surigao quarrying 2nd draft

4
SULO 2012 Lathalain From: Jett To: Cherry (FE) Topic: Surigao Quarrying 2 nd Draft Quarrying : Hamon ng mga Surigaonon ‘’Kung hindi kami mabibigyan ng trabaho, saan kami kukuha ng ikabubuhay? Sa quarrying lang kami umaasa.’’ Isang Surigaonon na nangangatwiran ang nagbitaw ng mga mapaghamong salita nang tanungin sya ng isang taga-media kung bakit hindi pa nila itinitigil ang operasyon ng quarrying bagama’t alam niya na bawal ito. Ang quarrying ay isang gawain ng paghango ng mga buhangin at graba mula sa mga ilog. May hawig ito sa pagmimina ngunit di hamak na mas mabilis at simple ang pagsasagawa nito kumpara sa nauna. Kung kaya’t ganun na lamang katahasang sumagot ang mangingisdang ito na sa halip na mangisda ay quarrying ang inaatupag kahit pa nagpalabas na ang gobernador ng probinsya na si Sol F. Matugas ng total ban para sa naturang gawain. May mga di-kilalang kompanya kasi na malaki ang pangangailangan para sa buhangin at nakikipag-ugnayan naman ang mga ito sa mga residente ng lugar kung kaya’t instant hanapbuhay nga naman ito para sa mga taga-roon. Nakikipagtulungan naman ang lokal na gobyerno para tuluyang masupil ang ilegal na operasyon na ito ngunit sa halip na mga kompanya ang pagbawalan ay ang mga residente ang syang binabantayan. Ang Anao-an River, na syang dumadaloy sa buong probinsya, ang syang pangunahing likas na yaman na inaasahan ng mga taga-

Upload: jan-karlet-roy

Post on 15-Oct-2014

38 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

SULO 2012 Lathalain From: Jett To: Cherry (FE) Topic: Surigao Quarrying 2nd Draft Quarrying : Hamon ng mga Surigaonon Kung hindi kami mabibigyan ng trabaho, saan kami kukuha ng ikabubuhay? Sa quarrying lang kami umaasa. Isang Surigaonon na nangangatwiran ang nagbitaw ng mga mapaghamong salita nang tanungin sya ng isang taga-media kung bakit hindi pa nila itinitigil ang operasyon ng quarrying bagamat alam niya na bawal ito. Ang quarrying ay isang gawain ng paghango ng mga buhangin at graba mula sa mga ilog. May hawig ito sa pagmimina ngunit di hamak na mas mabilis at simple ang pagsasagawa nito kumpara sa nauna. Kung kayat ganun na lamang katahasang sumagot ang mangingisdang ito na sa halip na mangisda ay quarrying ang inaatupag kahit pa nagpalabas na ang gobernador ng probinsya na si Sol F. Matugas ng total ban para sa naturang gawain. May mga di-kilalang kompanya kasi na malaki ang pangangailangan para sa buhangin at nakikipag-ugnayan naman ang mga ito sa mga residente ng lugar kung kayat instant hanapbuhay nga naman ito para sa mga taga-roon. Nakikipagtulungan naman ang lokal na gobyerno para tuluyang masupil ang ilegal na operasyon na ito ngunit sa halip na mga kompanya ang pagbawalan ay ang mga residente ang syang binabantayan. Ang Anao-an River, na syang dumadaloy sa buong probinsya, ang syang pangunahing likas na yaman na inaasahan ng mga taga-Surigao para mabuhay. Marahil ay nakahanap nga ng alternatibong paraan upang mapakinabangan ang ilog ngunit bawal pa rin ito dahil sa mga maaaring kahinatnan ng ilog maging ng mga residenteng nakatira malapit dito. Maaari kasing maging banta ang paglalim ng tubig at paglambot ng lupa dahil nawawalan na ito ng matibay na pundasyon. Ang mga kabahayan at iba pang imprastraktura tulad ng kalsada at tulay na malapit sa ilog ay maaari ring bumigay at masira. Dahil din dito, mas magiging talamak ang pagbaha sa lugar dahil aapaw ang ilog dahil wala ng mga matabang buhangin na syang kakapit sa tubig-ulan sa oras na magkaroon ng malalakas na ulan at bagyo. Sa kabila ng bantang ito sa kalikasan at sa buhay ng mga residente, marahil ay hindi na magawang makapagpatupad ng mas mahigpit na polisiya ang gobyerno dahil wala rin namang nakahandang trabaho na maaaring maialok sa kanila. Kung kayat ang hamon na ito ng

mangingisda ay mananatiling hamon dahil walang maipagkakaloob na legal na hanap-buhay para sa mga Surigaonon. Sa kabilang banda, ang mga residente naman ay wala ring magawang solusyon kahit pa alam nila ang mga maaaring implikasyon sa kanila sa pagpapatuloy ng gawaing ito. Kailangan nilang mabuhay at kung kinakailangan na gumawa sila ng bawal at isawalang-bahala ang panganib, hindi sila magdadalawang-isip na gawin dahil wala silang ibang inaasahan. Isa lamang ang quarrying sa mga ilegal na gawain na syang pinipiling pasukin ng ating mga kababayan upang matustusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ilegal man o hindi, higit na mahalaga sa kanila ang maka-survive. Ipinapakita lamang na handa sila na itaya ang kanilang buhay maging ang kanilang integridad makasabay lamang sa hamon ng bawat umaga. Kung kayat hanggat walang malinis na trabaho na maihahain ang gobyerno, patuloy magku-quarry ang mga Surigaonon at ang mga kagaya nila mayroon lamang maihain sa hapag para sa kanilang mga pamilya.

Sulo 2012 Lathalain From: Jett To: Cherry (FE) Topic: Surigao Quarrying Outline Quarrying : Hamon ng mga Surigaonon Kung hindi kami mabibigyan ng trabaho, saan kami kukuha ng ikabubuhay? Sa quarrying lang kami umaasa. I. Introduksyon y Ano ang Quarrying? y Sino ang mga nagsasagawa nito? y Ano ang mga hakbang ng gobyerno? Katawan y Pinsala sa Kalikasan at banta sa mga residente y Pagwawalang-bahala ng gobyerno y Kawalan ng legal na trabaho para sa mga residente Konklusyon

II.

III.

Isa lamang ang quarrying sa mga ilegal na gawain na syang pinipiling pasukin ng ating mga kababayan upang matustusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan. Ilegal man o hindi, higit na mahalaga sa kanila ang maka-survive. Ipinapakita lamang na handa sila na itaya ang kanilang buhay maging ang kanilang integridad makasabay lamang sa hamon ng bawat umaga. Kung kayat hanggat walang malinis na trabaho na maihahain ang gobyerno, patuloy magku-quarry ang mga Surigaonon at ang mga kagaya nila mayroon lamang maihain sa hapag para sa kanilang mga pamilya.