sanaysay

2
SINAG Kunot noong iminulat ko ang aking mga mata. Agad akong tumayo at hinawi ang kurtinang itim na nagbibigay daan sa marahas na sinag ng araw na nakasakit sa aking mga mata. Tangahali na pala, gabi na kasi nang akoy matulog at hindi na namalayan ang oras sa kakaisip ng kung ano ano. Bumaba ako ng aking silid at dumeretso sa kusina. Hindi na ako nagtaka kung bakit wala na akong nadatnang tao sa paligid. Lunes ngayon, lahat sila’y nasa kanya kanyang klase at trabaho. Naghanda ako ng aking makakain. Isang mainit na kape at iilang piraso ng tinapay na may keso. Habang kumakain, napabuntong hininga ako, ilang buwan na rin pala mula ng nakatanggap ako ng bagsak na grado mula kay Mrs. Cruz, ang aking guro sa trigonometriya. Ilang buwan na rin na hindi ako tumatapak sa sahig ng aming paaralan. Ano na kaya ang nagaganap roon? Humigop ako ng mainit na kape, mainit man at nakakapaso ay hindi ko ito inalintana, para sa akin ay sanay na ako sa sakit na dulot ng pagkapaso. Namanhid na kung ano man ang dapat na masaktan sa mga parte ng aking katawan. Ang isip ko ay tila sumasang-ayon na rin, wala na akong nadarama. Hindi ako masaya, malungkot o galit. Basta wala, wala akong nadarama. Matapos kumain ay lumabas ako ng aming tahanan. Naglibot libot ngunit para akong zombie na naglalakad sa kawalan, hindi alam kung saan tutungo. Maganda ang village namin, puno ito ng berdeng mga halaman, nagagandahang mga bahay, at malilinisna kalsada. Nadaanan ko ang bahay ni Aling Nena, puno ito ng mga Ochids at ibat ibang nagagandahang halaman. Nakasalubong ko si Chichay, ang pinakamakulit na bata sa village. “Hi Ate, magandang araw. Smile ka naman diyan!” sambit niya tumango ako at patuloy na naglakad. Sa kanto ay di mag kaumayaw tao sa isang napadaang kariton na puno ng 1

Upload: mariel-simora

Post on 14-Dec-2015

224 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Retorika

TRANSCRIPT

Page 1: SANAYSAY

SINAG

Kunot noong iminulat ko ang aking mga mata. Agad akong tumayo at hinawi ang kurtinang itim na

nagbibigay daan sa marahas na sinag ng araw na nakasakit sa aking mga mata. Tangahali na pala, gabi na kasi

nang akoy matulog at hindi na namalayan ang oras sa kakaisip ng kung ano ano. Bumaba ako ng aking silid at

dumeretso sa kusina. Hindi na ako nagtaka kung bakit wala na akong nadatnang tao sa paligid. Lunes ngayon,

lahat sila’y nasa kanya kanyang klase at trabaho. Naghanda ako ng aking makakain. Isang mainit na kape at

iilang piraso ng tinapay na may keso. Habang kumakain, napabuntong hininga ako, ilang buwan na rin pala

mula ng nakatanggap ako ng bagsak na grado mula kay Mrs. Cruz, ang aking guro sa trigonometriya. Ilang

buwan na rin na hindi ako tumatapak sa sahig ng aming paaralan. Ano na kaya ang nagaganap roon? Humigop

ako ng mainit na kape, mainit man at nakakapaso ay hindi ko ito inalintana, para sa akin ay sanay na ako sa

sakit na dulot ng pagkapaso. Namanhid na kung ano man ang dapat na masaktan sa mga parte ng aking

katawan. Ang isip ko ay tila sumasang-ayon na rin, wala na akong nadarama. Hindi ako masaya, malungkot o

galit. Basta wala, wala akong nadarama.

Matapos kumain ay lumabas ako ng aming tahanan. Naglibot libot ngunit para akong zombie na

naglalakad sa kawalan, hindi alam kung saan tutungo. Maganda ang village namin, puno ito ng berdeng mga

halaman, nagagandahang mga bahay, at malilinisna kalsada. Nadaanan ko ang bahay ni Aling Nena, puno ito ng

mga Ochids at ibat ibang nagagandahang halaman. Nakasalubong ko si Chichay, ang pinakamakulit na bata sa

village. “Hi Ate, magandang araw. Smile ka naman diyan!” sambit niya tumango ako at patuloy na naglakad. Sa

kanto ay di mag kaumayaw tao sa isang napadaang kariton na puno ng magaganda ngunit murang mga damit.

Dumeretso ako sa parke at nagmuni muni. Madilim ang kalngitan, maya maya ay bumuhos ang malakas na ulan

Pumikit ako at dinama ito. Nanatili akong nakaupo hanggang sa magdilim na ng tuluyan ang paligid.

Habang tayo ay nabubuhay, ibat ibang emosyon an gating nadarama. Minsan nababalot tayo ng saya, o

di naman kaya ay lungkot. Minsan ay nagagalit tayo, natatakot at namamangha. Lahat ng emosyong ito ay

nagpapatunay lamang na tayo ay nabubuhay, na tayo ay humihinga. Ngunit sapat ba humihinga tayo at emosyon

upang masabing tayo ay buhay?

1