tapat vol 2 no 9

8
TAPAT SA BALITA TAPAT SA BUHAY www.tapatnews.com @tapatnews /tapatnews [email protected] apat T HUNYO 26 - HULYO 2, 2014 VOL 2 NO 9 it’s good to know that.. #CoolCatholics MAN ON A MISSION - page 8 It’s good to know that more young Americans aged 17-15 year old are visibly more pro-life than their parents’ generation. Many of them share the mission “Abolish Abortion in Our Lifetime.” CARPER O CORPSE? Mga magsasaka wala pa ring lupa – KMP Pinoy Knightline -B1 by Romar Fernando MANILA -- “97 sa 100 magsasaka ang wala pa ring sariling lupa.” Ang malaking bilang na ito ay mula sa mga magsasakang hindi pa naka- tatanggap ng benepisyo mula sa Republic Act no. 9700 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ani Ka Paeng Mariano, dating pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), sa isang ‘Tapatan sa Aristo- crat’, nitong Hunyo 23 sa Malate, Maynila. - Pahina 3

Upload: tapat-ang-balitang-totoo

Post on 31-Mar-2016

268 views

Category:

Documents


9 download

DESCRIPTION

This is the online version of Tapat | Tapat sa Balita, Tapat sa Buhay

TRANSCRIPT

Page 1: Tapat Vol 2 No 9

TAPAT SA BALITA TAPAT SA BUHAY

www.tapatnews.com@tapatnews /tapatnews [email protected]

apatT HUNYO 26 - HULYO 2,

2014 VOL 2 NO 9

it’s good toknow that..

#CoolCatholics

MAN ON A

MISSION

- page 8

It’s good to know that more young Americans aged

17-15 year old are visibly more pro-life than their parents’

generation. Many of them share the mission “Abolish Abortion in Our Lifetime.”

CARPER O CORPSE?Mga magsasaka

wala pa ring lupa – KMP

PinoyKnightline

-B1

by Romar FernandoMANILA -- “97 sa 100 magsasaka ang wala pa ring sariling lupa.”

Ang malaking bilang na ito ay mula sa mga magsasakang hindi pa naka-tatanggap ng benepisyo mula sa Republic Act no. 9700 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ani Ka Paeng Mariano, dating pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), sa isang ‘Tapatan sa Aristo-crat’, nitong Hunyo 23 sa Malate, Maynila.

- Pahina 3

Page 2: Tapat Vol 2 No 9

2 HUNYO 26 - HULYO 2, 2014balitafrom the

SAINTS

The same everlasting Father who cares for you

today will care for you tomorrow and every day. Either he will shield you

from suffering or give you unfailing strength to bear it. Be at peace then and put aside all anxious thoughts and imaginings.

- St. Francis de Sales

Bunkhouses para sa Zambo siege victims ipapamahagi

MANILA, Philippines – Umaasa ang Archdiocese of Zamboanga na matata-pos ng pamahalaan ang kasalukuyang ginagawang bunk houses at mga tem-porary housing para sa mga biktima ng Zamboanga siege na inaasahang maipapamahagi sa Oktubre taong kasalukuyan.

Inihayag ni Msgr. Cris Manongas, vicar general ng Archdiocese of Zam-boanga na patuloy ang paggawa ng mga bunk houses at ang paghahanap na rin ng lugar para sa pagtatayo ng perma-nent housing para sa libo-libong resi-dente na naapektuhan ng Zamboanga

siege noong Setyembre ng nakalipas na taon.

Sinabi ni Msgr. Manongas na tina-tapos na rin ng Archdiocese of Zam-boanga ang pagpapagawa ng mga bunk houses para malipatan na ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa labanan ng tropa ng pamahalaan at MNLF-faction.

Inaasahan ni Msgr.Manongas na sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo ay maililipat na ang mga apektadong pamilya sa mga bunk houses na pina-gawa ng Simbahan.

“Sa Diocese the work is ongoing and

we will have our initial number of families transferred there. We will be giving out the bunk houses, before the end of June probably mga June 20 we will have already the initial blessing and then we continue on working of the conception of the houses,” pahayag ni Msgr. Manongas.

Unang iniulat ni Msgr.Manongas na may 80-katao na ang nasawi sa mga evacuation area na karamihan ay mga bata dahil sa pagsisiksikan ng libo-lib-ong pamilya sa Don Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex sa Zam-boanga city. (Marian Navales-Pulgo)

CBCP itinalaga ang buwan ng Hunyo sa Sagradong Puso ni Hesus

ITINALAGA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong Linggo ng Pentekostes ang bu-wan ng Hunyo sa Sagrado Puso ni Hesus upang mahikayat ang mga mananapal-ataya na palawigin muli ang debosyon sa Dakilang Awa ng Diyos o Divine Mercy.

Ito ay kabilang sa programa ng 2014 Year of the Laity o Taon ng Layko 2014.

“Alinsunod sa mga halimbawa ni Pope Francis at bunsod na din ng kan-onisasyon ni Saint John Paul II, na si-yang lumikha ng Kapistahan ng Dak-ilang Awa ng Diyos o Divine Mercy, ang buwan ng Hunyo ay buwan ng pag-papanibago ng debosyon sa Sagradong Puso ni Hesus at sa Dakilang Awa ng Diyos. Ang Dakilang Awa ng Diyos ay sumisimbolo sa pagkakatawang-tao ng Diyos, na ipinakikita ng Banal na Puso ni Hesus, ang ating Panginoong ipi-nako sa krus at muling nabuhay.” Ayon sa isang pahayag ng CBCP na nilag-daan ng pangulo nito na si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Bunsod ng pangangaral ng Santo Papa sa “walang pagbabagong awa ng Panginoon at pangunahing misyon ng Simbahan na maging maawain at mahabagin,” binigyan diin ng CBCP ang pangangailangan na maging ma-pangunawa sa paglaban sa umiiral na sekularismo sa mundo ngayon.

“Ang Awa ito man ay banal o pantao ay lubusang kinakailangan ngayon ng

mundo. Isang mundo na puno ng gu-sot, kalituhan, at tinabas ng kasalanan at kawalan ng katarungan, na pinangun-gunahan ng kulturang walang puwang para sa Diyos,” ayon pa sa pahayag.

Ayon pa rin sa Santo Papa, “Ang Panginoong Hesus and nagpakita sa atin ng mahabaging pang-unawa

ng ating mapagmahal at mapag-patawad ng Diyos…Nasa mga su-gat ni Hesus natin makikita ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos.”

Nanawagan ang mga Obispo sa mga mananampalataya na isabuhay ang

pagkamahabagin at pagkamaawain ng Panginoong Diyos upang ang Simbahan ay tunay na magiging “Simbahan ng Awa,” isang sim-bahan na nangangalaga sa taong lugmok sa kahirapan, kabiguan, kalungkutan at kawalan ng pag-asa.

“Ito ay nangangailangan ng mat-inding pagdarasal, pagmamahal sa

pananampalataya at buhay ispir-itwal, ngunit ito rin ay isang hamon na magsakripisyo sa mga gawain na may pagmamahal at hustisya sa ating mga kapatid,” sabi ng CBCP. (PDG)

Page 3: Tapat Vol 2 No 9

3HUNYO 26 - HULYO 2, 2014 balitaCARPER O CORPSE?

Mga magsasaka wala pa ring lupa – KMPby Romar Fernando

MANILA -- “97 sa 100 magsasaka ang wala pa ring sariling lupa.”

Ang malaking bilang na ito ay mula sa mga magsasakang hindi pa nakata-tanggap ng benepisyo mula sa Republic Act no. 9700 o Comprehensive Agrar-ian Reform Program (CARP), ani Ka Paeng Mariano, dating pinuno ng Kilu-sang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), sa isang ‘Tapatan sa Aristocrat’, nitong Hunyo 23 sa Malate, Maynila.

Sa harap ni Department of Agrar-ian Reform (DAR) Undersecretary for Legal Affairs, Atty. Anthony Parun-gao, mariing tinukoy ni Mariano na kahit papalapit na ang huling araw ng pamamahagi ng lupang sakop ng CARP sa ika-30 ng Hunyo, ay kakaunti pa rin ang mga magsasakang napagkakaloo-ban ng lupa. Ani Mariano, dumoble ang lawak ng lupa na hindi pa naipapama-hagi na noong 1988 ay umaabot sa 550, 000 ektarya at hanggang sa ito ay uma-bot na sa 1.2 milyong ektarya ng lupang sakahan na sakop ng CARP.

Problema rin umano ang kawalan ng probisyon para sa mga magsasaka upang magkaroon sila ng boses tung-kol sa isyu at ang pagbabayad ng am-ortisasyon ng mga magsasaka na hindi umano makikita sa Saligang Batas. Nanawagan si Mariano sa DAR para sa isang komprehensibong Agrarian Reform Bill at ang aksyong maaaring gawin ng mababang kapulungan ukol

dito.Dumepensa naman si Parungao sa

mga isyung ipinukol sa kanya ni Mari-ano, aniya, “Isang napakahalagang ba-hagi ng pag-unlad ng ekonomiya ay ang ‘rural development’ at ito’y matatamo lamang kung may ‘agrarian reform.” Lumampas na umano ng 40% ang mga magsasakang nakabayad na nang buo at hindi na rin aniya kailangang maghin-tay ng 30 taon para makuha ng orihinal na kopya ng titulo kung nakapagbayad na mga ito. Paglilinaw pa ni Parungao,

“Hindi kami humihingi ng extension, mali ang konsepto ng extension ng CARP.”

Igniiit naman ni Mariano, na ang layunin ng ‘agrarian reform’ ay ang palayain ang mga magsasaka ng ban-sa mula sa mga kamay ng mga nana-namantala. Nanawagan si Mariano sa publiko na maging bukas at pati na rin ang mga mambabatas sa isang mas komprehensibong reporma sa lupa.

Malakas naman ang pag-asa ni Pa-rungao sa kinabukasan ng reporma,

“Matibay at matatag pa rin ang aking pananampalataya na may kinabukasan at dapat may kinabukasan ang ating repormang pangsakahan. Dito po na-kasalalay ang tunay na kaunlaran sa ating bansa. Nakikita ito sa mga hak-bang na ginagawa na ng gobyerno.” “Mayroon po, mayroon pong kinabu-kasan ang ‘agrarian reform,’ palakasin po natin ang adbokasiya at pagsusu-long nito katulad ng mga magsasakang matiyagang nagsusulong nito,” ani Mariano.

Page 4: Tapat Vol 2 No 9

4 HUNYO 26 - HULYO 2, 2014editoryal

AREOPAGUS SOciAl mEdiA fOR ASiA iNc.Publisher

NiRvA dElAcRUzEditor in chief

SKY ORTiGAScreative director / Online Editor

YEN OcAmPOmarketing director

Tapat is published every Thursday by Areopagus Social media for Asia inc.

Unit 306 HHc Building Basco cor victoria Sts., intramuros manila 1002

You can reach us through the following:landline # (02) 788 07 04

Email: [email protected]: www.tapatnews.com

All rights reserved 2014

Editoryal

(Bro

Ed M

atia

s)

Nasisiyahan na ba ang publiko sa serye ng mga pangyayaring yuma-yanig ngayon sa bansa? Ang pag-kakakulong nina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrado at ang napipin-tong house arrest o hospital arrest ni Sen. Juan Ponce Enrile ay tila hudyat na totoo ang “Matuwid na Daan” at seryoso ang administrasyong Aquino sa paghatid ng hustisya.

Halos magiisang taon na nang dumagsa ang taongbayan laban sa pork barrel scam sa Luneta, sa EDSA Shrine, sa Makati at sa iba’t ibang plaza at pampublikong lugar sa Cebu, Cagayan de Oro City, Kidapawan City, Zamboanga, Davao at iba pa . Maging mga OFW sa Sydney, Aus-tralia, Vancouver, Canada at sa U.S. ay nagpamalas ng kanilang pagkagalit sa isyu ng pagkurakot sa bilyon-bilyong piso mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ngayong unti-unting lumalaho ang unang init ng pagkapoot sa dibdib ng mga mamamayan, ano ang natira? Habang nagmamatyag pa rin ang bay-ang Pilipinas sa social media, sa tel-

ebisyon at radyo tungkol sa nasabing isyu, hindi maalis sa isipan ng ilan – o marami, depende sa inyong panini-wala tungkol sa masang Pilipino – ang malaking tandang pananong: Sina Revilla, Estrada at Enrile lamang ba ang may sala at dapat managot sa publiko? Ang tatlong mambabatas ay pawang nasa oposisyon at dalawa sa kanila ay maaaring maging matinding kalaban sa halalang pampanguluhan sa Pilipinas sa 2016.

Bagaman, hindi kailangang mag-

alala ang tatlong nasasakdal tungkol sa kanilang mga pulitikal na karera dahil sadyang malilimutin ang botan-teng Pilipino – nasa piitan ngayon, bukas, makalawa’y balik Senado ang mga ito – humihingi ng kalinawan ang haka-hakang ang buong drama ng imbestigasyon sa pork barrel scam ay isa lamang panabing na usok.

Makikita ba ng taongbayan ang ganap na hustisya sa kaso o may-roon lamang piling personalidad na hahayaang umako sa kabuuan ng

paglapastangang ito? Nang ideklara ng Korte Supremang

‘unconstitutional’ o labag sa Saligang Batasang kontrobersyal na PDAF noong nakaraang taon, nagmistu-lang parola sa gitna ng kadiliman at kabuktutan na tila lumalamon na sa intregridad ng dalawang sangay ng pamahalaan – ang ehekutibo at ang Pambatasan. Tinanggal din ng Kataas-taasang Hukuman ang dala-wang ilegal na probisyon sa dalawang batas kung saan nakasaad na maaar-ing gamitin ng pangulo ang Malam-paya Fund at ang President’s Social Fund para sa ibang proyekto maliban sa ipinaglalaanan ng mga ito.

Ginagampanan ng Korte Suprema ang tungkulin nitong kilatisin ang naturang isyu nang walang bahid na pagkiling, ngunit tila panahon la-mang ang makapagpapamalas ng la-lim at sidhi ng galit ng ordinaryong mamamayan bunsod ng nasabing katiwalian. Uupo na lamang ba sa isang tabi ang madla o magiging ak-tibong kalahok sa paghubog ng salay-say ng hustisya sa bansa?

“Habang nagmamatyag pa rin ang bayang Pilipinas sa social media, sa telebisyon at

radyo tungkol sa nasabing isyu, hindi maalis sa isipan ng ilan – o marami, depende sa

inyong paniniwala tungkol sa masang Pilipino – ang malaking tandang pananong:

Sina Revilla, Estrada at Enrile lamang ba ang may sala at dapat managot sa publiko?”

Ang Panabing na Usok

Page 5: Tapat Vol 2 No 9

5HUNYO 26 - HULYO 2, 2014 opinyon

Truth’s exclusivity, charity’s inclusivity

WE need to figure out how the exclusivity of truth can blend with

the inclusivity of charity. Truth and charity should go together, not one without the other. St. Paul says it to us very clearly: “Do the truth in charity.” (Eph 4,15)

He says that it is by this guideline that we will become like Christ. He reiterates this point when in another letter, he says: “Let all your things be done in charity.” (1 Cor 16,14)

And that’s simply because

charity is the mother of all vir-tues, the summary of all good-ness, and, in fact, the very es-sence of God in whose image and likeness we are. Nothing is genuinely good and proper to us unless it is infused or moti-vated by charity.

Truth, of course, is about

what is objective, real, right, fair. It is more about how things ought to be which may not coincide with how things are at present. In the end, truth is Christ himself, his whole self, his entire teaching and exam-

ple. He himself said, “I am the way, the truth and the life.” (Jn 14,6)

Our difficulty starts when we understand truth simply as an intellectual affair, divorced from its moral requirements. That at-titude restricts the essence of truth, making it abstract, pro-jected only in the ideal world of the mind and desires, detached from the concrete and real world where many other con-siderations ought to be made.

Truth understood and lived in this way is actually not truth, since it would miss the entire picture of reality. And so we must disabuse ourselves from the indiscriminate reference of this term when what we are re-ferring are actually principles, doctrine, dogmas, opinions, and even popular consensus only.

If ever we have to use that term, we need to qualify it ac-cordingly as principles, doc-trine, dogmas, ideologies, opin-ions or some consensus. It still has to pass the test of charity, which means that it has con-tend with the concrete data on the ground, the facts and con-ditions, that would determine whether such truth as princi-

Live Free!by Samantha Catabas - Manuel

What it means to Live Free

Pope John Paul II defines freedom as:

“Freedom consists not in doing what we like, but in having the right to do what we ought.When freedom does not have a purpose, when it does not wish to know anything about the rule of law engraved in the hearts of men and women, when it does not listen to the voice of conscience, it turns against hu-manity and society.”

reedom is not always an issue of liberty or independence to choose and do whatever pleases us, but freedom is about “be-ing in a state of peace, happiness, satisfaction, as a result of our choosing what is right”. It is a guilt-free, fearless, shameless, stress-free kind of life.

So how exactly can we live free?

1. Choose What is Right The end will never justify the means…Doing something

wrong will never make us happy simply because it deprives us of experiencing complete freedom. We are freest when we are able to say ‘Yes’ to do good; when no addiction, no compulsion, no habits prevent us from choosing and doing what is good.

2. Decide to be HappyAccording to Pope John Paul’s Theology of the Body, God

planted in our hearts an infinite desire for happiness that noth-ing can satisfy but God Himself. Any earthly fulfillment can

only be a foretaste of eternal happiness. “Happiness is not in us, nor is happiness outside of us. Hap-

piness is in God alone. And if we have found Him, then it is everywhere”. – Blaise Pascal

3. Un-complicate Your Life It’s complicated! Try not to complicate your life by compli-

cating how you love. God is the author of “true and genuine love”. He never in-

tended it to be complex and unfathomable. In fact, He wants all of us to experience its fullness and greatness in our lives. Unfortunately, people are the ones complicating how love should be, most especially when we fall in love for the wrong reasons.

But God loves us in every “complicated” situation, even in the state of sin. He helps us to seek the whole truth about love and to find ways to live it more and more decisively. We need

to learn that every life is a process and that whatever may have happened in the past, we have a new beginning with God’s help.

We are created out of Love and we have been given the free-dom to enjoy this life. Love is the very essence of our existence. The more we do what is good, the freer we become.

“ ”...but freedom is about “being in a state of peace, happiness, satisfaction, as a result of our

choosing what is right”. It is a guilt-free, fearless, shameless,

stress-free kind of life.

Tabi po!ni Melo Acuña

Kasaysayan

Sa loob ng ilang araw ay ipagdiriwang ang ika-116 na Araw ng Kalayaan. At

kung hindi magbabago ang ihip ng hangin ay sa Lungsod ng Naga pa-mumuan ni Pangulong Be-nigno Simeon C o j u a n g c o Aquino III ang okasyon.

Abala na ang mga Lungsod ng Naga para sa makasaysayang pagkakataong ito upang bigyang pansin ang naiambag ng Quince Martires de Naga sa pakikipaglaban sa mga mananakop na Kastila.

Karangalang makasama ng mga taga-Bicol si Pangulong

Aquino sapagkat siya mismo ay isang katha ng kasaysayan – nagmula sa mag-asawang nag-ing bahagi ng kasaysayan ng bansa.

May kasabihang kung may-roon pang ‘di kailanman natu-tunan ang mga mamamayan ito ay ang mga aral na idinudulot ng kasaysayan. Ito ang sinabi ni Georg Wilhelm Friedrich Hegel na “We learn from history that

we do not learn from history.”Kung natuto lamang ang mga

tao sa aral ng mga nakalipas na panahon, tiyak na mas magan-da ang ating kinalalagyan ngay-on. Halimbawa: kung talagang may mga pagkakamali ang mga pangulong naglingkod sa Pilipinas mula noong panahon ni Pangulong Ferdinand Edra-lin Marcos sa larangan ng kati-walian, pagkakaroon ng mga kamag-anak sa pamahalaan at sa pagbibigay ng pabor sa mga malalaking kalakal, sana’y hindi

na nagkaroon ng Kamaganak Incorporated noong panahon ni Tita Cory.

Kung mayroong nagsasabing walang magnanimity ang mga

pahina 6

“ ”May mga nagsasabing hindi sapat ang integridad sa pagpapatakbo ng bansa. Kailangan ng maliwanag na direksyon upang higit na umunlad ang bansa kahit pa sa kanyang paglisan sa liderato ng bayan, lungsod, la-lawigan at bansa. Ang problema ay tanging mga me-

dium term development plans lamang ang prayoridad.

by Fr. Roy Cimagala

“ ”No matter how sure we are of our doctrine or how relevant the point we want to make is,

there is no basis for us to sound scolding and controlling. The tone should always be kind

and warm, positive and encouraging, hopeful and optimistic even if we have to issue some

suggestions, warnings or corrections.

CandidlySpeaking

page 6

Page 6: Tapat Vol 2 No 9

6 HUNYO 26 - HULYO 2, 2014balita

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT

[email protected]

idolong TAPAT

ples, doctrine, etc. would be applicable or not, and also the way such truth ought to be presented.

We have to be most wary to impose the truth on others. That’s not the way Christ did it. He was willing to be misunderstood, to suffer for the truth and eventually to die for it. Even in the strongest terms in which he presented the truth, he never imposed it on anyone by force.

This is something that we have to learn to do, since very often our tendency is that even in matters of opinion where any view can have more or less the same weight as any other, we like thrust ours to others. We feel hurt when we encounter disagreement.

Yes, we need to foster the truth, especially the gospel truth, in season and out of season, as St. Paul says. But it should be done with charity always. We have to try to avoid humiliating others, especially those who are clearly in error.

As much as possible, the transmission of truth should be such that the audience or recipients would feel that they get to know the truth by their own accord, instead of being told, or made to arrive at a certain conclusion because of how the truth is framed.

Priests who by office preach should try their best that their words drip with char-ity, compassion, understanding and mercy. As much as possible, they (we) have to avoid sounding domineering and lording it over. This will require nothing less than a vital union with God

No matter how sure we are of our doctrine or how relevant the point we want to make is, there is no basis for us to sound scolding and controlling. The tone should always be kind and warm, positive and encouraging, hopeful and optimistic even if we have to issue some suggestions, warnings or corrections.

We should remove any trace of bitterness, sarcasm, irony. These only leave a bad taste in the mouth, and can be more destructive than constructive. Rather, there has to be a more dialogical character of any communication. This is how we can more effectively blend the exclusivity of truth with the inclusivity of charity.

To reach and to adapt to us, God had to become man, and the man-God, Jesus Christ, did everything humanly possible to make himself understood. He used parables and his teachings were accompanied by appropriate actions. He was will-ing to go all the way to die on the cross to make his point.

Truth’s exclusivity ... from page 5

nasa poder, makikita ito sa pagpapahirap sa mga hindi kakampi at hindi kaalyado noong mga nakalipas na panahon. Kung mayroon mang naghirap noong mga nakalipas na panahon, pag-upo pa lamang sa poder ay pagbawi na sa mga nag-api sa kanila.

May mga nagsasabing hindi sapat ang integridad sa pagpapatakbo ng bansa. Kailangan ng maliwanag na direksyon upang higit na umunlad ang bansa kahit pa sa kanyang paglisan sa liderato ng bayan, lungsod, lalawigan at bansa. Ang prob-lema ay tanging mga medium term development plans lamang ang prayoridad.

“Bahala na ang susunod sa akin,” ito ang karaniwang sinasabi ng mga tamad kungdima’y kulang sa kakayahang mga pinuno ng bayan. Palaging naitatanong kung ano ang papel ng kasaysayan sa lipunan. Naglalaan ang kasaysayan ng mga detalye ng mga tagumpay at pagkukulang ng lipunan sa paglipas ng mga taon.

Masakit nga lamang na katotohanan na ang mga nagwawagi ang siyang bumu-buo at nagsusulat ng kasaysayan.

Kasaysayan ... mula pahina 5

Si Eric Macalalag, 42 ay isang pedicab driver sa loob ng Intramuros, Manila. isinasapraktika niya ang kanyang pagiging Tapat sa pamamagitan ng paniningil ng tama sa mga pasahero niya. Sa gani-tong paraan, maluwag aniya sa kanyang kalooban ang paghahanapbuhay. (YO/TapatNews)

Page 7: Tapat Vol 2 No 9

7HUNYO 26 - HULYO 2, 2014 KatolikoUnapologetically catholic

ni MARK SILVA

KATESISMO, MISMO!

Saan nagsimula ang bokasyon ng pag-aasawa?

“Ang kasal na isang taimtim na komunidad ng buhay at pag-ibig ay itinatag ng Tagapaglikha at pinagkaloob niya ito na may sariling naakmang batas. Diyos mismo ang may-akda ng kasal.”

[1] Ang bokasyon sa pag-aasawa ay nakatatak mismo sa likas na pagkatao ng lalaki at babae at nagmumula sa kamay ng Tagapaglikha. Ang pag-aasawa ay hindi isang pantaong institusyon lamang sa kabila ng maraming mga pagba-bagong ikinaharap nito sa pagdaan ng mga siglo sa iba’t ibang kultura, istruk-turang panlipunan at espirituwal na saloobin.

Ang mga pagkakaibang ito ay hindi dapat maging dahilan upang makalimu-tan natin ang karaniwan at permanenteng katangian ng pag-aasawa. Bagama’t ang karangalan ng institusyong ito ay hindi naaaninag sa lahat ng lugar na may parehong kalinawan, [2] ang kahulugan ng kadakilaan ng kasal o pag-iisang dibdib ay umiiral sa lahat ng kultura. “Ang ikabubuti ng mga indibidwal na tao, mga lipunan ng tao at mga Kristiyano ay malapit ang kaugnyan sa malusog na kalagayan ng buhay, may asawa at pamilya.” [3]

1 GS 48 # 1. 2 Cf. GS 47 # 2. 3 GS 47 # 1.

Bakit pinalitan ng Diyos ang pangalan ni Saul na maging Pablo?

Karaniwan na ang maling paniniwala na pinali-tan ng Panginoon ang pangalan ni

Saul at binansagan itong Pablo. Ayon sa paniniwala, nangyari ang pagpalit ng pangalan noong maging Kristiyano si Saul mula sa pagiging isang Hudyo kung saan nakaharap mismo ni Saul si Kristo sa kanyang biyahe patungong Damascus (Gawa 9:1-19). Hindi ito tulad ng pangyayaring si Hesus mismo ang nagpalit ng pangalan ni Pedro mula sa pagiging si Simon bilang tanda ng kanyang responsibilidad sa Iglesya, walang nangyaring pagpapalit ng pangalan ni Saul.

Ipinanganak na Hudyo si Saul, “natuli sa ikatlong araw, mula sa lahi ng Israel, o sa tribo ni Benjamin, isang Ebreo mula sa mga Ebreong magulang at pag-talima sa batas ng mga Pariseo” (Phil 3:5). Ang pan-galang Ebreo na ibinigay ng kanyang mga magulang ay Saul, dahil ang kanyang ama ay isang mamama-yang Romano at ito ay namana ni Saul. May katumbas na ngalan din si Saul sa Latin na Pablo. (Gawa 16:37, 22:25-28), ang kultura ng dalawang pangalan ay uso noong panahon na yaon. Lumaki si Saul sa istriktong kapaligiran ng mga Pariseo, ang pangalan na Saul ay mas naaayon sa kanilang kultura. Pagkatapos maging Kristiyano si Saul, na determinadong maibahagi ang Ebanghelyo sa mga Hentil, tinalikuran niya ang nga-lan na Saul at ginamit ang kanyang Romanong pan-galan na Pablo. Ang Pablo, noong panahong iyon, ay karaniwang pangalang Hentil.

Natural na sa istilo niya ang paggamit ng ‘Pablo’ na kanyang Romanong pangalan. Inakma niy ang kan-yang mga paraan upang madali siyang makalalapit sa mga Hentil, maging ang paggamit ng lengwahe. Tayo rin naman ay dapat tumulad sa paraan ni San Pablo sa kanyang pagbabahagi ng Ebanghelyo. Hindi sa par-aang pagpapalit ng pangalan kung hindi sa paraang katanggap-tanggap at kaaya-aya sa mga babahaginan ng Ebanghelyo. Dapat tayo ay makisama sa ating ka-pwa sa abot ng ating makakaya upang madaling ma-palapit sa kanila.

Ipinaliwanag ni Pablo, 19 Ito ay sapagkat kahit na ako ay malaya mula sa kaninuman, gayunman, ginawa ko ang aking sarili na alipin ng lahat upang lalo pang marami ang madala ko. 20 Sa mga Judio ako ay nag-ing Judio upang mahikayat ko ang mga Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautusan ako ay naging tulad ng mga nasa ilalim upang madala ko sila na nasa ilalim ng kautusan. 21 Sa mga walang kautusan, ako ay naging tulad sa mga walang kautusan upang madala ko sila na walang kautusan. Hindi sa ako ay walang kautusan patungo sa Diyos subalit ako ay sa ilalim ng kautu-san patungo kay Cristo. 22 Sa mga mahihina ako ay naging mahina upang madala ko ang mga mahihina. Naging ganito ako sa lahat ng bagay upang mailigtas ko sa bawat kaparaanan kahit ang ilan. 23 Ito ay gi-nagawa ko alang-alang sa ebanghelyo nang sa gayon ako ay maging kapwa kabahagi ng ebanghelyo. (1 Mga Taga-Corinto 9:19-23).

Page 8: Tapat Vol 2 No 9

8 HUNYO 26 - HULYO 2, 2014#CoolCatholics

by SKY A. ORTIGAS

“I was also part of an inter-faith youth group

and our common goal was to fight

HIV-AIDS. I had the chance to visit the HIV center and pray for the patients. We also did regular visits to the

HIV orphanage. It was an honor and at the same time, a very humbling experience.

For this issue’s #CoolCatholics, I’m going to introduce to you one of my closest friends. Kuya or “koya” James Arela, as I call him, has been my coffee buddy for more than 10 years. I guess it’s just because we both love coffee and at the same

time we both like talking about mission work and how we could get to share more of Christ’s love to all. Aside from that, James has also been a Catholic missionary sent to Africa and other parts of the world. We’ve gone to a lot of mission trips together, from the Visayas to China. He has been the brother (that is born from another set of parents! Haha), friend and mission partner who has always been there for me. Now, I would like to share to one of our conversations as I ask him about his life and mission. Here you go…

Sky: So, you have dedicated the prime of your life to missionary work, what made you decide to be a missionary?

James: It was not that difficult deciding to be a full time missionary because I am so in love with Jesus. I even remember when I was a young boy [I believed] life was about serving Him. I was serving as a sacristan in our church. Our parish was like my second home. Apart from school and our house, I knew I don’t have [to be] anywhere else to be but our church.

What made me decide? I want to tell the world that only Jesus completes us. The family that I grew up with as well as my personal life, even though not perfect, has al-ways been a great testimony [to that]. No amount of wealth, fame and power can ever replace Jesus in our lives. I simply wanted others to experience life in Christ as well.

Sky: What were the challenges you had to face while serving as a missionary in Africa?

James: Following Jesus was simple, but not easy. I faced a lot of challenges: One, to be out of my comfort zone and live in an unfamiliar place – I was so used to serving the Lord with my family and friends around. I knew then that I could always run to them for help the moment I need them. Going to Africa was a bold step for me because I did not know the people I will serve. I was also anxious about how they would receive me.

Second, the language barrier -- communicating with the locals and expressing myself in a language I was not using every day, presented two-way trouble. First, it was hard for me to express myself and second, it was difficult for them to understand me. But this did not stop me from going out and talking to people. Some of them became [my] real good friends and supported me with needs such as emotional, physical and even financial and material needs. God was indeed so good.

Third, the culture – South African culture was not one I grew up in. That alone spelled a lot of challenges. I remember how something like cracking a joke could be a pursuit full of effort. I even had to master it! But all through it, our deep love for Jesus made us appreciate and love each other’s differences.

Up to this day, I am still amazed with how God used me. I think I could not have sur-vived it on my own. I know it was the Holy Spirit using me to touch all those people and make a difference in their lives. Keeping my sight on the One who sent me and focusing on the reasons why exactly I was there at that moment became the strength I had to face all those challenges.

Sky: Was it a risk for you to go on mission and dedicate your life to serving the Lord?

James: It did not feel a risk at all. In fact, I felt I was on a vacation! I visited beautiful churches, spoke to different congregations and it all gained me lifetime friends. I went to wonderful places I have never been before.

I was also part of an inter-faith youth group and our common goal was to fight HIV-AIDS. I had the chance to visit the HIV center and pray for the patients. We also did regular visits to the HIV orphanage. It was an honor and at the same time, a very humbling experience.

Sky: How did your relationship with God grow as you faced all your challenges and took all those risks?

James: I thought I was going out there, preaching how great God is, but to my surprise, while I was doing that, the people I encounter everyday drew me closer to God. They showed and made me realize so many things. In turn, I became a different and a better person. I became closer to God and my prayer time became my prayer life. Sky: What and who inspires you to do mission?

James: My parents (Dad Pedy and Mom Tessie) inspired me to serve the Lord with all my heart and strength. And seeing families renewed with lives surrendered to the Lord inspired me to continue this mission.

Sky: I found out that you have also consecrated your life to Christ through Mary, what made you do this?

James: I have always loved Our Lady, Mother Mary. I believe she was with me while I was away from my family and friends. She helped me respond to Jesus’ mission and answer His call and serve him as a missionary despite all the hardships and challenges. It was just perfect timing that a good friend of mine introduced me to a book (33 Days to Morning Glory) that helped me to consecrate my life to Christ through Mary. In-deed it was a blessing!

Sky: And on to my last question, what are your simple joys?

James: My simple joys are the chances I get to witness the goodness of God to other people, especially those times I had the chance to let them know that God loves them. Also, I enjoy watching movies and spending time with my family and friends.

MAN ON A

MISSION