sanaysay-suri 101.pptx

17
Isang pagsusuri ng Sanaysay: “Ako’y Isang Tinig” ni: Genoveva Edroza Matute Robelyn M. Sabio

Upload: jessa-mae-jaco

Post on 10-Dec-2015

290 views

Category:

Documents


28 download

TRANSCRIPT

Isang pagsusuri ng Sanaysay:“Ako’y Isang Tinig”

ni: Genoveva Edroza Matute

Robelyn M. Sabio

Si Genoveva Edroza-Matute ay pinanganak siya noong ika-3 ng Enero 1915. Namatay siya noong Marso 21, 2009 sa edad na 94. Ikinasal siya kay Epifano Matute.

Isa siyang premyado at kilalang manunulat. Siya ay nagtapos sa University of Santo Tomas kung saan din siya nagkamit ng Ph. D. Nagturo siya ng 46 na taon sa mga paaralang bayan at nagretiro bilang dekana ng pagtuturo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. 

Sa karera niya bilang manunulat, nakatanggap siya ng maraming parangal  mula sa Palanca, PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo Tomas College of Education at marami pang iba. Natamo niya ang unang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino noong 1951, para sa kwentong Kwento ni Mabuti.

Nagwagi rin ng Gawad Palanca ang kanyang kwentong Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang Parusa noong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP para sa Sining/Panitikan noong taong 1992.

Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling Kuwento" ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University Press at ang "Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Noong 2005, ginawaran ng pagkilala ang kanyang mga kontribusyon sa panitikang Pilipino ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Namatay siya noong Marso 21, 2009 sa edad na 94.

G.E.M

Rationale: “Ako’y Isang Tinig”

• Isinulat ang sanaysay na ito sa Ikalawang Republika • Isa ito sa mga sanaysay na nakapaloob sa "Ang Tinig ng Damdamin"

ng De La Salle University Press.• Ito ay isang panawagan ng may-akda sa pag-asang magbabago ang

panahon dahil sa pagkamulat ng mga Pilipino sa kahayupan ng mga dayuhan.• Kakambal ng kuwento rito ang sinasagisag na kuwento nina Juan

Bautista at HesuKristo, dalawang alagad ng Diyos na siyang nagpalaya sa buong sangkatauhan.

Makahulugan ang simula ng “Ako’y Isang Tinig”

Ako’y isang tinig sa ilang. Sa isang malaki at malawak na ilang. Ang tinig ko’y gumigimbal sa katahimikan ng paligid, sinasalo ng malalabay at matitipunong bisig ng mga punungkahoy. Ang taginting ng aking tinig ay inihahain ng kanilang nangagdipang kamay sa bughaw na nakatunghay: bilang isang panalangin.Malinaw na ang manunulat ang nasa loob ng ng talatang ito.Dito ay hindi pa sinasali ng may-akda ang

mambabasa.

Ngunit ang bughaw na kawalang-hanggan lamang ang nakaririrnig sa aking tinig.

Tunay ngang walang nakaririnig sa tinig ng manunulat sapagkat sinadya niya na hindi isali ang mga mambabasa.

Layunin ba ng manunulat na hindi isama ang mambabasa o hindi?

Ang mga kapwa ko nilalang ay nagpipinid ng pandinig sa aking namamaos nang tinig. Ako’y isa lamang tinig sa ilang.

Hindi intensyon ng manunulat na hindi isama ang mambabasa sa puntong ito, bagkus gusto pa niyang ipagpilitan ito sa kanila (atin).

Katulad ni Juan Bautista na naitatalinghaga sa mga salita sa sanaysay, ang tinig sa ilang na binabanggit dito ay ang tinig mismi ng manunulatat kinakailangan ng mga mababasa ang lakas ng loob upang marinig ang tinig, dahil hindi lamang nais na kilitiin ng manunulat ang tainga ng mga mambabasa kundi pati na rin ang damdamin nito.

Manainga kayo:Dito na maliwanag na isinasama ang manunulat ang mambabasa(nanawagan at namumukaw ng

kamalayan). At nailagay na sa lugar ng pag-aalinlangan ang mga mambabasa.

Sino ba ang manunulat na ito?

Ang sagisag na ginamit ni Matute sa sanaysay ay ang salitang lupa: “Ang kayumangging lupa ay nasa aking dugo.”-ang tinutukoy dito ay ang mismong buong lahi, ang ksaysayan, ang mismong kamalayan ng manunulat ay kaugnay ng lupa.“Ang lupang ito ay kami.”

Binanggit ko ang mga unang talata ng sanaysay upang maipakitang ang sanaysay ay nagsimula bilang personal at walang kinalaman sa lipunan at maging sa mamababasa man lamang, at ito ay unti-unting nagpapatuloy tungo sa kamalayan ng lipunan o ng mambabasa. Biglang dinadala ng manunulat ang mambabasa tungo sa totoong buhay.

“Ngunit ang lupang ito’y hindi amin.”Maliwanag na ang tinutukoy dito ay ang lupang nagbibigay-kahulugan sa ating sariling pagkatao. Alam naman natin ang nangyari sa ating lupa natin mahigit sa apat na dantaon na ang nakaraan: dumating ang mga dayuhan at hindi na sila umalis. Sapagkat maging sa kasalukuyan ay naririto pa rin sila.

Wakas: Dayuhan at Tanikala

-ang tinutukoy na mga dayuhan sa sanaysay ay hindi ang mga Kastila, ito ay ang mga Hapon , na siyang dahilan upang mamundok ang manunulat: “At ako’y namundok.” Hanggang sa wakas ng sanaysay ay tanikala pa rin ang sigaw ng tinig ng manunulat. Tanikala sa ating lupa (bansa) mula sa mga dayuhan at maging ang pagka-alipin din ng ating kamalayan.

Sa bandang huli rin ng sanaysay ay biglang lumaki ang saklaw ng sanaysay sa halip na humigit kumulang lamang sa tatlong taon na pagpapahirap ng dayuhan, ay biglang naging:• “libu-libo pang Isang at libu-libo pang Epang”. Ang nais ipabatid ng manunulat ay hindi lamang tatlong taon kundi dantaon na paghihirap para sa lupa (bansa). Pinalawak ng manunulat ang kaniyang tingin at ang kaniyang nakikita ngayon ay ang buong bayang Pilipinas at ang buong kasaysayan na. Kalakip dito ang nakikita niya na kinabukasan ng ating bayan: • “Sa paligid-ligid ay nababasag ang nakahihindik na

katahimikan ng mga taon.”• Nagtapos ang sanaysay sa pag-asang magbabago ang panahon dahil sa

pagkamulat ng mga Pilipino sa kahayupan ng mga dayuhan.

Pagsusuring pangnilalaman

• Impormal na sanaysay - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro. • PAKSA-imulat ang mga mambabasa sa kahayupan ng mga dayuhan partikular na ang mga Hapon at magbabago ang bansang Pilipinas mula sa ganap na paglaya hindi lang ng bayan kundi pati ang damdamin ng mga Pilipino.

• WIKA-matatalinghaga• HIMIG- himig na parang nakikipag-usap• ANYO at ESTRUKTURA– ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.-maayos at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

Bahagi ng Sanaysay

• Panimula• Sinimulan ang sanaysay sa mga hinaing ng manunulat tungkol sa pagpipinid ng mga

tainga ng mga mambabasa.• Katawan• Tinalakay sa katawan ng sanaysay ang mahahalagang puntos na nais ipaabot ng

manunulat sa sambayanang Pilipino lalo na sa mga dayuhang sumakop sa bansa pati na ang kanilang naiwang mga impluwesiya na magpahanggang ngayon ay nanatili pa rin sa kamalayan at buhay natin.• Wakas• Nagwakas ang sanaysay sa panawagan ng tinig ng manunulat na magkaroon ng

ganap na kalayaan ang Pilipinas hindi lamang sa ating bayan kundi pati na rin sa mga damdamin at kaugalian ng mga Pilipino.

Simbolismo

Tinig-tinig ng manunulat, ng lahat ng manunulat at hindi lamang ni Matute, ang siyang magpapalaya sa sambayanan, dahil mamumulat ang sambayanan sa dapat ipamulat.Lupa-tumutukoy ito sa bansang Pilipinas pati na ang mamamayang Pilipino.“libu-libo pang Isang at libu-libo pang Epang”. -tumutukoy ito sa taon na magiging alipin tayo ng mga dayuhan kung hindi tayo mamumulat.

Teorya

Teoryang RealismoPangunahing layunin ay ang pagtalakay sa mga

problemang panlipunan ng isang tiyak na panahon at lugar. Sinisiyasat nito ang mga sistema at pwersang panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa tao. -----COLONIAL MENTALITY------#WIKA-mas maraming mga Pilipino ang bihasa sa wikang Ingles kaysa sariling wika at sinasabing “akward” kapag magsasalita sa wikang Filipino.#PANANAMIT/tradisyon-unti-unti ng nawawala ang tradisyon ng mga Pilipino dahil sa unti-unting pagyakap nito sa mga kultura ng ibang bansa.-Ang dating halos balot, ngayon ay ubod iksi na ang sinusuot.

Panunuring Pangkaisipan

• PAHIWATIG• Ang sanaysay na ito ay nagpapahiwatig sa bawat isa sa atin na

manainga tayong mga Pilipino upang ganap tayong lumaya mula sa mga dayuhang sumakop sa atin.

“Ang mga kapwa ko nilalang ay nagpipinid ng pandinig sa aking namamaos nang tinig. Ako’y isa lamang tinig sa ilang. Manainga kayo:”

Mga Aral at Implikasyon

• Mamulat sa katotohanang magpa hanggang ngayon, tayo ay hindi parin ganap na malaya.• Makiisa sa pagkamit ng tunay na kasarinlan ng bayan bilang isang

kabataan.

WAKAS.!