spotlight on davao city fashionista na, eco-friendly pa

28
First Issue P 30.00 Sintamis ng Tubo Ardy and Miriam Quiambao-Roberto’s Story Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa! Ang Himala ng Langis ng Niyog Tapat na Katiwala Bagong Simula

Upload: others

Post on 25-Oct-2021

0 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

First IssueP 30.00

‘’Sintamis ng Tubo

Ardy and Miriam Quiambao-Roberto’s Story

Spotlight on Davao CityFashionista na, Eco-friendly pa!Ang Himala ng Langis ng NiyogTapat na KatiwalaBagong Simula

Page 2: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa
Page 3: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

3 APPEND tagumpay

Contents

For advertising reservations, please contact us at:

[email protected]

09228427017 / 09228898839

www.facebook.com/APPENDinc

Editorial

Nego-KuwentoFashionista na, Eco-Friendly pa!

Kuwentong OFWKambal na Investments Stocks at Boarding House

InspirationalTapat na Katiwala

Talakayang KalusuganAng Himala ng Langis ng Niyog

Kuwentong TagumpayBagong Simula

Sintamis ng Tubo: Ardy and Miriam Quiambao Roberto’s Story

Negosyo, Diyos ang Kasosyo

Pag-bangon mula sa Pagsubok

Nagsimula sa Hirap, Tuloy pa rin ang Sikap

Trivia MunaAlam mo Ba?

Likas na YamanBaboy na Walang Amoy!

Serbisyong Append

Spotlight on Davao City: Helping Microbusinesses GrowCover page photo by: Bong & Tish Guloy / Saddleback Church South Manila

www.append.com.ph

Editorial Team

Dr. Virginia P. Juan, Editor-in-chiefLouie N. Tabing, Editorial

ConsultantMarieta R. Manza, Managing EditorGloria A. Guevarra, Advertising &

Circulation ManagerAbygail M. Donguines, Layout &

Graphics Design ManagerJoan Ruth S. Roda, Admin

Contributing Writers, Louie N. Tabing, Marieta R. Manza, Gloria A. Guevarra, Kenneth S. David, Mohammad Sufyan Bin Saad, Ranie B. Catimbang, Margaret

Rose N. Rodriguez

Editorial Board

Angel L. de Leon, Jr., Edgardo F. Garcia, Rolando B. Victoria,

Eduardo C. Jimenez, Zeny T. de Jesus

Board of Trustees

Edgardo F. Garcia, ChairmanEddie T, Panlilio, Vice Chairman

Angelo B. Solarte, TreasurerFranklin L. Lopez, Auditor

Dr. Virginia P. Juan, President/CEO

Joel A. Jacobo, Jane M. Manucdoc, Zeny T. de Jesus,

Narciso A. San Miguel, MembersAtty. Raineer Q. Chu, Corporate

Secretary

5

6

7

8

10

11

14

16

18

20

21

22

24

26

ang magasin ng micro at social entrepreneurs sa Pilipinas.

Page 4: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

Hangad ito ng lahat. Pero alam mo ba na ang kaunlaran ay hindi lang laging patungkol sa pera? Pwede rin tayong yumaman sa sikososyal at espiritwal na aspeto ng ating buhay? Kagaya na lang ng pagkakaroon ng malusog at buong pamilya, masayang disposisyon, malalim na pananampalataya sa Diyos, at maayos na relasyon sa ating mga kapitbahay. Maliban sa pagpapaunlad ng inyong negosyo, ang Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI) ay naghahangad ng mas higit pang kaunlaran sa buhay ng mga Program Members. Ka-partner ng KMBI ang APPEND sa paglaban sa kahirapan sa bulsa, puso at kaluluwa. Kaagapay din ng KMBI ang APPEND sa pagbibigay ng values formation, business and leadership training, mass wedding, wellness seminars, scholarships, at marami pang programang nagbibigay tulong at kaalaman sa mga program members at sa kanilang pamilya.

Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong bumisita sa: 12 San Francisco St. Karuhatan, Valenzuela City;o mag e-mail sa: [email protected], o tumawag sa: (+632) 291-1484 to 86. Mahahanap din kami sa: http://www.kmbi.org.ph

Page 5: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

5 APPEND tagumpay

EDITORIAL

Pinakabagong paglalathala ito ng APPEND Inc. (Alliance of Philippine Partners in Enterprise Development Incorporated) para sa ating mga micro-entrepreneurs at program members, kasaping organisasyon, mga katuwang sa ating adhikain, at sa pangkalahatang komunidad ng mga taong gustong iangat ang buhay ng mga nagsisikap na mahihirap.

Ang APPEND Inc. ay isang non-stock at non-government organization na itinatag noong 1991. Kami ay samahan o alliance ng mga micro-enterprises at microfinance non-government organizations (NGOs) na tumutulong na lumago ang mga mumunting negosyo ng ating mga program members. Ang grupo ng APPEND ay nagbibigay ng mga serbisyo katulad ng microenterprise development, microfinance at micro-insurance. Kalakip din ang mga programa na nagpapalakas ng moral values at leadership quality ng ating mga development workers at mga micro-entrepreneurs. Kasama din sa package ng serbisyo ang marketing, educational assistance, water, health and sanitation at mga pagsasanay na nagpapalago ng kanilang mga negosyo at nagpapatibay ng samahan ng kanilang pamilya.

Simula nang maitatag ang APPEND noong 1991, mahigit sa limang milyong Pilipino na sa buong bansa ang natulungan ng aming mga programa.

Ang mga nasasakupan ng APPEND ay mga micro-entrepreneurs na kababaihan at kalalakihan, indigeneous peoples, senior citizens, mga may kapansanan, manggagawa, at mga children and youth na nasa kanayunan at urban areas. Ang mga micro-entrepreneurs ay yung may sari-sari stores, mga maliliit na magsasaka at mangingisda, mga gumagawa ng mga crafts, naghahabi at nananahi, magtataho, magbobote, nagtitinda ng kwek-kwek, banana cue, mga naglalako ng mga prutas at gulay, nagtitinda ng karne, isda at dry goods sa palengke, mga gumagawa ng damit, sapatos at marami pang iba. Sila ang tinagurian naming backbone of the Philippine society.

Katulad ng pangalan ng magasin na ito, ang Tagumpay ay naglalaman ng mga true-to-life success stories hindi lamang ng aming mga dakilang miyembro kundi ng mga magigiting at sikat nating mga social entrepreneurs. Tampok sa unang isyung ito ang nakaka-inspire na kwento nina Ardy

at Miriam (Quiambao) Roberto. Ibabahagi din namin ang mga bukod-tanging kwento ng mga microentrepreneurs. Makakapulot din tayo ng mga payo at ideyang pang-negosyo. Hina-highlight din natin ang mga kwento ng Overseas Filipino Workers (OFWs), at mga kaugnay na usapin sa agrikultura at kapaligiran. May section din tayo tungkol sa isang modelong Local Government Unit o LGU at mga magagandang mga programa nito para sa kanilang mga nasasakupan na maaring gawing ehemplo ng mga ibang LGUs.

Nais din naming ipakita ang mga Christian values na tutulong magpalakas sa ating mambabasa at magpapayabong sa kanilang pagkatao at buhay pamilya. Babalitaan din namin kayo tungkol sa mga ibat ibang gawain ng APPEND.

Sa pangkalahatan, ang pangarap namin para sa Tagumpay ay maging isang magasin na mag-iequip, mag-iinspire at magbibigay kapangyarihan sa aming mga mambabasa. Gusto namin itong maging kawili-wili, siksik sa impormasyon, at higit sa lahat, kapaki-pakinabang para sa sambayanang Pilipino.

Sana ay ma-enjoy ninyo ang unang isyu ng Tagumpay. Karangalan naming maibahagi ang gawa ng aming mga contributors. Pinasasalamatan din namin ang mga sponsors na naniniwala sa layunin ng ating magasin.

Kasiyahan nawa ng Maykapal tayong lahat na magbabasa at magtataguyod sa Tagumpay.

Muli, maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa tagumpay!

Nagagalak kami na hawak ninyo ngayon ang kauna-unahang isyu ng Tagumpay magazine!

Mabuhay!

Virginia “Jeng” P. Juan, DTL,APPEND Inc President/CEO

Page 6: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

6APPEND tagumpay

ni Kenneth S. David

Alam mo bang pwede kang kumita habang tumutulong kay Mother Earth? Na-preserve mo na ang kalikasan, meron ka pang pagkakakitaan!

Malaki ang potensyal sa paggawa ng eco bag. Pwede mo itong ialok sa iyong mga kapitbahay kapag sila’y mamamalengke, o kaya, pwede ka ring mag-supply nito sa mga kompanya na pwede nilang gamitin ang mga ito bilang training bags. Makakagawa na ng isang simpleng eco bag sa loob ng 45 minuto.

Mga Gamit na Kailangan

• Makinang Pananahi

• Gunting

• Tape measure

• Lapis o anumang pangmarka na madaling mabura sa tela

• Sinulid

• Katsa (P55-60 kada yarda; Ang isang yarda ng katsa ay maaaring makagawa ng apat na eco bags na may sukat na kakasya ang long brown envelope).

• Nylon webbing o matibay na tela o tali na maaaring gawing strap ng bag (P60 kada rolyo)

• Velcro (P60 kada rolyo) *ang presyo ng mga materyales na ito ay depende kung ilan at saan bibilhin. Ika nga, mas marami, mas mura!

1

2

3

4

5

6

Paraan ng Paggawa

1. Tabasin ang katsa ayon sa sukat ng bag na gagawin mo. Halimbawa, sa bag na may sukat na 11 x16 pulgada (inch), tumabas ng katsa na may sukat 14 x 36 pulgada upang magbigay daan sa mga tupi at pagtatahian ng bag. Pumutol ng dalawang nylon webbing o strapping para sa strap o tangkay ng bag, depende kung gaano kahaba ang nais mong tangkay.

2. Itupi ang pulgadang nasa itaas na bahagi ng katsa (kung saan ilalagay ang tangkay) at saka tahiin upang maitago ang himulmol ng katsa. Tupiing muli ng 1 pulgada ang kaniyang may tupi na pulgada. Ipitin dito ang tinabas na nylon webbing, at saka tahiin. Gawin ito sa magkabilang dulo ng tela upang magkaroon ng dalawang tangkay ang bag.

3. Tahiin ang magkabilang gilid ng katsa upang makabuo ng isang supot at saka ito baliktarin at tahian muli ang magkabilang gilid.

Fashionista na, Eco-Friendly pa!

4. Upang malagyan ng kurba ang ilalim ng bag, kunin ang dulo ng isang gilid, itupi ito nang patatsulok ayon sa sukat na nais mo (halimbawa dalawang pulgada) at saka ito tahiin. Gawin din ito sa kabilang bahagi ng katsa. Baliktaring muli ang bag.

5. Itupi ang magkabilang gilid mula sa pinagtahian sa gilid ng katsa at ayon sa ikinurbang sukat sa ilalim ng bag. Ito ay upang mas maikurba nang maayos ang porma ng bag.

6. Lagyan ng Velcro ang bibig ng bag upang magsilbing pangsara nito.

Eto na ang iyong eco bag. Pwede mo na itong gamitin at ibenta. Madali lang gawin, di ba?

Abangan ang iba pa nating negosyotips sa susunod na isyu ngTagumpay!

Page 7: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

“Isang malaking biyaya ang pagiging overseas worker,” sabi ni Maechel, mahigit na tatlong taong nanirahan sa Singapore. Bago pumunta sa Singapore para magtrabaho bilang quantity surveyor, dating Engineer si Maechel De Celis sa isang construction firm sa Pilipinas. Nagsimulang magbago ang buhay niya nang nagdesisyon siyang magtrabaho sa ibang bansa. Sabi pa niya: “Mas malaki ang kinikita sa ibang bansa, kumpara sa kung Pilipinas maghanapbuhay. Mula sa kinikita sa ibang bansa, mas makakatulong ito sa ekonomiya ng Pilipinas. Makakatulong ito na makadagdag sa mga trabaho at iba pang mga oportunidad.”

Ano nga ba ang kaibahan ng pagtatrabaho sa Singapore at sa Pilipinas? “Financial freedom” tugon ni Maechel. Nabanggit niya ang mas maayos na employment opportunities kung saan ang 23 kwento ng mga estudyanteng FEW: Financially Empowered Women ay nagbalik sa kanya ng karagdagang kita. Matapos niyang magtrabaho sa Singapore nang ilang panahon, naipakilala siya sa Alalay sa Kaunlaran, Inc. (ASKI) Global ng kanyang mabuting kaibigan na si May Garlitos.

“Matagal na kaming magkakilala. Lumaki kami sa isang iglesya,” pagbabahagi ni Maechel. “Si May ang nag-imbita sa aking dumalo sa CitiASKI Overseas Workers Financial Stability Program.”

Kahit may kaunting nalalaman si Maechel tungkol sa financial management mula sa kanyang ina na nagturo sa kanyang mag-ipon kahit noong bata pa siya, nag-sign up pa rin siya sa kurso. “Para sa akin, nakita ko ang Citi-ASKI Overseas Workers Financial Stability Program

na isang magandang oportunidad na matuto ng mga bagong kaalaman.” Inamin ni Maechel na hindi niya napag-iisipan ang kanyang financial future hanggang sa tinanong siya ng sa kanilang financial plan recital. Dito ay napilitan siyang suriin ang kanyang sitwasyon.

“Doon sa recital, tinanong ako ni Ms. Irma Cosico: ‘Paano kung mawalan ka ng trabaho? Makukuha mo pa rin ba ang mga financial goals na ginawa mo para sa iyong sarili?’ Doon sa tanong na iyon, napaisip ako, dahil kahit kailan, hindi ko naisip na mawawalan ako ng trabaho. Doon ko inumpisahang pag-aralan kung paano gawin ang mga investments,” dagdag niyang paliwanag.

Sinimulan muna ni Maechel na mag-invest sa stocks at insurance. Kabaligtaran ito sa inisip niyang pag-uumpisa ng negosyo sa Pilipinas, dahil gusto niyang mag-simula sa kaya niyang gawin habang nasa Singapore. Ayon kay Maechel, “Nagsimula ako sa mga investments na matsi-check ko araw-araw, kasabay sa pagri-research ko para sa aking 23 Stories of Students FEW: Financially Empowered Women. Para sa akin, hindi ito para sa ngayon lang. Paghahanda na rin ito para sa kinabukasan.”

“Hindi ‘yaman agad’ ang investments. Sa halip, kailangan ng mahabang pasensya at oras bago makita ang paglago ng pera, dahil passive income ito,” dagdag pa ni Maechel.

Dahil sa lakas ng loob niyang magbaka-sakali at sa kanyang bagong tagumpay, naimbitahan si Maechel ng ASKI na maging resource speaker para sa Economics training session noong 2014. “Na-enjoy ko yung pag-handle ng lesson,” masaya niyang sinabi.. “Napakagandang oportunidad na maibahagi ang aking mga natutuhan at natuto rin ako sa mga estudyante. Gusto kung ulitin yun, kung may susunod pang pagkakataon.”

Makalipas ang ilang panahon, pagkatapos niyang makuha ang kanyang investment portfolio, nagdesisyon naman siyang magpatayo ng negosyong boarding house. Ito’y ginawa niya matapos ang kanyang feasibility market study sa Soriano subdivision, General Santos City. “Itong boarding house business ang dream business namin ng nanay ko. Dati, me pagkakataon sanang magsimula na ang nanay ko sa ganitong negosyo, pero di niya nagawa dahil inuna niya higit sa lahat ang pagpapaaral sa aming magkakapatid. Ito ang paraan ko para makapagbigay sa aking ina para sa lahat ng ginawa niya para sa akin at sa aking mga kapatid…siya ang mamamahala ng boarding house business na ito.”

7 APPEND tagumpay

MAECHEL MARQUEZ DE CELIS Citi-ASKI Overseas Workers Financial Stability Program (2012) Ni Mohammad Sufyan Bin Saad

Kambal na InvestmentsStocks at Boarding house

Kambal na Investments

Page 8: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

“Para sa akin, ang pag-aaral ay walang katapusang proseso. Ngayong financially literate na ako, nakita ko ang kahalagahan ng pag-iimpok at kung paanong gumastos sa abot lang ng aking kakayanan.”Ang perang ginamit para sa kanilang boarding house na negosyo ay pinagtulungan nilang magkakapatid, at nag-loan din sila sa Banco de Oro Unibank, Inc. (BDO). Ayon kay Maechel, napakatagal na proseso ang pag-utang sa Bangko. “Maraming

dapat isipin hinggil sa loan interest. Ang daming dokumentong gagawin,” dagdag pa niya. Sa ngayon, itinatayo na ang kanilang boarding house.

Para sa lahat ng mga positibong pagbabago sa kanyang buhay, pinasasalamatan ni Maechel ang CitiASKI Overseas Workers Financial Stability Program at lahat ng mga kursong kinuha niya sa ASKI Global. “Para sa akin, ang pag-aaral ay walang katapusang proseso. Ngayong financially literate na ako, nakita ko ang kahalagahan ng pag-iimpok at kung paanong gumastos sa abot lang ng aking kakayanan.”

“Palaging may pangamba na walang katiyakang pinansyal sa pagbabalik sa Pilipinas. Dahil dito, ginawa ko lahat ng kaya kong gawin, hindi lang sa paglagong pinansyal kundi pati na rin sa pagbabahagi sa lahat ng nalalaman ko sa aking kapwa Pilipino, lalo na sa mga kapwa kong migrant workers. Lahat ng nangyari ay biyaya ng Diyos.” sabi pa ni Maechel na may pasasalamat.

(Isinalin sa Pilipino ni Marieta R. Manza)

8APPEND tagumpay

Tapat na Katiwala

Basahin: Lukas 19:11-27

Magaling, sagot niya. Mabuting alipin! Dahil naging tapat ka sa

kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, pamamahalain

kita sa sampung lungsod.

Lukas 19:17

Sa kwentong ito, isang Amo ang nagbilin sa tatlo niyang mga tauhan. Binigyan niya ang mga ito ng salapi na kailangan nilang pagyamanin at paramihin. Sa pagbalik ng Amo, natuwa siya dahil naparami ng unang dalawang tauhan ang iniwan niyang salapi. Ang ikatlong tauhan naman ay nagsabing itinago niya ang iniwan sa kanya ng Amo dahil sa takot niya dito.

Natuwa ang Amo sa dalawang nakapagbigay ng tubo, pero nagalit siya sa nagtago ng salapi. Binigyan niya ng kaukulang gantimpala ang dalawa, pero ang napagalitan ay binawian pa. Bukod dito, ipinabalik pa ng Amo sa nakapagparami ng salapi ang nag-iisang salapi ng nagtago.

Maaari nating sabihing hindi ito makatwiran. Pero sa pamantayan ng Amo, mali ang ginawang pagtatago

ng ikatlong tauhan, dahil ang bilin at kagustuhan niya ay kumita ang salaping ibinigay niya sa kanila.

Ano ang itinuturo sa atin ng kwentong ito?

Ang pagiging mabuting katiwala.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang kakayahan na palaguin ang mga ipinag-katiwala sa atin ng Diyos—mga talento, pera, at iba pang biyayang natatanggap natin mula sa Kanya. Ano ang dapat nating gawin? Alagaan, sinupin at palaguin ang mga ito.

Sana, ang bawa’t isa sa atin ay maging mabuting katiwala sa mga ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Sana hindi masayang ang mga biyayang natatanggap natin sa Kanya.

Gamitin natin ang ating kakayahan para mapalago ang kung anumang mayroon tayo. Sa gayon, ay malulugod ang ating Panginoon sa ginagawa nating pagsisikap.

PAG-ISIPAN:

Ano ang mayroon tayo ngayon? Ano ang pwede nating gawin para mapalago ito?

PANALANGIN:

Patawarin po ninyo kami Panginoon kung hindi kami naging mabuting katiwala sa mga ipinagkaloob Ninyo sa amin. Turuan po ninyo kami na mapalago at mapaunlad ang mga ito. Sa Pangalan ni Hesus. Amen.

(Marieta R. Manza)

Page 9: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

9 APPEND tagumpay

Page 10: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

10APPEND tagumpay

“Isa palang botika sa loob ng isang botelya ang virgin coconut oil?”

Iyan ang aking nasambit kay Dr. Conrado Dayrit nang kanyang ilahad sa aming panayam sa DZMM ang napakaraming gamit ng virgin coconut oil o langis ng niyog na hindi niluto. Sabi ko sa kanya “Hindi kaya magalit sa atin ang mga malalaking drugstore at pharmaceutical company Doc?”

“Iyan ang totoo eh. Wala tayong magagawa,” pakli ng beteranong doktor.

Nang kanyang sulatin ang aklat na The Truth About Coconut Oil – The Drugstore in a Bottle, tumawag pa si Dr. Dayrit sa akin upang sabihing gagamitin nya na subtitle sa pabalat ang pariralang “drugstore in a bottle.”

Si Dr. Dayrit, noong nabubuhay pa ay isang siyentistang doktor na tinaguriang “Father of VCO.” Siya ay naging presidente ng Philippine Heart Association at emeritus professor of pharmacology sa UP College of Medicine. Ama siya ng naging Kalihim ng Kalusugan Dr. Manuel Dayrit.

Si Dr. Conrado Dayrit ang nanguna sa mga pagsusuri tungkol sa bisa ng langis ng niyog na gamot laban sa HIV. Sumulat din siya ng maraming mga lathalang pang-agham tungkol sa di mabilang na birtud kalusugan mula sa langis ng niyog.

Sa labas ng katawan ito ay lunas sa halos lahatnguringsakitsabalat–galis, an-an, buni, tagihawat, bulutong, pigsa, kurikong, eczema, dermatitis, psoriasis at maraming iba pa. Madaling maghilom ang mga sariwang sugat at mga galos, kung lalagyan ng VCO.

Isang tanyag na doktor na nagtataguyod ng gamit ng langis ng niyog sa mga sakit sa balat ay si

Dr. Vermen Verallo-Rowell, hepe ng dermato-pathological department ng Makati Medical Center.

“Napakabisang pamatay mikrobyo at disinfectant ang virgin coconut oil,’ wika ni Dr. Rowell.

Samantala, kung dati ay ginagamit lamang natin ang langis ng niyog bilang panghaplos sa katawan at sa buhok, ngayon ito ay iniinom na rin.

Ang pagiging pamatay bacteria, fungus, at maging ng virus ay pinatutunayan naman sa maraming aklat na sinulat ni Dr. Bruce Fife, Naturopathic Medicine, nutritionist at director ng Coconut Research Center sa Colorado USA. Hindi na rin mabilang ang ulat mula sa mga tagakinig sa aming program sa DZMM na ang VCO ay nakagagaling ng mga cyst, bukol, kanser, tumor at iba pang mga sakit na sanhi ng masasamang organismo sa katawan.

Ang VCO ay inirerekomenda sa mga may ulcer, diabetes at sakit sa puso. Ayon kay Dr. Fife, ang langis ng niyog ay ang taba na hindi nakapagpapataba.

Hindi nagdaragdag ng masamang cholesterol. Bagkos, dahil sa maiikling molecules nito, pinatataas ang ratio ng good cholesterol (high density lipoprotein) laban sa bad cholesterol sa katawan ng tao.

Bilang langis o fuel, ang VCO ay nagpapalakas sa katawan at nagpapatibay sa immunity ng katawan kontra sakit.

Sa kanyang aklat ng “The Healing Miracles of Coconut Oil,” sinabi ni Dr. Fife na “Kung hindi ka pa umiinom ng virgin coconut oil, nawawaglit sa iyo ang bisa ng isa sa pinakamakakalusugang langis sa mundo.

Isang kabutihan sa pag-inom ng langis ng niyog, walang itong side effect. Maari rin itong inumin na kasama ang mga gamot parmasya. Maiinom ito ng mga bata, matanda, at mga inang buntis o nagpapasuso.

Ang VCO, kung ibinababad sa bibig o iminumumog, ay mabisang lunas sa sakit sa ngipin, ngidngid, singaw at mga sugat sa loob ng bunganga.

Sa kanyang pinakahuling aklat na sinulat tungkol sa Alzheimer’s disease, ipinahiwatig ni Dr. Bruce Fife na sa mga pananaliksik na ginawa ng University of Michigan sa America, ang VCO ay hindi lamang nagpapabagal sa pagdating at pagsulong ng pagiging ulyanin ng tumatandang tao.

May mga palatandaan na ang VCO ay nagpapagaling ng mga neuro-degenerative diseases.

Kaya panahon na upang tangikilikin natin ang produkto na mula sa halamang tinaguriang tree of life. Kung sa nakararaming bansa ang niyog ay hindi tumutubo, maswerte ang Pilipinas na kahit sa mga lunsod ay mayroong niyog. Tayo ay nangunguna sa mga bansang nagbebenta o nag-eexport ng mga produktong, kabilang na ang langis.

Mahalaga na matuto tayong gumawa ng langis na niyog na napaksimpleng gawin. Ito ay mula sa gata nang niyog na pinatining. Kasama ang tubig ng niyog, ang gata ay itinitinggal sa loob ng isang araw. Kusa namang pumapaibabaw ang langis sa pamamagitan ng fermentation. Iyon na ang inyong virgin coconut oil. Hindi po ito iniluluto o pinararaan sa init.

Mahalaga rin na mayroon kayong tanim na ilang puno ng niyog sa likod bahay. Masasabi ninyo na mayroon kayong puno ng buhay -- isang “sariwang pagamutan sa loob ng inyong bakuran.”

Ang Himala ng Langis ng Niyog

ni Louie N. Tabinganchor, Sa Kabukiran, DZMM Teleradyo

Page 11: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

“”

11 APPEND tagumpay

BAGONGSimula

ni Ranie B. Catimbang

…Five years na pong wala yung asawa ko at mula nga noong nabyuda ako doon na po ako

nagstart ng pananahi.

Paano nga ba makakaya ng isang byuda na mag-isang itaguyod ang pamilya? Dahil walang ibang maaasahan, napilitang tumayo sa sariling mga paa si Gng. Eva Doncenas, 50 taong gulang, ng San Miguel Bulacan.

Nagtayo siya ng negosyong patahian ng mga doormat. Ngayon ay halos limang tao na ang kanyang negosyong patahian. Limang taon na rin siyang miyembro ng Pagasa ng Masang Pinoy Foundation inc. (PMPFI) sa San Miguel.

Maliit na Panimula

Bago pa man mamatay ang asawa niya, miyembro na ng Pagasa si Gng. Eva. Ngunit tumigil siyang mangutang matapos ang isang loan cycle. Naisip niyang bumalik sa Pagasa, sa pangalawang pagkakataon, upang makakuha ng pampuhunan sa negosyong naisip niyang itayo.

Nagsimula siyang magloan ng P6,000 na ginamit niyang pambili ng makina na gagamitin niya sa pananahi.

“Nagstart po ako sa isang makina. Sa unang release ng loan, ang naipundar ko ay isang makina at saka yung motor ko.”

Noong umpisa ay siya lamang at isang kapitbahay ang gumagawa ng mga doormats. Ang mga doormats na ginagawa nila ay isinu-supply sa Brgy. Sibul, Sta. Maria, Bulacan, sa isang negosyanteng nagngangalang

Dayday, na siya rin mismong nagsu-supply ng mga materyales.

Sa pagdami ng order, kinailangan din ni Gng. Eva ng dagdag na tauhan sa patahian. Mula sa isa, ngayon ay may lima na siyang mananahi.

Nakabubuo sila ng dalawang libo o higit pang doormats sa isang linggo. Lingguhan o arawan ang bayad niya sa kanyang mga empleyado

Ang dalawang libong (2,000) piraso ng doormat ay nagkakahalaga ng tatlumpung-libong piso (P30,000) sa bultuhang bilihan. Kapag binawas dito ang halaga ng materyales at labor cost na nasa limang piso (P5.00) kada piraso, kumikita si Gng. Eva ng anim hanggang walong-libong piso (P 6000-8000) kada linggo.

Tuluy-tuloy na Pag-unlad

Dahil sa pag-dagsa ng orders sa kanya, tuluy-tuloy din ang paglago ng negosyo. Kaya naman, nagpapatuloy din siya sa pagkuha ng loan sa Pagasa na ginagamit niya sa pagpupundar ng karagdagang kagamitan sa pananahi at pagpapalawak pa ng kanyang patahian.

Kung dati ay sa loob ng bahay lang siya nananahi, ngayon ay nagpagawa na siya ng sementadong extension sa harap ng bahay na kung saan nakalagak ang mga makina. Doon din nakaimbak ang mga tela at iba pang mga supplies na kailangan sa patahian.

Mula sa pasimulang isang makina at motor, ngayon ay lima na ang gamit na makina sa patahian. Motorized

Page 12: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

12APPEND tagumpay

na rin ang cutting ng mga tela na dati ay manu-mano nilang ginagawa. Mas napapadali ang pagbuo ng mga doormats kaya dumadami rin ang nagagawa nila sa isang linggo.

Sa kasalukuyan ay umabot na saP 19,000.00 ang halaga ng loan ni Aling Eva sa Pagasa. Ginamit niya ito para ipambili ng inahing baboy na alaga niya sa likod-bahay. Pagkalipas ng apat na buwan ay nanganak ito ng walong biik na madali niyang naibenta.

Mga Katangian ng Nagnenegosyo

Hindi naging madali kay Aling Eva ang pagnenegosyo. May mga pagkakataon din na kulang sa tao o kaya naman kulang sa materyales. Ngunit alam niya na bahagi ito ng pagnenegosyo.

Sa mga ganitong pagkakataon, sandata niya ay lakas ng loob, pagsisikap, at tiyaga. “Kailangang magsikap at mag-ipon ka para marating ang gusto mo. Sipag at

tiyaga talaga, kasama ang hirap.Nakakapagod pero ganun talaga, kailangan ng sakripisyo. Marami naman akong katuwang. Basta kung ano ang kailangan, ako ang lalakad at maghahanap ng kailangan nila.”

Maliban dito, alam din ni Gng. Eva kung ano ang priorities niya sa buhay at kung saan ilalaan ang perang kinikita at hinihiram. “Basta nakapagrelease ng loan, ilalagay ko yan sa mapagkakakitaan ko. Hindi yung gagamitin ang perang hiniram para para magpasarap sa buhay.Siyempre iisipin mo yung kinabukasan, kasi napakadaling gastusin ng pera.”

May Patutunguhan

Sa ngayon, ang dalawang anak niya ay may kani-kanyang pamilya na rin. Ang pangalawang anak na babae ay napatapos niya ng pag-aaral sa kursong Secretarial. Ang bunso ay pinagtutulungan naman nila ng kanyang hipag na mapagtapos sa kursong welding. Malaki ang pasalamat

niya sa Pagasa dahil sa pag-alalay sa kanya na makapagsimula ulit. Nagpapasalamat din siya dahil naging magaan ang paglo-loan niya dahil sa Loan Collateral Build Up or LCBU.

Kaya kahit abala sa negosyo, hindi niya nakakalimutan ang responsibilidad bilang isang miyembro ng Pag-asa, hindi siya pasaway sa pagbabayad. Aniya, “Kunwari wala kang kumpletong panghulog pwede kang manghiram ng savings (LCBU) mo. Yun naman po yung kagandahan hindi katulad sa iba na hindi mo mahihiram yung savings (LCBU) mo.”

Sa kanyang susunod na loan cycle, balak niyang bumili ulit ng isa pang inahing baboy na aalagaan at ng mga yero upang i-extend ulit ang kanyang patahian. Umaasa siyang magiging tuluy-tuloy ang pag-unlad ng kanyang kabuhayan. Habang lumalaki ang negosyo, dumadami rin ang mga taong natutulungan niyang magkatrabaho.

Page 13: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa
Page 14: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

14APPEND tagumpay

Unang Pagkikita namin nina Miriam at Ardy

Project Author, Abril 2017

Isa ako sa mga participants sa event na ito. Dito ko unang nakita si Ardy Roberto sa kilalang event ng mga Christian writers na pinamumunuan niya. Kasama niya ang kanyang magandang kabiyak, ang dating First Runner up Miss Universe 1999 na si Ms. Miriam Quiambao. Kapansin-pansin ang magandang teamwork nilang mag-asawa. Habang nagli-lecture si Ardy, inaayos naman ni Miriam ang iba pang mga kailangan sa training, kasama na rito ang book display ng mga naisulat nilang mga libro.

Paminsan-minsan ay tinatanong ni Ardy si Miriam sa mga diskusyon sa aming sessions. Masaya namang ikinukuwento ni Miriam ang kanyang mga natutuhan sa pagsusulat niya ng kanyang unang aklat: “He Will Catch You When You Fall.”

Sa pananghaliang pinagsaluhan namin kasama ang ilang participants, dito ko nalaman ang ilang bahagi ng kanilang love story.

Si Miriam bago sila nagkita ni Ardy

“I believe na noong tumayo ako sa stage, pagkatapos kong mahulog sa stage, naging simbolo ako ng lakas para sa mga kababaihang nakaranas din ng pagbagsak. At bilang isang ehemplo, sana naging inspirasyon ako ng maraming kababaihan sa buong mundo,” iyan ang panimulang pagbabahagi ni Miriam.

Tinutukoy dito ni Miriam ang kanyang pagkabagsak noon habang rumarampa siya sa entablado ng 1999 Ms. Universe pageant. Magkagayon man, siya pa rin ang napiling first runner-up sa nasabing event.

Naging matagumpay din siya sa kanyang TV career, pagkatapos niyang manalo bilang first runner-up sa Ms. Universe contest. Pero marami ang nagulat nang iniwan niyang lahat ito, upang magpakasal sa kanyang Italyanong boyfriend at nanirahan sa Hongkong noong 2004. Hindi rin naman nagtagal ang kanilang pagsasama. Pagkatapos ng dalawa at kalahating taon, naghiwalay sila.

Bukod sa masalimuot na diborsyo, kinaharap pa niya ang pagkawala ng kanyang life savings sa isang scam, nalubog siya sa utang, nawalan ng direksyon ang kanyang career, hindi naging maganda ang relasyon niya sa kanyang pamilya sa panahong iyon at sa kanyang palagay, wala nang patutunguhan ang kanyang buhay. Sa napakadilim na panahong ito, hinanap ni Miriam ang mas malalim na kaugnayan sa Diyos.

Malalim ang ginawang pagbabago ng Diyos sa kanyang puso at sa kanyang buhay. Sa kanyang unang sinulat na librong, “He Can Catch You When You Fall: The Continuing Story of Miriam Quiambao,” inilahad niya kung paanong tunay na binago siya ng Diyos at kung paanong tinubos at napanumbalik ng Diyos ang bawat aspeto ng kanyang buhay.

Simula nang ma-publish ang libro niyang ito noong 2014, dalawang beses itong napasama sa best-sellers’ list ng National Bookstore. Marami itong natulungan. Sa pagsali ni Miriam sa 700 Club phone ministry nananalangin siya para sa mga taong nangangailangan ng tulong. Di katagalan, napasama na rin siya bilang isa sa mga regular hosts ng nasabing programa. Ngayong nakita na niya ang layunin ng buhay niya kay Hesu Kristo, nagdesisyon siya

‘Sintamis ng Tubo:Ardy and Miriam Quiambao Roberto’s Story

NI MARIETA ‘MAYETH’ MANZA

Photos by: Princess Yang

Page 15: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

15 APPEND tagumpay

na gamitin ang lahat ng kanyang mga kaloob at talento para sa Panginoon.

Si Ardy, Bago dumating si Miriam

Maging publisher ng Playboy Magazine, Philippine edition. Ito ang pinakauna at pinakamahalagang ambisyon ni Ardy noong bente anyos pa lang siya. Lahat ng ito ay nabago nang makilala niya ang Panginoon.

Sa halip na Playboy ang kanyang i-publish, nagsimula siyang sumulat at mag-publish ng mga gospel tracts at iba pang mga Christian publications. Marami ang mga nabagong buhay dahil sa librong ito. Naging mga bestsellers ang kanyang mga isinulat: Buhay na Hindi Bitin, Money and Marriage (isinulat niya ito kasama ang kanyang unang namayapang asawa, si Tingting Linsangan), The Heart of Healing (kuwento ito kung paano himalang gumaling noong una sa lupus si Tingting) at ang Real Men are Pogi (kung paano niya niligawan si Miriam nang naging single uli siya.)

Itinatag ni Ardy ang Salt and Light Ventures kasama ng kanyang unang asawang si Tingting. Ang Inspire Leadership Consultancy naman ay itinatag niya kasama ang kanyang mga original partners at leadership icons na sina Francis Kong, Anthony Pangilinan at Butch Jimenez. Sila ang nagdala kay John Maxwell sa Manila noong 2005 para sa mga leadership workshops para sa libu-libong mga kliyente at mga kumpanya.

At sila’y nagtagpoIsa ako sa maraming workshop participants ni Ardy kung saan siya ang nagsisilbing mentor ng mga potential book writers. Sa isa sa mga sessions na ito noong 2011, isa si Miriam sa participants.

Birthday ni Miriam May 2013, binigyan siya ng sorpresang birthday party ng isang kaibigan. Sabay sa pag-ihip ni Miriam sa mga kandila ng kanyang birthday cake, pumikit siya at nag-wish ng lovelife. May narinig siyang bulong mula sa kanyang puso at ang bulong ay isang pangalan: ARDY.…Sa isip ni Miriam , “Lord, bakit sya? Di naman sya mestizo.”

Ang sabi naman ni Ardy tungkol kay Miriam, “Marami syang baggages, nag-divorce na sya… hindi ako naghahanap ng beauty queen. Nakita ko nang mawala ang kagandahan sa harap ng kamatayan. At saka celebrity yan eh..baka high maintenance,” sabay tawa niya.

Ngunit habang tumatagal, nang makilala nila ang isa’t isa, nakita ni Ardy ang kasimplehan ni Miriam maging noong bago pa man sumali ito sa Ms. Universe. Sanay sumakay sa mga dyip at tricycle si Miriam. Sa kabilang banda naman, unti-unting nakita ni Miriam ang kagandahang loob ni Ardy. Higit sa lahat, ang maka-Diyos na karakter nito, na siyang numero-unong kwalipikasyon sa gusto niyang mapangasawa.

Sa unang date pa lang nila, sinabi agad ni Ardy ang kanyang intensiyon. Binigyan niya si Miriam ng pitong pula, pitong pink at pitong puting roses, sabay sabing “Gusto kita at gusto kitang pakasalan. Ang hinahanap ko ay mapapangasawa, hindi girlfriend. Kahit bukas pwede kitang pakasalan.”

Nagulat si Miriam, “Agad, agad? Yung ibang lalaki, maghihintay ng panahon bago mag-alok ng kasal sa kanilang fiancee?!”

“Una naming date noong June 1, 2013. Pagkalipas ng isang buwan, sinagot ko siya bilang boyfriend, July 2. October 6 yung unang proposal. Pangalawang proposal November 26. Nagsimula kaming magplano, January at nagpakasal noong March 25, 2014,” pag-alaala ni Miriam.

Sa araw ng kanilang kasal, binigyan si Miriam ng singsing ni Joshua (anak ni Ardy sa namayapa na niyang asawa) kasama ng pangakong: “Simula ngayon, ikaw na ang mom ko. Hindi kita bibigyan ng sakit sa ulo.” Binigyan naman ni Miriam ng bracelet si Joshua kasama ang pangakong “Simula ngayon, anak na kita. Aalagaan kita.”

Sa kanilang pagbubuklod bilang isang pamilya, magkasama nilang pinalalago ang kanilang mga negosyo para maparangalan ang Panginoon.

Mga karanasan nina Ardy at Miriam sa pagnenegosyo

Sinubukan nina Miriam at Ardy na magtayo ng sarili nilang mga negosyo. Sa simula ay hindi pinalad si Miriam sa pinasok na real estate business dahil na-estafa siya ng kanyang business partner, pero ipinagpatuloy pa rin niya ito. Sa sipag at tyaga ay nagtagumpay naman siya sa tulong ng Diyos. Sa ngayon, tuloy pa rin siya sa negosyong real estate, kasabay sa kanyang public speaking engagements at writing projects.

Maliban sa pagtatatag ng Salt and Light Ventures training firm at pagiging co-founder ng Inspire Leadership Consultancy, kilala rin si Ardy bilang best- selling author. Noong 2006 ay napagkalooban siya ng Most Inspiring Entrepreneur of the Year ng Entrepreneur Magazine at Microsoft Philippines.

Sa kasalukuyan, magkasama sina Ardy at Miriam sa kanilang food business. Itinatag nila ang Sugar Manna Food Ventures Inc., isang kompanya na may Master Franchise license ngTubo Cane Juice na nagbebenta ng sariwang katas ng tubo. Mayroon din silang bookstore sa Westgate, Alabang, ang My Father’s Bookstore.

Page 16: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

16APPEND tagumpay

Panayam ni Mayeth Manza ng Tagumpay Magazine, sa mag-asawang Ardy Roberto at Miriam Quiambao-Roberto

Ano ang pangkaraniwang activity n’yo as a family?

Ardy: Enjoy kaming kumain sa bahay o kaya naman ay sa mga kainan sa labas. Mahilig magluto si Miriam at masasarap na putahe ang inihahanda niya para sa aming pamilya. Super sarap ang kanyang chocolate chili chicken. Magkakasama rin kaming magbyahe para sa aming mga ministry trips.

Ano ang involvement ng bawat isa sa inyong business?

Ardy: Si Miriam ang humahawak ng pera at nakikipag-ugnay sa mga malls sa paghahanap ng mga bagong puwesto para sa aming food business. Tumutulong din siya sa pagsasanay sa aming mga staff at siya rin ang endorser namin sa TV. Ako naman ang naghahanap ng mga bagong oportunidad. Nagbibigay din ako ng vision at direction bilang lider.

Nakakasama rin ba si Joshua sa mga gawaing may kaugnayan sa inyong negosyo?

Ardy: Kasama namin lagi si Joshua pag nagbubukas kami ng bagong branch. Alam n’ya ang mga nangyayari sa business. Tumutulong siya kapag kasama namin siya, kahit sa pamimigay lang ng mga flyers o kaya ay sa pagkakatas ng tubo.

Miriam: Tinuturuan namin si Joshua kung paano mag-manage ng pera kahit bata pa siya. Noong seven years old pa lang siya, tinuruan ko na siya ng money jar system. Tinulungan namin siyang magbukas ng kanyang unang bank account at paano mag-invest ng kanyang pera. Kung titingnan mo s’ya, bata pa, di ba? Pero marunong na siyang mag-ipon at mag-invest at maging matalino sa pagma-manage ng pera.

Noong bakasyon, nagkaroon ng small fair sa aming village. Sinamantala namin ito. Tinuruan namin siyang magtayo ng sarili niyang negosyo. Tinawag namin yung business niya na First Fruits Co. Gumawa siya ng mga makulay na posters para sa kanyang tindahan. Inayos niya yung tindahan. Prutas at tubo juice ang itininda niya sa aming mga kapitbahay. Akalain mo, sa loob ng dalawang oras, kumita si Joshua ng regular na kikitain ng ibang tao sa loob ng dalawang araw! Sana, ipagpatuloy niya ito. Sana rin, patuloy niyang makita ang importance ng kasipagan. Pati na rin ang pagpupursiging mapagyaman ang mga kaloob ng Diyos.

Paano kayo nagsimula sa business ninyo? Bakit ito ang napili ninyong gawin?

Ardy: Ako, nagnenegosyo na bago pa man kami magkita ni Miriam. Meron akong training and learning events business. Si Miriam naman, meron siyang real estate business. Tapos pareho kaming public speakers.

Pero unang partnership namin ang Tubo Cane Juice. Nagsimula ito noong magbyahe kami sa Cebu, two years ago. Nag-try lang kami sa airport ng product at nagustuhan namin ang all-natural sugar cane juice. Nag-email lang ako sa may-ari noon din at sa madaling sabi, sumagot siya at nag-offer sa amin na maging partners at master franchisees sa Metro Manila.

So far, ano na ang mga breakthroughs at accomplishments ninyo sa business na ito?

Ardy: Sa training business ko, I was recognized as one of the Philippines’ top ten entrepreneurs in 2006. Pero dito sa food business namin dito sa Tubo Cane Juice, malaking hamon sa amin ito. Actually, mabilis naming nabuksan ang pitong outlets sa loob ng nine months. Pero ngayon na-realized naming hindi ito sa bilis lang. Kailangan naming patatagin ang aming operations bago kami lumundag sa bawat opportunity.

Negosyo, Diyos ang KasosyoNI MARIETA ‘MAYETH’ MANZA

Page 17: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

17 APPEND tagumpay

Ano ang mga challenges na kinaharap ninyo? Paano ninyo hinarap ang mga ito?

Ardy: Maraming challenges sa negosyo. Una na ang hiring, training and managing people, managing operations, and managing costs. Nag-hire kami ng Operations Manager. Naging malaking tulong ito sa amin, especially dahil sa marami naming ministry trips and opportunities.

Ano ang mga natutunan ninyong lessons sa pagnenegosyo?

Ardy: Kinu-consider namin ang aming mga sarili bilang katiwala ng Diyos. Lahat ay pag-aari ng Diyos. Kaya dapat responsible at matapat at mabunga kami sa negosyo. Darating ang araw na magsusulit kami sa Kanya at titingnan Niya kung paano namin inalagaan ang Kanyang business. Dahil business ito ng Diyos, naniniwala kaming sa lahat ng challenges na aming kakaharapin, magbibigay ng solusyon at tutulungan kami ng Diyos.

Miriam: Natutunan kong maliban sa pagiging katiwala ng pera at ng negosyo, katiwala rin Niya kami sa pag-manage ng mga tao. Puso ng aming mga negosyo ang aming mga empleyado. Kailangang masigurado naming naaalagaan namin ang mga pangangailangan nila para lagi silang masaya sa pag-serve sa kumpanya. Di ba, kung aalagaan namin sila, syempre, aalagaan din nila ang aming mga customers. Importante ring pakinggan sila. Importante ring maturuan sila ng magandang pag-uugali. Hindi lang yun para sa business namin, kundi para na rin sa kanilang mga sarili.

Ardy: Para sa mga mag-asawa, magandang hindi pag-usapan ang business sa bedroom. Saka siguraduhing nakasulat ang mga responsibilidad. Happy wife, happy life! Don't stress your wife too much :)

Miriam: Ako, natutunan kong higit na magtiwala sa Diyos habang nagpapasakop ako sa leadership ni Ardy. Palagi kong dasal na bigyan ng Diyos ng wisdom si Ardy at magabayan siya sa lahat ng bagay para sa Kanyang layunin. Minsan, may mga ideya ako; sinasabi ko yun kay Ardy. Natutuwa ako, kasi pinapakinggan naman niya ako. At the end of the day, I trust and respect his decisions.

Ano ang maibibigay ninyong mga tips para sa mga nagsisimulang magnegosyo o yung mga gustong magnegosyo?

Miriam: Lahat ng meron tayo ay galing kay God. Mga manager lang tayo. Humingi tayo ng wisdom sa Kanya at hilingin nating maging mabuti tayong managers ng lahat ng resources, maging ng mga tao na nagtatrabaho sa negosyong ibinigay Niya sa atin. Diyos ang guide natin at magbibigay ng blessings sa ating pagsunod sa Kanya. All for His glory.

Ardy:

Pray about the decision. Hindi biro ang mag-business pero masaya and fulfilling. But make sure there is buy-in from all family members.

Expect the best from God pero give your best too! Expect excellence from your people and they will live up to your expectations.

Respond to opportunities right away. Many times they don't wait. But be fully aware of the risks. So investigate before you invest in any business.

All your heart. Offer all to the Lord, your heart, your time and the business. It's His anyway. And the Lord will bless you with all that you need. Aim high for

His glory!

Tunay ngang masasabi natin na sa negosyo ng pamilya Roberto, Diyos ang kanilang kasosyo!

Ardy and Miriam’s books are available at all National Bookstores, PCBS, OMF Lit bookstores (Passages), Fully Booked and Powerbooks.

Visit their respective websites at: ardyroberto.com & miriamquiambao.com

Facebook: ArdyRobertoAuthor & OfficialMiriamQ IG: ardyroberto & miriamq888

Twitter: ardyroberto & officialmiriamq

Page 18: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

18APPEND tagumpay

Sa paghahanapbuhay, maihahalintulad sa spring si Nanay Maternidad Salili, tubong Mindanao, Davao City. Kahit gaano karami at katindi ng pagsubok na napagdaanan ni Nanay Maternidad ay kaya nitong bumangon at bumalik sa dati.

Taong 1979, magkatuwang silang mag-asawa sa pagsisimula ng negosyong pagawaan ng coil spring na ginagamit sa mga makina at sasakyan. Ngunit pagsapit ng taong 2001 ay dumating ang hindi inaasahan — pumanaw ang kanyang asawa. Ito ang naging mabigat na puwersang labis na humatak pababa sa kanilang negosyo.

Gayunman, hindi ito sapat para pigilan si Nanay Maternidad sa kaniyang pagsulong. Sinalo niya ang naiwang negosyo ng kanyang mister. Ito lang ang paraan upang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. “Sabi n’ya sa akin, ipagpatuloy ko para buhayin ko ang mga anak namin. Kaya hanggang ngayon ito ang business ko,” wika niya.

Bagaman mabigat ang pinagdaanan, nagsaliksik siya ng iba’t ibang mga pamamaraan upang pag-igihin at mas gawing epektibo ang produksyon ng mga spring na iniwan ng kanyang asawa. “Siyempre sa una medyo mahirap kasi hindi pa ako marunong sa sukat-sukat. Sa katagalan natuto na rin,” paglalahad ni nanay Maternidad.

Dito siya natutong magkaroon ng lakas ng loob para gampanan ang kaniyang mga responsibilidad.

Kaya naman taong 2009, minabuti ni Nanay Maternidad na humanap ng bagong katuwang sa negosyo at pag-asenso. Naging miyembro siya ng Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI) at nakahiram agad siya ng paunang salaping nagkakahalaga ng P4,000 para ipambili ng mga kinakailangang kagamitan. Simula noon, pinagbuti niya ang kanyang makinarya, tinukoy ang mga pamamaraan upang mapagtibay ang kalidad ng mga spring. Nag-umpisa siyang gumawa ng iba’t ibang kulay nito gamit ang tinatawag na protective coating. Lumuluwas pa siya mula Mindanao patungong Maynila upang kumuha ng mga de-kalidad na materyales.

Hindi man pinalad na makapagtapos ang kanyang dalawang anak sa kanilang pag-aaral, natuto naman silang maghanapbuhay.

“Tinuturuan ko rin naman silang maghatid ng spring, magkoleksyon, ganyan. So na-enjoy na rin nila ang paggawa ng spring,” masaya niyang pagbabahagi.

Dahil sa kanyang negosyo, nakapagbigay siya ng kabuhayan sa limang katao, na kinikilala niya na ring parang mga anak. “Parang anak na rin ang

turing ko sa kanila kasi nagsa-suggest ako sa kanila. Siyempre ganun din sila sa akin, nagbibigayan kami. Kung ano ‘yung mga problema nila, tinutulungan ko rin sila.”

Makalipas ang ilang taon ay nakita niya ang bunga ng kanyang pagsisikap. Dahil lumakas ang kanyang kita sa mga de-kalidad na spring na kanilang ginagawa, nakapagpundar na siya ng kalahating milyong assets. Nagkaroon din ng kontrata sa iba’t ibang higanteng kompanyang gaya ng Coca-Cola Philippines. Nais niya ring mag-supply ng kanyang mga produkto sa iba’t ibang outlets gaya ng Ace Hardware.

Sa kaniyang pagbabalik-tanaw, laking pasasalamat niya na nagamit niya nang husto ang kaniyang mga natutunan para ipagpatuloy at palaguin ang negosyong iniwan ng kaniyang mister.Pahayag niya, “Masaya ako kasi nagamit ko ‘yung turo ng husband ko. Natuto ako sa mga sukat na ibinigay niya sa akin, pinag-aralan kong mabuti

agbangon mula sa agsubokPni Kenneth S. David

Page 19: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

hanggang ngayon gamit na gamit ko talaga. Kaya proud ako na kahit sino ‘yung makaharap ko na customer marunong na akong magbigay ng mga suhestiyon.”

“Ang nais ko sa buhay ko ay ipagpatuloy ko na lang din kung ano ‘yung nasimulan ko. Maganda ang negosyo kung sarili mo. Wala kang kahati sa hanapbuhay,” masaya niyang paglalahad.

Nito lamang 2015 ay kinilala si Nanay Maternidad bilang Regional Awardee for Mindanao sa ginanap na Citi Microentrepreneurship Awards na pinamamahalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, City Foundation, Citibank, at Microfinance Council of the Philippines, Inc. Siya ang pinakaunang Regional Awardee na

galing Mindanao. Ang pagkilalang ito ay tanda ng kanyang pagiging isang masigasig at matagumpay na negosyante.

Laking pasasalamat at nakilala niya ang isang microfinance non-government organization na gaya ng KMBI. “Tunay talagang kabalikat ang KMBI. Doon ako natuto na i-expose ang sarili ko sa mga tao. Nakihalubilo ako. Hindi ko nga akalain na darating ako sa ganito. Kaya talagang pasalamat ako sa KMBI,” buong galak niyang pagbabahagi.

Dagdag niya, “Ang nagustuhan ko, unang-una, ay yung mga opisyales na mababait sa mga miyembro nila. At saka di sila mahirap kausapin.

Palagay ang loob mo, kasi maaasahan talaga, mababait sa mga miyembro at tutulong talaga.” Payo niya sa kaniyang mga kapwa nanay at negosyante, “Madali lang ang magnegosyo. Basta

manalig lang tayo sa Panginoon at magsikap

Ang negosyong coil spring ang nagpalipad kay Nanay Maternidad nang mataas upang maabot ang mithiin.

Page 20: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

20APPEND tagumpay

Nagsimula sa Hirap,

Tuloy pa rinang Sikap

Hindi nababatay sa pera, kayamanan at mga koneksyon ang tagumpay. Ito ang pinaniniwalaan ni Mercedita de la Cruz. Para sa kanya, ang tagumpay ay kaligayahan, pagiging kontento at pagkakaroon ng tunay na pagsuko sa Panginoon.

Sanay sa hirap si Mercedita dela Cruz, tubong Brgy. Sto. Niño, Rizal, Occidental, Mindoro. Kapos sa suportang pinansyal, hindi na niya natapos ang kanyang kursong BS Education. Sa halip na ipagpatuloy ang pag-aaral, tinulungan na lamang niya ang kanyang ina sa pagtitinda noong ito ay nabubuhay pa.

Nang nagkaroon siya ng sariling pamilya, nagtayo siya ng sariling tindahang gawa sa kahoy, kawayan at cogon. Pinangalanan niya itong M. dela Cruz Store. Mula sa tatlong libong pisong puhunan, napalago niya ito.

Noong taong 2000 sa tulong ng PLAN International, ang kanyang minanang lupa sa magulang ay ginawa nilang tilapia hatchery. Napabilang sila sa “Fish for every Family Project.” Pagkatapos ng limang taon, lumago ang kanilang agricultural business. Nagkaroon na rin sila ng taniman ng palay at babuyan. Bukod pa rito, nag-alaga rin sila ng mga manok, bibe, kambing at kalabaw.

Naging miyembro si Mercedita ng TSKI (Taytay sa Kauswagan, Inc.) noong 2006 at nabigyan siya ng malaking puhunan

na nakatulong para mapalago ang kanilang negosyo.

Maraming natutunan si Aling Mercedita sa pagpapalago ng kanyang negosyo. Simula sa pagbibigay ng serbisyo sa kanyang customers at suppliers, natutunan din niya ang “law of supply and demand”, at ang pagtaas baba ng mga presyo na nakatutulong sa kanyang mga desisyon sa negosyo.

Nito lamang Enero, nagbukas siya ng isa pang negosyo na tinawag niyang “Dela Cruz General Merchandising”. Feeds, insecticides, gulay, palay,

hybrid seeds at iba pang mga produktong pang-agrikultura ang mabibili rito. Mayroon silang tatlong katulong sa bago nilang negosyo.

Naging sentro ng mga produktong pang-agrikultura ang kanilang bagong merchandising store. Nasa harap ng National Road galing sa Rizal papuntang Calintaan ang kanilang pwesto kaya madali silang puntahan ng mga mamimili.

Inilalaan ni Aling Mercedita ang kanyang mga naiipon sa pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak,

isinulat ng TSKI Research Planning and Information Departmentkumuha ng mga litrato ni Philip Jay P. Diana

Masayang nanghuhuli ng isda si Mr. Marcelino sa kanilang palaisdaan.

Page 21: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

21 APPEND tagumpay

kasama na rito ang pang araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya. Dahil sa kanyang mga negosyo, napaaral niya ang kanyang mga anak sa mga pribadong paaralan. Naniniwala siya na mabibigyan ang mga ito ng tamang pananaw sa buhay.

Ang kanyang panganay na anak ay nakapagtapos ng accountancy sa Divine Word College at kukuha na ito ng board exam. Siya ang kasalukuyang namamahala sa isa nilang negosyo kasama ang kanilang bunsong anak na lalaki na nag-aaral ng Bachelor of Science in Hotel and Resources and Management (BS HRM) sa parehong paaralan. Ang anak niyang babae na nakatapos ng Architecture sa Manuel L. Quezon University sa Maynila ay part-time instructor sa San Jose Occidental Mindoro State College.

Ngayon nga ay may anim na silang katulong sa tindahan. Masipag din at iginagalang sa pamayanan ang kanyang asawang si Marcelino dela Cruz na nagsilbing Ingat Yaman, barangay kagawad, at kapitan. Hindi nalaunan si Mang Marcelino ay naging konsehal na ng kanilang bayan.

Kahit abala sa kanilang negosyo, hindi nakakalimutan ni Mercedita na magsilbi sa Panginoon. Siya ang Ingat-yaman sa kanilang church organization sa Sto. Niño Parish Church. Aktibo rin siya bilang Barangay health worker, Pangulo ng BHW Federation Association of Rizal, lider ng “KALIPI ng RIZAL,” at sa samahang pangkababaihan sa kanilang lalawigan.

Ang mga pagsubok ang humubog sa kanya upang maging matatag at mapagmahal na ina. Patuloy siyang nagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa paggabay sa kanyang buhay.

Nagpapasalamat siya sa TSKI na ginamit na instrumento ng Panginoon sa pagtulong sa mga mahihirap na kagaya niya. Naniniwala din si Mercedita na susi sa tagumpay ang pagsusumikap.

(Isinalin sa Pilipino ni Marieta R. Manza)

Page 22: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

“”

22APPEND tagumpay

Baboy na

Walang Amoy

Nagkataon na si Gina Lopez ay may kapansanan. Nabulag siya noong sampung taong gulang pa lamang ang edad. Nang lumaki at naging dalaga, nagtrabaho siya sa isang massage clinic. Doon niya natagpuan ang kanyang kabiyak na si Marianito Lopez, na isa ring bulag. Ngayon may isa na silang anak na dalaga, si Genesis. At meron na rin silang sariling massage clinic sa tatlong lugar –sa Cavite, Laguna at sa Quezon City.

Bukod sa massage clinic at sa babuyan, nakabili pa sila ng tatlong ektaryang bukirin sa Buhi, Camarines Sur – angbayang sinilangan ni Gina. Ito ay pinatataniman nila ng mais, utaw, luya at mani bukod sa mga punong namumunga.

Ayon kay Gina, ang kanyang sikreto ayangpaghahalongAtovi–isangproduktong nanno technology na idinaragdag sa pagkain ng kanilang mga baboy. Dinidilig din nila ng probiotics o mga mabubuting bakterya ang kanyang alagaan.

Ang Teknolohiya

Ang pagiging mabaho ng mga babuyan ay sanhi ng hindi gaanong nada-digest at naa-absorb na pagkain sa katawan ng baboy. Dito nakatutulong ang mga probiotics

at ang nanno technology–upangmaging mabisa ang digestion at absorption ng pagkain. Walang inilalabas na undigested proteins.

Ilang babuyan na ang aming nadalaw na gumagawa ng organic na pamamaraan na babuyan. Isa ay ang kina Ka Rolando Rocapor na Gawad Saka outstanding organic farmer bukod sa pagiging TOFARM awardee.

Sa pamamaraan ni Ka Rolly, nilalagyan niya ng dalawa hanggang tatlong talampakang ipa ang sahig ng kanilang alagaan. Nilalahukan naman niya ang effective micro-organism (EMO) ang pagkain ng kanyang mga alaga.

Sa pamamagitan nito ay nagiging efficient o mabilis matunaw ang pagkain ng mga baboy. Gumagawa rin siya ng mga pagkain at natural concoctions mula sa halaman.

Kabilang na ang fermented plant juice at fish amino acid. Bukod dito lagi rin niyang dinidilig ng EMO ang ipa sa pinaka sahig ng alagaan. Matapos naman ang bawat cycle ng pag-aalaga na umaabot ng tatlo o apat na buwan, ang mga nabubulok na ipa, kasama ng dumi ng baboy ay ginagamit niya na mabisang pataba sa mga halaman.

Sa pamamamaraan naman ni

Inaaway kami ng mga kapitbahay noong simula na kami ay mag-alaga ng baboy. Ipina-barangay pa nga kami. Pero ngayon, mula nang matutunan namin ang tamang technology,hindi na kami ginugulo. Nagtataka yong kapitan ng dumating sila na walang masamang amoy sa aming babuyan. May mga kapitbahay nga kami na ginaya na kami sa pagbababuyan.

Iyan ang pahayag ni Gina Lopez, 45 taong gulang na may katamtamang laking babuyan sa Balubal Ilaya, Sariaya, Quezon.

Ni Louie N. Tabing

Bukod sa tatlong inahin, si Gina ay may mga alagang patabain na kung minsan ay umaabot ng 100 ulo.

Sa bawat biik kumikita si Gina ng P1,500. Sa mga patabain naman ang karaniwang kita ay P3,000 piso bawat ulo. At nakakatatlong ulit o cycle sila ng alaga sa loob ng isang taon.

Page 23: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

23 APPEND tagumpay

Mrs. Elizabeth Berico ng Molave Zamboanga del Sur, gumagamit din siya ng ipa ng palay at mga indigenous micro-organism at mga natural na pagkain.

Bukod sa ipa ng palay, maari ring gamiting patuntungan ng baboy ang kusot, pinaglagarian, pulbos ng bunot ng niyog o pinong (tinadtad) na bahagi ng katawan ng halaman.

Isang moderno at malakihang alagaan ng baboy sa Vietnam ang aking nadalaw na hindi na naglalagay ng ipa. Sa mismong lupa niya pinatutuntong ang kanyang mga alagang baboy. At ang lupa ay palagian niyang dinidilig ng mga beneficial micro-organism upang labanan ang masamang organismo at amoy na maaring umalingasaw sa babuyan.

Ang lupang pinag-alagaan ng baboy ay ginagamit namang pataba sa kanyang mga tanim na gulay at mga punong namumunga.

Nag-iibang Pananaw sa Babuyan

Kasabihan nating ang baboy ay singkahulugan ng dumi. Mabaho. Ang pagka-“baboy” ay iniuukol natin sa mga tao na may mabahong ugali.

Kung ikaw ay may alagang baboy sa isang subdivision o

kapitbahayang dikit-dikit marami kang makakaaway. Maaring mademanda ka pa. Pero ngayon, may baboy ka na, may kapitbahay ka pa rin! Iyan ang napatunayan ni Gina Lopez ng Sariaya, Quezon.

Si Rolly Rocapor ng Talabutab Sur, Rosario, La Union ay may isang kawan ng mga baboy. Halos nakadikit sa kanyang bahay ang alagaan. Masasabi mo na mukhang madudungis ang baboy na tila hindi naliligo. Pero walang masansang na amoy.

Gumagawa at gumagamit siya ng mga probiotics. Ito ay isinasama sa pagkain at ipinandidilig niya sa hanggang tuhod na sahig na ipa sa loob ng kanyang babuyan.

Sa Pagbilao, Quezon, mga baboy na native ang alaga ni former Police General Ricaredo Sarmiento. Ipa rin ang flooring ng kanyang babuyan. Ang mga itim na baboy

ay pinakakain naman ng mga locally available

na pagkain tulad ng madre de agua.

Kung hindi naman lubos na walang amoy, dahil may bahagyang simoy

ng fermentation sa malapitan, hindi

ito nakasusulasok na singaw ng babuyan.

Sa totoo lang, mayroong mga piggery farm na may kainan ng tao na nasa mismong gilid o ibabaw ng alagaan. Hindi nilalangaw at hindi ka mangingiming dumampot ng pagkain ng mga nagpipiknik at nagkakasayahan.

Nagulat ako ng sabihin ni Aling Nene Pacheco ng Novaliches,Quezon City na ginamit niyang alagaan ng baboy ang dalawang pintong apartment ng bahay na ayon sa kanya ay hindi na halos nauupahan.

Sa gitna ng lumolobong populasyon ay unti-unting naiiwan ang agrikultura sa bansa. Ang mga dating bukirin ay ating ginagawang bahayan, industrial zones, golf courses at commercial districts. Ang rural areas ay nagiging urbanized centers. Lumiliit na ang lugar para sa food production.

Sa kabila nito maari pa rin nating igiit ang pagtulong na maparami ang pagkain ng bayan – lalo naang kailangang protina. Kailangan din magkaroon ng hanapbuhay o dagdag na kita ang maraming mahihirap na mamamayan.

Ang babuyang walang amoy ay isang tugon sa napapanahong problema.

IPinakikita ng may-ari ng

babuyan na walang amoy ang

sariwang limpak ng lupa mula sa kanyang

alagaan sa Soc Son District Hanoi,

Vietnam.

Page 24: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

24APPEND tagumpay

Serbisyong

The Clients Services and Credit Operations Group joined forces in spearheading the Wellness Caravan 2016 at the Mabolo Gymnasium, Cebu City, to promote good health and proper sanitation to 400 Program Members from Cebu North and Mandaue Branches.

The whole-day affair, dubbed as “Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko”, was filled with seminars on health and wellness, zumba session, and medical consultation.

Blood letting, tree planting, at relief Ooperations

KMBI

PAGASA

TSKI

Orientation sa mga group leaders ng Sta. Maria, Bulacan. na pinangunahan ni Ms. Zeny de Jesus ng Pagasa ng Masang Pinoy Foundation Inc.

Serbisyong

tagumpaywriting workshop and meeting

Page 25: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

25 APPEND tagumpay

Microfinance NGOs ACT:An Act Strengthening the Non-

Government Organizations with microfinance operations for the poor o ang Microfinance NGO

Act (Republic Act 10693)Palakasin ang leadership quality at kaalaman ng mga NGOs para mas lalo pang maging epektibo ang mga programa para sa mga mahihirap at maliliit na negosyante. Isa ito sa mga layunin ng APPEND bilang mother at umbrella organization ng mga microfinance non-government organizations (MF NGOs) at social enterprises

Simula nang mabuo ang APPEND noong 1991, naging tradisyon na ang taunang APPEND Summer Camp, na kalaunan ay naging APPEND Leadership Conference. Isa itong malaking annual event na inaantabayanan ng lahat ng mga organisasyon na miyembro ng APPEND. Dito nagkakasama-sama ang mga Board members, management at staff ng mga kasaping organisasyon.

Mayroong mga specific na tema ang APPEND Leadership Conference batay sa mga nangyayari o nais mangyari ng APPEND Board.

Noong taong 2014, walang ginanap na APPEND Leadership Conference. Sinadya ito bilang paggunita at pakiki-dalamhati sa mga nasawi naming staff at micro-entrepreneurs sa kasagsagan ng Typhoon Yolanda noong ikawalo ng Nobyembre 2013.

Nitong May 15-17, 2017, ginanap ang 26th APPEND Leadership Conference sa unang pagkakataon sa Bacolod City, kung saan naging host ang Katuwang Resource Center Incorporated (KRCI). Ito ay dinaluhan ng 500 APPEND leaders. Ang buong Awit 111 na hango sa Bibliya ang naging tema at naging batayan ng mga mensahe ng

mga pangunahing tagapagsalita na sina Atty. Lyndon P. Cañang Negros Island House of Prayer (NIHOP), at si Bishop Raymund “Juray” Mora ng Victory Ministers Association, Victory Philippines.

Bukod sa mga leadership messages at pagtuturo kung paano mabuhay ng tama ayon sa salita ng Diyos, nagkaroon din ng session tungkol sa Implementing Rules and Regulations ng Microfinance NGOs Act na pinangunahan ni Atty. Justina F. Callangan, Director ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Mayroon ding mga pagsasanay sa iba’t ibang mga paksa katulad ng:

• Community-Based Entrepreneurship Development Program (CBEDP)

• The Millennials and the Family • AgriTecture: Buildings that Grow

Food and Agri-Tourism• Enhancing Micro-Enterprises:

Food Safety Practices• Agripreneurship: Agriculture as

Social Enterprise

May mga espesyal na pagdiriwang gaya ng Masskara Festival at mga performances ng mga kasapi ng APPEND na may temang “APPEND Goes Global.” Kasama rin sa highlights ng event na ito ang pag-announce ng “Search for the Pamilyang Ok,” kung saan mamimili ang APPEND ng mga huwarang pamilya mula sa mga micro-entrepreneurs. Ang mga mananalo ay bibigyan ng parangal sa 2018 APPEND Leadership Conference na gaganapin sa Davao City at iho-host ng Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI ).

Ito ay isang batas na naglalayong palakasin ang mga programa ng mga microfinance non-government organizations (MF NGOs) para sa mga nagsisikap na mahihirap at maliliit na negosyante. Ang batas ay nagsasabi na bibigyan ang mga accredited microfinance NGOs ng fair tax treatment - 2% na lang ng gross receipts from microfinance operations ang ita-tax in lieu of national taxes. Ibig sabihin, mas mapapalawak pa ang mga magagandang programa katulad ng community development projects, scholarships, micro-insurance, housing, business at leadership training, health and sanitation, pangangalaga sa kalikasan at iba pa na ibinibigay sa mga microentrepreneurs at kanilang mga pamilya.

Ang microenterprise at microfinance bill na ito ay isinusulong simula pa noong 2002. Unang lumahok ang APPEND sa national election noong 2013 at ang pangunahing dalangin at misyon ay maging batas ang Microfinance NGOs bill.

Ang nag-champion ng microfinance NGOs bill na ito sa Senado ay si Senator Paolo Benigno “Bam” A. Aquino IV at ang naatasang mag-sulat ng substitute bill para mapag-isa ang maraming bersiyon ng bills sa 16th Congress of the Philippines ay si Congressman Pablo R. Nava III ng APPEND Party-list. Ang mga kasaping microfinance NGOs ng Microfinance Council of the Philippines bukod sa APPEND Inc. ay tumulong sa mga deliberations sa House at Senate upang ma-ipasa ang nasabing bill. Matapos nga ang mahigit labing tatlong taon, ang nasabing bill ay naging batas noong Nobyembre 3, 2015 na pinirmahan ng dating Pangulong Benigno S. Aquino III.

Continuation...Serbisyong Append

Page 26: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa

26APPEND tagumpay

SPOTLIGHT ON DAVAO CITY SPOTLIGHT ON DAVAO CITY Helping micro businesses grow

Did you know that Davao City is known to be the largest city in the world? Are you also aware that it is the largest economy outside of Metro Manila? Not only that, did you also know that the city serves as the largest local economy in southern Philippines?

More importantly, do you know what is driving the economy of the city? These are the large, medium, small and micro enterprises. Of the number of businesses in the city, the micro, small, and medium enterprises (MSMEs) make up 99.7%. According to City Mayor Sarah Duterte-Carpio, a multi-million investments of one firm is small compared to the combined MSMEs which can spur development in their local economy. This is why the city government is focusing on the MSMEs.

Helping Micro businesses Grow

As of June 2017, microenterprises comprise 90.2% of the nearly 40,000 enterprises in Davao City—making them one of the most important development agents in the city. Not only do they generate employment, capital, and profit on a consistent basis, their sheer number and presence also boost the city’s economy.

The local government provides assistance to the microenterprise

sector through the establishment and management of Department of Trade and Investments (DTI’s) Negosyo Center at the Davao City Investment Promotion Center (DCIPC) in July 2015. Since then, two other Negosyo Centers were added in the city. These centers help in business registration using the Philippine Business Registry System, business consultancy in partnership with different government agencies, and provide financial support to microenterprises, ranging from P1 million to P3 million.

Magnegosyo ‘Ta Day: Developing Social Women Entrepreneurs

Magnegosyo ‘Ta Day, a program for women initiated by Mayor Inday Sara Duterte during her term in 2010 to 2013, is being re-launched this year (2017) because of its success. The Dabawenyas, particularly, those women from indigenous groups and community-based organizations, who are victims of poverty and injustice are provided with economic opportunities, sources of income and training. The program develops them as social

entrepreneurs who will be integrated into the mainstream economy.

APPEND in Davao City

APPEND has microfinance operations in Davao City through two of its members namely, Taytay sa Kauswagan, Inc. (TSKI) and Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (KMBI). TSKI has three branches located in Matina, Calinan, and Toril. These three branches currently serve 6,318 micro-entrepreneurs. While KMBI has a branch in San Pedro, Davao City which oversees the operations in the province. They have 3,783 clients in the city alone. Altogether, the APPEND group is reaching 10,101 micro-entrepreneurs and their families in Davao City.

(Special thanks to Christian D. Cambaya Unit Head, Investor Assistance & Servicing, Davao City Investment Promotion Center and Jaira Mara M. Lagdameo, Investment & Trade Promotion & Generation Unit, Davao City Investment Promotion Center)

by Gloria Guevarra

Page 27: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa
Page 28: Spotlight on Davao City Fashionista na, Eco-friendly pa