superhero kids 2.docx

3
ANG BATANG NANGARAP MAGING SUPERHERO "Gusto kong maging superhero” Sabi ni Bitoy. "Gusto kong lumipad sa himpapawid at tanawin ang buong mundo" “Gusto kong magligtas ng tao” "Gusto kong maging superhero. Kailangan kong maging superhero" Paulit-ulit ko tong sinasabi sa aking sarili. Bata pa ako pero gusto ko ng maging superhero. Paano kaya maging kasinglakas ni Superman? May nabibili kayang barbell gaya ng kay Captain Barbell sa tabi ng paaralan? O baka naman kaya pwede ko ring lunukin ang bato ni Darna at maging si Darno. Paano nga kaya? "Gusto kong Maging Artista" Sabi ni Bitoy Gusto kong makita yung mukha ko sa TV. Gusto ko ring magkaroon ng maraming tagahanga at Gumanap ng kung sino sino mang karakter sa telenobela. Gusto kong sumikat pero dati yun." Dati gusto kong maging artista. Ginagaya ko pa nga minsan yung mga galawan ng mga sikat na karakter sa Tv. Madalas pa nga’y nagaarte artehan kami ng mga kaibigan ko dun sa bakanteng lote sa likod ng

Upload: jesus-emmanuel-mirana-iv

Post on 09-Nov-2015

230 views

Category:

Documents


8 download

DESCRIPTION

Superhero Kids, creative executions, storytelling, children story

TRANSCRIPT

ANG BATANG NANGARAP MAGING SUPERHERO"Gusto kong maging superhero Sabi ni Bitoy."Gusto kong lumipad sa himpapawid at tanawin ang buong mundo" Gusto kong magligtas ng tao"Gusto kong maging superhero. Kailangan kong maging superhero"Paulit-ulit ko tong sinasabi sa aking sarili. Bata pa ako pero gusto ko ng maging superhero. Paano kaya maging kasinglakas ni Superman? May nabibili kayang barbell gaya ng kay Captain Barbell sa tabi ng paaralan? O baka naman kaya pwede ko ring lunukin ang bato ni Darna at maging si Darno. Paano nga kaya?"Gusto kong Maging Artista" Sabi ni BitoyGusto kong makita yung mukha ko sa TV.Gusto ko ring magkaroon ng maraming tagahanga atGumanap ng kung sino sino mang karakter sa telenobela.Gusto kong sumikat pero dati yun."Dati gusto kong maging artista. Ginagaya ko pa nga minsan yung mga galawan ng mga sikat na karakter sa Tv. Madalas pa ngay nagaarte artehan kami ng mga kaibigan ko dun sa bakanteng lote sa likod ng paaralan. Ano kaya ang pakiramdam maging artista? Pero mas gusto ko ng maging superhero. Tuwing nananaginip na ako. Pakiramdam ko nga lumilipad ako sa kalawakan.Sumasakay sa mga bulalakaw.Nakikipaglaro sa mga bituin.Minsan nga tinatanong ko sila " Bakit di niyo tinutupad yung hiling ko?"Tapos bigla na lang magigising ako.

Lagi ko nang inaabangan ang mga palabas na Superhero sa Tv. Binabantayan kong mabuti yung bawat galawan nila. Pinapakinggan ng mabuti ang sinasabi nila, minsan nga nagtatanong pa ako kay nanay pag merun akong mga salitang di maintindihan. Gusto kong malaman kung anong sikreto nila. Gusto ko kasi talagang maging superhero.Kailangan kong maging superhero. Kailangan kong magligtas ng tao.Dumating yung araw ng linggo, maaga akong ginising ni Inang para makapaghanda upang pagsimba. Medyo madilim man pero nakikita ko yung mga mata ng aking Inang. Bata pa ako pero alam kong may lungkot sa mga matang yun, mas malungkot pa kesa nitong mga nakaraang araw. Matapos mag-ayos ay nauna na akong lumabas ng bahay. Malamig yung umagang iyon sapagkat umulan ng malakas kagabi. Tag-ulan na kasi. Tinignan ko si Inang habang palabas ng bahay at sinisiguradong nakakandado na ang bahay bago kami umalis. Ma