Panorama Poetry Contest (1993), Unang Gantimpala sa Home Life Magazine Poetry Competition (1996). Ang tulang Huling Hirit ni San Jose na nanalo ng ikalawang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Award for literature noong 1994. Ang Si Tanya, Ang Uwak na Gustong Pumuti isang kwentong pambata na nanalo ng Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1998. Ang Sinsil Boys na maikling kwento ay nanalo rin ng Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1999. Ang tulang Sinulog na nanalo ng pangatlong gantimpala sa Home Life Magazine noong 2000 at marami pang iba. Sa lahat ng natanggap ni German V. Gervacio, hindi maipagkakailang isa nga siyang tunay at magaling na makata. Isang makata ng makabagong henerasyon.Sa isang makata, ang paglikha ng tula ay isang pagdama ng masidhing damdamin na nagbubunsod ng bisa sa isip, asal at pandama. Ngunit para sa ordinaryong tao, ang kapangyarihang dumanas nito ay hindi pangkaraniwan. Bagamat pantay ang dalawa, nakalalamang ang makata sapagkat mayaman siya sa imahinasyon. Hindi siya nakokontento sa panlabas na anyo ng karanasan, bagkus, naghahanap siya ng paraan upang mapalutang ang damdamin at diwa nito upang magkaroon ng laman at kaluluwa. Sa puntong ito, ang makata ay nagsisilbing tulay upang ihatid ang mga mensahe sa mambabasa.

Sinabi ni Ligaya Tiamson-Rubin (1986:84) na dapat isiping ang makatay katulad ng pintor... pintor ng buhay, ng paligid, ng kalikasan, ng mga nakikita ng karaniwang mga mata. Ang nabanggit na pahayag ay nagpapatunay kung gaano kahusay ang mga makata sa pagsasabuhay at pagbibigay-kahulugan sa mga bagay na para sa karamihan ay simple lamang o maaaring walang kabuluhan. Kung gaano man kahusay ang mga pintor sa paggamit ng kanilang mga kamay sa pagpipinta ay ganoon din kahusay ang mga makata sa paggamit ng kanilang mga imahinasyon. Gayundin ang paggamit ng mga salita upang maipahayag nila ang kanilang mga ninanais sa isang kaakit-akit at masining na pamamaraan.Inilalarawan ng mga akda ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang indibidwal higit lalo sa pakikibaka sa hamon ng buhay. Mula pagkabata ay maituturing na likas na sa mga Pilipino ang pagkahilig sa mga tula. Ayon nga kay Ligaya Tiamson-Rubin: Masasabing dahil sa napakamatulaing paligid na kinamumulatan, ang isang Pilipino mula pa sa kanyang kamusmusan ay kinahahalataan na ang likas na hilig, pagmamahal at pagmamalasakit sa sining ng pagtula at pagkanta (1986:5).Mula sa inihayag ay hindi kataka-takang sa pagdaan ng panahon ay dumarami nang dumarami ang mga makatang Pilipino na patuloy sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng pagkatha ng tula.Bawat tula ay isang bungang isip na isinatitik. Hindi mapasusubalian na ang pagsulat ng tula ay isa sa masining na paraan upang maipahayag ng isang indibidwal ang kanyang mga saloobin, kaisipan, damdamin at paniniwala. Ito ay lumilikha ng larawan sa pamamagitan ng guniguni. Ayon kina Magracia at Valdez:Itinuturing ang tula bilang pinakamatanda at pinakamagandang anyo ng panitikan. Nagtataglay ito ng matatayog na kaisipan, makikinis at maaliw-iw na salita, at mga larawang buhay na umaantig sa damdamin. Ito ay lundo ng mga diwang magagandat matatayog at bukal na naghahandog ng salamisim at sigla sa tao. Ang tula ang pinakamasidhi, pinakamatipid, at pinakamasining na pagpapahayag ng kaisipang may kalangkap na damdamin (2005:270).Malinaw itong pinatutunayan ng mga tulang nakalimbag sa mga aklat ng panitikan sa kasalukuyan. Ang paksa ng mga tula ay nauukol sa halos lahat ng bagay dito sa mundo. Nagpapakita ito ng mga makatotohanang pangyayari sa buhay ng isang tao at sa pang-araw-araw na pakikisalamuha sa lipunang kanyang ginagalawan. Samakatuwid, magagawan ng tula ang lahat ng bagay sa paligid; kalikasan, paaralan, tahanan, simbahan o maging nakatagong salamisim ng tao.

Sa mga Pilipino, ang pagtula ay likas na yatang bahagi ng pagkatao. Sa mga pangyayari sa kanyang paligid malaki ang magagawa o maitutulong ng sining para maihatid ang mga niloloob, lalo na kung ang pag-uusapan ay mga problema. Maituturing na kabaliwan o kawalang silbi kung walang maiisip na lunas. Kayat sa masining na paraan na lamang mananawagan sa mamamayan na gumising at bumangon, harapin ang problema at ang bukas. Sining ang nagsisilbing pinakamabisang tagapagpahayag ng mga makata sa bawat kaisipan at damdamin.Sa isang banda, ang mga tula gaano man kaikli o kasimple ang paksa ay nagtataglay ng malalim na diwa na gumagamit ng mataas na uri ng lenggwahe. Nasusulat nang pili ang mga salita at kadalasan ay hindi aydentikal sa wikang ginagamit sa pakikipag-usap. Hindi ito basta-basta isinusulat ng makata sa simpleng pananalita kundi sa pamamagitan ng maganda at masining na pagpapahayag. Sa pamamagitan ng matatayog na kaisipan ng mga makata ay nagagawa nilang bigyang kulay ang pagsasalarawan ng anumang bagay na nais nilang ipahayag.Magkagayunpaman, masasabi natin ang tunay na tula ay yaong mula sa kailaliman ng puso ng isang taong gumagawa nito. Ang bawat katha ay galing sa malalim na damdamin ng makata. Nagdudulot din ito ng magandang bukas na hindi mabubura sa paglipas ng panahon.

Kung susuriin, ang tula ay tula kahit mayroong tugmat sukat ito o wala. Noong unang panahon, ang kinikilala lamang nilang tula ay yaong may tugma at sukat. Sinusukat ang taludtod at ang mga dulo nito ay pinagtugma-tugma. Samantalang sa kasalukuyang panahon mayroon nang tinatawag na mga free verse o malayang taludturan. Ang pinakamahalaga sa isang tula ay ang kaluluwang taglay nito na hindi malirip ngunit nadarama, humahaplos, umaantig, nagpapabalik ng alaala, nagpapatangis sa bakal mang puso. Nararanasan ng mambabasa ang rurok ng kaitaasan, sa mga landas ng bituin sa langit patungo sa kawalang-hanggan. Ang mga ito lahat nagagawa at nangyayari sa pagbabasa ng tula.

Anumang saloobin, damdamin o guniguni ay nailalarawan ng tula sa pamamagitan ng pandama. Dito na nabubuo ang imahe. Ang mga imahe ay nagagamit sa pinakamaigting na pamamaraan sa kamay ng isang mabuting manunulat. Naipahahayag nila ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng panulat at papel upang doon ay maipahayag nila ang dikta ng kanilang puso at kaluluwa sa pamamagitan ng paggamit ng mga imahe na siyang nagpapatingkad ng naturang damdamin.

Ang sariwa at malinaw na imahe ay ginagamit sa pagpapaigting, pagpapalinaw at pagpapayaman ng pahayag. Ang imahe ay nakakatulong sa mambabasa na maunawaan at madama ang kalagayan o bagay na inilalarawan ng manunulat ayon sa pagdanas niya nito nang buong angkop, buong linaw at puwersa.

Ang elementong ito sa tula ay isang kapangyarihang bumuo ng larawang-diwa sa tulong ng metapora at diksyon ng pagtula. Mas matipid sa salita, mas malinaw ang imaheng maaaninag dito. Matatagpuan ito sa ibat ibang bahagi ng tula.

Ang imahe, na isang mabisang sangkap ng tula, ang pokus ng kasalukuyang pag-aaral. Hihimayin sa mga piling tula ni German V. Gervacio ang iba-iba, makulay at tampok na imahe na nagparikit sa mga natatanging akdang pampanitikang ito.Paglalahad ng SuliraninPangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang lumikom at mangolekta ng mga piling tula ni German V. Gervacio at sisikaping masagot ang mga sumusunod na katanungan:1. Ano ang tema o paksa ng bawat tula?2. Anu-ano ang mga imahe na matatagpuan sa mga tula ang nagpalutang sa tema o paksa?3. Ano ang ipinahihiwatig ng mga imahe sa mga piling tula ni German V. Gervacio?Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng babasa nito. Magiging mahalaga ito sapagkat makatutulong ito sa mga susunod pang nais gumawa ng pag-aaral sa mga mensaheng napapaloob sa tula. Makakapag-ambag din ito ng mga dagdag na impormasyon at kaalamang may kaugnayan sa mga tula.

Makatutulong din ito upang maunawaan ang mga mensaheng nakapaloob sa bawat tulang sinuri. Ang mga makikitang imahe sa mga piling tula ni German V. Gervacio ay maghahatid sa mga mambabasa ng pang-unawa sa kahulugan ng tula at mas malalim na kaalaman. Magiging mahalaga din ang pag-aaral na ito lalo na sa mga mananaliksik na may interes ding magsuri ng mga tula.Para sa lahat ng mga mag-aaral ng tula, ang pagtatalakay sa kung paano unawain ang kahulugan ng mga kataga sa tula ay makatutulong bilang pambukas sa kanilang kamalayan. Ang pagsusuri ng mga tula ay maaring gawing huwaran sa klase upang maunawaan ng bawat estudyante ang sining ng kritisismo.

Saklaw at DelimitasyonLimang (5) tula ni German V. Gervacio ang pinili sa pag-aaral na ito, na pinamagatang (1) Fudkort (2) Sibuyas (3) Plastikboy (4) Ukay-ukay (5) Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin.Sinuri at inalisa ang mga ito ayon sa imahismong pagdulog upang mapalitaw ang mga imaheng nakapaloob sa tula. Ang pag-aaral na ito ay itutuon lamang sa mga imahe na napapaloob sa mga piling tula ni German V. Gervacio.

Hindi kasali ang iba pang tula ni German V. Gervacio maliban lamang sa limang (5) tula na pinili ng mananaliksik. Inilimita lamang sa limang (5) tula na gawan sa pag-aaral. Hindi kasali ang iba pang kathang sinulat ni German V. Gervacio tulad ng maikling kwento, sanaysay at iba pang akda niya.Depinisyon ng mga Terminong Ginamit

Binigyan ng kahulugan o depinisyon ang mga sumusunod na mga terminong madalas gamitin sa pag-aaral na ito.Denotasyon. Ang diksyunaryong kahulugan ng mga salita (Sining-Agham sa Pagtula:1986). Sa pag-aaral, ito ang literal na pagpapakahulugan sa mga salitang nakuha mula sa tulang sinuri.Imahe. Ang nagsasabi ng kahulugan ng tula (Hamaka 111:2003). Sa pag-aaral, tumutukoy ito sa mga nabuong larawan sa isip ng mananaliksik. Ito ay ginamit upang mapalutang ang kahulugan ng bawat tula na pinag-aralan.Konotasyon. Ang napakalilim na kahulugan nito, ayon sa gamit at pagkakaugnay sa ibang salita (Sining-Agham sa Pagtula:1986). Ginamit ang konotasyon sa pag-aaral sa pagpapalutang ng mga imahe o larawang-diwa sa mga tula ni German V. Gervacio.Makata. Taong sumusulat o bumibigkas ng mga tula (Diksyunaryo ng Wikang Filipino:1998). Ang napiling makata sa pag-aaral na ito ay si German V. Gervacio.Tayutay. Pahayag na gumagamit ng mga salita sa isang di-pangkaraniwan o di-literal na paraan upang mapaigting ang bisa ng kahulugan. Tinatawag rin itong figure of speech sa Ingles. Nagmula ang salitang ito na taytay (bamboo plank or bridge); tulay o andamyo. (Belvez, et. al. 2001). Ang layunin sa paggamit ng ganitong salita ay upang maging maganda ang gagawing pagpapahayag. Gayundin ang makikita sa mga napiling tula sa pag-aaral na ito.Tula. Akdang may mga taludtod, lalo na ang may nalinang sa anyong pampanitikan, natatangi sa masidhing gamit ng salita at ritmo upang ipahayag ang isang malikhaing pagtinging sa isang paksa (UP Diksyunaryong Filipino:2001). Sa pag-aaral, ang limang piling tula ni German V. Gervacio ang sinuri at inalisa.TSAPTER IIKAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura. Sa mga aklat na nabasa, pinili lamang yaong may malapit na kaugnayan sa tulang sinuri. Matutunghayan din ang batayang teoretikal at konseptwal.Kaugnay na Pag-aaral

May mga pag-aaral na naisagawa na kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral.

Ang pag-aaral nina Merano at Sayana (2005) ay sumuri ng mga balak sa sampung piling barangay ng Iligan. Ginamitan nila ito ng deskriptibong pamamaraan at personal na pakikipagpanayam sa mga impormante upang makalikom ng ibat ibang mga balak na mayroon sa sampung mga barangay. Ang mga barangay na kasangkot dito ay Tibanga, Pala-o, Kiwalan, Dalipuga, Suarez, Abuno, Hindang, Digkilaan, Bunawan at Rogongon.

Sa pagkuha ng impormante, ang mga risertser ay nagtalaga ng mga kraytirya gaya ng sumusunod: (1) ang mga impormante ay kailangang pinanganak at lumaki sa Iligan, (2) may edad na hindi bababa sa dalawampung (20) taon, (3) marunong magbalak o tumula sa wikang Cebuano. Walang limitasyon sa bilang ng kukuning impormante. Lahat ng maaaring makapagbigay ng balak ayon sa kraytiryang itinakda.

Ang riserts ay ginawa sa syudad ng Iligan na tinaguriang City of Waterfalls dahil sa dami ng talon na makikita rito. Sa kabuuan, mayroong dalawamput apat (24) na talon ang syudad na kinagigiliwan ng mga turista. Isa na rito ang pinakatampok at matulaing Maria Cristina Falls na nakaluklok sa barangay Fuentes, lungsod ng Iligan na kabilang sa Rehiyon X. May apatnaput apat (44) na barangay ang lungsod. Sampung barangay dito ang pinagkunan ng datos.

Personal na intervyu sa mga impormante ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpunta nila sa barangay Tibanga, Pala-o, Kiwalan, Dalipuga, Suarez, Abuno, Hindang, Digkilaan, Bunawan at Rogongon.

Pagkatapos malikom ang mga balak, isinalin ng mga risertser sa Filipino at ginawan ng pagsusuri ang mga nakalap na balak. Pagkatapos, sinuri nila ang paksa at imahe na nakita sa balak. Batay sa sinuring labinlimang (15) balak, ibat ibang paksa ang natuklasang napapaloob sa mga ito. Nahahati ito sa pitong (7) paksa. Pitong (7) balak ang naglalarawan ng tapat na pag-ibig ng isang tao kahit na walang katugon na pag-ibig mula sa kanyang sinisinta. Dalawang (2) balak naman ang may paksa ng matitinding pagsubok sa buhay. Dalawa (2) rin ang pumapaksa sa kalagayang sikolohikal. Ang isa sa pagnanasang sekwal. Ang pangalawa ay matinding inferiority complex na nadarama ng persona ng tula dahil sa kapansanang dulot ng polio. Apat (4) na balak ang pumapaksa sa kahirapan ng buhay, kawalan ng pag-asa sa buhay, pagmamahal sa sariling pamayanan at pagpapahalaga sa punong niyog na mauuring pangkalikasan.

Sa pag-aaral nina Balili at Montecillo (2001), sinuri nila ang realidad na makikita sa maikling kwento ni German V. Gervacio na Sinsil Boys. Ginamit nilang pamamaraan ang palarawan o deskriptibong analisis sa pag-analisa ng nasabing kwento. Ang mga mananaliksik ay hiningi mismo sa awtor ang kopya ng kwento. Paulit-ulit itong binasa upang maintindihang mabuti. Pagkatapos mabasa ang kwento, inihambing ito sa mga kwentong kinakitaan ng pagkakatulad na istorya.

Upang malaman ng mga mananaliksik ang kaugnayan ng manunulat sa kanyang akda at kung ano ang nagtulak dito upang isulat ng may-akda ang nasabing kwento, kinapanayam nilang personal ang may akda. Sa isinagawang intervyu ay naging malinaw sa mga mananaliksik kung paano binigyang buhay ng manunulat ang mga tauhan na naaangkop sa kanilang ginagampanang papel.

Pagkatapos ng intervyu, sinuri na nila ang kwentong Sinsil Boys batay sa pananaw realismo. Lumabas sa pagsusuri na mayroong (5) imahe ng mga pangyayari sa kwento na umiiral pa hanggang ngayon. Ito ay ang (1) kahirapan (2) kasamaan (3) pagkakaroon ng bisyo (4) illegal recruiting at (5) sa likod ng medya.

Sa pag-aaral nina Amarga at Diamante (2006) na sumuri sa nobelang Hanggat Alat ang Dagat ni Joey Arrogante, ginamit nila ang deskriptibo sa pag-analisa ng dokumento. Samantala, sa pagsusuri ng nobela, lapit sosyolohikal at realismong pagdulog naman ang inilapat. Ginamit nilang batayan sa pag-aaral ang teorya ni Sigmund Freud tungkol sa personalidad ng tao na binubuo ng tatlong mahalagang sistema ng id, ego, at superego.

Sinuri nila ang nobela ni Joey A. Arrogante ayon sa mga imahe o larawan na nangyayari sa loob ng nobela na tahasang naglalarawan ng nagaganap sa lipunang Pilipino. Inisa-isa at inunawa nila ang mga kasamaang nagkukubli sa katotohanan, kagandahan ng mundo at kalikasan ng sangkatauhan.

Lumabas sa kanilang pagsusuri na mayroon pa ring mga imahe ng mga pangyayari sa kwento ang patuloy na umiiral sa ating lipunan katulad ng walang kamatayang kahirapan; paggawa ng imoral na gawain katulad ng relasyong sekswal sa pagitan ng kapwa lalaki at ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa premarital sex; ang pagkakaroon ng mga pari ng relasyon sa mga babae na talagang bawal sa kanila; panloloko sa kapwa at iba pa. Natuklasan din ng mga mananaliksik ang pagkakaroon sa ating lipunan ng kamag-anakan system.Magkakaugnay ang lahat ng mga naitalang mga pag-aaral sa papel na ito sapagkat halos lahat sa mga pag-aaral na nabanggit ay ang mga imahe ang tinitingnan sa pag-aaral. Ang pagkakaiba ng mga kaugnay na pag-aaral nina Merano at Sayana (2005) ay balak ang kanilang sinuri. Ang pag-aaral nina Balili at Montecillo (2001) ay maikling kwento ang sinuri. Ang pag-aaral nina Amarga at Diamante (2006) ay nobela ang sinuri.Kaugnay na Literatura

May kaugnayan din sa pag-aaral ang tulang Guryon ni Ildefonso Santos na makikita sa aklat nina Magracia at Valdez (2005). Dahil ang ginamit na toeryang ito ay imahismo. Kakikitaan ito ng imahe sapagkat ang guryon ay inahalintulad sa buhay ng isang tao. Tulad ng guryon ang buhay ay marupok, malikot, dagitit dumagit saan man sumuot.May kaugnayan din sa pag-aaral ang tulang Maila ni Paul del Rosario na makikita sa aklat nina Magracia, et. al. (2008). Sa pamagat pa lamang ay kakikitaan na ito ng imahe, isang bakla. Ngunit hindi lamang sa mga pamagat na ito makikilala natin na isa siyang bakla kundi gayundin ang pag-uugnayan ng mga salita at paggamit ng mga ito. Halimbawa ng salitang Sholbog na nasa unang taludturan ng ikalawang saknong at Shout akesh na makikita naman sa ikatlong taludturan ng ikatlong saknong ng tula.

May kaugnayan din sa pag-aaral ang nobelang pinamagatang Sa Mga Kuko ng Liwanag (1986) ni Edgardo M. Reyes, may imahe rin ang mababasa dito, ang pangunahing tauhan na si Ligaya Paraiso ay nagbibigay pahiwatig ng kaligayahan, ngunit ito ay kabalintunaan sapagkat sa nobela, siyay namatay na hindi nagkamit ng kaligayahan. Ang isang Intsik namang tauhan doon ay si Ah Tek na kung tatagalugin ay atek o atik - ang pabalbal na tawag sa salapi. Ito ay masasabing satiriko - isang pakutyang pahiwatig na ang tauhang nabanggit ay switik, tuso at mapagsamantala sa kapwa, di kayay dahil sa siyay masalapi o maatik ay nabibili niya pati ang kanyang kapwa.

Kakikitaan din ng mga imahe ang dula ni Alberto S. Florentino na pinamagatang The World is an Apple na makikita sa aklat nina Gil at Cay (1965). Ang dulang ito ay nagkamit ng unang gantimpala noong 1953 sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

Sa pamagat pa lamang ay kakikitaan na ito ng kakaibang imahe. Ang mansanas (apple) ay sumisimbolo sa mga mayayaman. Ang pamagat ng The World is an Apple ay maaaring nagpapahiwatig na walang puwang sa mundo ang mga mahihirap na mamuhay ng maginhawa. Sa dula ang bidang tauhan na si Mario ay isa lamang ordinaryong manggagawa, napabilang ang kanyang pamilya sa mga mahihirap. Nagsimulang nagkagulo ang buhay ni Mario nang kinupit niya ang isang mansanas na nahulog mula sa kanyang pinagtrabahuan na siyang naging dahilan kaya napatalsik siya sa trabaho.

Ang pangalang Mario ay nangangahulugang warlike na nagpapahiwatig ng kaguluhan. Sa dula ay nagkagulo nga ang buhay ni Mario. Ang pangalang Gloria o Glory sa wikang Ingles ay nangangahulugan ng kaginhawaan at kaligayahan. Subalit kabaliktaran ang ipinapakita sa dula dahil hindi kaginhawaan ang tinatamasa ni Gloria sa piling ni Mario kundi puro hirap at problema.Ang mga awitin o kanta ay may kaugnayan din sa pag-aaral sapagkat ang awit ay isang tulang nilangkapan ng himig. Kababanaagan ng isang tao. Nararamdaman dito ang malalim na simbuyo ng isipat damdamin. Lumalakip ito sa kasayahan sa kalungkutan, sa kaginhawaan at sa karalitaan at pag-ibig. Ayon kay Arrogante (1983:3) na, Ang tula ay awitang awit ay tula. Isa lamang itong simpleng pahayag na nagpapakilala ng awit bilang kapatid ng tula. Sa katunayan, marami nang mga tula ang nilapatan ng akmang himig na mas nagpaakit sa mga nakikinig dahil sa taglay nitong panghalina.Batayang TeoretikalSa pagsusuri ng tula ni German V. Gervacio, ginamit ng mananaliksik ang imahismong pagdulog upang mapalitaw ang mga imahe. Sa pagdulog na ito, sinuri ng mananaliksik ang mga imaheng nakapaloob sa tula. Ayon kina Magracia at Valdez:

Sa imahismo ay sinikap na mabigyang-halaga ang buhay sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga nakatagong larawang-diwa na may kahulugan. Sa paggamit ng angkop na wika ay nakalilikha ng maayos na imahe at naipahahayag ang hindi makontrol na simbuyo ng damdamin (2005:179).Mas mabibigyan ng buhay ang mga larawang-diwa na nakapaloob sa mga pangyayaring nagaganap sa karanasan ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan sa pamamagitan ng paggamit sa teoryang imahismo. Binibigyan rito ng interpretasyon ang bawat imaheng nakasalamin sa isang pangyayari o mga pangyayari. Ginagamitan ito ng mga salitang kongkreto at angkop lamang para ipaliwanag o ipakita ang buong detalye ng mga pangyayaring ito sa nagaganap sa lipunan. Sa paggamit ng mga salitang angkop ay mas maipahahayag ng tao ng buong husay ang mga damdaming di nais makontrol sa nilalaman ng damdamin. Tinukoy ang mga salita mula simula hanggang wakas ng tula upang masala ang larawang-diwa ayon sa mga pahiwatig ng diksyon. Gayundin (Magracia at Valdez, 2005:179) Ang imahismo ay sining na ipinakikita sa pamamagitan ng talino, damdamin at karanasan upang makalikha ng maayos na imahe. Tunay nga namang sining ang mga tula ni German V. Gervacio sapagkat halaw ito mula sa tunay na karanasan ng mismong awtor at ng mga taong kanyang nakasalamuha. Mula sa mga masalimuot na damdamin ng mga tao at kongkretong gamit ng wika ay makabubuo ng kongkretong imahe. Sa teoryang ito umiikot ang pagsusuri ng tula batay sa bigat ng salita at kaugnayan nito sa iba pang bahagi ng taludtod.

Batayang Konseptwal

Tunguhin ng pananaliksik na ito na ipakita ang kaugnayan ng salita na bahagi ng taludtod sa kahulugan nitong nabubuo sa isipan ng mambabasa. Ang kahulugan ng mga salita ay lumilikha ng larawang-diwa na iginuguhit ng mga elemento. Sa panulaan tulad ng tono, sukat, tugma, estilo, at kariktan na pananalita. Sa sama-samang elemento nabubuo sa gunuguni ang isang larawan na kung tawagiy imahe. Ito ang pakahulugan sa tula. Bawat tula ay mayroong larawang-diwa o imahe. Ito ang pinatunayan ng kasalukuyang papel. Makikita sa ibaba ang iskima ng paradaym ng pananaliksik.

Figyur 1. Iskima ng Paradaym ng PananaliksikAng tatlong oblong na pababa ay nagpapakita ng proseso ng pananaliksik. Ang unang oblong na may kulay na dilaw ay naglalaman ng genre na maging pokus ng pagsusuri. Ang mga ito ay ang limang (5) piling tula ni German V. Gervacio na pinamagatang (1) Fudkort (2) Sibuyas (3) Plastikboy (4) Ukay-ukay (5) Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin.Ang ikalawang oblong na may kulay na asul ay naglalaman ng pagdulog na paraan na ginamit sa pagsusuri. Sinuri at inalisa ang mga imahe sa mga akdang tula ni German V. Gervacio. Ginamit sa pagsusuri ang teoryang imahismo.

Pagkatapos ng prosesong ito, nabuo ang imahe sa bawat tula. Ang panghuling oblong na may kulay na berde ay ang naging resulta ng ginawang analisis. Dito makikita ang nabuong imahe sa bawat sinuring tula.TSAPTER IIIMETODOLOHIYA NG PAG-AARAL Ginamitan ng pamaraang palarawan o deskriptibong analisis ang limang (5) piling tula ni German V. Gervacio. Sinuri ang mga ito sa tulong ng imahismong pagdulog upang tuklasin ang lahat ng imahe na napapaloob sa bawat piyesa.Mahalaga ang pag-unawa sa bawat salita, parirala, taludtod at saknong. Hindi sapat ang minsang pagbasa lamang sa akda dahil sa magandang pagkakasulat nito. Kailangan ang malalim at malikhaing proseso ng pagbabasa na nakaugat sa ugnayan ng isip ng mambabasa at ng teksto. Ang mga tekstong ito di nga kasi ay nagsisilbi lamang tulay para maihatid ang mga nakatagong mensahe sa mga mambabasa kabilang na ang paglikha ng larawang-diwa.Paraan ng Paglilikom ng Datos

Kinilala ng mananaliksik ang ilan sa mga batikang makata na sa palagay nila ay mahuhusay at mayrong maraming naisulat na akda. Kabilang sina Cirilo Bautista, Romulo Sandoval, Jesus Manuel Santiago at German V. Gervacio sa mga ito. Sa tulong ng kompyuter at internet, sinikap ng mananaliksik na hanapin ang mga tula at iba pang bagay na may kinalaman sa mga nasabing awtor. Tanging si German V. Gervacio lamang ang mayroong sapat na impormasyong nakasulat sa lahat ng tulang kanyang naisulat na makatutulong upang mabuo ang gagawing pag-aaral. Ang iba ay iilan lamang ang mga tulang natagpuan sa mga aklat ng panitikan. Dito na napagpasya ang mananaliksik na ang mga tula na lamang ni German V. Gervacio ang pipiliing paksa sa tesis na ito. Makikita sa sumusunod na pahina ang Figyur 2 na nagpapakita ng daloy ng gawain sa pananaliksik na ito.

Figyur 2. Daloy ng mga GawainSarbey sa lahat ng tula ni German V. GervacioSinangguni ng mananaliksik ang mismong awtor upang makuha ang tamang bilang ng mga tulang kanyang naisulat. Ang kanyang nailimbag ay humigit kumulang sa limampong (50) tula at gayundin ang hindi nailimbag. Ang mga tula ay nakuha mismo sa manunulat.Isa-isang pagbasa sa lahat ng tula ni German V. GervacioPagkakuha ng mananaliksik sa ibat ibang tula ni German V. Gervacio ay pabalik-balik itong binasa lahat upang matanto sa pahapyaw na pagsusuri ang mga tulang hitik sa imahe.Pagpili ng pinal na mga Tula

Matapos mabasa ng mga mananaliksik ang lahat ng mga tula ni German V. Gervacio ay hiniwalay ang limang (5) tulang nakapasa sa kraytiryang itinalaga. Ang kraytiyang ito ay ang mga sumusunod: (1) Hitik sa mga imahe. (2) Taglay ang kakaibang istilo. (3) May temang nagpapakita sa tunay na kalagayang panlipunan ng bansa. Ang mga tulang napili ay ang mga sumusunod: (1) Fudkort (2) Sibuyas (3) Plastikboy (4) Ukay-ukay (5) Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin.Paulit-ulit na pagbasa upang alamin ang Tema o PaksaMatapos mapili ng mananaliksik ang tiyak na mga tulang susuriin ay isinalang na naman ang mga ito sa paulit-ulit at masinsinang pagbasa upang alamin ang pangkalahatang tema o paksa. Inalisang mabuti at inunawa kung tama ba ang tema o paksa na nakita sa bawat tula.Pagtatala ng mga Terminong mahirap unawainPagkatapos ng malalim na pagbasa, sinuyod ng mananaliksik ang mga terminong mahirap unawain at isinangguni ang mga ito sa mga diksyunaryo upang maintindihan ang kahulugan ng bawat salita at magamit nang wasto sa pagsusuri.AnalisisSinuri at inalisa ng mananaliksik ang bawat salita, taludtod, parirala at saknong ng mga tula upang makuha ang mga nagpapalutang at pinapahiwatig na imahe sa bawat tulang nakikita. Gumawa rin ang mananaliksik ng talahanayan upang mapadali ang pag-analisa sa limang (5) tulang napili.InterpretasyonPagkatapos masuri ng mananaliksik ang bawat tula ay binuo ng mananaliksik ang kabuuang interpretasyon na nagsisilbing impak sa nais ipakahulugan ng tula. Madali itong natuklasan sa tulong ng mayamang imahe sa gaano man kaikling tula.TSAPTER IV

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOSSa kabanatang ito isa-isang inilahad, sinuri at pinahalagahan ng mananaliksik ang limang (5) piling tula ni German V. Gervacio na pinamagatang (1) Fudkort (2) Sibuyas (3) Plastikboy (4) Ukay-ukay (5) Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin.Sistematikong tinuklas sa mga nabanggit na tula ang mga imaheng napapaloob sa mga ito. Sa tulong ng mga talahanayan, binibigyan ng mananaliksik nang masinop na tugon ang mga suliraning kasangkot sa pag-aaral.

A.1.

Fudkort

Dito nililitis

Ang mga pagkain

Ang sikmura't mata

Ang Interrogator

Witness ang ilong

Kung sino ang may kasalanan

Sa mas tumindi pang gutom

Ang bulsa ang siyang hukom

Ngunit ako'y miron lamang

Dahil bago pa man napadaan

Dito sa Korte ng panlaman-tyan

Ako'y nahatulan na

Ng habambuhay

Na pagkabilanggo

Sa lunok at takam.Talahanayan 1.1. Mga imahe sa tulang Fudkort

Mga Salita/Parirala/SaknongDenotasyonImahe

1. NililitisPagdinig sa hukumanHinahatulan

2. Sikmurat mataSikmura at mataMga taong gutom

3. Witness ang ilongSaksi ang ilongTao na magpapasiya batay sa amoy ng pagkain kung masarap o hindi

5. Ang bulsa ang siyang hukomMamimili kung may sapat na pera sa kanilang bulsaTaga-hatol

6. Miron lamangHindi kasaliMga taong walang kakayahang bumili kaya nasisiyahan na lamang sa pagtingin at pagtakam sa pagkaing nakikita nila.

7. Dito sa Korte ng panlaman-

tyanMga sarisaring putaheFudkort

8. Ako'y nahatulan na

Ng habambuhay

Na pagkabilanggoNahusgahan ng habambuhay na pagkabilanggoWalang kakayahang bumili

9. Lunok at takamPalatak ng labi at dila bilang pag-asam sa sarap na dapat sanang tinatamasaGutom na gutom

Ang tulang Fudkort at nagtataglay ng maraming imahe. Sa pamagat pa lamang na Fudkort, nagtataglay na ito ng kakaibang kahulugan. Kung susuriin ito ng isang literal na pagsusuri maaaring sabihin na ang kahulugan ng Fudkort ay isang korte ng pagkain na makikita sa mall. Ayon kay Jimmuel C. Naval sa aklat nina Aonuevo, et. al. (2006) na, ang mall ay isang publikong lugar na kalimitay isang kalyehon na katatagpuan ng mga puno at halaman o bulaklak, at idinisenyong libangan para sa mga naglilibot o naglalakad na tao.Sa unang taludtod ng tula ay nabanggit ang salitang nililitis na nangangahulugan ng pagdinig sa hukuman. Agad mabubuo ang imahe na hinahatulan. Tulad sa isang korte ang makasalanan ay nililitis ng taga-usig upang ito ay mapatawan ng tamang parusa. Dito sa tula ang pagkain ang hinahatulan o nililitis, sa pamamagitan ng sikmurat mata. Ang sikmurat mata na makikita sa ikatlong taludtod ay tumutukoy sa mga taong gutom na walang kakayahang bumili ng pagkain dahil walang sapat na pera para ipambayad sa kahera. Sa pamamagitan ng sikmura at mata malalaman ng tao na siya ay gutom na. Kung sa isang paglilitis ay merong abogado, dito sa tulang ito ang sikmura at mata ang naging abogado. Sa pamamagitan ng kanyang senses na ito o pandama ay malalaman ng isang tao kung ano ang kanyang nararamdaman. Isa itong uri ng tayutay na pagpapalit-tawag. Ayon kay Sauco, et. al. (1998) na, Ang pagpapalit-tawag ay pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy.Ang mamimili ay maghahanap lamang sa mga istol ng masasarap na pagkain. Malalaman ng mamimili kung ito ba ay masarap o hindi. Ito ay makikita sa ikalimang taludtod na witness ang ilong. Sa pamamagitan ng kanilang ilong ay maaamoy nila kung ang pagkain ba ay masarap o hindi.

Pero kahit mabango at masarap man ang putahe, ang mamimili ang siyang huling magdedesisyon kung bibili ba siya o hindi. Ito ang ipinahihiwatig sa ikawalong taludtod na ang bulsa ang siyang hukom na imahe ng isang taga-hatol. Kung wala kang pera ay magtitiyaga ka na lamang sa pagtitingin ng mga masasarap na putaheng niluluto.Ngunit sabi sa ikasiyam na taludtod, ang salitang miron lamang ay nangangahulugan na hindi kasali. Isang imahe ng mga taong walang kakayahang bumili kaya nasisiyahan na lamang sa pagtingin at pagtakam sa pagkaing nakikita nila. Wala silang pera para makabili man lamang ng pagkain na gusto nilang bilhin. Sabi pa sa ikalabing isang taludtod na dito sa korte ng panlaman-tyan na nangangahulugan ng sarisaring pagkain. Isang imahe ng fudkort. Mga klase-klaseng putaheng inihanda para maakit ang mamimili para bumili ng pagkain. Pasarapan, pabanguhan at pagandahan ng mga putaheng ihahanay. Pero kahit anong gawin ay wala silang maipalalabas na pera dahil kapus nga itong mamimili. Kaya sila ay nililitis sa dahilang gusto nilang kumain ngunit hanggang tingin na lamang sila sa mga ito.

Sabi pa sa ikalabindalawa hanggang ikalabing-apat na taludtod na ako'y nahatulan na ng habambuhay na pagkabilanggo na nangangahulugan na wala siyang kakayahang bumili ng pagkain. Wala siyang kakayahang bumili dahil walang pambayad itong mamimili. Kaya, sinabi na lamang niya sa ikalabinlimang taludtod na kahit sa lunok at takam man lamang ay matikman niya ang sarap ng mga pagkain. Nangangahulugan lamang na ang taong ito ay gutom na gutom at kahit anong gawin niya ay wala siyang pera para ipambili ng makakain upang maibsan o mawala ang nararamdamang gutom. Kaya mapapalunok at matatakam na lamang siya sa katitingin ng mga masasarap na pagkain. Kadalasan ang mga ganitong eksena ay makikita sa mga mahihirap na mga tao yaong matatawag na nasa mababang uri. Ito ay sa kadahilanang wala silang sapat na pera para makabili ng ganitong uri ng mga pagkain.Sa kabuuan, ang tema ng tulang Fudkort ay tungkol sa kahirapan. Isang mamimili na gustong bumili ng pagkain ngunit hindi makabibili at itoy sa kadahilanang kakarampot lamang ang pera. Walang maipambayad kung kayat nagtitiis na lamang sa gutom. Dito walang karapatang kumain ang palaboy o walang pambayad. Kung wala kang kakayahang bumili ay hanggang tingin ka na lamang. Kung wala kang pera ay mapapalunok at mapapatakam ka na lamang sa kakatingin ng mga masasarap na pagkain. Ang ganitong pangyayari ay isang buhay na halimbawa na nagaganap sa kasalukuyang panahon. Hindi ito isang likhang-isip o fiksyon kundi pawang katotohanan.Pansinin na lamang ang mga batang palaboy sa lansangan na namamalimos ng pagkain sa gilid ng isang food chain tulad na lamng sa Jollibee, Chowking, KFC at McDonald. Nakaabang sila sa may salaming pader ng establisyemento at tinitingnan ang bawat pagsubo ng mga kumakain sa naturang lugar. Ang kaganapang ito ay hindi lamang paminsan-minsang nangyayari kundi itoy nagiging palagian. Maituturing na ngang popolar na kultura sa kalsada ang ganitong eksena ng mga batang kalye.A.2.Sibuyas simpleng

tampuhan

ang simula: hindi mo nilagyan

ng sibuyas

ang sawsawang suka

kasi kamoy

naiiyak

pag sibuyas ay hinihiwa

Ang korni mo!

naisigaw ko tuloy

simpleng tampuhan

ang simula--natapos

sa pag-aala-Charles

at

Di

natin OK lang yon

gusto ko lang malaman

mong tama ka--

ang sibuyas

pag hinihiwa, lintek--

talaga palang

nakaluluha.Talahanayan 1.2. Mga imahe sa tulang SibuyasMga Salita/Parirala/SaknongDenotasyonImahe

1. SibuyasSibuyasIyakin

2. Sawsawang sukaSukaMay hidwaan ang pagsasamahan

3. HinihiwaHinahatiPaghihiwalay

4. Charles

at

DiCharles at DianaPormang prinsipe at prinsesa

Ang tulang Sibuyas ay napakamalikhain magmula sa istilo hanggang sa kaisipang mababanaag sa tula. Ang mga salitang ginamit dito sa tula ay kasinghugis talaga ng isang hiwa ng sibuyas. Sa umpisa ng tula ay sinabi na simpleng tampuhan ang simula na nangangahulugan ng isang umpisa o pinagmulan ng isang hindi pagkakaunawaan. Isang hindi pagkakaunawaan na madalas na masasaksihan at mapapansin sa bawat magkasintahan o di kayay sa mag-asawa. Maaari ring nagaganap ang ganitong pangyayari sa magkaibigan o magkakabarkada. Kung kayat masasabing hindi ito ordinaryong yugto ng isang samahan upang makamit ang tinatawag na maturity sa isang kinabibilangang relasyon.Ika nga hindi kompleto ang buhay kung palagi na lamang masaya ang bawat sandali ng isang nilalang. Hindi kompleto ang buhay kung kulang ng mga sangkap ang mga ito. Ang mga sangkap na ito ay ang hirap at lungkot ng bawat isa. Ito yong nagbibigay ng kulay at sarap sa buhay. Kung sa sawsawan, hindi kompleto kung wala ang mga sahog lalong lalo ang presensiya ng sibuyas. Ang sibuyas ang siyang nagbibigay lasa ng sawsawan para ito ay sumarap. Gayun din sa buhay, kailangan din ang sibuyas para maging malasa, makulay at maganda ang takbo ng buhay higit lalo sa isang pagsasama o samahan.Ang salitang sibuyas ay nangangahulugan ng pagiging isang iyakin. Nakakaiyak nga naman ang sibuyas kapag itoy hinihiwa. At masarap ang isang sawsawang suka kung nilalagyan nito. Ang sawsawang suka na kung literal lamang na pagsusuri ay isa lamang uri ng suka ngunit sa malalim na konotasyon, ito ay isang imahe na may hidwaan ang pagsasamahan. Nangangahulugang sa bawat relasyon ng magkasintahan, mag-asawa, mag-bestfriend ay sadyang may mga problemang hindi maiiwasan na siyang nakasisira sa relasyon. Sila ay nagkatampuhan sa kadahilanang hindi niya nilagyan ang sawsawang suka ng sibuyas. Kaya, napasigaw tuloy siya na ang korni mo. Ang salitang hinihiwa ay nangangahulugan ng pahihiwalay. Isang simpleng tampuhan ang simula na nauwi sa hiwalayan na katulad rin sa nangyari kina Prince Charles at Princess Diana. At nang sinubukan ng lalaki na humiwa ng sibuyas ay saka pa lamang niya nalaman na tama pala ang sinabi ng kanyang kasintahan na kapag hinihiwa pala ang sibuyas ay talagang nakaluluha.

Sa kabuuan, ang tema ng tulang Sibuyas ay tungkol sa tampuhan ng magkasintahan. Isang simpleng tampuhan na nauwi sa hiwalayan. Madalas nangyayari ito sa magkasintahan na parehong mainitin ang ulo. Hindi marunong makinig sa opinyon ng bawat isa. Kung minsan ay nagkakasigawan o di kayay nagkakasakitan na nagiging sanhi naman ng hiwalayan. At kapag naisipan ng isa na gawin ang bagay na siyang pinag-awayan ay saka pa lamang ang pagsisi. Ika nga, ang pagsisisi ay laging nasa huli.A.3.Plastikboy

minumura niyang lahat

ang hindi bumibili

ng kanyang plastik:

alam nyo ba

kung ilang piraso

ang kailangang kong ibenta

para me ipan-Tanduay

ang mahal kong ama?

minumura niyang lahat

ang bumibili ng kanyang plastik:

alam nyo ba

na mas malakas

mambatok

ang pinakamamahal

kong ama

pag nalalasing?

Talahanayan 1.3. Mga imahe sa tulang PlastikboyMga Salita/Parirala/SaknongDenotasyonImahe

1. MinumuraPinagalitanAstig na bata/batang galit na galit

2. PlastikSupot na ibenibentaPaghahanapbuhay ng bata

3. TanduayIsang brand ng inuming alakAlak na nakalalasing

4. MambatokHampasin sa batokTaong nananakit

5. NalalasingTaong nalalasingTaong wala sa katinuan

Napakasimple ng tula. Binubuo lamang ito ng apat na saknong. Sa pamagat malinaw na kaagad ang imaheng nakita. Mula sa pinagdugtong na salitang plastik at boy, ibig sabihin ay isang batang lalaki na nagbebenta ng plastik. Sa unang saknong, malinaw na makikita sa salitang minumura ang imahe ng isang astig na bata o batang galit na galit na animoy pormang maton na nagmumura. Siya ay nagagalit sa hindi bumibili ng kanyang plastik dahil kung hindi siya makabenta ay wala siyang maipambiling ipan-tanduay sa kanyang ama. Ang plastik ay isang supot na ibenibenta. Ito ay imahe na paghahanapbuhay ng bata. Ibinibili niya ang kita ng plastik ng tanduay para sa kanyang ama. Lumilitaw ang salitang tanduay sa ikalawang saknong. Itoy imahe ng isang alak na nakalalasing. Kung kayat masasabi na ang kanyang ama ay isang lasenggo.

Sa kabilang dako, galit rin siya sa mga bumibili ng kanyang mga plastik. Makikita pa rin ito sa kanyang pagmumura. Katwiran niyay kapag nakabenta siya at may ipan-tanduay na ang kanyang ama ay mas malakas itong mambatok kapag nalalasing. Masasalamin sa salitang mambatok na nasa huling saknong na imahe ng isang taong nananakit gamit ang mga kamay. Itoy isang pananakit sa pamamagitan ng paglalagay ng puwersa at lakas sa isang tao o kalaban. Partikular ang ama ng plastikboy, nadaragdagan ang lakas nito kapag nahaluan ang katawan nito ng espirito ng alak. Nangangahulugan na ang salitang nalalasing ay isang taong wala sa katinuan kapag nakainum ng alak. Nawawalan sa huwestiyon o tamang pag-iisip ang taong nabahiran ng alak ang sikmura.Makikita sa tula ang larawan ng batang inaabuso ng sarili nitong ama. Sa halip na nasa paaralan at nag-aaral ay nagbebenta ito ng plastik sa lansangan para may ipantustos sa bisyo ng amaang paglalasing. Ang batay walang patutunguhan at pagpipilian dahil makabenta man o hindi ay pananakit pa rin ang kanyang aabutin sa kamay ng kanyang ama.

Sa kabuuan, ang tema ng tulang Plastikboy ay pang-aabuso sa bata. Masasalamin sa tula ang hirap ng isang batang lalaki sa pagbebenta ng plastik para lamang may ipantustos sa bisyo ng ama. Isang amang iresponsable, walang pagmamahal sa sariling anak at ang pagiging makasarili.A.4.Ukay-ukay

Ang pinakamahusay

MaghalukayAng siyang hari

Tari

Ang t(y)agang umiiwa

Sa balumbon ng oversized Na polot pantalon, jacket

Baket

Pipigilang sumisid

Sa dagat ng damit ang kamay?

Sanay

Dapat ang mata sa tunay

Na perlas - Nike

Fila

Tommy Hilfiger

Guess

Polo Prada-sa etiketa

Makiketa

Nakagagaan ang nabingwit

Nang nakasalampay sa kabilang braso

Kapraso

Man lamang ay matikman

Ng katawan ang saplot

Ng mababangong tao

Oo

Nakaiigaya sa pakiramdam

Na kahit sandali

Ang mga sobra ng iba

Ay kapunuan sa kanila

Anila, dahil kap-

os ang bulsa at sanay

Namang magplantsa ng umurong

Na t-syirt, polo at bestida

At bihasang magsulsi ng gurlis

Sa dangal at bituka.

Talahanayan 1.4. Mga imahe sa tulang Ukay-ukay

Mga Salita/Parirala/SaknongDenotasyonImahe

1. Ang pinakamahusay Maghalukay

Pinakamagaling na maghalungkat at mamili ng damitMamimili

2. Hari TariPinakamataas na pinuno; pagsusugalIsang tao na malayang mamili at sukatin ang napiling damit

3. Dagat ng damitMaraming-maraming damitHindi mabilang sa dami ng mga damit

4. Dapat ang mata sa tunay

Na perlasPagtingin sa mamahaling bagay o may tatak (brand)Marunong kumilatis sa branded na mga damit

5. Nike

Fila

Tommy Hilfiger

Guess

Polo

PradaMga kilalang brand ng mamahaling damitMga damit pangmayaman

6. Mababangong taoMahalimuyakMayayamang tao

Ang tulang Ukay-ukay ay naglalarawan ng isang partikular ng mga segundamanong damit. Kung kayat mura lamang ito kung bibilhin. Dito makikita ang iba-iba at klase-klaseng damit na mabibili ng murang-mura. Sa una at pangalawang taludtod ng tula ay binanggit ang pinakamahusay maghalukay na nangangahulugang pinakamagaling na maghalungkat at mamili ng damit. Ibig sabihin tinutukoy rito ang siyang mabilis at matiyagang naghahanap ng mga magagandat maaayos na damit sa ukay-ukay. Itoy isang imahe ng mamimili. Sa pamimili ng mga nakalatag na damit sa kahon ay maituturing na isang hari ang mamimili. Sapagkat inilalatag sa harapan ng mamimili ang lahat ng uri ng damit na para pang hinahayaang magpasya ang isang indibidwal kung ano ang gusto at angkop sa panlasa at paningin na tulad ng isang hari (maaaring mamimili). Ang hari ay nangangahulugan na pinakamataas na pinuno o katungkulang iniaatas sa lipunan at ang salitang tari ay nangangahulugan ng pagsusugal sapagkat sa bawat pamimili ay hindi maaalintana na lahat ay magugustuhan ang mga damit na nakukuha mula sa paghahalungkat sa ibabaw hanggang sa pinakailaliman nito. Hindi rin inaalintana na ang perang dala ay mauubos dahil sa pamimili ng mga damit sapagkat ang mga ito ay mura. Ito ay imahe ng isang tao na malayang mamili at sukatin ang napiling damit

Ang balumbon na nangangahulugan ng gabundok. Mga gabundok na damit na oversized na nangangahulugan ng mga malalaking damit, mga sobrang kalaki-laki ng mga damit. Itoy sa kadahilanang nagmula ang mga naturang damit sa ibang bansa na hindi angkop sa sukat ng mga Pilipino. At kung mayroon may paminsan-minsan lang. Ang polot pantalon, jacket ay ang mga damit na makikita sa ukay-ukay. Tanong pa ng persona sa tula na kung bakit pipigilan niyang sumisid ang kanyang mga kamay? Kung saan, sanay ang kanyang mga kamay sa paghalungkat at pamimili ng mga ukay-ukay. Ang salitang dagat ng damit na nangangahulugan na maraming-maraming damit. Itoy imahe na hindi mabilang sa dami na mga damit. Sa madaling salita siya ay sanay na nangangahulugan na siya ay magaling. Magaling sa pagsisid ng mga damit sa pinakailalim ng pinaglagyan ng ukay-ukay. Maaaring sa puwit ng kahon ay kayang sisirin at abutin ng persona ang nakalatag na ukay-ukay para lamang makakuha ng magagandang damit.

Kaya, sabi niya na dapat ang mata sa tunay na perlas ay nangangahulugan na marunong kumilatis sa branded na mga damit. Sa ukay-ukay, uunahing titingnan o bigyang pansin ay ang mga may tatak o brand tulad ng Nike, Fila, Tommy Hilfiger, Guess, Polo, Prada. Ito ang mga kilalang brand ng mamahaling bagay. Isang imahe na mga damit pangmayaman o mga elitista o yaong nakakaangat sa buhay.

Sabi pa niya sa ikadalawampung taludtod ay magaan ang kanyang pakiramdam ng siya ay nakabingwit ng mamahaling damit at ito ay nakasalampay pa sa kanyang kabilang braso. Ang salitang nakasalampay ay nangangahulugang nakasablay. Ito ay isinablay niya sa kanyang braso para hindi makuha o maagaw pa ng iba pang tao o mamimili para siya lamang ang makabili ng ganoong klaseng damit na kanyang nabingwit.

Ang Kapraso na kinaltas lamang ang i na nangangahulugan ng kapiraso. Kahit kapiraso lamang ito ay okey na para sa kanila. Sila ay masaya sa kadahilanang kahit kapiraso man lamang ito ay matikman man lamang nila. Ang salitang matikman na nangangahulugang masubukan man lamang nila ang mga sinusuot na mga damit ng mga mababangong tao na imahe ng mga mayayamang tao na hindi nila kayang bilhin sa orihinal nitong presyo.Sila ay masayang makasuot man lamang ng mga ganoong damit dahil nga siya ay kap- na nangangahulugang kapos. Sila ay nakakadama ng kaligayan at isang kapupunuan sa kanilang sarili na kahit sa ukay-ukay man lamang nila ito nabili ang damit ay masaya na sila dahil pakiramdam nila ay nakabili na rin sila ng mamahaling damit dahil nga ito ay may tatak na brand tulad ng Nike, Fila, Tommy Hilfiger, Guess, Polo, Prada.

At kahit na ang kanilang damit na nabili ay may mga butas ay kayang-kaya nila itong masulsihan at plantsahin. Sila ay masaya dahil kahit ukay-ukay man lamang ang kanilang sinusuot ay ikinararangal nila ito dahil binili nila ito sa murang halaga na kayang-kaya ng bulsa. Kaya, mas pipiliin na lamang ang mag-ukay-ukay kaysa naman bumili ng mamahaling damit na hindi kasya ng bulsa. At ang satisfaksyon na nadarama ay walang kapantay na halaga sapagkat may tatak ang napiling ukay-ukay sa dinamiraming damit na pagpipilian na nakalagay sa kahon.

Sa kabuuan ng tula, ang tema ng tulang Ukay-ukay ay kahirapan. Ang pag-uukay-ukay ay isa lamang sa mga popular na kulturang makikita sa merkado o pamilihan. Palasak ito sa mga naturang lugar dahil mas nakararami ang bilang ng masa ng sumisisid sa segundamanong damit kumpara sa mga nakaaangat. Mas nakahihigit ang bilang ng mga nagtitinda ng ukay-ukay sa bangketa kaysa sa establisyementong nagdi-display ng mga signature clothes.A.5.Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin

ngayon mo natanto

may demonyo palang iisa

lang ang sungay

sungay na pumilas

sa iyong kahinhinan

sa kabila ng libong pag-iling

pinatikhim ka

ng mismong ginamit sa paglikha sa iyo

(sa panalanging hindi ka duduwal?)

subalit kundi rin lang

tutulog-tulog ang punlay

sadyang papagkit sa bahay-bata

ngayon mo natanto

hindi pala lahat ng lumolobong tiyan

ay langit ang siyang umiihip

(ano'ng bangungot ito?

kapatid mo pasususuhin mo

anak mo'y anak din ng tatay mo)

at ngayon mo natanto

sapat na ang lansa ng iyong dila

upang malasahan ang impiyerno.Talahanayan 1.5. Mga imahe sa tulang Isang Tulang Ayaw Ko Sanang

SulatinMga Salita/Parirala/SaknongDenotasyonImahe

1. DemonyoDemonyoMasamang nilalang

2. SungaySungayKasamaan

3. PumilasPagpunitPagsira

4. PunlayIsang binhiBata

5. Bahay-bataPlasentaLugar na pinaglalagyan ng isang bata sa sinapupunan ng ina

6. ImpeyernoImpeyernoKapaitan

Ang tulang Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin ay tumatalakay sa panggagahasa ng sariling ama sa kanyang anak. Sa unang saknong ng tula ay agad makikitaan ng imahe. Ang salitang natanto na nangangahulugan na napag-alaman o nabatid. Ang salitang demonyo ay imahe ng isang masamang nilalang. Sinasabi sa tula na ngayon mo natanto may demonyo palang iisa lang ang sungay na nangangahulugan na kahit ano mang tao ay pwedeng gumawa ng masama. Hindi lahat ng kakilala ay may mabuting hangarin. Dapat kilatisin at kilalanin natin sila ng husto.

Sa ikalawang saknong, ang sungay ay imahe ng isang kasamaan. Isang taong may masamang gawain o notoryus na nilalang. Ang pumilas ay imahe ng pagsira. Sinira ng mismong lumikha ang kanyang kahinhinan na nangangahulugan ng kanyang kainosentihan. Kahit sa kabila ng libong pag-iling na nangangahulugan ng isang daang pagtutol, pag-ayaw o pagtanggi. Sa kabila nitoy siya pa rin ay ginahasa ng walang hiya niyang ama.

Isang panggagahasa na mismong ang kanyang ama ang gumawa. Sariling lumikha ang siyang gumahasa sa kanyang kainosentihan. Siya ay pinatikhim na nangangahulugan ng pinalasap. Siya ay tinikman at ginahasa ng mismong gumawa sa kanya. Mismong ama na hindi niya alintana na gagawin sa kanya ang karumal-dumal na pangyayari.Ginahasa siya ng kanyang ama nang siyay natutulog. Ang punlay na nangangahulugan ng isang binhi. Isang binhi na imahe ng isang bata. Ang bahay-bata na imahe ng isang lugar na pinalalagyan ng isang bata sa sinapupunan ng ina. Siya ay nabuntis sa kagagawan ng isang amang walang puso at karumal-dumal na panggagahasa sa kanya. Sa ikalimang saknong ay nasabi niya na ngayon lamang niya nabatid na hindi pala lahat ng lumolobong tiyan ay langit ang siyang umiihip na nangangahulugan na bigay ng Diyos. Sa kadahilanang ang paglulubo ng kanyang tiyan ay kagagawan ng ama. Siya ay ginahasa na walang kalaban-laban kahit makailang ulit na tumanggi ang anak.Sa ikaanim na saknong, isang katotohanan na pilit tinatakasan. Hindi niya masisikmura na mismong kanyang ama ang siyang gumawa ng karumal-dumal sa kanya. Isang ama na mismo na siya ang lumikha sa kanya ang siya pa mismong gagahasa sa kanya. Pinapasuso niya ang kanyang anak na masasabing magkapatid sila sa kadahilanang pareho lamang ang ama ang siyang lumikha sa kanila dahil nga siya ay ginahasa ng mismong lumikha sa kanya.Sa ikapitong saknong, ngayon lamang niya nabatid na sapat na ang lansa ng iyong dila na nangangahulugan na baho ng dila na malasahan na nangangahulugan na matikman ang imperyerno. Ang impeyerno ay imahe ng kapaitan. Isang pait na dinaranas sa kadahilanang hindi niya akalain na dadanas siya ng ganuong karumal-dumal na pangyayari.Ang pangyayaring ito ay pawang katotohanan na may nangyayari talagang krimin na ganito sa lipunan. Isang uri ng krimin na karumal-dumal na pangyayari. Batay na lamang sa naririnig at nakikita sa telebisyon partikular na sa TV Patrol, The Correspondent, XXX, Maalaala Mo Kaya ay ibinabalita na may totoong nangyayaring karumal-dumal na krimin ng panggagahasa. Isa na rito ang dating Zamboanga Rep. Romeo Jalosjos na nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa kasong panggagahasa (http://dyesabel2005.multiply.com/journal/item/999).Sa kabuuan, ang tema ng tulang Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin ay tungkol sa panggagahasa ng ama sa kanyang anak. Isang panggagahasa sa sarili nitong anak. Isang pangyayari na kailangan nating maging alisto at bubusisiin ng mabuti ang mga nasa paligid natin. Isang pangyayari na magbabago ang takbo ng buhay. Kaya, dapat ay maging handa tayo sa mga anumang mangyayari para maiwasan ang karumal-dumal na pangyayari.B. Pangkalahatang Talakay

Sa kabuuan, ipinakikita sa Talahanayan 2 ang dami at yaman ng mga imahe sa limang piling tula ni German V. Gervacio.Talahanayan 2. Kabuuang bilang ng mga ImahePamagat ng TulaBilang ng Imahe

1. Fudkort9

2. Sibuyas4

3. Plastikboy5

4. Ukay-ukay6

5. Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin6

Kabuuang total = 30Lumalabas na napakayaman sa imahe ang mga piling tula ni German V. Gervacio. Ang limang tula ay nagtataglay ng kabuuang tatlumpu (30) na imahe. Mayaman sa pahiwatig ang mga salita na inaayos sa malikhaing paraan. Ang mga salita bagamat payak ay may suntok, may angil, may pilantik, may kurot at piping hinaing. Damang-dama ng mambabasa ang bisa ng mga salita sa tula ni German V. Gervacio dahil ang mga itoy naglalarawan din ng samut saring kulay ng pang-araw-araw na mga karanasan.

Sa kabuuan, ang mga tula ni German V. Gervacio ay nagpapatunay na nakatutulong ang istruktural na balangkas ng tula o estilo upang hatakin ang mambabasa na dumama at mag-isip sa tunay na kahulugan ng mga taludtod.

Nangingibabaw ang tema ng kahirapan sa limang tula ni German V. Gervacio na sinuri. Bagaman maikli ang mga ito ay hitik sa palaisipanan ang mga salitang ginamit. Itoy nagpapatunay na wala sa haba kundi sa lalim at rurok ng talinghaga nakasalalay ang tunay na kagandahan sa pagsulat ng tula.TSAPTER VBUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYONAng tsapter na ito ay naglalahad ng buod ng isinagawang pananaliksik, konklusyon batay sa ginawang analisis sa mga tula at rekomendasyon ayon sa konklusyong ginawa ng mananaliksik.BuodAng isinagawang pag-aaral ay may layuning suriin ang nakapaloob na imahe sa limang piling tula ni German V. Gervacio. Bilang pagsakatuparan sa layunin ng pag-aaral, sinikap ng mananaliksik na masagot ang mga sumusunod na mga tiyak na katanungan:

1. Ano ang tema o paksa ng bawat tula?2. Anu-ano ang mga imahe na matatagpuan sa mga tula na nagpalutang sa tema o paksa?3. Ano ang ipinahihiwatig ng mga imahe sa mga piling tula ni German V. Gervacio?Ginamit ng mananaliksik ang deskriptibong pamamaraan sa pananaliksik partikular na ang pag-analisa ng dokumento. Bilang sanligan ng isinagawang analisis sa mga tula ay ginamit ng mananaliksik ang teoryang imahismo sa kritisismong panliteratura.

Batay sa pagsusuring isinagawa, napag-alaman ang mga sumusunod:

Ang mga tema o paksa ng limang (5) tula ni German V. Gervacio ay ang mga sumusunod - (1) Kahirapan (Fudkort) (2) Tampuhan ng magkasintahan (Sibuyas) (3) Pang-aabuso sa bata (Plastikboy) (4) Kahirapan (Ukay-ukay) (5) Panggagahasa ng ama sa kanyang anak (Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin).Samantala, lumabas sa pagsusuri na mayaman sa imahe ang mga tula na nakatulong upang malinang ang paksa. Ang tulang fudkort ay may siyam (9) na imahe; Sibuyas - (4); Plastikboy - (5); Ukay-ukay - (6); Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin - (6). Ang mga imahe ay nagpapahiwatig ng rurok ng diwa ng makata upang lumikha ng kariktan mula sa mga sarisaring paksa tulad ng kahirapan, pang-aabuso sa bata at ibat ibang larawan ng pagsasamantala sa lipunan. Ang mga imahe ang nagbibigay buhay sa tula.Konklusyon

Batay sa mga natuklasang impormasyon mula sa mga sinuring tula ni German V. Gervacio, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:1. Ang imahe ay susi sa pagtuklas ng kahulugan ng tula.2. May dalawang kahulugan palagi ang salita sa tula gaano man kaikli ang mga ito denotasyon at konotasyon.3. Ang tula bilang isang akdang panliteratura ay kasasalaminan ng ibat ibang kaisipan na naglalarawan ng buhay ng tao, mga bagay sa paligid, at mga pangyayaring nagaganap sa lipunang kinabibilangan ng makata.4. Napapatingkad ng mga piling salita ang pagguhit at paghubog ng imahe ng makata.

5. Napakayaman sa matatalinghagang salita ang wikang Filipino.6. Ang makatang si German V. Gervacio ay may uwing talent sa mabisang paghahanay-hanay ng kaisipan sa tulong ng pinakamatipid na pagpili ng salita.

7. Ang imahe bilang pangunahing sangkap ng tula ay nagbibigay ng natatanging kagandahan upang maipahayag ng makata ang kanyang mga saloobin at kaisipan sa isang masining na pamamaraan. Ang mga ito ay nagbibigay-galak sa mga mambabasa upang basahin ang akda at namnamin ng isip ang mas malalim na kahulugang napapaloob sa mga ito.

8. Napagtatagpo ang isip at damdamin ng makata sa kanyang mga tula sa pamamagitan ng paglikha ng mga imahe.

Rekomendasyon

Mula sa konklusyong inilahad, ibinigay ang mga sumusunod na rekomendasyon.

1. Magsasagawa pa ng pag-aaral na may pagkakatulad sa pag-aaral na ito ngunit gagamitan at lalapatan ng ibang teorya sa pagsusuri ng teksto.2. Magsasagawa pa ng pag-aaral na may pagkakatulad sa pag-aaral na ito ngunit nakapokus sa iba pang akdang isinulat ng mga makata sa Pilipinas.3. Magsasagawa pa ng pag-aaral na may pagkakatulad nito ngunit ibang tula ni German V. Gervacio ang aanalisahin at susuriin.

4. Lumikom pa ng ibang tula o di kayay mga balak o awiting bayan na maaaring kakikitaan ng mga imahe o larawang-diwa.BIBLIYOGRAPIA. Mga AklatAonuevo, Roberto T. at Galileo S. Zafra. 2006. Sawikaan 2006. Quezon City. The University of the Philippines Press.Arrogante, Jose A. 1983. Panitikang Filipino: Antolohiya. Quezon City: Kalayaan. Press Marketing Enterprises, Inc.

______________. 2003. Retorika sa mabisang pagpapahayag. Quad Alpha Centrum Bldg. 125 Pioneer Street. Mandaluyong City.Belvez, Paz M., et. al. 2001. Retorika: Mabisang Pagsasalita at Pagsulat. Manila. Rex Printing Company, Inc.Gil, Avelina Juan at Nila Barlaan Cay. 1965. Reading Skills in English. Quezon City. Alemar-Phoenex Publishing House, Inc.Ignacio, Noralyn B. at Jocelyn R. Payo. 2003. Hamaka 111. Sta. Ana, Manila. Educational Materials, Inc.

Lamberto, Gabriel Ma.. 1986. Sining-Agham sa Pagtula. Mandaluyong, Metro Manila. Cacho Hermanos Inc.

Magracia, Emma B. at Leonida Laron-Valdez. 2005. Raya 111. Quezon City. C and E Publishing, Inc.

Magracia, Emma B., et. al. 2008. Mabisang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.

Reyes, Edgardo M. 1986. Sa mga Kuko ng Liwanag. Manila. De la Salle University Press.

Rubin, Ligaya T. 1986. Sining ng Pagsulat ng Sanaysay at Tula. Manila. Rex Printing Company, Inc.Suaco, Consolacion P., et. al. 1998. Retorikang Filipino. Quezon City. Katha Publishing Co., Inc.B. Mga Tesis

Armaga, Jessah C. at Pearl Jade Diamante. 2006. Hanggat Alat ang Dagat ni Joey Arogante. Di-limbag na tesis Andergradweyt. MSU-IIT.

Balili, Mary Lou Panga-an at Linda Charlyn Mensang Montecillo. 2001. Sinsil Boys: Mga Butil ng Realidad sa Lipunan. Di-limbag na tesis Andergradweyt. MSU-IIT.

Merano, Mary Jean Figuracion at Rosell Binaras Sayana. 2005. Mga Balak sa Piling Barangay ng Iligan: Isang Panimulang Paglilikom. Di-limbag na tesis Andergradweyt. MSU-IIT.C. Diksyunaryo

Diksyunaryo ng Wikang Filipino:1989UP Diksyunaryong Filipino:2001D. Internet

http://en.wikipedia.org/wiki/Templehttp://en.wikipedia.org/wiki/Holy_waterhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Ostia_(paglilinaw)http://tl.wikipedia.org/wiki/Si_Popeye_at_iba_pahttp://dyesabel2005.multiply.com/journal/item/999

Limang Piling Tula

ni German V. Gervacio

Pagsusuring Imahismo

Imahe

Sarbey sa lahat ng tula ni German V. Gervacio

Isa-isang pagbasa sa lahat ng tula ni German V. Gervacio

Pagpili ng pinal na mga Tula

Paulit-ulit na pagbasa upang alamin ang Tema o Paksa

Pagtatala ng mga Terminong mahirap unawain

Analisis

Interpretasyon