takdang pagsusulit sa hist 1013

5
TAKDANG PAGSUSULIT SA HIST 1013 Vallejos, DJ Lawrence T. Prop. McDonald Pascual BS Economics 1-1 04 August 2015 1. Ilarawan ang anyong pisikal ng archipelago at ipaliwanag kung paano ito nabuo. Ang arko ay isang grupo ng isla kung saan ito ay napapaligiran ng malawak na parte ng tubig. Nagsimula mabuo ang arko ng Pilipinas noong Huling Cretaceous noong 60 milyong taon BK kung saan lumubog ang Philippine Sea Plate sa ilalim ng Indian-Australian Plate ngunit noong panahon ng Eocene, mula sa equator at sa pagkilos ng Platong Pasipiko, ang islang arko ay “naanod”, patungo sa pahilagang kanluran. Sa panahong ito, nahati ang Pilipinas sa tatlong magkalahiwalay na islang-arko; ang Arkong Luzon, Arkong Halmahera at and Silangan at Sentral Kordilyera. Noong panahon ng Gitnang Olohocene, dulot ng pagbuka ng suewlo ng dagat sa pagitang ng Eurasian Plate at Microcontinental Block, lumawak ang Dagat Timog Tsina. Noong maagang Miocene naman ay ang paglawak ng sea floor na matatagpuan sa Dagat Sulu. Sa gitnang Miocene period naman ay Bumangga ang Microcontinental Block ng Palawan sa orihinal na islang arko ng Pilipinas na nagdulot ng pagkakaroon ng bulkanismo sa Arkong Sulu.

Upload: lawrence

Post on 13-Dec-2015

387 views

Category:

Documents


34 download

DESCRIPTION

Asignatura

TRANSCRIPT

Page 1: Takdang Pagsusulit Sa Hist 1013

TAKDANG PAGSUSULIT SA HIST 1013

Vallejos, DJ Lawrence T. Prop. McDonald PascualBS Economics 1-1 04 August 2015

1. Ilarawan ang anyong pisikal ng archipelago at ipaliwanag kung paano ito nabuo.

Ang arko ay isang grupo ng isla kung saan ito ay napapaligiran ng malawak na parte ng tubig. Nagsimula mabuo ang arko ng Pilipinas noong Huling Cretaceous noong 60 milyong taon BK kung saan lumubog ang Philippine Sea Plate sa ilalim ng Indian-Australian Plate ngunit noong panahon ng Eocene, mula sa equator at sa pagkilos ng Platong Pasipiko, ang islang arko ay “naanod”, patungo sa pahilagang kanluran. Sa panahong ito, nahati ang Pilipinas sa tatlong magkalahiwalay na islang-arko; ang Arkong Luzon, Arkong Halmahera at and Silangan at Sentral Kordilyera.

Noong panahon ng Gitnang Olohocene, dulot ng pagbuka ng suewlo ng dagat sa pagitang ng Eurasian Plate at Microcontinental Block, lumawak ang Dagat Timog Tsina. Noong maagang Miocene naman ay ang paglawak ng sea floor na matatagpuan sa Dagat Sulu. Sa gitnang Miocene period naman ay Bumangga ang Microcontinental Block ng Palawan sa orihinal na islang arko ng Pilipinas na nagdulot ng pagkakaroon ng bulkanismo sa Arkong Sulu.

6 milyong taon bago ngayon at ang Panahon ng Huling Miocene, dito ay tumigil na ang bulkanismo sa Arkong Suli, nguni’t patuloy pa rin ang pagkilos ng Pacific at Philippine plate na nagdulot ng paglitaw ng mga mababang bahagi ng Luzon, mula sa karagatan. Sa Huling Miocene hanggang simula ng Pleistocene ay Umabot ang Manila Trench, hanggang Kanlurang Mindanao. Naputol ito at naging Negros at Cotabato Trenches. Sa panahong ito, nagsimula na ring lumubog ang silangang bahagi ng bansa sa erta ng Philippine Trench at ito na ang sumula ng pagkakabuo ng lupaing Pilipinas sa kanyang kasulukuyang lokasyon, proma, hugis at anyo.

2. Ipaliwanag ang ugnayan ng kultura at teknolohiya sa pag-usbong ng mga Pamayanang Proto-Pilipino.

Ang kultura nating mga Pilipino ay napaka likas, ating ginagamit ang mga bagay na nakapaligid satin. Ito ay sa kadahilanang ang kultura ay

Page 2: Takdang Pagsusulit Sa Hist 1013

nagsilibi/nagsisilbing defense mechanisn ng mga tao upang maipagpatuloy ang pananatiling buhay. Tulad nalang ng pagkakaiba ng tawag ng pagkain ng mga Pinoy – ang bigas. Ito’y maguumpisa bilang palay, tinanggala ng apa naging bigas, niluto naging kanin, kanin na sinangkutsa ng pampalasa at bawang naging sinangag, at marami pang iba.

Sa ganitong antas ng kamulatan ng tao – ang pagiging sibilisado – at pumapaloob siya sa pakikibagay o pagsunod sa isang partikular na pangkat. Ang kakayahang ng tao na bumagay sa kanyang kalikasan at ang kapangyarihan ng isip na bahagyang makontrol ang kanyang kapaligiran ay nagbigay ng daan upang matugunan ang kanyang pangangailangan at pinapahalagahan. Malinaw na maiintindihan ito mula sa mga artifact o bagay na naging basehan ng rekostruksyon ng panahon bago ang kasaysayan.

Ang teknolohiya ng paggawa ng mga gamit, halimbawa nalang ang palayok kung saan ito’y matatagpuan sa maraming situng arkeolohikal at iba pang lugar sa bansa na aktibo pa ring isinasapraktika ang naturang teknolohiya. Hindi maitatanggi na mahalaga ang ebolusyong pisikal ng tao, partikular ang estado ng kanyang isip sa klase ng teknolohiya na kanyang ginagamit. Ngunit ang kabuuang pagtanggap at pag-aangkop ng teknolohiya at nakabatay pa rin sa pinanggalingan ay pagpapahalaga ng pangkat.

3. Paghambingin ang panahunan nina F. Landa Jocano at W. Solheim tungkol sa Panahong Pre-Historiko ng Pilipinas. Isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang pananaw.

Si W. Solheim ay isang amerikanong antropolohiya na nagsasaad na, “Ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay hindi dumating ng paisa-isa bagkus sila ay nagmula sa mga lugar sa timog asya.” Ayon sakanya noong maging popular ang paggamit ng bakal, wala umanong indikasyon na kung saan ay mabilis na lumaki ang populasyon sa kapuluan. Siya’y naniniwala na ang pagkakahambing ng pagunlad ng Taiwan at Pilipinas ay dahilan lamang ng kanilang pakikipagugnayan sa Timog Silangang Tsina at sa Hilagang bahagi ng Vietnam bunga na rin ng mga nakitang relikya at labi ng mga ito.

Ayon naman kay F. Landa Jocano, bagama’t maraming pangkat ng tao ang hindi dumating sa bansa noong unang panahon, hindi pa rin tiyak na dumating sila sa ganoong panahon na pagkakasunod-sunod. Idinagdag pa niya na hindi sapat ang katibayan ng kaibahan ng kultura ng alin mang pangkat ang mga nahukay na relikya o

Page 3: Takdang Pagsusulit Sa Hist 1013

labi ng mga unang tao. Siya rin ay bahagyang naniniwala sa ebolusyon sa paniniwalang ang mga Pilipino at nanggaling sa isang humanoid.

Sang-ayon si F. Jocano kay Wilhelm Solheim. Nagdalubhasa sa mga unang panahon sa Pilipinas at ibang bahagi ng timog-silangang Asia. Marami pa tulad ng sa pagkapag-sasariling pag-unlad ng Pilipinas, ngunit binago niya ang mga taning nuong 1981. May pasubali siya na hindi lahat ng katibayan ay sang-ayon sa kanyang taning, at maaaring mapag-iba ng mga bagong katibayang natuklasan.

4. Talakayin ang papel ng heograpiya sa paglikha ng kasaysayan.

Ang heograpiya ay lubos na nakaka apekto sa mga tao at pangyayaring nagaganap sa kasaysayan. Ito ay pag-aaral, pagsusuri ng pisikal na katangian ng daigdig. Dito, nauunawaan natin ang uri ng daigdig na ating ginagalawan, kung ano ang klima nito, kung paano natin iaakma ang ating sarili o paano tayo makikibagay. Mahalagang malaman ang tungkol sa pisikal na aspeto ng daigdig dahil ito ay tahanan nating mga tao.

Ang mga nakaraang pangyayari at mga pagbabago sa daigdig o kasaysayan ay naipapaliwanag din sa pamamagitan ng pag-unawa sa pisikal na katangian ng mga bansa sa daigdig. Marami rin maitutulong ang pag-aaral ng Heograpiya sa Kasaysayan dahil sa pamamagitan nito, malalaman mo ang mga makasaysayang, makabuluhan, matalinhagang pangyayari sa isang lugar. Nakatutulong rin ang heograpiya kaugnay sa mga pandaigsdigang penomena.

I to rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao. Dahil na rin dito ay maipagpapatuloy pa rin natin ang pag-gawa o paglikha ng kasaysayan. Hindi lamang kasaysayan ang naimpluwensyahan ng Heograpiya ngunit pati na rin kultura ng tao at kinalalagyan sa ibabaw ng daigdig.

Mga Sanggunian

Manguera, Patrick H.R.; Rosales, Amalia C.; (Dr.) Sebastian, Raul Roland R.– KASAYSAYAN: Kalinangan, Diwa at Kabuluhan – Published 2014 by MERRYJO Enterprises; Quaipo, Manila

Page 4: Takdang Pagsusulit Sa Hist 1013

Rosales, Amalia C.; Sebastian, Raul Roland R. – HISTORIA: Pag-usbong, Pakikipagtagpo at Pagbubuo – Published 2008 by Mary Jo Publishing House, Inc.; Quaipo, Manila

Veneracion, Jaime B. - Agos ng Dugong Kayumanggi - Published 1990 by Abiva Publishing House; Quezon City

http://gurongkasaysayan85.blogspot.com/2012/04/ang-ating-pinagmulan2.html