supplementary feeding program (sfp)...inamyendahan nito ang administrative order (ao) no. 04 series...

6
SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM (SFP)

Upload: others

Post on 23-Oct-2020

17 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • SUPPLEMENTARY FEEDING PROGRAM (SFP)

  • Ano ang Supplementary Feeding Program (SFP)?

    Ang karagdagang pagkain o hot meals ay ibinibigay tuwing snack time o oras ng meryenda ng mga bata. Ang feeding program ay isinasagawa mula lima (minimum) hanggang pitong beses (maximum) sa isang linggo sa loob ng 120 na araw. Ito ay pinamamahalaan ng mga magulang ng mga bata o ng mga caregiver ayon sa nakahandang cycle menu, gamit ang mga indigenous na suplay ng pagkain.

    Ang mga batang benepisyaryo ng SFP ay tinitimbang sa pagsisimula ng programa at kada buwan hanggang makompleto ang 120 na araw upang malaman ang pagbabago sa kanilang nutritional status.

    1 DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

    Basehan: Administrative Order No. 04 series of 2016 of the Amended Omnibus Guidelines in the Implementation of Supplementary Feeding Program.

    Ang SFP ay ang probisyon ng karagdagan pagkain sa regular na tatlong beses sa isang araw, para sa mga batang naka-enrol sa mga Child Development Center (CDC) at Supervised Neighborhood Play (SNP). Ito ay parte ng kontribusyon ng DSWD sa Early Childhood Care and Development (ECCD) program ng gobyerno at sa Republic Act 11037 o mas kilala bilang, “Masustansiyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act.”

  • PROGRAM DIGEST ▌ SFP 2

    Ano ang sumasakop sa pagpapatupad ng SFP?

    Inamyendahan nito ang Administrative Order (AO) No. 04 Series of 2016 o ang “Amended Omnibus Guidelines on the Implementation of Supplementary Feeding Program” upang magbigay linaw sa mga isyu at kakulangan sa implementasyon ng programa, kabilang na ang isyu ng procurement.

    Gayundin na ang mga pamamaraan sa pagpapatupad ng SFP ay nirebisa alinsunod sa direktiba ng Presidente hinggil sa implementasyon ng mga programa ng DSWD.

    Ang pagpapatupad ng SFP ay alinsunod sa Memorandum Circular (MC) No. 3 Series of 2019 o ang “Revised Procedures on the Implementation of Supplementary Feeding Program” na nilagdaan ni DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista noong Enero 31, 2019.

  • Ano ang direktiba ng Presidente sa implementasyon ng mga programa ng DSWD, kabilang ang SFP?

    Ang Presidente ay nagbigay ng kautusan sa DSWD na itigil ang paglilipat ng pondo sa mga lokal na pamahalaan o mga Local Government Unit (LGU) dahil sa kanilang kabiguan na i-liquidate ang mga pondong nauna nang naibaba sa kanila.

    3 DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

    Sa ilalim ng AO No. 04, s. of 2016, ang pondo na nakalaan sa SFP ay inililipat ng DSWD Field Offices (FOs) sa mga City/Municipal LGU na siyang bumibili ng mga kinakailangan para sa programa, tulad ng bigas at non-rice snacks, ulam, at mga kagamitan sa pagkain at pagluluto. Ang mga LGU ay may responsibilidad sa maayos na paggastos at pag-liquidate ng pondo na inililipat sa kanila.

    Pinag-utos din ng Presidente sa DSWD na direktang ipatupad ang programa.

  • PROGRAM DIGEST ▌ SFP 4

    Ano ang bagong pamamaraan sa pagpapatupad ng SFP ayon sa MC 03, s. of 2019?

    Pakikipag-partner sa mga Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) at Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO). Ang mga DSWD FO ay maaaring makipag-partner sa mga SLPA at ARBO upang maging service providers ng raw goods at pagkain na kakailanganin para sa feeding program.

    Pakikipag-partner sa Registered, Licensed, at Accredited Child Development/ Supervised Neighborhood Play Worker Federation (CD/SNPWF). Ang mga DSWD FO ay maaring makipag-partner sa CD/SNPWF kung saan nila maaring ilipat ang pondo para sa pagpapatupad ng programa. Upang mapangyari ito, maglalagda ng isang Memorandum of Agreement (MOA) o kasunduan sa pagitan ng FO, CD/SNPWF, at City o Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO). Ang MOA ay naglalahad ng mga tungkulin at responsibilidad ng bawat isa sa pagpapatupad ng programa.

    Ang mga sumusunod ang mga bagong pamamaraan sa pagpapatupad ng programa ayon sa MC 03:

    Pagbili ng mga kagamitan at iba pang kakailanganin sa lebel ng DSWD Field Office at Social Welfare and Development (SWAD) Office. Sa ilalim ng bagong pamamaraan, ang mga FO ng DSWD ang magiging procurement entity ng mga kakailanganin sa pagpapatupad ng programa, base sa itinakdang mga katergorya, tulad ng welfare goods (bigas at ulam), kagamitan sa pagluluto at pagkain, lokasyon ng delivery, dami ng mga kagamitan na ire-request, at availability sa merkado.

  • dswdserveswww.dswd.gov.ph

    #DSWDMayMalasakit